Professional Documents
Culture Documents
Orca Share Media1578464501152
Orca Share Media1578464501152
*Pangunahing Ideya – Dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa ‘di
tulad ng tekstong naratibo. Tinatawag na organizational markers ang paglalagay ng
pamagat sa bawat bahagi. Nakatutulong ito upang agad na makita at malaman ng
mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin.
Tekstong Deskriptibo
Isang bagay na dapat tandaan sa pagbuo ng tekstong deskriptibo ay ang relasyon nito sa
iba pang uri ng teksto. Ang paglalarawan kasing ginagawa sa tekstong deskriptibo ay laging
kabahagi ng iba pang uri ng teksto particular ang tekstong naratibo kung saan kinakailangang
ilarawan ang mga tauhan, ang tagpuan, ang damdamin, ang tono ng pagsasalaysay at iba pa.
Tekstong Naratibo
-ay pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari sa isang tao o mga tauhan,
nangyari sa isang lugar at panahon o sa isang tagpuan nang may maayos na pagkasunod-sunod
mula simula hanggang katapusan.
-Ang mga mababasa ay direktang isinasama ng manunulat ng isang tekstong naratibo at
nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang isinasalaysay.
-May iba’t ibang uri ng naratibo tulad ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan,
mitolohiya at iba pa. Iba-iba man sila subalit may iisang pagkakapareho: ang bawat isa’y
nagkukuwento.
Iba’t ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of View) sa Tekstong Naratibo
1. Unang Panauhan
2. Ikalawang Panauhan
3. Ikatlong Panauhan
a. Maladiyos na panauhan – nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng mga tauhan.
b. Limitadong panauhan – nababatid niya ang iniisip at kinikilos ng isa sa mga tauhan
subalit hindi ang sa iba pang tauhan.
c. Tagapag-obserbang panauhan – Hindi niya napapasok o nababatid ang nilalaman ng
isip at damdamin ng mga tauhan.
2. Tagpuan at Panahon
3. Banghay
-Hindi lahat ng banghay ay sumusunod sa kumbensiyonal na simula-gitna-wakas. May
mga akdang hindi sumusunod sa ganitong kalakaran at tinatawag na anachrony o mga
pagsasalaysay na hindi nakaayos sa tamang pagkakasunod-sunod. Mauuri ito sa tatlo:
a. Analepsis (Flashback)
b. Prolepsis (Flash-forward)
c. Ellipsis
4. Paksa o Tema
Tekstong Prosidyural
-Isang espesyal na uri ng tekstong expository ang tekstong prosidyural.
-Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang matamo ang
inaasahan. Nagpapaliwanag ito kung paano gawin ang isang bagay.
Tekstong Persuweysib
-Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghihikayat o mangumbinsi sa babasa ng
teksto. Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at
makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama. Hinihikayat din nito
ang mambabasang tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto.
- Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda
para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
Tekstong Argumentatibo
- Ginagamit ng tekstong argumentatibo ang logos upang makumbinsi ang mambabasa
- Hindi nagkakalayo ang tekstong argumentatibo at persuweysib, kapwa ito
nangungumbinsi o nanghihikayat. Gayunpaman, may pagkakaiba rin ang mga ito.
Suriin ang talahanayan sa ibaba: