Professional Documents
Culture Documents
Mga Isyung Lokal Sa Pilipinas
Mga Isyung Lokal Sa Pilipinas
KAHIRAPAN
Ang kahirapan ay tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao na walang sapat na pag-aaring
materyal o salapi. Ito ang isa sa pinakamabigat na problema ng bansa.
Uri ng Kahirapan
Absolutong kahirapan- kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon ng mga pangunahing mga
pangangailangang pantao, katulad ng malinis na tubig, nutrisyon, kalusugan, kasuotan, at tirahan.
Relatibong kahirapan- kalagayan ng pagkakaroon ng mas kakaunting kita kaysa ibang mga tao sa loob
ng isang lipunan o bansa, o kapag inihambing sa mga karaniwang bilang sa buong mundo.
Labis na Panggastos at Pangungutang- ang paggastos nang labis na higit sa kinikita ay maaaring
magresulta sa pangungutang. Ito ang dahilan ng pagkabaon o pagkalubog sa pagkakautang ng isang tao o
pamilya.
1
Bb. Daisy Fillo
SERBISYONG PABAHAY
Ayon sa National Housing Authority (NHA), ang pabahay ay hindi lamang pagkakaroon ng bubong na
masisilungan. Ito ay nararapat na nagbibigay ng tulong, serbisyo at pagkakataon upang umangat at mapabuti
ang kalidad ng buhay ng mga benepisyaryo sa isang bagong komunidad at kapaligiran
1. Ligal na Seguridad sa Paninirahan (legal security of tenure) - isa itong ligal na anyo ng proteksyon
na magtitiyak sa paninirahan ng mamamayan sa kanilang tahanan at komunidad
2. Matatamong serbisyo, materyales at imprastraktura (availability of services, materials and
infrastructure) – malapit sa likas na yaman, ligtas na inuming tubig, gas sa pagluluto, kuryente, sanitasyon at
labahan, tanggalan ng pagkain, tapunan ng dumi at mga serbisyong agarang kailangan (emergency services)
3. Kayang-kayang matamong paninirahan (affordable housing) - hindi dapat magamit sa gastusin sa
pagpapagawa at pagpapayos ng bahay ang salaping nakalaan na para sa pagkain, edukasyon at pananamit
4. Bahay na matitirahan (habitable housing) - ang bahay ay may sapat na espasyo, maluwag para sa
titira, may bentilasyon, at yari sa matitibay na materyales na magtitiyak na ang mga titira ay madedepensahan
laban sa lamig, init, hamog, ulan, hangin, o anumang banta sa kalusugan, mapanganib na istruktura, at sakit
5. Kayang puntahang pabahay (accessible housing) - madaling puntahan ang lugar. Kailangang unahin
sa mga proyektong pabahay ang mga biktima ng kalamidad, mga may kapansanan, at iba pa
6. Lokasyon (location) - ang pabahay ay dapat na malapit sa lugar ng trabaho at mga serbisyong
panlipunan katulad ng eskwelahan, palengke, ospital, libangan, libingan, at iba pa;
7. Sapat na pangkulturang pabahay (culturally adequate housing) - ang disenyo ng pabahay ay dapat
na may paggalang sa identidad o kultura ng mga naninirahan, halimbawa'y tribung lumad, muslim o kristyano.
2
Bb. Daisy Fillo
Mga Ahensya sa Pabahay
- Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) - ito ang direktang ugnayan ng pamahalaan sa
mahihirap at tagasubaybay hinggil sa mga polisiya at programa ng gobyerno sa pabahay
- Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) –pinakamataas na konseho sa
pabahay na gumagawa at nagpapasya sa patakaran at nagbibigay ng pangkalahatang direksyon para sa
pagsulong ng disente at abot-kayang pabahay sa mga pamilyang mahihirap
KALUSUGAN
Ang kalusugan ay ang kalagayan ng pagiging matimbang kabilang na ang mga pinapasok at inilalabas na
mga enerhiya at materyal sa katawan. Pinapahiwatig ng kalusugan ang magandang pag-asa para sa patuloy na
buhay.
Ayon sa Samahan ng Pandaigdigang Kalusugan, ito isang kalagayan ng buong pangkatawan,
pangkaisipan at panlipunang kagalingan, at hindi lamang binubuo ng pagkawala ng sakit o kahinaan.
Inilarawan ng World Health Organization ang Filipino Healthcare System na “fragmented” ito o hindi
pantay-pantay dahil ang may kakayahang makakuha ng dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa bansa ay ang
mga mayayayaman lamang. Marami sa mga mahihirap ang tinitiis na lang ang sakit o hindi kaya ay dinadaan na
3
Bb. Daisy Fillo
lang sa pag-inom ng pain reliever ang iniindang karamdaman kaysa sumangguni sa ekspeto dahil sa takot sa
malaking gastusin ng pagpapagamot.
Ayon naman sa pag-aaral ng non-government organization na Third World Health Aid, 8 sa 10 Pilipino
ang hindi naranasang magpakunsulta sa doktor. At bagaman mayroong umiiral na subsidized social health
insurance sa bansa, marami pa rin ang hirap makapagpagamot
Ayon sa Asian Development Bank (ADB), ang mga pampublikong pasilidad sa pangangalagang
pangkalusugan ay kadalasang sira na at nagbibigay ng mahinang diagnosis at namamahagi ng mababang
kalidad na mga gamot at suplay. At ang oras ng paghihintay ay kadalasang matagal habang ang mga
manggagawa o kawani ang kulang sa kinakailangang mga kasanayan.
Mas marami rin ang mga pribadong ospital kaysa sa mga pampublikong pasilidad. Isa pa, apat lamang sa
17 na rehiyon ng bansa ang “tumugon sa rekomendasyon ng WHO ng pagkakaroon ng 20-kamang ospital kada
1,000 populasyon.”
Sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan lamang, ang mga mayayaman at mahihirap ay maliwanag
na pinaghihiwalay ng mga pampubliko at pribadong sektor ng kalusugan. Ang pribado na nag-aalok ng mas
mataas na kalidad ng pangangalaga ay nabibilang sa mga may kakayahan na bayaran ang mga ito ngunit ang
mga walang kakayahan ay nananatili sa pampublikong pangangalagang pangkalusugan, kung saan madalas na
inaasahan ang substandard na pagtrato, pangangalaga at panggagamot.
May iilan din na substandard ang serbisyo sa mga pribadong pasilidad ng kalusugan. Ito ay dahil sa di-
mabuting regulasyon at nakalalamang na pagganyak upang gawin ang sosyal na serbisyo bilang isang mas
kumikitang industriya. Kahit na sinusubukan ng gobyerno na tugunan ang mga isyu sa sektor ng kalusugan, ang
sistema ng pangangalagang pangkalusugan ay nangangailangan pa rin ng higit na konsentrasyon at pagpopondo.
Sa pamamagitan ng pagtaas ng mga gastos sa pangangalaga sa paggamot, mga pagsusuri sa laboratoryo
at diagnostic, at mga gamot at mga medikal na supply, ang budget para sa pampublikong kalusugan ay lubhang
nagdurusa. Dahil sa kakulangan ng subsidy ng pamahalaan, karamihan sa mga pampublikong ospital ay nasa
lumalalang sitwasyon ngayon.
Ayon sa resulta ng Pulse Asia survey, itinuturing ng halos dalawa sa bawat tatlong Pilipino (63
porsiyento) ang naniniwalang ang kalusugan ang kanilang pangunahing pangangailangan. Kasama ito sa iba
pang pansariling isyu gaya ng pagkakaroon ng matatag na hanapbuhay (44%), edukasyon (41%) at sapat na
pagkain araw-araw (41%).
Batay sa estadistika mula sa World Health Organization (WHO) at Department of Health (DoH), ang
mortality rate sa Pilipinas ay umaabot sa 204 sa bawat 100,000 isinisilang noong 2015. Napakataas nito kung
ihahambing sa hangarin sa ilalim ng Millennium Development Goals na 52 namamatay sa bawat 100,000
isinisilang.
Ayon pa rin sa WHO at DoH, 75,000 mga bata (may gulang na mababa sa limang taon) ang namamatay
bawat taon. Hindi ito katanggap-tanggap. Anuman ang kalagayan ng ekonomiya at lipunan, dapat mabigyan ng
mataas na uri ng pangangalaga sa kalusugan ang mga ina at supling.
Kaugnay ng isyung ito ang pagtatayo ng mga ospital. Batay sa tala ng DoH, noong 2009 ay may
kabuuang 94,199 hospital bed ang Pilipinas, o 1.04 sa bawat 1,000 Pilipino. Mababa ito sa rekomendasyon ng
WHO na 20 hospital bed sa bawat 10,000 populasyon.
Kung titingnan ang tala batay sa mga rehiyon, makikita ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng mga
rehiyon. Ang National Capital Region (NCR) ay may 2.47 hospital bed sa bawat 1,000 populasyon samantalang
ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay mayroon lamang 0.17 hospital bed sa bawat 1,000
populasyon; ang CARAGA ay may 0.70/1,000; at ang Bicol Region ay… may 0.76/1,000.
Tandaan:
Nilalaman ng Pagsubok sa Filipino- Korapsyon, Konsepto ng Bayani, Mga Isyung Lokal sa Pilipinas
4
Bb. Daisy Fillo