Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan

EKONOMIKS 9

I. Layunin:
Sa loob ng 60 na minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng Sektor ng Industriya tungo sa
……… .masiglang ekonomiya.
2. Nailalarawan ang iba’t ibang sekondaryang sektor na bumubuo sa .
…………sektor ng Industriya sa pamamagitan ng iba’t ibang presentasyon.
3. Napahahalagan ang papel ng Sektor ng Industriya bilang
…tagapagtaguyod ng pambansang pag-unlad.

II. Paksang Aralin:


Paksa : Sektor ng Industriya
Sanggunian : Ekonomiks 9 Modyul para sa mag-aaral : Sektor ng Industriya
pahina 430-441
Kagamitan : laptop, telebisyon , aklat , tulong biswal

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


a. Panalangin Sagot

“Hinihiling ko ang lahat na “Amen!”


tumayo para sa ating
panalangin”

b. Pagbati

“Magandang umaga sa inyong “Magandang umaga po Sir”


lahat”

c. Pagtala ng Lumiban

“Sino ang lumiban sa klase?” “Wala po Sir”

d. Paglalahad ng Panuntunan

“Ano ang dapat gawin kung “Makinig ng mabuti at wag


magsisimula na ang klase” …..mag-ingay po Sir”

B. Balik Aral

“Sino ang naka-alala sa ating “Sektor ng Agrikultura po Sir”


nakaraang aralin”

“Ano-ano ang bumubuo sa “Paghahalaman, Paghahayupan,


..sektor ng agrikultura?” .. Pangingisda , Paggugubat po Sir”
C. Pagganyak ( Motivation )

Pagpapakita ng isang video kung paano ginagawa ang isang partikular


……na produkto ( Bola ).

“Ano ang ipinalabas sa video?” “Paggawa ng produkto po Sir “

“Paano nagagawa ang mga “Sir ,Sa pamamagitan ng paggamit


produkto ?” …..ng hilaw na materyales, ito ay
…..dumadaan sa proseso upang
…..gawing tapos na produkto
…..halimbawa nito ay ang bola na
…..kung saan pinoproseso ito mula sa
…..goma.”

Mahusay!

Anong sekondaryang sektor ng “Sektor ng Industriya po Sir”


ekonomiya napapaloob ang
transpormasyon ng mga
produkto ?

D. Paglalahad ng Aralin at Layunin

Ang ating aralin ngayung araw


ay tungkol sa Sektor ng Industriya

Basahin ninyo ang ating mga - Opo Sir.


layunin

E. Gawain ( Activity )

Panuto : Pagpapangkat sa klase sa apat na grupo. Ang bawat grupo ay


……………… bibigyan ng mga gawain. 20 puntos
• Sampung (10) minuto para sa paghahanda
• Tatlong (3) minuto para sa presentasyon

Pangkat Paksa Gawain

Pangkat I Pamimina Dula-Dulaan

Pangkat II Pagmamanupaktura Tula

Pangkat III Konstruksiyon Interpretative


Dance
Pangkat IV Utilities Jingle
Pamantayan Sa Paggawa/Rubricks

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuha


ng
Puntos
Nilalaman Nabigyan ng sapat na 10
diin ang dapat tunguhin
ng gawain

Kooperasyon Kaayusan sa pangkat , 5


lahat ay nagkakaisa at
nagtutulungan sa
paggawa at
pagpapaliwanag
Presentasyon Napakaayos ng 5
paglalahad
Kabuuan 20

F. Paunlarin ( Analysis )

“Ano ang Sektor ng Industriya?” “Sir, ang sektor ng industriya ay


…..responsable sa paglikha ng mga
…..bagong produkto at serbisyo na
…..tumutugon sa mga
…..pangangailangan ng mga tao”

“Ano-ano ang mga “Sir, ang mga sekondaryang sektor


sekondaryang sektor na …..na bumubuo sa sektor ng
bumubuo sa sektor ng …..industriya ay ang Pamimina,
Industriya ? “ …..Pagmamanupaktura ,
…..Konstruksiyon at Utilities”

“Ano ang napapaloob sa “Sir,sa pagmimina napapaloob dito


pagmimina at magbigay ng …..ang mga metal at di-metal at
halimbawa?” …..enerhiyang mineral na kinukuha at
…..dumadaan sa proseso upang
…..gawing tapos na produkto.
…..Halimbawa nito ay hikaw na gawa
…..sa ginto at tornilyo para sa kotse.”

“Ano ang napapaloob sa …..“Sir ,ang pagmamanupaktura


pagmamanupaktura at …..naman ay tumutukoy sa paggawa
magbigay ng halimbawa ?” …..ng mga produkto sa pamamagitan
…..ng manual labor o ng mga makina
…..halimbawa nito ay pagawaan ng
…..kotse, sapatos at damit.”

“Ano ang napapaloob sa …..“Sir, Sa konstruksiyon nabibilang


konstruksiyon at magbigay ng …..ang mga gawain tulad ng
halimbawa nito?” …..pagpapatayo ng mga gusali ,
…..estruktura , at iba pang land
…..improvements halimbawa ay tulay
….., kalsada at iba pa bilang bahagi
…..ng serbisyo publiko ng
…..pamahalaan sa mga mamayan “
-

“Ano ang napapaloob sa Sir sa Utilities, binubuo ito ng mga


utilities at magbigay ng …..kompanyang ang pangunahing
halimbawa nito?” …..layunin ay matugunan ang
…..pangangailangan ng mga
…..mamayan sa tubig, koryente at
…..gas. Halimbawa ng mga
…..Kompanya o industriyang
…..nagbibigay ng paglilingkod ay
…..ang Mlang Water District , Cotelco
…..at mga telecommunication”

G. Pagnilayan at Unawain (Abstraction)

“Paano nakatulong ang sektor “Sir ito ay nakagpagbibigay ng


ng Industriya sa pamumuhay ng .....trabaho sa mamayang may
mga mamamayan ng bansa?” …..natatanging kakayahan sa
…..paglikha”

“Paano nakatutulong ang sektor “Sir ang sektor ng industriya ay may


ng industriya sa pagpapaunlad …..malaking papel na
ng ekonomiya ng ating bansa?” …..ginagampanan sa pag-unlad ng
…..ekonomiya ng bansa. Ito ay
.….lumulikha ng mga produkto at
…..paglilingkod na kailangan upang
…..matugunan ang mga
…..pangangailangan ng mamayan.”

“Ano pa?” “Sir ito rin ang pinagkukunan ng


…..buwis ng pamahalaan na
…..ginagamit upang matustusan ang
…..mga gastusin, programa, at
…..proyekto nito para sa ikabubuti ng
…..bansa.”

“Ano-ano ang mga ilang “Sir, Kakulangan ng suporta at


suliranin kinakaharap ng sektor …..Proteksyon, Pagpasok ng
ng industriya?” …..Dayuhang Kompanya , Kawalan
…..ng sapat na puhunan , hindi
…..angkop na proyekto ng
…..pamahalaan at hindi tamang
…..paglinang ng mga likas na
…..yaman.”

“Paano tinutulungan ng …..“Sir sa pamamagitan ng


pamahalaan ang sektor ng …..pagpapabuti ng serbisyo tulad ng
industriya?” …..transportasyon lalo na sa
…..paliparan at daungan. ”

“Ano pa?” “Sir paglaban sa korapsyon”


“Ano pa?” “Sir , sa paglikha ng pamahalaan
…..at programa o proyekto na
…..tutugon sa mga suliranin
…..kinakaharap ng mga industriya sa
…..bansa”

H. Isabuhay (Application )
“Bilang isang mag-aaral paano “Sir bilang mag-aaral
ka makatutulong sa pag- nakatutulong ako sa
papaunlad sa sektor ng pagpapaunlad ng sektor ng
industriya?” industriya sa pagbili ng mga
produkto gawa ng mga Pilipino
o pagtangkilig sa mga
produktong atin at
pagpapahusay ng aking mga
talento sa paggawa ng mga
bagay.”

I. Paglalahat

“Mahalagang bang pag-aralan “Sir mahalagang pag-aaral ang


ang sektor ng industriya?” …..sektor ng industriya kasi ito ay
…..tumutugon sa mga pangunahing
…..pangangailangan ng mga
…..mamayan. Ito rin ay nagbibigay ng
…..sapat na hanapbuhay sa mga
…..mamamayan upang masigurado
…..na mayroong kikitain ang mga
…..manggagawa nito”

Ang Industriya

Ang industriya ay sadyang mahalaga


Dahilan ng pagkita ng ating bansa
Iba’t ibang kompanya na syang lumikha
Upang may maibenta sa mall o bangketa

Walang industriya kung walang agrikultura


Sapagkat dito kumukuha ng hilaw na materyales
Ang sektor na ito ay nagbibigay ng yaring produkto
Para may magamit ka sa pang-araw-araw na pamumuhay.

-
IV. Pagtataya

Panuto : Piliin ang titik na tinutukoy ng mga paglalarawan. Isulat sa


isangkapat (1/4 ) na papel.

1. Isang gawain na may kinalaman sa pagkuha ng mineral sa ilalim ………


,,………..ng lupa.
a. pagmimina c. pagmamanupaktura
b. utilities d. konstruksiyon

2. Ang sekondaryang sektor ng Industriya na nagbibigay ng mga


…………..pangunahing serbisyo tulad ng koryente, tubig, langis at
…………..telekomunikasyon.
a. pagmimina c. pagmamanupaktura
b. utilities d. konstruksiyon

3. Alin sa mga sumusunod ang naglalawaran sa sektor ng industriyang ….


………….konstrusiyon?
a. bahay at gusali c. pagkain at inumin
b. kotse at damit d. tubig at langis

4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa Sektor ng Industriya ?


a. Pangunahing pinagkukunan ng mga pagkain.
b. Responsable sa paglikha ng mga bagong produkto at serbisyo na
…. …tumutugon sa mga pangangailangan ng tao.
c.Binubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi , …….
……..insurance, komersiyo at paglilingkod.
d.Hindi nakareshitro sa pamahalaan at hindi nakapaloob sa legal at
…… pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa ……
……..pagnenegosyo.

5. Paano nakatutulong ang sektor ng industriya sa pagpapaunlad ng


….bansa?
a. Ito Nagbibigay ng sapat na produksiyon ng pagkain upang
………matugunan ang pambansang pangangailangan ng mga
………mamayan.
b.Ito ay nagbibigay ng mga serbisyo sa mga negosyo at sa mga
…….konsyumer sa bansa.
c. Ito ay nagbibigay ng malaking ambag sa kalakalang panlabas ng
…… bansa, at nagbibigay ng mga yaring produkto na ginagamit ng mga
……..tao sa pangaraw-araw na pamumuhay.
d. Hindi ito nakakatulong sa pag-unlad ng bansa.

Mga Tamang Sagot :


1. a
2. b
3. c
4. b
5. c
V. Takdang Aralin

Panuto: Magsaliksik ng limang batas na nakakatulong sa sektor ng


Industriya. Isulat ito sa isangkapat(1/4) na papel.

Inihanda ni : Iniwasto ni :

MICHAEL JAMES A. CELESTE ARIEL P. DALUMPINES


Pre-Service Teacher Cooperating Teacher

Inaprobahan ni :

ELIAS S. DIAMANTE
Pre-Service Teacher Coordinator

DECIE N. BANTAY DERBIE P. PADOJINOG , Ed. D


MUHS PRINCIPAL Dean of College of Education

You might also like