Sintesis

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Trabaho ang panunahing nagsusustento sa ating pangaraw-araw na gastusin, bagkos

umaasa tayong matugunan ang ating pangangailangan sa ating nakukuha sa pagtatrabaho. Hindi
mahirap gumawa ng iyong trabaho kapag ito ay bukal sa iyong puso at mahal mo ang iyong
ginagawa. Ngunit aanhin mo ang iyong pagmamahal sa iyong kakayahan kung ang kakulangan sa
trabaho ang problema ng mga Pilipino na isa sa madaming sanhi sa kahirapan? Ang lumalaking
bilang ng walang trabaho sa ating bansa ay nakakabahala na, lalo na sa ating bansa na kumakayod
palamang sa ekonomiya at sa lumulubong populasyon na nangangailangan ng puspusang tiyaga
para sa pinansyal. Ngunit, ano nga ba ang dahilan ng kakulangan sa trabaho ng mga Pilipino?

Sa quarterly-survey ng Social Weather Stations (SWS) para sa Hulyo-Agosto-Setyembre


noong taong 2018, tinatayang 9.8 milyong Pilipino ang walang trabaho. Sa datos na ito, 4.1 milyon
ang natanggal sa pinapasukan, 3.7 milyon ang nagbitiw, habang ang natitirang bilang ay
naghahanap para sa kanilang unang trabaho. Sa datos ng nakaraang quarterly survey para sa Abril-
Mayo-Hunyo, nasa 8.6 milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Nangangahulugan ito
na sa tatlong buwang agwat ng dalawang survey, umangat sa 1.2 milyon ang bilang ng walang
trabahong Pinoy. Ang mga nakikitang dahilan kung bakit marami sa ating mga kababayan ang
walang trabaho ay dahil sa job mismatch. Ang ibig sabihin nito, ay ang mga trabaho na nakalatag
at yung mga negosyong nangangailangan sa ating bansa ng empleyado ay hindi angkop sa
nakuhang kurso ng isang indibiduwal. Kaya na rin napipilitan o mas pinipili na magtrabaho sa ibang
bansa kung saan ang trabahong inaalok ay angkop sa kursong nakuha. Isang rason na rin ang mga
kabataan na hindi nakapagtapos sa pag-aaral dahil sa kakapusan ay nahihirapang makahanap ng
trabaho na makatutulong sa gastusin ng pamilya. Ang pagtataas ng matrikula sa mga kolehiyo
samantala mababa naman ang kita ng mga magulang na nagtatrabaho kaya napipilitan na hindi
makapagpapatuloy sa kolehiyo ang isang indibiduwal. Ang paglobo na rin ng bilang ng mga Pilipino
ay isa rin sanhi ng kawalan ng trabaho dahil hindi lahat ng tao ay mabibigyan ng trabaho. Mas
madami ang bilang ng tao kaysa dami ng trabahong inaalok. Ang mga ito ay patuloy na
nagbubunga sa kawalan ng trabaho sa bansa at ang walang tigil na paglaganap ng kahirapan.

Ang pamahalaan ng Pilipinas ay may programang tinatawag na “Tax Reform for Attracting
Better and High-Quality Opportunites” o TRABAHO, na ipinapalagay na hakbang upang
makapagbigay ng mas maraming trabaho sa pamamagitan ng mas mababang corporate tax.
Ngunit hinihingi rin nito ang pagtatanggal ng buwis at iba pang insentibo na dating umaakit sa
mga dayuhang negosyo sa ating mga economic zones sa nakalipas. Sa halip na magkaloob ng mas
maraming trabaho, tila kabaliktaran ang dulot nito, lalo’t maraming dayuhang negosyo ang
nagbabanta ng pagsasara ng kanilang operasyon sa Pilipinas, na hahantong sa kawalan ng trabaho
ng mga dati nilang empleyado. Kapag nagpatuloy na mabagal ang aksyon ng pamahalaan tungkol
dito lalo pang tataas ang bilang ng ating mga kababayan na maghihirap.

Ang solusyon sa pagbaba ng bilang ng kawalan sa trabaho sa ating bansa ay hindi tumitigil
sa pagkilos ng ating mga kababayan sa paghanap ng trabaho kundi dapat itong umpisahang bigyan
tuon ng ating pamahalaan. Ang pagkakaroon ng negosyo pang ekonomiya sa ating bansa,
inprastraktura at libreng edukasyon ang isa sa mga tulay na balang araw, ang mga kababayan
natin ay hindi na maghirap.

Talumpati

You might also like