Panukalang Proyekto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Proyekto

Sa
Filipino XII

Ipinasa ni:

Guia Mae V. Estellena

Grade XII – ABM – C

Ipinasa Kay:

Gng. Ninfa Tejares

Guro sa Filipino XII


PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG DRAINAGE

SYSTEM PARA SA BARANGAY 1, HINIGARAN

Mula kay Guia Mae V. Estellena

Sitio Ubay

Barangay 1

Hinigaran, Negros Occidental

Ika-28 ng Setyembre 2017

Haba ng Panahong Gugulin: apat na buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Ang Barangay 1 ay isang parte ng baybaying bahagi ng

Hinigaran kung saan maraming hanapbuhay ang madaling

pagkakitaan. Mabilis ang pag-unlad ng barangay dahil ito ang sentro

ng kalakalan ng bayan subalit unti-unti narin nagsusulputan ang mga

malalaking gusali at imprastraktura sa lugar.

Isa sa mga suliraning nararanasan ng barangay ay ang pagbaha

tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking pinsala

sa mga mamamayan. Isa sa pangunahing sanhi ng pagbaha ay unti

unting pagkaubos ng mga punong kahoy sa lugar. Dahil dito

nangangailangan ng drainage system ang barangay upang maiwasan

ang mataas na pagbaha. Kung ito ay mapapagawa tiyak na di na

mahihirapan at di na kinakailangan na sumulong sa baha ang mga

mamamayan. Kailangan ang proyektong ito ay maisagawa sa lalong

madaling panahon para sa kapakanan ng lahat.


II. Layunin

Makapaggawa ng darainage system na makakatulong na

maiwasan ang pagbaha sa barangay na siyang nagiging pinsala sa

mga tao at sa kanilang mga hanapbuhay.

III. Plano na Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at pagbigay ng badyet. (isang linggo)

2. Pagsasagwa ng pagsisiyasat. (tatlong lingo)

 Pagkokolekta ng mga datus na kadalasang intensidad ng ulan at

ng libel ng pagbaha sa barangay.

 Pagkalkula ng resulta ng paglabas ng tubig na dumadaloy sa

mga kanal papuntang drainage.

 Pagsagawa ng bidding mula sa mga contractor at ang kanilang

pagsumite ng kanya-kanyang tawad para sa pagpapagawa ng

drainage system.

3. Pagpupulong ng mga konseho ng barangay. (isang araw)

 Sa araw na ito opisyal na ipapahayag ang napiling contractor

na gagawa ng drainage system.

4. Pagpapagawa ng drainage system sa ilalim ng pamamahal ng konseho

ng Barangay 1. (tatlong buwan)

5. Pagpapasinaya at pagbasbas ng drainage system. (isang araw)

IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga

I. Halaga sa paggawa ng drainage

system batay sa isinumite ng napiling Php 3,500,000.00

contractor. (lahat ng mga materyales)

II. Suweldo ng mga trabahador Php 1,220,000.00

III. Gastusin para sa papasinaya at


Php 30,000.00
pagbasbas nito.

Kabuuang Halaga Php 4,750,000


V. Konklusyon

Ang pagpapagawa ng drainage system sa Barangay 1 ay

magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan. Ang pinsala na

dulot ng baha ay masosolusyunan na. Di na makakaranas ng pagbaha

ang mga mamamayan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa

kanilang mga hanapbuhay tuwing tag-ulan. Higit sa lahat di na nila

kailangan sumulong sa baha na siyang minsan nagiging dahilan ng

kanilang sakit. Gayundin, patuloy na magiging maayos ang daloy pang

araw araw na buhay ng mga mamamayan sa barangay.

You might also like