Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

San Jose Elementary School

BANGHAY-ARALIN
FILIPINO 3

Quarter 4 Week 1
January 27, 2020
8:40am to 9:30am

I. LAYUNIN
a. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nabasa.
b. Napapahalagahan ang pagiging likas na matulungin ayon sa tekstong nabasa.
c. Nakakaulat ng isang usapan ukol sa tekstong nabasa.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa : Pag-unawa sa binasa
Learning Competency: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan.
Code : F3PN – Iva -3.1.3
Kagamitan : larawan, multimedia
Sanggunian : Cardinoza et.al. (2015) Patnubay ng Guro: Batang Pinoy
Ako, pahina 245- 247 Department of Education, Rex
Bookstore Inc

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
 Palatuntunan
 magsisiganap
 nag-eensayo
 tinanggap
 bulwagan
B. Panlinang na Gawain
1. Pangganyak
 Ano-ano ang kaya mong gawin?
o Hayaang ipakitang-kilos ito ng mga bata.
 Tutukuyin ng mga bata ang kilos na ipinakita ng kaklase.
o Itanong: Nagagawa ninyo rin ba ito?
2 Paglalahad
Ipasulat sa mga bata sa mapa na nasa pisara ang naaalala nila sa
salitang kariton.

3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga
Basahin nang malakas sa mga bata ang kwento na may pamagat
na “ Natatanging Regalo”.
 Tungkol saan ang balitang binasa?
 Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto?
 Ano ang regalong binanggit sa teksto?
 Paano ito dapat gamitin?
 Ano ang ibubunga kung gagamitin ito nang tama sa sarili? Sa
kapwa? Sa bansa?
 Ilarawan ang Pilipino na binanggit sa teksto.
 Bakit siya dapat tularan?
 Paano mo siya matutularan?
 Bakit siya dapat ipagmalaki?
 Ano-ano ang kakayahan mo na dapat mo ring ibahagi sa iba?
Paano?
4. Mga Gawain
 Pangkat-pangkatin ang klase sa apat.
 Pasagutan sa pangkat ang organizer na makikita sa Linangin Natin,
p. 126.
o Unang pangkat – Sino ang bida sa kwento?
o Pangalawang pangkat – Ano ang nangyari sa kanya?
o Ikatatlong pangkat – Bakit siya nakilala?
o Ikaapat na pangkat – Paano siya naging bayani?

4. Pagtatalakay:
 Pag-uulat ng bawat pangkat.
 Talakayin sa klase ang tamang sagot sa mga tanong na makikita
sa organizer.

5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Natutuhan ko sa araling ito na masasagot nang wasto ang mga
tanong tungkol sa aking binasa kung uunawain nang mabuti ang
nilalaman nito at tatandaan ang mahahalagang impormasyon na
nakapaloob dito.
6. Paglalapat
Tumawag nang iilang mga bata at ipasagot ang sumusunod:

Masasagot ko ang mga tanong tungkol sa binasang teksto kung


_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________________________.

IV. PAGTATAYA
Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan tungkol sa kwentong may
pamagat na “Natatanging regalo” at ilagay sa sangkapat na papel.
1. Ano ang regalong binanggit sa teksto?
2. Paano dapat gamitin ang ating natatanging regalo?
3. Sino ang pinag usapan sa teksto?
4. Ano ang tawag sa bagay na lagging tutulak ni Efren para mapuntahan ang mga
kabataan sa lansangan?
5. Ano ang pamagat ng tekstong binasa?

V. TAKDANG ARALIN
Isulat sa takdang aralin na kuderno ang sagot mo sa mga sumusunod na mga
katanungan.
 Ano-ano ang kakayahan mo na dapat mo ring ibahagi sa iba? Paano?

Inihanda ni:

JUSTIN MAY M. TUYOR


Pre-Service Teacher

You might also like