Florante at Laura (Whole Summary)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

Aralin 1: Kay Selia

Kapag naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang


binabalikan niya sa gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang
pag-iibigan at masaya sila habang namamasyal sa Ilog Beata at
Hilom. Ngunt ngayo’y di mapigilan ng makata ang pagluha kapag
naiisip na baka naagaw na ng iba ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa
kalungkutan, natutong magsulat ng tula ang makata. Inihahandog
niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay M.A.R

Aralin 2: Sa Babasa Nito


Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang
kanyang akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit
masarap kapag ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag
babaguhin ang kanyang berso at pakasuriin muna ito bago pintasan.
Kung may bahaging di malinawan, iminumungkahi niyang
tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at may
paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga
salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.

Aralin 3: Pambungad na Tagpuan


Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na
di halos mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at
maraming puno ng higera at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng
ahas, basilisko, hyena, tigre at leon. Sa isang punong higera sa gitna
ng gubat, naktali ang paa, kamay at leeg ng isang guwapong binata,
na may makinis na balat at kulay gintong buhok. Sayang walang
mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa binata.
Aralin 4: Ang Reynong Albanya
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang
kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may
parusa itong kamatayan. Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat,
sapagkat ibig nitong mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring
Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng nakagapos

Aralin 5: Pighati ng Nagmamahal


Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang
poot nito at parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng
nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang
magdusa. Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng
minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni Laura ang
kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na
walng hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay
ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si Adolfo ang
pagmamahal ni Laura

Aralin 6: Magandang Alaala


Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang
nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang kanyang sama ng
loob dahil tila nalimot na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan
niya ito. Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay
pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at
mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng binata
ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang binata
pinipilit siyang aliwin ni Laura. Ibig ng binatang nakagapos na muling
ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot
ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi
niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo pahirapan man siya nang
husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng lumuha ang lalaki
hanggang sa siya’y mapayukayok
Aralin 7:Kapangyarihan ng Pag-ibig
Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero
na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito
sa lilim ng isang puno at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na
sino mang umagaw sa pagmamahal ng babae ay papatayin niya,
maliban sa kanyang ama. Naihimutok ng gererong Moro na sadyang
napakalaki ng kapangyarihan ng pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag-
aaway nang dahil sa pag-ibig

Aralin 8: Duke Briseo: Amang Mapagmahal


Nang huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa
sumalit na buntung hininga ng lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita
ng nakagapos ang amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo.
Pinaghiwa-hiwalay ang ulo, katawan at mga kamay ng kanyang ama
at walang nakapangahas na ito’y ilibing. Ngunit hanggang sa huling
sandali, tanging kapakanan ng kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama

Aralin 9: Amang Di Dapat Pamarisan


Naalaala rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng
lalaking nakagapos ay di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan
man. Ang lalong masakit, ang kanyang ama pa ang umagaw sa
babaing kanyang pinakamamahal. Maagang naulila sa ina ang gerero
kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal ng magulang. Naputol ang
iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing man ito ay
patuloy pa ring mamahalin si Laura.
Aralin 10: Panganib na nakaamba
Dalawang leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang
naaawang napahinto ang mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng
nagbabantang kamatayan sa pangil ng mga leon, nagpaalam ang
binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng kanyang paglilingkod
at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang
loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di
angkin ang pag-ibig ni Laura.

Aralin 11: Ang Tagapagligtas


Hindi na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t
hinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng
gerero ang mga dawag hanggang marating ang kinaroroonan ng
nakagapos. Anyong sisilain na ng dalawang leon ang binata na sa tindi
ng hirap ay nawalan ng malay. Pinagtataga ng gerero ang dalawang
leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos kinalagan nito at kinalong ang
binata.

Aralin 12: Atas ng Langit


Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap.
Nagulat pa ito nang mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura,
kundi ng isang Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di
tulungan ang binata, sapagkat magkaiba man sila ng
pananampalataya, nakaukit din sakanyang puso ang pagtulong sa
kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga Kristiyano. Sa halip na
magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang ibig niyang mamatay
sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito, napasigaw ang gerero.
Aralin 13: Mga Mapagpalang Kamay
Walang kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw.
Dinala ng gerero ang binata sa isang isang malapad at malinis na bato.
Dito pinakain ng Moro ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa
kanyang kandungan. Magdamag na binantayan ng gerero ang binata,
na tuwing magigising ay naghihimutok. Nang magising
kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang binata. Itinanong ng
Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito

Aralin 14: Bugtong na Anak


Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante,
nag-iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng
Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y
tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang
puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si
Duke Briseo.
May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante.
Nang sanggol pa’y muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit
nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon
ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng
kupido sa dibdib. Nang siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya ang
maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang
mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa
kalikasan.
Aralin 15: Laki sa Layaw
Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di
dapat palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang
hirap kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at
di makatatagal sa hirap.
Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa
at masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa
Atenas upang doon mag-aral

Aralin 16: Nahubdan ng Balatkayo


Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas
upang mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga
estudyante rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama
na si Florante na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim
na taon sa Atenas si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng
pilosopiya, astrolohiya at matematika.

Aralin 17: Nalulumbay na Puso


Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si
Adolfo. Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang
tunay na pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa
ni Florante, pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at
nailigtas siya ng kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa
Albanya si Adolfo.
Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa.
isang araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa
sulat na namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa
tindi ng kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang
tapat na pakikiramay ng guro at mga kamag-aral
Aralin 18: Paalam, Bayan ng Atenas
Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para
kay Florante dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama
ang sasakyang sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si
Florante ng gurong si Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo
sapagkat tiyak itong maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si
Florante sa magiliw na pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na
maghanda nang hindi nagpapahalata.
Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante.
Ang magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang
sa daungan

Aralin 19: Sa Bayan ng Crotona


Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan.
Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa ang
sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni
Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Crotona na humihingi ng
tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya.
Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni
Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa narinig,
napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita
at karaniwang may dagdag na.
Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit
man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng
hari na heneral ng hukbo
Aralin 20: Kagandahang Walang Kawangis
Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang
dalagangkaagaw ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap
isiping makapagtataksil.
Sa harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng
sasabihin si Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging
marapat sa dalaga.

Aralin 21: Pangarap na Pagibig


Tatlong araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng
panahong ito ay di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si
Laura. Sa kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante
upang makidigma, nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-
ibig. Hindi sumagot ng ‘oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang
umalis si Florante patungong digmaan

Aralin 22: Tagumpay at Pighati


Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang
kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa
digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang
kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si
Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik
si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang
naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng
taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari ng
Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang
magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng
ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa
mundo.
Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik
sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na
at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante
Aralin 23: Pag-ibig na Pilit
Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa
Albanya ang bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang
hukbo sa paanan ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan
ng ulo ang isang babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi
ang mga Moro. Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura.
Papupugutan ng ulo ang dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-
ibig ng emir at ito’y sinampal pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang
Florante.”
Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba
pang bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo
kay Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil
nakamit pa niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si
Adolfo na ipahamak si Florante.

Aralin 24: Patibong ng Taksil


Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa
pamumuno ni Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin.
Naging sunod-sunod ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot
sa 17 ang mga haring nagsigalang sa kanya.
Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang
dumating ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang
hukbo kay Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng
30,000 sandatahan at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang
ipinapatay ni Adolfo si Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke
Briseo. Si Laura nama’y nakatakdang ikasal kay Adolfo.
Labingwalong araw na ipiniit si Florante. Pagkaraan, itinali siya sa
gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong Moro
Aralin 25: Ang Hinagpis ng Gerero
Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro.
Siya si Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni
Aladin na yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang
magkasama sa gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang
pinagdaanang buhay. Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang
ama upang maagaw sa kanya si Flerida. Ipinapakulong siya nito sa
bintang na iniwan niya ang hukbo sa Albanya kahit wala pang utos ng
sultan. At nang mabawi ni Florante ang Albanya, hinatulang pugutan
ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa kondisyong aalis siya sa Persiya
noon din. Bagama’t nakaligtas sa kamatayan, higit pang ibig ni Aladin
na mamatay kaysa maagaw ng iba ang pagmamahal ni Flerida

Aralin 26: Mga Tinig ng Pag-ibig


Natigil sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang
babaing nag-uusap. Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan
ng ulo ang kanyang minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag
ang sultan na patawarin ang nobyo ng babae, kung papayag itong
pakasal sa sultan. Walang nagawa ang babae kundi ang sumang-ayon.
Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang di sila nagkausap. Nang
gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na nakadamit-gerero.
Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat hanggang sa
mailigtas niya ang kausap.
Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di
inaasahang pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng apat
na tauhan
Aralin 27: Sa Bingit ng Kamatayan
Si Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya,
napapaniwala ni Adolfo na gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya’t
nagkagulo ang mga ito. Kasunod ng pagkakagulo, ipinapatay ni
Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad nito. Inagaw ni Adolfo ang
pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa kanya. Hindi nagpapahalata
ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit humingi ng limang
buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si Florante. Sa
kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at
naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si
Menandro na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante.
Tumakas si Adolfo, tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa
gubat na iyon. Siya namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si
Adolfo na namatay noon din

Aralin 28: Masayang Wakas


Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro
na may kasamang hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang
kaibigang si Florante. Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si
Florante. Ipinagsama nina Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida
na kapwa pumayag na maging Kristiyano. Nakasal sina Florante at
Laura at sina Aladin at Flerida. Umuwi sa Persiya sina Aladin at
Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab. Nagpasalamat sa Diyos ang
mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina Florante at Laura
Mga pangunahing tauhan :
Florante
Makisig na binatang anak ni Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Siya
ang pangunahing tauhan ng awit. Halal na Heneral ng hukbo ng
Albanya. Magiting na bayani, mandirigma at heneral ng hukbong
magtatanggol sa pagsalakay ng mga Persiyano at Turko.

Laura
Anak ni Haring Linceo at ang natatanging pag-ibig ni Florante. Tapat
ang puso sa pag-ibig ngunit aagawin ng buhong na si Adolfo.

Adolfo
Anak ng magiting na si Konde Sileno ng Albanya. Kabaligtaran ng
kanyang ama, si Adolfo ay isang taksil at lihim na may inggit kay
Florante mula nang magkasama sila sa Atenas. Siya ang mahigpit na
karibal ni Florante sa pag-aaral at popularidad sa Atenas. Ang
malaking balakid sa pag-iibigan nina Florante at Laura, at aagaw sa
trono ni Haring Linceo ng Albanya.

Aladin
Isang gererong Moro at prinsipe ng Persiya. Anak ni Sultan Ali-adab.
Mahigpit na kaaway ng bayan at relihiyon ni Florante, ngunit
magiging tagapagligtas ni Florante.

Flerida
isang matapang na babaeng Moro na tatakas sa Persiya para hanapin
sa kagubatan ang kasintahang si Aladin. Siya ay magiging
tagapagligtas ni Laura mula kay Adolfo.

Menandro
Ang matapat na kaibigan ni Florante. Mabait at laging kasa-kasama
ni Florante sa digmaan.
Mga iba pang tauhan :
Duke Briseo
ang mabait na ama ni Florante. Taga-payo ni Haring Linceo ng
Albanya.

Prinsesa Floresca
Ang mahal na ina ni Florante.

Haring Linceo
hari ng Albanya at ama ni Prinsesa Laura.

Antenor
ang mabait na guro sa Atenas. Guro nina Florante, Menandro at
Adolfo. Amain ni Menandro.

Konde Sileno
Ang ama ni Adolfo na taga-Albanya.

Heneral Miramolin
Heneral ng mga Turko na lumusob sa Albanya.

Heneral Osmalik
Ang heneral ng Persya na lumusob sa Krotona. Siya ay napatay ni
Florante.

Sultan Ali-abab
Ang ama ni Aladin na umagaw sa kanyang magandang kasintahang si
Flerida.

Menalipo
Ang pinsan ni Florante. Siya ang pumana sa buwitre na sana'y daragit
sa sanggol na si Florante.

Hari ng Krotona
Ama ni Prinsesa Floresca at lolo ni Florante.
Ang Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang
Balagtas) ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat
lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng
aktuwal at buong pamagat na: Pinagdaanang búhay ni Florante at ni
Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro histórico o
pinturang nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahón sa imperyo
ng̃ Gresya, at tinulâ ng̃ isáng matuwaín sa bersong Tagálog." Isa itong
mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga
korido (corridos) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray
Toribio Minguella, isang paring Rekolektoat pilologo

Kabanata 1: Kay Selya


Talasalitaan:
1. karalitaan - karukhaan; kawalan
2. hilahil - walang-wala; nagigipit;
3. yapakan – apakan; tutungan; hakbangan
4. panimdim - dalamhati
5. taghoy - managhoy; manangis; humalinghing;
dumaing dahil sa sakit
6. umid - di-makapagsalita
7. ayop – paglabag; pagkakasala
Kabanata 2: Puno Ng Salita
Talasalitaan:
1. kangino – kanino
2. matimpi – pormal; husto
3. bulo – binti; guya; bakang maliit; bisiro
4. higerang - kapwa5. balantok - arko
6. mapanglaw – malungkot; nagdadalamhati
7. ungos – sa taas ng bibig

Kabanata 3: Kaliluha’y hari


Talasalitaan:
1. uyamin – kutyain
2. tinangis– sigaw; umiyak; tawag
3. lugami – manghina; pagod4. lilo – samsamin; taksil
5. dusta – pag – alipusta; insultuhin
6. pita - kahilingan
7. niri – isang bagay na malapit sa iyo; ngayon
palang nangyayari ang isang bagay
8. tarok – pagkakaunawa; pagkakaintindi
Kabanata 4: Ang Panigbugho
Talasalitaan:
1. laot – mataas na dagat
2. gunamgunam – diwa; layunin
3. mandin –tila; wari; para
4. apuhap – humana; sikaping matamo
5. suyo - ligawan6. hapis – masidhing kalungkutan
7. nahan - saan
8. lungayngay – nalalanta; sampay; bitin
9. pili – ikirin; tirintasin

Kabanata 5: halina’t laura Ko


Talasalitaan:
1. baluti – ginagamit sa pakikipaglaban; pang
proteksyon sa kalaban.
2. gurlis – bugbog; pasa; galos; gasgas
3. tugot – paghinto; pagtigil
4. dini – dito
5. upandin – nasa ayos
6. sawata – abala; hadlangan
7. lingap – awa; habag
8. dalita – hirap
9. kalis – espada; sable
10. tunod – palasong maigsi; kislap
11. yukyok – itago12. supil – disiplina; patnubayan
Kabanata 6: Pagdating ni
Aladin sa Gubat
Talasalitaan:
1. daop – yakapin
2. yakagin – mag-anyaya; tawagin ang pansin; pumarito
3. nasok – tumuloy; pumasok
4. yurakan – humakbang; lumakad
5. linsil – ligaw
6. tatap – unawain

Kabanata 7: Duke Briseo: Ang


Amang Nagmamahal
Talasalitaan:
1. baling - pihit; palit; liko
2. humibik - mahinahon; di-lasing
3. tabak – bolo; espada
4. sukab – traydor
5. napatid – nabali
6. mapagkandili – mapagsamantala
7. namaang – nagtaka

You might also like