Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 6

GAT FRANCISCO BALAGTAS HIGH SCHOOL

Galas Patubig Rd., Santol, Balagtas, Bulacan


S.Y. 2019-2020
Ikatlong Markahang Pagsusulit
Filipino 8

PANGKALAHATANG PANUTO:
1. Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga katanungan.
2. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
3. Anumang uri ng PAGBUBURA ay mahigpit na IPINAGBABAWAL.

I. PANUTO. Piliin ang pinakawastong sagot.


1. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng kontemporaryong panitikan?
A. Nobela C. Pelikula
B. Komiks D. Tabloid
2. Ito ay uri ng pahayagan kung saan di hamak na mas malaki ang sukat ng papel na pinaglimbagan ng mga balita at
nagtataglay din ng mga balitang isinasalaysay sa pormal na paraan.
A. Tabloid C. Broadsheet
B. Disertasyon D. Komiks
3. Ito ay uri ng pahayagan kung saan ang wikang ginamit ay balbal at itinuturing ding pahayagan ng masa dahil sa
presyo nito.
A. Tabloid C. Broadsheet
B. Disertasyon D. Komiks
4. Sa lobo ng usapan na ginagamit sa mga diyalogo ng komiks, ang ay ginagamit kung?
A. Ang tauhan ay bumubulong sa kaniyang kausap
B. Ang tauhan ay nagagalit o di kaya’y nagugulat
C. Ang tauhan ay malumanay na nakikipag-usap
D. Ang tauhan ay matamang nag-iisip
5. Ito ay bahagi ng komiks kung saan nakasaad ang mga pahayag ng narrator o tagapagsalaysay sa kwento.
A. Dibuho C. Kwadro
B. Kapsyon D. Lobo ng Usapan
6. Siya ang nagsabing ang komentaryong panradyo ay ang pagbibigay ng oportunidad na maipahayag ang kanilang
mga opinion kaugnay sa isang napapanahong isyu.
A. Elena Botskin-Levi C. Elena Botkin-Levy
B. Elenne Botkin-Levy D. Elenne Botskin-Levi
7. Ang mga sumusunod ay hindi kahalagahan ng iskrip ng programang panradyo maliban sa:
A. Nagsisilbing gabay sa mga dibuhista upang masaayos ang mga pangyayari sa kwento
B. Nagsisilbing manuskrito ng isang audio-visual material
C. Pamatnubay sa mga tagapagbasa ng komiks
D. Pamatnubay sa mga nakikinig sa programang panradyo
8. Ito ay kuha ng kamera kung saan binibigyan muna ng ideya ang mga manunuod tungkol sa magiging takbo ng
pelikula sa pamamagitan ng pagkuha sa buong senaryo o lugar.
A. Panning Shot C. Long Shot
B. Bird’s Eye View D. Medium Shot
9. Isang mabilis na pagkuha ng anggulo ng kamera upang masundan ang detalyeng kinukunan.
A. Panning Shot C. Long Shot
B. Bird’s Eye View D. Medium Shot
10. Kuha ng kamera mula tuhod paitaas o ,mula beywang pataas.Karaniwang ginagamit ito sa mga senaryong may
nag-uusap.
A. Panning Shot C. Long Shot
B. Bird’s Eye View D. Medium Shot
11. Ang pahinang ito sa pahayagan ay nakalaan sa mga taong naghahanap ng trabaho na maaaring pag-aplayan.
Makababasa rin ditto ng ilang patalastas tungkol sa mga bagay na pinagbebenta o pinauupahan kagaya ng kotse,
bahay o iba pang ari-arian.
A. Editoryal C. Libangan
B. Anunsiyo Klasipikado D. Obitwaryo
12. Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay
at iba pa.
A. Lifestyle C. Balitang Panlalawigan

B. Balitang Pandaigdig D. Komersyo


13. Sa bahaging ito makikita ang mga anunsyo tungkol sa mga taong pumanaw na.
A. Editoryal C. Libangan
B. Anunsiyo Klasipikado D. Obitwaryo
14. Ang pahinang ito ay nagtataglay ng matalinong kuro-kuro ng patnugot tungkol sa isang napapanahong isyu.
A. Editoryal C. Isports
B. Ulo ng Balita D. Mukha ng Pahayagan
15. Sa pahinang ito, mababasa ang mga balita tungkol sa mga kaganapan sa showbiz, mga tampok na palabas at iba
pang mga laro.
A. Editoryal C. Libangan
B. Balitang Pandaigdig D. Komersyo
Sa bilang 16-21, (magasin), suriin ang mga sitwasyong isinasaad sa ibaba. Tukuyin kung wasto ang magasin na pinili
ng mambabasa batay sa kaniyang pangangailangan. Isulat ang TUMPAK kung tama at WALEY naman kung mali.

16. Si Jared ay isang mag-aaral sa ikawalong baitang kung saan tampulan ng pang-aasar sa eskwela dahil sa
kaniyang pagiging sobrang tahimik. Dahil dito, ninais niyang mas makibagay sa kaniyang mga kaklase sa
pamamagitan ng pagbili at pagbasa ng Candy Magazine upang malaman niya ang hilig ng kapwa niya kabataan.
17. Si Ka Leonora ay isang maybahay na nagnanais mas maisaayos ang kanilang pamamahay kaya’t upang siya’y
matulungan, sumangguni siya sa magasing Good Housekeeping.
18. Si Jennie ay naghahanap ng mga bagong damit para sa gaganaping Chastity Ball sa ikalawang linggo ng Pebrero.
Upang makita ang mga bagong labas ng paborito niyang tatak ng damit, bumili siya ng Cosmopolitan Magazine.
19. Dahil masyado nang nag-aalinlangan si Lisa sa takbo ng kanilang relasyon ni V, nagbasa siya ng mga payo para sa
magkasintahan at kung paano mapapanatili ang pag-ibig nito sa magasing Yes!
20. Bibili ng bagong “gaming console” si Jisoo para mas maging mainam ang paglalaro niya ng bagong install na RPG
sa kaniyang gaming computer. Para makita kung anong trending, sumangguni siya sa T3 Magazine.
21. Magtatayo si Rosé ng negosyo at gusto niyang malapit ito sa kaniyang hilig: ang kumain. Bilang paghahanda ay
nagbasa-basa siya ng ilang paalala sa mga negosyante sa internet at bumili din ng ilang libro para dito. Isa sa
kaniyang binili ang ang magasing Entrepreneur.

Sa bilang 22-27, (Uri ng Anggulo/Kuha ng Kamera), suriin ang mga senaryo na naganap sa isang pelikula na
mababasa sa ibaba. Tukuyin kung anong uri ng anggulo/kuha ng kamera ang dapat na gamitin sa bawat senaryo. Piliin
ang sagot sa kahon.

Long Shot Panning Shot

Medium Shot Close-up Shot

Low Angle Shot Extreme Close-up Shot

High Angle Shot Bird’s Eye View

22. Ang direktor ay ninanais na kunan ang mga mata ng protagonista upang mabigyang pokus sa mga susunod na
tagpo kung ano ang kaniyang iniisip. Anong kuha ng kamera ang dapat na gamitin?
23. Ang protagonista at antagonista ay magkakaroon nang matinding diyalogo sa isa’t isa. Papaano ito dapat kuhanan
ng cameraman?
24. Ang protagonista ay isang kilalang racer at nalalapit na ang kaniyang laban kung kaya’t kinakailangan sa eksena na
maipakita na siya’y nag-eensayo…na siya’y mahusay sa pagpapatakbo ng race car. Kukunan ang takbo ng race
car na kaniyang minamaneho sa pamamagitan ng?
25. Sa pagtatapos ng senaryo ng kaniyang pag-eensayo, lalabas siya ng sasakyan at kukuhanan siya magmula sa
baba hanggang sa makita ang kabuuan ng kaniyang katawan. Maisasakatuparan ito gamit ang anggulong?
26. Ang pelikula ay sisimulan ng direktor sa pagkuha ng kabuuang tagpuan upang mabigyan ng ideya ang manonood
kung tungkol saan ang paksa ng pelikula. Sa ganitong paraan, gagamit ng anong uri ng anggulo?
27. Sa huling bahagi ng pelikula, nais na maipakita ang pagtatagumpay ng protagonista sa kabila ng lahat ng
pagsubok. Bibigyang-pokus ang kaniyang mukha habang siya ay nakatingin sa malayo. Anong kuha ng kamera
ang nababagay para dito?
Sa bilang 28-36, (impormal na antas ng wika), suriin ang mga nakasalungguhit na salita sa bawat bilang. Isulat ang
tamang titik batay sa legend na makikita sa ibaba ng panutong ito.
A – kung ang salita ay balbal
B – kung ang salita ay kolokyal
C – kung ang salita ay lalawiganin
28. Noong mga nakakaraang araw lamang ay naging usapin sa iba’t ibang social media sites ang tungkol sa World War
III. Ewan din kung ito ba ay pinalutang dahil sa layuning ituloy ito o para lamang magkaroon ng pangamba ang mga
tao.
29. Sari saring opinion at palagay ang makikita sa internet. Ang ilan ay nagtanong pa sa mga liblib na lugar sa Pilipinas
particular na sa Mindanao upang malaman ang saloobin nila dito. Isang ang nagsabi: “Dili na kami natatakot. Sanay
na kami sa giyera. Inaalala lamang naming ang among mga anak.”
30. Ang ilan naman ay idinaan na lamang sa biro ang maselang isyu: “Ambot sa imo! Di iyan mangyayari.
Poprotektahan kami ng mahal na Allah.”
31. Sa huli, nasa mga tao pa rin ang ikatutuloy nito. Kung paiiralin ang pagsasaalang-alang sa kapayapaan, sa inyo
bang palagay ay matutuloy ito? Anong palagay niyo, madlang pipol?
32. Isa din sa naging matunog na isyu bago matapos ang taong 2019 ay ang pangunguha ng bata ng mga tao sa likod
ng puting van para kunin ang laman-loob nito at ibenta sa Black Market. Ilang bagets ang nagsabing fake news
daw ito.
33. May mga nagsasabi ring totoo ito dahil isang video ng bebot ang kumalat sa Twitter, isang social media site. Ang
video ay nagpapakita nang biglaang paghatak sa babae habang siya’y naglalakad sa kahabaan ng kalsada sa
Makati.
34. Teka muna, sa kabila ng mga balitang ito, nananatiling tikom pa rin ang kapulisan ukol sa nagiging takbo ng
imbestigasyon ukol dito.
35. Marami tuloy ang hindi na lubos naniniwala sa parak dahil sa isyung ito.
36. Palala nang palala ang nagiging krimen sa bawat araw…mag-ingat ka, ‘igan.

Sa bilang 37-44, (pagsagot sa analohiya), Analisahin ang mga pares sa bawat bilang. Piliin ang titik ng salitang
pinakawastong ipareha sa mga nakasulat na salita.
37. Tabloid : Balbal : ___________________ : Pormal
A. Komiks C. Broadsheet
B. Nobela D. Disertasyon
38. Iskrip : Programang Panradyo : ___________________ : Komiks
A. Diyalogo C. Kwadro
B. Lobo ng Usapan D. Dibuho
39. ____________________ : Pahayagan : Cosmopolitan : Magasin
A. UP Journal C. Adarna Comics
B. Forbes D. Manila Bulletin
40. Makalumang Panitikan : Epiko, Bulong, Alamat, atbp : Kontemporaryong Panitikan : ___________________
A. FB, Twitter, Instagram C. Anekdota, Talambuhay, Journal
B. Pahayagan, Radyo, Pelikula D. Evernote, Dropbox, Airdrop
41. Dibuhista : Komiks : ___________________ : Pahayagan
A. Mamamahayag C. Kuwentista
B. Patnugot D. Mananalaysay
42. Lalawiganin : Lalawigan : Balbal : ___________________
A. Kolehiyo C. Kanto
B. Bahay D. Kainan
43. Mukha : Close-up Shot : ___________________ : Extreme Close-up Shot
A. Mula tuhod hanggang itaas ng katawan C. Kabuuan ng senaryo
B. Mabibilis na aksiyon sa senaryo D. Pagkurap ng mata

44. Ama ng Tagalog Komiks : Tony Velasquez : Hari ng Tagalog Komiks : ____________________
A. Senedy Que C. Francisco Coching
B. Mars Ravelo D. Carlo J. Caparas
Sa bilang 45-50, (paglikha ng diyalogo batay sa lobo ng usapan), buuin ang komiks sa ibaba sa pamamagitan ng
paglikha ng naaangkop na diyalogo ng mga tauhan sa tulong ng mga lobo ng usapang makikita. Gamitin ding gabay
ang senaryong inilahad ng guro.

Si Temyong ay sumakay sa jeep na walang anumang barya sa bulsa. Punan ang kaniyang paglalakbay…

47. 48-49.
45-46. 50.

“Tumingin na sa kisame,
Wag lang sa katabi.
Maging responsableng estudyante
At wag pumrente.”
-Bb. Pauline M. Maning
KEY TO CORRECTIONS
FILIPINO 8
1. A
2. C
3. A
4. D
5. B
6. C
7. B
8. C
9. A
10. D
11. B
12. A
13. D
14. A
15. C
16. TUMPAK
17. TUMPAK
18. WALEY
19. WALEY
20. TUMPAK
21. TUMPAK
22. EXTREME CLOSE-UP
23. MEDIUM SHOT
24. PANNING SHOT
25. LOW ANGLE SHOT
26. LONG SHOT
27. CLOSE-UP SHOT
28. B
29. C
30. C
31. A
32. A
33. A
34. B
35. A
36. B
37. C
38. B
39. D
40. B
41. A
42. C
43. D
44. B
45.
46.
47. SARILING PANGUNGUSAP
48.
49.
50.

You might also like