Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA XV

TAUHAN:

MODESTO - may asawa; tatay ni Jun; kaibigan nina Mike, Ali, Magda, William, Igna, at Jeffrey; kaaway ni
Johnson na isang kano; inaaway ni Richard

MIKE - anak nina Dolores at Michael Taylor, Sr.; kasama si Magdalena sa bahay bagamat wala silang
relason; kaibigan nina Desto, Ali, Steve, Igna, William, Jun, at Jeffrey

ALI - kapatid ni Alicia; baklang tiyuhin ni Jeffrey; amo ni Igna; kaibigan ni Mike at Desto; nahulog ang
loob kay Richard

RICHARD - gumago kay Ali; kinuntsaba ni Igna

JUN - anak ni Desto na napunta sa base liban sa kagustuhan ng ama.

TALASALITAAN:

Huwego de Prenda – ibig sabihin nito'y "Laro ng Multa", nilalaro ito tuwing búrol o lamayan. Umuupo
nang pabilog ang mga manlalaro, binibigyan ng pangalan; punongkahoy o bulaklak para sa babae, ibon o
numero naman sa lalaki.

Dagil - sagì, ngunit mas marahas at maaaring nakapagdudulot ng pagkabigla o pinsala sa nasagi
Amor Propyo - salitang Espanyol na nangangahulugan ng self -love; isang pakiramdam ng pagpapahalaga sa
sarili o paggalang sa sarili na pumipigil sa isang tao na lunukin ang kanyang kapalaluan.
Valium - isang nakakalma na kalamnan-nakakarelaks na gamot na ginamit pangunahin upang mapawi ang
pagkabalisa.

BUOD:
Nakatumpok ang mga lasenggero sa bakuran kung saan nakaburol ang sabog na bungo at bumubulwak na
dugo ni Modesto. May halakhakan sa mesa ng mga kabataang nakasalang sa huwego de prenda.
Nasentro ang pansin sa dumating na si Mike. Galit nag alit ang ilan sa pagdatng nya sapagkat siya ay
kalahating kano. Kasama nya dapat sa pagpunta si Ali na nag iiiyak sa telepono ngunit sabi nito ay wala si
Richard. Mahirap nang umalis siya na di alam ni Richard. Mabuti na daw iyon at baka mapagkamalan pang
bata ni Modesto si Ali.
Tinanong ni Mike si Jun kung ano ang magiging sunod na hakbang nila at iniimbistigahan na naman ang
nangyari. Ngunit sa unang pagsisiyasat, self-defense daw ang motibo ng kano at si Modesto daw ang unang
nanuntok. Iba ang nakapatay kay Modesto sa sinuntok nya,kalat na kalat ang balita. Meron na mang witness sa
krimen, si William Smith, kaibigan ni Modesto.
Balot ng dalamhati ang mukha ng asawa ni Modesto nang nagsabi ng pakikiramay si Mike. Nag usap ang
dalawa at nabanggit ni Mike na sa Club sya nagtatrabaho kung saan ay madalas na nalalagi si Modesto.
Kalahati nga daw ng kita nito ay doon inuubos. Kung natuto nga lang daw mag ipon si Modesto ay hindi sila
maiiwan nito ng paganoon nalang.
Sinabi naman ni Mike sa asawa ni Modesto na ilapit sa hukuman ang kaso. Hindi makakakilos ang batas
kung hindi sila kikibo. Ngunit sabi ni Jun na hindi daw maaari sapagkat sa base ito nangyari, kailangan
munang humingi ng permiso sa American Department of Defense. Sinabi ni Jun na wag ng mag alala si Mike
sapagkat may witness naman.
Kung anuman ang kahihinatnan ng ng imbestigasyon ay tatanggapin ng asawa ni Modesto sapagkat mainam
naman daw ang palakad ng mga kano at may makukuha pang benepisyo.

Matindi ang umaahong galit sa dibdib ni Mike sapagkat sa lahat ng kasong involve ang mga kano ay walang
kinahihinatnan ang kaso. Pero ugali n ani Mike na huwag magpadala sa galit.
Nagpaalam na si Mike na aalis na sya sapagkat kakanta pa sya sa Club. Ihahatid sana siya ni Jun pero
mabilis ng tumalikod at malalaki ang hakbang na tinungo nito ang pinto.
Kinagat ni Mike ng mariin ang kanyang labi sa hangad na mapapayapa ang kanyang galit na kanyang
nararamdaman sa bawat panunuya ng mga taong kanyang nararaanan dahil sa pagiging kano nya.
Kalahating Pilipino sya ngunit sa ama nyang kano sya nagmana. Matindi ang pagkapoot nya sa kulay ng
sariling buhok at balat.
Tuloy-tuloy lang ang lakad ni Mike sa kabila ng matatalim na matang sumusunod sa kanyang direksyon.
May nasilayan syang nakasubsob sa kanal ang isang matanda nang itim. Tinulungan nya itong makatayo
kaya’t nagtaka ang lalaki kung bakit sya nagmamalasakit sa isang kaaway. Ngumiti si Mike at may
pagmamalaking sinambit na siya ay isang Pilipino.
At nalunod si Mike sa kasiyahang nadama niya sa pagkakataong masabi nang malakas na siya’y Pilipino.

You might also like