Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Freddie R.

Pagtulingan
10 - Aristotle

Rajah Sulayman
Noong unang panahon, Mayroong mga Hari sa Manyila at sa lahat ng hari sa maynila ay
mayroong isang pinaka kinilala dahil sa kanyang katapangan at kagitingan, siya si Rajah
Sulayman o kinilala din bilang Sulayman III kasama din sa mga kaniyang kinasasakupan ay ang
sa kahabaan ng ilog Pasig.
Sa kabilang dako naman mayrong isang Espanyol tagahanap na si Miguel López de
Legazpi, naghahanap ng isang angkop na lugar upang maitaguyod ang kanyang kapital matapos
lumipat mula sa Cebu patungong Panay dahil sa pag-angkin ng Portuges ng Archipelago,
pinadala sina Martín de Goiti at Juan de Salcedo sa isang ekspedisyon sa hilaga patungong
Luzon nang marinig ang isang maunlad na kaharian doon.
Si Goiti na naka-angkla sa Cavite at itinatag ang kanyang awtoridad sa pamamagitan ng
pagpapadala ng isang "mensahe ng pagkakaibigan" sa mga estado na nakapaligid sa ilong ng
pasig, magiliw na ipinapasok ni Rajah Sulayman ang mga Kastilang manlulupig na sina Martin de
Goiti at Juan de Salcedo noong 1570. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga
manlulupig ng mga pampalasa bilang regalo.
Nang mamatay si López de Legazpi noong 1572, ang kanyang kahalili, ang Gobernador-
Heneral na Guido de Lavezaris, ay hindi iginagalang ang kanilang mga kasunduan kay Rajah
Sulayman, nang malaman ito ng mga kastila, sinimulang nilang abusuhin ang kabaitan ni hari
sulayman at hindi naglaon, nalaman din ni hari sulayman ang pakay ng mga Kastila na sakupin
ang kanyang kaharian at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar.
Bilang tugon, pinangunahan ni hari Sulayman ang isang pag-aalsa sa mga nayon ng
Navotas noong 1574, na sinasamantala ang pagkalito ng mga kastila dahil sa naganap sa pag-
atake ng mga pirata ng mga Tsino. Ito ay madalas na tinutukoy bilang "Manila Revolt of 1574"
ngunit kung minsan ay tinutukoy bilang "Sulayman Revolt”. Dahil mayroong kasangkot sa mga
puwersa ng dagat, ang Sulayman Revolt ay kilala rin bilang "First battle of Manila bay ".
Nilabanan ni Hari Sulayman ang mga puwersang Espanya, at sa gayon, kasama si Rajah
Matanda, isa sa tatlong mga monarko na ipinagtanggol at malaki ang nakuha sa pananakop ng
Espanya sa Manila bay at delta ng Pasig River at doon nagtatapos ang istorya ni Hari sulayman
dahil sa kaniyang pagkamatay sa “Manila Revolt of 1574”.

You might also like