Professional Documents
Culture Documents
Sanaysay
Sanaysay
KAPALARAN
Pamilya, maliit na yunit ng ating lipunan na kung saan ang bawat isa ay
nahubog at natuto. Sandigan ng bawat isa sa tuwing may nanghihina,
nakaagapay sa lungkot man o ligaya. Sila ang happy pill ng buhay natin. Sila rin
ang nakakaalam ng ating tunay na pagkatao at tanggap tayo. Alam ang ating
gusto at ayaw lalong-lalo na ang mga magulang natin. Ayaw nila na makita na
ang kanilang anak na malungkot at nahihirap kung kaya’t halos ibigay na ang
lahat para makita lamang nila na masaya ang kanilang mga anak.
Ang ating mga magulang na OFW ay ginawa na ang kanya parte upang
tayo na kanilang anak ay mapag-aral at mabigyan ng magandang kinabukasan.
Ikaw? Oo, ikaw nagawa muna ba? Nagawa mo na ba intindihin kung bakit mas
pili nilang pumunta sa dayuhang bansa at magalaga ng batang hindi kilala at
magsilbi sa dayuhan ? Kung hindi pa imulat ang iyong mata at buksan ang
pusong puno pa ng hinanakit at panunumbat, Hoy! Gising na kase ako gising
na.