Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Villapagasa National High School

Villapagasa, Bansud Or.Mdo.

Lesson Plan
FILIPINO 9

I. LAYUNIN

A. Naipapaliwanag ang mga pangyayari sa kabanata 7 ng Noli Me Tangere,


B. Naihahambing ang suyuan noon at ngayon sa pamamagitan ng pagsasadula,
C. Napapahalagahan ang kultura at ugali ng Pilipino na ipinamalas ni Ibarra at Maria Clara.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Kabanata 7 ng Noli Me Tangere (Suyuan sa Asotea)


Kompetensi: F9PB-IV-58, F9PN-IVd-58
Sanggunian: Obra Maestra
Kagamitan: Laptop, ispiker, cellphone at visual aids

III. PAMAMARAAN

A. Paghahanda
1. Panimulang Gawain
2. Pagbabalik –Aral
3. Pagganyak

Sa umagang ito ay mgkakaroon tayo ng Gawain. Meron akong apat na pares ng chocolate dito. Sa
pagitan nito ay may papel na may nakasulat na mga pick up line ng mga kabataan ngayon. Ang gagawin
ninyo ay ipapasa ito sa mga kaklase ninyo habang may ipinapatugtog akong musika. Kung sino ang
may hawak ng mga tsokolate paghinto ng kanta ay siyang magbubukas nito.Pagkatapos ay pumili ng
kapares upang isabuhay o isadula kung ano ang nakasulat sa nakuhang papel.

1. Girl: Pagsusulit k aba?


Boy: Bakit?
Girl: Hindi na kasi ako makapaghintay na sagutin ka.
2. Boy: Sana ulan ka at lupa ako..
Girl: Bakit?
Boy: para kahit gaano kalakas ang patak mo, sakin parin ang bagsak mo.
3. Boy: Utang ka ba?
Girl: Bakit?
Boy: Kasi habang tumatagal lumalaki ang interes ko sayo.
4. Girl: Punta tayo sementeryo…
Boy: Bakit?
Girl: Dalawin natin ang puso kong patay na patay sayo!

B. Paglalahad

1. Paghahawan ng Sagabal

1. Nagpapasikdo – nagpapatibok
2. Napatda – natigilan
3. Mag-ulayaw- mag-usap
4. Nagtulos- nagtirik
5. Asotea – balkon/balkonahe

2. Pagbasa ng Kabanata ng Nobela

Sa loob ng 3 minuto ay babasahin ninyo ang buod ng Kabanata 7 ng Noli Me Tangere na pinamagatang
“Suyuan sa Asotea”. Basahin muna ang mga gabay na katanungan upang magabayan kayo sa mga
dapat nyong malaman at maunawaan habang binabasa ang kabanat.

Mga gabay na katanungan:


1. Sinu-sino ang mga tauhan sa binasang kabanata?
2. Bakit maagang nagsimba sina Maria Clara at Tiya Isabel?
3. Paano pinatunayan nina Maria Clara at Ibarra na hindi nila nalimot ang isa’t-isa?
4. Anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinamalas ni Ibarra? Ni Maria Clara?
5. May pagkakaiba ba ang paraan ng panunuyo noon at ngayon? Patunayan. Alin sa dalawang paraan
ang higit na kasiya-siya?

3. Pagtalakay sa Binasa

Pagpapasagot sa mga gabay na katanungan.

C. Pagsasanay

Pangkatang Gawain. Mag-isip kayo ng tila isang status update sa inyong natutunan sa binasang kabanata.
Ang isusulat sa ibibigay kong facebook status box ay ang malikhaing hashtag at hugot line na naisip nyo
para kay Maria Clara at Ibarra.

D. Paglalapat

Sa puntong ito ay hahatiin ko ulit kayo sa tatlong pangkat. Ang bawat pangkat ay magtatanghal ng dula-
dulaan na magpapakita sa suyuan noon, ngayon at maaaring maging suyuan sa hinaharap. Ang mapipiling
lider sa bawat grupo ang bubunot para sa kanilang itatanghal, “NOON”, “NGAYON” at “FUTURE”.
Mamarkahan ang inyong pagtatanghal sa pamamagitan ng mga sumusunod na pamantayan:

Rubriks sa Gagawing Pagtatanghal

Kagalingan sa pagganap 50%

Angkop na ekspresyon ng mukha 15%


sa ipinapakitang emosyon o sa
damdaming pinalilitaw
Nilalaman 25%

Mahusay at malinaw na 10%


pagkakabitaw ng mga pahayag

Kabuuan = 100%

E. Paglalahat

Ang tanging permanenteng bagay lamang sa mundo ay pagbabago. Sa pag-usbong ng bagong milenyo,
maraming kapansin-pansing pagbabago ang ganap na nangyari sa lipunan. At isa na rito ang panliligaw.
Bagama’t maraming pagbabagong naganap sa istilo ng panliligaw mula noon hanggang ngayon, sana’y
manatili ang tunay na kabuluhan nito, ang maipakita ng manliligaw ang sinseridad at malinis na
paghahangad sa kanyang nililigawan.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ito sa kalahating papel.

1. Sino ang kasama ni Maria Clara sa pagsimba?


2. Ano ang inilagay ni Maria Clara sa loob ng sombrero ni Ibarra?
3. Saang lugar minungkahi ni Tiya Isabel na magbakasyon sila ni Maria Clara?
4. Ang nagpadala kay Crisostomo Ibarra sa Europa upang doon mag-aral.
5. Siya ang nag-utos kay Maria Clara na magtulos ng dalawang kandila para sa mga manlalakbay na sina San
Roque at San Rafael?

V. TAKDANG ARALIN
Panuto: MAgsaliksik at basahin ng pauna ang Kabanata 8 ng Noli Me Tangere na pinamagatang “Ang mga
Alaala”.

Inihanda ni:
Cherry Ann M. Seño
SST-I

You might also like