Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGNINILAY (MODYUL 9)

*Natutunan ko sa araling ito na ang pinakamahalang bahagi n gating buhay ay ang paggalang at pagmamahal natin sa
Diyos. Hindi natin makakayanan ang lahat ng pagsubok at paghihirap kung wala siyang gumagabay sa atin. Ang ating
kailangang gawin ay panatilihin ang pananampalataya sa kanya bilang obligasyon natin sa pagharap sa mga pagsubok
sa buhay.Sa ating paglalakbay palaging isipin na ang ugnayan natin mula sa ating kapwa ay iniuugnay natin sa pagkilala
sa ating Panginoon.

PAGNINILAY (MODYUL 10)

*Ang buhay ay sagrado. Maraming beses man tayong mawalan ng pag-asa ay dapat panatilihin natin ang tiwala sa ating
panginoon. Huwag nating isipin na hindi siya palaging nandyan upang tulungan tayo sapagkat ang ating pagsubok sa
buhay ay hinaharap natin dapat ng buong puso at pananampalataya na makakamtam natin ang tagumpay mula rito.
Huwag tayong gumawa ng kahit na anong masasamang Gawain tulad ng pag-iinom, aborsiyon o pagpapatiwakal upang
maiwasan ang ating problema sa buhay. Isipin ang magiging bunga n gating gawa at gumawa ng alternatibo na maaaring
makatulong at hindi mas lalong makaapekto sa atin.

PAGNINILAY (MODYUL 11)

*Marami tayong responsibilidad at katayuan sa buhay. Kailangan ang lahat ng ito ay magawa natin ng may kaayusan at
buong pusong pagbibigay ng ating makakaya upang magawa itong lahat. Responsibilidad natin ang manilbihan sa ating
bayan bilang isang mamamayan nito. Ang intension ng ating mga gawain sa lipunan ay upang makatulong at makapag-
bigay ng serbisyo sa lahat ng mamamayan hindi lamang sa ating bansa kundi maaaring sa iba rin.

PAGNINILAY (MODYUL 12)

*Ang ating kalikasan ang pinakamahalagang pangangailangan atin sa buhay. Kung walang kalikasan, walang tubig,
pagkain, lupa, bahay, puno, hangin, atbp. Ito ang isa sa ating responsibilidad sa buhay, ang pangalagaan ito. Kailangan
natin ito dahil ito ang ating resource sa lahat ng bagay tulad ng paggawa ng ating tahanan, paaralan, mga ospital, mga
kagamitan sa bahay atbp. Pangangalaga at hindi pangaabuso ang kailangan natin upang hindi mawala ang ating
kalikasan. Pahalagahan natin ito at gamitin sa mabuti.

PAGNINILAY (MODYUL 13)

* Ang buhay ay isa sa mga biyaya na ibinigay sa atin ng Diyos. Ito ay ipinagkaloob niya sa atin upang maipahayag sa lahat
ang kabutihan at kagandahang-asal na dapat lahat ay matamasa. Ang lahat ng ipinaggagawa na masasama tulad ng
paggamit ng ipinagbabawal na gamut, pagpapatiwakal, aborsiyon, euthanasia ay sumasalungat sa pinagkaloob sa atin ng
Diyos. Ito ay dapat iwasan at hindi ipagkalat o maimpluwensyahan ng iba. Subalit may mga pagkakataon rin na
kinakailangan ito gawin sapagkat ito ay nararapat. Ngunit ang taong totoong naniniwala sa Diyos ay maniniwala na ang
Diyos lamang ang may karapatan na kunin ang ating buhay na ipinagkaloob niya sa atin.

PAGNINILAY (MODYUL 14)

*Ang ating seksuwalidad ay nararapat lamang sa tamang tao. Ang ating pangangatawan ay dapat ipinagkakaloob sa
tamang tao na totoong mamahalin at igagalang ang iyong buong pagkatao hindi lamang ang iyong katawan.
Ipinagkaloob ng Diyos sa ating ang iba’t ibang parte ng ating katawan upang magamit ito ng tama. Ang kamay ay upang
magbigay tulong, ang paa ay upang makapunta sa tamang paroroonan, ang mata ay makakita ng katotohanan at ang
katawan ay para sa taong habang buhay nating pakakasalan. Iwasan natin ang mga tawag ng ating laman sapagkat ito ay
isang kasalanan sa Diyos kung ito’y pinairal sa maling tao o sa maling panahon gaya ng pagkalasing o paggamit ng
ipinagbabawal na gamot.
PAGNINILAY (MODYUL 15)

*Ang ating mata ay ipinagkaloob ng Diyos upang makita ang Katotohanan sa mga bagay na ibinibigay sa atin na
kasinungalingan. Tayo ay may misyon na mahanap ang katotohanan sa lahat ng bagay. Kailangan ay huwag tayong
magpapaloko sa iba’t ibang tao. Ang kasinungalingan ang nagpapahayag na ang tao ay hindi dapat pagkatiwalalaan.
Walang maloloko kung hindi ka magpapaloko. Nasa sa atin ang paraan upang hindi tayo ang mabulag sa katotohanan.
Huwag mang-impluwensya sa iba ng mga bagay na ikasasama ng ibang tao.

PAGNINILAY (MODYUL 16)

*Ginagamit natin ang ating mga kapangyarihan bilang ating mga responsibilidad sa buhay. Responsibilidad ng
gobyernong maghatid ng serbisyo at tulong ngunit bakit marami ang korupt sa Pilipinas? Bakit marami ang naloloko ng
pamahalaan? Bakit ang mga mamamayan ay nabubulag sa katotohanan? Kailangan kung mayroon tayong kapangyarihan
ay magamit natin ito sa wasto. Gamitin ito sa tamang paraan na makaimpluwensya ng mabuti at maiwasan ang masama
at mangimpluwensya pa ng iba.

You might also like