Banghay Aralin KODIGO NI HAMMURABI AT MANU SA KABABAIHAN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin

Araling Panlipunan Baitang VII

I. LAYUNIN NG PAGKATUTO
Learning Competency:
Nasusuri ang mga kalagayang legal at tradisyon ng mga kababaihan sa
iba’t ibang uri ng lipunan.
Mga Tiyak Na Layunin
1. makapagbibigay ng bahaging ginagampanan ng mga kababaihan sa sinaunang
lipunan.
2. napapahalagahan ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang lipunan

II. PANGNILALAMAN NG PAGKATUTO

A. Paksa: KODIGO NI HAMMURABI AT MANU SA KABABAIHAN


AT SINAUNANG LIPUNAN
B. Kagamitan: manila paper, pentel pen, litrato
C. Sanggunian: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, p. 164-166
D. Pagpapahalaga: Pagkakapantay pantay sa karapatan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

1. Pagbabalik-aral
Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga katanungan tungkol sa pilosopiya
sa Asya.
 Anu-ano ang mga Pilosopiya sa Asya?
 Sino ang mga pilosopong nagtatag nito?.

2. Pagganyak
Panuto: Subukang alamin ang paksang aralin sa pamamagitan ng mga
larawan.

B. PAGLINANG NG ARALIN
1. Paglalahad
Ngayon, dahil may kaalaman na kayo tungkol sa mga Pilosopiya sa Asya,
dadako na tayo sa ating bagong aralin tungkol sa Kodigo Ni Hammurabi At Manu Sa
Kababaihan At Sinaunang Lipunan.
2. Pagtatalakay
A. Pagtutuklas ng mga Dating Kaalaman

Kodigo Ni Hammurabi Sa Kababaihan

 Itinuturing ang mga babae na parang produkto na ibinebenta at binibili sa kalakalan.


 Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote.
 Kahit bata pa lamang ang babae ay ipinagkakasundo na siya hanggang umabot sa sapat
na gulang.
 Ayon pa rin sa batas ni Hammurabi, ang babaeng hindi tapat sa kaniyang asawa ay
parurusahan ng kamatayan.
 Sa oras na mahuli siya na nakikipagtalik sa ibang lalaki pareho silang itatapon sa dagat
hanggang malunod
 Pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kaniyang asawa at mga anak. Mahigpit ang
pagbabawal sa paglahok ng babae sa kalakalan

Kodigo Ni Manu Sa Kababaihan

 Ang Kodigo ni Manu ay nagtatakda rin ng mga batas tungkol sa kababaihan.


 Ang isang Brahmin o pari sa Hinduismo ay hindi pinapayagan na makipagtalik sa isang
mababang uri ng lipunan dahilan na siya ay mapupunta sa impyerno.
 Ipinagkakaloob ang dote sa pamilya ng babae at hindi sa kaniya.
 Ang mga ritwal na may kaugnayan sa kababaihan ay hindi kinikilala.
 Ayon din sa kodigo, ang agwat ng edad ng lalaki sa kanyang magiging asawa ay tatlong
beses ang tanda ng lalaki sa kaniyang asawang babae.
 Isa pa na inuutos ng kodigo ay hindi dapat tututol ang ama na ipagkasundo ang anak na
babae na ipakasal dahil ito ay isang malaking paglabag na katumbas ay pagpapalaglag sa
sanggol.

B. Kolaboratibong Gawain

Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat. Gamit ang Venn diagram, ipapakita ng
bawat pangkat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Kababaihan sa Kodigo ni Hammurabi
at ni Manu.

KODIGO NI KODIGO NI
PAGKAKATULAD
HAMMURABI MANU
C. Pagpapahalaga sa Pagkatuto

 Sang ayon ba kayo sa Batas ni Hammurabi at ni Manu ? Bakit?


 Bilang mag-aaral, paano mo mapapahalagahan ang mga kababaihan ?

C. PANGWAKAS NA GAWAIN

1. Paglalahat

 Ano ang kalagayan ng kababaihan sa sinaunang lipunan?


 Ano ang bahaging ginampanan ng kababaihan sa sinaunang lipunan?
 Bakit limitado ang karapatan ng kababaihan sa lipunan?
 Sa kabila ng mababang pagtingin ng lipunan paano sila naging
makabuluhang bahagi sa pagbuo at pagpapayaman ng Sibilisasyong
Asyano?
2. Paglalapat

Panuto: Kumuha papel dito sa harap na may nakasulat na mga pahayag at ilagay sa
tamang hanay kung ito ba ay nasa Kodigo ni Hammurabi o Kodigo ni Manu.

KODIGO NI HAMMURABI KODIGO NI MANU

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang H kung ang pahayag ay tungkol sa Kodigo ni Hammurabi at M


naman kung tungkol sa Kodigo ni Manu.

__1. Itinuturing ang mga babae na parang produkto na ibinebenta at binibili sa kalakalan.

__2. Ang babaeng hindi tapat sa kaniyang asawa ay parurusahan ng kamatayan.

__3. Pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kaniyang asawa at mga anak.

__4. Nakipagrelasyon sa mataas na uri ng lalaki sa lipunan ay mapupunta sa impyerno.

__5. Bata pa lamang ang babae ay ipinagkakasundo na siya hanggang umabot sa sapat na
gulang.

__6.Ang agwat ng edad ng lalaki sa kanyang magiging asawa ay tatlong beses ang tanda ng
lalaki sa kaniyang asawang babae.

__7. Ipinagkakasundo ang babae sa ibang lalaki kapalit ng pera at dote.

__8. Hindi dapat tututol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae na ipakasal dahil ito ay
isang malaking paglabag na katumbas ay pagpapalaglag sa sanggol.

__9. Ang isang Brahmin o pari sa Hinduismo ay hindi pinapayagan na makipagtalik sa isang
mababang uri ng lipunan dahilan na siya ay mapupunta sa impyerno.

__10.Sa oras na mahuli siya na nakikipagtalik sa ibang lalaki pareho silang itatapon sa dagat
hanggang malunod.

V. TAKDANG ARALIN
Sa ating tinalakay, hanggang ngayon ba ay nangyayari pa ito sa mga bansang
Asyano? Magbigay ng halimabawa at ipaliwanang.

Inihanda ni: Inez Jayne A.Peralta

You might also like