Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

CHAPTER 1

Narrator: Noong unang panahon sa Kahariang Berbanya, may isang hari ang namumuno rito na
nagngangalang Haring Fernando. Ang kabiyak ng kanyang puso ay si Reyna Valeriana. Ang
bunga ng kanilang pagmamahalan ay tatlong makikisig na lalake. Ito ay sina Don Pedro na
siyang panganay, sinundan ng isang malumanay na si Don Diego, at ang bunso na paborito ng
Hari na si Don Juan. Isang araw, napagpasiyahan ng hari na papilin ang kanyang mga anak.
Haring Fernando: Pinatawag ko ngayong magkakapatid upang tanongin.
Don Pedro: Ano iyon, ama?
Haring Fernando: Ngayong araw na ito ay mamimili kayo sa dalawa: ang magpari o magkorona?
Don Pedro: Kung ako’y tatanongin, ang gusto ko po’y magkorona.
Don Diego & Don Juan: Magkorona ama, para bayan natin ay paglingkuran.
Haring Fernando: Kung gayon ay ikinagagalak kong marinig iyan, minamahal kong mga anak.
Kaya’t maghanda kayo dahil kayo’y sasanayin.
Narrator: Minabuti ng hari na ang tatlong anak ay sanayin sa paghawak ng patalim. Simula
noon, ang kanilang kaharian ay lalo pang tumibay, walang gulong dumadalaw sa kabila’y
umanlad ang kanilang kabuhayan.

CHAPTER 2
Narrator: Hanggang sa kalauna’y dumating ang isang panaginip na nagsasalaysay na ang anak
daw na bunso’y si Don Juan ay nilinlang at pinatay ng dalawang masasamang tao, nang patay
na’y inihulog sa balong di masukat nino man. Mula noon ay dina kumain nang maayos ang hari
na naging dahilan ng kanyang malubhang sakit.
Reyna Valeriana: Bumangon kana riyan at naghanda na ako ng iyong kakainin. Ilang araw ka
nang hindi kumakain kaya’t namamayat kana rin.
Haring Fernando: **(Walang kibo)**
Reyna Valeriana: Ano ba ang iyong nararamdaman?
Haring Fernando: **(wala paring kibo at patuloy na malalim ang iniisip)**
Reyna Valeriana: Ako’y nag-aalala na sa iyo kung kaya’t nais mo bang magpatawag ako ng
mediko?
Haring Fernado: **(tumango nalamang bilang sagot)**
Narrator: Nagpatawag nga nang mga mediko ang Reyna ngunit wala ni isa sakanila ang
nakahula sa sakit ng hari. Naghanap at naghanap parin sila at pinalad naman sila, dahil may
nakuhang manggamot na nakatuklas nang kaniyang sakit.

Manggagamot: Haring Fernando, hindi gaano malubha ang inyong sakit ngunit and iyong sakit
ay marahil sa inyong panaginip.
Haring Fernando: Ano ang makakagamot sa akin kung gayon? **(matamlay na matamlay ang
hari)**
Manggagamot: May isang ibong kay ganda na nagngagalang Adarna.Ito’y nakatira sa puno ng
Piedras Platas sa Bundok Tabor. Siya’y umuuwi kapag hatinggabi na. Kapag siya’y kakanta, iyong
sakit ay giginhawa. Kaya mahal na hari, iyon ang pakikuha’t iyong sakit ay mawawala.
Haring Fernando: Maraming salamat sa inyong tulong.
Manggagamot: Walang anuman, Haring Fernando. Ako po’y mauuna na.
Reyna Valeriana: Sige at kayo po’y mag-iingat. Salamay ulit.

CHAPTER 3
Narrator: Nag-isip si Haring Fernando kung sino ang kanyang maaatasan kung kaya’t
napagdesisyunan niyang ang kaniyang panagay na si Don Pedro ang aatasan sa paghuli ng Ibong
Adarna.
Haring Fernando: Don pedro!
Don Pedro: ano iyon, ama?
Haring Fernando: Sapagkat ikaw ang panganay, ikaw ang aking uutusan upang hulihin ang ibong
iyon. Makakaasa ba ako sa iyo?
Don Pedro: Syempre ama, bukas na bukas ay maglalakbay ho ako.Hindi ko po kayo bibiguin.
Narrator: Naglakbay nga si Don Pedro patungong Bundok Tabor. Marami siyang narating na
kabundukan kahit siya’y mapahamak, makuha lamang ang Ibong Adarna. Mahit tatlong buwan
siyang naglakbay at sa kasamaang kapalaran ay namatay ang kanyang kabayo. Naglakad nalang
siya’t narating ang Bundok Tabor. May namasdan siyang punongkahoy, mga sanga’y madahon;
siya’y nabighani dahil ang puno’y kumikinang gaya nang diyamante. Kaya’t napagpasiyahan niya
na doon muna lumagi para pagod ay mapawi.
Don Pedro: Nasaan naba ako? Tila malapalasyo ang lugar na ito! Haaaaay maka hinga nanga
lang muna!
Narrator: Takipsilim nang sumapit, nakita ni Don Pedro ang maraming ibong lumilipat at sama-
samang umaawit. Ngunit laking pagtataka ni Don Pedro sa napuna ang kahoy na napakaganda.
Walang isa ang dumapo at pagtapat nama’y lumalayo. Pinagpatuloy ang paghahanap ng buwan
sa alapaap, ang dahon ng puno ay lalong kumikinang. Tinitignan bawat sanga baka naron ang
ibong pakay. Kamalas malasang wala itong nakita at tuluyan itong nawalan ng pag-asa. Pinili ni
Don Pedro ang magpahinga dahil sa pagod. Nang tuluyan nang makatulog si Don Pedro ay siya
namang pagdating ng ibong adarna. Dumapo sa sanga ng Piedras Platas at balahibo’y pinagpag.
Nagsimula na siyang kumanta sa kabundukang tahimik. Lalo pang tumamis ang adarnang
umaawit, bawat kanta’y isang bihis ng balahibong kay ganda. Pitong kanta ang inawit at pito
ring bihis na magara.Ang lahat ay di pinansin pati ang prinsipe na natutulog ng mahimbing.
Nakasanayan ng adarna na magbawas muna bago tuluyang matulog. Sa isang iglay biglang
naging bato ang prinsipe dahil ito’y napatakan sa punong kinasasandalan.

CHAPTER 4
Narrator: Nang hindi na makabalik ang panganay, ang kaharian ay nagkagulo. Kung kaya’t
inatasan nanaman ng hari si Don Diego.
Haring Fernando: Tatlong buwan ng hindi nakakabalik ang iyong kapatid, ako’y nag-aalala na!
Don Diego: Ipaubaya niyo nalang po ito sa akin, ama. Ibubuwis ko ang aking buhay alang alang
sa iyong kapakanan.
Reyna Valeriana: Mag-iingat ka, anak!
Don Diego: Salamat, ina. Ama, ako’y maglalakbay na.
Haring Fernando: Mag-iingat ka, sana’y mahanap mona rin ang iyong kapatid.
Don Diego: Syempre, ama!
Narrator: Nakipagyakapan muna ito sakanyang magulang at nagpaalam ulit. Hindi naglaon ay
dire-diretso na si Don Diego sa kanyang paglalakbay tungo sa Bundok Tabor. Sa loob ng limang
buwang paglalakbay ay di narin nagtagal ang kaniyang sinasakyang kabayo. Sa gayon ay dinala
nalang niya lahat ng kaniyang baon.
Don Diego: Talagang mapaglaro ang tadhana, pati kabayo ko’y inilayo sa akin. Tsssk tskk tsss
Narrator: Di nalang pinansin ni Don Diego ang nangyari at tumuloy nalang sa paglalakbay. Nang
di nagtagal ay di niya napansin na nakarating na pala siya sa kaniyang pakay.
Don Diego: Ano bang laking hiwaga! Punong ganda’y tila tala di makaakit sa madla.
Narrator: Tuluyan nang namangha si Don Diego sa malapalasyong puno at may napansin siyang
kakaibang bagay na gawa sa bato at di niya alam iyon pala ang kaniyang kapatid.
Ilang sigundo pa lamang ay nagsilabasan na ang mga ibon at bigla nang nagpakita ang ibong
adarna at nagsimula nang kumanta.
Don Diego: **(bumubulong)** Sigurado akong ito na ang Ibong Adarnang aking pakay.
Ibong Adarna: **(nagsimula nang kumanta)** Don Diego: **(natulala)**
Narrator: Sa lambing ng mga awit, ang prinsipeng nakikinig, mga nata’y nakapikit, nakalimot sa
daigdig. Sa batong kinauupua’y napatulog nang tuluyan, natalo na naman nang walang laban.
Sino ba naman ang hindi makakaidlip sa ganong lambing ng tinig. Matapos ang pag-awit ng
ibong adarna, siya’y nagbawas, si Don Diegong nasa tapat inabot ng mga patak. Katulad ni Don
Pedro, siya’y biglang naging bato.

You might also like