Salik Na Nakakapekto Sa Kaalaman

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang usapin ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay binubuo ng napakaraming salik na

lubhang nakaaapekto sa paglinang ng kaalaman at pagkatuto ng mga mag-aaral. Ilan sa


mga tiyak na halimbawa nito ay ang pagbabago at pagpapalit ng mga asignatura sa iba’t
ibang baytang at taon sa elementarya hanggang sa antas ng tersiyarya, mga programa
at gawain sa loob at labas ng paaralan, gayundin ang mga kagamitan sa pagtuturo gaya
ng visual aids, libro o batayang aklat, banghay-aralin, mga takdang gawain, at ang
kurikulum bilang gabay sa pag-aaral at higit sa lahat ang mga paraan, estratehiya, at
dulog sa pagtuturo ng mga guro (Dalusong at Dela Casa et., al, 2010)

ang Transfer Theory ni Highet (1950) binibigyang diin sa teoryang ito na ang kaalaman
ay naipapasa mula sa guro patungo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga
epektibong mga elemento sa pagtuturo tulad ng mga estratehiya, kaalaman, at mga
teknik. Ang mga mahuhusay na elemento sa pagtuturo ang magiging daan sa mga mag-
aaral upang matamo ang karunungan sa mga araling pinag-aaralan. Nangangahulugan
na ang isang guro ay dapat magkaroon ng malawak na kaisipan hinggil sa mga
epektibong elemento sa pagtuturo nang sa gayon ay makatulong sa mga mag-aaral
upang mapalawak ang kaalaman sa bawat aralin. Ang teoryang ito ay nakasandig sa
kakayahan ng isang guro sa pagtuturo.

Ang interaksyon naman ng tatlong aspekto ng pagkatuto ang binibigyang halaga sa


teorya ni Cruicksshank (2003). Sinasabi sa kanyang Product- Process-Presage Theory
na ang produkto ay ang pagkatuto sa parte ng mga mag-aaral habang ang process ay
ang interaksyon sa pagitan ng mag-aaral at guro. Ang Presage ay kakayahan ng isang
guro, antas ng karanasan, tagumpay at iba pang katangian ng guro. Sinasabing ang
Presage ay nakakaapekto sa Process at ang Process ay nakakaapekto sa Product.
Nangangahulugan na ang bawat aspekto ay may ginagampanang tungkulin sa
pagkatuto, ngunit binibigyang diin dito ang presage na kung saan nakapanig sa
kakayahan ng guro. Mahihinuha sa teoryang ito na nasa guro magkakaroon ng
implikasyon sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

You might also like