Professional Documents
Culture Documents
Banghay Aralin Sa Epp5. Observation.
Banghay Aralin Sa Epp5. Observation.
I. Layunin
1. Natutukoy ang mga karagdagang kaalaman sa pag-aalaga ng hayop
2. Naiibahagi ang kaalaman sa pag-aalaga ng hayop sa talakayan
3. Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga alagang hayop
B. Pagganyak
Mag pakita ng larawan ng may iba’t ibang hayop
C. Paglalahad
Mga Karagdagang Kaalaman Sa Pag-aalaga Ng Hayop
1. Bigyan ng sapat na liwanag at bentilasyon – ang sapat na bentilasyon ay nagbibigay ng
oxygen sa hayop. Ang kakulangan ng oxygen ay maaring maging sanhi ng panghihina at
madaling dapuan ng sakit.
2. Maaliwas na Lugar – Iwasan ang pagsisiksikan ng alagang hayop sa kulungan dahil ito
ay magiging sanhi ng pagkamatay ng hayop. Hindi rin maganda ang paglaki nito.
3. Tamang Paraan ng Pagpapakain– ang pagbibigay ng sapat at tamang pagkain para sa
alagang hayop ay makakabuti para sa magaandang produksyon. Ang pagkain na
ibinibigay para sa hayop ay dapat naayon sa edad ng mga ito. Ikonsulta sa beterinaryo
ang mga hayop upang mabigyan ng sapat na pag-aalaga.
4. Kalinisan at Kaayusan– ang pagpapanatiling tuyo at malinis ang kulungan ay nakabubuti
para maiwasan ang pagkakaroon ng parasite o iba pang peste na nagdudulot ng iba’t
ibang sakit.
5. Kapaligiran– maging alerto sa pabag-bagong klima o panahon. Dapat ay may
alternatibong gagawin sa bawat uri ng panahon.
6. Maglagay ng maraming pakainan o painuman para sa mga alagang hayop.
7. Pabakunahan ang mga alagang hayop laban sa peste at sakit.
8. Ihiwalay ang mga alagang may sakit upang hindi mahawa ang mga malulusog na
hayop.
D. Pagpapalalim
Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga karagdagang kaalaman sa pagaalaga ng
hayop?
- para mas maalagaan ng mabuti ang mga ito.
- para hindi sila magkasakit
- para maiwasan magkasakit ang mga alagang hayop
- para maibigay ang kanilang pangangailangan
- para hindi maging mabaho ang kapaligiran
E. Paglalahat
May mga karagdagang kaalaman sa pag-aalaga ng hayop. Isa-isahin ulit natin ang mga ito
gamit ang mga papel
1. Bigyan ng sapat na liwanag at bentilasyon
2. Maaliwas na Lugar
3. Tamang Paraan ng Pagpapakain
4. Kalinisan at Kaayusan
5. Kapaligiran
6. Maglagay ng maraming pakainan o painuman para sa mga alagang hayop.
7. Pabakunahan ang mga alagang hayop laban sa peste at sakit.
8. Ihiwalay ang mga alagang may sakit upang hindi mahawa ang mga malulusog na
hayop.
F. Paglalapat
Tayo ay Maglaro (Pangkatang Gawain)
Panuto : Hanapin ang tamang sagot at hawakan lamang papel. Unahan sa
pagtayo ng miyembrong sasagot para sa puntos.
1. Eto ay tumutukoy sa pagiging alerto sa pabago-bagong klima o panahon. Dapat ay
may alternatibong gagawin sa bawat uri ng panahon. (kapaligiran)
2. Ikonsulta sa beterinaryo ang mga hayop upang mabigyan ng tamang pagkain na
naayon sa edad nito. (Tamang paraan ng pagpapakain )
3. Ang kakulangan ng oxygen ay maaring maging sanhi ng panghihina at madaling
dapuan ng sakit. ( Bigyan ng sapat na liwanag at bentilasyon)
4. Iwasan ang pagsisiksikan ng mga alagang hayop sa kulungan dahil ito ay ang
magiging sanhi ng pagkamatay ng hayop at hindi magandang paglaki nito.
(Maaliwalas na lugar)
5. Tuyo at malinis na kulungan ay nakabubuti para maiwasan ang pagkakaroon ng
parasite o iba pang peste na nagdudulot ng iba’tibang sakit. (Kalinisan at Kaayusan)
6. Ano ang dapat gawin upang hindi mahawa ang mga malulusog na hayop? (Ihiwalay
ang may sakit na hayop)
7. Ano ang dapat gawin upang ang alagang hayop ay may laban sa peste at sakit?
(Pabakunahan)
8. Maglagay ng maraming _____________ at ____________ para sa mga alagang
hayop. (Pakainan at Painuman)
G. Pormatib na Pagtataya
Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ay naayon at MALI kung hindi.
IV. Pagninilay
Ang pagkakaroon ng kaalaman at kasanayan sa pag-aalaga ng hayop ay nakakatulong upang
mapanatiling malusog ang ating mga alaga.
Ipinasa ni:
Genevieve D. Racho
EPP Teacher