Document

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

SENAKULO 2020

PAMBUNGAD: We are the Reason

SCENE 1: Palaspas

[Awit ng Papuri Medley]{ Center Stage}

Habang inaawit/tumutugtog ang musikang ito ay Ipapakita ang

Ilang tagpo sa Banal na Kasulatan mula sa Lumang Tipan at

Bagong tipan hanggang sa Pagdating ni Hesus sa Jerusalem;

Labanan ng mga Anghel

Ang Paglalang sa unang mga tao

Pangangaral ni Juan

Ang Pagsilang ni Hesus

Ang pagpapagaling sa mga may sakit

Pagpapalayas sa mga Demonyo

Linggo ng Palaspas

Matapos ang awitin ay darating ang mga

Pariseo.

PARISEO 1 : Magsitigil Kayo!

(Lalapit ang mga Pariseo kay Hesus)

PARISEO 2 : Guro Patigilin mo sila.

(Lalakad si Hesus patungo sa Gitna at gayun din

ang mga alagad.Haharap siya sa mga Tao. Hahawakan

niya si Juan At Pedro.)

HESUS : Kapag pinigil ko sila, mga bato na ang sisigaw.

(muling tutugtog […umawit tayo sating Panginoon..] at mag

Kakasiyahan ang mga tao. Lalakad sila at aalis ng Entablado.

Mahuhuli si Hudas. Pipigilin sya ng isang Pariseo[2].)

⁰0
PARISEO 2: Hindi ba’t ikaw si Hudas na isa sa mga taga sunod

Ni Hesus?

HUDAS: Ako nga, Ano ang kailangan nyo sa akin.

PARISEO 1: Kailangan namin ang Tulong mo.

(Itataas niya ang Sisidlan ng Salapi.)

Lights off exit Characters. End of Scene 1

SCENE 2: Huling Hapunan

(Lights on Fade in to mild set.{Center Stage} aakyat

Ang mga apostol sa Entablado Mula sa magkabilang panig

at dudulog sa hapag.

Darating si Hesus sa Hapag sa kanilang kalagitnaan.)

HESUS: Mga Minamahal, matagal ko ng ninanais na

Magkasalo salo tayo sa hapunang pampaskuang

Ito.

(Itataas niya ang kanyang kanang Kamay at ibababa,

Mauupo ang mga nasa gawing Kanan. Gayun din ang kanyang

Gagawin sa Kaliwa. Titingala siya sa Langit…isasagawa niya ang Huling

Hapunan)[Ito ang Aking Katawan]

HESUS: Nais kong ipakita sa inyo kung hanggang saan ang

Pag ibig ko para sa inyo. At gayun din ang nais kong

Tularan ninyo sa isa’t isa.

( Aalisin ni Hesus ang kanyang Balabal at huhugasan ang Paa ng

Mga alagad. [Ang atas ko sa inyo] Pagdating kay Pedro tatayo ito

Ngunit iuupo siya ni Hesus. Matapos hugasan ang kanilang mga paa

Ay yayakapin niya sila isa isa at gayun din ang gagawin nila. Sa ilang saglit

Pa si Hesus ay tila magugulumihanan. Makikita sa kanya ang Lungkot.

HESUS: Tandaan ninyo; Ako’y ipagkakanulo ng isa sa inyo.


(Manlulumo si Hesus at uupo. Aalayan siya ni Juan)

JUAN: Panginoon , Sino po ba ang tinutukoy ninyo?

HESUS: Ang sino mang ipagsawsaw ko ng tinapay ang

Siyang magkakanulo sa akin.

(Kukuha siya ng piraso ng tinapay at lalapit kay Hudas)

HUDAS: Guro, ako po ba?

( Isusubo sa kanya ang Tinapay ni Hesus)

HESUS: Ikaw na nga ang nagsasabi

( Hahawakan ni Pedro si Hudas)

PEDRO: Hudas! ( tatakbo si Hudas at pipiglas. Pipigilan ni Hesus si Pedro)

HESUS: Sa gabing ito, Ako’y iiwan ninyong lahat…

Simon Pedro makinig ka. Hiniling ni Satanas at

Ipinahintulot naman sa kanya, na kayong lahat

Ay subukin. Subalit idinalangin ko na Huwag lubusang

Mawala ang iyong pananampalataya. At kapag nag-

Balik loob ka na, patatagin mo ang loob ng iyong mga

Kapatid.

(Luluhod si Pedro at yayakapin ang binti ni Hesus.)

PEDRO: Panginoon, Handa po akong mabilanggo at

Mamatay na kasama ninyo. At Kahit iwan po kayo

Ng lahat hinding hindi ko po kayo iiwan.(Itatayo siya ni Hesus)

HESUS: Pedro, Tandaan mo ito, bago tumilaok

Ang manok sa Araw na ito, tatlong beses mo akong

Itatatwa. (Haharap si Hesus sa kanila) Mga kapatid

Samahan ninyo akong manalangin.

(Lights off… end of the scene)

SCENE 3: Ang Sabwatan

{Right Stage} (lights on fade in to tremble. Nakatayo sa Templo


Ang mga Sacerdote, mga Pariseo at mga kawal.)

SACERDOTE 1: Narito ka na pala kanina ka pa namin hinihintay

(Aakyat si Hudas at aalisin ang kanyang balabal)

SACERDOTE 2: Handa ka na ba upang ituro siya sa amin.

(Tila iaabot niya ang salapi at kapag mahahawakan

Na ni Hudas ay Bigla rin niyang Babawiin. Magtatawanan silang lahat.)

SACERDOTE 2: Kapag nakuha na namin ang aming pakay! Hahaha

Bigyan mo kami ng palatandaan kung sino ang aming

Dadakipin.

HUDAS: Narito ang Palatandaan. Kung sino ang aking Hagkan.

Siya ang inyong pakay.

SACERDOTE 1: Mga kawal magsihanda ang lahat! Dadakipin

Na natin ang Hesus na iyan.

(Lights off. End of the Scene)

SCENE 4: Pananalagin sa Halamanan

{Center Stage} (lights on fade in to deem. Si Hesus kasama si Juan,

Santiago at Pedro ay nakatayo sa entablado. Hahakbang siya ng

Tatlong hakbang ngunit manghihina at tila bubuwal sa Matinding

Hapis. Aalalayan siya ng mga Alagad.)

TPOTC soundtrack 11

HESUS: Ang puso ko’y tigib ng Hapis na halos ikamatay ko!

Maghintay kayo rito at makipagpuyat sa akin.

(Lalakad si Hesus patungo sa isang Pukol ng Bato na may

Matinding panlulumo at hapis. Mananalangin siya, titingala

At luluhod. )

HESUS: Ama, Kung maari ilayo mo sa akin ang Kalis ng

Paghihirap na ito. Gayunma’y huwag ang Kalooban

Ko ang masunod kundi ang kalooban Mo.


(Darating ang isang Diyablo upang tuksuhin si Hesus.

Lalapitan nya ang mga alagad at makakatulog. Bubulungan nya

Si Hesus at iikutan. Muli ni Hesus uulitin ang kanyang panalangin

Ng lalong mataimtim. Matapos niyon ay lalapitan niya ang kanyang

Mga Alagad )

HESUS: Natutulog ka Simon? Hindi ka ba makapagbantay kahit

Isang oras man lamang? Magpuyat kayo at manalangin

Upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang Espiritu ay nakahanda

Ngunit ang laman ay mahina.

(Muli silang mananalangin. Babalik si Hesus sa dako na kanyang

Niluhuran. Punong Puno ng Hapis siya’y halos magpatirapa sa lupa.

Manginginig ang kanyang Laman at tutulo ang Dugo.)

HESUS: Ama … Ama ko… kung hindi maialis ang kalis na ito

Ng hindi ko iinumin… mangyari ang iyong kalooban.

(Darating ang isang anghel dala ang isang kalis. Iinumin ito ni Hesus.

Aaliwin siya ng Anghel aawitin nito ang [Manalig ka]. Pag lalabanan

Nila si Hesus. Papaalisin ng Anghel ang Diyablo.

Muling makakatulog ang mga alagad Matapos ang Awit

Itatayo ng anghel si Hesus. Lalapit si Hesus sa mga alagad niya.)

HESUS: Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga? Dumating na ang oras

Na ipagkakanulo ang anak ng tao sa mga makasalanan.

Magsibangon na kayo. Narito na ang magkakanulo sa akin.

(Aakyat ang mga Sacerdote, Pariseo at mga kawal. Sa Huli darating si

Hudas at lalakad sa tabi ng mga Sacerdote. Magtataka ang mga apostol.)

[FORTUNATA-Era]

PEDRO: Hudas, ano itong ginagawa mo?

(Lalakad si Hesus patungo sa Harap ng mga Alagad.)

HESUS: Sino ang Hinahanap ninyo?


S/P/K : Si Hesus na taga-Nazareth!

(Hahakbang si Hesus patungo sa kanila.)

HESUS: Ako si Hesus.

( Mag aatrasan sila at mabubuwal sa takot. Muli silang tatayo)

HESUS: Sino nga ba ang hinahanap ninyo?

S/P/K: Si Hesus na taga- Nazareth

HESUS: Sinabi ko na sa inyo na ako si Hesus. Kung ako talaga ang

Hinahanap ninyo, hayaan ninyong makaalis ang mga taong

Ito.

( Itutulak ng isang Kawal si Hudas, unti unti itong tatayo )

HUDAS: Guro…. ( hahagkan niya si Hesus sa pisngi. Hahawakan

Siya ni Hesus sa braso.)

HESUS: Hudas, ipinagkanulo mo ba ako sa pamamagitan ng isang

Halik? ( aatras si Hudas)

SACERDOTE 1: Narito na ang kabayaran! (Ihahagis nya ito kay Hudas)

SACERDOTE 2: Makakaalis ka na! (Tatakbo si Hudas)

S/P: Mga Kawal dakpin ang taong iyan!

(Paliligiran sila ng mga Kawal… iikutan sila nito.. ngunit tila manlalaban

Si Pedro at huhugot ng Tabak…)

PEDRO: Panginoon, tumakas na kayo!

(Lalabanan niya ang mga kawal…)

SANTIAGO: Panginoon Tayo na!!! (hihikayatin nyang tumakas si Hesus)

(Sa Pakikipaglaban ay Matitigpas ni Pedro ang Tainga ng isang Kawal)

HESUS: Pedro! Isalong mo ang iyong tabak, sapagkat ang gumamit ng tabak

Ay sa tabak rin Mamamatay. (Pagagalingin ni Hesus ang Tainga

Ng kawal.)

SACERDOTE 1: Hulihin nyo na sya!!! (Huhulihin nga nila si Hesus)

( Bubugbugin ng mga kawal si Pedro at hahablutin ang magkapatid na

Santiago at Juan. Makakatakbo si Santiago, mahahawakan naman ng


Mga Kawal si Juan ngunit makakatakas din ngunit maiiwan ang kanyang

Balabal sa mga Kawal. Pahihirapan nila si Hesus.)

SACERDOTE 2: Tayo na sa Pinakapunong Sacerdote!

(Lilisanin nila ang Entablado at maiiwan si Pedro)

(Left Stage, tatakbo si Juan patungo kina Maria at Magdalena)

JUAN: Inang Maria! Inang Maria! (Yayakapin niya si Maria )

Kinuha nila ang Panginoon.(Ave Maria F. Santiago)

MARIA: Dumating na ang araw na kinatatakutan ko… Juan, Magdalena.

Samahan ninyo ako. Kailangan ako ng aking anak.

(Titingala si Maria sa langit at Luluhod) Diyos ko, patatagin mo

kami ng aking anak upang masunod namin Ang iyong kalooban .

(Lights off... end of the scene)

SCENE 5: Ang Senedrin

[Right Stage] {John Dobney TPOTC} mula sa gawing likuran ng

Bulwagan Ay magmumula ang mga Sacerdote, Pariseo

at mga kawal Kasama si Hesus. May mga nakakalat sa

Daanan na taong bayan na may iba’t ibang ginagawa.

Makikita nila ang pagdating ni Hesus at susundan nila

Ito. Mag uusap usap sila at mag kakagulo.

BABAE: Di ba’t siya si Hesus na nagmula sa Nazareth?

LALAKI: Oo siya nga! Ang Hinirang ng Diyos!

(Ang lahat ay magtutungo sa Senedrin na nagkakaingay.

Lalabas si Caifas at luluklok sa kanyang upuan.)

CAIFAS: Magsitahimik kayo!

(tatawagin ni Caifas ang dalawang Pariseo at magbabayad ng

Mga huwad na saksing magpaparatang)


SACERDOTE 1: Pinaka Punong Sacerdote, Mga kababayan, Sa ating

Harapan Ay nasasakdal ngayon ang isang Taong sanhi ng kaguluhan sa

Buong Bayan ng Jerusalem, Si Hesus na Nagmula sa Nazareth.

(Darating sina Maria, Juan at Magdalena… kasunod si Pedro.)

PARISEO 1: Siya! Siya ay nagpagaling sa araw ng Pamamahinga.

Nilabag niya ang Kautusan ni Moises at ng ating mga ninuno.

(Sasabunutan niya si Hesus) Ang kapangyarihan nya ay galing sa

Kasamaan! Kay Satanas!

LALAKI 1: Ipinagbabawal pa niya ang pag babayad ng Buwis

Sa Caesar! Hindi sya mabuting mamamayan! Siya ay nag

Uudyok ng Himagsikan laban sa Emperyo ng Roma!

PARISEO 2: Siya ay bumubuhay ng mga patay! Ipinapangaral niya

Sa kanyang mga turo na siya ang anak ng Diyos! Ang Mesiyas!

( Sasampalin niya si Hesus) Isa syang lapastangan!

(Lalakad si Caifas patungo kay Hesus)

CAIFAS: Narinig mo ang mga pinaparatang nila sa iyo…Ano ang masasabi

Mo tungkol sa kanilang mga pagsasakdal laban sa iyo?

(Hindi kikibo si Hesus, mananatili sya sa pag kakayuko)

SACERDOTE 2: Sumagot ka! ( itutulak nya si Hesus at mapapaluhod ito.)

CAIFAS: Ikaw ay nagpagaling sa Araw ng pamamahinga, at nagpapakilalang

Anak ng Diyos….ikaw ba ang Mesiyas? Ang Kristo? Ang darating na Hari ng Israel?

( hindi iimik si Hesus) Sa ngalan ng Diyos na Makapangyarihan, sagutin mo ang aking Katanungan.

Ikaw ba ang Mesiyas? Ang Anak ng Diyos?

(Unti unting tatayo si Hesus mula sa pagkakaluhod at iaangat ang kanyang Ulo sa langit.)

HESUS: Ako nga, at makikita ninyo ang anak ng tao na nakaupo sa kanan

Ng Makapangyarihan na dumadating sa Alapaap ng Langit.

(Matitilihan si Caifas. Gagahakin niya ang kanyang damit sa Galit)


CAIFAS: KALAPASTANGANAN!!!Hindi na natin kailangan ng mga Saksi!

Sa kanyang bibig Na mismo nanggaling ang kalapastanganan sa Diyos!

Dapat siyang Mamatay! (Sasampalin niya si Hesus)

(Magkakaingay ang mga tao papasakitan ng mga Sacerdote,

Pariseo at mga kawal si Hesus. Habang nagaganap ito

Isa sa mga nandoon ay makakapansin kay Pedro.)

LALAKI 1: Ikaw isa ka rin sa kanila!

(Aatras si Pedro at itatanggi ito….)

PEDRO: Hindi! nagkakamali ka. Hindi ko alam ang iyong

Sinasabi… ( hahawakan siya ng isang Braso)

BABAE 1: Ikaw, isa ka sa mga nasa halamanan. Isa kang

Tagasunod na alagad ni Hesus.( pipiglas si Pedro)

PEDRO: Kahit kailan ay di ko nakikilala ang taong iyan.

LALAKE 2: Ikaw si Simon Pedro! Isa ka ring Galileo!

Ikaw ang alagad ni Hesus! (Itutulak niya si

Pedro at Madadapa.)

PEDRO: Isinusumpa ko! Kahit na kailan ay hindi ko

Nakikilala ang taong iyan! ( dahilan sa

Pagpapahirap ng mga kawal kay Hesus siya ay

Mabubuwal sa harap ni Pedro. Kasabay nito ang

Pagtilaok ng manok…maalala ni Pedro ang sinabi

Ni Hesus.)

PEDRO: Panginoon ko!!! ( hahawakan niya si Hesus

Ngunit ito ay Hihilain ng mga kawal.)

CAIFAS: Mga kawal dalhin siya kay Pilato! (Mula rito ay

Ddadalhin nga nila siya kay Pilato.)


SCENE 6: Ang Unang Pagharap

[Center Stage] lahat ay tutungo kay Pilato. Nagkakagulo

Pa rin ang mga tao. Patuloy ang pagpapahirap kay Hesus

Lalabas si Pilato kasama si Claudia.)

PILATO: Anong Kaguluhan ito?

CAIFAS: Mahal na Gobernador, ipinagsasakdal namin sa

Iyo ang taong ito na lumabag sa aming mga kautusan.

PILATO: Kung gayon ay hatulan nyo siya ng naaayon sa

Inyong kautusan.

CAIFAS: Ngunit hindi kami maaring maggawad ng Kamatayan.

PILATO: Kamatayan? (Magkakagulo ang mga tao)

SACERDOTE 1: Opo Mahal na Gobernador, sapagkat nahuli namin

Ang taong ito na nanunulsol sa aming mga kababayan upang huwag

Magbayad ng buwis kay Caesar at maghimagsik.

SACERDOTE 2: Ipinapangaral pa niyang siya ang Mesiyas, isang Hari!

Ang ipinangako sa aming bayang Israel!

( lalapitan ni Pilato si Hesus ng may habag…..)

PILATO: Ikaw ba ang Hari ng mga Hudio?

(Unti unti siyang titingnan ni Hesus )

HESUS: Kayo na nga ang nagsabi. ( lalakad lakad si Pilato na tila nag iisip)

PILATO: Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.

CAIFAS: Ngunit sa pamamagitan ng kanyang mga turo ay inudyukan niya ang

Mga taga Judea

PILATO: Kung gayon siya ay nagmula sa Galilea. Dalhin nyo

Siya kay Herodes. Siya ang may pananagutan sa kanyang

Nasasakupan.

CAIFAS: Tayo na kay Haring Herodes!

(Kakaladkarin nila si Hesus patungo kay Herodes

[Left Stage] darating ang sila sa Kaharian ni Haring Herodes


Nakaluklok na siya sa kanyang upuan.)

HERODES: Mga ginigiliw ano ang inyong sadya?

CAIFAS: Mahal na Haring Herodes, Narito si Hesus na Mula sa

Nazareth, Galilea. Nais po namin syang ipagsakdal.

HERODES: Kung gayon ay ikaw pala si Hesus! Matagal ko ng ninanais

Na makita ka. Nais kong makakita ng iyong mga dakilang himala.

Pag papalakad sa mga pilay, pagbibigay paningin sa bulag, pati

Pagbuhay sa mga patay.

CAIFAS: Kamahalan sinasabi pa ng tao na ito na siya ang Mesiyas!

HERODES: Ang Mesiyas! Ang Hari ng Israel! Hahaha

( magtatawanan ang lahat ng pakutya kay Hesus)

HERODES: Mahal na Hari! Maaari mo po bang ipamalas

Sa amin ang yong taglay na kapangyarihan? ( tatawag siya ng Alipin)

Alipin ipasok dito ang sisidlan ng alak! (Haharap siya kay Hesus)

Kamahalan, maaari mo bang punuin ito ng masarap na alak upang

Tayo ay magkasiyahan? ( hindi kikibo si Hesus) mukhang hindi

Nagsasalita ang ating hari? At tila may sira lamang ang kanyang

Ulo, narito ang kapa (isusuot ni Herodes ang isang Kapa kay Hesus)

Ibalik nyo na sya kay Pilato. Sapagkat wala akong maihahatol sa

Taong kulang ang pag iisip…. ( Isasaboy niya ang alak na nasa Copa)

Paalam Mahal na Mesiyas! (Hahalakhak siya ng kakatawa)

(Dadalhin si Hesus pabalik kay Pilato.)


SCENE 7: Ang Pagsisisi at ang Hatol

(Habang sila ay pabalik kay Pilato si Hudas ay Haharang sa Daanan.)

HUDAS: Palayain nyo na siya! Nagkasala ako sa Diyos! Ipinagkanulo

Ko ang isang taong walang kasalanan. Ipinagkanulo ko ang

Aking Panginoon.

SACERDOTE 1: Anong pakialam namin sa iyo? Bahala ka!

SACERDOTE 2: Natanggap mo na ang iyong pabuya!

Lumayas ka sa aming daraanan!

HUDAS: Narito! Narito na at isinasauli ko na lahat ng ibinigay ninyo!

Nakikiusap ako! Parang awa nyo na! Palayain nyo na sya!

CAIFAS: Mga Kawal ilayo nyo ang taong iyan sa aming daan.

Nasisiraan siya ng ulo.

(Si Hudas ay kakaladkarin patapon sa {Left Stage} sa kabilang

Entablado {right stage} naman ay naroroon si Pedro.)

PEDRO: Nagkasala ako sa Panginoon! Tatlong beses ko siyang

Ikinaila. Hindi na ako karapatdapat na tawaging Alagad.

HUDAS: Ano itong ginawa ko? Ipinagpalit ko sa salapi ang aking

Panginoon. Mamamatay ang isang taong walang sala

Dahil sa aking pagiging gahaman sa salapi!

(Awit ng Pagbabago, ito ay maykasamang mga Dancer)

PEDRO: Hihingi ako ng tawad sa kanya. Alam kong Mahabagin

At mapagpatawad ang Diyos. Hesus, Patawarin mo ako.

Buong puso kong pinagsisihan ang aking kasalanan. Kaawaan

Mo ako Panginoon. Patawarin mo ako.

HUDAS: Hindi na ako mapapatawad ng Diyos sa laki ng kasalanang

Aking nagawa. Dapat akong mamatay! Wawakasan ko na ang

Masamang buhay na ito, sapagkat walang kapatawaran ang

Aking kasalanan…..(iaabot sa kanya ng Diyablo ang Lubid

Lights off .
Ang lahat ay magmumula sa Likuran..

Si Hesus ay muling ihaharap kay Pilato. Muling lalabas si Pilato)

CAIFAS: Muli siyang ipinabalik ni Haring Herodes.

PILATO: Akin siyang siniyasat, at napatunayang walang katotohanan

Ang mga paratang ninyo laban sa kanya. Gayun din ang ginawa ni Herodes,

Kaya’t ipinabalik sya rito sa akin. . .Ipahahampas ko lamang siya at

Pagkatapos nito ay palalayain (titingin siya sa mga kawal)

Mga kawal dalhin sya sa loob ng Palasyo.

(Ililipat sa kabilang entablado{right stage} si Hesus at Doon nakahanda ang Haliging

Paghahampasan sa kanya. Aalisan siya ng Damit at igagapos.

Titingala siya sa langit na animo’y kumukuha ng lakas ng loob at awa.

Hahagupitin siya ng mga kawal. Mamimilipit si Hesus sa sakit at

Manlulupaypay sa matinding sakit at hirap ngunit babangon siya.

Sa katapusan ay tuluyan na syang malulupaypay sa Lupa.

Iuupo siya ng mga kawal .

KAWAL 1: Pagpugayan natin ang hari ng mga Hudio!

KAWAL 2: Mas maganda kung susuotan natin siya ng Maringal na kapa.

(isusuot niya ang isang kapang purpura/maroon kay Hesus)

KAWAL 3: Narito ang kanyang Setro hahaha

(Ihahampas nya sa ulo ni Hesus ang tambo at pahahawakan ito sa kanya.)

KAWAL 4: at walang hari na walang Korona! Narito ang Korona!

(Ipuputong nila kay Hesus ang Koronang tinik)

KAWAL 5: AVE, REX IEDUORORUM!

MGA KAWAL: AVEEE!!!!

(Magtatawanan sila at pag hahampasin si Hesus. Gayon din ang

Mga tao. Lalayo si Maria na tila manghihina Kukuhanin siya ni Juan.

Dadalin siya muli sa {Center Stage} at ihaharap kay Pilato.

Magugulat si Pilato sa kalagayan ni Hesus at dadalhin ito sa

{Left Stage} kung saan nya ito kakausapin.)


PILATO: Ikaw ba ang hari ng mga Hudio?

HESUS: Iyan ba ay galing sa iyong sariling isipan o may nagsabi sa iyo?

PILATO: Hindi ako Hudio kung kaya’t di ko ito nalalaman. Ang iyong mga

Kababayan at mga punong sacerdote ang nagdala sa iyo rito. Ano ba ang

Nagawa mo?

HESUS: Ang kaharian ko ay hindi sa sanlibutang ito… kung sa sanlibutang

Ito ang aking kaharian, ipakikipaglaban sana ako ng aking mga tauhan at

Hindi naipagkanulo sa mga Hudio. Ngunit hindi sa sanlibutang ito ang aking

Kaharian. (Lalapit si Claudia na asawa ni Pilato)

PILATO: Kung gayon, isa kang Hari?

HESUS: Kayo na ang nagsasabing ako’y Hari. Ito ang dahilan kung

Bakit ako ipinanganak at naparito sa sanlibutan: upang magsalita

Tungkol sa katotohanan….

(maguguluhan si Pilato at ipababalik si Hesus sa {Center Stage}

Kakausapin niya si Claudia.)

PILATO: Alam kong walang kasalanan ang taong iyon, inggit lamang

Ang sanhi kung bakit nila siya dinala rito. Nais ko syang palayain

Ngunit makapangyarihan ang mga Sacerdote. Hindi ito maaring

Makaabot sa Caesar. Maaring matanggal ako sa kapangyarihan.

Hindi ko na alam ang aking gagawin.

CLAUDIA: Nakita ko siya sa aking panaginip bago pa dumating ang

Araw na ito. Palayain mo ang taong iyan sapagkat siya ay isang banal

At walang kasalanan. ( lalong maguguluhan si Pilato at babalik sila

Sa {Center Stage}

PILATO: Ecce Homo! Masdan ninyo ang taong ito!

(Ihaharap niya sa Kanila si Hesus. Ngunit magkakagulo lala ang

Mga tao.) Iniharap ko siya sa inyo upang malaman ninyong wala

Akong makitang kasalanan sa kanya. Kaya’t walang dahilan upang

Hatulan siya ng Kamatayan.


CAIFAS: Ngunit ang taong iyan ay nagpapanggap na Mesiyas,

Ang anak ng Diyos (Sasampalin sana niya si Hesus ngunit sasalagin

Ito ni Pilato.) Nilapastangan niya ang Diyos, Dapat siyang mamatay.

PILATO: Huminahon kayo! Ayon sa inyong kaugaliang umiiral;

Tuwing pista ng paskuwa ako ay nagpapalaya ng isang bilanggo.

(Tatawagin niya ang isang Kawal at bubulungan niya ito.)

Ibig ba ninyong palayain si Hesus na tinatawag na Kristo?

(Ipapasok si Barabas) o si Barabas? (Magsisigawan ang mga tao

Na si Barabas ang palayain. Ilang saglit na magkakagulo)

Ibig ba ninyong patayin ang inyong Hari?

CAIFAS: Wala kaming ibang hari kundi ang Ceasar! Kapag pinalaya mo

Siya ay laban ka kay Ceasar! Pabayaan mo ng mamatay ang taong iyan

Kaysa magkagulo rito.

(Muling magkakagulo ang mga tao at magsisiksikan.ipapatawag ni Pilato

Ang isang utusan. Maghuhugas siya ng Kamay.)

PILATO: Ibinibigay ko na siya sa inyo! Subalit wala akong kasalanan

Sa kamatayan niya. Kayo ang nag nais na siya ay Hatulan ng Kamatayan.

(Aalis si Pilato, ilalabas ng mga kawal ang Krus upang ipapasan kay Hesus,

Yayakapin ni Hesus ang Krus.

SCENE 8: Ang Daan ng Paghihirap

{Via Dolorosa}

KAWAL 1: Sige yakapin mo ang iyong Krus! Yakapin mo ang iyong Kamatayan

(Magtatawanan ang mga kawal at tutyain nila si Hesus. Iikot sila sa buong Bulwagan.

Habang lumalakad ay masasalubong ni Hesus si Maria.)

(Aawitin ni Maria ang “Manatili ka”. Luluhod siya sa Harap ni Hesus.)

MARIA: Anak, Narito ako. Narito ang iyong ina. Sasamahan kita aking anak.

Sasamahan kita kahit saan ka man magpunta. Anak, narito ako.


HESUS: Ina, mabalot man ng Dilim at hapis ang araw na ito. Darating ang

Araw na magliliwanag din ang langit sa atin. Mahahawi din ang dilim.

Makakasama kita sa aking luwalhati.

(Muli siyang lalakad at sa bigat ng Krus ay madadapa siya.)

(*opt. “Kung ‘yong nanaisin” aawitin ng Koro habang nagpapasan ng Krus

Si Hesus. )

(Masasalubong nila si Simon Cirene)

KAWAL 2: Bakit ka tumigil? Bumangon ka? (Sisipain at hahagupitin)

Tumayo ka! Malayo pa ang Kalbario!

KAWAL 3: hindi na sya makabangon, tulungan mo siya.

KAWAL 2: Nako hindi ako bubuhat niyan.

(Makikita nila si Simon Cireneo)

KAWAL 2: Ikaw! Lumapit ka rito!

SIMON CIRENEO: Aaakooo??? (Hahatakin niya ito)

KAWAL 2: Tonto! Ikaw nga! Pasanin mo ang kanyang Krus!

SIMON CIRENEO: Baabaababakit akko? Wala aaakong kasalanan.

KAWAL 2: May sinabi ba akong may kasalanan ka? Bilisan mo!

Bago pa ikaw ang ipako ko diyan.

(Papasanin ni Simon Cireneo ang Krus. Pagkalayo layo ay muling

Ibabalik ang Krus kay Hesus. At sa kalaunan ay masasalubong niya

Ang mga kababaihan ng Jerusalem.{Libera-Air} luluhod sila sa

Harapan ni Hesus.

MARIA NG BETANIA: Panginoon, nagpagaling ka at nangaral…

Isasapuso namin lahat ng iyong mga turo…sasamahan ka namin

Sa iyong paghihirap.

MARTHA: Panginoon, susunod kami sa iyo hanggang kamatayan.

Hinding hindi namin iiwan.


MAGDALENA: Naniniwala ako sa pangako mo Panginoon.

Nananalig ako sa iyo! Ikaw ang lahat para sa amin Panginoon.

Panginoon sasamahan ka namin.

(Lalapit si Veronica at papahirin ang mukha ni Hesus.

Pagkatapos nito ay itataboy sila ng mga kawal.)

HESUS: Huwag ako ang tangisan ninyo, kundi ang inyong

Anak at ang inyong sarili.

(Ilalayo ng mga kawal ang mga babae palayo. Muling ilalakad

Muli ni Hesus ang Krus.

SCENE 8: Ang Kamatayan

Darating sila sa {Center Stage} at doon

Ipapako si Hesus. Kakaladkarin nila siya at ihihiga sa Krus.

Mapapahiyaw siya sa bawat pukpok ng martilyo. Wiwikain ni

Hesus habang ipinapako siya.)

HESUS: Aaaammma!!!! Patawarinnn Mo siiila.. aahhhh ahhh!

Sapagkaaat hiindi nila alammm ang kanilaaang ginagawwaa.

(Lalapit ang mga Sacerdote)

CAIFAS: Masdan mo ang iyong Sarili! Matatawag mo pa kayang

Ama ang Makapangyarihang Diyos? (Tutuyain nila si Hesus.

Ipapako rin sa magkabilang gilid niya ang dalawang magnanakaw)

HESTAS: Hesus! Kung ikaw talaga ang Mesiyas, bakit hindi mo iligtas

Ang iyong sarili pati na kami? Hahaha

DIMAS: Hestas! Ano ang iyang sinasabi mo? Hindi ka ba natatakot sa

Diyos? Matuwid lamang na tayo’y parusahan ng ganito! Dapat nating

Pagbayaran ang lahat ng ating kasalanan. Subalit ang taong ito ay

Walang ginagawang masama (titingnan niya si Hesus)

Hesus! Alalahanin mo ako kapag nag hahari ka na…


HESUS: Sinasabi ko sa iyo, ngayon di’y isasama kita sa Paraiso.

(Habang nagaganap ito, si Maria, Juan at Magdalena ay aakyat)

{ O Beata Mater } lalapit si Maria sa Paanan ni Hesus.

MARIA: Anak, Anak, Narito ako, Mahal kong Anak. Laman mula

Sa aking laman. Dugo mula sa aking dugo. Anak ko, hayaan mong

Samahan kita sa iyong pagdurusa. Narito ang iyong Ina.

(Titingnan ni Hesus si Maria na namamaalam, tutulo ang luha.)

HESUS: Ina, narito ang iyong anak (titingin siya kay Juan)

Anak, narito ang iyong Ina(lalapit si Juan Kay Maria at tatango sa

Pagsang ayon kay Hesus. Kukulog at Kikidlat.)

CAIFAS: Nagdidilim na ang langit, humayo na tayo. Walang gugulo

Sa bayan ng Israel! (Magsisialis na ang mga Sacerdote.)

( Si Hesus ay mapupuno ng Hapis at luluha, malakas niyang sasabihin)

HESUS: Diyos ko! Diyos ko! Bakit mo ako pinabayaan?

PARISEO 1: Huwag mong lapastanganin ang Diyos! Sapagkat hinding

Hindi ka niya pakikinggan.

(Maghihingalo na si Hesus. Mababanaag na sa kanya ang pagkakapos

Ng hininga at sa kanyang Mata na tila pipikit na.)

HESUS: Ako’y nauuhaw…

KAWAL 2: Nauuhaw daw ang ating Hari! Bigyan siya ng Inumin.

(Magtatawanan sila at tutuyain siya habang nagsasapalaran.

Isang kawal 3 ang kukuha ng Sanga ng isopo na may espongha

At itutubog sa suka. Ididiit niya ito sa labi ni Hesus.)

KAWAL 3: Mahal na Hari, narito inumin mo ang suká. Inumin mo.haha.

(Pagkainom nito ay titingin siya kina Maria at Juan.)


HESUS: Naganap na…(yayakapin ni Maria ang Paanan ni Hesus.

Titingala si Hesus sa Langit. Magsisimula nang mawala ang kanyang

Hininga.)

HESUS: Ama… A…Ama ko… sa.. mga kamay mo.. ipinagtatagubilin

Ko.. aaahh ang aking Espiritu.

(Hihinga sya ng Malalim… malalagot ang kanyang hininga..

At mayuyukayok. Kasabay nito ang Malakas na Kidlat at Kulog.

Magtatakbuhan ang mga taong bayan paalis. Babaliin ng mga

Kawal ang binti ng Dalawang magnanakaw. Ang isa ay tatakbo

Kay Hesus at nakaambang babaliin ang binti nito. Manlulupaypay

Si Maria sa Paanan ng Krus at aalalayan siya ni Juan.)

KAWAL 4: Patay na Siya!

KAWAL 5: tiyakin mo! (Sisbatin ng kawal 4 ang tagliran ni Hesus)

(Darating ang mga kababaihan kasama ang ilang alagad. Ibababa

Ng ilang kawal kasama sina Nicodemo at Jose ng Arimatea si Hesus

Mula sa Krus. {Ugoy ng Duyan} Si Hesus ay ilalagay sa Kandungan

Ni Maria. Lilinisin siya ng ilang kababaihan habang umiiyak.

{Huwag limutin} Habang inaawit ito si Hesus ay inihahanda sa

Paglilibing. Babalutin si Hesus sa kayong Lino o Telang Puti mula

Ulo hanggang paa. Bubuhatin siya papunta sa [left stage] kapag.

Naroon na ay ilalapag siya. Isa isa silang mananaghoy. Sa Hulihan

Ay si Maria, Kasama sina Juan at Magdalena. Isa isa silang lilisan

Magtatagal ng Sumandali si Maria, Juan at Magdalena. Yayakapin

Ni Maria ang labí ni Hesus at saka aalis at lilipat sa Kabilang

Entablado (Center Stage, with spotlight)

End of the Scene… lights off…


SCENE 9: Ang Muling Pagkabuhay

(Left Stage) sa libingan ay Darating ang Apat na Kawal.)

KAWAL 1: Ipinag utos ng Gobernador Pilato na magbantay tayo

Rito sa Libingan.

KAWAL 2: Ngunit sa anong dahilan?

KAWAL 3: Sagkat sinabi ng taong ito na muli syang mabubuhay

Sa ikatlong araw. Ngunit ayon sa mga Sacerdote ay nnanakawin lang ito ng mga alagad niya

Ngayon ay araw ng Pamamahinga, Sabath, Bukas ay Linggo na. Maaring nakahanda

Na ang kanyang mga alagad na kunin ang katawan ng taong ito.

KAWAL 4: Kung kaya dapat tayong maging handa at lalong magbantay

Sapagkat ilang oras na lamang mula ngayon ay hating gabi. Ihanda natin

Ang ating mga armas! Pwesto! (Lalakad sila sa paligid ng Libingan

Sa ilang saglit ay darating ang Dalawang anghel ngunit hindi nila ito

Makikita. Aawit ang dalawang Anghel [You Raise Me Up] matapos

Ng awit ay lilindol ng malakas na may Kulog at Kidlat.

Magbubuwalan ang mga kawal at Makakatulog. Sa ilang saglit ay

Darating ang mga Kababaihan.)

SALOME: Sino kaya ang nag bukas ng Libingan?

JUANA: at may mga kawal ngunit mga walang malay.

MAGDALENA: Wala rito ang Panginoon! Baka ninakaw ang kanyang

Labi! Hanapin natin siya!

(Magkakagulo sila at Lalabas muli ang Dalawang Anghel. Magugulat

Ang mga babae. Luluhod sila at matatakot.)

ANGHEL 1: Bakit ninyo hinahanap ang Buhay sa mga patay.

ANGHEL 2: siya’y muling nabuhay…

(tatakbo ang dalawang babae, maiiwan si Magdalena.

[Hymne- Erra] magliliwanag ang Libingan. Uusok ang sa buong

Entablado. Lalabas si Hesus. Magagalak si Magdalena at yayakapin

Ang binti ni Hesus.)


HESUS: Humayo ka at ibalita sa ating mga kapatid ang iyong nakita.

(Galak na galak si Magdalenang Babalik sa {Center Stage} gigisingin

Niya ang mga Alagad.)

MAGDALENA: Pedro! Juan! Madali kayo! Nakita ko ang Panginoon

Siya ay muling nabuhay. ( Magkakagulo ang mga alagad. Darating

Si Hesus [Handel Messiah]

HESUS: Sumainyo ang Kapayapaan.

(Maglalapitan ang mga alagad at yayakapin si Hesus. Matapos nito

Ay lalapitan ni Hesus si Maria.)

HESUS: Ina, natapos na ang dilim. Nagtagumpay ako sa Kamatayan.

Makihati ka sa aking Kaluwalhatian. (Aalisin ni Hesus ng itim na belo

Ni Maria at yayakapin siya. [ Papuri-Consolacion] matapos ang ilang

Bahagi ng awit ay magsasalita si Hesus.)

HESUS: Ako ang Anak ng Diyos, Ako ang Mesiyas, ako ang iyong

Tagapagligtas, ako ang iyong Kapatid, Ako ang iyong Kaibigan.

AKO SI HESUS.

[Magalak-Exultet] sasayaw ang mga Anghel kasama ang lahat ng

Gumanap. Ipapakilala sila isa isa. Lahat ay yuyukod sa Huli bilang

Pasasalamat.)

*Mula sa Ebanghelyo nina:

San Mateo/San Marcos/San Lucas /San Juan

Mula sa – HESUS 2017

( pagtatanghal ng Parish Commission on Youth SALACOT

Sa pag sasaayos ng Lingkod Kabataan Jhim Barcelona sa Paggabay

Ni Rev.Pad. Leonard R. Hernandez)

Muling isinaayos ni G. Jhim Barcelona

ALL RIGHTS RESERVE COPY 2020


MGA NAGSIGANAP

1.HESUS

2. MARIA

3. JUAN

4. MAGDALENA

5.PEDRO

6.HUDAS

7. PILATO

8. CAIFAS

9. SANTIAGO

10. SACERDOTE 1

11. SACERDOTE 2

12. PARISEO 1

13. PARISEO 2

14. KAWAL 1

15. KAWAL 2

16. KAWAL 3

17. KAWAL 4

18. KAWAL 5

19. ANGHEL 1

20. ANGHEL 2

21. DIYABLO

22. DIMAS

23. HESTAS

24. SIMON

25. VERONICA

26. MARIA B.

27. MARTHA
28. SALOME

29. JUANA

30. HERODES

31. LALAKI 1

32. LALAKI 2

33. BABAE 1

34. CLAUDIA

*Mga alagad

*taong Bayan

*dancers

*choir

You might also like