Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Department of Education

Region VI- Western Visayas


Division of Guimaras
District of Buenavista 1
GETULIO ELEMENTARY SCHOOL
Getulio, Buenavista, Guimaras

Banghay Aralin sa
Araling panlipunan 3

I. Layunin:
Natutukoy ang inprastraktura (mga daanan, palengke) ng mga lalawigan at naipaliliwanag ang kahalagahan nito
sa kabuhayan AP3EAPIVd-7

Contextualized Competency:
Natutukoy ang inprastraktura (mga daanan, palengke) sa bayan ng Buenavista, Guimaras at naipaliliwanag ang
kahalagahan nito sa kabuhayan ng mga mamayan dito.

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pangunawa sa mga gawaing pangkabuhayan at bahaging ginagampanan ng pamahalaan at
ang mga kasapi nito, mga pinuno at iba pang naglilingkod tungo sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng mga
lalawigan sa kinabibilangang rehiyon

Pamantayan sa Pagganap:
Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlalawigan tungo sa ikauunlad ng mga lalawigan sa
kinabibilangang rehiyon

II. Paksang Aralin:


A. Paksa : Kahalagahan ng inprstrakturasa ating kabuhayan
B. Sanggunian: Curriculum Guide AP3EAPIVd-7 , K-12 textbook sa Araling Panlipunan p 403-410,
Wikipedia .
C. Kagamitan : Larawan sa tarp papel, worksheet, tsart, stick board
D. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa bawat inprastraktura sa sariling bayan.
E. Estratihiya: Cooperative learning , Collaborative learning
F. Konsepto para sa Guro
Depinisyon ng INPRASTRAKTURA
http://en.wikipedia.org/wiki/Infrastructure
Ang termino ay karaniwang tumutukoy sa mga teknikal na mga istraktura na sumusuporta sa isang
lipunan, tulad ng mga kalsada, tulay, supply ng tubig, drainage, mga power grids, telekomunikasyon, at
iba pa, Kasama ang mga pisikal na mga bahagi ng mga magkaugnay na sistema ng mga serbisyo upang
maiangat ang kalidad ng pamumuhay ng mga taga lalawigan. sa madaling sabi, ang inprastruktura ang
nagpapadali upang ang kalakal ay madala sa iba’t ibang lalawigan at upang madali para sa mga tao na
mabili ang mga kalakal na ito. Halimbawa ang mga tulay at daanan upang madala ang mga produto
mula taniman sa bukid hanggang sa mga palengke kung saan ang mga tao ay bumibili. Kasama sa
inprastrutura ang mga serbisyong panlipunan upang matugunan ang pangangailangan ng lalawigan.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagtutugma
Magbalik-aral tungkol sa nakaraang aralin sa pamamagitan ng pagtutugma ng mga produktong
kinakalakal sa lalawigan kung saan ito nanggaling.
Produkto(bawat isa ay nakasulat sa ginupit na papel):

Isda Mangga Palay Melon Tubo

Ipadikit sa mga piling mag-aaral ang produktong kinakalakal na tumutgma sa pinanggalingang


lalawigan .
Pinanggalingang Lalawigan Produktong Kinakalakal
Aklan
Guimaras
Negros Occidental
Capiz
Iloilo
2. Pagganyak:
Hatiin sa dalawang grupo ang mga mag-aaral at ipabuo ang dalawang larawang nasa tarp papel.

(mga larawang mabubuo)


Larawan 1 Larawan 2

Konkretong Daan Di-kongkretong Daan

Itanong: Kung ikaw ay nag-aangkat/nagluluwas ng produkto, anong daan ang pipiliin mong
daanan? Bakit?

B. Paglinang na gawain
1. Paglalahad
A. Ilahad na ang konkretong daan ay isa lamang halimbawa ng inprastraktura na
nagpapadali sa pag-angkat o pagluwas ng mga kalakal sa ibang lalawigan.

B. Ipaliwanag ang kahulugan ng INPRASTRAKTURA.


- Ang termino ay karaniwang tumutukoy sa mga teknikal na mga istraktura na
sumusuporta sa isang lipunan, tulad ng mga kalsada, tulay, supply ng tubig, drainage,
mga power grids, telekomunikasyon, at iba pa. Kasama ang mga pisikal na mga bahagi
ng mga magkaugnay na sistema ng mga serbisyo upang maiangat ang kalidad ng
pamumuhay ng mga taga lalawigan
http://en.wikipedia.org/wiki/Infrastructure
2. Pagtatalakay
A. Magkaroon ng lakbay-aral sa loob ng silid-aralan.
Gawing malikhain ang paglalakbay gamit ang imahinasyon, hal., Papikitin ang mga
mag-aaral at isipin na nasa loob sila ng isang bus at ang guro ang nagmamaneho ng
sasakyan . Sila ay maaring lamang magdilat ng mga mata kapag nasabi na ng guro na
nakarating na sila sa kanilang distinasyon.
Bawat pagdilat ng mga mata ng mga mag-aaral ay ipapakita ng guro ang mga larawan
sa harapan.
Talakayin ang bawat larawan sa pamamagitan nga sumusunod na katanungan:
Ano ang nasa larawan?
Ano ang kahalagahan nito sa ating kabuhayan?

1. Telekomunikasyon

(Globe Telecommunication site sa San Miguel Buenavista, Guimaras )


Ang mga cell sites ay nagbibigay serbisyo mga cellphones na
tumutulong sa madaliang kumunikasyon tulad ng pagtawag at pagpadala ng
mensahe na makatutulong sa pag angkat at pagluwas ng mga produkto o kalakal.
2. Irigasyon

Reservoir o imbakan ng tubig sa Daluyan nga tubig. Navalas,


Navalas, Buenavista Guimaras Buenavista Guimaras

Dahil irigasyon napapalawak ang agrikultural na mga lugar at


lumalakas ang ani.

3. Sentralisadong Pamilihan

Commecial Complex, Mclain, Buenavista, Guimaras


Marami ang nabibigyan ng pagkakataon na magtinda at hindi na
mahihirapan ang mga mamimili o mangangalakal kong may sentralisadong
Tindahan o Merkado.
4. Elektrisidad

Linya ng kuryente, Mclain, Buenavista Guimaras

Mahalaga ang kuryente sa buhay ng tao dahil naaapektuhan nito ang


pangaraw-araw nating gawain. Ito ang nagpapaandar ng malalaking makinarya
sa mga factories at bumubuhay din sa mga cell sites nan a bibigay serbisyo sa
ating mga cellphone na ginagamit sa ating komunikasyon. Ito rin ang
nagbibigay liwanag sa ating mga daanan sa gabi.
5. Pantalan/port

Sto Rosario Buenavista, Guimaras

Madali ang pag-angkat o pagluwas ng produkto kahit may dagat


mang namamagitan dahil sa ligtas na mga daungan.

Itanong: Kung ang mga imprastrakturang nabanggit ay mawala o masira ano kaya ang
magiging epekto nito sa kabuhayan nga mga mamamayan sa Buenavista?
Bilang bata ano ang maari mong gawin upang ingatan ang mga ito?

C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
Itanong:
Ano ang mga halimbawa ng inprastraktura na makikita dito sa bayan nga Buenavista?
Ano ang kahalagahan nito sa ating kabuhayan?

2. Paglalapat.
Hatiin ang klase sa apat na grupo. Bigyan ang bawat grupo ng TAMA at MALI na stick board.
Itaas ang TAMA kung tama ang sinasabi ng salaysay at MALI naman kung hindi.
Salitan ang bawat miyembro sa paghawak ng stick board.

TAMA MALI

1. Mas mabilis ang pagbyahe ng produkto dahil sa mga konkretong kalsada.


2. Ang mga sementadong mga daungan o pier makakatulong sa pagdaong ng mga motorboat
o barko.
3. Nahihirapan ang mga tao sa pamimili ng kanilang kailangang produkto sa mga tindahan.
4. Lumalawak ang mga agricultural na mga lugar at lumalaki ang ani dahil sa patubig o
irigasyon.
5. Mas nabibigyang pabor ang mga kontraktor sa mga pinapagawang imprastraktura kaysa sa
pumuluyo.
IV. Pagtataya:
Panuto:
Tukuyin ang bawat inprastratura na nasa larawan. Isulat ang kasagutan sa linya sa ilalim ng bawat
larawan.
Ipaliwanag ang kahalagahan nito sa kabuhayan ng mga mamamayan sa bayan ng Buenavista. Isulat ang
Kasagutan sa kahon sa tapat ng larawan. (Worksheet)
Inprastraktura Kahalagahan
1.

__________________________
2.

__________________________

3.

__________________________

4.

__________________________

5.

__________________________
V. Takdang Gawain:
Malista ng 5 inprastraktura na makikita sa lalawigan ng Guimaras na hindi pa natalakay sa katatapos
lang na aralin..

ML:
ID:

Inihanda ni :

MARY GRACE C. MAGBANUA


Teacher I

Noted:

MARIA TERESA P. SALADO


Head Teacher III

Reviewed by:

MARCELINO N. DUMASIS, JR. PhD.


Schools District Supervisor
District of Buenavista I

You might also like