Chapter 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

UNIVERSITY of the ASSUMPTION

Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

EPEKTO NG PAMILYA SA MGA MAG-AARAL

Isinumite ng:

GROUP 2

JURADO, JAMES DANIEL D.

LEPATAN, JAMES A.

LUMBA, ANA JANINA E.

NAVARRO, YURI M.

RAMOS, NIEL HALDANE G.

TOLENTINO, CHID STEFHEN C.

ZAPATA, ALIESA A.

11 - ST. MARTIN DE PORRES

Isinumite kay:

Gng. Jeramie Ann V. Santos

Guro
UNIVERSITY of the ASSUMPTION
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

KABANATA 2

DISENYO NG PANANALIKSIK

Kwalitatibong pananaliksik ang ginamit sa pagkuha ng impormasyon patungkol


sa epekto ng pamilya sa mga mag-aaral. Ayon kay (Clairde, 2017), ang kwalitatibong
pananaliksik ay kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay
malalimang unawain ang paguugali at ugnayan ng mga tao at ang dahilan na
gumagabay rito. Ang disenyong ito ay pinapatnubayan ng paniniwalang ang pag-
uugali ng tao ay laging nakabatay sa mas malawak na kontekstong pinangyayarihan
nito at ang mga panlipunang realidad gaya ng kultura, institusyon, at ugnayang pan-
tao na hindi maaaring mabilang o masukat.

Ang pag-aaral na ito ay mayroong uri ng disenyo ng pananaliksik na kung saan


ay tinatawag na penomenolohiyang pag-aaral. Isinaad ni (Leongson, 2018), ang
penomenolohiya ay uri ng pananaliksik na nakatuon sa buhay na karanasan ng mga
kalahok sa pananaliksik ukol sa isang penomenon. Layunin ng ganitong pananaliksik
na direktang imbestigahan at isalaysay ang isang penomenon na malay na naranasan
ng tao. Kalimitang ginagamit ang panayam, obserbasyon, pagsusuri ng naratibo, at
pagdodrowing sa pangangalap ng impormasyon.

MGA KALAHOK

Sa pag-aaral na ito makikipanayam ang mga mananaliksik sa mga mag-aaral sa


11-St. Elizabeth of Hungary ng Unibersidad ng Assumption Senior High School para
malaman kung ano ang mga epekto ng kanilang mga pamilya sa kanila at sa kanilang
pag-aaral. Mayroong apat napu't lima (45), labintatlo (13) na mga lalake at tatlompu’t
dalawa (32) na mga babae. Mula sa apat napu’t limang kalahok ay kukuha lamang
UNIVERSITY of the ASSUMPTION
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

ang mga mananaliksik ng sampu (10) na mga kalahok kung saan lima (5) na lalake at
lima (5) na babae ang mga mapipili para sa pananaliksik na ito.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang paraan ng pagkalap ng mga datos at impormasyon ay sa pamamagitan ng


pakikipanayam o pagtatanong sa mga napiling kalahok. Ang mga mananaliksik ay
mayroong nakahandang mga katanungan na ipapasagot sa mga mag-aaral upang
makakalap ng sapat na impormasyon.

Ang target na populasyon ay manggagaling sa isang section mula sa Grade 11


Senior High School ng Unibersidad ng Assumption. Upang makakuha ng halimbawa
mula sa target na populasyon, ang gagamitin na sampling method ng mga
mananaliksik ay ang stratified sampling. Ayon kay (Dirain, 2014), sa metodong
stratified ay hinahati ng mga mananaliksik ang populasyon sa mga subgroups na
tinatawag na strata, isang grupo na binubuo ng mga miyembrong magkakaranggo sa
lipunan, at pinipili ang mga kalahok sa mga grupong ito. Ipaghihiwalay ng mga
mananaliksik ang mga mag-aaral na lalake mula sa mga babaeng mag-aaral upang
makabuo ng dalawang grupo. Mula sa dalawang grupo, pipili ng limang babae at
limang lalakeng mag-aaral na makakapanayam ng mga mananaliksik. Ang pagpili ng
limang babae at limang lalakeng mag-aaral ay gagamitan ng random sampling
method. Maghahanda ang mga mananaliksik ng isang kahon na may lamang maliliit
na pirasong papel na hugis puso. Blanko at walang sulat ang mga papel na ito maliban
sa sampung pirasong hugis pusong papel. Ang mga nakabunot ng papel na hugis puso
ngunit blanko at walang sulat ay hindi magiging kalahok sa pananaliksik na ito. At ang
mga mag-aaral nakabunot naman mg papel na hugis puso at mayroong nakasulat na
kalahok ay ang mga magiging kalahok sa pananaliksik at sasagot sa mga hinandang
mga katanungan ng mga mananaliksik.
UNIVERSITY of the ASSUMPTION
Unisite Subdivision, Del Pilar, City of San Fernando, 2000 Pampanga, Philippines

TRITMENT NG MGA DATOS

Bago ipag sama-sama ang mga datos mula sa mga kalahok, ay gagawin muna
ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: una ay kukuha ang mga mananaliksik ng
liham ng pahintulot mula sa kanilang guro sa pananaliksik, upang makahingi ang mga
mananaliksik ng permiso mula sa mga kalahok kung sila ay sumasang-ayon na sila’y
makipagtulungan sa pakikipanayam ng mga mananaliksik.

You might also like