3.2 A Tuklasin

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

DAILY Paralan ALALUM NATIONAL HIGH Baitang 7

LESSON SCHOOL
LOG Guro MERRY JANE D. MARASIGAN Asignatura Filipino

(Pang-araw-araw Petsa/Oras NOBYEMBRE 11, 2019 Markahan Ikatlo


naTala sa Pagtuturo)

IKALAWANG ARALIN – TUKLASIN

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga


Pangnilalaman akdang pampanitikan ng Luzon
Naisasagawa ng mag-aaral ang komprehensibong
B. Pamantayan sa pagbabalita (news casting ) tungkol sa kanilang sariling
Pagganap lugar
C. Mga Kasanayan sa F7PN-IIId-e-14
Pagkatuto Natutukoy ang magkakasunod-sunod at magkakaugnay
Isulat ang code ng bawat na mga pangyayari sa tekstong napakinggan.
kasanayan
II. NILALAMAN Aralin3.2
A. Mga Elemento ng Mito/ Alamat/ Kwentong-Bayan
Si Malakas at si Maganda (Kuwentong-bayan)
Alamat ng Paruparo (Alamat)
Ang Hukuman ni Sinukuan (Mito)

B. Mga Pahayag na ginagamit sa pagsulat ng panimula,


gitna at wakas ng isang akda.

KAGAMITANG
PANTURO
Kalinangan 7 pahina 214
A. Sanggunian Internet, Filipino pahina 9
1. Mga Pahina sa Gabay Sipi ng akda
ng Guro
2. Mga Pahina sa
Kagamitang Pang-mag-
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa portal
ng Learning Resource
B. Iba Pang Kagamitang
Panturo
III. PAMAMARAAN

A. Balik-Aral sa nakaraang Pagganyak


aralin at/o pagsisimula ng Sasabihin ng guro sa mga mag-aaral na umisip ng
bagong aralin. isang napakalaking tanong na mula noong sila ay bata
pa ay gusting –gusto na nilang hanapan ng sagot.
(Isasagawa ito ng katulad ng ginagawa ni Kuya Kim
Atienza sa Matanglawin.
B. Paghahabi sa layunin 1. Ano-ano ang mga tanong ninyo mula noong kayo ay
ng aralin bata pa?
2. Paano ninyo nakuha ang mga kasagutan dito?

C. Pag-uugnay ng mga Paglalahad ng Aralin.


halimbawa sa bagong Aralin 3.2:
aralin A. Mga Elemento ng Mito/ Alamat/ Kwentong-Bayan
“Bakit Tumitilaok ang Manok sa Madaling Araw”
B. Mga Pahayag na ginagamit sa pagsulat ng panimula,
gitna at wakas ng isang akda.

Mahalagang Tanong
1. Bakit mahalagang matukoy ang pagkakasunod-sunod
at pagkakaugnay ng mga pangyayari sa akdang
napakinggan?
2. Paano nakaapekto ang mga mito, alamat at
kwentong-bayan sa pamumuhay ng mga Pilipino?

Inaasahang Pagganap
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang na
makasusulat ng isang buod ng mito/ alamat/ kwentong
bayan nang may maayos na pagkakaugnay ng mga
pangyayari.
D. Pagtalakay ng bagong Bakit tumitilaok ang Manok sa Umaga
konsepto at paglalahad ng Kalakip 1.
bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong Pangkatang Gawain


konsepto at paglalahad ng Pangkat 1-4
bagong kasanayan #2 Ilahad ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwentong napakinggan.

1. Ano ang nakatulong upang matukoy ang


pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa pinakinggang
teksto?
2. Bakit mahalaga ang wastong pagkakasunod-sunod
ng pangyayari?

F. Paglinang sa
Kabihasaan (Tungo sa
Formative Assessment)
G. Paglalahat ng Aralin Dugtungan ang pahayag.
Ang kwentong napakinggan ko ay may katangiang
________________.

H. Paglalapat ng aralin sa Sumulat ng buod ng isang kwentong di makatotohanan


pang-araw-araw na buhay na iyong nabasa.
Pamantayan ng Pagmamarka
Maliwanag na Pagkakabuod: 10 puntos
Kawastuan ng materyal: 5 puntos
I. Pagtataya ng Aralin Pagsunod-sunudin ang mga pangyayari sa pinakinggang
akda.
___1. Noon pa man ay marami nang sigalutan sa iba’t
ibang lahi dahil sa pagpapalawak ng teritoryo.
____2. Kailangan ng matamang paglilimi sa mga isyung
kinakaharap ng Diyos ng Digma kaya kailangan niya ng
sapat na panahon bago magpasya.
____3. Minarapat ni Sidapa na magpagising sa kawal.
____4. Isiniwalat ng sugo ang lihim ng kanilang
kaharian.
____5. Nagulantang ang kawal sa malakas na tinig ng
Diyos ng Digma.
____6. Gumagamit ang mga mandirigma noon ng
kampilan sa pakikidigma at hindi tulad ngayon na
matataas na kalibre ng sandata ang gingamit.
____7. Ang kawal ay nanikluhod sa harap ng Diyos ng
Digma upang sya’y kaawaan.
____8. Bumalikwas si Sidapa nang magmulat at
makitang mataas na ang araw.
____9. Natuklasan ni Sidapa ang kadalahiraan ng
kanyang kawal.
____10. Sinigawan ni Sidapa ang suwail na kawal

J. Karagdagang gawain 1. Batay sa pinakinggang akda, ilarawan ang mga


para sa takdang-aralin at sumusunod:
remediation a. paksa
b. mga tauhan
c. tagpuan
d. kaisipan

2. Ano ang mito? Paano ito naiba sa alamat?


IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga mag-
aaral na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiya
ng pagtuturo ang
nakatulong nang lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang
aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong
ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?

Inihanda ni:

MERRY JANE D. MARASIGAN

Guro

Binigyang pansin ni:

QUIRINO P. CARINGAL

Punongguro
Kalakip 1

Bakit Tumitilaok ang Manok sa Madaling Araw?

Noong unang panahon, ang digmaan ay hindi naiwasan ng mga lipi, lahi, at mga
bansa. Ang Diyos ng digma na si Sidapa ay totoong naging abala dahil sa abot-abot
na suliraning idinudulog sa kaniya ng mga sugo ng maraming lahi na nagkaroon ng
mga sigalutan at labanan na pinamumuhanan ng dugo at buhay.

Ngayon,, gumagamit ng bomba, eroplano, tangke at mga bapor sa digmaan.


Gumagamit naman ng sibat, kampilan, mga kabayong matutulin at mga pana ang
mga tao noong unang panahon. May mga dahilan din ang kanilang pagdirigmaan.
Halimbawa’y pagkuha ng lupa ng isang lahi sa isang lipi, pag-agaw sa isang
magandang babe, pagkuha ng mga hayop, at marami pang iba.

Dahil sa mga nabanggit na dahilan, wala silang katigil-tigil sa kanilang labanan.


Walang nalalamang dulugan ang mga tao kundi ang Diyos g Digma. Siya naman ay
matalinong nag-aayos ng mga sigallot na dumarating sa kaniya. Isa- isa niyang
kinakausap ang mga sugong iyon at sapagkat mabibigat din naman ang usaping
dala, kinakailangan niya ng matamang paglilimi.

Si Sidapa ay may isang mahalagang bagay na lalakarin sa madaling araw. Natitiyak


niyang siya’y hahatinggabihin sa pakikitungo sa maraming sugo, kaya minarapat
niyang atasan ang isa niyang kawal na matulog nang maaga upang magising bago
magbukang- liwayway at ipagunita sa kaniya ang lakad. Ang kawal na inutusan niya
ay umalis na at nagtungo sa kanyang silid ngunit nasalubong siya ng mga sugo.

Naghihintay sila sa pintuan at siya’y nakipag- usap sapagkat ibig naman niyang
makatalos ng mga suliranin ng iba’t ibang lipi. Sa gayon, nawili siya at pati na ang
nalalaman niyang lihim sa kaharian ay isiniwalat pa. Napuyat ang kawal at nakatulog
ng mahimbing. Nalimutan rin nito ang kaniyang tungkuling gumising bago
magmadaling araw upang ipa-gunita ang mahalagang lakad ng Diyos ng Digma.

Nagulantang si Sidapa nang siya’y magdilat ng mga mata. Napansin niya agad na
mataas na pala ang araw. Gayon na lamang ang kaniyang galit at noon din ay
tinungo ang silid ng kaniyang kawal upang alamin kung bakit hindi siya nito ginising
sang- ayon sa kaniyang utos. Nakita ni Sidapa sa silid ang kawal kaya lalo siyang
namuhi, sapagkat dinatnan niya itong naghihilik pa at namamaluktot sa pagtulog.
“Tamad na kawal!” ang malakas na tinig ni Sidapa. “ Diyata’t hanggang ngayon at
natutulog ka pa!”

Nakagising sa natutulog na kawal ang tinig ni Sidapa. Bigla itong bumalikwas


nang makita si Sidapa na nagniningas ang mga mata sa malaking poot. Nanginginig
siyang lumapit at nagpatirapa.“Dakilang Sidapa, Bathala ng Digma! Patawarin mo po
ako!” ang samo ng kawal.
“Suwail, suwail!” ang bulyaw ni Sidapa. “Hindi ka karapat- dapat na maging kawal ng
malaking palasyong ito!”

“Ako po ay nagkasala. Mahal kong Panginoon!” ang paninikluhod ng kawal.


“Napuyat po ako dahil sa mga sugong kumausap sa akin kagabi sa labas ng
pinto.”“Sinuway mo ang aking utos!” ang wari’y kulog na sigaw ni Sidapa.

“Nalagay ako ngayon sa isang malaking kompromiso, at ikaw, tamad at walang


kabuluhang kawal, ang siyang naging dahilan!”“Tinatanggap ko po, Mahal na
Panginoon! Ako po ay nakahandang tumanggap ng inyong iparurusa!”“Hindi lamang
ang aking utos ang iyong sinuway!” ang sagot ni Sidapa. “Pati lihim ng kahariang ito
ay ibinunyag mo nang wala akong kapahintulutan.

“Patawarin po ninyo ako!” ang ulit ng kawal na nangangatog ang tuhod.

“Ngayon,” ang sabi ni Sidapa. “Yayamang natuklasan ko ang iyong katamaran at


kadalahiraan, sa taglay kong kapangyarihan ng pagkadiyos ng Digma, hindi ka na
mangungusap, liliit ang iyong katawan, tutubuan ka ng pakpak at mga balahibo, at
bago mag-bukang- liwayway, gigising at titilaok ka na tulad ng isang hayop.

Pagkasabi ni Sidapa ng kaniyang mga pangungusap na yaon, ang kaawa- awang


kawal ay hindi na nakapagsalita. Lumiit nang lumiit ang kaniyang katawan, tinubuan
siya ng balahibo at ang kaniyang kamay ay naging dalawang pakpak. Ang kaniyang
bibig ay naging maliit na tuka na lamang , at sa malaking takot o hiya kay Sidapa ay
lumipad na lamang at umalis sa palasyo. Magbuhat noon, ang kawal na naging
hayop ay tinawag na tandang at sa tuwing magmamadaling- araw ay gumigising at
tumitilaok upang ipagunita sa mga natutulog na siya ang kauna- unahang nagigising
sa lahat ng hayop. Iyan ang alamat kung bakit ang manok ay tumi-tilaok sa
madaling- araw.

You might also like