Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

SIMBOLISMO CONTINUATION:

3. Ipinaanod ng sepulturero ang bangkay ni don Rafael sa ilog dahil mas mainam pa raw iyon kaysa maisama sa
libingan ng mga intsik na di binyagan. Makikita noong panahon ng kastila na mababa ang tingin sa mga intsik
taliwas ngayon na sila ang mayayaman at nagmamay-ari ng malalaking negosyo sa pilipinas.

4. Ang paglubog ng araw at pagkabuo ng makakapal at maiitim na ulap ay sumisimbolo sa nagpupuyos na


damdamin ni Ibarra dahil sa sinapit ng ama sa kamay ni Padre Damaso. Isang pagpapakita ng kalupitan ng mga
kastila noon sa mga inaakala nilang may ibang paniniwala at idealismo na maaring kumalaban sa kanila at
maging banta sa kanilang tinatamasang kapangyarihan.

5. May binanggit din si Rizal na nagpapaiyak sa mga punong-kawayan. Ang punong kawayan dito ay
sumisimbolo sa mga Pilipino na lumalarawan sa kaapihan ng bayan na dinaranas noon sa kamay ng mga Kastila
6. Binanggit din sa kabanatang ito na lumakad na walang sombrero si Ibarra at wala ni kahit isang patak na
luha ang tumulo sa kanyang mata. May anino rin ng kanyang ama na animoy humahabol sa kanya.
Ipinahihiwatig nito na ang mga Pilipino ay mas lakas na ng loob na lumaban at handa na sa anumang
paghihimagsik laban sa Kastila. Unti-unti nang namumulat ang kanilang mga mata sa kalupitan, panloloko at
pagmamalabis ng mga dayuhang mananakop. Ang anino ang nagsisilbing napipintong himagsikan ng mga
Pilipino laban sa mga Kastila

7. Ang pagsasalubong nina Ibarra at Padre Salvi ay sumisimbolo ng pagkikita ng Simbahan at makabagong
kaalaman. Ipinababatid ni Rizal na ang mga kabataan noon na nakapag-aral ay dapat matutong tumayo at
lumaban sa lumang sistema na ipinatutupad ng mga prayle noon. Makikita rin dito ang kahinaan ng mga prayle.
Matapang lamang sila dahil hawak nila ang kaisipan ng bayan ngunit kapag nasukol ay mahina at walang
paninindigan.

MGA TAUHAN:

Crisostomo Ibarra – anak ni Don Rafael na pumunta ng San diego upang dalawin ang puntod ng ama
- Maihahalintulad sya sa mga kabataan noong dekada 70 na lumaban sa rehimeng Marcos
nang nagdeklara ng Batas Militar. May paninindigan sila at handang ipaglaban ang kanilang
ideyolohiya at di takot maparusahan o mamatay

Sepulturero –ang napag-utusan ni Padre Damaso na ilipat sa libangan ng mga Intsik ang ama ni IbArra
- Maihahambing sa mga tiwaling tauhan ng gobyerno na sunud-sunuran sa iniuutos ng mga
tiwaling opisyal.

Padre Salvi – ang bagong kura paroko ng San Diego na humalili kay Padre Damaso at Pransiskanong kaaway ng
alperes
- Maaari syang ihambing sa mga bagong halal na opisyal ng gobyerno na pinapasa ang sisi sa
dating administrasyon o namuno kapag may nalantad o nadiskubreng katiwalian o
pagkukulang sa pamumuno
KABANATA 14 SI TACIO: BALIW O PILOSOPO

Ang bida sa kabanatang ito ay si Don anastacio, ang pilosopo o ang baliw sa mga nais mang-inis sa kanya. Isa
syang estudyante noon ng Pilosopiya at isang marunong na bata. Subalit dahil sa kanyang katalinuhan ay
nangamba ang kanyang ina na malimutan nya ang Diyos kaya pinapili sya kung ano ang mas gusto nya: ang
pagpapari o paglayo s kolehiyo. Sapagkat may kasintahan sya noon mga panahong iyon ay pinili nya ang iniibig
at di na nag-aral. Ngunit sa kasamaang-palad magkasunod na namatay ang kanyang ina at kasuyo sa buhay
kaya’t ibinuhos na lamang nya ang oras sa pagbabasa ng mga libro dahilan upang mapabayaan nya ang
kanilang ari-arian.

SIMBOLISMO:
1. Ang magulang ni Pilosopo Tasyo ay maihahambing sa ina ni Rizal na natakot ding mapalayo ang anak sa
Diyos dahil sa kanyang katalinuhan. Ngunit sa katalinuhang iyon mamumulat ang mga mata ng Pilipino
sa mga pang-aaping ginagawa ng mga Kastila. Nais iparating ni Rizal na ang pag-aaral ay di paglimot sa
Diyos bagkus isang mahalagang sandata na gagamiting mo sa pagharap sa kinabukasan at sa
paglilingkod sa bayan.
2. Ang gabi rito ay tumutukoy sa paghihirap ng bayan sa pananakop ng mga Kastila. Ang bagyo o unos na
tinutukoy di literal na sama ng panahon, bagkus ay ang pagdanak ng dugo dahil sa nagbabadyang
himagsikan ng Pilipino laban sa Kastila. Samantalang ang kidlat ay simisimbolo sa masidhing damdamin
ng mga Pilipino na makalaya sa pananakop ng mga Kastila. Nagsisilbi rin itong liwanag dahil nabuksan
ang isip ng mga Pilipino sa mga karapatan at malayang kaisipan ng mga kabataan na nakapag-aral at
natuto
3. Ang hawak na kandila at isang adorning tungkod sa magkabilang kamay – ang kandila ay sumisimbolo
sa kanyang pagkapanatiko sa relihiyon samantalang ang tungkod ay sumisimbolo ng mababaw na
kapangyarihan bilang alkalde ng bayan
4. Ang pinapangarap na bagyo ni Pilosopo Tasyo ditto ay simbolismo ng paglilinis sa lipunan. Umaasa sya
na darating ang isang delubyo na maglilinis sa bulok na dulot ng katiwalian. Sinabi rin ni Pilosopo Tasyo
ang pagtama ng kidlat sa simbahan na parang pinahihiwatig nya na ang ugat ng bulok na sistema ay
nagmumula sa mga prayle o simbahan. Makikita rin dito ang mababang pagtingin sa mga tulad ni Tasyo
na may marungis na pananamit. Sinabi rito ni Tasyo na sya ay nadapa sa basurahan – ibig sabihin nya
rito ay nasadlak naang Pilipinans sa kahirapan at kawalang pag-asa ng bayan
5. Ipinakita rin dito ang magkapatid na batang sacristan na may edad na 7 at 10 taon. Ayaw pa silang
payagang umuwi ng sacristan mayor at kailangang manatili hanggang ika-8 ng gabi upang patugtugin
ang kampana. Maliwang na ito ay pagsasamantala sa mga bata na pinaghahanap-buhay sa halip na
nag-aaral at nasa piling na ng kanilang magulang sa ganoong oras ng gabi.
6. Sa pag-uusap ni Pilosopo Tasyo at Donya Teodora Vina ay napag-usapan ang librong binabasa ng babae
na pinamagatang “Ang Mga Hirap na Tinitiis ng mga Banal na Kaluluwa s Purgatoryo”. Mahahalatang
malaki ang paniniwala ng babae sa nilalaman ng librong ito. Katunayan, sinabihan nya pa si Pilosopo
Tasyo na magpamisa para sa kaluluwa ng namayapang asawa. Ininwento rin nya na sa panahon ng
Todos Los Santos ang isang pamisa ay katumbas ng lima o hanggang anim na pamisa na mahalaga
upang mapalaya ang kaluluwa sa purgatoryo. Muli ito ay isang paraan na naman ng mga prayle upang
kumita nang mas malaki sapagkat mahihiyakat ang mas maraming tao na magpamisa na
nangangahulugan ng mas maraming bayad para sa pamisa.
MGA TAUHAN:

Pilosopo Tasyo – ang matalinong estudyante ng Pilosopiya na piniling talikuran ang pag-aaral dahil sa takot ng
ina na mapalayo sya sa Diyos kung siya’y mag-aaral
- Sa makabagong panahon, maihahambing sya kay dating Senador Miriam Defensor Santiago
dahil sa kanyang katalinuhan at minsa’y ibang pangangatwiran
Alkalde ng bayan – pinuno ng bayan ng San Diego
- Maihahalintulad sya sa mga manggagawa sa isang tanggapan na umaasenso o tumataas
ang posisyon hindi dahil sa angking kakayanan ngunit dahil sa impluwensya. Ang mga taong
ito ay kadalasang walang awtoridad at sunud-sunuran lang sa taong nagluklok sa kanya sa
pwesto
Mag-asawang Don Filipo Lino at Donya Teodora Vina – katulad nila ang mga tao o grupong sumasang-ayon at
sumasalungat sa batas para sa pagpaplano ng pamilya. Si Donya Teodora ang hindi pabor dahil
sya ang nagbabasa ng libro tungkol sa kaluluwa sa purgatoryo, ibig sabihin sya ay relihiyosa. Sa
mga hindi pabor sa artipisyal na pagpaplano ng pamilya, itinuturing nilang kasalanan ang
pigilan ang pagdami ng anak dahil salungat daw ito sa aral ng Diyos. Si Don Filipo naman ang
pabor dahil pinipigilan nya ang asawa na magkwento tungkol sa libro. Sa mga pabor, sinasabi
nilang responsableng magulang ang marunong magplano ng pamilya upang lumaking maayos
at sapat sa pangangailangan ang mga anak.
Magkapatid na sakristan edad pito at sampung taong gulang – maihahambing sila sa mga batang kalye
na pwedeng ulila, pinabayaan ng magulang o mga lumayas na sa murang edad ay nsa kalye na.
Ang iba sa kanila ay naghahanap-buhay na. Ang iba naman ay napariwara at ginagamit ng
sindikato upang magpalimos o nalululong sa droga at masamang bisyo
KABANATA 15 ANG MGA SAKRISTAN

BUOD: Ang kabanatang ito ay tungkol sa magkapatid na Crispin at Basilio. Sa kabila ng masungit na panahon
gawa ng bagyo, hindi pinayagang makauwi ang magkapatid lalo si Crispin na pinagbintangang nagnakaw ng
tatlumpu’t dalawang piso ng kura at ng sacristan mayor. Hindi nila ito mababayaran dahil ang sweldo lang nila
ay dalawang piso kada buwan. Habang nag-uusap ang magkapatid ay biglang dumating ang sacristan mayor at
pinagalitan sila dahil sa maling pagpapatunog ng kampana. Sinabihan din sila na hanggang ikasampu pa sila ng
gabi sa simbahan, lagpas na sa ika-9 ng gabing pahintulot upang maglakad sa kalsada. Nakiusap si Basilio ngunit
di pumayag ang sacristan mayor. Hinila nito pababa si Crispin at binugbog sa kabilang silid. Humabol si Basilio
ngunit di sya nakapasok dahil sa saradong silid. Dinig na dinig nya nag palahaw na iyak ng kapatid habang
tinatawag ang pangalan nya at ng kanilang ina. Gumawa sya ng paraan para makalabas ng simbahan.
Nagpadausdos sya sa lubid upang makauwi ngunit makalipas lamang ang ilang minute ay nakarinig ng 2 putok
ngunit walang nangahas na lumabas dahil sa takot.

SIMBOLISMO:

1. Sa unang bahagi ng kabanata ay inilarawan ni Rizal kung gaano kasungit ang panahon, tila nagngangalit
ang langit sa pagbuhos ng ulan at pagtama ng matatalim na kidlat at malakas na tunog ng kulog.
Katulad nito ang nangyayaring kalupitan sa buhay ng tao. Ang buhos ng ulan ay katumbas ng mga
luha,ang ugong ng kulog at talim ng kidlat ay ang siyang tindi ng hinagpis at pagdurusa, at ang tunog ng
kampana ang siyang tahimik na pag-iyak ng mga nagdurusang damdamin.
2. Nais din ilarawan ni Rizal ang kalunos-lunos na sinasapit ng mga paslit noon na pinaghahanap-buhay at
pinagmamalupitan pa ng mga taong dapat ay alam ang kahalagahan ng pagmamahal at pagkalinga sa
mga musmos tulad ng kura paroko. Sapagkat mga bata, wala silang kakayahan na lumaban at
magreklamo kahit kulang ang pinapasweldo sa kanila. Nakakalungkot na walang nangangalaga sa
kapakanan ng mga bata noon at parang tanggap ang ganoong sistema na pagtrabahuhin ang mga bata.
3. Nabanggit din ni Rizal sa kabanata ang malakas na paghatak ni Basilio sa lubid ng kampana.
Sumisimbolo ito sa nararamdamang galit nya dahil sa pang-aaping ginagawa sa kanila lalo’t higit sa
nakababatang kapatid na si Crispin. Hindi nya ito maibulalas kaya sa tindi ng pagkalembang nag
kampana na lamang nya inilalabas ang tunay na nararamdaman.
4. Mababakas din ang kawalan ng pag-asa ni Crispin sa nangyayari sa kanila. Sa kabila ng murang edad ay
naitanong nya sa kanyang kuya kung lagi na lamang ba silang ganoon. Tila nagiging desperado na ang
bata na nasabi nya ang ganoon. SA panahong iyon ang mga dukhang tulad nila ay wala nang pag-asang
umasenso. Lalo silang kinakawawa ng sistema na lalong nagpapatunay ng bulok na pamamalakad ng
mga Kastila noon.
5. Nabanggit din sa kabanatang ito ang pagkahinayang ni Crispin na sana’y talagang nagnakaw na lamang
sya kapalit ng maginhawang buhay. Na kahit maparusahan sya at malamang ikamatay pa nya ay mas
nanaisin pa nya para mabigyan ng kaginhawahan ang pamilya. Tila nais ni Rizal ipahiwatig na dapat
handang magsakripisyo sa pamamagitan ng kamatayan makamit lang ang kalayaan ng bansa.
MGA TAUHAN:

BASILIO– panganay sa magkapatid, 10 taong gulang at


CRISPIN- bunsong kapatid, 7 taong gulang at napagbintangang nagnakaw ng 32 pesos
-pareho silang sakristan
SAKRISTAN MAYOR – malupit na amo ng mga bata
-hanggang ngayon ay namamalas pa rin ang pag-abuso sa mga bata na sa kabila ng murang edad ay
napipilitang maghanapbuhay. Nagkaroon ng pelikula noong 1999 na pinamagatang “Muro-Ami” na
pinagbibidahan ni Cesar Montano. Kwento ito ng mangingisdang nagngangalang Fredo na ginagampanan ni
Cesar MOntano. Malupit si Fredo dito. Pinipilit nyang manguha ng yamang dagat ang mga bata, kahit anong
paraan kahit mapanganib. Hindi rin maayos ang lagay ng mga bata habang nasa bangka – sobra ng oras nila sa
pagtatrabaho ngunit salat sa pagkain. Ang ganitong eksena ay maihahambing sa sakristan mayor na malupit sa
magkapatid. Ang mga bata naman sa pelikulang Muro-Ami ay katulad ning Crispin at Basilio na puro hirap ang
dinanas sa kamay ng kanilang amo.

KABANATA 16 SI SISA

BUOD: Si Sisa ang ina ng magkapatid na Basilio at Crispin. Naninirahan sila sa labas ng nayon at mahirap ang
kanilang pamumuhay. Mapagmahal na ina si Sisa. Itinuturing nyang mga anghel ang kanyang dalawang anak.
Mapalad man si Sisa sa pagkakaroon ng mabubuting mga anak, minalas naman sya sa pagkakaroon ng isang
sugarol, malupit, tamad at iresponsableng asawa. Kahit na sinasaktan sya nito, patuloy nyang sinasamba ang
asawa. Martir syang maituturing dahil sa kabila nito, patuloy pa rin nyang pinagsisilbihan ito at umaasang
balang araw ay mamahalin din nito ang kanilang mga anak. Naghanda ng isang espesyal na hapunan si Sisa
nang gabing iyon. Bihira itong mangyari dahil sa kahirapan nila. Tuyong tawilis at kamatis na paborito ni Crispin.
Tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok para kay Basilio. Idagdag pa ang maputing kanin na inani nya sa
bukid ang nakahain sa mesa. Ngunit sa kasamaang-palad ay kinaing lahat iyon ng walang kwentang asawa.
Walang nagawa si Sisa kundi magsaing na lamang muli at inihaw ang natitira na lamang na tatlong tawilis.
Nagpasya syang hindi na lamang kakain upang magkasya sa magkapatid ang ulam. Habang hinihintay nya ang
mga anak ay umawit sya ng kundiman sa mahinang tinig.Nalungkot syang di man lang matitikman ng mga anak
ang inihanda sana nyang masarap na pagkain. Habang nag-iisip ay parang nakita nya sa isang ilusyon si Crispin
na nakaupo sa bangko at kumukuya-kuyakoy habang nakatingin sa kanya. Bago iyon ay may nakita rin syang
umaaligid-aligid na asong itim sa harap ng bahay nila. Bigla ay narinig nyang sumisigaw sa labas ng bahay nila si
Basilio at pinabubukas ang pinto.

SIMBOLISMO:

1. Inilarawan dito ni Rizal si Sisa na isang martir na asawa – na kahit pinagmamalupitan ay patuloy pa rin
sa pagsamba sa kanyang iresponsableng asawa. Maihahambing si Sisa sa bansang Pilipinas. Simula
nang sakupin tayo ng Espanya ay walang kaunlaran naganap sa bansa. Walang bagong teknolohiya na
ipinakilala dahil mas pinagkaabalahan nila ang pagpapalaganap sa Kristyanismo na ginagamit lang nila
para magkapera. Patuloy nilang pinapakinabangan ang mga likas na yaman ng Pilipinas na dapat ay
mga Pilipino ang nagmamay-ari.
2. Ang asawa naman nya ang katulad ng mga Kastila na walang sawa sa pagpapahirap sa Pilipinas. Panay
salapi ang nasa isip at puro pansariling interes lamang ang mahalaga.
3. Si Basilio at Crispin naman ang nagsisilbing mga mamamayang Pilipino. Inilalarawan nya ang mga
kalupitang naranasan ng magkapatid. Ganito rin ang nararanasan ng mga Pilipino lalo ang mahihirap.
Patuloy na pinagsasamantalahan ng mga Kastila ang mga Pilipino dahil sa kakulangan nila sa kaalaman.
Ang mga mahihirap ay patuloy nilang inaapi. Napakalaki ng agwat ng mayaman sa mahirap. Naging
panakot din nila ang relihiyon upang mapasunod ang mga Pilipino at maningil ng sobrang buwis. Ang
mga inosenteng Pilipina ay pinagsasamantalahan nila ngunit nananatiling mga piping saksi sa
kasamaang ginawa nila sapagkat ang tingin ng mga tao noon sa mga prayle ay diyos.
4. Makikita rin dito na ang edukasyon noong mga panahong iyon ay hindi importante sa mga tao. Sa
kagustuhan ni Sisa na matutong magbasa si Basilio ay nagpasya syang ipasok itong sakristan. Hindi
pinahahalagahan noon ang edukasyon – ang mga mahihirap ay mananatiling mahirap dahit sa kawalan
ng pantay na oportunidad para makapag-aral. Patunay ito ng kawalang malasakit ng mga Kastila sa mga
maralita.
5. Ang pag-awit ni Sisa ng kundiman ay paraan ni Rizal upang ipabatid ang hinaing ng mga Pilipino.
Karaniwang ang awit na kundiman ay malungkot at pagpapahayag ng niloloob ng isang naghihinagpis
na nilalang. Ang mga kataga rito ay ang mga nakatagong saloobin ng mga mahihirap na Pilipino noon
na hindi nila maiparating sa karaniwang usapan dahil sa takot na maparusahan.
6. Ang simula ng kabanata na paghahambing sa mapayapang pagtulog ng mayayaman kumpara sa mga
mahihirap na puno ang agam-agam ay isa ring tanda ng agwat ng estado ng pamumuhay noon.
Malinaw na ang may salapi lamang ang tinatangkilik noon ng kolonyang gobyerno at ang mga
mahihirap ay puno ng takot dahil walang makukuhang proteksyon mula sa sistema ng pamamalakad
noon.

MGA TAUHAN:

SISA - ang martir na ina nina Crispina t Basilio


- katulad ni Sisa ang mga kababaihan na inaabuso at binubugbog ng kanilang mga kabiyak.
Hanggang sa panahon ngayon, marami pa rin ang mga biktima ng mapang-abusong relasyon.
Ang mga walang kwentang kalalakihan na ginagamit ang lakas upang manakit ng kanilang mga
asawa. Hindi nakapagtataka na naghain ng bill sina Senadora Riza Hontiveros at Pia Cayetano
na maging legal ang dibosyo sa Pilipinas upang makakawala sa ganitong relasyon at mabalik
ang tiwala at respeto ng mga kababaihan sa kanilang sarili

ASAWA NI SISA - ang sugarol, malupit at iresponsableng ama nina Crispin at Basilio
- maliban sa mga nambubugbog na asawa sa panahon ngaun, maaari rin ihambing ang
asawa ni Sisa sa mga kapulisan na umaabuso sa kanilang tungkulin. Yaong ginagamit
ng kanilang pwesto upang makagipit ng indbidwal at makuha nang sapilitan ang
kanilang nais.
KABANATA 17 SI BASILIO

Ang kabanatang ito ay tungkol sa pagtakas at pag-uwi ni Basilio nang disoras ng gabi sa kanilang tahanan.
Nabigla si Sisa nang mapagbuksan si Basilio na nanghihina at may dugo sa noo. Ipinagtapat ni Basilio na sya ay
tumakas mula sa simbahan dahil ayaw syang paalisin ng sacristan mayor hanggang alas-diyes ng gabi. Nang
mapadaan sya sa kampo ay sinigawan sya ng gwardya sibil. Sa takot nya ay tumakbo sya na nagging sanhi
upang paputukan sya at madaplisan sa noo. Si Crispin sa kabilang dako ay naiwan sa simbahan dahil ayaw
pauwiin ng sacristan mayor dahil umano sa ninakaw na tatlumpu’t dalawang piso. Hindi ipinagtapat ni Basilio
ang ginawang pambubugbog sa nakababatang kapatid upang hindi mag-alala ang ina. Nakiusap sya sa ina na
wag ipagtapat ang dahilan ng sugat sa kanyang noo bagkus magsinungaling at sabihing nahulog sya sa puno.
Napaiyak sa awa si Sisa lalo na sa bunsong anak na naiwan sa simbahan. Niyaya nyang kumain ng hapunan si
Basilio ngunit tumaggi ito nang malamang tawilis ang ulam. Alam ni Sisa na hindi ito ang paborito ng panganay
na anak. Ikinwento nya na umuwi ang kanilang ama at syang umubos ng pagkaing nakalaan sana a kanilang
magkapatid. Nang malamang umuwi ang ama ay kagyat na pinagmasdan sya ni Basilio. Alam na alam nito na sa
tuwing uuwi ang ama ay binubugbog nito ang asawa. Nagawa pang pagtakpan ni Sisa ang asawa sa anak. Sinabi
nitong gusting-gusto silang Makita at binilinang laging maging mabuting bata. Nasabi ni Basilio na mas mainam
pang silang tatlo na lang mag-iina ang magsama-sama kaya’t napaiyak si Sisa. Dahil sa pagod ay nakatulog si
Basilio ngunit napanaginipan pa rin nya ang pagpapahirap sa kapatid. Nakita nya sa panaginip na pinagpapalo si
Crispin hanggang sa mawalan ng ulirat. Umuungol sya kaya’t ginising ni Sisa. Nagsinungaling sya sa
napanaginipan. Sa kanyang panaginip ay nakikigapas sila ng palay sa isang malawak na bukid na ubod ng dami
ng bulaklak. Kasabay niyon ang pagsasabi nya ng nabuong plano. Hindi na sya magtatrabaho sa kura.
Makikiusap sya kay Crisostomo Ibarra na payagan syang maging pastol ng mga baka at kalabaw nito. Napipiho
nyang kasimbait ng amang si Din Rafael ang anak na si Ibarra. Si Crispin naman ay ipapasok nya kay Pilosopo
Tasyo upang matutong magbasa. Alam din nya na mabuti ang matanda dahil nakikita nya itong nagdarasal sa
simbahan kapag walang nakakakita. Sinabi rin nyang paglaki ni Crispin, ipadadala sya sa Maynila upang mag-
aral ng pagkadoktor. Magtatrabaho si Basilio upang masuportahan ang pag=aaral ng kapatid. Niyakap ni Sisa
ang anak. Bagama’t natuwa sya sa mga pangarap ng anak, nalungkot din sya dahil hindi kasama sa mga plano
nito ang ama.

SIMBOLISMO:

1. Sa kabanatang ito ipinakita ni Rizal ang tunay na kulay ng mga prayle na naturingan pa naming alagad
ng simbahan. Naaatim nilang saktan ang isang batang paslit dahil lamang sa isang bintang na wala
naming sapat na pruweba. At kung mayroon man ay di pa rin sapat na dahilan iyon upang manakit ng
batang na isang uri ng pang-aabuso. Patunay ito ng kawalang respeto ng mga dayuhan sa karapatan ng
mga mamamayan. Mayaman man (tulad ni Don Rafael) o mahirap ay kayang-kaya nilang lapastanganin
dahil walang mangahas na sumalungat sa kanila.
2. Gusto ni Basilio na maturuang magbasa ni Pilosopo Tasyo ang bunsong kapatid na si Crispin dahil batid
nyang mabuting tao ito dahil nagdarasal kapag walang nakatingin. Tanda ito ng tunay na pagsamaba.
Malayo sa turo ng mga prayle at mga mayayaman na huwad na relihiyoso. Sinasabi lang ni Rizal na
dapat tao ay maging totoo at di pakitang-tao lamang na relihiyoso lamang at mapagkawaggawa kapag
may nakaharap na tao. Isa rin ito sa mga masamang ugali na naisalin ng mga Kastila sa mga Pilipino.
Dahil itinanim ng mga Espanyol na sa materyal na bagay lamang nakakakuha ng maraming biyaya mula
sa langit. Kapag marami ang iyong padasal at donasyon sa simbahan ito’y dapat ipinagyayabang upang
lalo kang pagpapalain.
3. Ang pangarap ni Basilio na makalaya mula sa pagiging sacristan at makapagtrabaho kay Ibarra para sa
mas magandang kinabukasan ay sumasalamin sa pagiging positibo pa rin ni Rizal sa kabila ng nakikitang
sakit ng lipunan. Gusto nyang ipaalam sa mga kababayan na sa pagsisikap at pag-aaral ay makakatamo
pa rin ng pag-asenso – mas pag-asa pang umunlad at mabago ang nararanasang kahirapan. Ninanais
din ni Rizal na maging isang malayang bansa ang Pilipinas na mga Pilipino mismo ang nakikinabang sa
yaman ng bansa.
4. Ang hindi pagsama ni Basilio sa ama sa mga plano nito ay katulad ng isipin ng mga kabataan na
nagnanais na mabago ang sistema ng isang bulok na pamahalaan na tulad ng kanyang ama.
5. Ang pagkulong kay Crispin sa isang silid sa simbahan ay sumisimbolo ng pagtago ng kolonya sa mga
kabulukang nangyayari sa pamahalaan at simbahan. Inililihim nila ang kanilang krimen upang hindi
malaman ng sambayanang Pilipino na maaaring maging daan upang mag-aklas ito.
6. Ang pagsisinungaling ni Basilio sa tunay nyang panaginip. Ayon sa kanya ang kanyang panaginip ay
gumagapas ng palay sa isang malawak na bukid na natatamnan ng magagandang bulaklak.
Sumisimbolo ito ng pangarap ni Rizal ng maginhawa at maayos na buhay ng mga Pilipino. Mapayapa rin
ito at maganda na inilalarawan naman ng mga bulaklak.

MGA TAUHAN:

BASILIO - panganay na anak ni Sisa nanangangarap ng isang magandang buhay para sa kanyang ina at
kapatid
- maaaring ihalintulad si Basilio kay Isko Moreno, kasalukuyang alkalde ng syudad ng Maynila.
Bagamat sa nobela ay si Crispin ang pag-aaralin ni Basilio, hindi maitatanggi ang masidhing
kagustuhan niyang umasenso sa buhay. Katulad ni Isko na dati lamang basurero, nagsikap sya
upang makapag-aral at ngayon ay isang respetadong pulitiko. Mula sa kahirapan ay
nagawa nyang umangat at ngayon ay may maayos na buhay kabilang ang kanyang pamilya.

SISA - ang inang laging mapagmahal di lamang sa mga anak kundi sa iresponsableng asawa
- muli si Sisa ay katulad ng mga kababaihang hindi kayang tumayo at manindigan laban sa mga
abusadong asawa. Ang katwiran ng iba ay dahil ayaw nilang mawalan ng ama ang kanilang
anak. Ang iba naman ay walang kakayanang mamuhay nang mag-isa at tustusan ang
pangangailangang pinansyal ng kanyang mga anak. Ngunit sa kabila niyon ay nananatili silang
ulirang ina sa kan ilang mga anak.
KABANATA 18 MGA KALULUWANG NAGDURUSA

Sa kabanatang ito ang tinutukoy na mga kaluluwang nagdurusa ay sina Crispin, Sisa at Padre Salvi. Maaalalang
sa naunang kabanata ay pinagbintangang nagnakaw si Crispin at siya’t pinahirapan. Samantalang si Sisa naman
ay isang ina na alalang-alala sa sinapit ng bunsong anak na hindi nakauwi ng nagdaang gabi. Si Padre Salvi ay
iniisip pa rin ang nanakaw na tatlumpu’t dalawang piso na hindi malaman kung sino talaga ang kumuha at
binintang sa kaawa-awang paslit. Dagdag pa dito ang bakat ng kagat ng ngipin ni Crispin habang nagtangka
itong tumakas habang pinagpapalo nya ng baston. Nagsadya si Sisa sa simbahan upang makita ang kalagayan
ng bunsong anak. May dala syang isang bakol na may lamang sari-saring gulay na may dekorasyon pang mga
bulaklak na inaasahan nyang magbibigay galak sa lahat ng makakakita. At dahil haharap sya sa kura paroko ay
sinuot nya ang pinakamaganda nyang baro upang maging katanggap-tanggap naman ang kanyang itsura. Nang
makarating sya sa kusina ay nakausap nya ang katulong at sinabing pinapunta sya ng kura sa konstabularyo
upang ipahuli si Crispin na tumakas di-umano. Sinabihan pa sya ng masungit na kusinero na bantayan ang
bunsong anak dahil di malayong sumunod ito sa yapak ng kanyang ama. Nanginig ang buong katawan ni Sisa.
Pinalayas sya ng kusinero. Luhaan itong bumaba at nakita ng mga usyosong mga manang na kanina pa
nakikitsismis sa nagaganap. Hanggang sa daan ay makikitang patuloy ang pananangis ni Sisa.

SIMBOLISMO:

1. Sa kabanatang ito ay panay ang pagtukoy sa salitang indulhensya. Ang indulhensya ay pagpapatawad sa
kasalanan sa pamamagitan ng gawaing kabanalan. Ang mga gawaing kabanalan ay masusukat sa dami
ng mga pamisa na ipapagawa ng mga tao. At kapag may pamisa, may bayad. Ito ay paraan na naman ng
mga prayle upang makakuha ng maraming bayad at kumita nang malaki mula sa pamisa.
2. Nagpapayabangan ang mga deboto sa dami ng kanilang indulhensya. Patunay nito ang mga huwad na
relihiyoso na puro pakitang-tao lamang. Nagsabunutan pa sila nang pagbintangan ng isang manang ang
kapwa nya deboto na ninakaw at biik ang kapitbahay at ibenta ito. Nag-uusyoso rin sila sa kung ano ang
pakay ni Sisa sa pagsadya sa simbahan. Pinatutunayan nito na kung sino pa ang taong simbahan ay sya
pa ang pinagmumulan ng di magandang kaisipan. Ang tingin kasi nila sa sarili nila ay banal dahil lagi
silang nagsisimba, nangungumpisal at nag-dodonasyon at si Sisa ay isang makasalanan dahil ito ay
mahirap at asawa ng isang sugarol at magnanakaw.
3. Makikita rin dito ang lawak ng impluwensyang nagawa ng mga Kastila pagdating sa paniniwalang
panrelihiyon lalo ang konsepto ng purgatoryo. Ayon nga sa pag-uusap ng mga manang o deboto,
mapapawalan ang kaluluwa sa purgatory base sa dami ng indulhensyang nagawa ng kaanak na nasa
lupa.
4. Pinakita rin dito ang mataas na pagtingin ng mga Pilipino sa mga prayle particular sa karakter ni Padre
Damaso na bagaman di nila maintindihan ang sermon ay nais nilang magmisa dahil magaling syang
magsalita sa pulpito. Patunay ito ng kamangmangan ng mga Pilipino at ng kolonyal na mentalidad na
mataas ang tingin sa mga banyaga at patuloy na tinatangkilik kahit di nila maunawaan ang sinasabi.
5. Noon din ay may mataas na katungkulan ang mga lalaki. Patunay na ang pangulo ng Confraternidad ay
isang lalaki. Makikita ang di pantay na pagtingin sa lipunan sa pagitan ng lalaki at babae. Noon ang mga
babae ay di pinag-aaral. Ang tangi nilang pakinabang ay maging ina sa mga anak, magsilbi sa pamilya at
manatili sa tahanan.
6. Pinakita rin dito ni Rizal ang kawalang pagkakaisa ng mga Pilipino. Sa pagkakalarawan ay parang basura
lamang kung ituring si Sisa ng kapwa nya Pilipino. Ito ay dahil sa binintang sa kanyang anak na
magnanakaw ito. Sa kabila ng nakikita nilang pang-aabuso at paglapastangan sa mga Pilipino ay patuloy
pa rin ang mataas na tingin nila sa mga dayuhan. Pinatunayan rin dito ni Rizal ang pagiging ipokrita ng
mga “relihiyoso”. Handa silang magbigay ng habag at dasal sa mga kaluluwa sa purgatoryo ngunit sa
nilalang na buhay at inaapi ay wala silang pakialam sapagkat di kabilang sa kanilang kapatiran.

MGA TAUHAN:

SISA - maihahalintulad si Sisa sa mga indibidwal na hinusgahan ng lipunan dahil sa may kahihiyang nagawa
ang mga kaanak nila sa lipunan. Sila iyong mga inosente o biktima lamang ng sirkumstansya at
nadadamay sa paghusga ng lipunan. Halimbawa nito ang mga kilalang tao o personalidad na
nasasangkot sa katiwalian at nadadamay pati mga anak nila sa kontrobersya.

MANONG PEDRO - pangulo ng Confraternidad at

MANANG JUANA, RUFA AT SIPA - mga miyembro ng Confraternidad


- ang mga taong ito ay maituturing na mga ipokrita.
Nagkukunwaring mga maka-Diyos ngunit wala namang malasakit at nanlalait pa sa mga tingin
nila ay “makasalanan”. Katulad nito ang mga deboto ng Poong Nazareno tuwing kapistahan
nito ng ika-9 ng Enero. Hindi sila masasabing mga huwad na deboto, tunay na naniniwala sila sa
Poong Nazareno at di matatawaran ang debosyon nila dito. Walang masama dito. Ang
nakakalungkot lang, ang pagmamahal nila sa poon ay di nila maibigay sa kapaligiran.
Pagkatapos ng traslacion, makikita sa paligid ang naiwan nilang basura habang kasama sa
mahabang prusisyon. Dapat pati sa kapaligiran ay may malasakit din ang tao dahil ito ay
tahanan natin. Ang mga taong responsable sa paglilinis ay dapat din isaalang-alang. Hindi
porke’t may tagalinis ay sige na lang sa pagkakalat. Dapat ay iniisip din natin ang kapakanan
nila na maghapon na naglilinis dahil sa iniwang kalat ng mga deboto. Kahit sa panahon ng
Kapaskuhan ang mga pamilyang doon nagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon sa Luneta Park ay
sandamakmak na basura ang iniiwan. Dapt di lang sa pamilya ang pahalagahan natin kundi pati
ang kalikasan.
KABANATA 19 KARANASAN NG ISANG GURO

Sa kabanatang ito nakipagkita si Crisostomo Ibarra sa isang binatang guro na nagturo sa kanya na doon sa lawa
itinapon ang bangkay ng kanyang ama na si Don Rafael. Nasaksihan din ito ni Tinyente Guevarra na walang
magawa kundi saksihan na lang ang ginawang pagtapon sa bangkay. Ikinwento ng guro na utang na loob nya ke
Don Rafael dahil ito ang tumustos sa mga pangangailangan nya sa pagtuturo nung bago pa lamang sya at
walang kakilala sa bayan ng San Diego. Ito ang malaking suliranin nya noon, ang kulang na panustos sa
pagtuturo. Subalit kaakibat ng suliranin na iyon ay marami pang mga pagsubok at pagdurusa ang dinanas ng
guro. Ang silid-aralan ay nasa silong ng silid ng kura-paroko katabi ng karwahe. Kapag nagbabasa ang mga bata,
naiistorbo ang nagsisiyestang pari at sisigawan ang mga bata. Idagdag pa rito ang mga aralin na pawing
nakasulat sa wikang Kastila na di naman naiintindihan ng mga bata. Kaya’t naisipang ng gurong baguhin ang
sistema ng pagtuturo at madaling natutunan ng mga bata ang wikang Kastila. Ngunit pinagtawanan at
inalipusta lamang sya ng kura paroko na si Padre Damaso at sinabing nababagay lamang sa wikang Tagalog ang
mga katulad nya. Binanggit pa ng pari si Maestro Circuela na nagtayo ng paaralan kahit di marunong bumasa.
Labag man sa kalooban ay sumunod ang guro ngunit hindi nya tinigilan na lalo pang pag-aralan ang wikang
Kastila. Nakarating din sa kura na hindi na sya namamalo sa mga bata. Sinabi nyang naniniwala syang mas
matututo ang mga bata kung bibigyan at respeto at tiwala sa sarili kaysa pasunurin dahil sa takot. Ngunit wala
rin syang nagawa kundi ibalik ang pamamalo dahil mismong mga magulang ang nagrereklamo sa di nya
pamamalo sa kanilang mga anak. Dahil sa mga kabiguan na iyon ay nagkasakit ang guro. Nang bumalik sya sa
paaralan ay kaunti na lamang ang mga estudyante. Ni wala man lang nangumusta sa kanya matapos syang
magkasakit. Nang panahon na iyon ay napalitan na si Padre Damaso. Nabuhayan ng loob ang guro. Kahit kaunti
na lamang ang kanyang mga estudyante ay itinuro nya ang heograpiya, pagsasaka at kagandahang asal na
hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa Kasasysayan mg Pilipinas. Ngunit ipinatawag syang muli ng
bagong kura at sinabing dapat unahin ang relihiyon bago heograpiya. Kailangan daw malaman ng mga bata ang
Taimtim ng mga Misteryo, Trisagio, at ang Katesismo ng Doktrina Kristiyana. Muli ay wala syang nagawa kundi
sumunod sa bagong kura. Nangako naman si Ibarra na tutulungan ang guro sa pamamagitan ng pakikipagkita sa
alkalde mayor sa bulwagang bayan.

SIMBOLISMO:

1. Sa unang bahagi ng kabanata ay binanggit kung paano itinapon sa lawa ang bangkay ni Don Rafael.
Namalas ito ni Tinyente Guevarra maging ang guro na walang magawa kundi masdan ang bangkay na
inanod ng lawa. Sumasalamin ito sa edukasyon noong panahong iyon. Ang katawan ni Don Rafael ang
nagsisilbing edukasyon na tila walang pag-asang umunlad at mapagyaman upang maging edukado at
mapawi ang kamangmangan sa mga bata. Ang edukasyon sa panahong iyon ay para lamang sa mga
mayayaman at ang mga mahihirap ay mananatiling mangmang. Sina Tinyente Guevarra at ang guro ang
nagsisilbing mga mamamayan particular na ang mga magulang na walang magawa at sumasabay na
lamang sa agos at patuloy na sumusunod sa maling sistema.
2. Makikita rin dito ang malawak na impluwensya ng mga Kastila sa mentalidad ng mga magulang tungkol
sa pamamalo. Ayon sa mga Kastila, mga de-kalidad ng lalaki at pare ang nagiging bunga ng pamamalo.
Ito ay isang matanda nang paniniwala ng mga konserbatibo. Sapagkat mga mangmang, paniwalang-
paniwala ang mga magulang sa ideya na ito at sila pa mismo ang nag-uutos sa guro na paluin ang
kanilang mga anak. Muli, pinapakita dito na ang dahas o kamay na bakal ay dapat isagawa upang
mapasunod mo ang mga mamamayan.
3. Ang edukasyon din noon ay hindi prayoridad sapagkat ayaw nilang matuto ng Kastila ang mga kabataan
dahil malalaman nila at mamumulat sila sa tunay na nangyayari sa bansa. Walang sapat na pondo para
sa pagpapatayo ng silid-aralan, mga libro at iba pang gamit pang-eskwela maging. pasahod sa guro.
Marahil ito ang dahilan kung kaya’t ang mga bata lalo mga magulang ay nawawalan ng interes na pag-
aralin ang kanilang mga anak. Mas uunahin pa nila ang magtrabaho sa bukid upang may makain kaysa
maghawak ng libro.
4. Ang pangingialam at pagpapahiya sa guro ng kura ay isang paraan ng pagpapakita sa mga tao na ang
pagiging sunud-sunuran ay simbolo ng mabuting Kristiyano na isang maling turo na naman na
pinapalaganap ng kolonyang namumuno.
5. Nabanggit din sa kabanatang ito na nang baguhin ng guro ang sistema ng pagtuturo ay nagkaroon ng
interes at motibasyon ang mga mag-aaral. Gusto lamang ipakita ni Rizal na ang kabataang Pilipino ay
hindi kapos sa kaisipan. Kaya nilang lampasan ang inaakala nilang hangganan lamang ng kanilang
kakayahan.
6. May isang bahagi sa kabanata na tila bumabanggit kay Basilio na isang sakristan na dating pumapasok
sa eskwela ngunit pinatigil ng sakristan mayor dahil ayon sa kanya ay nakababa raw ng pagkatao ang
pag-aaral. Ipinakita rito ni Rizal ang kawalan ng malasakit ng Pilipino sa kapwa Pilipino. Dahil sa takot ng
sakristan mayor na matuto si Basilio at kalabanin sya pagdating ng araw ay minabuti pa nyang manatili
na itong mangmang upang mamayani pa rin ang awtoridad nya sa bata. Simbolo rin ito ng “crab
mentality” na isang ugali na hinihila mong pababa ang kasamahan mo dahil ayaw mo syang umasenso.
7. Gusto rin ni Padre Salvi na puro tungkol sa relihiyon ang ituro ng guro – pagtuturo ng dasal at aralin sa
wikang Kastila na hindi naman naiintindihan ng mga bata. Ayaw ni Padre Salvi o ng mga Kastila na
matuto ng ibang bagay ang mga kabataan, halimbawa heograpiya o pagsasaka sapagkat gusto nilang
habangbuhay na maging mangmang ang mga Pilipino upang lagi tayong umasa sa kanila. Kapag
nakapag-aral ang mga kabataan, matuto silang tumayo sa sariling paa dahil malalaman nila ang mga
makabagong teknolohiya na magiging daan sa pag-unlad ng bansa.

MAG TAUHAN:

BINATANG GURO - tinulungan ni Don Rafael nang kadarating sa bayan ng San Diego
- pinahiya ni Padre Damaso dahil bumati ng Espanyol at sinabi rito na nababagay
lamang sa kanyang magsalita sa wikang Tagalog
- ang nagging karanasan ay gurong nabanggit sa kabanatang ito ay hindi nalalayo
sa mga nangyayari sa mga guro ngayon. Bagama’t ngayon ay ipinagbabawal na
ang pamamalo sa estudyante, ang ilang problema sa edukasyon ay naroon
rin tulad ng kakulangang ng silid-aralan, mga gamit pampaaralan, pasilidad at
ang pasahod sa guro. Nagkaroon man ng pagbabago sa pasahod sa
pampublikong paaralan, sa pampribadong paaralan ay nananatiling mas
mababa pa rin ang pasahod. Kadalasan tuloy ay nababaon sa utang ang mga
guro dahil sa di sapat na pasahod na natatanggap nila. Hanggang ngayon ay
marami pa rin sa mga titulado nating mga kababayan, di lamang mga guro ang
umaalis sa Pilipinas upang magtrabaho sa ibang bansa upang magkaroon ng
mas magandang buhay kahit ang maging trabaho ay di ayon sa pinagtapusan
nila.

PADRE DAMASO AT PADRE SALVI - Hanggang sa ngayon ay may mga eskwelahan na pinamumuan
ng mga pari o madre. Sa isang artikulo, ang eskwelahan ng St. Bernard’s Roman
Catholic High School sa Playa del Rey, Los Angeles, California, may tinanggal na
guro sa Social Science at Economics sa di sinabing dahilan. Ngunit mayroong
mga pagkakataon na pinatawag sila at binigyan ng memo ng nakakataas na
pari dahil sa pagpapakita nya ng malasakit sa mga “itim” o “African American”.
Ang isang dahilan naman ay ang pagtanggi ng isang guro na magsimba at
lumahok sa iba pang gawaing pang-Katoliko dahil na rin sa pagrespesto nya sa
saril nyang relihiyon (katulad ito ni Padre Damaso na mababa ang tingin sa
mga Pilipino at ang pagpilit na puro tungkol lamang sa relihiyon ang ituro sa
mga bata kahit di naiintindihan ang wikang Kastila).

KABANATA 20 ANG PULONG SA TRIBUNAL

Ang kabanatang ito ay tungkol sa pagpupulong ng mga may kapangyarihang tao sa bayan. Nahahati ito sa
dalawang pangkat – ang konserbatibo o mga matatanda at ang liberal o mga kabataan na pinamumunuan ni
Don Filipo. Nagsisimula na ang pagpupulong nang dumating sina Ibarra at guro. Pinagtatalunan nila kung
paano idaraos ang pista ng San Diego. Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan
Basilio na dating nakalaban ni Don Rafael. Magaling itong magtalumpati ngunit wala namang patutunguhan
ang kanyang talumpati. Taas-noo pa itong sumulyao kay Ibarra. Dahil dito, inihayag na ni Don Filipo ang
isang mungkahi at listahan ng mga gastusin. Ayon sa kanya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa
liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggo. Ang dulaan ay nagkakahalaga ng P160.00
samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200 bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na
paglalaanan ng P1,000. Binatikos si Don Filipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga
ito. Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabesa. Ayon sa kanya ay di dapat lumabas ang salapi ng San
Diego sa pagbili ng mga paputok. Magkakaron pa rin ng komedya ngunit ang ng gaganap sa 2 komedya ay
mga taga-San Diego rin. Magbibigay din ng papapremyo sa pinakamahusay na estudyante, pastol,
magsasaka at mangingisda. Panghuli, sinabi nyang ang matitirang pera ay maaaring gamitin para ipagpatayo
ng kahit isang maliit na gusali para gawaing silid-aralan. Bagama’t nagkasundo na ang lahat, nawalang
saysay din ang panukala ng Kabisa sapagkat ipinahayag ng Kapitan na tapos na ang pasya ng Kura na tungkol
sa pista. Ang pasya ng Kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at
komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng Kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat. Nagpaalam
si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa kapitolyo upang lakarin ang isang mahalagang bagay.
SIMBOLISMO:

1. Sa simula ng kabanata ay isinalarawan ni Rizal ang itsura ng bulwagan. Mayroong maruming kurtinang
pula na sa likod niyon ay nakasabit sa pader ang larawan ng hari ng Espanya. Sumisimbolo ito sa
madugong kasaysayan ng Espanya na sa lahat ng digmaan ay isinisigaw nila ang pangalan ng kanilang
hari.
2. Mayroon ding lumang silyang sira ang braso na nasa ilalim ng larawan ng Hari ng Espanya. Sumisimbolo
ito ng kawalang kapangyarihan ng punong-alkalde na siyang kumakatawan sa Hari ng Espanya at ang
tunay na may awtoridad ay ang kura paroko. Patunay nito ang pagsunod sa kagustuhan g kura kahit may
napagkasunduan na ang 2 panig.
3. Nabanggit din ang mga bangko at silyang sira-sira an bumubuo sa kagamitan sa loob ng bulwagan. Ito
naman ay sumisimbolo sa taong-bayana na tulad ng alkalde ay wala ring boses o kapangyarihan.
4. Makikita rin dito na mas ginagastusan ng taong-bayan ang kapistahan o paghahanda dahil sa turo ng
mga Kastila na iyon ay pagpupugay sa mga santo kaysa sa edukasyon ng mga anak nila. Ang walang
patumanggang paggastos ay isa sa kapintasan ng mga Pilipino. Mas inuuna pa ang yabang at luho kaysa
pangangailangan. Mas malalaki rin ang mga sabungan noon araw kumpara sa silid-aralan na hindi
makapagpagawa at nagkakasya na lamang sa silong ng kwarto ng kura. Patunay na mahilig sa bisyo ang
mga tao niyon kaya’t walang pag-unlad.
5. Mapapansing 2 magkasalungat na pangkat ang nagpupulong – ang konserbatibo at liberal. Ito ay pang-
bayan lamang na pangkat. Sa pang-lipunang antas ay isang boses lamang ang namamayani – yaon ay ang
Simbahan.
6. Makikita rin dito na kahit noon pa ay matindi na ang usaping pulitika sa bansa. Ang iminungkahi ni Don
Filipo na magarbong selebrasyon ay syang gusto ng mga konserbatibo, ngunit sa dahilang isang liberal
ang nagmungkahi ito’y sinalungat nila at sa huli ang gusto ng liberal ang nasunod. Hindi nila alam ay
ginamitan lang sila ng stratehiya ni Don Filipo upang di mangyari ang kagustuhan ng konsebatibo.
7. Ang pag-ubo ng alkalde ng makailang ulit – ipinakikita rito ang kawalang-kakayahan ng mga Kastila sa
pagtuklas sa makabagong medisina na makagagamot sa sakit na tuberculosis. Larawan din ito ng
kahinaan ng punong bayan na sumalungat sa Simbahan. Wala ring nagawa ang alkalde nung
kasalukuyang nagkakagulo at nagtatalo ang 2 magkabilang panig sa mga panukala nila. Larawan ito ng
kawalang-kakayahan at liderato ng punong-bayan.
8. Ang di paggasta ng pera ng bayan para sa paputok lamang ay ibig sabihin ni Rizal na gamitin ang pera sa
mas makabuluhang bagay o para sa kapakanan ng lahat. Ang gusting sabihin ni Rizal ay maging matalino
ang mamamayan sa pagdedesisyon – huwag pansarili lamang ngunit para sa ikabubuti ng bayan.
9. Ang huling sinabi ni Pilosopo Tasyo na “tayo ang may kasalanan! Hindi kayo nangagsitutol nang kayo ay
bigyan ng isang pinunong alipin, at ako naman, ulol na tao, ay aking nalimot ang gayon.” Nais sabihin ni
Rizal na huwag nang umasa sa pagbabago kung hindi marunong ang mga bumuboto. Wala ring magiging
matinong pamumuno kung ang iniluklok ay walang paninindigan at sunud-sunuran lang sa isang mas
malakas na pwersa na namumuhunan sa lipunan.

MGA TAUHAN:

DON FILIPO - ang puno ng lapiang Liberal


- maihahambing sya kay Pang. Pangulo Leni Robredo na hindi natatakot isatinig ang
kanyang nararamdaman. Ngunit sa dahilang magkasalungat sila ng paniniwala ni Pang.
Rodrigo Duterte, ang kanyang mga panukala ay hindi dinidinig. Sya rin ay walang
magawa nang tanggalin sya bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Illegal
Drugs (ICAD) ni Pang. Duterte

DON BASILIO - mayamang naging kalaban ni Don Rafael nung nabubuhay pa ito
- maihahambing sya sa mga opisyal ng gobyerno na wala namang naihahaing batas na
makakatulong sa Sambayanang Pilipino. Patuloy lamang sumusweldo at panay lamang
nagpapasasa sa kaban ng bayan

KABESA - sa pagitan ng pagkakagulo ng 2 magkasalungat na panig, nagsalita ang kabesa at


nagkasundo ang lahat sa kanyang mungkahi. Ang naiisip kong paghahambing dito ay
ang ina kapag umiiyak ang kanyang sanggol. Oras na kargahin na ito ng kanyang ina o
ihele ay tumatahimik na ito at nakakatulog

MGA MIYEMBRO NG PANGKAT KONSERBATIBO AT LIBERAL – katulad nila ang kampo ng maka-administrasyon
at oposisyon na nagpaparunggitan at nagsisiraan sa tuwing may isyu na lumalabas. Sa
halip na magkasundo para sa ikabubuti ng bansa ay nagpapagalingan pa

ALKALDE - ang sakiting pinuno ng bayan ng San Diego at sunud-sunuran sa kura


- Noong panahon ni dating Pangulong Marcos ay tinawag syang “puppet” o tuta ng mga
Amerikano dahil malapit sya sa mga ito lalo sa pangulo nitong si Ronald Reagan.
Matindi ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at Amerikano noon. Patunay nito ang
maraming base militar na itinayo sa Piipinas tulad ng sa Cavite, Pampanga at Subic na
nagbigay ng trabaho sa maraming Pilipino. Ngunit kasabay niyon ang paglaganap ng
prostitusyon na ipinakita sa pelikulang “Sa Kuko ng Agila” na pinagbidahan ni dating
Pagulong Joseph Estrada na kilalang kritiko at kalaban ni Marcos. Bagama’t di naman
maituturing na walang paninindigan at liderato si Marcos ay nakatatak na sa kanya ang
tawag na iyon dahil sa pagiging malapit nya sa mga Amerikano.

PILOSOPO TASYO - sa kabanatang ito ay maihahambing ko pa rin sya sa magaling na senadora, ang
namayapang si Miriam Defensor Santiago dahil sa kakayahan nyang makita ang tunay
na problema at sakit ng lipunan. Dahil sa angking katalinuhan ay napagkakamalan
syang baliw dahil sa kakaiba nyang pilosopiya at pangangatwiran na di maintindihan ng
karaniwang tao.
KABANATA 24 SA KAGUBATAN

Maagang nakapagmisa si Padre Salvi at marami ring nangumpisal. May natanggap syang sulat at matapos
mabasa ay nawalan ito ng ganang kumain. Napansin ng kusinero na apat lamang sa sa anim na putahe ang
nagalaw ni Padre Salvi sa kanyang pagkain. Sa kabanatang ring ito naganap ang pagtitipon na pinlano ni
Ibarra. Sa pagpunta ni Padre Salvi ay una nyang nakita ang magkakaibigang Maria Clara, Victoria at Sinang na
nagtatampisaw sa batis. Nagkanlong sya sa puno habang pinagmamasdan at pinakikinggan ang pinag-
uusapan ng mga ito. Gusto ni Maria Clara na makahuli ng pugad ng tikling upang lagging makita si Ibarra
ngunit sya ay hindi nakikita nito. Susundan pa sana sila ni Padre Salvi ngunit nagbago ang isip nito at tumuloy
na loob ng kagubataan kung saan naroon ang mga kasamahan pa sa pagtitipon. Makikita ring sa pagtitipon
na iyon ay nagkainitan sina Padre Salvi at alperes tungkol sa sinapit ng 2 anak ni Sisa. Nagpapasahan sila ng
sisi sa tunay na nangyari sa pagkawala ng magkapatid. Pumagitna lamang si Ibarra upang awatin ang dalawa.
Sa paglalaro naman ng mga kadalagahan at kabinataan ng Gulong ng Kapalaran, ang nakuhang sagot ni
Ibarra ay “ang pangarap ay mga pangarap lamang”. Ngunit isinawalang-bahala ito ni Ibarra at binasa ang
natanggap na telegrama na sinasabing naaprubahan ang kanyang panukala – at iyon ay ang pagpapatayo ng
paaralan para sa mga bataang lalaki at babae. Lumapit si Padre Salvi sa grupo nina Ibarra at nang makita na
naglalaro sila ng Gulong ng Kapalaran ay nagalit ito at pinagpupunit ang pahina ng libro. Maya-maya ay
biglang dumating ang apat na konstabularyo at hinanap si Elias sa dahilang sinaktan daw nito si Padre
Damaso. Sya rin ang daw ang naghulog sa alperes sa putikan. Sinabi ng konstabularyo kay Ibarra na
tumatanggap pala ito ng mga tulisan sa kanyang pagtitipon. Ngunit matapang na sinagot ni Ibarra na lahat ay
maaaring dumalo sa kanyang pagtitipon. Madilim na nang maghiwalay ang mga nagkasiyahan at kanya-
kanya nang umuwi sa kanilang tahanang malayo sa kagubatan.

SIMBOLISMO:

1. Sa kabanatang ito pinakikita na naglaro ng Gulong ng Kapalaran ang mga kabataan at sa pagkakuha ni
Ibarra sa dice na kumakatawan sa pahina ng libre ay nakasaad na naaprubahan ang kanyang panukala.
Ang librong ito ay nagtataglay ng mga kasagutan at sumisimbolo sa mismong nobela nya na Noli Me
Tangere na hango sa tunay na nagaganap sa lipunan ng mga panahong iyon.
2. Makikita rin dito ang ahedres ay nilalaro ng mga kabataan at ang mga matatanda ay nakapalibot kay
Padre Salvi. Ang ahedres ay sumisimbolo sa mga makabagong pag-iisip ng mga kabataan samantalang si
Padre Salvi ay sumisimbolo sa matandang kaisipan na ayaw tumanggap ng pagbabago. Kaya nga ito ay
sinira ng kura dahil ayaw niyang magkaroon ng pag-usad sa pananaw at nalalaman ang mga kabataan.
Patunay na ang mga Kastila ay walang interes na paunlarin ang bansang sinakop nila.
3. Ang laro rin ng ahedres ay sumisimbolo sa kalagayan ng estado at simbahan. Sa ahedres, ang “king” o
hari ay napakaimportante ngunit mahina ang kapangyarihan dahil pwede mo lamang itong ilipat sa isang
direksyon lamang. Ang bishop naman ay lubhang napakamakapangyarihan sa dahilang pwde itong
gumalaw nang pahilis at kahit ilang espasyo kung kinakailangan. Ang king sa ahedres ay sumisimbolo sa
hari ng Espanya samantalang ang bishop ay ang simbahan naman. Mas makapangyarihan di hamak si
Padre Damaso na kumakatawan sa simbahan kumpara kay alperes na kumakatawan naman sa hari ng
Espanya.
4. Si Ibarra rin ang nakasaksak sa leeg ng buwaya na ikinamatay nito. Nais ipakita ni Rizal ang maaaring
kasapitan ng mga Kastila sa sandaling mamulat ang bayan sa kalupitan at paniniil na ginagawa nila.
Dadanak ang dugo sa paglaban ng mga Pilipino sa malupit na dayuhan.
5. Ang pagkabitaw ni Padre Salvi sa hawak na kutsilyo nang makita si Sisa – simbolo ito ng takot dahil sa
pagkakaroon nya ng kasalanan at binabagabag sya ng kanyang konsensya.
6. Ang pagsasawalang-kibo ni Padre Salvi at pagtungo ng ulo sa pagdududa ng alperes na may kinalaman
sya sa pagkawala ng magkapatid na BAsilio at Crispin ay sumisimbolo ng kanyang kahinaan at pag-amin
sa kasalanan ngunit hindi isinasatinig.
7. Nangangamba rin si Padre Salvi sa maaaring bunga kapag nalaman ni barra ang tunay na nangyari sa
magkapatid. Sapagkat may pera at impluwensya si Ibarra, malaking eskandalo ito sa mga pari na
magiging daan upang mag-aklas ang mga katutubo at mawalan sila ng kapangyarihan. Ang pag-aaral ni
Ibarra sa Europa, pananakit sa kanya at ang pagiging magkaribal nila kay Maria Clara ay mga dahilan
kung bakit nag-iisip nang masama si Padre Salvi laban kay Ibarra, ngunit di nya pinahahalata. Ito ang
mapanganib sa mga dayuhan noong mga panahon na iyon – may mga lihim na kaaway na nasa paligid
lamang. Mas maging maingat sa mga taong maganda ang pakikitungo sa iyo.

MGA TAUHAN:

You might also like