Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

KABANATA I:

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Ang kabanatang ito ay naglalarawan ng mga sumusunod panimula,

layunin, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at limitasyon ng pag pag-aaral at

terminolohiya , upang matugunan ang paksa mga pananaliksik.

Panimula

Sa ginawang pananaliksik ay nakapaloob ang mga katagang,

benepisyo ay ang mga positibong makukuha ng isang mag-aaral at ang

benepisyo rin ay ang mga mabubuting maidudulot sa bawat mag-aaral. Ito rin

ang mga bagay na matatanggap ng isang benepisyaryo na makatutulong para

sa kanya.samantala ang kahalagahan naman ay ang mga importanteng bagay

na napupulot o nakukuha ng mga mag-aaral sa isang pag aaral.

Siphayan ito ang ibang katawagan sa asignaturang matematika sa

lenggawahe ng Filipino. Ito ay isang pag-aaral ng mga numero at mga bilang

ng mga datos na lubos na makatutulong sa pagiging malikhain ng bawat

mag-aaral ng ABM. Mareresolba at mabigyan ng solusyon ang mga problema

na may kaugnayan sa siphayan at mapatalas at mapalalim ang kaalaman at

pag-aanalisa sa mga problemang pang siphayan.Asignatura ito ay ang mga

yunit na pinag-aaralan ng mga mag-aaral. Ang asignaturang ito ay ang mga

kaalaman na ibinabahagi ng mga kagawaran.

Ang kahalagahan ng asignaturang Siphayan ay upang makagawa o

makalikha ng mga bagay na kailangan ng isang mag-aaral, halimbawa


kailangan mong lumikha ng isang upuan, kailangan mo munang alamin ang

tamang sukat upang makalikha ka ng mas maayos at magandang produkto,

Ang kahalagahan nito ay upang magkaroon ng mas maraming kaalaman

tungkol dito, ito ay upang mas magamit ang matematika sa pang araw-araw na

buhay tulad ng pagbibilang ng mga pera, pagsukat ng mga bagay bagay,

pagtimbang ng kung ano ano at iba pa.

Benipisyo ng Siphayan. Napakaraming benipisyo ang maibibigay ng

asignaturang Siphayan, ito ay ang mga o ito ang pagbibilang ng mga pera o

kahit anong bagay na pwedeng bilangin o timbangin. Pwede rin itong gamitin

sa pagkompyut ng mga grades o di kaya'y paghahanap ng mga bagay na may

kinalaman sa Matematika.

Ang pananaliksik na ito ay kinakailangan upang matugunan ang mga

ng mga mananaliksik. Ang pananaliksik na ito ay kinakailangan ng sistematiko

dahil sa maraming kinakailangan proseso ang pananaliksik. Kailangan din ang

mga pagkuha mo ng impormasyon ay makakatulong sa pang araw-araw na

pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

Bilang mag-aaral ng ABM o Accountancy Business and Management,

responsibilidad nila o namin ang pag-aaralan ito ngunit maraming mga

estudyante na hindi gusto ang asignaturang Siphayan . Ang Siphayan ay isa sa

pangunahing kakayahan na dapat taglayin sa isang mag-aaral.

Ayon kay Abel , ang Matematika daw ay ang kadalasang iniuugnay sa

"Sublime beauty." Ang paraan ng pagtuturo ng matematika, itoy isang


asignatura na maraming tao ang hirap sa asignaturang matematika.

Ang mga estudyante na nag-aaral ng matematika ay kinakailangang

may magaling na pagaanalisa ng mga problema at kinakailagang mataas ang

kanilang lohikal na pag-iisip

Layunin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang matugunan ang mga

pangangailangan batay sa paksa na benepisyo at kahalagahan ng mga

estudyante sa asignaturang Siphayan sa kursong ABM ng QCPU. Upang

mabigyan ng sapat na solution sa mga

1. Ano-ano ang profile ng mga mag-aaral:

a. Edad

b. Kasarian

c. Pangkat

d. Estado sa buhay

2. Ano ang kahalagahan ng asignaturang siphayan sa mga estudyante batay

sa:

a. Asignatura

b. Kaalaman

c. Kurso

d. Kaugnayan sa pang araw-araw

3. Sa paanong paraaan mapapahalagahan ang benepisyo ng mag-aaral ang

asignaturang siphayan ayon sa:


a. Asignatura

b. Kaalaman

c. Kurso

d. Kaugnayan sa pang araw-araw

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay binibigyan ng kahalagahan ang mga

sumusunod na pag-aaral

Mag-aaral. Natuto ng bagong kaalaman tungkol sa Asignaturang

Siphayan Guro.Nagkakaroon ng bagong impormasyon tungkol sa benepisyo

ng siphayan. Mananaliksik o mambabasa . matututong kumuha o malaman

ang mga ideya at impormasyon tungkol sa asignaturang Siphayan.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay nakasaklaw lamang sa mga

estudyante ng QCPU (Quezon City Polytechnic University) na kung saan may

kabuuang bilang ng estudyante na isang daan pitumpu’t isa (171) na taon sa

kasalukuyan mula sa track ng ABM Senior High School (SHS) ay gagamitan

lamang ng tatlongpung (30) bilang ng mga mag-aaral mula sa apat (4) na

pangkat ng estudyante.

Depinisyon ng Terminolohiya

Ang mga sumusunod ay ang mga salita na makikita sa pag-aaral ng

mga mananaliksik ito ay ang mga sumusunod

ABM – Accountancy, Business and Management


Asignatura – Iba’t – Ibang yunit na pinag-aaralan ng mga estudyante sa

paaralan.

Batasan Campus – Lugar kung saan ginanap ang surbey.

Benepisyo – Ito ang mga positibo o magandang dulot nga makukuha ng isang

mag-aaral.

Estudyante – Mga taong nag-aaral upang makalap ng bagong kaalaman.

Kahalagahan – Importansya o halaga ng isang bagay.

SHS – Senior High School

Siphayan – Filipinong bersyon ng Mathematics; pag-aaral sa mga numero at

pagbibilang ng mga datos na magagamit sa pananaliksik.

Surbey – Pagkalap ng impormasyon o datos.

QCPU – Quezon City Polytechnic University

Respondente – Target ng pag-aaral.


KABANATA II:

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga sumusunod mula sa

banygang literatura, banyagang pag-aaral, local na pag-aaral at local na

literatura upang mabigyan ng katugunan ang pananaliksik.

Lokal na Pag-aaral

Sa pag-aaral na isinagawa nila Cabahug at Ladot (2005) mayroong

siyam na raan at apat na pu’t isa na estudyante sa apat na taong pag-aaral na

namumukod tangi na nagpapamalas ng kakayahan ng mga estudyante sa

asignaturang Siphayan. Ang mga mag-aaral ay ipinahayag na ang abilidad sa

Siphayan ay panghabang buhay. Ang resulta ng pag-aaral ng mga

estudyante na kumuha ng asignaturang Siphyan ay mas napalago ang

kanilang marka.

Sa pag-aaral ng Siphayan sinasabi na ito ay panghabang buhay na

abilidad sa mga piling tao lamang sapagkat kakaunti lang ang mga tao na

nakakaintindi sa asignaturang ito, kaya naman hindi ito kaagad maalis sa

kaalaman ng isang tao, at magagamit itong abilidad sa araw-araw na yugto n

gating buhay tulad ngg bawat transaksyon ng pera na nangyayari sa bawat

oras na dumadaan.

Sinasabi din na ang Siphayan ay nakatutulong upang lumago ang

marka dahil ito ay nakakadagdag kaalaman sa atin.


Banyagang Literatura

Sa libro ni Marilyn Burns siya ay gumamit ng tradisyunal at orihinal na

literatura upang talakayin ang iba’t-ibang konsepto sa asignaturang Siphayan.

Ang kaniyang ginawa ay upang maipakita sa mga estudyante na ang mga

asignatura na madalas ituro sa paaralan ay magkakaugnay.

Ang pinagsamang Siphayan at literatura sa mga aktibidad sa klasrum

ay isang paraan ng mga guro upang hikayatin ang mga mag-aaral sa

asignaturang Siphayan.

Nais ipabatid ang kahalagahan ng literatura at asignaturang Siphayan

dahil mahahasa nito ang pag-iisip ng mga mag-aaral at mapapalawak pa ang

kanilang kaalaman sa asignaturang Siphayan.

Sa paggamit ng literatura sa asignaturang Siphayan mapapayabong

ang kaalaman ng bawat mag-aaral dahil sa mas mapapadali nito ang Gawain

at nagagamit ito sa pangaraw-araw na buhay.

Ayon kay Michael Callmeye

“kailangan ang Matematika o Siphayan upang makamit ang gammit ng

kaalaman sa Siphayan sa mundo ng bisnes.

- 2002

Kailangan ang Matematika sa mundo ng bisnes dahil sa Matematika

nakasalalay ang isang bisnes. Sa bisnes mas nabibigyang halaga ang

Siphayan kaya naman ditto nakasalalay ang lahat, kung papano mo

malalaman kung ang isang bisnes ay umaangat o bumababa ang kit ang isang
organisasyon.

Ayon kay Bilbase at Shashidar, Ang kognitibong impluwensiya ay

kasama sa pag aaral ng siphayan ngunit hindi limitado, sa kaalaman at

kakayahan ng isang indibidwal na mayroong ekspektasyon na makamit ang

kanyang mithiin tungo sa tagumpay o kabiguan man.

Napakalki talaga ng impluwensiya ng kapaligiran at mga taong

nakapaligid sa isang mag aaral ng siphayan dahil sila hindi masyado natutukan

sa kanilang pag aaral maaring dahil sa kakalungan sa pasiladad para sa mag

aaral at kakulngan sa kaalaman sa asignaturang siphayan.

Banyagang Pag-aaral

Ernest (2000), isinasabi nito na ang pag-aaral ng Siphayan ay may

kaugnayan sa simpleng kaalaman ng katotohanan, kakayahan at

pagsasagawa, at kanyang idinagdag ang labis na pagkakaugnay ng structural

na konsepto sa pangkalahatang istratihiya sa pag-reresolba ng mga problema.

Sa pag-aaral ng Siphayan mas mapapadali ang mga bagay-bagay na

may kaugnayan sa mga numero dahil sa asignaturang Siphayan ay magagawa

itong masusulusyunan ang mga problema at kung paano mas magagawang

kapaki-pakinabang at magkakaroon ng kalinawan lahat ng problema na may

kaugnayan sa Siphayan. sa pag-aaral ng Siphayan magagawang bigyan ng

paliwanag ang mga katanungan sa pang-Matematika. Sa bawat problema ay

mas nakakagawa ng paraan na upang mapadali ito.

Smith (2001) ipinahayag ang kondisyon sa kahirapan sa pag-intindi ng


Matematika, sinabi niya rin na ito ay isnag kondisyon na ang tao ay

nakararamdam ng walang karamay at naguguluhan sa asignaturang Siphayan,

sinabi niya rin na hindi lamang normal na tao ang nanganganib sa pagkabalisa

sa asignaturang Siphayan, ngunit ang mga tao rin na may kaalaman sa

asignaturang Siphayan ay maari ring maapektuhan sa kabila ng iba’t – ibang

rason. Ang sumulat ay naghayag na ang dahilan ng pagkabalisa sa Siphayan

ay dahil sa pakikisalamuha at pagtuturo ng mga stratehiyang pang Siphayan.

Sa isang pagaaral na ginawa ni Bello (2012) sa Nigeria, kanyang

napagtanto na kaya bumabagsak ang mga mag-aaral sa ikaapat na taon sa

sekondarya ay dahil sa hindi sapat ang mga kagamitang dapat na

ipinagkakaloob ng mga paaralan, kanya din nalaman na nakakapagtaas ng

akademikong pagganap ng mga mag-aaral ang lubusang pag-gugol sa mga

sapat na kagamitan ay nakakapag-unlad ng kalidad ng pagkatuto ng isang

mag-aaral.

Sinasabi ni belo sa kanyang pag aaral na ang pangunahing dahilan ng

pagbagsak ng estudyante sa ikaapat na taon ng sekondarya, dahil sa kawalan

ng sapat na pasibilidad at kagamitan na kakailanganin sa pag aaral ng mga

estudyante upang mapataas ang kanilang marka at matuto sa asignaturang

siphayan.
KABANATA III:

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ito ay naglalaman ng mga disenyo ng pananaliksik, respondente,

instrumento ng pananaliksik, tritment ng mga datos upang mabigyan ng

katugunan ng mananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng talatanungan mula sa pamagat

na kahalagahan at benipisyo ng mga estudyante sa asignaturang Siphayan

tungo sa ABM-Batasan Campus 2016-2017 para sa mga mag-aaral ng ABM

gumamit ng deskriptibong metodolohiya upang makalikom ng mga datos at

impormasyon na kailangan ng mananaliksik. gumawa ang mananaliksik ng

surbey na pumapatungkol sa napiling pamagat. Ang mga estudyante ng ABM

ang naging respondente sa mga mananaliksik at upang makumpleto ang

pag-aaral na ito.

Respondente

Ang mga mag-aaral ng mga mananaliksik ay nasasaklaw lamang sa

mga estudyante ng QCPU (Quezon City Polytechnic University) na kung saan

may kabuuang bilqng ng mga estudyante na isang daan pitumput isa (171)

ABM Senior High School (SHS) ay gagamitin lamang ng tatlompong (30) bilang

ng mga mag-aaral mula apat (4) na pangkat ng mga estudyante.

Instrumento

Ang unang ginawang hakbang ay umisip ng talatanungan para sa kaugnay na


pamagat. ikatlo gumawa ng liham para sa gagawing surbey. Ikaapat gamit ang

"Slovins Formula" kinuha ang bilang ng mga redpondente at pinaka lima ay

ginawa na ang pagsusurbey

Slovin's Formula:
𝑁
𝑛 = 1+𝑁𝑒 2.

n kabuuang bilang ng respondente sa bawat pangkat

N nagrerepsenta sa bilang ng mga respondente

1 konstant na o hindi na magbabago

e porsyento

Tritment ng mga Datos

Ang tritment sa pag aaral na ito ay sumasagot sa talatanunganng mga

mananaliksik na gamit ang pormulang slovins at mean pormula.

Mean Formula:
∑𝑓𝑥
𝑥̅ =
𝑁

𝑥̅ tugon ng bilang ng mag-aaral

Σ pinagsasama ng tugon

fx nagrerepresenta sa indekasyon ng mga mag-aaral

N nagrerepresenta sa kabuuang bilang ng mananaliksik


KABANATA IV:
INTERPRETASYON AT PRESENTASYON

KAHALAGAHAN
ASIGNATURA 𝑥̅ R
1. Kawalan ng focus sa iba pang asignatura. 3.26 10
2. Madalas makaramdam ng “stress” sa asignaturang Siphayan. 3.6 9
3.
KABANATA V:

LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom, konklusyon at

rekomendasyon ng buong pag – aaral.

Problema:

1. Ano ang kahalagahan ng asignaturang Sipahayan sa mga mag – aaral

ng ABM?

2. Ano ang benepisyong makukuha sa asignaturang Siphayan sa mga

mag-aaral ng ABM?

Lagom

1. Ang kahalagahan ng asignaturang Siphayan sa mga mag – aaral ng ABM ay


nakatutulong ang Siphayan sa pagbibigay ng kaalaman sa kukuhain nilang
trabaho. Sa tulong ng Siphayan napapabilis ang mga Gawain sa pamamagitan
ng pagkompyut gamit ang iba’t – ibang pormula.

2. Gamit ang asignaturang Siphayan makatutulong ito upang magamit ng


maayos at mahati ang oras upang maiwasan ang pagsasayang ng panahon.
Nakatutulong ang asignaturang Siphayan sa pagtatayo ng negosyo ng isang
mag – aaral ABM na maaring makatulong sa kanilang pag – aaral.

Konklusyon
1. Ang pag – aaral ng asignaturang Siphayan ay mahalaga upang mas

maintindihan at mapalawak pa ang kaalaman ditto. Nakatutulong itp sa

ating pang – araw – araw na gawain. Mahalaga ang pag – aaral sa

asignaturang Siphayan sapagkat natututo tayong magbadyet.

2. Ang pag – aaral ng asignaturang Siphayan ay mayroon ding magandang


benepisyo sa mga mag – aaral ng QCPU nakatutulong silang magkalkula

ng mga numero, magbadyet at mag – analisa ng mga problema.

Rekomendasyon

Guro. Ang pag – aaral na ito ay maktutulong sa pagtuturo ng mga guro na

dapat isinasabuhay at isinasapuso. Dapat marunong magkalkula, mag –

analisa ng mga problema at marunong kumuha ng eksaktong detalye upang

lalong maintindihan ang kaniyang nais ituro sa kanyang mga estudyante.

Mahalaga ang pag – aaral na ito sapagkat natututong maging responsible at

disiplinado ang mga guro.

Mga mag – aaral. Ang pag – aaral na ito ay may malaking maitutulong sa mga

mag – aaral. Dahil sa asignaturang Siphayan ang mga mag – aaral ay

nagkakaroon ng panibagong kaalaman tungkol sa ditto. Sa pag – aaral na ito

ang mag – aaral ay nagiging magaling sa pag – aanalisa ng mga problema at

nagiging mataas ang kanilang lohikal na pag – iisip. Makatutulong rin ito sa

mga mag – aaral upang maging mas responsible at disiplinado.

Mananaliksik o Mambabasa. Ang pag – aaral na ito ay may malakking

maitutulong sa mga mananliksik o mambabasa sapagkat nakakakuha sila ng

mga ideya at impormasyon tungkol sa asignaturang Siphayan. makatutulong

rin ito sa mga mananaliksik o mambabasa upang pahalagahan ang bawat

bagay na kanilang nalalaman o natututunan.

You might also like