Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

1.

PAMAGAT
Sa Aking mga Kabata

2. MAY AKDA
Dr. Jose P. Rizal

3. SIPI

Sa Aking Mga Kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umibig


Sa kanyang salitang kaloob ng langit,
Sanlang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan


Sa bayan, sa nayo’t mga kaharian,
At ang isang tao’y katulad, kabagay
Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa


kanyang salita Mahigit
sa hayop at malasansang
isda, Kaya ang marapat
pagyamaning kusa na tulad sa
inang tunay na nagpala.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin
Sa Ingles, Kastila at salitang anghel,
Sapagka’t ang poong maalam
Tumingin
Ang siyang naggawad, nagbigay sa atin.

Ang salita nati’y huwad din sa iba na


May alfabeto at saliring letra, na kaya
Nawala’y dinatnan ng sigwa ang lunday
Sa lawa noong dakong una.

4. TALASALITAAN
HRR Pamagat Mga Salitang Napili
Bilang at May
Akda
HRR 1 Sa Aking A. Ibong nasa Himpapawid –
mga Ibong nasa langit
Kabata ni B. Mahigit sa hayop at
Dr. Jose malansang isda – Mas masahol
Rizal pa sa hayop at mas malansa pa sa
isda
C. Huwad – peke o hindi totoo
D. Sigwa – unos o bagyo
E. Lunday – Klase ng Bangka na
ginagamit ng mga katutubong
indiyan, maliit ito at pinapaandar
gamit ang lakas ng isang tao
1. PAMAGAT
Pagibig sa Tinubuang lupa
2. MAY AKDA
Andres Bonifacio

3. SIPI

PAGIBIG SA TINUBUANG LUPA

Aling pagibig pa ang hihigit kaya


Sa pagka-dalisay at pagka-dakila
Gaya ng pagibig sa tinubuang lupa?
Alin pagibig pa? wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip at


Isa-isahing talastasing pilit ang
Salita’y buhay na limbag at titik ng
Isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pagibig pag ikaw ang nukal


Sa tapat na puso ng sino’t alinman,
Imbit taong gubat, maralita’t mangmang
Nagiging dakila at iginagalang.
Pagpuring lubos ang nagiging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat,
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat
Kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog


Ng pusong mahal sa bayang nagkupkop,
Dugo, yaman, dunong , tiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki na


Hinahandugan ng buong pag kasi na
Sa lalong mahal kapangyayari
At ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,


Siya’y ina’t tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol


Ng simoy ng hanging nagbigay lunas,
Sa inis na puso na sisinghap-singhap,
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
Kalalip din nito’y pagibig sa Bayan
Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
Mula sa masaya’t gasong kasanggulan,
Hanggang sa katawan ay mapasalibingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw, ang


Inaasahang araw na darating ng
Pagka-timawa ng mga alipin liban pa
Ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga


na parang niya’t gubat na kaaya-aya
Sukat ang makita’t sa ala-ala
Ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog


Bukal sa batisang nagkalat sa bundok
Malambot na huni ng matuling agos
Na nakaka-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa bayan!


Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
Walang ala-ala’t inaasam-asam
Kundi ang makita’ng lupang tinubuan.
Pati na’ng magdusa’t sampung
Kamatayan waring masarap kung
Dahil sa bayan at lalong maghirap,
O! himalang bagay, lalong pagirog
Pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib


At siya ay dapat na ipagtangkilik ang
Anak, asawa, magulang, kapatid isang
Tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan


Ay nilalapastangan at niyuyurakan
Katwiran, puri niya’t kamahalan ng
Sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis ng


Pusong Tagalog sa puring nalait
At aling kaluoban na lalong tahimik
Ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay sa


Paghihganti’t gumugol ng buhay kung
Wala ring ibang kasasadlakan
Kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t


pagka-busabos sa lusak ng daya’t
tunay na pag-ayop supil ng pang –
hampas tanikalang gapos at
luha na lamang ang pinaa-agos.

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay


Na di-aakayin sa gawang magdamdam
Pusong naglilipak sa pagka-sukaban
Na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap


Ng mga Tagalog at hindi lumingap
Sa naghihingalong inang nasa yapak
Ng kasuklam-suklam na castilang
Hamak.

Nasaan ang dangal ng mga tagalog,


Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Bayan ay inaapi, bakit di kumikilos?
At natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay


Sa pag asang lubos na kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan, kaya
Nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit


Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib
Muling pabalungit tunay na pagibig
Kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak


Kahoy niyaring buhay na nila’t sukat
Ng bala-balakit makapal na hirap
Muling manariwa’ t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal)


Ng dagat at bagsik ng ganid na asal,
Ngayon magbangon’t baya’y itanghal
Agawin sa kuko ng mga sukaban.
Kayong mga dukhang walang tanging
(lasap)
Kundi ang mabuhay sa dalita’y hirap,
Ampunin ang bayan kung nasa ay lunas
Sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pagibig


Hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis
Kung sa pagtatanggol, buhay ay (maliit)
Ito’y kapalaran at tunay na langit.

4. TALASALITAAN
HRR Pamagat Mga Salitang
BILANG at May Napili
Akda
HRR 2 Pagibig sa A. Pagkadalisay- malinis,
Tinubuang malinaw, busilak, wagas.
lupa ni B. Talastasing- bagay na alam
Andres na
Bonifacio
C. Sakbibi- may karga o
kargado na isang bagay, tao, hayop
at iba pa..
D. Pagkabusabos-pagiging
bastos at walang galang
E. Pagkasukaban-kawalan ng
katapatan

1. PAMAGAT
Ang Pamana

2. MAY AKDA
Jose Corazon De Jesus

3. SIPI

Ang Pamana
Isang araw ang ina ko’y nakita kong
Namamanglaw , Naglilinis ng
Marumi’t mga lumang
Kasangkapan.

Sa pilak ng kanyang buhok na


Hibla na katandaan Nabakas ko
Ang maraming taon niyang
Kahirapan.

Nakita ko ang ina ko’y tila baga


Nalulumbay at ang sabi “itong
Piano sa iyo ko ibibigay, Ang
Kubyertos nating pilak ay kay
Itang maiiwan,

Mga silya’t aparador ay kay Tikong


Nababagay sa ganyan ko
Hinahati itong ating munting yaman.

Pinilit kong pasayahin ang lungkot


Ng aking mukha Tinangka kong
Magpatawa upang siya ay matuwa

Subalit sa aking mata’y may namuong


Luha naisip ko ang ina ko, ang ina ko
Na kawawa;

Tila kami iiwan na’t may yari nang


Huling nasa at sa halip na magalak sa
Pamanang mapapala, Sa puso ko ay
Dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang
Bata niyakap ko ang ina ko at sa
Kanya ay winika.

“Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking


Pasiyahin at huwag nang Makita
Pang ika’y nalulungkot mandin, O
Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin

Ang lahat ng munting yamang maiiwan


Sa amin?”Wala naman,” yaong sagot
“baka ako ay tawagin ni Bathala
Mabuti nang malaman mo ang habilin?
Iyang piano, itong silya’t aparador ay
Alaming Pamana ko na sa iyo,
Bunsong ginigiliw.”
“Ngunit Inang” ang sagot ko, “Ang
Lahat ng kasangkapan ang lahat ng
Yaman dito ay hindi ko kailangan
Ang ibog ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y
Ikaw inang hinihiling ko sa diyos
Na ang pamana ko’y ikaw Aanhin
Ko iyong hukay? Lilimos ko sa iba
Ang lahat ng ating yaman Pagkat
Di ka maaaring pantayan ng
Daigdigan pagkat, Ikaw O Ina ko,
Ika’y wala pang kapantay.”

4. TALASALITAAN
HRR Pamagat Mga salitang Napili
BILANG at May
Akda
HRR 3 Ang A.Pilak- isang uri ng metal na
Pamana ni madalas gamitin bilang palamuti
Jose o alahas.
Corazon B.Namamanglaw- ay
De Jesus pakiramdam ng pagiging
malungkot o pagpapakita ng
lumbay
C.Tinangka- sinubukan
D.Magalak- masiyahan
E.Winika- binigkas, sinabi,
sinalita

1. PAMAGAT
Tatag ng Pagkapilipino

2. May Akda
Faustine Jan Fae L. Ruiz

3. SIPI

FILIPINO: TATAG NG PAGKAPILIPINO


Noong nagsimula baybayi’y natatag,
Panitikan nati’y lalong napatanyag.
Ngunit ang lahat mayroong sagisag,
Makatang diwa ang siyang nililiyag.

Ang wikain natin ay wikang panlahat,


Nawa’y mapatatag kaysa gawing salat.
Pagyayamanin pagkat sa diyos ito buhat,
Kung kaya’t mahalin, ating ipakalat.

Nandyan diyalekto’t mga wika natin,


Tagalog, Sebuano’t, Kapampangan na rin;
Pati Waray, Bikol, Hiligaynoy atin;
Ibat iba man siyang dapat pagyayamin.

Lipunang matatag, bansang mapayapa.


Tunay ngang kakambal ang pagkakaisa.
Nararapat lamang huwag maging pabaya,
Patunayan nating tayo’y iisa.

Perlas ng Silanganan sati’y ibinigay,


Tila ba’y yaman sati’y inialay.
Kultura’t tradisyon sadyang ating buhay;
Atin ngang salamin, katatagang tunay.

Pagibig sa wika gayundin sa bansa,


Bigyang kahulugan ang yaman ng wika.
Huwag ikahiya, gamitin tuwina, at
Dilag makata paunlaring kusa.
Filipino para sa mga Pilipino, Ginamit
Ngayon sating pagkatuto. Palaganapin
Nga’t handog ang talino. Sating
Minamahal, makabayang puso.

Hiyas, nating ito, siyang naging dangal.


Liping makata nga’y malapit sa maykapal.
Kaya nararapat ating ikarangal,
Ginintuang wika nating minamahal.

HRR Pamagat at Mga Salitang Napili


BILANG May Akda
HRR 4 FILIPINO: A.Napatanyag- Sumikat
Tatag ng B.Sagisag- isang bagay na pinili
Pagkapilipino upang tumayo para sa o
ni Faustine Jan kumakatawan ng isang bagay
Fae L. Ruiz C.Nililiyag- sinisinta/ iniibig
D.Palaganin- palakasin niya ang
kaniyang loob.
E.Hiyas- mamahaling bato

5. MENSAHE
Ang aking mensahe sa aking nabasang tula ay Malaki
ang mapupulot ng mga kabataan dahil ang tula ay
tungkol sa aming mga kabataan at mga tungkulin namin.
6. PANSARILING REAKSYON
Nagandahan ako at nalinawan sa mga sinabi ni Jose
Rizal dahil Akma ako dito sapagkat ako’y kabilang sa mga
sinasabi nya tungkol sa kabataan.

5. MENSAHE
Napakahalaga na malaman ang mga paghihirap at mga
dinanas ng ating mga bayani tulad ni Andres Bonifacio sa
kanyang sinulat na tula sayang naman sana ay wag itong
mabaliwala.

6. PANSARILING REAKSYON
Sobra akong namulat ng mabasa ko at nalaman ang
mensahe ng tulang ito nalaman ko na hindi lang sa salita
o pagsulat maging sa gawa mapapakita ang pagmamahal
sa bayan.

5. MENSAHE
Ang aking mensahe sa aking nabasang tula ay
napakahalaga ng magkaroon ng magulang dahil sila ang
ating makakasama sa oras ng kahirapan.
6. PANSARILING REAKSYON
Nabilib ako sa ipinamalas ni Jose Corazon de Jesus dahil
nung siya’y sinabihan ng kanyang ina na ang piyano sa
aparador ang kanyang imamana sinabi niya na ang gusto
niya ay ang kanyang ina ibigsabihin mahal na mahal niya
ang kaniyang ina.

5. MENSAHE
Ang aking mensahe sa aking nabasang tula ay ang mga
Pilipino ay matatag dahil kahit na malakas ang mga
kalaban sila ay lumaban para sa ating bayan.

6. PANSARILING REAKSYON
Kahit na meron man tayong mahihirap na dadanasin
ito lang naman ay mga pagsubok na ibinagay sa atin
upang mapatunayan natin kung tayo ba ay matatag at
yun nga ang ginawa ng mga Pilipino.
TALAAN NG NILALAMAN UNANG
MARKAHAN – TULA

HRR BILANG PAMAGAT MARKA


HRR 1 Sa aking mga /15
kababata ni Dr.
Jose P. Rizal
HRR 2 Pagibig sa /15
Tinubuang lupa
ni Andres
Bonifacio
HRR 3 Ang Pamana ni /15
Jose Corazon de
Jesus
HRR 4 FILIPINO: Tatag /15
ng Pagkapilipino
Ni Faustine Jan
Fae L. Ruiz

You might also like