Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Gawain 1: Miss Pretty Nose

Pangyayari Ebidensya Hula

Tungkol saan ang kuwento?

[20 sec] Kumpirmahin ang hula

[30 sec] Nagbago ba ang iyong


hula?

[1.05 min] Ano ang inyong


hinuha sa reaksyon ni Steven ng
makita niya sa personal si Linda?
[1.30 min] kumpirmahin ang
inyong hinuha

[2.00 min] Ano ang posibleng


mangyayari habang sila ay
sumasayaw
[2.31 min] Ano ang posibleng
mangyari ngayong natuklasan ni
Steven ang sikreto ni Linda?
[2.50 min] Ano ang posibleng
wakas ng kuwento?

[3.10 min] kumpirmahin ang


inyong hula.
BILANG EBIDENSIYA HINUHA

3
Teksto 1: [Pangkat 1, 2 at 3]
Pamagat: Asintada
Sanggunian: It’s A Men’s World
Awtor: Bebang Siy
Copyright: 2008

Noong bata ako, naglagay ako ng asin sa mata.

Hindi. Hindi dahil may nag-dare sa akin. Hindi rin dahil inumangan ako ng
balisong ng isang aning-aning at inutusang maglagay ng asin sa mata. Hindi.
Ang dahilan? Simple: ayokong maniwala sa sinasabi ng iba.

Isang Sabado ‘yon, umaga at nakatambay kami sa tindahang nagbebenta


ng cherry balls. Nalimutan ko na kung paanong napunta sa asin ang usapan
naming magbabarkada. Pero doon na nga kami napunta.

Me nagbulalas: na mahapdi kapag nilagyan ng asin ang mata.

Di ko malimutan ang statement na ‘yon. Sinabi ‘yon ni Sharon na siyang


pinakamatanda sa amin, 12 years old na siya at Grade 6 sa St. Paul-Parañaque.

E, gusto kong patunayan na mali siya. ‘Ba, Kahit siya ang pinakamatanda
sa amin, hindi lahat ng sinasabi niya, tama. At Kahit sa private pa siya nag-aaral,
puwedeng mali ang sinasabi niya, ‘no?

Kaya dali-dali akong umuwi sa bahay namin, sumagsag sa kusina at


kumurot ng asin sa garapon. Tapos tumingala ako, binudburan ko ng asin ang
walang kakurap-kurap kong mata.

Ngiyar. Hanghapdih ngah.

Experience talaga is the best teacher.

Pero may natutuhan akong isa pang lesson. Na kasing-alat ng luha ko


noong araw na ‘yon.

Kung meron kang gustong patunayan, ihanda nang bonggang-bongga ang


sarili sa mga posibleng mangyari dahil siguradong may kapalit ito. Minsan ang
kapalit ay maganda, minsan matamis. Pero minsan din ay mahapdi at minsan,
maalat.

As in.
Teksto 2: [Pangkat 4 at 5]
Pamagat: Nakaw na Sandali
Sanggunian: It’s A Men’s World
Awtor: Bebang Siy
Copyright: 2008

Nagnakaw ako noong bata.

Nakikitira ang pamilya ko noon sa bahay ng lolo at lola kong Chinese.


Mayaman ang mga kamag-anak namin pero kami, hindi.

Ang tatay ko kasi, na isang Chinese, ay naging pasaway na anak at kapatid


sa buoooong buhay niya. Noong elementary daw, basag-ulo. Noong high school,
padaskol na sumasagot sa mga teacher. Bale-balentong pa ang grades. Tapos
napabarkada pang lalo, nagbisyo: alak at sigarilyo. ‘Ayon tuloy, di nakatapos ng
college.

Tinulungan naman siya ng mga kapatid niya. Binigyan siya ng negosyo.


Bigasan sa loob ng grocery na pag-aari nina Amah [lola] at Angkong [lolo]. Ang
grocery na ito ay nasa ground floor ng bahay nila.

Kaso, di pa man nakakabawi sa puhunan ang bagum-bagong negosyo, e ang


tatay ko, nag-asawa na.

Ng Filipina.

Big deal ito sa ilang pamilyang Chinese. Kasama na rito ang pamilya ng tatay
ko. Lahat kasi ng kapatid niya, puro Chinese ang napangasawa. Siya lang at isa
pang kapatid na lalaki ang nag-asawa ng Pinay. Pasaway nga raw talaga.

Dahil wala pa namang naipupundar kahit man lang tabo, nakiusap ang tatay
ko sa mga magulang niya na doon muna manirahan ang buo niyang pamilya. Me,
included.

Mabait naman si Amah at si Angkong. Nakakakain kami nang tatlong beses


sa isang araw. Maayos naman ang mga damit namin. Pinapag-aral pa ako at ang
mga kapatid kong sumunod sa akin sa private school.

Pero napansin ko, estrikto sila pagdating sa pera at negosyo.

Tuwing naglalaway kaming magkakapatid sa Chiz Curls na P2.50 lang noon.


Bibigyan pa ako ni Mami ng perang pambili sa grocery ng lolo’t lola ko. Lahat doon,
kailangan naming bilhin. Walang libre.

You might also like