Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Division of San Carlos City
GUELEW INTEGRATED SCHOOL
San Carlos City, Pangasinan

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4


I. Layunin

a. Natatalakay ang kahalagahan ng mabuting pamumuno (AP4PLR-IIID-4);


b. Naipapaliwanag ang mga epekto ng mabuting pamumuno (AP4PLR-IIID-4); at
c. Naibabahagi sa klase ang iba’t-ibang proyekto o programa ng piling lider.

II. Paksang Aralin

Epekto ng Mabuting Pamumuno sa Pagtugon sa mga Pangangailangan ng Bansa

Kagamitan: Manila paper, pentel pen, powerpoint presentation


Sanggunian: Teacher’s Guide pp 121-124
Learner’s Material pp. 262-265

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin

Magkakaroon ang klase ng isang munting laro na pinamagatang “Sino ang nagsasabi
ng totoo?” Ang layunin ng larong ito ay malaman kung aling pahayag ang tama tungkol sa
nakaraan nilang aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Magpapakita ang guro ng ilang larawan ng mga kilalang personalidad at magtatanong


sa mga mag-aaral kung ano ang nagawa nilang kontribusyon sa lipunan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Magpapakita ng iba’t-ibang larawan na nagpapakita ng maayos, matiwasay at mabilis


na serbisyo ng ilang lider.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Tatalakayin ng guro ang kahalagahan ng Mabuting Pamumuno sa LM pahina 263

Mahalaga ang pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa at isang mahalagang salik sa pag-
unlad nito ang mabuting pamumuno.Ang pamumuno ay isang proseso ng pagpapatunay ng
awtoridad at pagbubuo ng desisyon para sa nasasakupan o ng buong bansa. Ang pamumuno
ay may kalakip ding pananagutan at pakikipagkaisa at pantay na pagtingin, mapatao man ito
o mapapamahalaan. Ang isang mabuting pamunuan ay matatag at walang kaguluhan, may
maayos na pangangasiwa sa mga yaman at patakaran, at may paggalang sa mga batas, at
walang katiwalian.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Bibigyang diin ng guro ang mga katanungan ng mga mag-aaral at tatalakayin ang mga
epekto ng mabuting pamumuno.

Makikita ang isang epekto ng mabuting pamumuno sa pag- unlad ng mga negosyo o
kalakalan. Sa mabuting pamumuno, naaayos ang mga polisiya, kung kaya’t makahihimok ng
mas maraming mamumuhunan. Ang maraming mamumuhunan ay nangangahulugan din ng
pagtaas ng kita ng komunidad at ng bansa sa pangkalahatan. Ang pagpasok ng mga
mamumuhunan ay karagdagan ding pagkakataon sa pag-eempleyo, kaya’t malaki ang
bahagdan ng pagbaba ng kahirapan.

Ang mabuting pamumuno ay hindi lamang sa loob ng bansa mapapakinabangan. Kung


epektibo ang pamumuno, positibo ang kalagayang pangkapayapaan , at maunlad ang
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of San Carlos City
GUELEW INTEGRATED SCHOOL
San Carlos City, Pangasinan
panloob na kalakalan, hindi lamang mga mangangalakal ang mahihimok na mumuhunan sa
bansa. Uunlad din ang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga turista o mga Pilipinong
nagbabalik- bayan.

F. Paglinang sa Kabihasnan

Papangkatin ang klase sa tatlong grupo. Bibigyan sila ng limang minuto upang tapusin
ang kanilang pangkatang gawain. Gugupit sila ng star at ang ilalagay nila sa loob ng star ay
ang kanilang iniidolong lider. Isusulat din nila sa manila paper ang nagawang programa o
proyekto ng lider na kanilang napili at iprepresenta sa harap.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang mga proyekto o mga


programang ginawa ng mga lider ng ating bansa?

H. Paglalahat ng Aralin

a. Ano ang kahalagahan ng mabuting pamumuno?


b. Ano-ano ang mga epekto ng mabuting pamumuno?

IV. Pagtataya

Isulat ang T kung tama ang ipinapahayag na teksto at M kung ito naman ay mali.
________1. Isang mahalagang salik ng pag-unlad ng ekonomiya ang mabuting pamumuno.
________2. Ang isang namumuno ay may karapatang awayin ang sinumang sumasalungat
sa kanya.
________3. Walang mabuting epekto sa ekonomiya ang magaling na pamumuno.
________4. Ang mabuting pamumuno ay nanghihikayat sa mga negosyante na mamuhunan
sa isang lugar.
________5. Ang isang mabuting pamunuan ay matatag at walang kaguluhan,

V. Takdang Aralin

Magtala ng isang lider na hinagangaan mo at ipaliwanag kung bakit siya ang napili mo.
Ilagay ang sagot sa isang malinis na papel.

Prepared by:

SHAIRA T. ROSARIO
Teacher I

Checked by:

ARLENE P. DATUIN
Master Teacher I

Noted:

GERTRUDES R. MARCELLANO, Ed.D.


Principal IV

You might also like