Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sumulat ng komposisyon tungkol Sa paksang ang guroy tanglaw ng mag aaral

Ang ating tahanan ay may ilaw at haligi na siyang nagsisilbing pundasyon ng mga tahanan.
Kagaya ng paaralan na pangalawang tahanan, ito naman ay may nagsisilbing tanglaw, ang ating
mga guro.
Bakit nga ba nagsisilbing tanglaw ang ating mga guro? Para sa akin, hindi lamang sila
tumayo bilang pangalawang magulang, sila ang dahilan para makita natin kung gaano kakulay
ang mundo sa dala nilang liwanag.
Sila ang nagturo sating magbasa, magsulat, magkulay, magkalkula at Makita ang bawat
positibong bagay sa pang araw araw nating pag pasok sa paaralan. Simple man ang mga ganitong
kakayahan, pero natutunan natin ang importansiya nito para magtagumpay sa ating mga
pangarap. Nagkaroon tayo ng mga doctor, nars at mga mabubuting mamamayan sa larangan ng
medisina para tumulong sa mga nagkakasakit. Maganda ang pundasyon ng mga silid, tulay, riles
at iba pang pampubliko o pribadong imprastraktura sa pagkakaroon natin ng mga magagaling na
inhinyero. Maayos tayong nakakapagkalkula at nakakapag saayos ng ating pang araw araw
pangangailangan dahil sa karunungan natin sa sipnayan. Ang mga propesiyonal na siyang
nagbibigay kaunalaran sa ating komunidad ay hinubog ng liwanag na binibigay ng ating tanglaw,
ang ating mga guro.
Sila ay mga lamparang hindi nauubusan ng gatong para lamang mabigyan tayo ng liwanag
sa ating pag gawa ng mga takdang aralin. Nasunog man nila ang ating kilay sa ilang mga sakripisyo,
kaihit kailanma’y hindi nila tayo iniwan sa gitna ng dilim. Kagaya ng apoy sa ating mga gasera o
lampara, kahit kailan man ay hindi nila ipinakita sa atin ang kanilang paghina ng kanilang lagablab
na maturuan tayo.
Tinuruan nila tayo magkaroon ng pangarap at kung paano ito abutin. Kay buti ng tadhana
at binigyan nila tayo ng maliwanag na tanglaw para maabot ang mga pangarap na ito.
Ako bilang isang mag aaral na humahanga sa mga tanglaw na ito, ninanais ko ring maging
kagaya nila, ang maging tanglaw sa susunod na henerasyon ng mga mag aaral.

You might also like