Midya Requirement

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1. Ano ang Media? Media Literacy? Information Literacy? Technology Literacy?

Digital Literacy?

 Ang Media ay pinagsamang mga pagpapalabas o kagamitan na ginagamit sa


pagtala at paghatid ng impormasyon o datos. Naiuugnay dito sa midyang
pangkomunikasyon, o sa nakaespesyalistang negosyong pangkomunikasyon
katulad ng midyang limbag at pahayagan, potograpiya, advertising, sine, at
pamamahayag (radio at telebisyon).
 Ang Media Literacy ay tumutukoy sa kakayahang alamin ang iba’t-ibang uri ng
media at maintindihan ang mga mensahe na ipinahahayag ng mga ito
 Ang Information Literacy ay tumutukoy sa kaalaman sa pagbasa na nagbibigay-
kakayahan sa mga tao sa lahat ng kalagayan upang maghanap, sumuri, gamitin at
lumikha ng impormasyon sa epektibong paraan upang makamit ang kanilang
personal, panlipunan, pantrabaho, at pang-edukasyon na layunin. Ito ay isang
pangunahing karapatang pantao sa isang digital na mundo at nagtataguyod ng
pagsasama sa lipunan sa lahat ng mga bansa.
 Ang Technology Literacy ay tumutukoy sa isang indibidwal na nakapagtatrabaho
nang nakapag-iisa at sa iba upang maging responsable, naaangkop at mabisang
gumamit ng teknolohiya o mga tools upang ma-access, pagsamahin, suriin, lumikha
at makipag-usap.
 Ang Digital Literacy ay tumutukoy sa isang uri ng pag-oorganisa, pagtalakay, at
pag-aanalisa ng mga impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong
teknolohiya.

2. Ano ang mga kasanayan / kakayahang taglay ng indibidwal na media / information /


technology literate?

 Ang indibidwal na media literate ay may kakayahang mag-access o gumamit ng


kahit anong uri ng media, mag-analisa sa kritikal na paraan, suriin, at lumikha ng
media
 Ang indibidwal na information literate ay may kakayahang tumukoy ng lawak ng
impormasyon na kinakailangan, ang kanilang mga pinagmulan, at ang gamit na
etikal ng mga ito
 Ang technology literate na indibidwal ay may kakayahang i-apply ang kaalaman
nito sa teknolohiya upang makatulong sa lipunan
3. Bakit mahalaga ang Media Literacy? Information Literacy? Technology Literacy?

 Ang pagiging media / information / technology literate ay isang napakalaking


aspeto na sangkap sa pagkamit ng lipunan na nakisasabay sa daloy ng
globalisasyon. Hindi natin makakamtan ang buhay na mulat sa mga isyung
panlabas at kasalukuyang pangyayari kung hindi natin taglay ang mga literasing ito

 Mahalaga ang media literacy sapagkat nagtuturo ito kung paano mapatunayan ang
mga impormasyon, makilala ang iba pang mga pananaw, at dito nahihikayat ang
kritikal nating pag-iisip. Samantalang ang information literacy ay mahalaga upang
mabatid kung ang kanilang natatanggap at ipinahahayag na impormasyon ay tama
o mali. Ang technology literacy naman ay nagagamit sa mga pananaliksik o pag-
aaral ng mga estudyante at nagpapabilis sa komunikasyon sa pagitan ng indibidwal
dahil sa teknolohiya

4. Ano ang implikasyon ng mga literasing ito sa edukasyon? Sa wika? Sa lipunan? Sa


kultura?

 Ang implikasyon nito sa wika ay kahit gaano man kalawak ang saklaw na hatid ng
makabagong teknolohiya ay huwag pa rin nating kalimutan na ituro at panatilihin
na gamitin ang wikang Filipino sapagkat ito ang ating sariling wika
 Ang implikasyon nito sa lipunan ay upang maging batayan ito sa bawat indibidwal
ang kahalagahan na malaman ang dulot nito sa ating mga buhay o pang-araw-araw
na Gawain ito man ay mabuti o masama
 Hindi natin maikakaila na ang kultura ay naaapektuhan dahil sa pag-usbong ng mga
ito ngunit huwag sana nating makalimutan kung saan tayo nagmula at panatilihin
ang kulturang ating nakasanayan
 Sa katotohanang tayo ay palagamit ng media, ang implikasyon ng mga literasing
ito sa kultura ay nagkakaroon tayo ng lubos na pagkakataong i-endorso ang ating
katangi-tanging tradisyon, kultura at pagkakakilanlan sa iba’t-ibang paraan na
makatutulong upang mas mapayabong pa natin ito

Mga Sanggunian:
Mga Miyembro:
Alipio, Dwight
Barreo, Rosalinda
Fernandez, Aljean
Maranion, Krizzha
Servilla, Melowin
Villar, John Clyde

You might also like