Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

KABANATA 25 SA BAHAY NG PILOSOPO

BUOD: Nilarawan ni Rizal ang labas at loob ng bahay ni Pilosopo Tasyo na ang kapaligiran ng taong
palaaral. Ginamit ni Pilosopo Tasyo ang heogrilipiko upang mabasa ng susunod na henerasyon na
makakaalam ng kahulugan ng mga titik para malaman nila at maunawaan ang dahilan ng kahinaan ng
bayan sa kamay ng mga prayle. Dito rin isinasaad ang kagalingan ni Rizal sa simbolismo sapagkat ang
paraan ng pagsulat nya ay hindi literal na heogrilipiko kundi ito ay isang anyo paglalarawan ng mga
bagay at pangyayari sa kalagayan ng Pilipinas. Inaakala rin nila na baliw si Pilosopo Tasyo na ang
pamantayan nila ay hindi katulad nila sa pag-iisip. Inilahad din ni Crisostomo Ibarra ang balak na
paaralan na ihahandog sa kasintahan ngunit pinayuhan cya ni Pilosopo Tasyo na maraming balakid at
matulad siya sa kanya na tinaguriang baliw.

SIMBOLISMO:

1. Ipinakikita na sa kabila ng isang mapanupil na lipunan at paghahari ng mga pamahiin na


kumakalaban sa mga makanagong kaisipan ay mayroon pa ring mga tao na nag-iisip ng
pagsulong at pag-unlad na bumabatikos sa kababawan ng isang marumi at mapagsamantalang
sistemang panlipunan.
2. Isinisiwalat din ni Rizal ang mga opisyal sa kolonyal na pamahalaan na magkaiba ang sinasalita
kaysa ginagawa. Nagsasabi sila ng kaunlaran samantalang ang mga mamamayan ay nakasadlak
sa kahirapan. Nagsasalita sila ng malinis na pamamahala ngunit walang ahensiya ng pamahalaan
na hindi pinamumugaran ng katiwalian.
3. Isinasalarawn din ang taong nilunonk ang dangal para sa kayamanan na nagmula sa katiwalian
tulad nalang ni Kapitan Tiyago.
4. Ang pakikialam ng asawa/kabit sa mga gawain ng pinuno ng pamahalaan. Ito ay isang
katotohanan na nagkakaroon ang mga asawa ng interes sa kapangyarihan pampulitika ng
kanilang mga asawa na pinuno ng pamahalaan.

MGA TAUHAN:

CRISOSTOMO IBARRA - Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng yumaong si Don Rafael Ibarra at kasintahan
ni Maria Clara. Pumunta siya sa bahay ni Pilisopo Tasyo sapagkat alam niyang dito humihingi ng payo
ang kanyang yumaong ama, nagtungo siya dito sapagkat nais din niyang humingi ng payo sa ipatatayo
niyang paaralan na ihahandog sa kanyang kasintahang si Maria Clara.
-Inihahalintulad si Ibarra kay Pangulong Duterte na nagsusulong ng sistemang federalismo sa
ating bansa.

PILOSOPO TASYO - Inaakala nila na baliw na ang pamantayan nila ay hindi katulad nila sa pag-iisip.
Pinuntahan siya ni Ibarra sa kanilang tahanan upang humingi ng payo tungkol sa ipapatayong paaralan.
-Inihahalintulad si Pilosopo Tasyo sa mga gabinete ng Pilipinas na pumipigil kay
Pangulong Duterte sa pagsusulong ng sistemang federalismo sa ating bansa.

You might also like