Docx

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

JMJ Marist Brothers

Notre Dame of Marbel University – Senior High School


Koronadal City

TRADISYON NG B’LAAN

KABANATA I

PANIMULA

Ang tradisyon o kaugalian ay mga paniniwala, opinyon,o mga kuwentong naisalin mula

sa mga magulang papunta sa mga anak nila. Kaugnay nito ang mga salitang tradisyunal,

pinagkaugalian o kaugalian. Ang nga Pilipino ay sadyang mahilig sumunod sa mga

nakagawian na at sa mga tradisyon katulad ng pagdiriwang ng fiesta, pamamanhikan, pag

harana, Simbang Gabi at iba pa.

Ayon kay Lachika (1996), maraming pamana ang lahing Pilipino na matatagpuan sa

kanyang angking panitikan, mga pamanang nagsilbing pagunita at paalaala sa kanyang

mayamang kasanayan, mga pamanang nagbibigay-buhay, ganda at dangal ng kanyang

pagiging Pilipino.

Ang Pilipinas na binubuo ng 7, 107 pulo ay pinananahanan ng mga katutubo

bago pa man dumating ang mga mananakop. Ang mga katutubong ito’y kumakatawan sa

mga liping kayumanggi na nakapag-ambag ng sariling katha, kaalaman, kasanayan at

paniniwalang lalo pang nagpatingkad sa katutubong literatura o panitikan ng Pilipinas. Bawat

likha nila’y may sariling kakayahang hiwalay sa iba. Dahil sa napakaraming tribu ang nasa

Pilipinas, ang mga tradisyon ay dumami ng dumami. Ang iba't ibang tribu ay may kanya

kanyang kakaibang tradisyon. Isa sa mga tribu na may kakaibang tradisyon sa Pilipinas ay

ang mga B'laan.

1
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

Ang mga B'laan ay isa sa pinakamakulay at kakaibang tribu sa Mindanao. Sila ay mga

katutubong mamamayan ng Southern Mindanao sa Pilipinas. Ang B'laan ay kapitbahay ng

T'boli, at naninirahan sa Lake Sebu at munisipyo ng South Cotabato, Sarangani, General

Santos City, dakong timog-silangang bahagi ng Davao at sa paligid ng Lake Buluan sa North

Cotabato. Ang mga ito ay sikat para sa kanilang brassworks, beadwork at paghahabi ng

Tabih.

May kanyang katangian ng systema ng paghahabi ang mga ito. Gamit ang mga hibla

ng abaca, bago maghabi ng tipikong disenyo, ang ritwal ay isinasgawa sa kaugnayan ng

kulturang B’laan, ngunit ang manghahabi lamang ang may alam sa ritwal at bago lumikha ng

disenyo, banal na patnubay ang unang hangarin. Pinapaniwalaan na ang mga disenyo ay

ipinabatid sa panaginip ng manghahabi sa pamamagitan ng “l’nilong” o ibig sabihin ay diwata,

na kilalang tagapagpangalaga ng kalikasan Ang kanilang mga gawang gamit na yari lamang

sa pamamagitan ng kanilang kamay at ang mga tradisyunal na kasuotan ay dinadala halos sa

mga ibat-ibang seremonya at itinuturing na walang katumbas ang kanliang pag-aari na

inaalay na dote sa mga kasalan at ginagamit na pambayad sa mga kasalanang ginawa sa

kapwa o sa angkan o kaya naman ay pag-ayos sa pagtatalo ng naglalabanang angkan.

Mula sa kaisipang ito, ninais ng mga mananaliksik na maisatitik ang mga pamana ng

mga B’laan, isa sa mga katutubong kumakatawan ng liping kayumanggi, na sa palagay ng

mga mananaliksik ay may sariling kakanyahang hiwalay at katangi-tangi sa iabang mga

katutubo dito sa Pilipinas.

2
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

LAYUNIN

Ang pananaliksik na ito ay ginawa upang mabigyan katugunan ang mga sumusunod

na katanungan:

1. Ano ang mga karaniwang tradisyon ng mga B'laan na may kaugnayan sa: a)

pansamba; b) pangkasal; c) panlibing; d) panggagamot.

2. Ano ang mga tradisyon nila na unti unting nawawala sa paglipas ng panahon?

3. Ano ang mga dahilan kung bakit ito unti-unting nawala?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang katutubong tradisyon ng mga B’laan, ang

mga impotmasyong nakalap at mga kaisipang nahango mula sa isinagawang pag-aaral ay

magsilbing ilaw, tanglaw at ispirasyon sa mga sumusunod:

1. Sa Katutubong B’laan: Makakilala nilang sila ay ia sa mga katutubong lipi na

humahawak at nangangalaga sa matandang kalinlangan o kulturang bahagi ng

panitikang Pilipino, na dapat nilang ikarangal at ipagkapuri.

2. Mga Kabataang B’laan: Magsilbing daan sa pag-unawa sa kanilang lipi, sa

kanilang kasanayan, kanilang tradisyon tungo sa pagkakaroon nila ng mataas na

pagpapahalaga sa kanilang sariling tradisyon at positibong pagtingin sa dulot ng

kabihasnan at modernisasyon.

3. Mga Mamamayan:Sa pagbasa nito, makita ang kagandahan at kabutihang dulot

ng tradisyon. Makita nila ang kahapon, ngayon, at bukas ng sambayanang Pilipino

dahil nga sa paniniwalang ang panitikan ay salamin ng buhay.

3
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

4. Mga Namumuno: Magsilbing kasangkapan para makita nila na ang mga

katutubong B’laan ay isa sa mga katutubong kumakatawan sa liping kayumanggi

na nakapag-ambag din ng sariling kaalaman, katha, kasanayan, paniniwalang lalo

pang nagpatingkad sa panitikan ng Pilipino dahil bawat likha ng bawat lippi ay may

sariling kakanyahang hiwalay sa iba. Batay ditto maaaring magiging daan ito para

magsagawa sila ng mga panukala at mga hakbang tungo sa ikaprepreserba ng

mga hindi pa naitatalang mga pasalindilang panitikan ng mga katutubo.

5. Mga Guro: Magagamit bilang kagamitang panturo sa araling panlipunan, araling

Filipino na gamitin ang mga katutubong panitikan ng iba’t ibang lipi tungo sa

preserbasyon ng tradisyong ipamana ng mga kautubo at mga ninuno.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang mga B’laan nakatira sa Brgy. Topland, Koronadal South Cotabato, ang

pinaglakhang lugar ng mga may-akda, ang isa sa mga respondent sa pag-aaral kasama ang

mga B’laan nakatira sa Brgy. Tananzang, Lutayan Sultan Kudarat. Ang pag-aaral ay

nakatuon sa tradisyon, mga ipinasang salin, mga paniniwala, mga alamat, at mga

impormasyon na nag daan mula sa ibang henerasyon patungo ngayon. Tradisyon lamang ng

B’laan at hindi sa tradisyon ng ibang tribu.

Pinili ng mga may-akda ang nabanggit na baranggay bilang sentro ng kanilang pag-

aaral dahil sa malaking pagnais nitong maisatitik kaagad ang mga pamanang ito nang

nasabing katutubo dahil nangangamba ang may-akda na kailangang masagip at maisatitik sa

4
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

lalong madaling panahon bago mawala ang pamanang ito ng nasabing lipi dahil nakita niya

na kakainti na lamang sa mga nasabing katutubo ang nagpapahalaga sa kanilang tradisyon.

5
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

DEPINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

 Tabih- pinaghabing abaca na may kakaibang disenyo.

 Angkan- grupo o pamilya.

 Tribu- grupo o pamilya na may magkaparehong paniniwala.

6
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

KABANATA II

MGA KAUGNAYAN NG MGA AKDA AT PAG- AARAL

Sa kabanatang ito mababasa ang iba’t ibang akda at pag-aaral na may kaugnayan sa

pag-aaral na ito at nagsilbing mga batayan sa pagpapatotoo sa kinalalabasan ng pagsisiyasat

ng mga may-akda at mga konseptong nabuo na may kinalaman sa isinagawang pag-aaral.

Mga Teorya sa Pagdating ng B’laan

Sa pag-aaral ni Lutero (1986), inilahad niya na di- gaanong nababatid ang tamang

petsa ng pagpasok ng mga B’laan dito sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng mga nakalap na

impormasyon. Pinaniwalaang ang grupong ito ay kabilang sa mga Malaysian Stock na

pumunta sa Pilipinas mula sa South East asia sa pamamagitan ng Borneo-Sulu- Mindanao

Bridge. Batay naman sa ibang paniniwala, ang B’laan ay kabilamg sa unang mga Indonesian

na nagpunta sa Pilipinas noong mga taong 5000-6000 na gamit ang barko bilang

transportasyon. Nandito na ang mga B’laan bago pa man dumating ang mga Espanyol.

Ayon naman kay Opulencia (2001), may iba’t ibang teoryang paninwalaang sa

pagdating ng mga B’laan ditto sa Pilipinas. Una, teoryang Indonesia dahil magkatulad ang

pisikal na anyo nito ; ikalawa ang teoryang Mamalo Tambunaway ni Hadji Ibrahim Cadi ng

Kabacan; ikatlo, pinaniniwalaang ang mga B’laan ay nagmula sa angkan ni Flassab at Bil.

Ang ikaapat na teorya ay batay ay Arcenas (1993), ang B’laan ay pumasok sa Pilipinas sa

pagitan ng mga taong 12,000- 15, 000 at tinatawag na Proto Malays.

7
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

Kaugalian at Paniniwala ng mga B’laan

Naiiba ang paniniwala ng mga B’laan sa paglibing na minana pa mula sa kanilang mga

ninuno at pinaniniwalaang may magandang maidudulot ang pagsunod nito sa kanilang

pamumuhay.

Sa pag-aaral ni Almodiente (1990) ukol sa kanilang paniniwala, mahigpit na

ipinagbabawal ang paglingon ng mga taong naiwan sa bahay; isinasabit ang patay sa puno

dahil pinaniniwalaang malapit sa Diyos at malapit sa langit ang kaluluwa; hindi ipinapadala

ang lahat ng damit sa paglibiing dahil mawawalan siya ng damit sa langut, ang bangkay ay

mahigpit na binabantayan ng mga kamag-anak at mga taong kasali ng tribu.

Sa kasalukuyan, marami a rin ang naniniwala sa kaparaanan ng panggamot ng B’laan.

Marami silang mga paniniwala sa uri ng kanilang pagpapagaling sa maysakit.

Habang ipinapatayo ang bahay-bahayan, ipinagbabawal ninuman ang dumayo o kahit

na dumaan man lamang sa bahay ng maysakit, tatlong itim na manok ang pinapatay at

ikinukuskos ang dugo nito ng almos-os sa noo ng maysakit. Isang puting manok ang

pinananatiling buhay at siyang pinatutuka ng kaning inilalagay sa noo ng may sakit; bawal sa

maysakit ang kumain ng pagkaing niluuto. Di pinapayagang matulog ang maysakit nang

matagal sa paniniwalang baka maglakbay ng malayo ang kaluluwa at di na muling magbalik

sa katawan. Kapag naghihingalo ang may sakit ibinababa ang lahat ng palay o anumang

binhi na nasa loob ng bahay sa paniniwalang hindi tutubo ang mga binhing ito, at kung tutubo

man hindi na ito magbibigay nang mabuting ani. Ipinagbabawal ang pag-iyak sa taong may

sakit nang hindi siya namamatay.

8
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

Ritwal at Seremonya ng mga B’laan

Pagsamba

Ayon kay Genotiva (1966), tulad ng mga Bagobo at Mandaya, ang pamumuhay ng

mga B’laan ay naiimpluwensiyahan ng kanilang paniniwala sa mga di-nakikitang nilalang at

sa anking kapangyarihan ng mga ito.

Si Mele ang pinaniniwalang tagapaglikha at ninuno ng sangkatauhan. Siya ay nakatira

sa kalangitan at hindi nakialam sa mga gawain ng tao. Pinakamakapangyariahn sa lahat ng

espiritu si Mele. Ang mga B’laan ay nanalangin at nagbibigay-alay sa kanya sa tuwing sila’y

may kahiligan.

Diwata (Duata, Dawata, Dwata, Adwata) maraming teorya tungkol sa kalikasan ng

espiritung ito. Ayon kay Cole (1913), si Diwata ay asawa ni Mele at magkapantay ang

kanilang angking kapangyarihan.

Pagkasal

May iba’t ibang kasunduan sa pag-asawa ang B’laan. Ang una ay Falnuk,

ipinagkasundo ng mga magulang ang batang babaesa lalaking nasa hustong gulang na. Ang

lalaking ito ang magsisilbing kanyang tatay at asawa, kalimitang maliit lamang ang hinihingi

na songgod upang hindi mabagot ang lalaki sa pag-aalaga nito. Ang pagtalik ay nagaganap

kapag nadatnan na (menstruation) ang babae, ngunit ito’y di gaanong matagumpay dahil

walang nabuong pag-ibig sa dalawa. Tinatawag naSanlulok Aban ang ikalawa hakbang, ito

ang pakikipagsundo ng batang lalaki sa batang babae sa pamamagitan ng pagpalitan ng mga

kagamitan. (Wong, 1982).


9
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

Paglibing

May tradisyunal na paraan sa paglibing ang mga B’laan. Kinagabihan ng pagkamatay,

nagtitipon ang mga kaibigan upang kumanta bilang pag-alala sa mga mabubuing gawa ng

namatay at para na rin ipabatid ang kalungkutan. Isinisilid sa banig ang mga patay at

inilalagay sa gitna ng loob ng bahay. Sa loob ng tatlong araw babantayan ito ng buong mag-

anak habang ipinagbabawal ang pagsayaw, pagsigaw at pagsasalita ng malakas at

ipinagbabawal dinang paghahabi ng mga kababaihan. Maaring mamamatay ang sinumang

maglabag.

Panggamot

Ayon kay Cole (1913), Almo-os ang tawag sa mga B’laan na kalimitang middle-aged

na babae na may kamunikasyon sa mga espiritu. Siya rin ang gumagawa ng seremonya

upang gamutin ang maysakit, magkaroon ng masaganang ani, at magpasalamat sa mga

tagapagbantay ng kalikasan para sa tulong na nagawa.

Ang mga mananaliksik ay naniniwala na ang pag-aaral na ito ay bukod-tangi at naiiba

sa mga pinag-aaralan ng ibang mananaliksik. Totoong marami-rami na rin ang mga

babasahin tungkol sa buhay-buhay ng mga liping B’laan ngunit wala pa ring detalyadong

kabatirang naisulat tungkol sa paksang pinanangaralan ng mga mananaliksik.

10
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang ginamit na pamamaraan upang makakalap ng impormasyon sa pananaliksik na ito

ay interbyu. Ang pananaliksik na ito ay isinasaad ang mga tradisyon ng B’laan na taga B’laan

Village, Brgy. Topland, city of Koronadal.

KINALALAGYAN NG PANANALIKSIK

Ang pananalisik na ito ay pinili ang isang barangay sa Koronadal City, South Cotabato

na tinatawag na Brgy. Topland. Ito ay katabi ng munisipyo ng Tampakan. Ito ay isang

barangay kung saan ang mga tao rito ay halos pagsasaka ang hanapbuhay at ang kanilang

pangunahing panananim ay palay. Isinali na rin ng mga mananaliksik ang Brgy. Tananzang

ng Lutayan, Sultan Kudarat. Ang bayan ng Lutayan ay malapit sa Lake Buluan at katabi nito

ang munisipalidan ng Buluan, Maguindanao.

RESPONDENTE

Ang mga respondente ng pananaliksik na ito ay ang mga taong kabilang sa tribung

B’laan na nakakaalam ng kanilang mga tradisyon.

INSTUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay ginamit ang pagrerecord ng boses upang tipunin ang

kanilang mga kasagutan. Ang katanungan sa isinagawa na interbyu ay tatlo. Ang unang

11
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

katanungan ay tungkol sa kanilang tradisyon, ang ikalawa ay tungkol sa mga tradisyon na

unti-unti nang nawawala at ang ikatlong katanungan ay tungkol sa mga dahilan ng unti-unti

nang pagkawala ng mga tradisyog nasabi.

TRADISYON NG B’LAAN

PIONEERING EDUCATORS OF THE NEW

Mga karaniwang CURRICULUM Kinalalagyan ng


tradisyon ng B'laan Pag-aaral
PIONEERING EDUCATORS OF THE NEW

CURRICULUM
Brgy. Topland, Bo. 7,
Pansamba Koronadal City
PIONEERING EDUCATORS OF THE NEW
CURRICULUM
Pangkasal Brgy. Tananzang,
Senior High school Lutayan,
Teachers Sultan Kudarat
Panlibing

Panggagamot Respondente

Mga unti-unting Mga B’laan


nawawalang tradisyon ng
B'laan

Instrumento ng
Pananaliksik

Dahilan ng pagkawala ng
mga tradisyon
Iskedyul ng
Interbyu

Kongklusyon

12
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

KABANATA IV

PRESENTASYON AT AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Table 1.1: Ano ang mga karaniwang tradisyon ng B’laan na may kaugnayan sa

pansamba?

Respondente Makabuluhang Pahayag Codes Tema

“Ang amon man lang wala Walang simbahan Spiritwal

B kami simbahan sa blaan...”

“Amo na ang himuon sang

payag butngan sang manok

apat ka bilog sa taga haligi

amo na sya pero hindi atop

amo na sya ang ubod gani

sang kwan gina atop.”

Table 1.2: Ano ang mga karaniwang tradisyon ng B’laan na may kaugnayan sa

pangkasal?

Respondente Makabuluhang Pahayag Codes Tema

13
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

B “Ang ginikanan ang gina

estorya hindi kay ang babae

ang gina pangaluyagan ang Desisyon ng mga

ginikanan kay kung mag Magulang Parental Consent

sugot na ang ginikanan

himuon na sang adlaw ang

pag kasal.”

“Ang bilang pari namon ang Ang tagapaghukom

mga datu.” na kasal na ang

dalawang B’laan ay

ang mga Datu.

Table 1.3: Ano ang mga karaniwang tradisyon ng B’laan na may kaugnayan sa

panlibing?

Respondente Makabuluhang Pahayag

14
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

Table 1.4: Ano ang mga karaniwang tradisyon ng B’laan na may kaugnayan sa

panggagamot?

Respondente Makabuluhang Pahayag

Table 2: Ano ang mga tradisyon nila na unti unting nawawala sa paglipas ng panahon?

Respondente Makabuluhang Pahayag

Table 3: Ano ang mga dahilan kung bakit ito unti-unting nawala?

Respondente Makabuluhang Pahayag

15
JMJ Marist Brothers
Notre Dame of Marbel University – Senior High School
Koronadal City

16

You might also like