Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Kabanata 48: Ang Talinhaga

Mga Karakter:
 Crisostomo Ibarra
 Kapitan Tiago, Tiya Isabel
 Maria Clara, Linares
 Nol Juan, Elias

Naisipang dalawin ni Ibarra ang kasintahan na si Maria Clara sa


bahay ni Kapitan Tiyago upang sabihin sa kanya na hindi na siya
eskomulgado, ngunit siya’y nagulat at nalungkot nang makitang
magkasama sina Maria Clara at Linares na nag aayos ng bulaklak.

Di ito inaasahan ni Linares kaya naman siya’y nagulat at si Maria


Clara naman ay namutla dahil gusto niya itong lapitan ngunit
dahil nga hindi pa siya magaling ay hindi siya nakatayo.

Umalis na si Ibarra at dinaanan niya ang paaralan na tinatayo


palang. Nakita niya si Nol Juan at sinabi rito na siya’y tanggap na
muli sa simbahan.

Nakita niya rin si Elias na maraming ginagawa. Inutusan niya si


Nol Juan para kunin ang listahan ng mga manggagawa. Ngunit
nang ito’y Makita ay napansin sa wala sa listahan si Elias.
Kabanata 49: Ang Tinig ng mga Pinag-uusig

Mga Karakter:
 Crisostomo Ibarra
 Elias

Baka nga isipin ni Elias na iniiwasan siya ni Ibarra ay


kinausap na niya ito ng seryosohan. Sinabi ni Ibarra sa
kanya na tinanggihan nito ang alperes para makausap siya,
ngunit naalala niya bigla ang pangako kay Maria Clara.

Nagsimula na nga si Elias at kanyang sinabi na si Ibarra


daw ang inalay ng mga sawimpalad. Isa sa mga kahilingan
ng sawimpalad ay ang paglalapat ng katarungan sa mga
tao, pagkakaloob ng kaunting karangalan sa pagkatao ng
tao.

Sabi ni Ibarra na kaya niya daw gamitin ang kanyang


kayamanan at mga kauganayan na kaibigan sa Madrid
ngunit hindi daw ito sapat.

Nagtalo ang dalawa at nagbunga ng hindi pagkakumbinsi


ni Elias kay Ibarra at sasabihin nalang sa kanila na umasa
nalang sa Diyos.
Kabanata 50: Ang mga Kaanak ni Elias

Mga Karakter:
 Crisostomo Ibarra
 Elias, Concordia

Sa pagpapatuloy ng kanilang pag-uusap, nabanggit bigla ni Elias


na ang kanyang pamilya ay mula rin sa sawimpalad. May 60 na
taon na daw ang nakalipas, ang kanyang nuno ay isang tenedor
de libros sa isang bahay kalakay ng Kastila. Kasama ng asawa ya
ang kanilang anak na lalaki, at sila’y nakatira sa Manila.

Nasunog ang kanyang pinatatrabahuhan at pinagbintangan ang


kanyang nuno, dahil nga mahirap ay walang maibayad sa
abogado kaya’y ito’y pinarusahan at kinaladkad ng kabayo.

Bunga ng nangyari ay ang pagkamatay ng batang nasa


sinapupunan ng babae, nagpakamatay ang lalaki dahil dito.

Hindi naipalibing ang lalaki kaya muntik nang hatulan ang babae
pero dahil nga nagdadalang-tao ay ipinagpaliban ito.
Nagpakalayo-layo ang babae at nag-anak sa panganay na tulisan
at ang isa nama’y matalino. Ang kanyang baabeng anak ay
nagpakamatay din, at ang bunso ay nagpakalayo-layo.

Siya’y napadpad sa Tayabas at naging obrero dito. Nakahanap


siya ng mapapangasawa. Mayaman ang babae kaya pinaghiwalay
sila ng magulang ngunit ito’y buntis pala at nagsilang sa kambal,
sina Elias at Concordia.

Si Concordia din ay nagpakamatay dahil sa kalungkutan at


natagpuan na lamang ang bangkay sa Calamba.
Kabanata 51: Mga Pagbabago

Mga Karakter:
 Crisostomo Ibarra
 Linares, Donya Victorina
 Alperes, Padre Salvi, Kapitan Tiago
 Maria Clara, Padre Damaso
 Tiya Isabel, Sinang

Balisa si Linares nang matanggap niya ang sulat ni Donya


Victorina tungkol sa paghahamon ng barilan sa alperes.

Dumating naman si Padre Salvi sa bahay ni Kapitan Tiyago.


Ibinalita niya ditto ang sulat na padala ng Arsobispo patungkol sa
pag-alis ng ekskomunyon kay Ibarra. Sinabi niya rin na tanging si
Padre Damaso lang ang tanggi sa pagpapatawad. Pero anya niya
ay hindi daw makakahindi ang Pari kung si Maria ang
makikipagusap. Narinig niya ito ay pumasok sa silid kasama si
Victoria.

Dumating si Ibarra kasama si Tiya Isabel. Yumukod ang Padre sa


kanya at sinabing kakatapos niya lang ito papurihan.
Nagpasalamat sa Ibarra at Siya’y lumapit kay Sinang upang
tanungin kung galit sa kanya si Maria. Ang sabi daw ni Maria sa
kanya ay, kalimutan na siya nito ngunit kahit ganon ay gusto niya
paring makausap. Pero di nagtagal, ay umalis na si Ibarra.
Kabanata 52: Ang Baraha ng Patay at ang
mga Anino

Mga Karakter:
 Crisostomo Ibarra
 Elias
 Tatlong Anino
 Lucas

May tatlong naguusap na anino sa ilalim ng gabi malapit sa pinto


ng libingan. Tanong nung isa ay kung nakausap na ba niya si Elias.
Siya naman ay sumagot at sinabing hindi pa daw pero tiyak na
sasama ito dahil may utang na loob siya kay Ibarra.

Sumagot naman ang isa at sinabing sasama daw ito dahil


ipapadala ni Ibarra ang kanyang asawa sa Maynila para ipagamot.

Sasalakay daw sila sa kumbento at lulusubin nila ang kwartel ng


Sibil upang ihayag ditto na may anak silang lalaki.

May biglang dumating na anino at sinabing pinapanood siya kay


naghiwa-hiwalay ito. Sabi dawn a kapag tinanggap na ang mga
sandata ay sumigaw ito ng “Mabuhay Don Crisostomo!”.

May naiwang dalawang anino sa pinto kaya naisipan nilang


magsugal. At kung sila’y nasa liwanag ay, kitang kita raw na sila’y
sina Elias at Lucas. Ang sabi ng isa na kapag natalo daw ay siya’y
maiiwan at makikipagsugal sa patay.
Kabanata 53: Ang Mabuting Araw ay
Nakikilala sa Umaga

Mga Karakter:
 Don Filipo
 Pilosopo Tasyo

Maraming usap-usapan ang mga tao sa San Dieog nang may


nakita silang ilaw sa libingan ng nagdaang gabi. Ayon dito ay
mayroon daw dalawampung kandila na nakasindi.

Iba naman ang usapan nina Don Filipo at Pilosopo Tasyo. Sabi
niya ditto na tanggap na daw ng alkalde ang kanyang pagalis
ngunit hindi sangayon ang Pilosopo dahil sa nalalapit ng
digmaan.

Sinabi ditto na ibang-iba na daw ang Pilipinas kaysa dati nang


pagdating ng mga Europeo.

Dinanong ni Don sa kanya kung kailangan nito ng gamut pero


siya’y tumanggi at sinabing kapag siya daw ay namatay ay mas
kailangan ng mga maiiwan ang gamot.

Nagbilin din siya ditto na kapag namatay na daw siya ay dalhin sa


kanya si Ibarra.
Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay
Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng
Parusa

Mga Karakter:
 Kura at Alperes
 Crisostomo Ibarra
 Elias

Nagmamadaling pinuntahan ng kura sa bahay ng alperes upang


ibalita ditto na lulusubin daw ang kwartel.

Naghanda ang alperes at ang kura upang mahuli ang mga nag
aaklas nito. Dali-dali ring pumunta si Ibarra kay Elias. Sinabi nito
ang plano at tiyak na si Ibarra daw ang ituturong lider sa kanilang
paglusob.

Sinabi nito na lahat ng sulat at ebidensya laban sa kanya ay


susunugin. May nakita siyang sulat para kay Don Pedro kaya
namana’y tinanong niya kung sino ito. May nagsabi na nuno ito ni
Ibarra.

Nagalit si Elias dahil ang Don na iyon ang nagpahirap sa kanyang


nuno. Nais niyang patayin si Ibarra ngunit natauhan ito at umalis
na lamang.
Kabanata 55: Ang Pagkapahamak

Mga Karakter:
 Maria Clara
 Sinang
 Padre Salvi
 Crisostomo Ibarra
 Alperes

Nasa hapagkainan ang pamilya ni Kapitan Tiyago ngunit kita na


walang gana si Maria Clara kaya niyay niya si Sinang na pumunta
sa may piyano.

Pagabi nan g pagabi ngunit hindi alam ng mga tao ang gagawin.
Tumunog ang kampana at nakita nila si Ibarra na sira-sira ang
damit.

Nais lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit may biglang


nagpaputok ng baril. Nagalala ang mga tao at nagtago dahil
ditto.

Nang matapos na ang gulo ay kinita ni Alperes ang mga tao at


sinuguradong ligtas na ang lahat sa panganib.
Kabanata 56: Ang mga Haka-haka

Mga Karakter:
 Kapitan Pablo
 Crisostomo Ibarra
 Maria Clara
 Linares
 Kapitan Tiago

Dahil sa takot ay walang nagtangkang magbukas ng bintana pero


dahil sa batang naglakas loob ay naglabasan nadin ang mga tao
sa San Diego.

Maraming mga sabi-sabi ang mga tao tulad ng, Si Kapitan Pablo
raw ang sumalakay, at sinubukan daw itanan ni Ibarra si Maria
Clara kaya dinakip ito. Sinabi nila na tutol daw ito sa kasal nila ni
Linares kaya pinigilan ito sa tulong ng mga sibil.

May sinabi rin na gumaganti daw si Ibarra sa simbahan.

Pagtapos nito ay sinunog ng mga sibil ang bahay ni Ibarra. May


isang babae naman na nakakita na si Lucas daw ay patay at
nakabitin sa puno.
Kabanata 57: Kaawa-awang mga Natalo

Mga Karakter:
 Alperes
 Direktorsillo
 Donya Consolacion
 Kapitan Tiago at Kura
 Crisostomo Ibarra
 Don Filipo
 Tarsilo

MAraming nag-usisa sa kwartel sa mga nabuhay sa paglusob.


Naroon ang alperes, si Donya Consolacion, Kapitan Tiyago at iba
pa. Tinanong ng lperes sina Ibarra at Don Filipo kasama ang
batang duguan sa likuran nila.

Pinarusahan ang Tarsilo dahil hinto umamin na kasangkot si


Ibarra.

Tinatanong ang bilanggo habang siya’y pinarurusahan.

Ipinilit ng kura na si Ibarra ng may sala dahil sabi nil y ginaw iyon
ni Ibarra upang ipaghignti ang kanyaang ama.

Nang sinabi ni Tarsilo na walang kinalaman si Ibarra ay nahiya ang


kura at pinarusahan si Tarsilo sa pamamagitaan ng pag taob nito
sa balon at inulit ng inulit hanggang mamatay ito.
Kabanata 58: Ang mga Isinumpa

Mga Karakter:
 Alperes at Kura
 Kapitan
 Mag-ina ni Don Filipo
 Kapitana Tinay
 Antonio
 Kapitan Maria
 Crisostomo Ibarra

Hindi mapalagay ang pamilya ng bilanggo at pilit silng


gumagawa ng paraan upang mapalaya ang kanilang anak.
Nagkaroon pa ng sakit ang kura kaya naman ang Alperes
ang pumalit na bantay dito.
Pati ang anak at asawa ni Don Filipo ay todo narin ang iyak
dahil dito. Si Kapitanan Tinay naman ay patuloy na isnisigaw
ang pangalan ng kanyang anak. Nakabantay naman si
Kapitanana Maria sa kanyang kambal na anak.
Nang ilabas ang mga bilanggo at nakita si Ibarra ay wlang
sinuman ang tumawag sa kanyang pangalan dahil sag alit na
nararamdaman nila.
Lumabas ito ng walang tali sa kamay kaya nagalit lalo ang
tao at sinabing, kung sino pa ang may sila sila pa ang hindi
nakagapos.
Pagbubuod
ng Noli Me
Tangere:
Kabanata 48-
58
Ipinasa ni: Dene Sonico
Ipapasa kay: Bnb. Rachel Marinas

Takdang Aralin:
 Magsaliksik sa internet ng isang pangyayari
na naganap sa bansa na naihahalintulad sa
nagging buhay ni Elias. Suriin kung bakit iyon
kinakailangan mangyari.

You might also like