Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BARLO INTEGRATED SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT S.Y. 2018-2019


FILIPINO 8

Pangalan:____________________________________________________ Petsa:______________Iskor:_____________

I. Pillin at isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot sa sumusunod na mga tanong.
Roel: “Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon ‘yang Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa senado.”
Macky: “Oo nga partner. Naku sabi nga ng iba, kung ang FOI daw ay Freedom of Income eh malamang magkukumahog pa ang mga
politico na ipasa ‘yan kahit pa nakapikit!”
Roel: “Sinabi mo pa partner!”
Macky: Ano ba talaga ang FOI, partner?”
Roel: “Sang –ayon sa seksyon 6 ng Panukalang Batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal
na transaksiyon ng mga ahensiya ng gobyerno.”
1. Alin sa sumusunod ang maituturing na positibong pahayag?
a. Kung ang FOI ay Freedom of Income, malamang nagkukumahog pa ang mga politico na ipasa ‘yan kahit na nakapikit!
b. Sang-ayon sa Seksyon 6 ng Panukalang Batas, bibigyan ng kalayaan ang ppubliko na makita at masuri ang mga opisyal na
trasnsaksyon ng mga ahensya ng gobyerno.
c. Naku! Delikado naman pala iyan!
d. Isyu dito, isyu doon. Demanda rito, demanda roon.
2. Ano ang ipinahihiwatig na opinyon ng komentarista sa pahayag na may salungguhit?
a. May mga politikong tiwali sa pamahalaan.
b. Marami ang makikinabang sa pagpapasa ng batas.
c. Nakararami ang hindi sang0ayon sa pagpasa ng batas.
d. Hindi nararapat na maipasa ang panukalang batas na ito.
3. Paano makatutulong sa kamalayang panlipunan ang mga komentaryong panradyo gaya ng halimbawang nabasa?
a. Nalalaman ng publiko ang mga opinyon ng mga komentarista.
b. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na making ng mga pahayag ng mga personalidad.
c. Natatalakay dito ang mahahalagang mga isyung nagaganap sa isang bansa
d. Nakapagbibigay ito ng aliw sa mamamayang tagapakinig.
4. Ano ang mga salitang ginamit na pagpapakilala ng konsepto ng pananaw mula sa akda?
a. naman pala b. sabi nga c. sang-ayon sa d. ng mga
5. Alin sa sumusunod ang hakbang na kailangang sundin sa pagbuo ng isang komentaryong panradyo?
a. Magsaliksik kaugnay ng paksang tatalakayin.
b. Huwag kalimutang banggitin ang mga personalidad na pinagkunan ng mga pahayag o detalye kaugnay ng isyung
tinatalakay.
c. Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya kaugnay ng isyu.
d. Lahat ng nabanggit.
Parami ng parami ang mga mag-aaral ng biktima ng bullying. Ang masaklap pa nito, nagaganap ang mga pananakit sa loob mismo ng
kanilang paaralan. Hindi maitatangging maging sa kanilang paaralang pribado o pampubliko man ay talamak ang ganitong uri ng
pang-aabuso. Dahil sa takot, marami sa mga nagiging biktima nito ay hindi nagsusumbong sa kanilang mga guro maging sa kanilang
mga magulang. Marami rin sa kaso ng mga bullying ay nagsisimula sa palagiang pag-aasaran sa loob ng klase kung saan
pinagtatawanan at minamaliit ng mga bata ang kanilang kapwa mag-aaral. Upang maiwasan ang ganitong mga sitwasyon,
pinapayuhan ang mga magulang na paalalahanan ang kanilang mga anak sa mabuting pag-uugali at ang iparamdam sa kanila ang
pagmamahal, pagpapahalaga at pagtanggap sa kanilan g mga anak.

6. Ang mga salitang may salungguhit ay mga salitang nagpapakilala ng ___________.


a.sanhi at bunga b. paraan at resulta
c. paraan at layunin d. kondisyon at kinalabasan
7. Ano ang maituturing na sanhi ng pananahimik ng mga biktima ng bullying?
a. Pang-aabuso ng mga kapatid o iba pang miyembro ng pamilya.
b. Takot sa maaaring pagpapangaral ng mga guro sa paaralan.
c. Pananakit ng mga magulang sa kanilang mga anak.
d. Takot sa kapwa kamag-aral na nananakit.
8. Upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon, pinapayuhan ang mga magulang na paaalalahanan ang kanilang mga anak. Alin ang
nagpapakita ng kaugnayang lohikal na ipinahihiwatig sa pahayag?
a. bunga + sanhi b. paraan + resulta
c. sanhi + bunga d. resulta + paraan
9. Paano maiiwasan ang bullying ayon sa akdang binasa?
a. Paghihigpit ng mga guro sa mga paaralan.
b. Pagpaparamdam ng pagmamahal at pagtanggap sa mga bata.
c. Pagpapangaral sa mga mag-aaral na nag-aasar sa kaniyang kapwa.
d. pagsusumbong sa magulang o guro ng mga nasasaksihang pananakit.
10. Paano nakatutulong ang mga dokumentaryong pantelebisyon sa pagpapaigting ng kamalayang panlipunan?
a. Naisisiwalat dito ang mga tunay na kalagayan ng isang lipunan.
b. Natatalakay dito ang iba’t ibang panig ng isang isyu.
c. Nabibigyang-daan ang pagtalakay sa mga isyu na hindi gaanong nabibigyan ng pansin.
d. Lahat ng nabanggit.
Sa pelikula man o sa tv, iba’t ibang uri ng dokumentaryo ang ating napapanood na tumatalakay sa iba’t ibang paksa o isyu. Sa paglipas
ng panahon, ang mga dokumentaryo ay nagsilbing instrument o midyum upang maimulat ang kamalayan ng mamamayan sa mga
suliranin at isyung panlipunan na kinahaharap sa araw-araw. Karaniwang nakatuon ito sa kahirapan, korapsyon problema sa
edukasyon, suliraning pang-ekonomiya at mga katiwalian. Nagsisilbi rin itong tinig ng taong-bayan upang maiparating sa kinauukulan
ang mga kakulangang dapat maaksyunan. Higit pa rito ang mga nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko ay nagigising upang harapin
ang hindi mapapasubaliang katotohanan.
Kaya naman, bilang kabataan, ano kaya ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong kahit sa simpleng pamamaraan sa iyong
kapwa? Sa paanong paraan mo maipaparating ang hinaing ng iyong kapwa mag-aaral at ng inyong komunidad sa barangay. Nasa iyo
ang natatanging kasagutan.

11. Ayon sa akda, paano naging mabisang instrumento ang mga dokumentaryo upang magising ang kamalayan ng bawat indibidwal?
a. Naimumulat nito ang isipan ng mga tao sa mga isyung panlipunan.
b. Sadyang nakalilibang lang talaga itong panoorin.
c. Masyadong nag-iisip ng problema ang mga tao.
d. Nagagabayan tayo nito para umasenso at yumaman.
12. Ano ang kahulugan ng pahayag na ‘hindi napasusubalian’ ayon sa pagkakagamit sa akda?
a. walang masyadong iniisip c. walang katotohanan
b. hindi mapasisinungalingan d. hindi angkop sa sitwasyon
13. ‘Nahihimlay na kaluluwa ng mga politiko’. Ano ang mahihinuha sa pahayag?
a. Puro pangangampanya lamang ang mga politico.
b. Kakaunti lamang ang suliraning umiiral.
c. Hindi lubusang nagagampanan ng mga politiko ang kanilang tungkulin
d. Wala namang dapat masyadong ipag-alala.
14. Ayon sa akda, ang pangunahing misyon sa paglikha ng mga dokumentaryo ay upang ________________.
a. matugunan ng nararapat na aksiyon ang mga isyung panlipunan.
b. maipalabas lamang sa madla ang mga ito.
c.panoorin ang dokumentaryo at masiyahan.
d. aksiyunan lamang ang mga pangunahing problema.
15. Bilang isa sa mga kabataan, ano angdapat na maging impliksyon sa iyo ng mga pahayag sa huling talata?
a. Maaari kang makatulong sa iyong kapwa kahit sa simpleng pamamaraan.
b. Pamunuan ang lahat ng mga welga sa pamayanan.
c. Maging isang lider upang maging sikat.
d. Ang isang kabataan ay wala pang gaanong magagawa
16. Alin sa sumusunod ang maituturing na negatibong pahayag?
a. Kasado na raw ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Tama kadyan! Nakatulong dyan ang pagsang-ayon ni PNOY!
c. inaasahan na tataas ang makokolekatang buwis dahil sa Sin Tax Bill.
d. Magdurusa ang mga magtatabako dahil sa pagtaas ng buwis na sisingilin sa mga kompanya ng sigarilyo.
17. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng konsepto ng kaugnayang lohikal?
a. Pati na rin b. dahil dito c. Ayon kay d. Kaya naman
18. Marami ang maaapektuhang mga magtatabako _______________ sa pagkakapasa ng Sin Tax Bill. Ano ang angkop na
salita/pariralang nararapat gamitin upang mabuo ang pahayag?
a. upang b. dahil sa c. nang sa gayon d. Kung
18. Alin sa sumusunod ang maituturing na opinyon?
a. Naipasa na ang Sin Tax Bill sa Senado.
b. Nakatulong ang pagsang-ayon ni PNOY sa Sin Tax Bill
c. Maraming magtatabako ang maapeektuhan dahil sa Sin Tax Bill
d. Tinutulan ng ilang senador ang pagpasa ng panukalang batas.
19. Ano ang unang dapat gawin sa pagsasagawa ng panayam?
a. Iulat nang patas at wasto ang nakuhang mga impormasyon.
b. Maging malinaw sa pagtatanong.
c. Alamin ang iskedyul ng kakapanayamin.
d. Magsaliksik ng mga kaugnay na impormasyon tungkol sa paksa ng panayam.
20. Alin sa sumusunod ang maituturing na broadcast media?
a. komiks at magasin c. pelikula at telebisyon
c. radio at telebisyon d. aklat at pahayagan
21. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng broadcast media sa lipunan?
a. Nabibigyan nito ng pansin ang mga katiwalian sa pamahalaan.
b. Naimumulat nito ang mamamayan sa nagaganap sa paligid.
c. Nagiging kilala o tanyag ang mga personalidad dahil dito.
d. Nakapagbibigay ito ng impormasyon kaugnay ngpolitika at showbiz.
22. Hindi bale nang maraming mamatay dahil sa kanser sa baga, manalo lang sa eleksiyon! Ano ang ipinapahiwatig na opinyon sa
pahayag?
a. Marami ang mamamatay dahil sa paninigarilyo.
b. May mga politiko na hindi pumapayag sa panukalang batas dahil nais na mapaboran ng publiko sa parating na eleksiyon.
c. Siguradong matatalo sa eleksiyon ang mga politikong pabor sa panukalang batas.
d. Maraming politiko ang napapahamakk dahil sa paninigarilyo.
23. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid kaysa sa broadsheet maliban sa isa.
a. Dahil mas mura ang tabloid kaysabroadsheet.
b. Dahil ang tabloid ay pang masa kaysa sa broadsheet na pang class A at B.
c. Dahil naaakit ang mga tao sa front page ng tabloid.
d. Dahil mas maraming impormasyon ang broadsheet.
24. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?
a. Oo. Dahil ang komiks ay nagbibigay aliw sa mababasa, nagtuturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang
Pilipino.
b. Hindi. Dahil pawang katatawanan lamang ang laman ng komiks
c. Oo. Dahil sa taglay nitong kultura.
d. Hindi. Dahil pambata lamang ito.
25. Kung nais mo ng makabagong gadget o mga kaalaman tungkol sa gadget, anong magasin ang bibilhin mo?
a. Metro b. Candy c. T3 d. FHM
26. Pagkatapos mong mag-aral at nais mong magpatayo ng negosyo, anong magasin ang mainam sayo?
a. Yes! B. Entrepreneur c. Cosmopolitan d. FHM
27. Kung nais mong isang mabuting ina sa iyong mga anak, itong magasin na ito ay makakatulong sayo.
a. T3 B. Entrepreneur c. Men’s Health d. Good Housekeeping
28. Kung mahilig ka sa fashion, mga pangyayari, shopping, at mga isyu hinggil sa kagandahan, ito an maaari mong sangguniin.
a. Metro b. Candy c. T3 d. FHM
II. Para sa item 29-32. Crossword puzzle. Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa pagsagot
Gabay sa Pagsagot.
1.
1. Kwentong isinalarawan ng mga dibuhista (pababa)
2. Pahayagan ng masa. (pahalang) 2.

3. Kuwentong higit na malaki sa maikling kwento. (pahalang)


4. Makulay na babasahin na hitik sa iba’t ibang impormasyon (pahalang)
3.

4.

III. 33-36. A. Isulat mo ang iyong kinagigiliwang palabas sa tv at paboritong programa sa radio. Ipaliwanag mo rin ang mga dahilan
kung bakit mo ito pinapanood o pinapakinggan ang mga programangiyong nabanggit. (4 pts)
Paboritong palabas sa tv: ____________________________ Paboritong programa sa radio: ___________________________
Dahilan kung bakit: Dahilan kung bakit:

B. Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita.


37. lispu - _____________________________________________________________________________________
38. ermats - _____________________________________________________________________________________
39. dito na me - _____________________________________________________________________________________
40. tomguts - _____________________________________________________________________________________
41. tamnan - _____________________________________________________________________________________
42. manang - _____________________________________________________________________________________
43. kaon - _____________________________________________________________________________________
44. epal - _____________________________________________________________________________________
45. jowa - _____________________________________________________________________________________
C.46-50. Lagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro ng komiks strip upang makabuo ng isang kuwento.

You might also like