FILIPINO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BUOD

Malungkot na tumugtog ng kanyang armonyum si Padre Florentino. Kaaalis ni Don Tiburcio


de Espadana na nag-akalang siya ang Kastilang tinutukoy sa telegrama na darakpin daw sa
gabing iyon. Inakalang siya’y natunton na ni Donya Victorina.

Ang telegrama ay pinabasa ng tenyente ng guwardiya sibil sa bayan kay Padre Florentino sa
ngalan ng pagkakaibigan. Anang telegrama: “Espanyol escondido casa Padre Florentino
cojera remitara vivo muerte”.

Ang totoo, si Simoun ang Kastilang tinutukoy sa telegrama. Sugatang dumating doon si
Simoun may dalawang araw na. Di man lamang siya inusisa ay tinanggap siya ng pari. Hindi
pa nakabalita ang pari ng nangyari sa Maynila. Inakala ng pari na dahil wala na ang Kapitan
Heneral ay may nagtangkang maghiganti kay Simoun. Ang sugat niya’y buhat daw sa
kawalang-ingat, ayon sa mag-aalahas. Nagkasiya ang pari sa mga palagay. At nakatulong
ang hinala ng pari na si Simoun ay tumakas samga kawal na tumutugis nang tanggapin nito
ang telegrama.

Si Simoun ay tumangging paggamot pa sa mediko sa kabesera. Pumayag siyang paalaga


kay Dr. de Espadana lamang. Malubha ang mga sugat ni Simoun.

Tumigil sa pagtugtog si Padre Florentino. Iniisip ng pari ang kahulugan ng pakutyang ngiti ni
Simoun nang mabatid nito ang tungkol sa telegrama at sa ikawalo ng gabi ang dating mga
darakip. Naisip ni Padre Florentino na isang taong palalo si Simoun. Dati’y
makapangyarihan, ngayo’y kahabag-habag. Nguni’t bakit sa kanya pinili ni Simoun na
makituloy? At darakpin na lamang nang patay o buhay ay nakukuha pang ngumiti nang
pakutya. Inisip ni Padre Florentino kung paano maililigtas ng isang paring Pilipino si Simoun
gayong noong kapanahunan nito ay humamak sa kanyang pagkamahabang-uri ng
pagkapari at pagka-indiyo.

Di pinansin ni Simoun ang pakisuyo ni Padre Florentino may dalawang buwan ang
nakalilipas upang tulungang makalaya si Isagani sa piitan. Si Simoun ang gumawa ng mga
kaparaanan upang mapadali ang pagaasawa ni Paulita kay Juanito na lubos na
ipinagdamdam ni Isagani at ikinalalayo nito sa mga kapwa tao. Nilimot ni Padre Florentino
ang lahat. Wala siyang inisip kundi ang pagliligtas kay Simoun. Nguni’t parang walang
pagnanasang mailigtas ni Simoun ang sarili.

Pumasok si Padre Florentino sa silid ni Simoun. Wala nang mapangutyang anyo sa mukha ni
Simoun. Waring isang lihim na sakit ang noon ay tinitiis ng mag-aalahas.

Napaghulo ng pari na uminom ng lason si Simoun. Nabaghan ang pari.

Tinangka ni Padre Forentino na ihanap ng lunas si Simoun. Pasigaw na sinabi ng mag-


aalahas na huwag na silang mag-aksaya ng panahon dahil mamatay siyang dala niya ang
kanyang lihim. Ang pari ay lumuhod sa kanyang reclinatorio (luhuran sa pagdarasal) at
nanalangin sa paanan ng imahen ni Hesukristo at pagkatapos ay buong kabanalang
kanyang inilapit ang isang silyon sa maysakit, at tumalagang makinig.

Ipinagtapat ni Simoun ang tunay niyang pangalan. Halos nasindak ang pari. Malungkot na
ngumiti ang maysakit. Tinakpan ng pari ng panyo ang mukha at tumungo upang makinig.
Isinalaysay ni Simoun ang kanyang buhay. Labintatlong taon siya sa Europa. Nagbalik
siyang puno ng pangarap at pag-asa.Pinatawad ang mga nagkasala sa kanyang ama
pabayaan lamang siyang mabuhay nang payapa. Ngunit mahiwagang mga kamay ang
nagtulak sa kanya sa isang kaguluhang gawa-gawa at ang lahat ay nawala sa kanya.:
pangalan, yaman, pag-ibig, kinabukasan, kalayaan at naligtas lamang siya sa kamatayan sa
tulong ng isang kaibigan. Tinika niyang maghiganti. Nangibang bansa siya dala ang bahagi
ng kayamanan ng kanyang magulang at siya’y nangangalakal. Nakilahok siya sa himagsikan
sa Kuba. Nakilala niya roon ang kapitan heneral na noon ay kumandante pa lamang.
Pinautang siya. Naging kaibigan matalik dahil sa kawalanghiyaan ng kapitan na si Simoun
ang nakaalam. Sa tulong ng salapi ay nakuha niyang maging kapitan heneral ang kaibigan
at naging sunud-sunuran sa kanya dahil sa katakawan sa salapi.Inupatan niya ang kapitan
sa paggawa ng maraming kabuktutan.

Mahaba ang pagtatapat ni Simoun at gabi na nang matapos. Sandaling naghari ang
katahimikan. Inihingi ng tawad ng pari ang mga pagkukulang ni Simoun at hiniling niya kay
Simoun na igalang ang kalooban ng Diyos Mahinahong nagtanong si Simoun kung bakit
hindi siya tinulungan ng Diyos sa kanyang layunin. Ang sagot ng pari ay dahil masama ang
kanyang pamamaraan.Hindi maililigtas ng krimen at kasamaan ang mga dinumihan ng
krimen at kasamaan.Ang poot ay walang nalilikha kundi mga panakot ; ang krimen ay mga
salarin ang nalilikha. Pag-ibig lamang ang nakagagawa ng mga bagay na dakila. Ang
katubusan ay kabutihan; ang kabutihan ay pagpapasakit, ang pagpapasakit ay pag-ibig.

Tinanggap ni Simoun ang lahat na sinabi ng pari. Inamin niyang siya ay nagkamali. ngunit
naitanong niya ng dahil ba sa magkakamaling iyon ay ipagkait na ng Diyos ang kalayaan ng
isang bayan at ililigtas ang napakaraming higit pang salarin kaysa sa kanya. Ang matatapat
at mababait ay nararapat na magtiis nang ang mga adhika nila ay makilala at
lumaganap.Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ang tugon ng pari.

Napailing si Simoun. Ang magtiis at gumawa ay madaling sabihin sa mga hindi pa


nakaranas ng pagtitiis at paggawa. Anong klaseng Diyos ang humingi ng ganoon kalaking
pagpapasakit. Sinabi ng pari ay ito raw ang isang Diyos na makatarungan.Diyos na
nagpaparusa sa kakulangan natin ng pananalig at sa mga gawa nating masama.Pinabayaan
natin ang kasamaan kaya’t katulong tayo sa paglikha nito. Ang kalayaan ay di natin dapat
tuklasin sa tulong ng patalim. Tuklasin natin ito sa tulong ng nagpapataas ng uri ng
katwiran at karangalan ng tao.. Gumawa tayo ng mabuti , tapat at marangal hanggang
mamatay tayo dahil sa kalayaan.

Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa.
Nagbuntunghininga si Simoun. Higit na mahabang katahimikan.

Nang mapunang hindi umiimik ang maysakit ay pabulong na nagwika si Padre Florentino;
“Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at
kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan ? Saan naroon ang handang
magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang
karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang
may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa
amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso? O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”

Nangilid ang luha sa mga mata ng pari. Binitawan ang kamay ni Simoun. Lumapit sa
durungawan. May kumatok na utusang nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Sa tulong
ng isang lampara ay tinanglawan si Simoun. Hinipo ito; nabatid na ito ay patay na.Lumuhod
at nanalangin si Padre Florentino.

Tinawag ang mga utusan, pinaluhod at pinagdasal. Umalis sa silid si Padre Florentino Kinuha
ang takbang bakal ni Simoun. Dinala ito sa talampas na laging inuupuan ni Isagani upang
sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat. Doon ay inihagis ng pari ang mga takba ng
brilyante at alahas ni Simoun. Nilulon ng dagat ang kayamanang yaon.

Mga Tanong at Sagot

1. Bakit kina Padre Florentino nagtungo si Simoun?

Sagot

Siyang inaakala ni Simoun na makauunawa sa kanya ng higit sa iba.

2. Ano ang taglay na hiwaga ng malungkot at mapangutyang ngiti ni Simoun nang


mabatid niyang siya ay darakpin kinagabihan?

Sagot

Buo na isipan niya ang pagpapatiwakal.

3. Bakit nagtakip ng mukha si Padre Florentino nang maipagtapat ni Simoun ang


tunay niyang pangalan?

Sagot

Upang ituring na ang pagtatapat na iyon ni Simoun ay isang pangungumpisal. Kung sa


gayon, hindi siya mapipilit ng sino mang kapangyarihan na ibunyag ang mga nabatid sa
mag-aalahas sapagkat yaon ay lihim ng kumpisalan.

4. Ayon sa salita ni Padre Florentino, makaitlong nabigo ang mga balak ni Simoun.
Alin ang una, pangalawa at pangatlong pagkabigo?

Sagot

Una ang kabiguang bunga ng di-inaasahang pagkamatay ni Maria Clara. Nalito si Simoun.
Hindi niya naisagawa ang hudyat ng pagbabangon. Ang ikalawa ay sa kawalan ng ingat sa
maaring mangyayari. Ang ikatlo ay dahil sa kaparaanang lubhang mahiwaga.

Spanish hidden lame house Padre Florentino will send alive dead

the present system of governing the Philippines through corrupt and self-seeking
officials, dominated by the friars and being submissive to their interests in one fashion
or another, can only lead to disaster for Spain.

"Kung walang kalayaan ay walang katarungan"

You might also like