Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kilala ang Piipinas bilang isang bansang tahanan ng mga mang-aawit at bansang iba ang pagmamahal sa

musika. Mapatagalog, Ingles o ibang lenggwahe man ang isang awitin tiyak ito ay masasabayan ng mga
Pinoy. Bukod sa mga awiting Piipino o mas kilala sa tawag na Original Pilipino Music, ang mga Pinoy ay
nahuhumaling din sa musika ng mga banyaga kagaya ng American Pop Music, J-Pop o Japanese Pop
Music at higit sa lahat ang K-Pop o Korean Pop Music. Ang K- Pop ay mga awiting namula sa Timog na
bahagi ng Korea.Ang mga ito man ay gumagamit ng ibang lenggwahe, nakuha naman ng mga ito ang
kiliti ng mga Pinoy pagdating sa musika.

Ayon sa manunulat na si Sonny Boy Temblor,ang mga Pilipino ay nabighani sa K-pop dahil ito ay
nagtataglay ng nakakahalinang musika at dinamikong koreograpiya. Dagdag pa nya ang paulit-ulit na
mga elemento nito ay madaling sundan at matandaan ng mga Pilipino.

Ang mga awiting ito ay madaling naagaw ang atensyon ng mga Noypi dahil na rin sa mga K-pop artists at
K-pop bands na lumilikha ng ganitong klase ng musika. Ilan sa mga ito ay ang Momoland na nagpasikat
sa mga awiting “Boom-Boom” at “Baam” at ang all girl group na Blackpink na nagging tanyag hindi
lamang sa galing nila sa pag-awit pati narin sa galing nila sa pagsayaw. Ilan sa mga kantang pinasikat nila
ay ang “Ddu-Du Ddu-Du”, “Boombayah” at ang sikat na sikat na “Kill This Love”.

Kasama rin sa mga banda na pumana sa puso ng mga Pinoy kabilang na ang buong mundo ay ang
bandang “BTS” o Bangtan Sonyeondan. Ang bandang ito ay unang nagpakilala sa mundo noong taong
2013. Binubuo ang BTS ng 7 miyembro na may kanya kanyang galing sa pagkanta, pagra-rap, at
pagsayaw. A.R.M.Y. o Adorable Representative M.C. for Youth ang tawa sa mga umiidolo sa bandang ito.
Sila ang mga taong naglalaan ng pera upang bumili ng tiket para sa kanilang concerts, albums,
produktong kanilang ineendorso at mga produktong may mukha ng banda gaya ng notebooks, stickers
at posters. Sila rin ang mga taong naglalaan ng oras upang subaybayan ang mga kaganapan sa buhay ng
mga miyembro at upang maipagtanggol ang kanilang mga idolo sa social media tungkol sa anumang
issue ang kinasasangkutan nila.

Dahil sa pagkahumaling ng mga Pinoy sa K-pop ang nagbigay daan upang makilala din nila ang kultura ng
bansang Korea. Mayroong mga die-hard fans na nagtityagang aralin ang lenggwahe ng mga Korea upang
maintindihan nila ang liroko at ang mensahe ng mga awiting ito. Ang iba naman ay pilit na ginagaya ang
buhok at istilo ng pananammit ng mga K-pop bands. Sila ay nagsusuot ng mga kakaibang klase ng damit
at magpapalit ng kulay ng buhok upang masabayan ang kani-kanilang idolo. Patunay lamang ang mga ito
na tunay ngang sikat na ang K-pop sa bansa.
Isa ang Pilipinas sa mga bansang umiidolo sa Korea, ma pa “K- Pop”, “K- Pop Bands” at mga sikat na
artista ay walang pinalalampas. Ilan sa mga sumisikat na “K- Pop” sa Pilipinas ay ang “Boom- Boom” at
“Baam,” ng Bandang “Momoland”, “Kill This Love” ng “Blackpink” at “Boy with Luv” ng “BTS”.

Umaabot ng milyon o di kaya’y bilyon pa ang mga “fan” ng mga nabanggit na grupo lalo na ang “views”
na kanilang mga kanta. At halos kalahati ng porsyentong ito ay mga pilipino.

Karamihan din sa mga taong ito ay iisa lamang ang pangarap, ang makita at makilala ng lubos ang mga
taong iniidolo nila sa bansang Korea.

You might also like