Professional Documents
Culture Documents
DLP 37-40
DLP 37-40
(The process of systematically planning, developing, evaluating and managing the instructional
process by using principles of teaching and learning – D.O. 42, 2. 2016)
DLB Blg.: 37 Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Baitang: II Kwarter: II Oras: 1
Mga Kasanayan: Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga
Code: F11EP-IIij-35
Hango sa Gabay Pangkurikulum penomenang kultural at panlipunan sa bansa.
Susi ng pag-unawa na
- Pagsulat ng isang panimulang pananaliksik
Lilinangin:
Domain Adapted Cognitive Process Dimensions (D.O.No.8,s.2015 1. Mga Layunin
Pag-alala
Kaalaman Nalalagom ang mga bahagi na magagamit sa panimulang pananaliksik sa mga
Pag-unawa
penomenang kultural sa bansa
Paglalapat
Pagsusuri
Kasanayan
Pagtatasa
Pagbubuo Nabubuo ang isang panimulang pananaliksik sa penomenang kultural sa bansa
Pagtanggap
Pagtugon
Kaasalan Pagpapahalaga
Pag-oorganisa Naayos ang mga bahagi ng panimulang pananaliksik
Pagsasabuhay Napahahalagahan ang tamang pag-uugali sa pabubuo ng panimulang pananaliksik
Pagtanggap Naipakikita ang pagmamahal sa pagbuo ng panimulang pananaliksik
Pagtugon
Pagpapahalaga Pagpapahalaga
Pag-oorganisa
Pagsasabuhay
2. Nilalaman Panimulang pananaliksik(Final Output)
3. Mga Kagamitang Pampagtuturo Halimbawang pananaliksik, internet, aklat, magasin at laptop
4. Pamamaraan
Pinoy Henyo
4.1. Pamamaraan (Pagbabalik-tanaw sa mga katangian ng isang sulating pananaliksik.
*maayos *matapat *maingat at iba pa
(Pangkatang Gawain)
Pagpapatukoy kung saang bahagi ng pananaliksik napabilang ang mga
4.2. Mga Gawain/Estratehiya sumusunod na pahayag na nakasulat sa meta cards:
*introduksyon * kaugnay na literature *metodolohiya *resulta *
konklusyon
Paglalahad at pagsusuri sa nabuong gawain
4.3. Pagsusuri
Pagbasa sa halimbawang pananaliksik.
Paghambing sa nabuong gawain sa halimbawang pananaliksik
4.4. Pagtatalakay *pagbabahagihan
*Pagpapaliwanag ng guro
4.5. Paglalapat Pagbuo ng unang bahagi ng pananaliksik.
4.6. Pagtataya
a. Pagmamasid
b. Pakikipag-usap sa mga Mag-aaral/Kumperensiya
Produktong gawa mula sa asignatura
*Pamantayan sa Pagmamarka:
c. Pagsusuri ng mga Produkto ng mga Mag-aaral Mahusay 9-10
Katanggap-tanggap – 6-8
Nangangailangan ng paglinang – 1-5
d. Pasulit
4.7. Tukoy
Pagpapatibay/pagpapatatag sa kasalukuyang aralin Basahing muli ang ginawang gawain at paunlarin.
Pagpapayaman/pagpapasigla sa kasulukuyang aralin
Pagpapalinang/pagpapa-unlad sa kasalukuyang aralin
Paghahada para sa bagong aralin
4.8. Paglalagom/Panapos na Gawain “Ang pagtutulungan ang susi ng kaunlaran”
5. Mga Tala
6. Pagninilay
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain sa remediation?
C. Nakakatulong ba ang remdial?
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang lubos na nakatutulong? Paano ito
makatutulong?
F. Anong suliranin na aking nararansan ang nasolusyunan ng aking punongguro o
tagamasid?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nabuo na maaari kong maibahagi sa aking kapuwa
guro?
Inihanda ni:
Bibliyograpiya:
Appendices:
A. Pagtataya
B. Powerpoint Presentation
Instructional Planning
(The process of systematically planning, developing, evaluating and managing the instructional
process by using principles of teaching and learning – D.O. 42, 2. 2016)
May 5 Nagpapakita ng
kakaya kakayahan at sinop sa
han pagsasagawa ng
pananaliksik.
Nakasunod ng bahagya
sa proseso ng paglalatag
sa pagbuo ng balangkas,
pangangalap at
interpretasyon ng datos
at pagtalakay sa resulta
ng pag-aaral.
Inihanda ni:
Bibliyograpiya:
Appendices:
INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK
Posted in
11:55 AM
Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip
at salapi upang kumita. Sa panahon ngayon hindi madali ang magtayo ng negosyo. Kailangan ng sapat na kaalaman at
diskarte upang mapatakbo ang isang negosyo at mapaunlad ito. Mahalaga rin na ang ibebenta o iaalok na serbisyo ay
naaayon sa panahon ng pagtitinda nito. Bilang mga estudyante ng komersyo, nararapat naming malaman kung kalian
magandang magnegosyo at kalian hindi. Isang magandang pagkakataon para sa mga nais magnegosyo ang panahon ng
pangangampanya. Ang eleksyon ay ang panahon kung saan ang mga mamamayan ng isang bansa ay pipili o
maghahalal ng mamumuno ditto. Kung kaya naman sa tuwing darating ang panahon ng eleksyon ay talaga namang
gumagastos nang husto ang mga kandidato upang mangampanya. Gagawin ng isang kandidato ang lahat upang
makuha ang boto ng mga mamamayan. Sa katunayan, ang paggastos nang malaki ng mga kandidato ay nagbibigay ng
malaking oportunidad sa mga negosyante upang kumita nang malaki. Aalamin rin ng mga mananaliksik kung ano ang
mga oportunidad na maaaring pasukin ng mga negosyante sa panahon ng pangangampanya at kung ano ang mga
negosyong patok sa mga ganitong panahon.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Marami ang nakikinabang sa panahon ng eleksyon. Iba’t ibang negosyo ang mayroon sa panahong ito. Subalit ang
kahalagahan ng pananaliksik na ito ay hindi lamang tutukoy sa paghahanap ng pagkakakitaan sapagkat para sa mga
mananaliksik, ang eleksyon ay hindi lamang komersyo sa mga negosyante kung hindi ay isang hakbang para sa
makabuluhang pagbabago ng bayan. Ilang eleksyon na ang nagdaan at maraming mga negosyo na ang nagbukas at
mayroon ding nagsara. Pana-panahon ang negosyo at ang eleksyon ay isang seryosong usapin. Bilang mananaliksik ay
nais na buklatin ang pag-aaral sa pagpapabuti ng komersyo sa bayan at hindi paglimot sa tungkuling makabayan.
Bilang mga estudyante ng komersyo sa kolehiyo, hinanda na rin ng mga mananaliksik ang kanilang mga sarili para sa
pagsasakatuparan ng kanilang karapatang bumoto. Sandaling panahon na lamang ay maaari na ring mamili ng nais na
maupo sa posisyon, na siya namang inaasahang gagabay tungo sa makahulugang pagbabago sa bayan. Sa mga
kadahilanang ito kaya napiling gawing paksa ng pag-aaral o pananaliksik ang eleksyon 2010. Pagtutuunang-pansin ng
pananaliksik na ito ang napapanahong isyu tungkol sa eleksyon at ang aspekto nito na mayroong kinalaman sa
komersyo. Ang paksang tatalakayin ay tungkol sa panaahon ng pangangampanya at pagsisilbi nito bilang komersyo
LAYUNIN
Ang pangkalahatang layunin ay ang mapatunayan na ang “campaign period” sa Pilipinas ay isang magandang
pagkakataon para sa mga gustong magnegosyo. Sa ibang salita, ang panahon ng eleksyon ay maaaring magbigay ng
Ang mga tiyak na layyunin naman ay ang mga sumusunod:· Maibahagi ang kaalaman ukol sa iba’t ibang uri ng negosyo
· Maipaalam ang iba’t ibang impormasyon na makatutulong sa mga negosyante upang mapalago o kumita ang kanilang
mga negosyo.
Nailahad na ang mga kayunin ng pag-aaral na isasagawa ng bawat kasapi ng grupo. Hinahangad ng mga mananaliksik
na makamit ang mga ito, magkaroon ng kahalagahan at makatulong sa bawat isa na makaaalam at makababasa ng
nilalaman ng pananaliksik.
Binanggit ni Dino Balabo sa kanyang kolum sa pahayagang “Punto!” (Enero 19, 2010) ang sigla ng negosyo ng tarpaulin
sa panahon ng halalan. Isinaad niya dito ang mga stratehiya, bentahe at disbentahe ng pagkakaroon ng ganitong
negosyo. Mayroon ring “thread” sa www.boardreader.com (Hunyo 2009) na tumatalakay sa mga negosyong patok
Ang libro naman ni Marvin P. Bionat na pinamagatang “How to Win (or Lose) in Philippine Elections” (1998) ay
naglalaman ng isang kabanata na tumutukoy sa kahalagahan ng “media exposure” para sa mga tumatakbo sa kahit
Isa pang libro na pinamagatang “Spin and Sell: How Political Ads Shaped the 2004 Elections” ni Glenda M. Gloria ang
naghayag ng mga importansya ng political ads para sa mga nangangampanya. Isinaad dito kung paanong ang mga
naunang panahon ng halalan at ang buhay na talastasan ay nagbago at nagsimulang lumaganap ang telebisyon bilang
Ang website ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP), www.kbp.org.ph (2010), ay mayroong isang ulat
(Enero 11, 2010) na nagtatalaga ng mga gabay sa tuntunin sa mga political ads sa mga istasyon ng radyo at telebisyon.
Nakasaad rin dito ang ilang mga resolusyon at pagpapaalala sa Fair Election Act. Ang aklat naman na inilimbag ng
Institute of Philippine Culture ng Ateneo De Manila University na pinamagatang “The Vote of the Poor: Modernity and
Tradition in People’s Views of Leadership and Elections” ay naghayag ng mga konsiderasyon ng tao sa pagkilala at
pamimili ng kanilang iboboto sa eleksyon. Isinaad dito na para sa mga urban participants, kasama na ang kabataan,
kinakailangan nila ang mapagkakatiwalaang impormasyon para sa pagpili ng kanilang iboboto. Dumedepende sila sa
media sa pagbibigay nito ng mga mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa mga kandidato. Umaasa rin sila sa
media sa pagpapakita nito ng mga larawan ng mga kandidato na daan upang makilala nila ang mga ito. Nakasaad din
sa aklat na ito na ang pagpili ng mga rural participants ay base sa impluwensiya ng kanilang pamilya at simbahan.
Inihayag naman sa website ng ABS-CBN news, www.abs-cbnnews.com (Pebrero 08, 2010), ang perwisyong dulot ng
labis na mga kartelon ng pangangampanya sa mga kalye. Inilahad dito ang mga problemang dinudulot ng labis na
pagpapaskil ng mga kartelon at kung anu-ano ang mga palagay ng mga taong nakakakita rito. Binigyang-diin sa
pahayag na ito na kung minsan, ang sobrang pagpapaskil ay hindi na nagiging epektibong pamamaraan ng
pangangampanya at pagnenegosyo.
HALAGA
Ang pananaliksik na ito ay nakalaan sa mga negosyante lalong lalo na sa mga magsisimula pa lamang at nakalaan rin
ito sa mga estudyante ng komersyo na nagnanais na madagdagan ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo.
Makikinabang rin ang mga tatakbong opisyales na naghahanap ng magagandang paraan upang mapakalat ang kanilang
pangalan.
Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat makapaghahatid ito ng mga detalye, istratehiya at pamamaraan ng
pagnenegosyo. Mahalaga ito sapagkat bukod sa malalaman at mapatutunayan na ang eleksyon ay isang magandang
pagkakataon at magandang oportunidad upang mag-negosyo, ang pananaliksik na ito ay magsisilbi ring gabay sa mga
baguhang negosyante kung ano ang mga angkop na negosyo sa panahon ng halalan. Mabibigyan sila ng mga ideya
kung paano palaguin ang negosyo at kung paano sila makaka-engganyo ng kostomer.
METODOLOHIYA
Sa pagkuha ng mga datos sa pananaliksik na ito ay gagamit ang mga mananaliksik ng iba’t ibang pamamaraan. Isa na
ang pag-iinterbyu ng mga may-ari ng mga negosyo at ang pagkalap at pagsasaliksik ng mga impormasyon sa mga
libro, internet at sa ibang negosyante ng mga impormasyon sa iba’t ibang mga detalye sa pagnenegosyo sa panahon ng
eleksyon.
SAKLAW/DELIMITASYON
Sasaklawin ng pananaliksik na ito ang mga impormasyong makapagdadagdag kaalamanan sa mga mambabasa ukol sa
mga oportunidad na hatid ng eleksyon sa mga gustong magnegosyo at hindi kung paano makatutulong ang mga
negosyong ito sa pagkapanalo ng kandidato. Iinterbyuhin ng mga mananaliksik ang mga negosyante sa loob ng Metro
Manila lamang.
Ang pananaliksik na ito ay sasaklaw din sa mga dahilan kung bakit ang pagnenegosyo sa panahon ng eleksyon ng
pangangampanya ay isang magandang pagkakataon para sa mga nais kumita at ang mga magiging epekto nito. Ito ay
tatalakay sa mga taong nais magnegosyo at kung ano ang mga pagkakakitaan na patok sa panahong ito.
DALOY NG PAG-AARAL
Ang unang bahagi ng pag-aaral ito ay ang mga nakalap na impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian tulad ng libro,
internet at sa mga ininterbyu. Ang mga impormasyong ito ay tutulong upang masusing mapag-aralan ang napiling
paksa. Ang mga ito rin ang susuporta at magpapatibay sa panukalang pahayag.
Ang sumunod na bahagi ay tatalakay sa nabuong konklusyon mula sa masusing pagsasaliksik. Ang huling bahagi naman
RUBRIKS
Antas Puntos Pamantayan
Bihasa 8-10 Mahusay at
kahanga-hanga ang
ginawang
pananaliksik.
Nakasunod nang
husto sa paglalatag
ng paksa, layunin,
tanong, o suliranin
ng pag-aaral
hanggang sa
pagbuo ng
balangkas,
pangangalap at
interpretasyon ng
datos, pagtalakay sa
resulta ng pag-
aaral.
May 5 Nagpapakita ng
kakayaha kakayahan at sinop
n sa pagsasagawa ng
pananaliksik.
Nakasunod ng
bahagya sa proseso
ng paglalatag sa
pagbuo ng
balangkas,
pangangalap at
interpretasyon ng
datos at pagtalakay
sa resulta ng pag-
aaral.
Inihanda ni:
Pangalan ng Guro: Paaralan:
Posisyon/Designasyon: Dibisyon:
Bibliyograpiya:
Pinagkunan: https://www.slideshare.net/hillainemarie/thesis-pananaliksik-environment-code-ng-santa-rosa
Appendices:
1 of 22
10. 10. 10 ISKALA AT KWALIPIKASYON NG DATOS (SCALE AND QUALIFICATION) 1.00-1.79 – Matindi ang di
pagsang-ayon (Strongly Disagree) 1.80 – 2.59 Di sang-ayon (Disagree) 2.60 – 3.39 Katamtaman ang
pagsang-ayon (Moderately Disagree) 3.40 – 4.19 Sang-ayon (Agree) 4.20 – 5.00 Matindi ang pagsang-ayon
(Strongly Agree) Istatistikal na Tritment ng mga Datos Istatistikal na Tritment na ginamit sa pag-aaral
na ito ay ang pagkuha ng mean upang makuha ang ninanais na detalye at impormasyon. Ang mga ito ay
itinutuos sa pamamagitan ng sumusunod: = Mean = Kabuuang marka N= Kabuuang dami ng
respondente
11. 11. 11 Kabanata III Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Ang kabanatang ito ay naglalahad at
nagpapaliwanag ng mga datos na nakalap at nalikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan
tungkol sa Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code sa Lungsod ng Santa
Rosa. Ang mga respondentena lumahok dito ay nagmula sa iba’t-ibang barangay ng Santa Rosa. I.
Pagsisiyasat Pagpapatupad at Implementasyon ng Environment Code Isa sa pinakamalaking isyu hindi
lamang sa ating lungsod kundi sa buong daigdig ang isyu na napapanatiling kaunlaran ngunit ano nga
ba ang kahulugan ng napapanatiling kaunlaran o sustainable development? Ayon sa isang Senior
Environmental Management Specialist ng Santa Rosa, na si G. Jayson Bunyi , ang sustainable
development ay ang kaunlaran sa kasalukuyan na hindi naisasantabi ang pangangailangan sa susunod
na henerasyon. Isa itong paraan kung paano mapapalagaan ng mga indibidwal at bansa ang kapaligiran
habang patuloy ang pag-unlad nito. Samantala, para naman kay G. Eric Puzon, ang sustainable
development ay hindi lamang tumatalakay sa kaunlaran kundi sa proseso ng pagawa ng mga
siyentipikong desisyon, obserbasyon at pag-aanalisa bago magpasya sa pagsasagawa ng iba’t-ibang
programa na tutugon sa pangangailangan ng tao. Ayon sa kanya kailangan ikonsidera nito ang mga kilos
ng mga mamamayan at ang magiging epekto nito sa lipunang kanyang ginagalawan. Sinimulang
ipatupad ang Environment Code noon Hulyo 2012, bilang pagtugon sa suliranin sa sustainable
development. Batay sa aming pakikipagpanayam kay G. Puzon, naging positibo ang tugon ng mga kapwa
nya konsehal tungkol dito at naniniwala sila na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Environment code
ay makakatulong ang bawat mamamayan sa paglutas ng “Climate Change pati narin sa patuloy na
pagpapaganda atpagsasaayos ng kapaligiran pati na rin sa paglago n gating eknomiya. Sa
pagpapatupad ng batas na ito ay matutunan din natin kung paano maging isang responsible at matinong
indibidwal. Talahanayan I. Taon Puntos 2012 7 2013 4 2014 4 Ang talahanayan na ito ay nagpapakita ng
mga puntos na ibinigay ni G. Eric Puzon sa bawat taon ng pag-ipinapatupad ang Environment Code sa
lungsod ng Santa Rosa. Makikita na sa unang taon ng pagpapatupad nito, ay mayroon itong 7 puntos
dahil, ito ay
12. 12. 12 nagpapahiwatig ng positibong epekto sa mga mamamayan ng Santa Rosa pati narin sa buong
Lunsod at ang akitibo ng lungsod sa mga sinasabing “Awareness Program”. Sa mga sumunod na bumaba
sa 4 na puntos ang bilang ng grado nito. Ayon sa kanya, isa sa malaking dahilan ng pagabab nito ay
hindi na pagbibigay ng sapat na pansin at atensyon ng ating pamahalaang panlungsod ang
pagpapatupad dito. Bilang rekomendasyon, hinikayat niya na bumuo ng mga organisyasyon ang mga
kagaya naming mag-aaral upang makatulong sa pagsasagawa ng mga obserbasyon sa pag iimplementa
ng mga batas, at magsagawa ng mga hakbang upang mabigyan pansin ang mga nakikitang problema at
hadlang sa papapatupad nito. Dagdag pa nya, ang bawat isa ay dapat magsilbing modelo sa paggawa ng
mga simpleng bagay na makakatulong sa pagpapatupad nito sa loob man o sa labas n gating lungsod.
Naniniwala siya na hindi ipapatupad at maisasagawa ang batas na ito kung wala ang tulong ng bawat
isa. II. Pagsisiyasat Unang Pagsisiyasat: Ang unang pagsisiyasat na naisagawa ay binubuo ng 20
respondente layunin nito na malaman kung ilan ang bilang ng mamamayan na may kaalaman tungkol sa
pagpapatupad ng Environment Code. Porsyento ng Dami ng Nakakaalam ng Environment Code Oo Hindi
Ang Pigura I ay nagpapakita ng porsyento ng dami ng nakakaalam ng Environment Code sa 20
respondente na nakihalok sa aming pananaliksik. Sa pigurang ito makikita na 6
13. 13. 13 lamang sa 20 respondente ang nakakaalam ng Environment Code at ilan sa mga ito ay hindi pa
sapat ang kaalaman tungkol dito. 25 20 15 10 5 0 Mga Programa ng Santa Rosa na may kinalaman sa
Environment Code A B C D E F G H I J K L M N Dami ng Nakakaalam A. Ayoko sa plastic Campaign B.
Basuranihan C. Smoke-Free Santa Rosa D. Tree Planting Campaign E. Charcoal Briquetting Livelihood
Program F. Community Carbon Finance Project or “Carbonshed Project” G. Green House Gas (GHG)
Inventory seminar workshop H. Clean-up and maintenance of river, I. creeks, canals and other water
bodies J. Philippine Sanitation Alliance Project K. Integrated Water Resources Management Project L.
Well Head Management Project M. Solid Waste Management N. Regular street sweeping along major
thoroughfares, City and Barangay roads. O. Bantay LAWA Project Ang Pigura II ay nagpapakita ng mga
listahan ng programa ng ating lungsod upang maisagawa ang pagpapatupad sa Environment Code. Ito
rin ay nag papakita kung ilan sa 20 respondente ang nakakaalam ng sumusunod na programa. Ang may
pinaka mataas na bilang ay ang “Ayoko sa Platik Campaign” na may bilang na 20/20 samantala ang
pinakamababa naman ay ang Community Carbon Finance Project or “Carbonshed Project”, Integrated
Water Resources Management Project, Well Head Management Project na 1 lamang sa 20 respondente
ang nakakaalam.
14. 14. 14 Pangalawang Pagsisiyasat: Ang mga sumusunod na aytem ay ang mga impormasyon na nalikom
mula sa ating City Environment and Natural Resources Office. Ayon sa kanila ang mga ito ay ang mga
ginagampanang papel ng Environment Code sa Santa Rosa at ang mga hakbang o proyekto na kanilang
ginagawa upang maisakatuparan ito. Kabilang rin sa mga item na kanilang binigay ang mga suliranin na
kanilang kinakaharap habang pinapatupad ang batas na ito, I. Ano ang papel ng Environment Code sa
pagakakroon ng sustainable development ng Santa Rosa? Mga Aytem Mean Deskripsyon 1.
Pagpapaganda at pagsasaayos ng ating komunidad 4.30 Matinding Pag Sang-ayon 2. Pagpapalawak ng
kaalaman ng tao ukol sa kalikasan at kapaligiran 3.95 Sang-ayon 3. Pagbibigay ng pansin sa seguridad
at kaligtasan ng mga mamamayan 3.72 Sang-ayon 4. Nakakapagpadagdag sa paglago ng Ekonomiya ng
Lungsod 3.89 Sang-ayon 5. Nakakapanghikayat ng mga turista 3.72 Sang-ayon 6. Pagpapaunlad ng
establisyemento na may kinalama sa kalikasan at kapaligiran 3.74 Sang-ayon 7. Pagkaroon ng
oportunidad para sa mga namumuhunan 3.45 Sang-ayon 8. Nakapagpataas ng bilang ng mga empleyo
3.53 Sang-ayon 9. Pagkakaroon ng pinansyal na benepisyo para sa lungsod 3.70 Sang-ayon 10.
Makapaghikayat ng marami pang namumuhunan 3.74 Sang-ayon Kabuuang Mean: 3.77 Sang-ayon
15. 15. 15 Ang Talahanayan II ay nagpapakikita ng pananaw ng mga respondente tungkol sa Papel na
ginagampanan ng Environment Code sa Santa Rosa. Ang mga repondente ay matinding sumasang-ayon
na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa ay mas mapapaganda at mas
magiging maayos ang ating lungsod. Ang ilang respondente ay naniniwala rin na sa pamamagitan ng
Environment Code ay mas dadami pa ang oportunidad para sa mga namumuhunan at makakatulong ito
upang tumaas pa ang empleyo sa ating lungsod. II. Paano naisasakatuparan ang batas na ito? Mga
Aytem Mean Deskripsyon 1. Pagkakaroon ng iba’t ibang programa para sa kapaligiran 4.09 Sang-ayon 2.
Pagkakaroon ng mga seminar sa iba’t ibang Barangay 3.62 Sang-ayon 3. Ang ating komunidad ay
mayroong Enviroment Development Plan 3.55 Sang-ayon 4. Pamamahagi sa mga paaralan at
mamamayan ng kaalaman ukol ditto 3.66 Sang-ayon 5. Pagbibigay aksyon sa mga problemang
pangkapaligiran at kalikasan 3.86 Sang-ayon 6. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na may
kinalaman dit 3.79 Sang-ayon 7. Pagkakaroon ng caravan sa bawat barangay 3.51 Sang-ayon 8.
Pagkakaroon ng mga Business Clearance galing sa CENRO para samga negosyo, mga kompanya at
pabrika. 3.62 Sang-ayon Kabuuang Mean: 3.71 Sang-ayon Sa Talahanayan III makikita ng pananaw ng
mga respondente tungkol sa mga hakbang na ginagawa ng ating Sangguniang Panglungsod upang
maisakatuparang ang Environment Code. Ang pagkakaroon ng iba’t ibang programa para sa kapaligiran
ang nakakuha ng pinakamataas na mean at may kabuuang mean naman ito na 3.71 na
nangangahulugang sang-ayon ang mga respondente na ang lahat ng hakbang na ito ay makakatulong
upang maisakatuparan ang nasabing batas.
16. 16. 16 III. Anu-ano ang mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad nito? Mga Item Mean
Deskripsyon 1. Kawalan ng sapat na pondo 3.96 Sang-ayon 2. Walang sapat na kaalaman at disiplina ng
mga mamamayan 3.57 Sang-ayon 3. Di pag-sunod sa mga regulasyon ng mga kompanya at pabrika 3.89
Sang-ayon 4. Hindi naipapaabot ng ating barangay ang impormasyon sa iba pang mamamayan 3.68
Sang-ayon 5. Hindi nagiging isang magandang halimbawa ang mga nagpaptupad nito, Sila mismo ay
hindi sumusunod dito 3.74 Sang-ayon 6. Hindi nabibigyang atensyon ang batas na ito 3.94 Sang-ayon
Kabuuang Mean: 3.80 Sang-ayon Samantala, Sa Talahanayan IV mabibigyang pansin ang mga
pangunahing suliranin sa pagpapatupad nito. Ayon sa serbey ang pangunahing suliranin dito ay ang
kawalan ng pondo ng ating pamahalaang pang lungsod upang maipatupad ang mga iba’t-ibang programa
na makakatulong upang maisakatuparan ang batas na ito habang pumapangalawa nmn sa mga dahilan
nito at ang kawalan ng atensyon ng ating gobyerno at mamamayan na may 3.94 na mean.
Mapapatunayan din na sumasang ayon ang mga respondente kailangan manguna sa pagsunod at
pagtupad ng batas na ito ang mga kawani ang pamahalaan upang sila mismo ay magsilbing magandang
halimbawa upang hindi na magdadagan pa ang mga suliranin na kakaharapin pa dito at Makita na ang
bawat mamamayan ng Santa Rosa ay displinado.
17. 17. 17 Kabanata IV LAGOM, KONKLUSYON AT MGA REKOMENDASYON Ang kabanatang ito ay
nagpapakita ng lagom, konklusyon, at rekomendasyon ng buong pag-aaral. Problema: 1.) Ano ang papel
ng Environment Code sa pagkakaroon ng sustainable development sa Santa Rosa? 2.) Paano
naisasakatuparan ang batas na ito? 3.) Anu-ano ang mga problemang kinakaharap at kakaharapin pa sa
pagpaaptupad nito? Lagom: 1.) Ang pagpapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa ay magiging
solusyon upang patuloy na umunlad ang Santa Rosa at matugunan ang mga pangangailangan ng
mamamayan nito ng hindi naisasakripisyo ang mga pangangailangan sa susunod na henerasyon. Ang
alituntuning ito ay magsisilbing basehan para sa tama at maling pangangalaga sa ating lungsod at ito
rin ay magiging batayan kung paano mabibigyan kaparusahan ang mga lalabag dito. Makakatulong rin
ito upang maagapan ang tuluyan pagkasira ng yamang tubig ng ating lungsod paglipas ng 25 taon. 2.)
Ang Sanguniang Panglungsod ay nagsasagawa ng programa at proyekto upang mas mapaigting pa ang
pagpapatupad sanasabing batas. Ang City ENRO ay nagsasagawa ng iba’t ibang regulasyon sa iba’t
ibang kompanya at negosyo na nasa loob ng Santa Rosa, kagaya ng pagkuha ng mga business
clereance sa City ENRO. Nagsasagawa rin sila ng mga caravan at seminars sa iba’t ibang barangay
upang mas mapalawak pa ang mga kaalaman tungkol sa Environment Code. 3.) Ang pangunahing
problema na kinakaharap sa pagpapatupad ng batas na ito ay ang kawalan ng pondo mula sa
pamahalaang panglungsod, kawalan ng atensyon, kaalaman at disiplina ng mga mamamayan ng Santa
Rosa. Konklusyon: 1.) Ang pagpapatupad ng Environment Code ay hindi lamang makakatulong upang
magkaroon ng sustainable development ng Santa Rosa, kundi nakakatulong rin ito upang mas
mapaganda at mas maisaayos ang buong lungsod ng Santa Rosa. Ang pagpapatupad din nito ay
magdudulot ng magandang epekto sa iba’t ibang aspeto sa ekonomiya ng Santa Rosa upang mabalanse
ang anumang kaularan dahil kung mapapabayaan ang isang aspeto, magiging kulang ang kaularan na
maaring magresulta sa hindi magandang epekto sa hinaharap. 2.) Ang mga Roseñians ay sumasang-
ayon na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng iba’t ibang programa ay mas magiging mahusay ang
pagpapatupad ng batas na ito. Sa ganitong paraan mas mapapalawak pa ang kaalaman at kamalayan sa
bawat mamamayan ng Santa Rosa. 3.) Karamihan sa mga problemang kinakaharap sa pagpapatupad
nito ay nagmumula rin mismo sa organisasyon at ahensyang responsible dito kagaya ng hindi
pagbibigay ng atensyon sa pagpapatupad ng batas na ito, kawalan ng sapat na pondo at kakulangan sa
pagbabahagi ng kaalaman sa mamamayan.
18. 18. 18 Rekomendasyon: 1.) Dapat mas lalong ipabatid ng ating pamahalaan sa mga mamamayan ang
magandang maidudulot ng papapatupad ng Environment Code sa Santa Rosa at dapat paghigpitan at
bigyan ng kaukulang parusa naman ang mga residenteng lalabag sa mga bawat at mang-aabuso sa
ating kapaligiran sa ganoong paraan ay maraming mga residente sa Santa Rosa ang makikilahok sa
pagsunod at pagtupad nito. 2.) Ang pamahalaang panglungsod ay dapat pagpag-igtingin ang mga
programa na may kinalaman sa pagpapalawak ng kaalaman at pangangalaga ng ating kapaligiran upang
mas maunawan at makita ng mga mamamayan ang kahalagahan sa pagpapatupad ng batas na ito at
malaking maitutulong ng ating kapaligiran kung mapapangalagaan ito. 3.) Ang mga kawani ng ating
Sangguniang Panglungsod ay dapat magsilbing isang magandang halimbawa sa pagsunod at pagtupad
sa Environment Code, sa pamamagitan nito makikita na ang bawat mamamayan ng Santa Rosa na ang
bawat isa ay dapat maging disiplinado at edukado upang magpaunlad pa ang iba’t ibang aspeto ng ating
ekonomiya. Sila na pinuno ng ating lungsod at dapat nauunuwaan ang batas na ito at kung bakit
mayroon nito. Ang ating pamahalaan ay dapat din magbigay pansin ang pagsulong nito at magkaroon ng
sapat na pinagkukunang pondo upang mas mapagtibay pa ang paggawa ng mga hakbang sa pag-
iimplementa nito. .
19. 19. 19 Bibliograpiya City of Santa Rosa Environment Code (City ordinance No. 1720 – Series of 2011)
www.santarosalaguna.wordpress.com Land Developers Guide Book for Santa Rosa Watershed
( Reference Storm Water Management 2011) http://en.wikipedia.org/wiki/Santa_rosa_Laguna Roar
Magazine: Vol. 1 No. 1 Roar Magazine: Vol. 2 No. 2 www.santarosagov.ph Solid Wate Management Made
East: A Do-It Yourself Guide to a Community-Based Ecological Solid Waste Management Program
http://torokastiguhin.blogspot.com/2012/02/mayor-arcillas-ayaw-ng-plastik.html
20. 20. Ano ang magiging epekto ng Environment Code sa pag-unlad ng ekonomiya ng Santa Rosa? Ano ang
maitutulong nito sa mga mamamayan ng Santa Rosa? Anu-ano ang mga problemang kinakaharap sa
pagpapatupad ng Environment Code? Anu-ano ang mga programang nakapaloob dito? Paano
naipapatupad ang batas na ito? Saan nang gagaling ang pondong ginagamit para dito? Ano ang
Environment Code? Ano ang magiging papel nito upang maisagawa ang sinasabing sustainable
development sa Santa Rosa? Ano ang tinatawag na Sustainable Development o napapanatiling pag-
unlad? 20 Apendiks “Pag-aaral ng Implementasyon at Kahalagahan ng Environment Code ng Santa
Rosa.” (Questionnaire)
May 5 Nagpapakita ng
kakayaha kakayahan at sinop sa
n pagsasagawa ng
pananaliksik.
Nakasunod ng
bahagya sa proseso ng
paglalatag sa pagbuo
ng balangkas,
pangangalap at
interpretasyon ng
datos at pagtalakay sa
resulta ng pag-aaral.
Inihanda ni:
Posisyon/Designasyon: Dibisyon: