You are on page 1of 1

Hudhud Ni Aliguyon

Noong unang panahon, may isang sanggol na isinilang sa nayon ng Hannanga. Ito ay si
Aliguyon. Ang batang si Aliguyon ay anak nina Amtalao at Dumulao. Kahanga hanga ang taglay na
talino ni Aliguyon. Siya ay maraming kaalamang natutunan mula sa ama. Napag-aralan nya ang
kasaysayan, pakikipagdigma at kung paano umawit ng mahiwagang gayuma. Kaya't bata pa lamang
ay itinuring nang pinuno ng kanilang nayon si Aliguyon.

Nang magbinata si Aliguyon ay nag pasya itong pumunta sa nayon ng Daligdigan upang
sagupain ang mortal na kaaway ng kanyang ama na si Panga-iwan. Ngunit hindi ito ang nakaharap
nya kundi ang binata ding anak nito na si Pumbakhayon. Si Pumbakhayon ay katulad din ni Aliguyon
na eksperto sa iba't ibang bagay. Bihasa rin ito sa pakikidigma. Nang ibato ni Aliguyon ang kanyang
sibat ay agad na nasalag ito ni Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat kung ito ay gumalaw at umiwas.
Nagtangkang ibalik ni Pumbakhayon ang sibat at ipinukol kay Aliguyon ngunit kung paano naibalik
ni Pumbakhayon ang sibat ay ganun din ang ginawa ni Aliguyon. Nagpalitan ng sibat ang dalawang
makisig na binata at umabot ng tatlong taon na walang tigil ang kanilang laban.

Kapwa humahangos ay tumigil ang dalawa sa pakikipagbakbakan. Kapwa humanga sa taglay


na giting at husay ng kalaban. Pagkaraan ng tatlong taong laban ay nagpasyang tumigil at
magkasundo ang dalawa. Nagdiwang ang dalawang nayon na pinamumunuan ni Aliguyon at
Pumbakhayon. Naging matalik silang magkaibigan. At bukod doon, ‘di nagtagal ay naging asawa ni
Aliguyon ang nakababatang kapatid na babae ni Pumbakhayon na si Bugan. Ganun naman si
Pumbakhayon, ang kapatid na babae ni Aliguyon na si Aginaya ang kanyang napangasawa. Naging
mayaman ang dalawang pamilya at iginalang sa lahat ng Ifugao.

Mga Tanong
- Ano ang kahalagahan ng epiko na ito sa panitikang Pilipino?
Ang mga epiko ay kadalasang isinasaad ng patula, at minsan ay sinasama ito sa mga paligsahan.
- Ano ang kahalagahan ng epiko na ito sa kultura ng mga Ipugaw?
Ang epikong “Hudhud Ni Aliguyon” ay nagpapakita ng kahusayan at katapangan ng mga Ipugaw
sa pakikipaglaban.

You might also like