Chronemics- oras. Ang paggamit ng oras ay maaaring kaakibatan ng mensahe.
Kunwari late ka sa job interview, pweding iinterpret na bobo ka, tanga, hampaslupa, inutil. Charot kulang lang sa disiplina. Proxemics- (personal space) espasyong nilalagay sa pagitan ng sarili at ng ibang tao. Hindi space sa inyong magjowa. Landi mo pq Kinesics- body language. Paggamit ng kaanyuan ay maaaring may mensahe. Chicken dance naming ni beng pagnagkikita kami. Haptics- sense of touch sa pagpapahatid ng mensahe. Iconics- simbolo o icons Colorics- kulay malamang haha. Maaring magpahatid ng damdamin o oryentasyon. Basta may kulay sa tanong jusq Paralanguage- paraan ng pag bigkas sa isang salita like, ‘oo’ tapos maraming pwedeng meaning base sa kung anong tono ang trip mong gamitin. Oculesics- paggamit ng mata. Alam mo naman yung mata diba. Objectics- paggamit ng bagay sa pagpapahatid ng mensahe. Kunyare binigyan ako ng bulaklak ng jowa ko kase lab nya ko. Kaso kunwari nga lang huhu. Olfactorics-pang amoy. Bakit ako nagtatakip ng ilong pagkatabi kita? Gets mo na? Pictics- (facial expression) di porke pic ay picture. Hindi rin maitatago ang damdamin sa muka. Vocalics- pasalitang tunog. Pagsitsit, page hem, pag tsktsk. Kabanata 6 Mga katangian ng mabuting pananaliksik
Sistematiko- may sinusunod na proseso o pagkakasunod sunod
Kontrolado- lahat ng variable na sinusuri ay kailangang constant Empirikal- katanggap tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging mga datos na nakalap. Mapanuri- kailangang suriin ng kritikal ang mga datos na nakalap para di magkamali ng paglapat ng interpretasyon. Obhetibo, lohikal at walang pagkiling- lahat ng pagtuklas at konklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga empirical na datos. Gumamit ng mga kwentetibo o estadistikal na metodo- ang datos ay mailahad sa pamamaraang numerical at masuri sa paggamit ng estadistikal na tritment para matukoy yung kahalagahan. Orihinal na akda- ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili nyang tuklas at hindi mula sa panulat Akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at deskripsyon- ayon dapat tumpak o accurate Matiyaga at hindi nagmamadali- para makuha ang accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtyagaan ang bawat hakbang nito. Pinagsisikapan-kailangan paglaanan ng panahon. Nangangailangan ng tapang- maaari kasing makaranas ng discomfort o hazards sa pananaliksik kaya kailangan, werpa. Maingat na pagtatala at pag uulat- ayun, kailangan mag ingat duh.