Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SOUTHWESTERN UNIVERSITY- PHINMA

Ang Pagpapahalaga ng OPM sa Makabagong Henerayon at ang mga


Epekto nito sa Sarili at Buhay

Isang Bahagi ng Pananaliksik na Iniharap kay

Profesora

Bilang Pagpapatupad sa Asignaturang COR 004


Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Ipinasa nina:

Duran, Breth Pollin M.


Golingan, Johanna Marie Angeli G.

11-STEM 7
Kabanata I
Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito

Rasyonale ng Pag-aaral

Ang bansang Pilipinas ay tanyag sa pagkakaroon ng mga

magaganda, kakaiba at malikhaing kasanayan sa larangan at estado ng

musika. Tayong mga Pilipino ay pinagpala sa kakaibang talento sa pag-

awit at maging sa paggawa ng mga awitin kaya sa kadahilanang ito,

hindi maipagkakailang mahilig tayong mga Pilipino sa pakikinig sa iba’t

ibang klase ng musika. Sa katunayan, marami ng nailikhang Orihinal na

Pilipinong Musika (OPM) o Original Philippine Music sa paglipas ng mga

taon. Isa ang OPM sa nagpapatunay ng kagandahan ng kultura ng ating

bansa. Ang patuloy na pagtangkilik ng mga tao sa orihinal na musikang

Pilipino ay nakakaapekto sa ating sarili/buhay, dahil pinapalakas ng

musika ang mga ala-ala. Ang mabuting epekto ng musika ay magagamit

ito para mag turo, magpasigla, magbigay inspirasyon at magkaisa. Ang

masamang epekto nito ay maaaring magpahina ng iyong sensitibidad

sa mga espiritual na bagay, at maaari ka ring ma impluwensya sa mga

di ka aya-ayang musika.
Ngunit sa paglipas ng maraming taon, marami na ring

nasisilabasang iba’t ibang uri ng musika na pinapakinggan ng mga

mamamayan. Di rin natin maiwasang mamangha sa iba’t ibang uri ng

musika sa iba’t ibang bansa, lalo na sa makabagong henerasyon na

nagsisilabahasan na ang iba’t ibang plataporma sa pagtangkilik ng

musika at tanyag na tanyag ang mga internasyunal na musika tulad ng

JPOP, KPOP, American POP at iba pa. Di natin maipagkaila na unti-unti

ng nakakalimutan ng mga mamamayan sa makabagong henerasyon

ngayon ang halaga at kagandahan ng musikang Pilipino. Nakakalungkot

lang isipin na nababalewala na ang kakaiba at kagandahang taglay ng

OPM. Taglay rin ng OPM ang mga kalidad ng iba ring uri ng musika kay

lubos kaming nagtaka at nabahala kung bakit unti-unti ng nakakalimitan

ng mga mamamayan sa makabagong henerasyon ngayon ang

kahalagahan ng OPM.

Nais naming pahalagahan at maipreserba ang kultura ang

kulturang bansang “Pilipinas” sa pamamagitan ng pagsasaliksik ukol sa

paksang nauugnay sa “Original Philipipine Music”, at upang

maipagpatuloy ang paglago ng Musikang Pilipino sa larangan ng

industriyang musika sa ating bansa at sa buong mundo. Gusto naming


maipahayag sa mga mamamayan ang makabagong henerasyon ng

ating bansa na kung gaano ka importante ang pagpapahalaga ng ating

sariling gawa gaya ng OPM. Sa pamamagitan ng pagsasaliksik na ito,

nais naming maipahayag sa lahat lalo na sa mga kabataan ngayon, na

huwag nating kalimutan at ikahiya ang musikang Pilipino, marahil dapat

natin itong ipagmalaki at mahalin dahil parte ito sa isang tunay na

Pilipino. Huwag ikahiya ang sariling atin.

You might also like