Professional Documents
Culture Documents
Pagsusulit Sa Filipino
Pagsusulit Sa Filipino
1. Si Bonifacio, Rizal at Mabini ay mga ulirang bayani ng ating lahi. Walang mali.
A B C D E
2. Patuloy ang kanyang pag- eensayo ng mabuti sapagkat nagbabakasakali siyang nagtatagumpay sa darating
A B C D
na kontes. Walang mali
E
3. Huwag mong hanapin ng masamang kahulugan ang pagtulong ko sa pamilya ni Patricia. Walang mali.
A B C D E
4. Ang mga katipunero ay nagtatag ng isang samahang magtanggol sa karapatan ng mga mahirap sa lipunan. Walang
A B C D E
5. Ayon sa doctor, ang ikinamatay ng tagapaningil ay isang malalang sobrang sakit sa atay. Walang mali.
A B C D E
6. Ng nabuksan niya ang bintana, tumagos sa silid ang mala-rosas na amoy ng hangin. Walang mali.
A B C D E
7. Ayon sa mga kastila noon, ang tao na hindi nakikiisa sa ipinatutupad ng pamahalaan ay isang rebelde. Walang mali.
A B C D E
8. Hindi lamang pagtuklas nang karunungan ang itinuturo ng guro sa mga mag-aaral kundi gayon din ang kagandahang-asal.
A B C D
Walang mali.
E
9. Ang bayan natin kong tutulungan natin ay tiyak na magtatagumpay. Walang mali.
A B C D E
10. Hindi siya nagtapos ng pag-aaral kaya’t siya ay nagtitinda na lamang sa bangketa. Walang mali.
A B C D E
Analohiya
PANUTO: Batay sa ugnayan ng unang pares sa bawat bilang, pumili ng wastong pares para sa pangatlong salita. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
IDYOMA
PANUTO: Basahin ang idyomak sa bawat pangungusap, salungguhitan ang angkop na kahulugan sa loob ng saknong.
PAG-UNAWA SA BINASA
PANUTO: Basahin ang bawat sipi at sagutan ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
Taong 1988 nang iwan silang mag-ina ng kanyang asawa kaya’t napilitan siyang magtrabaho bilang kargador ng gulay sa
Balintawak, Cloverleaf Market. Siya ay si Carmelita Brigido. Kindergarten lamang noon ang panganay niya. Madaling araw
ang pasok niya sa trabaho. Kumikita siya ng P150 isang araw, subalit tama lamang itong panustos sa mga pangangailangan ng
kanyang paslit.
Naaalala pa ni Carmelita na matapos ang pagbubuhat, aabutan siya minsan ng mga biyahero ng kaunting gulay na siya naman
niyang itinitinda malapit sa kanilang bahay sa Malabon pagsikat ng araw. Di nagtagal, nagtinda rin siya ng tsampurado para
pang-almusal ng mga kapitbahay at ginatan naman tuwing hapon.
Ani Carmelita, isang pastor ang nagturo sa kanyang gumawa ng homemade na suka at toyo na binebenta rin niya sa mga
kapitbahay. “Araw-araw ay sapat lamang ang kita ko para sa amin ng mg anak ko. Nagtatabi lang ako nang kaunti, P20
hanggang P25 araw-araw, hanggang sa makaipon ako ng P300 noong 1990,” aniya.
Nagtungo sa Divisoria si Carmelita at namili siya ng spaghetti blouses na tigsasampung piso bawat isa. Ibenenta nang P35
bawat isa. Ang kinita ay binili ng mga gamit sa katawan, hanggang sa lahat ng sulok ng Divisoria ay nalakbay niya sa
paghahanap ng maibebenta sa puwesto.
Maaga pa lamang ay nag-aayos nang paninda si Brigido sa dulo ng talipapa sa Damata, Letre Malabon. Kabilang sa mga tinda
niya ngayon ay mga damit pambata, laruan, tsinelas, underwear at iba pa. “Dati, naiiyak ako sa hirap ng aming buhay pero
natutuhan kong patawarin ang asawa ko, ang galit ko ay nawala, at natutuhan ko sa mga pangyayari sa buhay ko na dapat
talagang matutong maghanapbuhay ang isang babae,” ani Brigido. “Noon, umaasa lang ako sa asawa ko, pero ngayon,
natuto na akong humawak ng pera at alagaan ang pamilya ko.”
Mayroon nang paniniwala sa mga anting-anting bago pa man dumating ang mga kastila sa pilipinas. Sa pananaw ng mga
katutubong Pilipino, ang mundo ay punung-puno ng mga espiritu o anito, na nagtataglay ng galing at ibang bagay, na
ipinagkakaloob lamang sa mga piling tao.
Gayundin, may kanya-kanyang potensiya di-umano ang mga bundok, kuweba, sapa, ilog, talon, halaman, hayop at pati na tao,
ngunit ang potensiyang ito’y makakamit lamang ng isang taong malinis ang puso, budhi, at diwa, at sa masusing pagtupad ng
ritwal, gaya ng taimtim na pagdarasal.
Pinagyaman at pinagyabong ang paniniwala sa anting-anting ng mga relihiyong Kristiyano. Bagaman itinuring na superstisyon
ng mga katoliko at ng Protestante and pananalig sa bisa o anting-anting, sa mga relihiyon na ring ito nakahanap ang mga
katutubo ng samo’t-saring detalye ng istorya, dogma o ritwal, na nagpapatibay pang lalo sa kanyang “superstisyon”.
1. Mula sa Kristiyanismo, anu-anong bagay ang itinuring ng mga mamamayang katumbas ng kanilang mga
paniniwalang pinaratangang “superstisyon” ng simbahan?
a. Mga kasuotan ng pari
b. Mga Kuwento, mga krus at iba’t ibang uri ng panalanging inuusal sa Latin.
c. Mompo, o ang grape wine na ginagamit sa misa
d. Ang Bibliya
2. Kanino ipinagkakaloob ang mga anting-anting, batay sa mga paniniwala ng sinaunang Pilipino?
a. sa mga lalaki
b. sa mga babaylan at asog
c. sa mga dato
d. sa mga piling taong may mabuting kalooban
3. Batay sa sipi, sa paanong paraan mapag-iingatan ng isang tao ang taglay na anting-anting?
a. Sa pamamagitan ng paglaban sa mga masasamang taong naglalayong kunin ito
b. Sa pamamagitan ng pagdarasal
c. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga anito o espiritu ng kalikasan
d. Sa pagpapanatili ng mabuting kalooban at pagsunod sa mga ritwal
4. Ano ang pananaw ng mga katutubong Pilipino ukol sa mga espiritu o anito?
a. Ang mundo ay punong-puno ng mga elemento na gaya ng mga ito.
b. Ang mundo ay bilog at hindi palapad.
c. Ang mundo ay puno ng kababalaghan.
d. Ang mundo ay nagtataglay ng mahika.
5. Ayon sa binasang sipi, aling grupo ang nagpayaman at nagpayabong sa paniniwala sa anting- anting?
a. Relihiyong Budhismo c. Relihiyong Muslim
b. Relihiyong Kristiyano d. Relihiyong Hinduismo
WASTONG GAMIT
PANUTO: Salungguhitan ang salitang dapat gamitin sa pangungusap.