Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PANIMULA

Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas

mula 1942 hanggang 1945, noongIkalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng

Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados

Unidos.

Ang panahon ng mga Hapon ay mahalaga sa kasaysayan ng wikang Filipino. Ito ay tinuring

na gintong panahon ng wikang Filipino. Ayon kay Gosiengfiao (1966), isa sa mga layunin ng mga

Hapon ay muling buhayin ang dating kultura ng Pilipinas bago dumating ang Espanya at Amerika.

Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula

1942 hanggang 1945, noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung 1ontro nilusob ng Imperyo

ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.

Ang motibo ng mga Hapon para sa pagsasakop ng Pilipinas ay ang Greater East Asia Co-Prosperity

Sphere. Ang kasabihan ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere ay “Ang Asya ay para sa

Asyano” at “Ang Pilipinas ay para sa mga Pilipino”. Ninais ng mga Hapon na palayain ng mga

bansa sa Asya mula sa 1ontrol ng mga bansang kanluran.

Ang panahong hapones ay itinuturing ng marami na gintong panahon ng maikling kuwento

at ng dulang Tagalog. Ang wikang Ingles nanakuhang maipasok ng mga Amerikano hanggang sa

kamalayan ng mga Pilipino ay ipinagbawal gamitin ng mga Hapones kung kayat ang nagtamasa

ng bunga ng pagbabawal na ito ay ang panitikang Pilipino sa wikang Tagalog. Nagkaroon ng

kaganapan sa wika ng panahon ng hapones tulad ng pagbabawal ang paggamit ng ingles sa

anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino at tuluyan ng nagamit ang katutubong wika

lalo na ang tagalog. Sa panahong hapones ay itinuturo na ang wikang nihonggo sa lahat ng paaralan

subalit binigyang-diin ang wikang tagalog at 1agging masigla ang talakayan tungkol sa wika. Ang

1
isang manunulat ay likas na manunulat, kayat nang ipagbawal ang pasulat ng Ingles siya’y

napilitang gumamit ng wikang Tagalog upang makapagsulat lamang. Ang isang naging bunga nito

ay ang paglitaw ng isang uri ng pamamaraan sa pagsusulat na gagad sa Ingles, maging sa pagbuo

ng mga pangungusap hanggang sa istilo ng pagsusulat.

2
NILALAMAN

Ang naging pangulo sa panahon ng Hapon ay si Jose P. Laurel. Siya ang pinili ng mga

Hapon para maging puppet president. Ang kanyang naging papel ay sumunod sa kahilingan ng

mga Hapon. Itinatag ang Philippine Executive Commission at ang naging lider nito ay si Jorge B.

Vargas. Sa komisyong ito, nabuo ang iba’t ibang mga ordinansa. Isa sa mga ito ay ang Ordinansa

Militar Blg. 2 at ang itinatag nito ay ang Japanese Education Policy na naglalaman ng iba’t ibang

patakaran para sa edukasyon ng mga Pilipino. Itinatag naman ng Ordinansa Militar Blg. 13 ang

Nihonggo at Tagalog bilang pambansang wika.

Pagbawal ng Paggamit ng Wikang Ingles

Dahil sa pagbabawal ng paggamit ng wikang Ingles, napilitang gamitin ang wikang

Tagalog ang mga Pilipino. Ang bunga nito ang masiglang talakayan tungkol sa wika. Marami sa

mga Pilipino ay natutong magsulat at magsalita ng wikang Tagalog. Nagkaroon ng gintong

panahon ang wikang Tagalog mula rito. Isang tanyag na maikling kwento ay ang Lupang Tinubuan

na sinulat ni Narciso Reyes. Ito ay tungkol sa paglalakbay ni Danding sa probinsya ng kanyang

ama. Isa namang publikasyon na tanyag ay ang Liwayway Magasin.

Pagsulong Ng Wikang Pambansa

 Ordinansa Militar Bilang 13

Noong Hulyo 24, 1942 ipinasa ng mga Hapones ang Ordinansa Militar Bilang 13 na

nagsasaad na ang opisyal na wika ay Nihonggo at Tagalog.

3
 Executive Order No. 10

Inilathala noong 1943 ang Executive Order No. 10 na isinasaad ang pagtuturo ng tagalog

sa lahat ng paaralang elementarya at ipinakilala bilang isang asignatura ang pag-aaral ng wikang

Tagalog sa Kurikulum ng paaralan.

 Executive Order No. 44

Isinatupad ang restorasyon ng Pilipinas na naatasang payabungin ang wikang 4artido4 at

itaguyod ang diwa ng nasyonalismo.

 KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas

Ang KALIBAPI ay isang partidong pampolitika na nagsisilbing ang nag-iisang umiiral na

partido ng Pilipinas. Ito ay pinamumunuan ni Benigno Aquino Sr. na ang layunin ay mapabuti ang

Edukasyon at Moral na henerasyon at palaganapin ang wikang Pilipino sa buong kapuloan ng

Pilipinas.

 Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

Ito ang nagtaguyod ng pag-iisip na ang Asya ay para sa Asyano, at ang Pilipinas ay para

sa Pilipino. Sa gayon, ninais ng mga Hapon na tanggalin ang impluwensiya ng mga Kanluraning

bansa sa Pilipinas. Sinuportahan nila ang paglinang ng Tagalog.

4
 Executive Order Blg. 134

Nagdeklara na gamitin ang Tagalog bilang basehan ng nasyonal na wika (Espiritu, 2015).

Ang paggamit ng wikang Tagalog at Nihonggo ay ginawang opisyal sa pagpasa ng Ordinansa

Militar Bilang 13 (Javier, 1975). Sa aking pagbabasa, nalaman ko na nagkaroon ng masiglang

talakayan tungkol sa wika noong panahon na ito.Dahil kasama sa layunin ng mga Hapon ang

pagbabawal ng wikang Ingles, maraming Pilipinong manunulat na napilitang matutong lumikha

sa Tagalog. Upang magamit ang Tagalog bilang opisyal na wika, halos isang libong salita sa

Tagalog ang nilikha. Ito ay binigyang patnubay ng KALIBAPI o ang Kapisanan sa Paglilingkod

sa Bagong Pilipino (Javier, 1975). Ang pagsuporta sa Tagalog ay tumulong sa pagpapabuti nito

bilang isang wika. Dumami ang mga taong marunong magsalita at lumikha sa wikang Tagalog, at

ito'y nabigyan ng nararapat na halaga.

 HUKBALAHAP o Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon\


Ang Hukbalahap ay isang kilusang gerilyang binuo ng Partido Komunista ng Pilipinas
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang armadong bahagi nitó laban sa mga Hapon.
Nagsimula bilang armadong kilusan laban sa mga Hapon, ito ang nagpasiklab ng malaking
rebelyon laban sa Pamahalaan ng Filipinas sa panahon ng pamumunò ni Pangulong Carlos
Quirino. Sa panahong ito higit na ginamit ang pinaikli pang tawag na Huk sa Hukbalahap.

 TANAGA
Ang tanaga ay binuhay ng makatang si Ildefonso Santos. Ito ay maikli rin tulad ng Haiku
ngunit ito ay may sukat at tugma at ang bawat taludtod ay may pitong pantig.
Halimbawa: Palay

Palay siyang matino

Nang humangi'y yumuko.

Kabibi

Kabibi, ano kaba?

May perlas, maganda ka

Kung diit sa tainga

5
PAGSASALAMIN

Sa kabila ng pagsakop ng hapon sa Pilipinas ay nagbunga ito ng uri ng pamamaraan sa

pagsusulat na gagad sa Ingles, maging sa pagbuo ng mga pangungusap hanggang sa istilo ng

pagsusulat at nabigyang- sigla ang Pambansang Wika dahil na rin sa pagtataguyod ng pananakop.

Binigyan pa nila ng pagkakataon ang isang Pilipino, si Jose P Laurel upang mangulo sa bayan sa

kanilang pamamatnubay. Nagkaroon ng bagong daan sa paghayag ng damdamin sa pamamagitan

lamang ng pagsulat at dahil ito sa pag-usbong ng makabagong pamamaraan ng pagsulat tulad ng

“haiku” at “tanaga”.

Bunga ng kahirapang ng buhay dulot ng digmaan. Ang mga tao’y humanap ng kahit na

kaunting mapaglilibangan sa mga dulaan. Natigil ang pagsasapelikula dahil sa giyera at ang mga

artista ng puting tabing ay lumipat sa pagtatanghal sa mga dulaan. Ang malalak’t maliliit na teatro

tuloy ay nagsipaglabas ng dula. Bumungad sa panahong ito ang pagiging artista at pagkamalikhain

ng pagkapilipino na mas napaunlad pa sa panahong milenyal.

Dahil sa Ordinansa Militar Blg. 3 ay isinaad ang opisyal na wikang Pambansa na Tagalog

at nihonggo na ngayo’y nagsisilbing identidad nating mga Pinoy. Mas tuluyan pa natin itong

pinagyayaman at pinauunlad dahil sa edukasyon.

Ang Panahon ng pananakop ng mga Hapon ay tunay na gintong panahon para sa ating mga

Pilipino. Nasakop man tayo ngunit ating napagyaman ang ating bansa sa ating panitikan at wika.

Ito ang ‘gintong’ magpahanggang sa ngayon ay dala natin, at dala ng ating bansa. Isang

kayamanang matatawag nating sariling atin, na walang ibang makakaagaw at makakasakop.

You might also like