3rd Week DLP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental

Banghay Aralin sa Filipino 9


01/27/2020
I. Layunin
Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag. (F9PT-IVc-57)
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Mga Gunita
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd. 30-35
c. Mga Kagamitan: photocopies, manila paper
d. Balyu: pagpapahalaga sa aral na hatid ng aralin
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
 Balik-sulyap
Pagkaraan ng pitong taong paghihiwalay, muling nagkita ang magkababata’t
magkasintahang Ibarra at Maria Clara. Nanatili silang tapat at hindi nakalilimot
sa isa’t isa. Paano ito pinatunayan ng dalaga’t binata?
B. Paglalahad
 Aalamin natin sa kabanatang ito ang mga pangyayaring bumabagabag sa isipan at ano
ginawa ni Crisostomo para solusyunan ito?
C. Pagsasanay
 Talasalitaan: Palawakin Natin
 Pagbasa ng kabanata
 Talakayin Natin
 Isulat sa dayagram ang paglalarawan sa bawat lugar na pinuntahan ni Ibarra.
D. Paglalapat
 Sa iyong palagay, ang pagtatamo ba ng karunungan ay katiyakan ng pagunlad ng bayan?
Ipaliwanag ang kasagutan.
 Gaano kahalaga sa iyo ang karunungan?
 Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pag-unlad ng bayan?
E. Paglalahat
 Anong aral ang hatid ng araling binasa?
 Paano mo ito magagamit sa totoong buhay?
IV. Pagtataya
Suriin at Gawin Natin
 Ipaliwanag ang sumusunod na katagang inihabilin ng kaniyang gurong pari.
a. “Ang karunungan ay para sa tao, ngunit iyan ay natatamo lamang ng mga may puso.”
b. “Ginto ang sinadya ng mga banyaga sa iyong bayan, kaya’t ikaw ay paroon sa kanilang bayan upang
tumuklas ng ginto.”
c. “Gayon man, unawain mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto.”

ML:
ID:

V. Takdang Aralin
 Gumuhit ng karikatura ng mga taong sa iyong palagay ay may angking katalinuhan na
makatutulong sa pag-unlad ng bayan. Ipaliwanag ang sagot
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental

Banghay Aralin sa Filipino 9


01/28/2020

I. Layunin
Nailalahad ang sariling pananaw sa kapangyarihan ng pag-ibig sa magulang, sa kasintahan, sa kapwa at
sa bayan. (F9PB-IVd-58)
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa Buhay ni Crisostomo Ibarra
(Kab. 12,19,20, 22, 24.26,29,30, 31)
b. Sanggunian: Reyes, Lorna T. at Solano, Constancia A. Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Vibal
Publishing House, Inc. Metro Manila, 2002.
c. Mga Kagamitan: larawan, photocopies, construction paper, tarp paper
d. Balyu: Pagpapayaman sa mga kaugaliang Pilipino na litaw sa mga binasang kabanata.
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
 Pangmotibasyunal na tanong:
o Ano ang sinisimbolo ng hugis-puso?
o Paano ito maiuugnay sa pag-ibig?
o Bakit nauuso ang mga hugot lines ngayon?
 Pagpapabigay ng ilang “hugot lines” ng mga mag-aaral.
B. Paglalahad
 Pagbabasa ng mga kabanatang may Kaugnayan sa mga Pangyayari sa Buhay ni Ibarra
C. Pagsasanay
 Pagsagot sa mga gabay na tanong
 Pagtatalakay sa mahahalagang pangyayari sa kabanata at mga kaugaliang Pilipino na
masasalamin dito.

D. Paglalapat
 Paglalahad ng sariling pananaw o opinyon ukol sa kapangyarihan ng pag-ibig sa
sumusunod na paksa na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng pag-ibig .
Pangkat 1- Pag-ibig sa Magulang
Pangkat 2- Pag-ibig sa Kasintahan
Pangkat 3- Pag-ibig sa Kapwa
Pangkat 4- Pag-ibig sa Bayan
E. Paglalahat
 Paano napapakilos ng pag-ibig ang isang tao?
IV. Pagtataya
 Pagpapaliwanag ng bawat grupo sa nabuong mga pahayag.
 Pagbibigay-puna at pagtataya sa output ng bawat grupo gamit ang pamantayan.
ML:
ID:
V. Takdang Aralin
 Basahin ang Kabanta 32, 34-36, 49,54-55, 58, 60 at 62
 Alamin kung paano nanganib ang buhay at nagbago ang pag-uugali ni Ibarra at kung sino-sino
ang nagbabalak nang masama sa kanya.
Panuto: Ilahad ang inyong sariling pananaw o opinyon ukol sa kapangyarihan ng Pag-ibig sa Magulang. Isulat ito sa
patalatang paraan. Narito ang pamantayan sa inyong mga kasagutan.

Pamantayan Bahagdan
a. Kaangkupan ng ideyang ginamit…………………………………………..10 puntos
b. Estilo ng pagtalakay sa paksa………………………………………………..10 puntos
c. Wastong paggamit ng Gramatika………………………………………….10 puntos

Panuto: Ilahad ang inyong sariling pananaw o opinyon ukol sa kapangyarihan ng Pag-ibig sa Kasintahan. Isulat ito sa
patalatang paraan. Narito ang pamantayan sa inyong mga kasagutan.

Pamantayan Bahagdan
a. Kaangkupan ng ideyang ginamit…………………………………………..10 puntos
b. Estilo ng pagtalakay sa paksa………………………………………………..10 puntos
c. Wastong paggamit ng Gramatika………………………………………….10 puntos

Panuto: Ilahad ang inyong sariling pananaw o opinyon ukol sa kapangyarihan ng Pag-ibig sa Kapwa. Isulat ito sa
patalatang paraan. Narito ang pamantayan sa inyong mga kasagutan.

Pamantayan Bahagdan
a. Kaangkupan ng ideyang ginamit…………………………………………..10 puntos
b. Estilo ng pagtalakay sa paksa………………………………………………..10 puntos
c. Wastong paggamit ng Gramatika………………………………………….10 puntos

Panuto: Ilahad ang inyong sariling pananaw o opinyon ukol sa kapangyarihan ng Pag-ibig sa Bayan. Isulat ito sa
patalatang paraan. Narito ang pamantayan sa inyong mga kasagutan.

Pamantayan Bahagdan
a. Kaangkupan ng ideyang ginamit…………………………………………..10 puntos
b. Estilo ng pagtalakay sa paksa………………………………………………..10 puntos
c. Wastong paggamit ng Gramatika………………………………………….10 puntos
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental
Banghay Aralin sa Filipino 9
01/30/2020
I. Layunin
Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami(F9PS-IVa-b-58)
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Kabanata 9 Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd.30-35
c. Mga Kagamitan: photocopies, manila paper, index card
d. Balyu: pagpapahalaga sa mensaheng hatid ng aralin
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
 Balik-sulyap
 Maraming nahihimlay na alaala ang muling nanariwa sa gunita ni Ibarra nang magdaan
ang kaniyang sasakyan sa isang arabal ng Maynila. Ano-ano ang kaniyang nakita? Bakit
nawala ang magaganda niyang gunita?

B. Paglalahad
 Talasalitaan: Palawakin Natin
 Bilugan ang salitang may pinakamalapit na kahulugan sa salitang italisado sa bawat
bilang. Gamitin sa sariling pangungusap pagkatapos.
 Pagbabasa sa Kabanata 8 ng Noli Me Tangere
C. Pagsasanay
 Talakayin Natin
1. Sa iyong palagay, bakit nagsadya at nakipag-usap si Padre Damaso kay Kapitan
Tiyago?
2. Ano ang maaaring tinutukoy ni Padre Damaso na hindi isinasangguni sa kaniya ni
Kapitan Tiyago?
3. Kung ikaw si Padre Sibyla, ano ang magiging interpretasyon mo sa mga sinabi ng
matandang pari?
4. Bigyan ng pakahulugan ang pagpatay sa mga kandilang pinasindihan ni Kapitan
Tiyago para kay Ibarra.
D. Paglalapat
Suriin at Gawin Natin
1. Batay sa mga sinabi ng matandang pari, anong uri ng pagkatao mayroon siya?
2. Sa sariling pananaw, ipaliwanag ang winika ng matandang pari, “Makabubuti sa atin ang
pagtuligsa kaysa walang saysay na papuri ng mga kaibigan na ating nasusuhulan.”
3. Kung ikaw si Kapitan Tiyago, ano ang ibig sabihin ng sinabi mong, “May panahon pa at
ang lakbayin ay napakahaba”?
4. Ano ang iyong maaaring reaksiyon sa mga sinabi ng matandang pari?
E. Paglalahat
 Ano ang aral ang hatid ng binatang binasa?
 Paano mo ito magagamit sa totoong buhay ?
IV. Pagtataya
Pagyamanin Natin
1. Sa pamamagitan ng Diad, bumuo ng maiikling diyalogo na ang daloy o takbo ng pag-
uusap ay nakapokus sa usapan nina Padre Damaso at Kapitan Tiyago.
2. Dugtungan ang sumusunod na pahayag.
a. Natutuhan ko sa binasang kabanata _____________________________________
b. Pahahalagahan ko ang aking natutuhan sa pamamagitan ng _________________
V. Takdang Aralin
 Basahin ang Kabanata 9 ng Noli Me Tangere at alamin ang mensaheng hatid nito.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental

Banghay Aralin sa Filipino 9


01/31/2020
I. Layunin
Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa pagpapayaman ng
kulturang Asyano. (F9PB-IVe-f-59)
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Kabanata 10 Ang Bayan ng San Diego
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd. 40-43
c. Mga Kagamitan: photocopies, manila paper, construction paper
d. Balyu: Pagpapahalaga sa aral na hatid ng kabanatang binasa.
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
Balik-sulyap
 Napayapa ang damdamin at isipan ni Maria Clara nang ipag-utos ni Kapitan
Tiyago na magsindi ng dalawang kandila sa mga pintakasi ng mga manlalakbay
para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego. Kung gayon,
bakit pagkatapos nilang mag-usap at pagkaalis ni Padre Damaso, pinatay ni
Kapitan Tiyago ang mga kandila?
B. Paglalahad
Talasalitaan: Palawakin Natin
 Isulat sa patlang ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap.
 Pagbasa sa Kabanata 10 ng Noli Me Tangere
C. Pagsasanay
Talakayin Natin
1. Ilarawan ang San Diego ayon sa pisikal, ekonomikal, at kaligirang sosyal nito.
2. Ano ang kaugnayan ni Ibarra sa matandang Español na nasa alamat? Kilalanin ang mga
taong nag-uugnay sa kanila.
3. Paano naging bayan ang isang gubat tulad ng San Diego?
4. Tungkol saan ang alamat ng gubat na tinukoy sa kabanata?
5. Bakit nakapananamantala ang mga Tsino sa mga magsasaka at negosyanteng Pilipino?
D. Paglalapat
Suriin at Gawin Natin
1. Noong nayon pa lamang ang San Diego, paring Pilipino ang kura sa pook na ito. Nang ito
ay umunlad at naging bayan, paring Español ang pinamahala sa parokya. Ano ang
ipinahihiwatig nito? Sang-ayon ka ba sa ganitong sistema? Pangatuwiranan.
2. Anong magagandang katangian ang ipinamalas nina Don Rafael at Don Saturnino? Taglay
pa ba ito ng mga Pilipino ngayon?
3. Ibigay ang mga positibo at maaaring negatibong epekto ng kaunlaran sa isang lugar. Itala
sa tsart.
E. Paglalahat
Ano ang mensaheng hatid ng aralin?
Paano mo ito magagamit sa totoong buhay?
IV. Pagtataya
Iguhit ang bayan ng San Diego nang ayon sa sariling interpretasyon.
V. Takdang Aralin
Magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa sariling barangay nang ayon sa:
a. pinagmulan b. pagbabago

You might also like