Reyna NG Kamalasan .Ƒģ. (Completed)

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 778

##################################

~~Chapter One- Zylie~~

##################################

ZYLIE's POV

Umuulan. Malakas. kung kelan ka naglalakad. Kung kelan kabababa mo lang ng tricyle
para maglakad ng napakahaba tska bubuhos ang ulan kasabay ng malakas na hangin.
Ganun naman yun diba? Parang nananadya lang ang mga pangyayari.

For instance (or more like the usual) Hindi makita ang mga bagay na hinahanap.
Nalalaman ang halaga ng bagay kapag wala na. At nangyayari ang mga bagay na ayaw at
hindi kaaya-aya. Ano pa bang bago? Nagmumukha pa akong emo kapag sinasabi ko.

At ngayon, parang may bagyo pa yata kasi ang lakas ng hangin na parang kahit na
anong oras, magkakaroon ng ipo-ipo. Mabuti na lang at hindi masyadong posible yun
sa bansa kasi kung hindi, matagal na siguro akong tinangay. Ang nakakapagtaka lang
talaga, bakit kasi umuulan ngayong November?

Bakit ba kasi hindi na-suspend yung klase ngayong ganito kalakas na yung hangin?
Akala ko ba nag-install na sila ng bagong Doppler weather radar na nagkakahalaga ng
milliones? Eh ano ng nangyari dun? Kung kelan umuulan tska may pasok. Kapag naman
nasuspend yung klase, asahan na maganda ang panahon. Yung PAG-ASA talaga,
nakapaka-"accurate."

*peeep peep*

May kanina pa bumubusina sa likod ko kaya feeling ko ako na yung binubusinahan.


Lumingon ako at nakita ko yung isang pamilyar na convertible. Aba kilala ko na nga
ito. Hindi na lang sana ako lumingon.

Bumaba ang bintana katabi ng driver's wing. At syempre... ang magandang mukha ng
batchmate kong si Bettina.

"Need a lift?" malamig na sabi nito. I swear tumitig muna ako ng mga 2 seconds bago
magreact at maproseso ang mga pangyayari. Ganito kasi kapag napapaharap sa
magagandang mukha.
Kasi naman, si Bettina Becarez ang resident Barbie ng school, malapit na talaga
siyang maging Barbie eh, only hindi siya blonde. Super fashionista. Mabait naman
siya pero siyempre, gawa minsan ng mga mayayaman at magagandang kasama at may tunay
na maipagmamalaki naman, paminsan siyang nagiging mean sa mga slow na tao. Sa mga
hindi nila ka-uri. Kung may caste system lang sa school, pwede mong sabihing sila
na yung mataas na tao. Mga angkan ng datu. Tapos kami, aliping saguiguilid. Ganun.

"Ano ba yan Bettina, we're already, full?" sabi ni Carly. Bestie daw niya. Full?
Anong full sa tatlong tao sa sasakyan? Sana kung matataba sila eh muntik ko na
ngang itanong kung anong diperensya ng bullimic sa anorexic nung nakita ko siya
tsaka yung babae sa back seat. Ano bang maximum capacity ng convertible niya?

"Oo nga. And she's wet." sabi naman nung isa (na hindi ko sigurado kung classmate
ba talaga nila, o nakikisakay lang) habang nakatingin sa akin at nag-iisa sa
backseat.

"And what's the use of bringing your own car kung wala rin naman palang leg room
and we need to make siksikan like commuters?" mahinang-mahinang sabi ni Carly na
hindi ko alam kung pinaparinig ba sa akin, o engeng lang siya sa pagbulong.

"Bakit hindi ka rin nagdala ng own car kung ganun?" mahina ring sabi ko. Make
siksikan like commuters pa. Nakikisakay rin naman siya.

"WHAT?!"

"Wala."

Mahabang awkward silence. Kung ganito lang rin naman, hwag na lang. Ni, hindi naman
talaga kami close ni Bettina. Why is she playing nice? Tapos hinahamak naman ako ng
mga kasama niya. Rich girls, their own cars and their leg room.

"So?" tanong ulit ni Bettina na parang wala naman siyang narinig.

"Ah hindi sige Bettina, I can manage." sabi ko na lang with a strong face emitting
dark confident rays kahit sa itsura ko naman eh hindi naman talaga ka-manage-
manage.

"Okay." sagot nito, at humarurot hindi pa man naisasara ang power window.
Mabilis kausap si ate mo. Wala ng pilit-pilit? Okay agad-agad. Hindi naman sa
nagpapapilit ako, pero wala pang split second, umandar na agad ang sasakyan na
parang hindi naman talaga hinihintay ang sagot ko kung makikisabay nga ako. Bago ko
pa namalayan at pagdudahan yung unang pag-alok niya eh humarurot na yung magandang
convertible palayo.

*splash*

At natauhan na lang ako ng matalsikan ng maduming tubig na naipon sa isang puddle


sa bako-bakong kalsada. Nice one Zylie.

Di ako nabigla. Lampas na ako sa stage para mag-hysterical sa mga ganitong


pangyayari at itanong pa sa universe kung bakit nangyayari sa akin ang mga ganitong
bagay. Eh kasi... Sanay na ako sa kamalasan eh. Mabuti na lang nga palda ko lang
ang nabasa at napuruhan ng maputik na tubig.

Inisip ko na lang ang sasabihin ni kuya Zeus. Hindi ka naman mamatay dahil diyan.
Lakad lang. Kaya eto, naglalakad na lang ako.

Napagisip rin ako sa sinabi ng mga ka-klase ni Bettina sa kotse. Tama naman sila
eh. Puro kamalasan ang nagyayari sa akin. Parang may magnet ako ng malas. Siguro
naman hindi sinasadya ni Bettina yung mga nangyari at nagkataon lang na nadoon ako
sa mismong spot na yun para matalsikan. Sobrang galing niya naman para masaktong
matamaan ang lubog sa daan na yun at mapatama sa akin ang tubig.

Unless nagaaral talaga siya ng physics at nagawa niyang applied yun, ako ang
napagpractice-an. No. Alam kong hindi. Malas lang. Nagkataon lang na nandun ako, at
minalas.

Naisip ko na naman tuloy nung unang beses akong minalas ng todo. Bwisit talagang
lalaki na naglubog sa akin sa kamalasan. Nawala na lang ng parang bula. Nasaan na
kaya yung masamang taong yun? Sana kinuha na siya ni Lord. Joke. Haha.

Masyado pa akong immersed sa kakatawa dahil sa walang kwenta kong sense of humor na
ako lang rin naman ang tumatawa at napapahiya, nang biglang humangin ng malakas.
Nakita ko si pogi, este si Silver. To be honest, hindi ko talaga alam kung gwapo ba
talaga siya o dahil lahat na lang ng tao nagsasabing sobrang gwapo nga siya kaya
ganun na rin ang tingin ng karamihan.

Alam mo yun, parang isang bagay na perpetuated ng majority hanggang sa maniwala ka


na lang. Ang misteryosong si Silver na (maswerte daw ako dahil) katabi ko ng
locker. Minsan, syempre nagre-reflect ako sa sarili kokung gwapo nga siya dahil
minsan wala na talaga akong hilig mag-judge ng mga itsura ng mga tao. Pero...
maraming may gusto diyan eh. Kaso ubod ng suplado. Akala mo pipi kasi minsan lang
magsalita. At hindi ko alam sa school majority dahil yung trait na yun na feeling
ko naman eh negative, eh nakakadagdag pa daw yun sa pagka-cool niya kuno.

Ehhh!! Kung anu-anong iniisip ko. Wala na nga pala akong pakialam sa mga lalaki
ngayon diba? Bakit ang layo na ng narating ng utak ko, at naiisip ko pang magdevote
ng oras para magreflect kung gwapo ba talaga ang isang tao o hindi. Hindi naman
nakasalalay doon ang sanity ko hindi ba? Or not.

Napapatingin din naman ako ng palihim. Bakit naman kaya naglalakad tong Silver na
to? Akala ko mayaman at de-kotse sya? Oo, alam ko de-kotse siya eh. Dapat hindi ko
siya nakikitang naglalakad dito sa magulong daan na ito. Ni hindi nga dumadaan yung
tricycle na sinasakyan ko para itawid man lang kami hanggang Vander kaya kataka-
kataka na naglalakad talaga siya. Napatitig pa tuloy ako para makasiguradong siya
nga itong kalapit ko.

Siya nga...

At... buti pa siya may jacket. Bigla naman akong nainggit.

Lumakas na naman kasi yung hangin. At habang kasalukuyang naiinggit ako kung anong
nararamdaman niya dahil may jacket siya sa ganitong panahong halos may blizzard na
eh sakto namang bumaliktad yung payong ko. Yung as in naging parang satellite na
nakatutok sa itaas? Ganun. Buo pa ang payong pero bumaliktad. Turned inside out ang
mga ribs nito. At dahil sa lakas ng ulan, naiiipon na yung tubig sa payong kong
nakabaliktad. Sinasalo na nito lahat ng tubig mula sa itaas katulad ng pagsalo ko
ng lahat ng kamalasan.

Nung nagsabog ang diyos ng kamalasan... ganito, ganitong ganito yun eh...

*SSSSPPPPLLLAAASSSSHHHH*
Di ko na kailangang sabihin pa ang mga susunod na nangyari kung kilala mo ang
kamalasan ko.... bumigay yung payong! Napunta lahat sa akin ang tubig bago pa ako
makaiwas sa sarili kong payong. Masyadong mabilis ang mga pangyayari para makapag-
ninja moves pa ako. Basang sisiw na ang inabot ko. Basa na rin yung bag ko.
Sasabihin ng iba sana bumalik na lang muna ako ng bahay. Waaaah medyo malayo na ako
sa bahay para bumalik pa. Kumbaga sa pagtawid sa dagat, nasa kalagitnaan na ako at
wala ng oras at hininga para bumalik pa sa paglangoy.

Tinanggap ko na ang kapalaran.

No. Ang katotoohanan, mukha lang. Ang totoo, gusto kong maglupasay. Bakit ba ayaw
ako layuan ng kamalasan? Kanina natalsikan lang ako ng tubig, nagpasalamat pa nga
ako ng kaunti eh... pero ngayon parang pumunta lang naman ako sa ilalalim ng
waterfalls para magpahinga, kahit ilang minuto na lang eh first subject ko na. What
is life?

Bagsak na ang balikat ko habang naglalakad ng maramdaman ko na tumigil yung ulan.


Sobrang lakas ng ulan para tumigil?

Tumigil?

Ay hindi pala. Napatingin ako sa taas at napansin kong may nagpapayong lang pala sa
akin.

At ito ay si Silver?

The Silver Jeremy Torres? Pinapayungan ko?

Weh? Nilagnat na ba ako agad at nagdeliryo?

Kukusutin ko sana ang mga mata ko pero OA na kaya okay, tinanggap ko na lang rin
ang kaunting swerteng nangyari. Eh naawa yata sa akin tong gwapong to. May feelings
din pala kahit papaano. Makakakita ba naman siya ng babaeng nabuhusan ng maraming
tubig eh. Gusto kong isipin kung anong naglaro sa utak niya bago niya naisipang,
okay.. papayungan ko nga ito. Pero di ko na inisip. Naging masaya na lang ako dahil
may nagpapayong sa'kin (kahit basa na ako) at si Silver yun.

Pero di pa rin pala siya nagsasalita.


Nakarating kami sa school ng walang imikan. Simpleng "Thank you." lang ang nasabi
ko kahit napakarami kong gustong sabihin. Di ko nga alam kung narinig niya yun eh.

Pumasok na kami at may namimigay ng libreng kape. Promo yata at bagong product nung
isang coffee company at sakto naman at umuulan. Kumuha ako dahil nilalamig na ako.
Napansin kong kumuha din si Silver. In fairness tao rin naman pala siya at
nagkakape. Akala ko pag-aaral lang, at hindi pag-imik ang hobby niya. Idagdag pa
ang pagiging pa-cool. Hayy, hindi kaya nakakapagod yun? Hahahaha!

Eh di syempre halos magkasabay kami pinagtitinginan kami. Sorry, hindi pala


'kami'-- si Silver lang pala ang tinitignan which I know sanay naman siya dun.
Maninibago pa ba siya? Lagi naman eh. Invisible lang ako sa school. Pero yung mga
katulad nila ni Bettina, may magnet rin. Magkaiba nga lang ang magnets namin, sa
kanila, hormones. Sa akin, kamalasan.

"Hala bat dumidikit si Silver dyan sa babaeng yan baka mahawa siya ng kamalasan"

"Oo nga!"

Mga peste 'tong mga tao sa school. Badtrip sila, mas inintindi pa na mahahawa tong
Silver ng super peymus na kamalasan, kesa mag-alala sa itsura kong basang basa.
Talaga bang sanay na silang may ganitong tao sa school, parang mop na pinanlinis ng
maduming sahig?

"Zylie!!"

Narinig ko si Mikaela. Isa siya sa mga taong tumutulong at nakakaintindi sa akin.


Isa sa maituturing kong bestfriend. Wala siyang paki-alam kahit buhay malas ako.

Syempre tumingin muna ako kay Silver.

"Thank you" sabi ko ulit sa kanya. Kahit parang hindi naman nakatulong ang
pagpapayong sa isang babaeng naligo na sa ulan. Pero hindi ba, it's the thought
that counts. Hahahaha! Mga naiisip ko eh.

Well, as expected, 'di ito sumagot. Pero nakita ko. I swear nakita ko talaga, na
tumaas ang dalawang kilay nito. Like a warm nod from someone na suplado.

Seriously? Is that a nod? Sumagot ito sa akin? Weh. Bakit ako natutuwa? At bakit
naging celebratory ang mood ko? Paki-alam ko ba, at mas lalong paki-alam niya sa
akin. Pero sige, thankful naman talaga ako na tinulungan niya ako.

Lumapit na ako kay Mikaela.

"Hoy bakit sabay kayo pumasok ni Silver?" Excited si Mika.

"Mas una mo pang itatanong yun kesa sa itsura ko?" hurt ako dun kunwari. Mukha
akong nagswimming in uniform tapos mas napansin niya pa si Silver na kasama ako.

"Syempre alam kong nabasa ka ng ulan ng bongga. Magbihis ka na lang muna ng pe


uniform mamaya."

Okay... Sabi ko nga. Sanay na sa kamalasan ko? Ano ba namang bago kung may nangyari
sa'kin sa ulanan? Mas magtataka pa nga siguro si Mika kung maayos akong naka-
survive sa isang araw.

"Okay."

"Dali, kayo na ba ni Silver?" *poke* *poke*

Luh. Adik si Mikaela.

"Ha?! Sabay lang pumasok, kami na agad-agad? Tinulungan niya lang ako. Bumaliktad
kasi yung payong ko at nabasa ako."

Pinaliwanag ko pero parang mas kinilig si Mikaela. Weird friends are weird.

"Ayieeh! Tinulungan ka ni Silver Torres? Pinayungan ka ni Silver~ The Silver Jeremy


Torres?"
"Hwag ngang OA!" kung magsalita para namang isang royalty ang tumulong sa akin at
naging napakaimposible nun. Sinamahan ako ni Mikaela sa Locker room, para magpalit
ng P.E. uniform

Madali kong binuksan ang pintuan ng locker ng...

*blag*

"Aray!!"

"Ano ba yan?!" gusto nang mag-wala ni Mika. "Clumsy ka!"

Nabagsakan kasi yung paa ko ng pintuan ng locker.

"Hindi ako clumsy, ilan ang probability na mabagsakan ang isang tao ng pintuan ng
locker? Clumsy na ba kung sira pala yung pintuan ng locker ko ? Ikaw? Kahit ba
sobrang lakas mo masisira mo na yung pintuan ng isang metal locker na parang ikaw
si incredible hulk at babagsak ito sa paa mo? Nangyari na ba sa'yo ito? Nangyari na
ba 'to sa mga nakapaligid sa atin? ha?" tuloy-tuloy kong sabi. Gusto ko lang namang
patunayan na hindi ako clumsy. Hindi naman parang babasagin yun na natabig ko lang
para masabing clumsy ako. Pintuan yun ng locker. Dapat ba ineexpect ng lahat na ang
pintuan ng locker ay masisira, wag bibitawan pagbukas dahil mababagsakan ang paa.
Dapat ba may ganung placard na nakalagay sa locker room?

"Okay-okay... Kalma, kalma. Pati locker naman Zy, hindi ko talaga alam kung bakit
ganyan nangyayari eh. Wag mo kasing isiping mamalasin ka, para di ko minamalas."

"Hindi ko yun iniisip. Nilalamig ako ng sobra para isipin pa na mamalasin ako sa
locker."

Grabe. Hanggang locker minamalas ako. Nasira pa habang binubuksan ko? Hanep naman.
Pinilit kong ibinalik yung pintuan ng locker ko pero wala eh, ayaw talaga. Bahala
na. Wala naman sigurong mananakaw diyan. Pinabayaan ko na lang. Sinampay ko yung
nabasa kong uniform sa labas ng locker bilang hindi ko na rin naman siya maisarado.

Grabe buti na lang hindi masyadong nabasa ang undies kaya okay pa naman ako at
nakapagpalit ng maayos ng PE uniform.
Pumasok na kami ni Mikaela sa classroom kahit medyo nahihiya pa ako, ako lang ang
naka-PE uniform.

"Zy?! Hindi P.E. ngayon?" sabi ni Alyanna isa ko pang friend. Dalawa sila ni
Mikaela na nagtitiis sa kamalasan ko. Siya yung isa ko pang maituturing na
bestfriend.

"Hay naku Yanny, nabasa lang yan ng ulan. Bumaliktad yung payong niya like the
usual malas... pero alam mo ba... may nangyaring maganda..." nambibitin pa si
Mikaela

"Ano?! Ano?!" na-excite tuloy ang bata.

"Uhm... Wala lang naman... Pinayungan lang naman siya ni Silver."

"Silver?" lumaki yung mga mata ni Yanny.

"Oo Silver. May iba pa bang Silver? Sa sobrang unique ng pangalan niya, may iba pa
bang Silver kang kakilala?"

"Mika." gusto ko siyang suwayin. Syempre kilala ni Alyanna si Silver.

"Ay." napatakip na lang ng bibig si Mika, gustong bawiin lahat ng sinabi niya. May
crush kasi si Yanny kay Silver Jeremy Torres. Just like the other girls. Hindi lang
naman siya yung gwapo sa school, pero, syempre yung iba, tulad ni Alyanna, maraming
crush, at sa list of crushes ng mga babae (dahil uso daw ang mga lists of crushes)
di pwedeng wala ang nagiisang Silver doon. Madalas pa on top of their list si Mr.
Torres.

"Oy, friend! Hwag kang ganyan! Tinulungan lang siya ni Silver" sabi ni Mikaela ng
maalala ang sitwasyon at makitang parang naka-pout si Alyanna.

"Ang daya, ako di ko man lang maexperience matulungan nung supladong yun."

"Hindi naman siya suplado." sabi ko.


"Tignan mo!!" dinuro ako ni Alyanna. "Paano mo nasabing hindi siya suplado? May iba
pa ba siyang ginawa bukod sa pinayungan ka? Kinausap ka rin niya?!"

"Yans! Ano ka ba! Wala-wala! Wala na!" suko na po ako. Parang policewoman si
Alyanna na nire-raid ang buong katauhan ko. "Feeling ko lang naman hindi siya
suplado. Magkaiba naman ang suplado sa hindi nagsasalita. Mukha namang hindi lang
talaga pala-imik yung tao. Sorry na. Sorry." hindi ko alam kung bakit ako nagso-
sorry.

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang sakit sa mga pisngi ko.

"Ang cute cute mo talaga Zylie. Syempre joke lang yun. Hahahaha" kinukurot na pala
ako ni Alyanna sa mga pisngi! Gawain niya yan! Sobrang sorry pa naman ako tapos
pinapagtripan niya lang ako.

"Ang sakit!" syempre mas okay na 'to, kesa yung totoong nagtatampo siya.

Pumasok na yung teacher namin habang ineexercise ko ang mukha at pinapawala ang
sakit mula sa pagkaka-kurot ni Alyanna. Si ma'am na cute. Napangiti ako. Para sa
akin etong si ma'am ang cute at hindi ako. Ang cute cute niya lang.

"Hi class!" bati ni ma'am na labas pa ang dimples. Shocks ang cute.

"HI MA'AM"

Ang energetic ng klase? Ang lakas sumagot ng mga classmate kong lalaki! Hahahaha.
Basta talaga maganda. Hindi lang ako ang nagagadahan kay ma'am. Hindi ako dapat
mabahala.

"Bago ang lahat may maganda at masamang balita ako, anong gusto niyong unahin ko?

"Maganda!!!!" sigaw ng karamihan.

"Okay!! Sige." lumapit si ma'am sa amin at ngumiti. Tuluyan ng natunaw ang klase
dahil sa bitbit ni ma'am na eternal sunshine na nagmumula sa kanyang mga ngiti.

"Hoy Zylie! Nato-tomboy ka na naman..." bulong ni Mika.

"Sobra ka! Nagagandahan lang eh... Shhh..."

"Ang magandang balita ay... NAKAPASA KAYO LAHAT SA EXAM! Congratulations class! Ako
ang pinakaproud sa lahat!"

Talunan sa classroom. Yung iba lumuluhod na na parang mapapaiyak na. Ang o-OA ng
kaklase ko ampf. Nagyayakapan pa yung iba. Yung iba kala mo nanalo sa miss universe
ang itsura na nakatakip sa bibig at luhaan pero maganda pa rin. Hahahaha.
Nakakatuwa ang paligid. Niyayakap din ako nila Mikaela at Alyanna. Para kaming
sandwich dito, ako yung palaman. Unghf

Masaya din naman ako. Si ma'am cute kasi, ang sabi niya kapag nakapasa daw dito sa
exam na to, exempted na sa finals. C'mon. Hindi ko yata masisisi ang reaksyon nila.

"Pero...." Awat ni ma'am sa amin na parang isang broken pedestal.

Oo nga pala, may isa pang balita. Sasabihin niya ba na meron palang isang bagsak?
At ako yun? Pwedeng mamatay na lang? Sabi ko na... Sabi ko na... Napakamalas ko
lang naman kasi...

Nagbago ang aura ng klase. Kung kanina ecstatic sila na akala mo mga ipis na
lumilipad, ngayon mga tuod na sila na nakatingin kay na parang nagaantay na sabuyan
ng asin. Ganun.

"I'll be leaving, bago mag-end ang klase"

*sigh*

Hindi ako bagsak... Pero, si ma'am na mahal naming lahat? Leaving? Pano na ang
eternal sunshine? Ang dimples tuwing umaga? Mawawala na? Sa kalagitnaan ng klase?

"Ma'am! For good?"

"Natanggap kasi ako sa Grad School sa ibang bansa. So mag-aaral ulit ako. Aalis ako
sa first week ng December."

Weh? Naiiyak ako? Napamahal na sa amin si ma'am eh.

Pero bigla akong natawa. Yung mga lalaki ko kasing classmate. Senti mode sila.
Mukhang gusto talaga yata nila si ma'am. Sambakol ang mukha nila eh. Di ako sanay
na serious. Yung isa sumisinghot-singot pa. So hindi natuloy ang luha sa kanan kong
mata. Distracting kasi sila kuya classmate hahaha. Nagdududa ang utak ko kung totoo
ba 'to?

"Pero hwag kayong mag-alala class, may bago tayong faculty. Next week nandito na
siya. So be good guys, ha?"

Natapos ang klase namin na malungkot pa din ang classmates ko. Syempre kasama na
ako. Nagpaalam muna ako kina Mika at Yanny para pumunta sa locker room para tignan
kung tuyo na ang damit ko. In fairness naman tuyo na. Ibinalik ko sa locker yung
P.E. uniform na gamit.

"Huh?!?!"

Nagtataka ako. Buo na naman kasi yung locker ko. Nananaginip lang ba ako kanina? Di
ko na lang pinansin. Baka tumama lang yung pagkakabalik ko kanina nung pintuan nung
locker. Tumakbo na ako sa pabalik sa classroom dahil baka late na ako sa second
period ng...

Yes universe.

Mainit, universe. Ako'y minalas na naman. May nabangga akong isang babae at...
natapunan ako ng iniinom hawak-hawak niyang kape. May namimigay pa rin ba ng kape?
Walang katao-tao sa corridor san naman sumulpot tong si ate at sa lahat naman ng
makakabangga sa malaking corridor ay ako pa.
"Oh my Sorry! Hindi ka kasi tumitingin sa nilalakaran mo eh"

WHAT! Tignan mo 'to Nagsorry pa! Sisisihin din naman ako.

Pero ang init! Hindi ako makahinga! Napaso ang dibdib ko! Syempre hindi ko na
nasabi yun ng malakas.

"Hahh... Hoo..." di na ako makapagsalita. Napakainit ng kape. Bumuhos sa mismong


dibdib ko at parang hindi na ako makahinga. Ni hindi ko man lang masagot yung
nakabangga sa akin.

"Ikaw naman kasi eh, kukuha tuloy ako ng kape ulit." Gusto ko syang bigyan ng mag-
asawang sampal kung hindi lang dahil sa nararamdaman ko. Pati yata bra ko nabasa sa
kapeng yun!!!

"Aba ate sumusobra ka na, ikaw nga ang nakasakit!"

"Anong ako hindi-" naputol ang sasabihin nito. "Hi! Hi Silver!"

Napalingon ako. Silver? Si Silver? Nandito na naman to? May hawak na kape si
Silver. Ibinigay niya ito sa babae.

"Take this."

Parang may dyspepsia naman yung mukha ni ate nang tanggapin niya yung kape. Akala
niya yata, isa yung trophy kaya tuwang-tuwa siya ng matanggap ang styro ng kape.

Bago pa ako mapakamot sa ka-weirdo-han ng mga pangyayari, nagulat na lang ako ng


bigla akong hilahin ni Silver. Nakakaloka. Napansin kong imbis na ako, eh si ate na
lang yung napakamot ng ulo.

Dinala ako ni Silver sa locker room at at....


Hinubaran niya ako!!!!

Oh my Gosh.

"Teka! Teka! Uy ano ba yan, hindi porket gwapo ka ha- I'll be making out with
you!!!"

Di ito nagsalita. Nakabra na lang ako at hiyang hiya sa harap niya. Ang lakas kasi
niya. Nahubad niya pa din ang blouse ko kahit nagpupumiglas ako (kahit hirap dahil
sa sakit ng paso mula sa mainit na kape).

May kinuha siya sa ref ng locker room. May ice pack dito. Nilagay niya sa dibdib
ko. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay din sa ice pack.

Pagkatapos itinalikod niya ako. Tska siya nagsalita.

"Dumeretso ka ng clinic. Baka burn na yan."

Habang sinasabi niya yun. Sinuot niya sa akin yung jacket niya. So ako naman.
Nakatalikod na akala ko kung anong gagawin sa akin. Naghintay muna ako ng ilang
saglit bago nagkalakas ng loob humarap. Pag harap ko wala na si Silver.

Hinawakan ko yung blouse ko. Ang init pa din. Bagong kulo yata yung kape. Akala ko
naman pinagnanasaan na ako ni Silver. Tinanggal niya lang pala yung blouse dahil sa
sobrang init nito.

Dumeretso na akong clinic. At sabi naman ng nurse doon, hindi naman daw masama at
hindi naman umabot sa kung anong degree ng burn.

"Buti at nalagyan mo agad ng ice pack. Buti kamo at meron sa locker room nun. Ang
galing talaga ni coach para maglagay ng ice doon." sabi ng nurse.

Buti nga talaga at may ice pack sa locker room. Isang mahabang hallway lang din
kasi ang locker room ng lahat. May mga dividers lang ito per section at teams ng
school. Marahil nilagay talaga ng coach ng basketball team yun. Swerte swerte.
Iniisip ko, naging maswerte pa rin ako, kahit na... malas pa rin.

Bumalik na ako sa klase. Alam kong late na ako kaya nagre-ready na ako ng speech
habang pumapasok ako sa classroom. Pero may problema.

*later*

##################################

~~Chapter Two- Bosom Buddies~~

##################################

MIKAELA's POV

"PRESENT!" sigaw ko sagot sa teacher na tumatawag attendance, randomly. Siya lang


yata ang ganun, hindi alphabetical ang attendance. Pero mabuti na rin dahil kung
hindi, matagal ng tinawag ang Carbonnel, Zyla Lienne.

Na hindi ko alam kung saan na napunta at nagpaalam lang magpapalit ng uniform sa


locker room.

Yun ay parang 15 minutes ago... Ganun ba talaga dapat katagal? O dapat na akong
mag-alala? Maaga na nga umalis si ma'am Dina kaya maaga rin siyang nakababa, pero
anong nangyari?

"Hwag mong sabihing nagdrama siya sa locker room dahil sa nalalapit na pag-alis ni
ma'am?" hinawakan ko yung kwelyo ni Alyanna pero agad ko ring binitawan matapos
niya akong suklian ng maasim na mukha. "Right, hindi nga umiyak yun nung nangibang-
bansa yung panganay nila eh nuh?" kahit halos kasabayan lang yun nung quote
paglalaho unquote ng ex niya.

"Awwww... Si kuya Zachary Lay "The Pogi" Carbonnel!" si Yanny with matching
sparkling eyes. Made me think. ngayon ko na lang uli narinig yung pangalan na yun.

"Anobayan! Tignan mo ikaw!" kinurot ko siya ng bahagya sa tagiliran "Lahat na lang


crush mo! Pati mga kuya ni Zylie hindi mo pinatawad! Pati tuloy ako nawawala sa
sinasabi ko!" Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin sa pinto, still no sign of Zylie
"Nasaan na si Zyla? Labasin ko na ba?"
"Baka nasi-CR? Tumae muna? Nabalisawsaw at natagalan kasi hindi makawiwi?? Pwede
naman ding hindi naman talaga siya pumunta sa CR in the first place? What are the
odds? Madami namang pwedeng gawin sa pagdaan papuntang locker room. Pwedeng
nakaramdam ng sakit ng tyan at ayun, kinausap muna si mayor. Or something..."

Baliw talaga 'tong si Yanny. Half of me wants to strangle her, habang yung
kalahati, tawang-tawa na. Alam ko naman kasi na deep inside alam ko nag-aalala din
yan. She's just trying to lighten up the mood dahil alam naming dalawa na hindi
natae o kung ano man si Zylie. Minsan kasi, malingat lang kami dun sa babaeng yun,
nadulas na pala, or sumabit na lang at nakaladkad ng sasakyan. (Which really
happened btw)

Sumabit talaga ang strap ng bag niya sa dumadaang sasakyan at nawala na lang siya
habang kausap namin. Nagulat na lang nga kami ni Alyanna nun eh! Buti na lang at
tricycle lang yun at hindi mabilis o malaking sasakyan. Pero ganun pa man, ikaw ba
naman makaladkad ng sasakyan habang nasa sidewalk ka naman? Baka Zylie na ang
pangalan mo.

Pero hay nako. Hindi pa rin ako naniniwala na siya ang reyna o kahit dyosa ng
kamalasan katulad ng pinagsasasabi ng mga tao sa school. Nagkataon lang talaga na
ganun. Basta sa tingin ko, coincidence lang yun. Nakakainis na sisikat na nga lang
siya, sa ganung moniker pa.

Baliw lang talaga ang mga taong nagsasabing malas ang buhay niya. Meron bang ganun?
Isa pa, feeling ko iniisip na lang din ni Zylie na malas siya kaya ganun na din ang
nangyayari sa kanya. Nasa isip lang ang lahat.

Nagsimula kasi yan dahil sa ex niya. Si Terrence. Ayaw ko na siyang tawaging kuya
dahil nawala na lahat ng paggalang ko sa kanya pagtapos ng ginawa niya. Na bigla na
lang hindi nagparamdam. What is being a gentleman right? Naging sila ni Zylie nung
1st year highschool kami. Si Zylie naman kasi eh, ang bata-bata pa nun. 1st year
siya 3rd year na noon si tandang Terrence. Oh yes, tanda! Dahil 3rd year siya as
3rd year college. College. Talande kasi yang si Zylie eh hindi ko alam bakit
nakabingwit ng mashonda. Ayan, namatanda siya.

After a year kasi nung graduating na si tandang Terrence, naging busy at biglang
Poof! Parang bulang nawala. Just.like.that. Kinokontak ni Zylie wala! Hanep lang.
Walang pasabi. Pinagdadasal na lang namin ni Alyanna na namatay na lang sana siya.
Pagkatapos kasi ng lahat ng yun, may isang phase sa buhay ni Zylie na lahat down
siya. Pamilya, school, at sumabay pa ang lovelife at ayun, nag-emote na si Zylie ng
tungkol sa kamalasmalasan at nagtuloy-tuloy na. Hindi na yata natapos-tapos.
Hanggang ngayon halos isang taon na, ganun pa rin. Sumikat na siya ng dahil doon.
Zylie: Reyna ng Kamalasan.
Ngayon nga 3rd year high school na kami. Medyo naka-move on na din si Zylie. Yata.
Pero hwag na hwag mong babanggitin ang pangalan ni Terrence o kahit sino pang
Terrence na namesake nun. Biglang mag-iilaw ng red ang mata ni Zylie at magiging
kamukha niya na si Bellatrix Lestrange, patabain mo lang yung mukha, ganun! Kung
iniisip mong hindi pwedeng maging mukhang death-eater ang cute niyang muka... think
again...

First bf niya eh... You don't say.

Pero, ganun pa man, ang cute cute niya pag nangyayari yun. Ang cute niya kapag
nagagalit at naasar. Hindi yata siya aware sa bagay na yun. Na isa siyang cutie
patootie na pwedeng gawing keychain! Term talaga yun sa kanya. Like any normal
person in any normal circumstance will approach her and say Pwede ba kita gawing
keychain? Haha!

Hindi bagay na kontrabida kapag nagagalit (na bihira lang naman mangyari). Kaya nga
masarap asarin si Zylie eh. Di ko nga alam kung bakit binu-bully siya sa school
dahil sa kamalasan niya.

Akala ko dati, magiging man-hater yan si Zylie eh, Pero buti na lang hindi umabot
sa ganun dahil na rin siguro sa fact na may dalawang (hot at gwapong) kuya siya who
are impossible to hate. At ang papa niya, iluklok mo na sa pedestal sa sobrang
dakila.

Kaya kanina, natuwa talaga ako nung nakita kong kasabay niya si Silver pumasok eh.
Hindi niya ito tinatarayan or something. Sabay lang sila, kalma lang. Ang saya.
Fluttering hearts everywhere. Haha! Siguro dahil na rin sa tinulungan siya nito.

"Wala na... Absent na si Zylie" bulong sa akin ni Alyanna matapos magcheck ng


attendance yung 2nd period teacher at wala si Zylie. Bokya. Oh my nasaan na kaya
siya?

"Pupunta tayo sa auditorium ngayon dahil may film showing for career orientation.
Kasama ang ibang sections ng 3rd year." sabi nung teacher namin sa second period.

"Hala wala pa si Zylie!"

"Oo nga itext mo na lang"


Pasimple kong kinuha ang celphone dahil bawal magtext sa klase. Nagtext ako sa loob
ng bag habang nakatingin pa din sa teacher. Para hindi mahalata.

|zy, audi tayo. career orientation|

Sana mabasa niya ang message if ever bumalik siya. Alangan namang magsulat ako sa
board ng ZYLIE, NASA AUDITORIUM LANG KAMI. Baka pagalitan ako, at baka lalong
tanungin kung nasaan si Zylie.

Bumaba na kami sa school auditorium ng salubungin kami ng nakakainis na babae.

"Nasan ang kaibigan niyong malas?" sabi ni Carly

Weird talaga ng mga taong naghahanap ng away, hindi mo naman sila inaano. Sila yung
mga taong hindi ko ma-gets.

"Nasa pwet ko nagka-kape!" sigaw ni Alyanna.

"OMG, your joke is like a decade ago already!"

"Alam ko! Bagay kasi sa utak mong pang-6 years old!" palaban si Yans

Bubwelta pa sana si Carly ng tawagin na siya ng leader nila na si Bettina. Them,


pretty girls.

"Guys! C'mon!"

Buti na lang at medyo mabait tong si Barbie slash Bettina slash prettiest-girl-
you'll-ever-find-in-highscool. Hindi siya sobrang mean not the likes of Carly and
her other friends. Hindi ko nga alam kung peke lang ba o front niya lang yun. Pero
okay na rin kesa nakisawsaw pa siya sa pantitrip ng iba kay Zylie.

Irereserve ko sana si Zy ng seat ng pagbawalan ako. Anong pakulo ang first come
first serve basis eh wala namang ticket sa auditorium. Lahat naman kami nagbabayad
ng tuition fee.

Pero wala na akong nagawa. Hala. Sige bahala ka Zylie.

"San na kaya si Zylie?" Di ko maiwasang mai-voice out ang pagiging anxious na wala
pa rin si Zylie. Nasan na ba yung babaeng yun? Tumingin tingin ako sa paligid. Ang
nakikita ko lang na late na naglalakad eh si Silver.

Tumitingin tingin din ito sa paligid. May hinahanap din siya? In fairness.
Nagkatamaan kami ng mata dahil tumingin siya sa gawi sa amin. Tapos kumunot yung
noo niya. Pagtingin ko kay Alyanna parang naghahyperventilate na. Siguro nadaanan
din siya ng the stare ni Silver.

"Hoy!"

"Oh my God. Mika. Oh My God. I think I'm pregnant."

"What?!" seryosong kinabahan ako. Akala ko naman nagpapanic siya dahil sa pagtingin
ni Silver sa gawi namin, pero hindi pala? "Anong pregnant ang pinagsasabi mo?
Kanino ka nakipagpremarital sex?"

"Premarital sex?! Of course not!" masyadong malakas ang pagkakasabi niya na


napatingin na rin ang iba.

"Shut up. Explain."

"Nabuntis ako ng mga titig niya."

"Okay that's it. My Alyanna meter is full." umakto akong tatayo at pinigilan niya
ako. Baliw talaga, mabubuntis sa mga titig lang?"

"Seryoso tinignan niya ako!! Hindi ka ba naniniwala? I swear nakaroon kami ng eye
contact! Alam mo ba na yun ang 1st level ng skinship? Eye contact Mika, eye
freakin' contact! That's the start! And that's enough for me to feel the presence
in my womb!"
"Skinship whatever! Nagalala ako na buntis ka talaga! Tapos yun lang pala!" gusto
ko bawas-bawasan niya ang pagiging OA minsan.

"Oh sige na, hindi pala ako buntis. Ang totoo, wala na akong ovary, sumabog na.
Silver Jeremy Torres: Blowing up Ovaries Since 1993."

Hindi ko na pinansin si Yanny dahil hindi rin naman matatapos. Fangirl eh. Tumingin
na lang ulit ako kay Silver. Bigla siyang tumayo. Weirdo talaga. Naka-upo na nga
eh, umalis pa. Eh alam na ngang first come first serve dito. Sinundan ko na lang
siya ng tingin. Pero humalo na siya sa madaming tao. At nawala.

Si Alyanna naman ang adik parang naka-drugs pa din. Kulang na lang dumugo ang ilong
at bumula ang bibig.

"Nasan na? Nasan na? Where is my ovary?" nagpanic si Alyanna.

"Hindi ka titigil?!" binalaan ko siya

"Wala na si Silver, dinala niya na kasama ang ovary ko."

"Ikaw mas inaalala mo pa yang Silver mo kesa kay Zylie?"

"Huhuhu sorry na! Minsan lang naman ako tignan ni Silver eh." seryosong worried
siya

"Wow!" I scoffed "What is potassium? Push mo yang ikaw talaga yung tinitignan ni
Silver ah."

"Bleeding, hindi ba?" with sparkling eyes sumagot siya.

"Arsehole!" hinawakan ko siya sa dalawang balikat niyugyog. Umaasang babalik siya


sa realidad. "Dumapo lang yung tingin niya, okay? nadaan ka lang ng mata niya. Alam
mo yung dumaan lang?"
"Pero tumingin talaga siya dito?"

"Magkaiba ang nasulyapan kesa tinititigan Yans."

"TINITIGNAN AKO!" pilit niya.

Isasaksak ko pa talaga sa baga niya ang realidad at willing pa akong makipag-gyera


kay Alyanna ng biglang magsalita na ang MC.

"GOOD MORNING STUDENTS!!"

Lalo tuloy akong nag-alala kung nasaan na si Zy.

*later*

##################################

~~Chapter Three- Earshot~~

##################################

SILVER's POV

"Just take the bus, or the train."

"Mom." I sighed. Almost a grunt.

"Anak... Marami akong nakikitang schoolmates mo sa bus stop, you can hang out with
them. Take the opportunity while your car's in the repairs."

Gusto kong mapakamot ng ulo habang kausap ko si mommy. I can't remember any
instance that I've won a conversation over her. Well, maybe I can. If I wanted to.
Never really tried. Let's just keep it that way, because I couldn't really argue.
Or continue arguing. I just keep mum. Knod my way until kingdom come.
"A broken car is never an opportunity." hindi ko alam bakit sumagot pa rin ako.
Alam kong hindi yun ang point niya. Alam ko rin naman ang pinatutunguhan ng
argument ni mommy. Me hanging out with other people. Me, making friends. And other
relationships... That's what she wants.

"You know what I mean, son. I'm really starting to think that you are a sociopath."

Sociopath. Mom do you even research? Gusto ko sana siyang bigyan ng definition. But
I know she's just exagerrating. She's a professional and I can't lecture her about
psychology terms and personality disorders.

"I don't have a criminal mind, mom. I have a conscience. I have a moral
responsibility. I love you mom. And yep, I am NOT a sociopath." I just made it
clear.

"Just... just try... try to meet other people." She made her point once again.

"I am. I meet people at school."

"Just try to make friends. You can have any other relationship with your classmates
than being just a mere classmate." I noticed what she's implying.

"I don't need them, people."

"Tignan mo. You, saying that. That just shows how you really need people, Silver.
Oh, my Silver... You are actually making point for me. "

And then a hug.

~
I submit myself.

I give up. Sabi ko na I could never argue with mom.

She ends up winning. Or maybe I let her think she's won.

Pero ganun pa rin. It'll end up with a hug. How are you supposed to have a goof
comeback after a hug from your mother? Kahit kailan hindi pa ako nasabihan na isa
akong mama's boy. We are never clingy. But some instances (like this), she hugs me
like it's the answer to everything. Definitely no good comebacks. No more argument.
She'll make her point, and will just affectionately call me my name. SILVER. Enough
to remind me how weird my name is. And will successfully divert my attention. Like
now.

Seriously? Silver. Pilak? Argentum? No matter how you translate it or transliterate


it, it still sounds really off. Absurd.

Imagine every start of classes. Kailangang magpakilala. Every new meetings. Imagine
the hardest part. Ako nga pala si Silver. Repeat until fade. Sounds like a half-
baked username every single moment I introduce myself.

Hindi ko talaga alam kung bakit Silver pinangalan sa akin ng mga magulang ko. Until
now. I find it somehow, outlandish. 'Di naman daw nila favorite ang Silver. Siguro
weird lang sila magpangalan, these two completely normal people with completely
mundane names.

Hwag na tayong lumayo pa, punta na lang tayo sa pangalan ng mga kapatid ko. I have
two younger sisters. Twins, just like any bubbly mom wishes for. Beautiful
identical twins. Pero ang mga pangalan nila, from another planet. Naiisip ko na
agad ang common senaryo: Q: Anong pangalan ng mga kapatid mo? A: Lemon Jane at
Orange Grace. Orange and Lemons? How can you say that so casually na hindi magiging
awkward at mapapatawa ang kausap mo?

Akala ko nga nung bata ako, norm ang pagpapangalan sa anak nila ng pangalan ng
isang prutas. Pero hindi pala? Pero buti sana kung yung tipong prutas na
matatagpuan lang sa Himalayas, very rare at nakita ng mga magulang ko kaya
ipinangalan nila ito sa kambal. O yung kasing common ng apple. Pero hindi. Sinong
nagpapangalan sa mga anak nila ng orange at lemons? Yes, welcome to my family.

I've heard cool daw ang pangalan ko. Lots and lots of times from many different
people. Oo, siguro... kung Silver lang sana, I might consider it. But I have a
second name. Jeremy. At ako ay si Silver Jeremy Torres. Isang kulay silver na
Jeremy. Parang preamble ng isang superhero bago niya ilabas ang mga superpowers
niya at ilampaso ang mga kalaban. Pwede ng isama sa Power Rangers. O side-kick ni
Shaider. That's how ridiculous it sounds, to me.

Pero hindi ko alam kung bakit parang tingin pa ng tao, eto na ang pinakamagandang
idea and the point of my existence.

"Pangalan mo pa lang, ang gwapo na." naalala kong sabi ng isa kong nakakilala sa
quiz bee. Kelan ba nagiging gwapo ang pangalan lang? Lalo pa't Silver ito?
Binayaran ba sila ng mga magulang ko para sabihin sa'kin yun? The world really has
a special place for weird people.

At ngayon nga, hindi ako nag-bus o sumakay sa tren. Naglakad na lang ako dahil sabi
nga ni mom, maraming schoolmates sa bus stops o kahit sa tren. Others smoking. Yung
iba halos tumambay na sa mga stop at hindi makaalis hangga't hindi kumpleto ang
barkada. Noisy people. Kaya naglakad na lang ako.

Mom is right in all counts. I avoid a lot of social interactions. Unnecessary


bureaucracies na wala namang value add sa mundo at sa huli, ikaw rin ang talo.

Silver Jeremy, please.

Again, that's mom's voice. Sinasaway niya ako hanggang sa utak ko. Mom never liked
me being like this. Saying I was bitter. Or pathetic. Then hug me after like she
was the biggest paradox that ever happened. Reprimanding me, then taking me back
blindly. Wala kasi siyang choice. She needs to accept me and the issues I have.

Anyway, speaking of my wheels, I have no choice but to walk this time. Dahil nasira
yung windshield ng sasakyan ko. I'm not expert with girls. I don't follow any bro
code lest any playboy dictionary. Pero I find most girls complicated in their own
complicated ways. Notice the exponential complication there. Somebody proposed to
me a few days ago. At proposed talaga. Entire big proposal with balloons. And
katulad ng sabi ko. women these days... Siya lang ang nagsasalitang mag-isa. I
didn't confirm anything. Wala akong sinabi dahil ayoko ring magdeny. Denying means
a lot, too. Denying is a lot of drama. And I never liked drama. I left all the
drama after the particular phase in my life.

So there's this girl. Kendra? Nakalimutan ko na kung saan ko siya nakilala. Have
you ever found yourself at the middle of nowhere? Basta ganun. At hindi naman ako
ganun gumagawa ng bullet journal to jot down all my new acquaintances. Basta sinabi
niya na kami na. Siya lang ang nag-assume. Planned a whole lot date all by herself.
Even announced it to the universe. When I didn't show up, nagalit na accusing me of
ditching her?! What in this universe? How can you ditch someone you didn't even
agree on meeting up with? How can a girl work around relationship all by herself?

She was hurt. But she can't hurt me back. I know she can't hurt me. Not that I'm
celebrating it as a fact. I just knew it, as a fact. Can't hurt me back emotionally
dahil hindi naman talaga kami. God knows I barely knew her. Even physically she
can't. Now the poor car has to make a trip to the repairs. Ito kasi ang
napagbuntunan ng galit ni Kendra. At ako. Alay-lakad.

"Hi kuya." hindi mo ako kuya, gusto ko sanang sagutin ang isang babaeng nag-hi.

"Oh my god... Jaw-dropping sex god. Naglalakad sa ulanan."

Sex god? I am not primitive, nor do I live in a cave pero how can girls be so
forward with their words these days? Paano mo nasasabihan ng ganun ang isang
estranghero? Seriously sex god, though? Are they really women? Di na ako
nagaksayang tumingin. Bakit ba kasi involuntary ang pandinig. Naririnig ko pa rin
ang mga bagay na hindi kaaya-aya.

Narinig kong pinag-uusapan ako ng dumaan ako sa harap ng coffee shop. Anong cool sa
naglalakad sa ulanan? Minsan di ko talaga maintindihan ang mga tao. How their
brains are wired. Why they talk too much. How they let other people hear their
thoughts. Ang pagtataka kong ganito eh katulad ng pagtataka ko sa pangalan naming
magkakapatid. Why.

Nagiba na lang tuloy ako ng daan. Ayoko sa main road. Nang sa kabilang kalye ako
dumaan. Lumakas bigla yung hangin.

Mabuti na lang may suot akong jacket at hindi ko naramdaman ang kung ano mang
ikinatarata ng iba.

"Ay bumaliktad yung payong nung ate!" narinig kong sabi nung motorista. Bumaliktad
yung payong? Hindi maproseso ng utak ko kaya tinignan ko kung paano bumaliktad ang
payong.

Pagtingin ko sa tinuturo niya. Si Zylie. Yung cute pero "malas" daw na babae. Yun
yung tawag sa kanya sa school eh. Cute pero malas. Kilala ko siya (bukod sa sikat
yung pagkamalas niya) dahil katabi ko siya ng locker. Parehas kaming nasa 3rd year
sa Vander High School.
Pinagmasdan ko siya at nakakaawang naiipon na ng naiipon yung tubig sa payong niya
na nakabaliktad at nakatutok sa itaas. Hanggang sa nasira na yung payong nito.
Soaking wet, that girl. Napakunot ang noo ko. Kawawa naman. Platsado at maayos na
maayos pa naman siguro yung uniform niya tapos nabasa lang.

Ang ineexpect ko, magsisi-sigaw siya at aangal. Pero tahimik lang siya. Wala siyang
imik. Kakaibang babae. Di katulad ng ibang magsasabi na ng "What the f*uck" o
"ewwww" o "please help me..." at "oh my god" as per usual~women dramas.

Tahimik lang siyang naglakad kahit basang-basa na siya. Ang daming umandar sa utak
ko. Nagkaroon ng maraming laddering para isipin kung bakit hindi siya nagaabalang
magayos ng sarili, o mainis sa nangyari. I know there's no use crying over spilled
milk, pero humans have emotions at dapat nagregister muna sa utak niya ang mga
naganap at magkakaroon ng kaunting reaksyon? Nasaan na? And I don't even like drama
kaya bakit ako mukhang nagrereklamo na walang nangyaring ganun?

Before I knew it, lumapit na pala ako. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin na
lumapit sa kanya. Dahil na rin siguro sa naawa ako dahil sobrang lamig at basa na
siya. O siguro dahil din gusto ko rin makita kung ano talaga yung reaksyon niya. O
kung bakit ganun ang reaksyon niya.

Tumingin siya sa akin ng mapansing pinayungan ko siya. Akala ko magsasalita na


siya. Pero tahimik lang siyang sumabay sa ilalim ng payong ko. I know there's no
use dahil basa na siya pero, it wouldn't hurt a bit kung papayungan ko pa rin siya.

Pagdating namin ng school. May namimigay ng kape. Kumuha siya, syempre kumuha na
rin ako. Freezing cold and a nice cup of coffee is best.

"Thank you." narinig kong sabi niya sa akin. Matipid. Pero I almost smirked. Or
smiled, maybe. Kulit kasi. She said that with the litllest movement her lips can
make. I aslmost asked kung na-try niya na bang mag-ventriloquist.

Madaming maganda sa school. Naririnig ko pa nga ang ilan kong classmate na


binibigyan ng iba't-ibang kategorya ang mga babae. From fit, to pettite, to hot.
Pero ang isang ito. Ang masasabi ko, adorable. Is that even the right word? Para
kasing hindi sapat ang salitang cute sa kanya. It's like describing a pet. Pero oo,
kyot siya. Gusto ko sanang sumagot sa kanya kaso ang daming nakatingin sa amin at
sinasabihan siyang malas kaya tumango na lang ako.

Tumakbo siya sa kaibigan niya.


"Silver ano ba naman bakit ka sumasama sa mga malas?"

"Oo nga silvy! Baka malasin ka sige ka."

Silvy? Seriously Silvy though? Kelan ko pa naging nickname yun? Tinignan ko sila sa
mata. I have to make a point na hindi nakakatuwa ang Silvy.

"Ang gwapo shet!" humawak pa sa dingding ang isang yun.

"Bakit ka ganyan Silver, nakakatunaw ang mga titig mo!!!"

What should I do? Lahat na lang ng gagawin ko, iba ang nagiging interpretasyon. I
am annoyed, can't they see?

Nakita kong lumabas mula sa locker room si Zylie at yung kaibigan niya. Pumunta din
ako para kunin yung books ko. Ng nasa harap na ako ng locker ko, nakita kong sira
ang locker ni Zylie na nasa kanan lang ng akin. I found myself fixing the poor
girl's locker. Sa lahat ng mga nangyari sa kanya ngayong araw, pati ba naman sa
locker? This might be of help.

Pumunta na ako sa classroom at nalaman kong absent ang teacher namin sa first
period. Grade-conscious friends naman gustong mag-groupings na para daw bukas, ayos
na.

"Silver groupmates tayo?" sabi ni Bettina.

"Wow ang swerte talaga ni Silver si Bettina na ang nagyayaya?"

"Okay" lang sagot ko. I care less about the groupings. Kahit ako lang mag-isa kaya
ko naman, mas maganda nga yun dahil walang baggage, walang mga oras na kailangang
in-sync. Pero pumayag lang ako kay Bettina dahil siya lang naman ang pinakamatino
na groupmate. Okay na rin. Hindi dahil sa siya ang pinakamaganda. Wala akong hilig
sa maganda. Hindi ko nga yata alam kung ano ang maganda. Akala ko kasi dati, isa
lang ang maganda.
Umalis ako ng classroom dahil ang iingay nila. Hindi na kasi talaga ako sanay sa
ingay. Kumuha ulit ako ng kape sa baba dahil naalala ko ang mga namimigay ng libre.
Nang pabalik na ako sa classroom, Napansin ko na naman si Zylie. Nabangga ito ng
classmate kong si Frances at natapunan ng mainit na kape.

Napasabi na lang ako sa sarili ko. She doesn't deserve this. Ano bang ginawa nitong
taong 'to ngayong araw para mangyari yung mga ganun? Totoo ba talagang malas siya?

"Hi Silver!" nagawa pa akong baitiin ni Frances. Gusto ko sana siyang pagalitaan ng
maalala ko na sayang lang sa oras. Hindi niya ako teacher lalo't hindi niya ako
magulang. Ibinigay ko ang kape ko kay Frances. Hinila ko si Zylie sa locker room
dahil alam kong may ice pack dun.

Bago ko naintindihan ang ginagawa ko, hinuhubaran ko na pala si Zylie. Ang gusto ko
lang naman malagyan agad siya ng yelo. Naalala ko ng parang recorded sound clip ang
boses ng nanay kong doktor at ang lahat ng paalala niya. Naisantabi ko na hindi
pala ako doktor at si Zylie ay hindi ko pasyente at isa lang palang babae. Medyo
nahiya ako dahil parang hinaharass ko siya. Pagkabigay ko ng ice-pack tinalikod ko
na siya, sinabihan ko siyang pumunta ng clinic, nilagay ko yung jacket ko sa kanya
at pagkatapos nun umalis na ako.

Sakto naman na pinapunta kami sa auditorium pagbalik ko dahil may orientation daw.
Wala ang teacher namin kaya late kami nasabihan ng isang faculty.

"San na kaya si Zylie?" narinig ko na naman yung pangalan niya.

Napansin kong nandun na yung kaibigan ni Zylie at mukhang hinahanap siya.. Tinignan
ko ang mga kasama niya, wala pa rin siya. Napakatagal naman nun sa clinic? Why am I
keeping myself busy? Making myself worried. Bakit kasi narinig ko pa yung pangalan
niya at nalaman kong wala pa siya. Tumayo ako like it's a natural thing. Sa tingin
ko ko nasa itaas pa yun. O baka may nangyari ng masama. Tumakas ako sa teacher na
nasa pintuan ng auditorium para i-check. Baka hindi tumigil yung utak ko sa
kakatanong kapag hindi ko nakita na nakababa na siya.

Look at me being responsible, minding others' business.

Umakyat ako sa mga classroom. At narinig ko ang isang groan. Nakita ko siya, pilit
na binubuksan ang nakasarang pintuan. So weird yet ang kyot. Haha. Nakilala ko ang
jacket kong sinuot ko sa kanya kanina. Akala niya yata nandoon pa ang mga classmate
niya.
What an eventful day, thanks to the involuntary sense of hearing.

*later*

##################################

~~Chapter IV- ZYLIE~~

##################################

kasi nagustuhan mo yung chappie I... >////<

Badtrip na ako! Bakit nila ni-lock yung pinto? Ayaw naman nila buksan. Kanina pa
ako katok ng katok. Wala na absent na ako sa second period. Badtrip talaga.

Hala ano to??

*_*

Bigla akong hinila ni Silver.

Si Silver na naman?
Kung saan saan naman sumusulpot tong isang to.

Saan kami pupunta? Hawak-hawak niyang ang braso ko. Mabuti na nga eh kung hindi,
nadapa na ako. May basa-basa kasi yung hagdanan. Kung hindi siya nakahawak sa akin
malamang nadulas na ako.

"Uy teka san ba tayo pupunta? May klase pa tayo diba?"

Wala bang klase to? Cutting kami? Bakit isasama niya pa ako?

Nasa baba na kami at napansin kong papunta kami sa auditiorium.

Waaah nandito pala sila!! Langya kaya pala walang nagbubukas sa akin.

Wala ng upuan. #_# Nakita ko sina Mikaela at Alyanna pero mukhang wala ng bakanteng
upuan sa tabi nila. Nasa likod na kami umupo ni Silver.
Umupo na ito. Seryowsow mode na naman po siya anak ng teteng.

Pano niya kaya nalaman na naiwan ako sa taas?

Dumating sina Bettina and friends. Mukhang galing pa ito sa CR at nagpaganda.


Parang mga adik. Para namang may magpipitcure sa kanila sa loob ng audi.

Tumabi si Bettina kay Silver.

"Hi Silver! Bakit ka nandito sa likod?" sabi nito

Ngumiti si Silver.

Ngeeee! Ngumingiti?
Parang tanga naman si Bettina tumahimik na, nangitian lang.

Kainis naman to, pag si Bettinang maganda nginingitian!!!! Brrrr! Pero ano namang
pakialam ko? Girlfriend niya ba ako? Wahahaha.

Pero in fairness pinagmasdan ko siya habang nakaupo kami. Ang haba ng pilikmata
niya!

O_O

Binawi ko ang tingin ko! Pano ba naman tumingin siya sa akin kahit medyo nakatungo
siya.Tinignan niya ako sa ilalim ng pilikmata niya. Nagulat naman ako.

Naramdaman kong lumapit siya banda sa akin. Medyo nilayo ko yung katawan ko. Para
na kasi kaming nagde-date sa sinehan kung sa malayuan mo titignan.
Nagsalita siya.

"You okay? Hwag kang mag-alala, di ko ipagkakalat na flat-chested ka" bulong nito.

Ang bango-bango ng hininga niya. Pero anong sabi niya? Flat chested? Duh!!!! Oo nga
pala! Nakita niya akong nakabra lang. Huhuhu Malaki kaya yan 35 ang size ng boobs
ko. Ang kapal ng mukha niya!!!

Biglang nag-dim na yung light. May pinapalabas na clip.

Tatayo na sana ako, badtrip na talaga ako sa isang ito eh ng...

Pinigilan niya ako at hinawakan niya ang kamay ko. Cross-fingers kami. Di ako
makatayo. Ang lakas kasi niya.

>///<
Naiinis ako sa kanya na nahihiya ako na ewan.

Ang dilim tapos hawak ko ang kamay niya. Ang kapal naman ng mukha nyang hawakan
to!!!

Pero ang lambot ng kamay niya. Ano ba to prinsipe sa bahay walang ginagawa? Waaaah
anong ginagawa namin. Kinikilig ako na ewan. Si Terrence pa lang ang una kong naka-
holding hands pero magaspang ang kamay nun.

Weh bakit ko na naman naiisip si Terrence. Wala shoooo!!! Get out of my mind
Terrence!

Para makalimutan ko si Terrence, inisip ko na lang na ang ka-holding hands ko ay


boyfriend ko. Waha. Sorry Silver hindi mo naman alam eh.

*chuckle*

Hala! Para saan yun? Nababasa niya ba ang nasa-isip ko???


Di na ako makapagconcentrate. Naging conscious na ako sa kamay niya. Ang liit kasi
ng kamay ko, narealize ko.

Pagkatapos ng clip. Binitiwan niya na yung kamay ko bago pa bumukas yung ilaw. Weh?
Psychic? Pero wala namang nakapansin na holding hands kami.

"Pasmado"

Bumulong na naman siya.

Sasapakin ko na to eh! Akala ko misteryosong ewan mapangasar pala! Eh anong


magagawa ko kung namawis yung kamay namin. Eh halos ang tagal niya kayang
hinawakan! Hindi na ako nagbalak tumayo. Baka kasi hawakan niya na naman yung kamay
ko eh. Tapos tuksuhin niya na namang pasmado.

Tumingin ako sa kanya. Walanjo! Natutulog ito... or not.

Nakapikit kasi eh. At mas lalo pang naemphasize ang pilik mata. Hala kainggit mas
mahaba pa sa eye lashes ko.
Tapos dumilat siya.

>///<

Buti na lang dumilim na ulit yung ilaw kaya hindi niya, sana, napansin na namula
ako.

Pero, napabalikwas ako, nagulat kasi ako sa kanya at...

Nasira ang upuan. Nahulog ako.

T_T

Grabe naman. Akala ko ba state of the art ang facilities dito? Bakit nasisira yung
upuan? Sadyang malas lang ba ako?
Parang wala namang nakapansin. Buti na lang at hindi ako sumigaw. Sabagay madalas
naman NR ako sa mga pangyayari dahil mabibigla pa ba ako? Eh malas na nga ako
forever?

May humila sa akin patayo.

#_# Si Silver na naman.

Pinaupo niya ako sa upuan niya. Bumulong muna siya sa akin.

"Hwag kasing masyadong tumitig"

Tapos umalis na siya.

Di ko alam kung saan siya nagsuot pero nang nagbukas ulit ng maliwanag yung ilaw,
out of sight na talaga siya.
"Huh? Where is Silver?" tanong ni Bettina. Mukhang ngayon niya lang napansin na
nawala si Silver at ako na ang katabi niya.

"He went out." Sabi ko. Ang ganda talaga ni Bettina pag malapitan. Ang kinis-kinis.
Tapos ang ganda pa ng pagka-brown nung buhok. Samantalang ako black lang. >_<

"Haha, dumating ka kasi. Malas!" umextra pa tong si Carly. Bitch talaga.

Natapos na ang career orientation.

Wala akong naintindihan!!! #_#

"Zylie!!!" narinig ko si Alyanna! Papunta na sila sa akin habang lumalabas na rin


ang ibang mga tao.

"San ka naman nanggaling? Ang tagal mo ha?" mukhang umaangal na nag-aalala si


Mikaela.
"What?! Kaparehas ng jacket ni Silver! Topman yan diba?!?!?!?!?!"

Ha? Infairness kay Alyanna alam niya ang mga jacket ni Silver. Mukhang crush niya
nga talaga. Malamang dapat hindi ko na lang sabihin sa kanila ang mga ibang
nangyari.

"Panlalaki yung jacket mo Zy?" tanong na din ni Mikaela.

"Mika, Yanny! Tara na!!! Natapunan kasi ako ng kape kanina eh. So ayan jacket mode
lang po ako."

Iniwasan kong sagutin yung mga tanong nila.

Buti na lang mukhang hindi nahalata na evasive ako.

"So ano nang napili mong career? Ako gusto kong maging dentist!"
Tanong ni Mikaela habang naglalakad kami.

"Ako maglo-law, susundan ko ang mga yapak ni mommy"

Wow bigatin ang mga dreams ng friends ko. Eh ako???

"Ewan ko." Sagot ko

"Ewan mo?!?!" sabay pa sila.

Sinagawan nila ako? Eh di ko alam eh. Anong magagawa ko TT_TT

"Madami pa namang time eh, pagiisipan ko pa." sabi ko na lang.


Napansin ko si Silver sa may bandang harap namin. Naglalakad din siya. Syempre
babalik na kaming lahat sa classroom. May nakabuntot na mga babae. Mga talande!
Kaasar talaga pag gwapo daming babae!!!

"Hi Zylie baby!!!"

Anak ng tokwa, eto na naman si Buknoy! 4th year high school na siya. Ewan ko bakit
ako napaginteresan.

"Baby your face!"

"Waaah ang cute-cute mo talaga!!" sabi nito

Ay baliw? Tinarayan ko na nga eh. Cute pa ako.

Tawa naman ng tawa sina Mika at Yanny.


"Consistent si kuya ah! Hahaha Baby daw!"

"Ang lakas talaga ng appeal mo sa mga matatanda !"

?_?

Naalala ko na naman tuloy si Terrence. Brrr Ipaalala ba!

Natapos ang araw na wala namang masyadong nangyaring kamalasan. Nilipad lang ng
hangin yung quiz paper ko kanina pero madali lang naman nagawan ng paraan.

Naglalakad na naman ako pauwi as usual.

At.. nakita ko na naman tong Silver na to!!!!


Sinusundan niya ba ako? Ay feeler naman ako, siya nga ang nauuna sa akin maglakad
eh.

Bakit ba kasi naglalakad to eh!

"Uy si Silver!"

"O bilis lapitan mo na!!!"

Nagtutulakan yung dalawang babaeng nasa kanan.

Tumakbo sila hanggang maabutan si Silver.


Tumigil sila. Syempre napatigil naman ako. Di ko alam parang gusto kong makinig eh.

"Silver are you breaking up with me? You didn't call me back!" sabi nung isang
kulot

"Huh?" parang abnormal naman si Silver na walang alam.

"I hate you!" umiyak na yung babae at umalis. Sumunod yung kasama niya.

Si Silver naman parang casual lang. Umiyak yung babae tapos ganyan lang siya!!!
Nakakagigil naman talaga yung mga lalaki!!!

"Hwag ka ng sumunod, pancake!"

Aba, nagsalita. Sinong pancake???


"Ha?!" syempre sumagot ako.

"Ikaw, kasing flat ng pancake yung *toot* mo!" sabi niya habang nakatalikod. So
alam niya palang nandito lang ako sa likod niya.

How dare you!!!! Tumakbo ako.

"Bastos!!" Pero bago ko pa siya naabutan. Natapilok ako. And I twisted my ankle.

>,<

Aray!!!! Sakit!!! Huhuhuhuhuh


Tapos naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin.

"Easy, pancake"

Pancake na naman!!! Naiinis ako pero ang sakit talaga ng kanang paa ko. Malay ko
bang may lubog dun natapilok tuloy ako.

Pumara siya ng taxi. So magtataxi kami? Ang galing niya magpara ha! Pano niya
napara yun habang buhat-buhat ako.

Pumasok kami ng taxi. At ang sakit pa rin talaga. Ang traffic pa din. Naku!!!

Inabot ng 200 pesos yung charge sa taxi. Binayaran niya yun at bumaba kami sa
magandang ospital.

Wow!!!! Parang 5 star hotel naman to.


Binuhat nya na naman ako.

Tinginan yung mga tao eh.

"Hi sir!"

"Good afternoon sir!"

Wow sosyal, ang courteous naman ng mga empleyado dito.

"Good day po Sir Silver!! Sabi nung nasa front desk

?_?

Sir Silver? Kilala siya? So hindi pala sadyang palabati lang yung mga tao.
"We are one of the owners of the hospital" sabi ni Silver na parang nababasa niya
ang utak ko.

Ang yaman!!! May ari ng ospital???

"Sir stretcher na po natin siya"

Sabi nung isang nurse na lalaki.

"No need kay mommy ko na siya dadalhin"

Mommy?

Pumasok kami sa isang room. Nakalagay sa door. Dr. Marriane Torres.

"Mom" sabi ni Silver


Ang humarap sa akin ang pinakamagandang doktorang nakita ko.

"Oh Silver! Oh hi!" bati niya din sa akin

"Ah hi po"

Ang awkward naman! Nagha-hi ako habang nakakapit ako sa leeg ni Silver. Nakakaloka.

"Anong nangyari?" tanong ng nanay ni Silver

"She twisted her ankle" seryosong sabi ni Silver habang inupo ako sa isang upuan.

"How does it feel?" sabi ng nanay nito. Wala ng paki-pakilala eh nuh? Basta ako ang
babaeng natwist ang ankle.
Natitigan ko ng maigi yung nanay niya. Waaah ang haba din ng pilik mata niya!!!
Nagmana pala sa nanay tong si Silver eh!

Inikot-ikot ng nanay ni Silver ang paa ko.

>//< Di ko kaya ang sakit talaga.

"Okay lang magreact Zylie" sabi ni Silver

Zylie? Kilala niya ako? @_@ Hahaha. Teka bakit ba ako natutuwa? Eh ano naman kung
kilala niya ako hahaha.

"Oo nga iha, sabihin mo kung masakit" sabi ng nanay nito.

"Ah opo masakit po!"


"Di yan marunong magreact." Sabi ni Silver patungkol sa akin na para bang kilalang
kilala niya na ako.

Eh ayoko na magreact eh. Kung palagi na lang akong aangal eh di forever na akong
naka-sigaw? Araw-araw at minu-minuto kaya akong minamalas!

"Wait lang pretty girl ah! I'll check the x-ray room" masiglang sabi ng nanay ni
Silver

Umalis ito. Tska ko kinausap si Silver.

"Huy! Wala akong pera."

Nakataglid ito sa akin. Pero tinignan niya ako. Pa-side yung tingin niya na parang
ayaw niyang lumingon.

"Huy!!!" sigaw ko kasi hindi pa rin siya sumasagot.


"Bakit pancake?" sabi niya while sneering.

Tae naman! Pancake na naman.

"Nang dahil sa kaka-pancake mo nasprain ako!!" sabi ko.

"Why blame me? Ikaw ang tumakbo, tska parang pancake naman talaga yun---"

"Aaaaaah!!! Bastos ka!!!!!"

"Wala naman akong nakita eh. Wala naman kasi talagang makikita sa'yo"

#_#
I died.

Alam ko may boobs talaga ako eh. Bakit gano ba kalaki ang boobs na nakikita nito at
nilalait ang hinaharap ko?

Nagtititigan kami ni Silver ng masama ng pumasok yung nanay niya.

"Okay Silver buhatin mo nga siya ulit at iupo dito sa wheelchair, dadalhin natin
siya sa x-ray room"

Hala. Pano? Wala akong pera... Patay na >,<

"Di na mmy, Malapit lang naman yung xray room eh. Baka masira niya pa yung
wheelchair" sabi ni Silver at tska binuhat ako. Ulit.

So masisira ko ang wheelchair kapag umupo ako? Lokoloko pala talaga tong Silver na
to.
Parang nakatawa naman yung nanay ni Silver habang binubuhat ako.

Natapos ang xray at lumapit sa akin yung nanay ni Silver.

"Call me tita Marianne. Di ko alam na cute pala ang taste ng anak ko"

Ano?!!?!?! Di ko agad na-digest yun ah. Ako? Ako ba yun? So cute ako? Pero di naman
kami ng anak niya.

"Tita hindi po.."

"Naku Zylie free na sayo. Minsan lang magdala si Silver ng totoong girlfriend dito"
putol sa akin ng nanay ni Silver
"Ha?"

"Naku alam mo naman yan, maraming nagk-claim na girlfriend niya daw. Kaya nga
nasira yung windshield ng kotse niya kasi sinira nung isang girl dahil sa galit.
Tinanong ko si Silver di niya naman daw sinagot yung babaeng yun"

Sinagot? Nice ah! So siya na pala niligawan ngayon? At kaya pala naglalakad siya
today dahil may nangyari sa kotse niya? Ohh and daming realizations? Pero hindi ako
gf ni Silver? Anung gagawin ko. Free daw dahil gf ako eh, sasabihin ko ba? Baka
bawiin yung free eh.

"Thank you po." Waha yun na lang ang nasabi ko. Maka-libre lang eh nuh.

Tapos, pumasok si Silver sa kwarto. May dalang plastic.

"Ayan! Nandyan ka na pala anak. Ang tagal mo namang bumili sa pharmacy, bandage
lang eh"

Di naman sumagot si Silver. Talagang minsan pipe talaga yun.


Pero bumili siya ng bandage? For me? Wew. In fairness. Pero anong sasabihin ko kay
Silver ngayong napagkamalan akong gf niya.

"Wala namang fracture, may mga gaps lang sa ligaments. Bandage mo lang siya and
then don't forget RICE"

"Rice?"

"Rest, Ice Compress, Elevate" Mababawasan ang sakit niyan pag inelevate mo. Hwag
naman sobra sa ice ha, mga 15 minutes lang baka kasi mafrostbite ka eh"

Ah kala ko kung anong kinalaman ng Rice.

So ayun lover's carry na naman ako ni Silver.

Ang daming nagyari ngayong araw.


"Ingatan si Zylie, Silver" sabi ni tita Marianne habang nasa parking kami.

Ginamit namin yung kotse ng nanay ni Silver. Kulay Pink ang kikay naman ng nanay
niya.

"Silver"

"Yes pancake" sabi nito habang nagmamaneobra paalis ng parking space.

Waaaah!!! Pancake mo mukha mo!

"Napagkamalan ng nanay mo na girlfriend mo ako"

"Okay lang yun pancake. My mom is cool"


Ahh okay mukhang sanay naman yata si mommy niya na marami siyang babae

"Pancake ka ng pancake ah!!"

"Ayaw mo pancake? Sige pimple na lang!"

Ay potek! Pimple? Mas lumiit pa.

"Malaki yung boobs ko!!!" di ko napigilang sumigaw.

"Baka butlig" sabi nito na medyo nakangiti na.

Ang gwapo niya sana! Pero wala ako sa panahon para humanga sa magandang mata niya.
Hindi butlig ang boobs ko. Di ko namalayan, kinuha ko na pala ang kanang kamay niya
mula sa manibela at nilagay ko sa boobs ko.
>//<

##################################

~~Chapter Five- Ménage~~

##################################

SILVER's POV

Poste.

Poste ng Meralco.

Muntik na kaming mabangga sa poste ng meralco. Real shit, unang beses kong mawalan
ng kontrol sa manibela. And as the circumstance chose it, it's my mom's car. Buti
na lang at wala kaming kasunod na sasakyan kundi lagot ako kay mommy kung madadali
ang kotse niya ng gasgas and bumps or even worse. Lagot din ang student's license
ko. It's a lucky escape.

"Oh!" sabi ni Zylie

Oh. mababangga na kami "oh" lang ang sinabi niya. Ibang klase. Dahil ba siya yung
may kasalanan? Kung hindi ba niya ginawang makasalanan yung kalalagyan ng kamay ko,
eh di sana hindi aabot sa swerving ang pangyayari. Pero kahit kasalanan niya. 'Oh'
lang talaga ang battle cry niya kung sakaling mamamatay na pala kami kanina?

To get the record straight, I admit it's not true. Not even the slightest of it.

The... Her... um bosoms aren't really 'flat' katulad ng sinasabi ko, ng inaasar ko.
Hindi naman pancake. Nakakahiya mang pagusapan 'to. At dahil nga nakakahiya kaya
dinadaan ko sa asar. It started when she heard about the 'jellies' doon sa kulot na
kasama ko sa scholastic decathlon. The succeeding bosom metaphors were just damage
control. That's what I've thought. But apparently, hindi naging ganun.

Hindi ko naman talaga sinadya na makita ang undergarments niya. Dinaan ko na lang
sa pambubuska ang pagkapahiya ko sa nagawa ko kaninang umaga. Ang kasalanan ko lang
siguro, natuwa ako sa mga reaksyon niya.

Dahil nga sa kawalan niya ng reaksyon sa ilang bagay, simula ng makita ko kung
paano siya maasar, na parang kapag gusto ko na siyang paliitin at ilagay sa bulsa
ginawa ko na. Ang kyot kase. Yung tipong gusto ko ng kurutin siya sa pisngi. Ang
taba kasi lalo na kapag naasar. Kaso hindi naman kami close para bigla na lang ako
mangurot ng ganun. At hindi ko talaga alam kung pano ipakita ang appreciation.

Kaya ganun na lang ang gulat ko ng dinala niya yung kamay ko sa dibdib niya. My
hands on fire. Lalaki pa rin ako. Gold star, Oo. Kaya kong magmaneho ng isang kamay
pero not when my right hand is on fire. I was literally on smooth and soft
blistering fire. A fire with a heartbeat.

See, what have I become? Corrupted.

Kaya hindi ko na na-kontrol ang manibela at muntik na nga kaming madisgrasya.


Tintigan ko siya. Di talaga ako sanay magalit at magsalita kaya hanggang tingin na
lang. Naiinis talaga ako sa kung anong pwedeng mangyari kung di ko lang naagapan
yun, ng dahil sa pinaggagawa niya.

"Sorry." sabay pa naming sabi. Mukha naman siyang nihihiya. Hindi ko naman alam
kung bakit din ako nagso-sorry. Dahil ba nahawakan ko siya, doon? Kahit siya naman
ang talagang nagpahawak. How can I ever unlearn this day? Is it even possible to
unlearn something?

Hindi na kami nagimikan pagkatapos nun. Itinuro niya na lang yung daan papunta sa
bahay niya. At syempre dahil may sprain nga siya, binuhat ko siya hanggang kanila.

*knock knock knock*

"May tao ba sa bahay niyo?" I asked. Wala kasing sumasagot sa katok ng pinto
"Maaaaaa!" sigaw niya ng mukhang walang nakakapansin sa mga katok.

"Zylie Ikaw na ba yan? Anak alam mo ba tumawag ang kuya mo at nagpadala daw siya.
Alam mo bang halos triple ang perang ipinadala niya nga--" dirediretsong sabi ng
isang may edad na babae na sigurado akong nanay niya. May hawig sila nito,
panigurado ganyang-ganyan rin ang itsura ng babae nung kabataan niya. Maliit lang
rin, at maamo ang mukha. "A-anong nangyari?!"

Tumitig muna ito sa ayos namin ni Zylie. Buhat-buhat ko ang anak niya (and I just
wish she realized she's hurt and not something else.) At sana ang tanong niya ay
para sa nangyari kay Zylie at sa hindi kung saan pa man at kung bakit isang
estranghero ang nasa porch nila.

"Sprain mama." Narinig kong paliwanag niya dahil natigil ang sinasabi ng nanay niya
ng makita si Zylie na buhat-buhat ko na parang kuting.

"Ano ka ba naman anak! Ano na naman ang ginawa mo? Nasaan ang injury? May mga sugat
ba?" inalalayan kami nito papasok sa bahay nila.

Malinis. Yun ang una kong napansin. Bukod sa ilang 3rd year textbooks na nakakalat
sa sala. At mga oil paint na halatang ginamit sa oil paint in canvass na project ng
3rd year. Kay Zylie lang lahat. Gusto ko tuloy matawa. Siya lang ba ang makalat sa
bahay nila?

"Di ka na nasanay diyan kay Zylie, lahat na ng disgrasya kinuha niyan." Sabi naman
nung lalaking pumasok para salubungin kami. Yun ang tatay niya. Soft ang features
nito at kahit papaano ay makikita mo pa rin sa mukha ni Zylie ang wangis ng ama.
Nakakamangha talaga ang genetics kung paano naipapasa ang genes bilang blueprint ng
katawan ng isa tao, sa mga offspring. Kung paanong may mga variations ang alleles
ay naibibigay sa mga anak-anak.

"Hijo! Hijo!"

"Opo?" kausap na pala ako ng nanay ni Zylie. Bakit ba ako nagiisip ng tungkol sa
alleles sa ganitong oraS?

"Salamat hijo ha!"


"A-ah. Okay lang po."

"Ikaw talaga ang laki-laki mo na, nagpabuhat ka pa sa kaibigan mo. Sa taba mong yan
hindi ka na nahiya!" sabi naman nung isang lalaking kamukhang kamukha talaga ni
Zylie. Sigurado ako kapatid niya. ito. Grabe. Genes...

May kuya siya. At dalawa. Siguro dalawa dahil sa narinig ko kanina. Nagpadala daw
ng pera ang kuya nito? May isa pa siyang kuya. Kamukha din kaya niya?

"Kuya naman eh!!!" todo react naman si Zylie sa pang-aasar ng kuya niya. Grabe
kamukha talaga niya. Alternately, tinitignan ko sila. Dahil mas nauna akong makita
si Zylie, ang weird na tuloy makita ang ganung mukha sa katawan at buhok ng isang
lalaki.

Ibinaba ko si Zylie sa isang upuan matapos ko mapagkumpara ang magkapatid.

"Ayos lang yan pre. Culture shock? Happens to the best of us." nakahawak ito sa
mukha na tipong kakandidato ng Mr. Pogi. Sanay na ba ito na may nabibigla kapag
nakikita amazing resemblance nilang magkapatid? Natawa ako, culture shock daw? Di
na lang ako nakipag-argue kahit parang iba ang alam kong depenisyon ng bagay na
yun. Kahit papaano naman ay shocked ako ng split second "Ano nga palang pangalan
mo?"

"Silver."

"Ahhh. Salamat Silver! Sensya ka na dito kay utol." turo nito sa kapatid.

Umiling ako para sabihing ayos lang yun. No harm done.

"Classmate kayo?" umiling ako sa unang tanong

"Batchmate."

"Ahh... Mabuti, close kayo ni Zyla??"


His brother. Probing. I wonder why I am not annoyed. Yet.

"So, so." I Don't really know what to say. Hindi ko naman masabing Yes, we're
close. Baka sabihin ni Zylie, hindi naman talaga at ngayon nga lang kami nag-usap.
And I don't want to say No, we're not close dahil baka mapatapon ako sa Dapitan ng
pamilya niya na inuwi ko siya ng ganun eh hindi naman pala kami close. And... baka
masaktan naman siya kapag sinabi ko ring hindi kami close... What? What am I
thinking seriously?!

"Ikaw Zylie pag kumuha ka ng boyfriend yung kasing edad mo na ha! Katulad nitong si
Silver, hwag na yung kagaya ni Terrence. Hwag yung mga kasing edad ni kuya Zac, Pag
matanda sa'yo, magugulang na yung mga yun."

Nakakunot si Zylie. Mukhang naasar, pero agad ding nagbago at biglang tumungo.

Not that I really observe her everyday to come up with observation. Hindi naman sa
dati ko pa siya inoobserbahan. Ang totoo ay hindi ko naman siya binibigyan ng
atensyon. Wala naman akong makitang pwedeng bigyan ng atensyon sa Vander maliban na
lang kapag kusa ko silang nababalitaan. Katulad minsan na inaabot siya ng
kamalasan, madalas naman strong ng itsura niya.

Pero this is the first time I ever see her with this abrupt change of expression.
Weird. And such a curious thing.

Curious. I found myself curious kung sino man ang nabanggit na pangalan. Terrence.

"Hwag po kayong mag-alala, iingatan ko po si Zylie. Diba pancake?" I winked.

gusto ko lang siyang asaran para hindi na siya tumungo ng ganun. I didn't realize
I've said BIG words.

And did I just wink?!

*later*

##################################
~~Chapter Six- Surprise Pancakes~~

##################################

ZYLIE's POV

WHAT?!

Ano daw? Pero kahit gusto kong itanong ulit, natakot naman akong ulitin.

Ansakit yata ng ulo ko. Nauntog rin ba ang ulo ko sa pagbagsak ko kanina kaya kung
ano-anong nariring ko. Kung pwede lang sanang may Stop at Rewind at Replay ang
moments in life baka ginawa ko na. Sa sobrang bilis ng pangyayari di ko na nadouble
check kung realidad pa ba yung narinig ko. Ano daw? Anong sinabi ni Silver? Ano
bang ipinaglalaban niya?

Speechless ako... Sa harap... Sa harap ng mga magulang ko. Ang isang ito, na hindi
ko naman talaga kilala. Nagkataon lang na nasaksihan niya yung mga kamalasan ko
ngayong araw, ay magsasalita ng ganun kapangahas sa harap ng pamilya ko? Nababaliw
na siya?

Sila mama... Yung itsura nila... Waaah kinikilig ba sila? Yung totoo?

"Pancake ka dyan!!!!" sabi ko na lang na parang yun ang issue. Isinantabi ang mga
iba niya pang sinabi kahit gusto kong idouble check sa kanya... Iingatan niya ako?

Alam ko bilin sa kanya yun ng mommy niya. Pero ingatan sa pagda-drive yun... Not
this way. He implied it in a different way. Sa harap ng buong pamilya ko.

Parang sinabi niya na rin na hindi niya ako sasaktan. At in theory, sinabi niya na
rin na kami na. Pinalabas niya in a way.

Nakakahiya kasi kila mama!

"Hwag ka ng mahiya, pancake." seryoso yung mukha niya, swear. I wonder, paano niya
nasasabi yun ng ganun kaseryoso?
"Naku naman, Zylie!" si mama ay gulat.

"Mama... ano--" gusto kong magexplain pero ano?

"Hindi mo naman kasi sinasabi ang sitwasyon. Nakakahiya tuloy. Upo ka anak." sabi
ni mama kay Silver.

Sitwasyon? So ganun na yun, implied na na kami na talaga ni Silver? Naalala ko si


Dra. Torres... Si tita Marianne. Huhu. Meet the parents na pala ang naganap ngayong
araw? So ganun? Sa mga magulang namin, kami na? Oh my God. I barely knew this guy!

At anong sabi ni mama? Anak? Biglang anak na si Silver? Gumaganti ba si Silver kasi
napagkamalan ako ng nanay niya na gf niya?

"Di na po, paalis na rin po ako agad."

Napapansin kong mahaba naman pala siya magsalita. Marami rin pala siyang nasasabi.
O dahil siguro magulang ang mga kausap niya? O baka naman hindi lang talaga kami
close, paano ko naman masasabing hindi talaga siya nagsasalita hindi ba?

"Eh Silver, tol!"

Tol. Kanina pare, ngayon tinawag na siya ni kuya Zeus na tol.

"Baka pwede namang paki-akyat na rin si Zylie sa kwarto niya."

O____O

"KUYA?!"

"But of course." Silver rubbed his palms at lumapit sa'kin. In the coolest way
possible. Ano bang nangyari ngayong araw na nagdulot sa ganitong sitwasyon?
Nagligtas ba ako ng isang bansa nung past life ko?
Pero thinking about it. Mga adik pamilya ko! So pinabayaan akong i-akyat na parang
isang bagay lang. Paki-abot ng remote, paki-kuha ng barya... pakiakyat nga si
Zylie? My levels. Parang isang pizza at si Silver ang delivery boy. More so. Babae
ako at lalaki si Silver, at 3rd year highschool, height of our hormones. Tapos
ganun na lang?

"Bakit ka namumula diyan?" naramdaman ko na lang, back of his hands on my forehead


na parang inaalam kung may lagnat ako. Gosh. Namula na tuloy ako.

"Wala wala" nahiya ako. Ako lang naman yata ang nag-iisip ng malisya eh.
Pinakiusapan lang naman ni kuya na dalhin ako sa kwarto. Bakit naman kasi ganun
yung iniisip ko. "Wag mo akong hawakan."

"Okay."

"AAAW!" binitawan niya kasi ako at nahulog ako flat sa kama. Hindi naman talaga
masakit. Mabuti na lang malambot ang kama. Nagulat lang talaga ako. Sabi ko lang
wag niya akong hawakan dahil wala naman akong sakit. Binitawan nga ako?

"Hoy ikaw anong pinagsasasabi mo sa baba?" sabi ko na lang imbis na makipagdebate


sa paghawak at pagbitaw.

"What?" nagkibit balikat siya. Nakakainis talaga pero yung mukha niya. Hindi ba
kanina ko pa naiisip, sa mukhang yun, profile pa lang, papatawarin mo na. Nawawala
tuloy lahat, parang wala namang big deal.

Naniwala lang naman ang pamilya ko sa mga bagay-bagay dahil sa implied statements
niya.

"Bawiin mo yun!!!"

"Alin?"

"Yung sinabi mo, iingatan mo ako.?"


"Bakit?"

"Akala nila... akala nila, tayo." kailan pa siya magpapanggap na hindi niya alam
ang naganap? Ang hirap kaya magexplain kapag alam mong alam naman ng tao yung
pinaguusapan niyo.

"No."

"Bawiin mo."

"You heard my mom. I'm just being a good son."

Ingatan siya, Silver.

Narinig ko tuloy sa utak ko yung boses ni tita Marianne. Hay.

"Kahit na! Bawiin mo."

"Nope. Pancake."

"Ay naiinis na ako sayo ha! Diyan sa mga sinasabi mo, pati diyan sa walang
katapusang pancake. What is exactly the point of you?"

"This is exactly the point of me. To say pancakes. Reason for living."

"ANO?!" this smart arse!

"Kidding."

"Hwa! Alam mo... alam mo ang gulo mo talaga!"


"Hwag ka na kasing malungkot! Kung sino man yung Terrence na yun, malas niya."

Terrence. Anong konek ni Terrence dito? More so... Concerned ba siya? Wala naman
siyang alam eh.

"Baka ako ang minalas dahil sa kanya. Tska wala ka namang paki-alam kay Terrence
eh."

Badtrip.

"Ang daldal kasi nila kuya tsssssss, mga lalaki talaga..." bulong ko

"You know... 'Di lahat ng lalaki katulad ni Terrence mo, kung sino man siya."

"Di lahat ng lalaki katulad ng..." I even mimicked his voice. "Yan naman ang
sinasabi ng lahat... At anong Terrence ko? Hindi ko na Terrence yun!!!!!"

"Hmm.. Okay!"

"Anong okay? Okay naniniwala ka. Oh okay hindi ka naniniwala?"

"Uhm.. Okay, I need to leave...Bye Pancake!"

Yun na lang ang sabi niya tapos lumabas na ng kwarto. Naiwan akong nasa gitna lang
ng kama. Nasa height pa ako ng damdamin ko, at naiwan na lang akong mag-isa? Weird
niya! Parang hangin lang na dumaan.

Nagreminisce na lang ako ng mga pangyayari. Hinanap ko ang nararamdaman ko sa lahat


ng nangyari ngayong araw. Hindi ko talaga alam na sobrang mapangasar pala ng Silver
na yun. Kung alam lang talaga nila Mika at Yanny ang mga nangyari, baka hindi sila
maniwala. Grabe, hanggang ngayon, asar na asar pa rin ako sa kanya. Sa kaka-pancake
niya. Yung joke niya kanina?

This is exactly the point of me. To say pancakes. Reason for living.
"HAHAHA!" natawa na lang ako. Ang ewan ng sense of humor niya. Mga bagay na hindi
ko talaga ine-expect.

Kaya naisip ko... hindi naman ako asar na asar to the core. Sobrang gratified nga
ako na nandun siya para tulungan ako sa mga pangyayari... sa mga kamalasan. Ilang
beses ba siya lumitaw sa paligid ngayong araw?

Kaya ayun, kinagabihan, hindi ako makatulog. Paikot-ikot lang ako sa kama. Pulit-
ulit ko kasing naalala si Silver.... Este... yung mga sinasabi niya... yung paulit-
ulit niyang sinasabi. Naririnig ko na parang echo na hindi mawala sa tenga ko.
Parang sigaw ng kaluluwang nagmumulto.

Pancake....

Pancake....

Pancake...

"Waaaaah!!!" napangon ako bigla na parang masamang panaginip yung pinanggalingan


ko. Bakit ba ayaw mawala sa isip ko yung mapang-asar na boses niya? Hindi naman
kasi talaga pancake yung hinarap ko eh.

At mas lalong hindi pimple at butlig...


Bastos lang...

At ako, tanga... Ano bang naisipan ko at pinahawak ko yun sa kanya?

Kainis talaga, pano na ngayon. Nahawakan ni Silver Jeremy Torres yung boobs ko. Ano
nang mangyayari? Buti sana kung nangyari lang yun ng hindi sinasadya, babalewalain
ko na lang. O kaya minanyak niya ako, ireport ko pa siya. Pero hindi eh...
Pinahawak ko! Ako mismo ang nagpahawak. Isa itong matinding sikretong itatago ko to
the grave!

Hay. I'm a hopeless case. Sige... iisipin ko na lang...

"At least naman naprove ko na hindi naman flat diba???!!"

"Kasi naside-tracked siya at namula! Oo diba? Hindi naman siya maapektuhan ng ganun
kung wala lang! Kung butlig lang talaga 'tong akin? Right?"

"Hahaha! Hahahaha! Yehes!"

"Pero nakakahiya pa rin yung ginawa ko!"

"Huhuhuhuhu"

(ZYLIE NAPAKAINGAY MO HINDI KA PA NATUTULOG GABING-GABI NA! MATULOG NA!)

Boses ni kuya! Narinig niya ako?

"Opo!" parang baliw pa naman akong kinakausap ang sarili ma-justify lang ang
pangyayari. Huhu. We all have these tendencies naman hindi ba?
Kinabukasan pumasok ako ng school ng iika-ika. Hinatid pa ako ni kuya matapos kong
magmakawa mabigyan lang ng cab fare kahit nilalakad ko lang naman madalas papuntang
Vander High. Sobrang lapit lang pero naintindihan naman siguro ako ng taxi driver.

Pagbaba ko sa taxi, iika-ika at halos pilantod na akong maglakad. Minsan,


ipinapagpasalamat ko na rin ang infamous na kamalasan ko. Kasi eto oh, 'di na ako
pinagtitinginan. Nasanay na yata sila na kung anu-anong kamalasan ang dumadapo sa
akin. Parang normal na specimen na dinadaanan na lang nila ng mata. May kaunting
pagtataka, o sa iba, pagaalala, pero, wala na rin. Sabi siguro nila. Ah, syempre,
minalas na naman.

"Zylie? Minalas ka na naman?" oh diba, sakto. Si Carly na naman. Bakit ba parang


ready-mushroom tong babaeng ito para lang masira ang araw ng isang tao? Kailangan
talaga, 'minasalas' ang term. Pwede namang nadisgrasya o napilayan. So kailangan
laging ako si miss malas?

"A-ano bang--"

"WOKEY! 'Lika na nga Zylie. Halika nuuuh! Lika na. Eto na ang tubig na pinapabili
mo."dumating si Alyanna at inakay ako. Ang sakit pa rin ng paa ko pero nakakalakad
na naman ng konti.

"Anong tubig? Bakit may tubig?"

"Lumakad ka na lang, bago pa tayo ma-guidance office. Dahil kapag hindi talaga ako
nakapagpigil diyan sa Carly na yan, ingungudngod ko yan sa gravel and sand. Tiganan
natin ang ganda ng mukha niya pag nabutas-butas ng graba!"

"Hahaha! Ikaw talaga! Eh mukhang ikaw yata ang kailangang magtubig." natatawa-tawa
pa ako sa kaibigan ko. Pinigilan niya ako, para mapigilan niya ang sarili niya.
Magkaibigan nga kami.

"Sige, sayo na yan. Uminom ka, hindi ko nga alam bakit ako bumili ng mineral water
may baon nga pala akong tumbler dito." Nialabas niya yung maliit na walter jug niya
na tinatawag niyang tumbler kahit hindi naman lol
"Yanny... Yans, upo muna tayo oh!!! Medyo masakit, na nangangalay, na ewan."
pinatitigil ko siya sa medyo mabilis na paglalakad namin at tinuro ko yung paa ko
na halata namang source of pain.

"Ay... Sige, sige... maaga pa naman eh, ang aga mo nga ngayon dumating eh! Pahinga
muna tayo."

"Sinadya ko talaga dahil alam kong matatagalan akong maglakad. At tska pinag-taxi
ako ni kuya." Naglakad kami papunta dun sa mga benches sa gilid.

"Mabuti naman. Akala ko paglalakarin ka pa rin ni Zeus Lyndon eh." Nakakuha na kami
ni Alyanna ng sarili naming bench. Natatawa ako kapag sinasabi iya ng buo ang
pangalan ni kuya Zeus. Parang galit lang. Ganun niya rin tawagin si kuya Zac. Weird
tong babaeng ito eh.

"Hay salamat nakaupo rin."

"Ano bang nangyari? Naglaro ka ba ng soccer or something? Wala pa naman yan buong
araw kahapon 'diba? Anong ginawa mo pagkauwi bebe?"

"Soccer ka diyan. Natapilok. Ayun. End of story. Wala akong ginawa, may nangyari
lang."

"End of story? Eh ayan na nga ang extended edition. Sprain. At meron pa, pilantod
walks for a few days... or even weeks!"

"Tumigil ka na."

Maya-maya biglang nakita ko si Silver may hawak na supot ng Mcdonalds. Mukhang


magbbreakfast pa lang yata siya. Kumabog yung dibdib ko. Dahil na rin sa naalala ko
yung kahapon. Tska di ko na alam kung anong status namin. Lol! Bakit ba ako
nagiisip ng status-status? As if naman may relasyon kami ah. Pero yung feeling kasi
na hindi ko alam kung close na ba dapat kami? O balik na lang ulit sa dati na hindi
nagpapansinan dahil hindi naman magkakilala.

Yung parang feeling kapag nakakakita ka ng batchmate o schoolmate sa ibang lugar


maliban sa school. Hindi mo alam kung babatiin mo kasi hindi naman kayo magkakilala
talaga. Pero alam niyo ang mukha ng isa't isa. Ganung awkwardness.

Mabuti pa kapag stranger alam mong hindi mo papansinin. Pero yung ganito... ewan.

Napaisip na lang din ako. May pa-Mcdo-Macdo pa. Araw-araw ba siyang ganyan? Ang
yaman, talaga. Breakfast niya Mcdonald's pa. Alam kong mura lang yun sa iba, pero
sa'min, tuwing sweldo lang ni kuya Zeus sa mga part time niya ako nakakatikim ng
mga ganito.

Parang kanina, yung natirang alimango lang na pinaghirapan (at buong kakapalang
mukhang) inuwi ni kuya mula sa handaan, ang pinagtyagaan kong kainin. Sana nga
hindi pa panis dahil kahapon pa ng hapon yun. Maraming beses ng ininit ng ininit
para lang umabot hanggang kanina. Wish ko lang hindi na kainin nila mama mamaya
dahil I swear panis na yun mamaya.

Nagsasalita si Alyanna. Alam kong marami siyang sinasabi pero hindi ko na


naiintindihan. Paano ba naman, papalapit na si Silver at yung utak ko, mas malabo
pa sa scratch paper na punong-puno ng doodle.

"-- eh yung nung isang araw nga, halos akala mo swimming pool yung sahig sa
classroom kung makapagswimming--"

"Hala, papalapit nga siya." di ko namalayang nasabi ko na pala ang naiisip ko.
Binuksan ko na lang yung mineral water bottle at uminom baka kasi tanungin niya ako
ng kung ano-ano dahil sa random na pinagsasasabi ko.

"Huh? Ang dami-dami kong sinasabi dito hindi ka naman pala nakiki..." nag-fade din
ang boses ni Alyanna. Just like fading breath on a steamed glass. Tinignan ko ang
kaibigan ko. Crush niya nga naman kasi yung tao kaya papatawarin ko na siya kahit
nakakatawa yung itsura niya.

Wala na pala kasing bakanteng bench. Halos lahat puno na. yung sa amin na lang ni
Yanny ang kaunti lang ang nakaupo. So naturally...

"Do you mind?" he's wearing the most handsome grin, ever. Handsome? Grin? Napailing
na lang ako. Parang nako-confuse yata ako sa evil at handsome.

"Thanks." sumagot si Silver matapos kong umiiling. What the. Hindi nman para doon
ang pagiling ko eh. Pero ano pa bang magagawa natin? At ano pa bang dapat gawin sa
taong tumulong sa akin kahapon, pagdamutan ng upuan? Tska pati ba si Yanny aalisan
ko ng karapatan para sa isang once in a lifetime experience na makashare ng bench
si Silver Jeremy Torres?

Justify pa Zylie. Ijustify mo pa na ayaw mo rin siyang makatabi. Haha.

Tapos tahimik na lang si Yanny. Ang totoo eh may tables ang mga bench. Hindi ko nga
lang alam kung bakit 'bench' ang monolithic na tawag namin kahit may tables sa
pagitan ng dalawang maliit na bench. Magkaharap kasi kami ni Yanny sa tig-isang
bench para mai-rest ko ang paa ko. Kaya ang nangyari, sa tabi ni Yanny ito umupo.
Kaya ang Alyanna, halatang kinikilig. Babalaan ko na nga sana si Silver na tignan
yung bench baka may umaagos ng wiwi.

Malapit ko na talaga siyang biruin. Magbubukas na talaga ako ng usapan kung hindi
lang nawala ang moment at lakas ng loob kong gawin yun, ng buksan ni Silver ang
dala niyang breakfast.

Tumingin sa akin sabay smirk. Isang maliit na maliit na expression pero sigurado
ako, smirk yun!

Hanggang... Nakita ko ang pagkain niya.

PANCAKE!!!!

Muntik ko na talagang maibuga ang iniinom kong tubig. Parang isang malaking bomba
para sa mata ang nakita ko. Yung feeling ko isa akong madre at nakakita ako ng
porn. Ganung feeling.

Simula kagabi. Hanggang ngayon. Pancake pa rin. Nagkataon lang ba na popular na


agahan ang pancake? O sinasdya niya na talaga?
Tumayo na lang talaga ako sa inis. At kabiglaan. Can't believe na up to this
extent, at sa ganitong sitwasyon, aabot ang pancake na pangaasar.

"Zylie...." alam kong angal yun. Syempre naman, alam ko na ngang minsan lang
mangyari ang mga ganito kay Yanny. Malamang, ayaw niyang umalis. Isipin niya na
lang na parang binibigyan ko na siya ng favor sa pag-alis ko. Eh di sila na lang
dalawa ni Silver sa isang lugar. Sa magkaharap na bench.

"Una na ako Yans, kung di ka sasabay, sunod ka na lang..." nakakahiya dahil ang
confident ng pagsasalita ko pero iika-ika akong naglakad.

Nagbilang ako ng tatlo at naramdaman ko siyang gumalaw.

"Wait, sabay na ako." kahit masama ang loob niya. Weird na na-touch ako dahil
sumunod si Alyanna sa akin. Mas pinili niya pa din akong friend niya kesa sa crush
niya. Kahit kailangan kong i-ready ang tenga ko sa mga sasabihin niya mamaya.

"Ano ba yan KJ ka Zy oh." lumilingon-lingon pa si Alyanna. Nakangiti pero ang mga


sinasabi sa'kin, kabaliktaran. "Bakit kailangan nating umalis agad? First time lang
mag-conspire ang universe sa mga pangarap ko. Nagpaalam naman siya kung pwede
siyang kumain doon. Pumayag ka naman hindi ba? Ano na lang ang sasabihin nun na
bigla tayong umalis?" concerned lang talaga siya. Hanggang medyo malayo na kami,
lumilingon pa rin siya sa mga benches "Ayos na eh, sitting pretty na ako dun. Para
kang may nakitang ewan, na di kaaya-aya tapos umalis ka na lang."

Anong sasabihin ko? Eh ganun nga yung nangyari. May nakita ako kaya ako napatayo.
Umalis ako dahil nakakita ako ng pancake? At bilang mukhang engot ng explanation na
yun, di ko na lang sasabihin.

"Wala gusto ko ng pumunta sa classroom may nakalimutan akong isulat na notes eh."

Inakay ako ni Alyana papalayo sa mga benches, pero...

Hindi ko alam kung bakit hindi ko rin napigilan...

Lumingon ako.....
At tama ang ineexpect ko....

The horror!

Nakasunod ng tingin si Silver sa amin, at naka-smirk pa din.

Hindi ko alam kung matatawa ako, maiinis, o matatakot dahil habang nakangiti siya,
parang inaalok niya pa ako ng pancake na nakatusok sa tinidor niya. Eeehk.
Nakakakilabot.

Nang makapasok kami sa classroom, akala ko maayos naman ang umaga ko dahil
kadalasan, wala namang nangyayari na kapag nakaupo na lang ako doon. Papatayin ko
na lang ang oras sa pakikinig. Magkacountdown hanggang dismissal.

Hanggang dumating ang first period, biglang humilab na ang tyan ko. Parang
hinahalukay at binabaliktad. Pinagpapawisan na ako ng malamig.

"Zy okay ka lang? may sakit ka ba?" bulong sa akin ni Mikaela ng mapansin yung
itsura ko. Siguro kasing sama na nito ang nararamdaman ko.

Pero wala akong naiisip. Wala akong naalala sa mga oras na ito kundi ang alimango
na kinain ko kaninang umaga. Bwisit na alimango!

"indi...." Di na rin ako makapagsalita.... Najejebs na ako talaga... Napatayo ako.


Nagulat ang lahat...

"Yes?" tanong ni ma'am sa harap, nagulat rin sa bigla kong pagtayo. Nakatingin din
sa akin ang buong klase. Sa normal na sitwasyon hindi ko kayang mag-excuse ng
ganun. Pero wala eh, eto na talaga ang totoong call of nature.

"Ma'am, CR." hirap na hirap pa ako sabihin yun.

Nagtawanan yung klase. Okay na sa'kin pagtawanan bago matae, kesa naman
pinagtatawanan dahil natae na. Mas nakakahiya yun. Napakalaki ko ng bata para matae
sa salawal.
Nakakainis lang dahil ang layo pa ng CR. Tingin ko mas lalo pa itong lumayo dahil
isa akong naglalakad na may sprain. Ilang minuto rin bago ko narating ang cubicle
at agad kong pinasabog ang bomba.

"Aaaaaaahh. Jusko, mabuti na lang talaga at umabot ako dito. Konting-konti na lang
kanina, napaanak akong maaga."

Nakaupo pa rin ako sa loob ng cubicle nang may pumasok. Dalawang babaeng naguusap
ng malakas. Karaniwang gawain naman sa loob ng CR.

"Pero ang gwapo niya, naku siguradong magiging exciting ang klase natin"

"As in? Akala ko matanda na?"

"Hindi bata pa! Narinig ko fresh grad lang siya at ilang months yata siyang nagaral
sa isang graduate school sa Canada! Isipin mo yun! Hindi ko na matandaan kung saan
yung sinabi pero basta! Prestigious school yun na ang nakakapag-aral lang ay yung
mayaman at matalino!

"Talaga?!"

"Oh yes! A brainy hot dude! At ngayon siya na ang papalit kay ma'am Dina. Can you
believe our luck?"

Ma'am Dina? Pangalan ni ma'am cute yun! At Canada? Dun nagtatrabaho at nakatira si
Kuya Zac ha! Small world.

Pero hay nako... ang CR talaga, maraming istoryang nabubuo. Ang lugar ng chismisan.
Parang dito naman pinaka-legal makipagchismisan. Kasabay ng paglalagay ng kung ano-
anong kolorete. Tulad nitong dalawang estudyanteng 3000 decibels ang boses,
magkatabi lang naman. May gwapo daw? Papalit kay ma'am dina? Oo nga pala, sinabi ni
ma'am na may kapalit na siya. Agad-agad.

Nakakalungkot na nga yung pag-alis ni ma'am eh. Tapos etong dalawang 'to, tuwang-
tuwa pa. Por que gwapo yung teacher na papalit, okay na?
"Ambaho naman..."

"Oo nga..."

"Looks like somebody's doing the loo!"

Nahiya ako pero naisip ko, lahat naman ng tao nagbabawas. Malamang mabaho. Alangan
mabango. Umalis na kayo hindi pa ako tapos dito eh.

"Pano mo ba siya nakita?" tuloy nung isang babae, di na lang pinansin yung
kabahuan. Inuna pa talaga yung chismis.

"Napadaan ako sa faculty room kasi may inutos si ma'am Javier. Pumasok ako at
winewelcome siya ng ibang faculty kaya alam ko. Napakaspecific. Kapalit ni Miss
Dina. Promise I swear. Jawline pa lang. Nagkaroon ng biyaya ang Vander High School
sa pagalis ni ma'am Dina! Hindi lang panty ang malalaglag, kasama na ang tampon."

WHAT?! Parang gusto ko namang sumuka. Pinagsasabi nila? Malalaglag ang tampon.
Yuck.

"Ohhhh????" tuloy pa rin ang usapan nila.

"Oo at alam mo ba, hindi siya mukhang teacher or something. Isa siyang hottie,
gurl! The teacher's a hottie!"

"Mukhang bata talaga? Baby-face?"

"OO!!! Hottie pero baby-face! Kaya excited na akong magturo si sir gwapo!!!!"

"Naku, naeexcite na ako sa sinasabi mo!!!"

I rolled my eyes nung parang nagsasabunutan na sila sa sobrang kilig. Kahit kwento
lang naman at hindi po naman talaga nakikita nung iba. Napailing na lang tuloy ako.
After 44 years, nakatapos din ako at nilandas ang daan pabalik sa classroom. Mabuti
na lang at walang nagyaring masama.

Natapos rin lahat ng subjects ko buong araw na sobrang boring at sobrang inantok
lang ako. Kulang na lang lagyan ko ng tungkod yung mga eyelids ko para hindi
sumara.

Kaya nung uwian na. Sobrang saya ko. Bukod sa pagka-asar kaninang umaga, mukhang
makaka-survive ako ngayong araw ah.

Malapit na sana ako sa gate ng may nakita ako....

Parang... parang kamukha niya.

Side profile lang ang nakita ko pero, feeling ko siya yun eh.

Posibleng hindi kasi ano namang gagawin niya dito? Baka kamukha lang.

Pero hindi ba't posible ring siya yun?

*later*

##################################

~~Chapter Seven- Pronoia~~

##################################

SILVER's POV

Ang totoo, hindi naman talaga dapat ako dadaaan ng Mcdonald's. Our family members,
(especially mom) are zealots for real food. We seldom order at fastfoods. Magluluto
na lang si mommy o pagtsa-tsagaan ang luto ni dad o ni Ate Poty kesa mag-fastfood.
Napakakulit lang kasi ni Orange gusto pa magpabili ng happy meal. Batang bata pa
talaga. Hindi ko alam kung bakit madaming naadik sa happy meal na yan. Madali
namang masira.

"Sige na sige na kuya! Iki-kiss kita please!!!!" napaka loud ng batang ito. Grade
six na pero isip bata pa rin. Kanina pa niya ako kinukulit.

I'm more than happy that my wheels are back. Windshield is back into its normal 50%
film. Medyo iba lang dahil mas mababa ang reflective film-Huper Optik. Blessing in
disguise na rin na nasira dahil may rason para mabago ang film at dahil mas
makakakita ako sa gabi.

"Sige na kuya! Please! Pano na yung smurfs?!" parang iiyak na si Orange na


tinanggal ako sa pagiisip tungkol sa tinted widshield. Kung pwede lang sana gawing
35% yung film , eh di sana mas may privacy ako. Hindi ako masyado pagtitinginan sa
parking habang kumakain ako ng malaking burger.

"Smurfs, still?" Malapit na at medyo mabilis ang pagpapatakbo ko kaya nilagpasan ko


na lang. "Ay, sorry."

"AH!" nag-reach out pa si Orange sa bintana ng malagpasan na talaga namin ang


fastfood. "No way! Wala na! Kainis naman! Lumagpas na tayo. Wala na ang smurfs ko."

"Tss. Childish.." sabi ni Lemon.

"Bata pa naman talaga ako ah. Ikaw kasi nagpapanggap kang matanda. Pa-mature!"

Lemon just shrugged.

Magkaibang-magkaiba talaga yung dalawa kong kapatid. Kahit identical twins,


malalaman at malalaman mo pa rin sa kilos at galaw. Sa pagsasalita kung sino ang
sino.

"Daya mo naman kuya eh. Ayoko na sa'yo."


"Orange."

"Hwag na hwag mo na akong lalambingin kuya. There'll be no free kisses anymore. No


more free hugs! Hwag na hwag mo na rin--"

"Oo na oo na. Haha." talaga 'tong si Orange. Alam naman niyang hindi pwede yun.
Hindi nila ilam pero sila pa ring dalawa ang baby namin sa bahay. Our baby girls.
Them. Sila na lang ang nagpapaliwanag ng monotonous life.

Sakto naman ang pagbawi ko ng desisyon dahil may pinakamalapit na U-Turn at bumalik
kami sa McDo.

"Drive thru na lang Orange ah, baka ma-late tay--" niyakap niya na agad ako. "Get
back there and buckle up!" ang sarap pagalitan eh. Mabuti gustong-gusto ko naman
ang mga yakap ng mga kapatid ko.

"YAY YAY!!!! Gusto ko yung Smurfette Haircare ah! Yun na lang talaga yung kulang ko
eh. Baka kasi magtapos na ang smurfs season, ma-miss ko ang chance na ma-complete
ang collection. I need to take a picture of this!" nilabas niya ang digicam na
namana niya pa sa'kin.

Kahit may smart phone na siya, lagi niya pa ring dinadala yun.

"You kept it."

"Kuya... 'di mo ba natatandaan? You made me promise to keep it."

I did?

Did I just repressed the memory of it kaya parang hindi ko matandaan?

"Kuya?! Hello? Ikaw? May bibilhin ka ba?" sabi ni Orange at halatang tapos na
silang mag-order.
"Anything else, sir?" sabi ng boses sa drive thru. "Breakfast?"

Napagisip tuloy ako. Breakfast? Nagbreakfast na ako eh.

"How about pancake sir?"

*ting!*

Parang isang light bulb ang sumindi sa utak ko. The eureka moment.

"Sige pancake meal, and make it hot chocolate." Sabi ko. Naalala ko naman tuloy si
Zylie. Kamusta na kaya yun. Pancake.

I silently drive at binaba ko na sina Orange sa school nila kasama ang happy meal
nila. After they alighted, ay humarurot ako sa school dahil sa isang nakakatawang
idea na pumasok sa isip ko. Hindi ko nga lang alam kung magagawa ko kaya I made
sure maaga akong makakarating para lumaki ang probability to accomplish it.

"Yes." Bago pa lang ako magpark sa school, nakita ko na si Zylie. Sa lakad pa lang,
at sa bilog na bilog na mukha, kahit sa malayo, siya na yun. Di ko alam bakit
natatawa ako.

Naisip ko na ibibigay ko na lang sana sa mga classmates kong buraot ang pagkain
kung sakaling hindi ko man makikita si Zylie ngayong umaga. But since parang may
pronoia na naganap, kitang kita ko na uupo pa sila sa benches.

"Do you mind?" sabi ko ng lumapit ako sa bench kung saan sila nakaupo. Hindi ako
nagugutom pero lahat ng benches ay occupied at kailangan kong umupo para kainin ang
binili ko. Kainin at ipakita... I can't resist the urge to tease.
Nagulat ako ng kaunti, did her friend just blushed. Pero mas nagulat ako na NR lang
talaga si Zylie. May amnesia ba siya or anything? We've had our little time
yesterday so I expected a little recognition from her round round face. Pero parang
wala. Makakalimutin ba siya? Well, there's only one way to test that.

Inilabas ko ang pagkain ko.

And I knew it. Kilala niya pa rin ako. At alam niya kung ano ang kinakain ko.

PANCAKE.

Ang kyot eh. I've had adorably morbid thoughts. Yung parang gusto ko siyang pisatin
sa sobrang bilog? Lalong bumibilog kapag naasar. I've kept that thought hanging
hanggang makarating ako sa music room kung saan naisipan ko sanang magstay dahil
wala namang madalas na tao.

"AH!" may nakabangga ako. I know hindi ako ang may kasalanan dahil I tried my best
to dodge the big man. Hindi ko siya kilala at hindi ko alam kung bakit pakalat-
kalat siya. Tinignan niya ako sa mata na parang galit pa.

"Ganito ba ang mga estudyante dito di marunong magsorry?"

To be honest, gusto kong sapakin. Kung pwede lang makasapak ng matanda. Galing lang
ako sa nakakatuwang pag-iisip na pisain si Zylie at ipitin, ng gusto niyang gawing
mas brutal ang utak ko. Siya ang nakabangga sa akin. Pero I kept my cool, di ko na
lang siya pinansin at nilampasan ko siya. Mahirap makipagtalo kapag una pa lang
akala niya siya ang tama.

"Maangas."

Tumigil ako.

"We'll see each other.... In class, maybe? At tignan na lang natin ang angas mo."
sabi nito

Hindi ko na siya pinansin. Napakarami niyang sinasabi, parang bakla. Naisip ko na


lang na baka totoo yung sinasabi niya. Baka estudyante lang din siya dito,
transferee, maybe. At magkikita nga kami ulit. But I care less.

Papalabas na ako sa gat ng syempre nakita ko na naman si Zylie. Hindi naman sa


hinahanap ko siya pero sa lahat ng naglalakad sa school grounds, siya lang ang
nakatigil. Masakit ba ulit ang paa niya?

Hindi nga ako nagkamali, dismissal ng makita ko ulit ang lalaki. And I saw him at
Zylie's line of sight. Napaka ungodly ng mukha ni Zylie habang nakatingin sa
lalaking nakabangga ko. Bakit? May ginawa rin ba siyang masama sa nabubuhay na
bilog? Couldn't help but wonder.

"Silver, eto nga pala yung contribution ko sa report!" si Bettina.

"Ok. Borrow." pagpapatungkol ko sa flashdisk. Kailangan kong iuwi yun para ma-
collate ko ang project namin.

"Yep, yep. Let's uhm, exchange digits na rin, just in case we need to discuss
outside the classroom, you know."

"Yeah? Sure." Made sense naman. Hindi ko rin alam na hindi ko pa rin pala alam ang
digits niya. "Give me your digits."

"Uhm, Lemme have your phone, I'll key it in." kinuha niya ang phone ko at siya na
mismo ang naglagay ng number nito.

After all of it, naglakad na ako at nakita kong wala na yung lalaki. But it's funny
na nakatayo pa rin doon si Zylie at nakatingin sa spot kung saan dating nakatayo
yung maangas na mama.

"paahhhncaaakee" mahinang bulong ko. She snapped into consciousness. Hindi ko na


inantay na masigawa ako, kaya umuwi na ako. Walked without turning back. Still
wondering bakit nakatulala siya doon. That's a weird expression. Hindi ko alam kung
bakit parang isang malaking discovery ang makakita ng madaming klase ng expression
mula sa kanya sa bawat araw. Parang iba't-ibang klaseng flavor ng ice cream. Iba't
ibang kulay ng pintura. Weird, pero nakakapanibago.

**
Dumating ang weekend which needless to say is still boring. Monotonous and very
easy.

"Son, sabayan mo na ako kumain." Sabi ni dad pagbaba ko. Weekend ngayon kaya hindi
busy si daddy. Si mommy lang ang nasa ospital palagi dahil sa di maiiwasang duty.

"Labas lang po muna ako." alam naman ng daddy na tumatakbo ako sa umaga pampatay sa
oras.

Pero bago sa umagang yun ay napansin kong may naglilipat na pala sa kabila. Naging
bakante ang bahay at lupa sa harapan ng ilang bwan dahil nag-migrate ang pamilya ng
dating may-ari nun. May nakabili na pala ng lumang bahay.

Tinanggal ko na sa isip ko ang bagong lipat dahil wala namang value-add yun, hindi
naman uso sa subdivision ang pangangapitbahay. Madalas, dahil busy ang lahat, hindi
na rin masyado magkakakilala ang magkakapitbahay.

Nakailang ikot ako sa subdivision bago ako nakuntento sa record ko sa pedometer.


Bumalik ako ng bahay nang muntik na akong may mabangga sa pinto.

It's like yesterday all over again.

Iniwasan ko, pero dahil hindi nakatingin ang nasa harapan ko, nabangga pa rin siya.
Same happening, same person. Ang pagkakaiba lang, sa pamamay namin ito nangyari.

Yes, same damn person. I'm starting to think that crease on my forehead is starting
to be permanent.

"You have this habit of bumping into people! You moron!" nakilala niya ako. Ang
maangas na lalaking bumangga sa akin sa corridor. Moron?

"The pot calling the kettle black." I accused him. You can't argue with this kind
of a fool.

"Ano?!"
"Not inside my house." I demanded.

"Kuya!! Kuya!! Si tita Ellen at si kuya Renz, bago nating kapitbahay!!! Nagbigay
sila ng homebaked pie!! Weee" pumasok si Orange just right para hindi na siya
makasagot at ma-absorb niyang nasa loob siya ng pamamahay ko para mag-angas.

So tama nga. Sila nga yung naglilipat diyan sa tapat. What a lucky place to have
him around.

"Hi, I assume you are Silver?" sabi ng babaeng halata naman na ina ni Renz. Tumango
na lang ako. "I've heard pumapasok ka sa Vander Highschool? My son's about to
teach. You might be under him!" masiglang sabi nito.

Pero under him. Surely not. Might not. Am not. Will not.

I saw him sneered at me after his mother's remarks. Teacher daw? Eh ano naman? Now
I know kaya niya sinabing "see you in class." These kinds of bastards. Maangas lang
dahil may kapangyarihan siya sa school. Teacher.

But as a sign of courtesy infront of his mom. Lumapit ako at nakipagkamay. Nagulat
siya at naramdaman ko yung tension niya. I was being kind kaya alam kong hindi siya
makakapag-angas sa harap ng nanay niya. Lalong-lalo na sa loob ng sarili naming
bahay. Pero his smile. The rotten smile, makes me want to puke. Good thing hindi
ako sumabay kay dad sa breakfast.

"Ah momsy, uwi muna ako, dami ko pa aayusin eh"

Gold star. Momsy daw? Mama's boy with blinking red light.

"Ah sige na anak ko, sasabay na ang momsy sa'yo."

Confirmed.

I've realized, mabait naman yung nanay niya. Saan kaya nagmana ng kaangasan ang
anak niya?

That's the thought that I've been trying to push away buong weekend.

Kaya nung Monday na, pinaghahandaan ko na yung pagkikita namin nung mama's boy Renz
na yun. Kung papalitan niya man si Ms Dina, which is the most probable case dahil
siya lang naman ang mababakanteng faculty sa school, ay malamang 2nd class namin
siya.

Kaya maaga pa kaya hinahanap ko na agad yung nagpapatawa sa'kin bago man ako
mabadtrip ngayong umaga. Nasaan kaya ang bilog na yun na mabilis maasar? Umakyat
ako sa second floor para makita ang kabuuan ng school grounds. I spotted her. I was
relieved na maayos na siyang nakakalakad. Hindi naman pala ganun kasama yung pagka-
sprain niya at sinunod niya naman ang mga bilin ni mommy.

Bababa na sana ako ng mapansin ko na agad yung Renz. What a nice way to start your
day. Seryoso siya at nakatulala.

Yun yung una kong naisip. Pero hindi pala. it's not a blank stare. He is actually
staring into someone. A particlular someone enough to raise my curiosity.

Si Zylie... Kay Zylie...

Just like last Friday. Only, yung Renz naman ang nakatingin sa kanya ngayon. Same
expression. But just the other way around. Magkakakilala ba sila?

I felt like an idiot asking the very obvious. At sobrang rhetorical pa ng tanong
bilang sa sarili ko lang.

Of course they know each other. I also stared so hard na napansin na rin ako ni
Renz. "Hoy? Ano?" he mouthed nung nakita niya ako na nakatingin mula sa taas.

Bumaba na lang ako at hindi siya pinansin. But I swear if I have a precision rifle
right at that moment, it would have been useful to be a sniper once in my life.

Too bad.
*later*

##################################

~~Chapter Eight- Bygone Times~~

##################################

TERRENCE's POV

Renz?

Si mommy lang naman ang tumatawag sa akin nun. Hindi ko alam kung bakit naging Renz
na lang bigla ang tawag nito sa akin simula ng bumalik ako ng Pilipinas. Akala ko
magagalit siya sa akin, pero nagbago lang ang lahat, at hindi na namin pinagusapan
ang mga nangyari. Nagiba lang ang pakikitungo niya sa akin, naging mas fond. At
naging Renz ang Terrence na parang nagkaroon siya ng bagong anak.

I bought it. I adopted the Renz, even at school. Para na rin sa bagong buhay. What
happened wasn't really traumatic. I actually saw through it, pero hindi ko lang
siguro pinansin noong una. Ngayon... ako ang nangangapa para makabalik sa dati.
Umaasang babalik yung dati.

Kababalik ko lang ng Pilipinas mula sa isang... pangyayari sa ibang bansa. Mabuti


na lang malakas ang connection ni mommy kaya nakapasok ako ng school ni Zylie. Kung
gusto kong bumalik sa dati, dapat lang akong magsimula sa kanya hindi ba? Kahit
alam kong may maraming magiging problema. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa
kanya na kaya... na si... hay... Hindi ko alam.

Pero tska ko na lang poproblemahin yun. Ang mahalaga, nasa Vander na ako.

"Renz, ready?" sabi ni momsy habang inaayos pa yung damit ko. Super protective pa
rin nito despite me being an adult. I kind of understand.

"Yes ma, I'll go ahead."

Kinakabahan ako. Di ko kasi alam ang magiging reaction ni Zylie kapag nakita niya
ako. I know first subject niya, magkikita na agad kami. I know she hated me.
Probably hates me, still. Pero I came here to make it up to her. Though I don't
exactly know how...

Maaga ako dumating ng school. Nakakahiya kasi parang 1st day ko at excited masyado.

"Hello Mr.... Mr Sanchez right? Renz Sanchez?" welcome sa akin ng isang faculty.

"Hello ma'am, good morning!" sabi ko dito sabay handshake. Hindi ko pa kasi kilala
lahat ng teachers at members ng faculty sa Vander. Mabilisan lang akong nagpakilala
sa iilan nung nakaraan.

Sa sobrang kaba ko. Pumunta muna ako sa may malapit na bintana for some fresh air
kahit alam kong wala naman talagang ganito sa Pilipinas. Pero wala eh, kinakabahan
lang tal

"uhmmmhhhphh... woo.." huminga ako ng malalim pero pagtingin ko sa baba. Nakita ko


na siya. Hindi ko tuloy alam lalo kung nakakahinga ba talaga ako o mas lalong
hindi.

First time ko siya makita ngayon after a few years. She's still the same... and
she's grown so pretty. Lalo akong kinabahan. Baka hindi lang ang galit niya ang
problema ko, baka meron na rin siyang iba... It's been years...

Nalulungkot ako. I left without a word, without an explanation. Paano ko kasi


masasabi sa kanya ang dahilan eh ang mga pangarap ko... at ang... bakit kasi siya
pa... bakit nagkaganun pa?

"Hoy kaasar naman to... Mika! Ibalik mo na yan!!" narinig kong sabi ni Zylie.
Parang inaasar ito nila Mikaela. Hindi ko naman sila masisisi. Ang cute naman kasi
asarin ni Zylie eh. Napapangiti tuloy ako mag-isa dito. Nakalimuta kong isa na rin
pala akong guro sa highschool pero tumatawa ako na parang teenager.

Malalim ang iniisip ko kung pano ko ia-untangle ang lahat ng buhol na nagawa ko ng
hindi sinasabi ang isang bagay na alam kong hindi nila magugustuhan. Hindi nila
kailangang malaman dahil masasaktan sila. At baka magalit pa sila dito...

Hanggang sa naamoy ko yung pamilyar na pabango. Sabi ko na nga ba, nasa paligid
lang yung kapit-bahay naming maangas. Ang lakas talaga ng pabango niya, Parang
pinagyayabang ang pagiging mamahalin. Malakas na malakas pero hindi masakit sa
ilong

"Hoy? Ano?!" singhal ko dito. Nakakaasar kasi lalapit-lapit. Siguro napahiya siya
nung nalaman niyang teacher ang binangga niya.

Pero... nakita niya kaya na nakatingin ako kay Zylie? Pshh Eh ano naman, hindi
naman siguro niya mahahalata na si Zylie ang tinitignan ko. At ano naman kung
tinitignan ko si Zylie?

Lalapitan ko na sana ng... Aba't!!! Di ako pinansin bumaba lang siya na akala mo
ang cool niyang tao. Napakayabang.

Tumingin ulit ako kay Zylie na napansing kong hindi pala makalakad ng maayos. May
nangyari ba sa kanya?

"Good morning Mr. Sanchez." biglang nagsalita yung principal. Nasa likod ko lang
pala siya."I hope you're comfortable moving around." Tumingin muna ako kay Zylie
bago nagsalita ulit. "Ah yes, ma'am thank you.. um... for the warm welcome." sabi
ko pero lumingon ulit ako kay Zy, posible kayang nakita rin ni ma'am kung kanino
ako nakatingin in particular? Pero ang nakita ko sa baba eh yung maangas na Silver
na nasa baba na at...

Papalapit ito kay Zylie?

"It's our pleasure to have you here at our school. Excellent records from your
university plus over a year stay in University of British Columbia... I wonder wala
ka bang balak tapusin ang graduate program mo?"

O...kay. Hindi ko alam na ang unang magtatanong tungkol dito ay ang principal.

"Um, siguro po... Next time."

"May I know why? I'd like to invite you for a cup of coffee in my office."
Gusto ko sanang tumanggi. Saying yes means a date with the principal? Nyeah. Pero
anong sasabihin ko? Tumingin ulit ako kay Zylie at dun sa mayabang... Nakatingin sa
akin si Silver mula sa baba... Anong ginagawa niya? Imposible malaman niya ang
koneksyon ng bagay-bagay. Imposible.

"Mr. Sanchez?" nagulat ako nung muli niya akong batiin dahil akalimutan kong
niyayaya nga pala ako ng principal sa office niya.

"A-ah! Sure madame, pleasure is all mine."

Di na ako tumingin kay Zylie. Bahala na kung anong mangyari mamaya sa klase.

Pumasok na kami sa principal's office at inip na inip ako habang kinakausap ni


madam principal. Umoo na lang ako sa halos lahat ng tanong kahit yung iba naririnig
ko lang at hindi ko talaga naiintindihan. Pagkatapos kasi nito ay alam kong
magkikita na kami, pagkatapos din ng ilang taon, ni Zylie.

"So, I guess I'll see you around Mr. Sanchez!" Ito na yata ang pinakamagandang
sinabi ni madam principal sa lahat ng pinaguusapan namin.

Lalabas na ako ng nagsalita ulit si madam. Gusto ko ng mapakamot. Wala na bang


katapusan 'to?

"Yes ma'am?" sana hindi halata sa boses ko na inip na inip na ako. Baka mapatalsik
ako dito ng maaga eh.

"You've mentioned you're good at swimming at may ilang units ka ng swimming nung
undergrad at aquathlon varsity grad school?"

"Uhm yes ma'am bakit po?"

"This is... only... if you like. Si Mr. Carlos kasi... ang Senior Adviser ng
Swimming Club ay malapit ng mag-Paternity leave..."

Paternity leave? Meron palang ganun?


"... and with your skills... kung gusto mo, if you want a practice and good use of
our pool facilities, pwede kitang i-assign bilang junior instructor for the
meantime. Busy rin si Mr. Carlos kaya walang masyadong activities ang swimming team
lately."

"Ah... Pagiisipan ko po ma'am."

"Pagisipan mong mabuti. They have an orghouse and the pool is Olympic Size. May
funds din na pwede niyong magamit. I assure you the offer is a steal!"

"Yes ma'am. Titignan ko."

"Pag-isipan mo." Narinig ko pa na sigaw ni madam habang lumalabas ako.

Hindi ko alam kung gusto ko na agad ng responsibilidad. Marami pa akong gagawin


para makabangon. Hindi ko alam kung kaya kong humawak ng isang club kahit pa junior
adviser lang.

Bumalik na lang ako sa desk at kinuha ang classlist pati ang lesson plan na ipinasa
lang sa akin Miss Dina.

Matapos ang bell na nagpapahiwatig na simula na talaga ang first period, huminga
ako ng malalim. Pinakamahirap na gawin ay yung itapak ang paa mo sa classroom kung
saan nandun yung isa sa pinakaimportanteng tao na matagal mo nang hindi nakikita,
at nakakausap.

Bonus na galit pa ito sa'yo...

*later*

##################################

~~Chapter Nine- Restitution~~


##################################

ZYLIE'S POV

Kanina pa ako malapit ng maasar kina Mikaela. Alam na ngang may pilay ako eh. Nang-
aasar pa din! Bakit ba gustong gusto nila akong asar-asarin? Nagpapahabol, alam na
ngang hindi ko kayang tumakbo ngayon.

"Hoy kaasar naman to... Mika! Ibalik mo na yan!!" kinuha kasi niya yung diary ko.
Badtrip talaga oh.

"Pabasa lang kasi Zy!!!" takbo-takbo padin sila ni Alyanna na malapit ng mamatay
katatawa.

Waaah! Kahit naman bestfriends ko sila Mika, nakakahiya yung mga sinulat ko dun
nung weekend. Bakit pa kasi nagda-diary-diary pa ako eh.

Ang totoo, matapos yung nakita ko nung Friday na akala ko siya na yun,
nagcontemplate kasi ako kung ano na ba talagang nararamdaman ko kay... Terrence.

Eto yung sinulat ko... corny na kung corny...

Waaaah!!! Mahal ko pa ba si Terrence??? Diba hindi na diba? Diba? TTT______TTT Sa


ginawa niya sa akin imposibleng mahal ko pa siya diba? Umalis na lang ng parang
bula? Sinong gumagawa nun in this day and age? Sana makahanap na ako ng boylet para
makalimutan ko na yung masamang Terrence na yun. Hahahaha tama hahanap na lang ako
ng boylet. Wala hindi ko na iniisip si Terrence!!! Hindi na talaga! My heart is so
torn into pieces... Sana may kumuha lahat nun para pagdikitin. My prince charming
nasaan ka na!!! Para maalis na ang bwisit na Terrence sa isip ko bwisit siya. Ang
sama mo talaga Terrence kapag nakita kita, sasampalin kita ng wagas! Manghihiram ka
ng mukha sa aso!!! TT___________TT

Basta yan yung sinulat ko. At pinagtatawanan ng dalawang tinuturing kong kaibigan.

"Hahahaha!!! Torn into pieces? Seriously tho? Napadrama mo talaga Zylie, di lang
halata" sabi ni Mikaela
"Teh! Naghahanap ka pala ng prince charming??? Hahaha Oy ipokrita ka! Hahahaha ang
corny corny mo! Hindi daw iniisip si Terrence, eh parang tumaw ng napakaraming
Terrence ballpen mo. Eh diba matanda na yun?" tanong ni Alyanna. "Hwag ka na nga
dun, tsaka wala na naman siya. Hindi ka niya naiisip tapos ikaw iniisip-isip mo
siya na halos magsumigaw ang diary mo ng TERRENCE!!!"

Hindi kasi nito kilala si Terrence, si Mika lang yung nakakita kay Terrence dati.
Kilala lang ni Yanny si Terrence dahil sa kwento ni Mikaela.

"Oo nga Zy unfair yun. Wag mo na rin siyang isipin, pabayaan mo yun baka may asawa
na nga yun eh. Hahahahaaha!!! Hindi ako makagetover sa nakasulat dito!!! Sino bang
magdidikit sa broken pieces of your heart? Ampf Zy ang corny!!! Akala ko
nakalimutan mo na siya bakit parang sobrang affected ka pa din?" tanong ni Mika

"Ang totoo guys. akala ko kasi nakita ko siya kahapon kaya na-shock ako at
napasulat ng ganyan. Pero wala naman akong sinabing basahin niyo yan wala kayong
pagtawanan at okrayin! Tssss."

"Hahahaha sorry na! May theory ako. Hindi ka napasulat dahil nakita mo siya. Sa
tingin ko, may feelings ka talaga at palagi mo siyang sinusulat kaya nakikita mo na
rin siya kung saan-saan, kahit sino na lang akala mo si Terrence na."

"Di ah! DI KO NA YUN INIISP!"

"Teka! Naiihi na ako sa katatawa CR lang ako Zy, diyan ka na lang mapapagod pa paa
mo eh!" sabi ni Yanny

"Sama ako!!!" sumunod naman si Mika

Haie! Iniwan na lang ako matapos asarin. Galing galing talaga ng mga kaibigan ko
eh. Matapos pataasin ang energy ko, bigla na lang mawawala ng ganun. Ang init tuloy
sa pakiramdam.

Bwisit kasi na paa to eh!

"Pancake!"
Wow, kakatapos ko lang kumalma at eto na naman. I thought I've had my fair share of
highblood. Hindi pa pala.

"Ano?!!"

"May stalker ka sa taas?"

Tumingin ako sa mga bintana sa 2nd floor, wala naman..

"Oo na uto-uto na ako, lumingon kasi ako. Panalo ka na." nakakainis, bakit ba
sumusunod na lang ako ng ganun-ganun sa kanya. May tinuro lang sa taas, tumingin na
agad ako? Kainis.

"I ain't kidding." Pero sumeryoso yung mukha niya. Tumingin din siya sa may second
floor. "The bastard's gone." tumalikod na siya.

"Sino ba yun?!" habol ko, para kasing totoo yung sinasabi niya. Kinilabutan ako
nung nagseryoso siya.

"Wala. Bye pancake!"

Anakanamfufu naman to! Bakit kaya ang gulo ng buhay niya?

Eeeek pero may stalker ako? Hala nakakatakot naman yun!!!

Pero baka imbento lang yun ni Silver eh... Ang gulo-gulo pa ng pangyayari. Bakit
kasi wala si Mikaela at Yanny dito nung lumapit yung mapangasar na yun nang makita
nila ang tunay na kulay at masabi ni Yans na hindi naman talaga siya crushable
dahil ang weird niya.

Sa sobrang tagal sa CR nila Mika at Yanny at magduda na talaga ako na baka na-flush
na sila, napatingin na tuloy ako kay Silver. Nakita kong nilapitan siya ni Bettina.
Tapos parang may tinatanong si Silver sa kanya. Pshh ano naman kaya yun? Inaasar
niya din kaya si Bettina?

Tapos ito namang si Bettina tanggi ng tanggi. Ano kaya yun?? Date kaya? Niyayaya
niya kaya ng date si Bettina?

Eh ano namang pakialam ko diba? Bakit ba gumagawa ako ng imaginary conversation


nila? Eh pwede namang hindi yun ang pinaguusapan nila hindi ba?

"Zy! Tara na sa classroom!!!" Bumalik na pala yung dalawa. Tagal magCR! Inakay nila
ako sa classroom.

I feel so weak. Kaasar kasi bakit ba ako natapilok.

Syempre homeroom palang. Muntik pa akong utusan ng adviser naming masungit na mag-
ayos ng flower vase. Kaasar talaga. Buti na lang sinabi nila Yanny na may sprain
ako kaya iba na lng inutusan niya.

"By the way, the new faculty has arrived be nice to him."

"Him? Lalaki? Kaasar naman, wala na nga pala si ma'am Dina cutie tapos lalaki pa
papalit. Kamusta naman yun?" bulong ni Yanny sa akin.

"Oo nga eh... Sana kasing nice siya ni ma'am dina nuh? Narinig ko gwapo siya."
pagbabalita ko sa kanila from my credible source sa CR.

"Huh?!!! Gwapo?" singit ni Mikaela na napuno ng stars ang mata.

"Eto naman makarinig lang ng gwapo oh, hoy Mikaela may boypren ka na ang kire mo!"
sabi ni Yanny

"Eh sino ba kasi yung gwapo?!" tanong ulit ni Mika sa akin.


"Wala di ko alam, naalala ko lang kasi pinag-uusapan yung bagong teacher sa CR nung
nagjejebs ako nung Friday. Ayun... malay ko ba kung totoong gwapo yung bagong
teacher o sila lang nagagwapuhan."

"Hala nakakaexcite yun! Cute si Ma'am dina pero gwapo yung papalit! Eh di sulit!
Win-win." adik ni Yanee.

Medyo nae-excite din naman ako. Syempre gusto ko rin naman ng eye candy sa araw-
araw. Minsan naiisp ko medyo madaya kasi mga classmate kong lalaki may crush kay
ma'am dina tapos araw-araw nilang makikita. Feeling ko it's now the girls turn to
gush and fancy sa first period ng klase.

Umagang kay-ganda. Na-curious na talaga ako. Kaya nung umalis na si adviser taray,
waiting mode na kami for the 1st class ni Mr. Pogi. (sana)

Tagal naman bumukas nung pinto. Medyo hopeful pa naman akoo ng gwapo nga talaga
yung teacher hahaha.

Sa sobrang kainipan ko, hindi ko namalayang gumagana na naman yung mannerism ko na


pagpapaikot ng ballpen sa daliri. Hindi ko alam kung pano nagsimula yun pero palagi
ko na lang nagagawa ng hindi ko namamalayan. Binibiro na nga ako nila Yanny at Mika
na kung kasama lang daw yun sa Olympics, ako na daw ang champion. Hahaha.

Paikot... paikot... ikot.. ikot... tagal-tagal ng teacher late ba agad siya sa


unang klase niya? bad bad... Hanggang sa nahulog si ballpen.

"Zylie katok ka! Wala kayang takip yung ballpen mong nahulog." sabi ni Mikaela
Pinapaikot ko yung walang takip na ballpen? Hala akala ko may takip!! G-tec pa
naman yun baka naputol na yun!!! Saan na ba yun humagis?

Sinilip silip ko yung mga ilalim ng mga desks namin. Umaasang okay pa ang tip ng G-
tec na kamahal-mahal na para sa middle-class highschool student na katulad ko.

Nung makita ko, napalayo pala ang hagis! Nasa paanan ng classmates kong The Nerds
pero more like the The Weirds ang barkada nila dahil hindi naman talaga sila nage-
excel kaya nga classmates ko sila at wala sa Pilot section eh. Mukha lang talaga
silang Nerds pero hindi talaga.

Gapang-gapang naman ako dahil nasa pagitan ng paa ni kuya Nerdy number 2 ang mahal
kong g-tec

Nyahahaha ang g-tec na kabibili pa lang... I found you!!! Naabot ko na rin siya at
yung feeling na parang nakakuha ako ng isda sa dagat. Sarap.

Dali-dali akong gumapang pabalik sa desk ko at naramdaman ko ang sakit sa paa. Sino
ba naman ang may sprain na gumagapang pa?

Habang nasa lapag pa ako, kinalabit ko yung palda ni Mika.

"Nahanap ko na!!! Hindi naputol!!!" sinabi ko kay Mikaela ang good news habang
bumubukas din yung pintuan ng classroom.

Di sumagot si Mika. Parang shocked ito. Ganun ba kagwapo yung teacher para mashock
siya ng ganyan??? Tapos, tumungo siya at tumingin sa akin.

Zy..." sabi niya tapos umiling. "Dyan ka na lang. Hwag ka ng uupo sa upuan mo ha?"
talagang yung mukha niya halos magmakaawa na na hwag akong umupo na prang magiging
mabigat na kasalanan yun.
Pero syempre hindi ko siya sinunod. Ano namang gagawin ko sa sahig? Eh first period
na? Paano yung makita ako ng bagong teacher eh di bad na agad ang first impression
niya sa akin? Kaya tinakpan ko muna yung ballpen ko, tapos, umupo na ako sa silya.

At tama ng si Mika. Nagsisi ang buong katauhan ko. Sana pala sumunod na lang ako sa
kanya. Parang pumunta lahat ng dugo ko sa ulo ko.

Siya?

Pero impossible yun... Nananaginip ba ako?!?

Lahat ng sakit, lahat ng tanong na naiwan sa akin. Lahat ng naiisip ko.... nagulo.
Imposible talaga ito! Sana may magsabi sa akin... Nananaginip lang ako?

*later*

##################################

~~Chapter Ten- Reel~~

##################################

TERRENCE'S POV

Di na ako mapakali eh. Kanina pa ako nasa labas ng classroom nila Zylie.
Pinagtitinginan na nga ako ng ilang dumadaan sa corridor. This is the classic
example that no matter how you prepare, feelings pa rin ang mangunguna at mawawala
lahat ng preparation.

Huminga ako ng malalim tapos pumasok na ako. Parang yun na yata ang pinakamahirap
gawin, yung ihakbang yung paa sa loob ng classroom nila Zylie.

"Oh hi po sir!"

"Good morning sir!"


May mga ilan ng mga estudyante na bumati. I tried to maintain a cool face.

Hinahanap ko pa rin si Zylie. Imposibleng absent siya. Nakita ko pa siya kaninang


umaga eh. Pero nakita ko si Mikaela. Kitang kita ko na narecognize niya agad ako.
Nakita kong umiiling siya.

Hanggang sa nakita ko na si Zylie na umupo sa upuan niya mula sa ibaba. Puro


kabaliwan ang naiisip ko. Pwede akong mademanda sa naiisip kong gawin sa kanya
ngayon sa harap ng mga estudyante. I tried to resist. Hindi tama.

"Ehem ehem, Sir Hello..." nagsalita si Mikaela. Mukhang napansin na kasi ng buong
klase na kay Zylie lang ako nakatingin.

"Hmm. Hi ... Hi class, I'm your new teacher. My name is Renz Sanchez." I emphasized
the Renz. I'm a new person. I'm not Zylie's Terrence.

Pinilit ko magsalita ng tuwid at tumingin sa iba't ibang estudyante. Pero sa gilid


ng mata ko, tinitignan ko pa rin si Zylie.

God I missed her. Nakikita ko sa mata niya na galit siya. Syempre, ano ba naman ang
ineexpect ko diba?

"Since first time nating magkita-kita lahat, can I ask everyone to have just a
little self-introduction?"

"Yes, sir!!" masigla at palabati ang mga estudyante.

Mukhang excited pa ang iba. Pero iba ang tinginan nila Zylie at Mikaela. Gusto ko
kasing marinig ang boses ni Zylie kaya ko ginawa yun.

"We can start infront" sabi ko sabay nagsalita na yung babaeng nasa pinakaharap.
Matagal-tagal pa ang hihintayin ko bago magsalita si Zylie. Nakita kong hinawakan
ni Mikaela ang kamay niya.
Ilang estudyante 3 estudyante na lang bago si Zylie kaya hindi na ako mapakali.

"Hi ako po si Alyanna Cortez, nickname ko po Yanny. Mahilig po ako sa color


silver..."

"Ayyeeeeeehhh silverrr" May mga ilang nangasar. Muntik ko pang hindi magets yung
sinasbi nung Alyanna. Sikat din pala yung mayabang na yun dito sa school na
hanggang sa ibang classroom ay matunog ang pangalan niya.

"... bakit?? Mahilig naman talaga ako eh. I also love to sing and dance. Pati na
rin magdrawing. Yun lang po!!!"

Si Mikaela na ang susunod, tapos si Zylie na.

Tumayo si Mikaela habang titig na titig sa akin. Sabi ko na eh, Galit din siya sa
akin.

"Mikaela Jean Fernandez. Mika. Mahal ko ang mga kaibigan ko... at galit ako sa mga
manloloko. Yun lang po."

Aww. Tagos naman yun. Nagulat yata ang klase sa mga sinabi nito pero hindi naman
yata nahalata na nagpaparinig si Mikaela sa akin.

"Sir, hwag niyo na pong patayuin si Zylie, may sprain siya." Sabi nung Alyanna.

May sprain siya? Darn kaya pala parang hindi siya makalakad ng maayos kanina eh.
Kawawa naman si Zylie.

"Ahh.. okay zy.. Zylie" first time ko kasi ulit sasabihin yung pangalan niya. "Sige
Zylie you can talk on you seat."

"Zyla Lienne Carbonnel. Zylie na lang PO.


Po? Talagang binigyan niya ng stress yung salitang "po"

"...extremely independent, and, very very happy"

Very very happy? Indendent? Ewan ko ba. Katulad ni Mikaela alam kong para sa akin
din yung self introduction niya. Parang natuyuan ako ng laway. Hindi ko na
naintindihan yung mga sinasabi ng ibang sumunod kay Zylie.

Lagi akong palihim na sumusulyap sa kanya, pero di ko mahuli yung mga mata niya. Sa
buong klase, nakatingin lang siya sa board, sa labas ng classroom, o kaya sa
notebook niya. Never siyang tumingin sa akin.

"Okay class, Thank you, thank you for a great class. Here's the subject outline,
I'll see you tomorrow."

"Sir may time pa po." Sabi nung babae sa harap.

"I know, I'll give the remaining time para basahin niyo yun attached reading
material, we'll discuss it tomorrow." I never expected na studious pala ang mga
estudyante sa Vander. Kadalasan, magdidiwang ang mga students kapag maaga umalis
ang teacher. Pero iba ang mga ito. Lalo na ang mga babae.

Lumabas na ako. Kahit may 10 minutes pang natitira. Kapag kasi hindi ako lumabas
baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko na lumapit kay Zylie.

Niluwagan ko yung butones ng polo ko. Feeling ko kasi hindi ako makahinga. Dibale
mamaya. Hindi pwedeng hindi kami magkausap.

*later*

##################################

~~Chapter Eleven- Push and Pull~~

##################################

ZYLIE'S POV
Naiiyak ako na hindi ko maintindihan. Renz? Eh si Terrence ang bagong teacher? Siya
pala ang pinaguusapan na papalit kay ma'am Dina. Bakit siya pa? Bakit dito niya pa
naisipang magturo sa lahat naman ng schools!

"Oh Zylie..." niyakap ako ni Mikaela.

Nakita niya siguro ang itsura ko. Di na ako makapagconcentrate. Buti na lang umalis
na siya. Buti na lang lumabas na siya ng classroom kung hindi... baka umiyak na
talaga ako.

"Ang gwapo ni sir nuh??" sabi ni Alyanna bago tumingin sa amin ni Mika "Oh anong
drama niyo diyan? Sobrang nagwapuhan ba kayo kay Sir Renz kaya nagyayakapan kayo
diyan?"

Nilakihan siya ng mata ni Mikaela.

"Saksakan ka talaga ng kalandian sa katawan! Naku....!!!"

"Ano kayang buong pangalan ni Sir Renz? May second name pa yata siya? Renz Anthony?
Renz Marion? Renzieness?"

"Tengene ka Yanny!" medyo malakas na sabi ni Mikaela kay Yanny.

"Aba!!! Bakit mo ako minumura? Masamang magwapuhan? Di naman ibig sabihin nun kami
na eh. Hahaha. Bakit ba ang seryoso niyong dalawang dyan? Nagyayakapan pa kayo
diyan. Iniisip ko lang naman kung anong buong pangalan ni Sir Renz kasi parang ang
short lang ng Renz... Ano ka--"

"TERRENCE! TERRENCE ANG BUO NIYANG PANGALAN. TERRENCE MANLOLOKO SANCHEZ!" sigaw ni
Mika. Mabuti na lang at maingay ang mga classmates namin at mukhang hindi naman
pinansin ang sinabi niya.

"Ha??" wala pa ring clue si Alyanna.


"Hwag kayong maingay..." sabi ko kasi napapalakas na yung usapan nila.

"Kukurutin na kita dyan Yanny ang tanga mo! Slow slow mo!"

"Sasapakin naman kita kanina mo pa ako minumura."

"Eh ang tanga mo naman kasi talaga! Connect the dots! Spoonfeeding naman Yanny,
wala ka bang social cues?"

"ANO NGA?!"

"Hello! Terrence! Itsura ni Zylie! Terrence! Ring a bell??? Diary ni Zylie kanina?
Parang di mo nabasa eh!" bulong ni Mikaela.

Unti-unti, nakita ko ang pagbabago ng mukha ni Alyanna na nagpapahiwatig na unti-


unti na siyang naliliwanagan.

"ANAK NG PWET KA!!! EX MO YUN???" sigaw nito.

Tumingin mga kaklase namin. Gusto ko ng tumalon sa bintana. Good Lord.

"Ahhhh hihi oo ex ko yun si Meynard!! Hahahaha. Kilala niyo yun? Hindi? Oh wag na
kayong mangialam hahahaha!" parang baliw si Mika. Sino si Meynard? Pero alam ko
sinabi niya lang yun para mapagtakpan ako.

Mabuti na lang at mukhang naniwala naman ang mga classmate namin at hindi na siya
pinansin. Bumalik na naman sa dating usapan na parang mesmerized pa din sa aming
"sir"

"Aray!!" binatukan kasi ni Mika si Yanny.

"Yan ang bagay sa'yo!"


"Sorry... Pero seriously? Ex mo yun?" bulong na nito. "Yun yung ex mo? Bakit ang
gwapo?

Tumango ako. Wala naman akong balak itago kay Alyanna since kilala niya naman si
Terrence kahit sa kwento lang.

"Paulit-ulit Yanny? Tska por que gwapo bawal na maging bf ni Zy?"

"Ex." pagtatama ko.

"Ang gwapo ng ex mo teh!!! Golly!!! Pano naging kayo nun??? Fafaliscious!! Pero Zy,
kung ako yun, siguro ico-consider ko na kami pa rin." Lalo pang sumiksik si Alyanna
sa pagitan namin ni Mikaela.

"Ha?" tanong ko.

Anong kami parin?

"Eh kasi, wala naman kayong formal break up? So kayo padin! I'm so brriilliaant!!"

Kinaltukan na naman ito ni Mikaela.

"Sumosobra ka na ah!" reklamo nito.

"Baliw ka kasi kung anu-ano sinasabi mo! Alam mong masama na nga ang loob nung
tao!"

"Eh totoo naman eh! Walang official break up"

"Kahit na! Ano yun? Pag gusto niyang umalis aalis siya, pag gusto niyang bumalik,
kahit walang pasabi tatanggapin pa rin siya? Ano siya chicks? Swerte niya! Psh!"

"Tama na nga!" awat ko sa dalawa.


Nag-aaway pa sina Yanny at Mika. Yumuko na lang ako sa desk. Ang laki kasi ng
problema ko. Paano ko na ngayon haharapin ang first subject ko sa araw-araw na
ginawa ng Diyos?

Ano yun? Hindi na naman ako makapagconcentrate sa ibang subject? Katulad ngayon?
Wala na talagang pumasok sa utak ko buong araw. As in wala. Kamote ako sa lahat ng
quiz ng morning classes, wala akong nasagot sa lahat ng recitation kahit pa yung
pinagaralan ko kagabi. As in wala. Grabe yung epekto sa akin.

Nung last subject na bago mag-reces, bigla akong kinabahan dahil baka makita ko
siya sa canteen. Binalak ko tuloy na hwag ng lumabas para iwas-iwas. Sana makaiwas
kahit ngayon lang. Alam ko namang hindi ako makakaiwas forever.

Kaya lang gutom na ako!

"Zylie, solve this problem."

Ha??? Bigla na lang akong tinawag ng teacher! Hala di pa naman ako nakikinig.

"Ahh, yes ma'am"

Tumayo ako para isolve yung di ko maintindihang math problem na nasa board. Bahala
na.

Pero narinig ko nagtawanan yung mga kaklase ko.

Hala bakit? Nakakatawa ba ako? Kinapa ko yung likod ko baka may naglagay na papel.

Wala naman. Minsan kasi ugali ng mga kaklase ko nilalagyan nila ng papel sa likod
yung mga ibang classmate. May mga nakalagay na "Libre batok." o kaya naman isang
malaki at may heart-heart pa na "Mahal ko si Buboy". Si Buboy nga pala yung taga-
linis ng CR ng girls na weirdo.

Kapag ag lalaki naman may nakalagay "Di pa ako tuli." Basta mga ganung uri. Di na
nag-mature ang mga kaklase ko. 3rd year high school na ugali pa ring mang-trip.

Tumingin ako kina Mikaela kasi sila lang ang magse-save sa akin sa kung ano mang
kahihiyan at panti-trip. May sinasabi ito, pati si Alyanna.

"Ha??"

Di ko maintindihan. Bakit hindi kasi lakasan? Anu ba yan.

Tumingin ako kay ma'am. Nakatingin siya sa pwetan ko.

Oh my parang alam ko na.

"A-ano?" tumingin pa rin ako sa mga kaibigan ko kahit alam ko na. Di ko kasi alam
gagawin ko. Nasa harap ako ng klase.

"Ang laki-laki ng tagos mo!" sigaw ni Alyanna.

Nagtawanan lalo ang mga kaklase. Ano ba namang malas yan! Bakit hindi ako layuan.

"Ma'am..." nahihiyang sabi ko.

"Sige na nga. Ayusin mo muna yan. Next time ka na sumagot."

May tinawag si ma'am na ibang estudyante para sumagot ng problem. Hindi ko alam
kung blessing in disguise ba ito kesa ma-zero na naman ako sa recitation, o
kamalasan. Bakit ba kasi hindi ko alam na magkakaroon ako ngayon?

Madali akong pumunta muna sa upuan. Kinuha ko yung jacket... jacket ni Silver at
ibinalot ko sa bewang. Sorry sorry Silver pero nakakahiya kasi. Lalabhan ko na
lang ulit bago ko ibigay sa kanya.
"Grabe Zylie para kang nakunan sa dami!" Sabi ni Alyanna na may nandidiring mukha.

"Ikaw talaga yung bunganga mo ha!" sagot naman ni Mikaela.

Paglabas ko. Wala namang lamang tao yung corridor. Naramdaman kong sumakit na yung
puson ko. Talaga naman. Bakti di ko to naramdaman kanina? Bakit ngayon lang kung
kelan lumabas na? Tumagos na. Sadya bang sobrang distracted lang ako kanina kaya di
ko namalayan? Grabeng yan.

Papasok na sana ako ng CR ng may humawak sa balikat ko.

"Zylie.."

Oh My God. Bakit ngayon pa?!

Si Terrence.

"Usap tayo... Sige na Zylie..." pakiusap nito. Unti-unting lumalambot yung puso ko.
Weird. Nagagalit ako kanina tapos ngayon nadadala ako na gusto ko na ring
makipagusap. Na baka may pag-asa pa. Na baka maging masaya naman ako kung mag-uusap
kami...

Gagawin ko na sana... Kaya lang may tagos nga ako eh. Ano ba naman tong Terrence na
to?

Tumingin ako sa paligid. Buti na lang walang estudyante. Pero kinakabahan ako kasi
malapit na magrecess baka may makakita. Baka kung ano pang sabihin nila.

"Bitiwan niyo po ako sir." Sabi ko. Medyo na-awkward ako sa sinabi ko. Para naman
akong minomolestya. Pero gusto ko lang kasing i-empahsize yung "sir" kaya ko sinabi
yun.

"Please hersheys."
Hersheys??? Kadiri. Medyo kadiri na siyang pakinggan ngayon pero... yun kasi yung
tawag niya sa'kin dati. Hersheys.

"Sir..."

"Sige na. Kahit sa may bakanteng room lang."

Nagulat ako ng biglang may humila sa akin. Hinila ako papalayo kay Terrence.
Nagulat ako ng bigla pa akong niyakap.

"Nandito ka lang pala." Sabi ng yumakap sa akin na mabangong lalaki. Di ko siya


makita dahil nakasiksik na yung ulo ko sa dibdib niya. Ang bango...

Pero... parang kilala ko ang boses na 'to ah.

*later*

##################################

~~Chapter Twelve- Pheromones~~

##################################

ZYLIE'S POV

Ambango naman... Nakakainlove...

Ay anu ba yan, may tagos na nga ako at nasa likod ko pa si Terrence kung anu-ano na
namang iniisip ko. Kasi naman love spell ba yung pabango niya at... Bakit? Bakit
niya ako sinisiksik sa dibdib niya ng ganito?
"B-bakit hinahanap mo ba ako?"

"Halika na Pancake." Sabi nito.

"Excuse me!" sumigaw si Terrence.

"Sir, bakit po?" humarap si Silver. Nakaakbay pa din sa akin si Silver. Ay nakuu.
Gusto ko ng magCR. Kailangan ko pang mag-CR? Pero anong gagawin ko? Kung si Silver
na lang naman ang paraan para makatakas ulit ako kay Terrence, eh di go.

At tska... Mag-aayos pa ako!! Pero dyahe naman sabihin dito sa dalawang ito.
Dalawang lalaki. Weird na mga lalaki.

"Bitawan mo si... si Zylie.."

"Bakit po...sir??"

Bakit ganito si Silver? Bakit ganun siya sumagot kay Terrence na parang alam niya
na. Alam na ba niya agad? Naisip na ba niya agad? Naunahan niya pa ba makagets si
Alyanna?

"Ahh.. ano.. wala.." nauutal si Terrence di alam ang sasabihin. Masyado kasing
binigkas at inemphasize ni Silver yung "sir" na nagsasabing Don't cross this line.
Teachers. Line. Students. Know your place.

"Ooookay, tara na pancake, recess na." masiglang sabi ni Silver at tapos nauna na
maglakad. Muntik na akong madissapoint nung binitiwan niya ako. Pero duhh? Bakit ba
ako maadik sa pabango niya? Eh di bibili na lang ako ng ganun kung dun lang naman
ako maadik diba?

Syempre kahit ganun pa... sumunod na lang ako kay Silver. Ayaw ko naman maiwan dun
lang kay Terrence!! Hmmpfff!! Kaya kahit ang yucky ko! Kahit may something sa
pwetan ko... Sunod na lang ako. Recess na nga kasi nagbell na. Dumami yung tao.
"Uyy! Silver!" sabi ko kasi medyo nauuna na talaga siya.

"Hmm?"

Anak ng prinsipe!!! Bakit parang nagslow motion siya??? Parang unti-unti yung
paglingo niya sabay sabi ng "uhmm?" Kay ganda ng side profile.

"Ahh.. ahhh ehh... Thank youuu." Alam ko hindi naman yun yung sasabihin ko eh. May
iba akong gustong itanong o sabihin pero nakalimutan ko. Nagpasalamat na lang tuloy
ako.

"What for?" nagtuloy-tuloy siya. Sunod naman ako ng sunod.

At napansin ko... wala na kami sa canteen?? Nasa malapit na kami sa swimming pool
area. At ano namang ginagawa namin dito?

"Ah... Wala..." di ko masabi na dahil sinave niya ako kay Terrence. Naku ang hirap
magexplain. "Bakit ka pumunta dito?"

"Wala... ingay sa canteen."

Tipid talaga sumagot! Teka nga! Baka may CR dito!! Dyahe kasi talaga yung tagos.
Kung maiimagine lang ng lahat ng kababaihan sa mundo ang nararanasan at
nararamdaman ko sa panahong ito, mandidiri sila sa akin.

"San ka punta?"

Aba! Nagsalita ulit si Silver. Akala ko hindi niya na ako papansinin eh.

"Uhm... May shower room dun diba?" turo ko sa kabilang banda ng pool. Eto na yata
ang pinakamalapit na CR eh. Ayoko na munang bumalik sa CR sa loob. Baka nandun si
Terrence. Okay na dito.

"Maliligo ka?" sabi pa nito. Mahina lang pero nadinig ko. Wala naman kasing ibang
tao dito napakatahimik.

"Haha hindi ah, may lilinisin lang ako." Natawa naman ako! Liligo daw? Hahaha.
Medyo ewan din tong si Silver eh. Bakit naman ako maliligo sa kalagitnaan ng klase?
Porque naliligo ako sa ulanan nung isang linggo, feeling na ba niya ganito na ako
araw-araw? Naliligo in uniform?

"Ingat ka madulas dyan."

Nag-init yung mukha ko. Hala. Kinikilig ba ako?. Pero hindi no no no! Boys are
headaches! Si Silver ay nanti-trip lang. Lumingon ako tapos ang seryoso niya dun sa
gilid nakasandal lang sa poste. Naisip ko, kung may camera lang ako, pwedeng pwede
ng kuhanan ng picture. Photoshoot-ready.

Aray!! Biglang kumirot yung sprain ko! Tsss! Bakit ba kasi naglalakad ako tapos
nakatingin naman ako sa likod. Kaya ayan..

"Ay!"

Nadulas na ako...

*splash*

Nahulog ako sa pool. Waaah. Di ko maigalaw yung paa ko kasi lalong sumakit. At.. m-
malalim pala ang pool.

"Sil..." nalulunod na yata ako. "Silver!!" natawag ko din si Silver sa wakas. Pero
nasaan na siya??? Bakit wala na siya dun sa poste??

Hanggang sa naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. Tapos lumangoy kami


papuntang gutter. Waahhh. Silver. Akala ko mamamatay na ako. Ang hirap lumangoy ng
may sprain, at halos pinupulikat pa.
Inangat niya ako sa pool ng parang baby. Ang gaan ko lang ba? Oh malakas talaga
siya?

Hiniga niya ako sa gilid ng pool. Nauubo-ubo pa ako.

Nagulat na lang ako...

Bakit lumalapit yung mukha niya sa akin.

Hanggang sa...

hinalikan niya ako.

*PAK*

Sinampal ko si Silver! Alam kong hindi masyado malakas dahil nanghihnay ako. Pero
naguilty agad ako. Ano ba naman kasi nanghahalik? Anong problema niya?

"Ang sakit naman pancake."

Pero yung boses niya parang hindi naman siya nasaktan.

"A-ano ba at nanghahalik ka!?!" Tinry ko umupo. Basang basa na yung damit ko. At
hindi ko na alam ang nangyayari down-under. "Bastos ka bakit ka nanghahalik?!"

"Mouth to mouth." Simpleng sabi nito.

Mouth to mouth??? Eh may malay naman ako at umuubo-ubo pa nga. Hindi naman ako
nalunod ng tuluyan at nawalan ng malay. Nakadilat na nga ako eh!

"Ibang klase ka! Bastos!" sigaw ko dito.


"Ako pa ang bastos?"

"OO BAKIT?!"

"Ikaw nga pinahawak mo sa akin yang pancake mo eh" sinabi nito at tumabi sa akin.

Bastos talaga!!!

Basang-basa pa yung damit namin.. Ah... basang basa! Huhuhu.

Tinakpan ko yung harapan ko. Basang basa nga pala ako. Lalo niyang makikita yung...
pancake.

"Halika na nga!"

Tumayo si Silver at hinila ako. Walangyang to! Parang hindi niya lang ako hinalikan
kanina.

Binuhat niya ako na parang baboy. Basang basa kami. Pumasok kami dun sa isang
kwarto.

"Anong meron at nasa bewang mo ang jacket ko?"

"AHHH! WALA!"

"Blow dryer." binigay niya sa akin.

Wow may blow dryer dito? Infairness. Anong kwarto ba ito at may blower pa?

"Nasan ba tayo?" sabi ko.


"Org house... swimming club"

Ahhh... Buti naman may hair dryer dito. Pero di yun yung problema ko. TT____TT yung
tagos ko. Tapos napkin...

"Maghubad ka na..."

O_O

Bakit ba ganyan siya magsalita?

"Tapos ihang mo yang damit mo dyan. Malayo pa ang locker room." Ayyy shemay
naghuhubad na rin siya!!!

Bakit ba lagi akong naiipit sa mga sitwasyong ganito pag kasama si Silver...

"Hwag kang haharap!!!" Sabi ko.

"Wala naman akong makikita, pancake na pancake yung iyo."

"Waaaaaaaaah!!! Kapal mo!"

Tapos din a siya sumagot. Buti na lang may towels naman pala dito sa org house.

Tumingin-tingin ako sa drawer....


Swerte!!!! May napkin... Hahahahaha. Sa wakas!!!!

Nagpunta muna ako sa CR. Tapos lumabas ako nung ayos na. Hindi na ako mag-aarte.
Kahit nakatwalya lang. Si Silver din naman eh. Parehas naman kaming nahulog sa
pool. Dapat wala ng malisya. Dapat. Okay. Kailangang matuyo ang damit namin. At
malaki naman ang twalya. At magkalayo naman kami.

Okay ang dami ko ng naisip.

"Iblower mo na yang damit mo." sabi niya.

Ang awkward pa rin talaga. Parehas nakatwalya.

*toktoktok*

Bakit may kumakatok?!

"Sinong tao dyan?? Bawal gumamit ng org house sa oras ng klase. Hindi yan
pahingahan!"

Yun yatang taga-linis ng pool. Sumenyas sa akin si Silver na wag daw maingay.
Nilagay niya yung index finger niya sa harap ng labi. At ako naman kung ano-anong
naiisip ko. Bakit ba biglang pumasok sa utak ko yung logo ng Victoria Court? What
the hell Zylie. Eh yun yung sikat na motel sa may kanto ha!

WAAAAAAAAH! Anong nangyayari sa'kin?

Narinig namin na nagfe-face na sana yung footsteps... Hanggang sa may nagsalita na


naman "Ano yan manong?" At boses ni Terrence yun. Jusko duduguin talaga ako sa mga
pangyayaring ganito Lord.

"Ah hi kayo po pala sir, para po kasing may tao. May nagbukas ng ilaw eh. Pero wala
naman pong sumasagot. Baka may nakaiwan lang."

"Ah bakit hindi natin patayin?"


"May s-susi po pala kayo."

Binuksan nila yung pinto.

Sa mga oras na yun, tinawag ko na lahat ng santo.

*boom* bumukas ang pinto.

"ZYLIE!!!!!" sigaw ni Terrence. Wala na kasing panahong magtago. Bakit may susi
siya ng orghouse ng swimming club? At si Silver? Sitting pretty na nakatwalya
lang???

Ano ng gagawin ko?! Nakatwalya lang kami!!! Nakakahiya!!!

*later*

##################################

~~Chapter Thirteen- Malevolence~~

##################################

TERRENCE's POV

My second subject was quite bad. Fine mabilis ang pick-up nila dahil Pilot Section
ng lahat ng Juniors. Pero nandun yung maangas na kapitbahay namin na si Silver.
Enough to get into my nerves.

"Hi class ako nga pala ang papalit kay Miss Danica Lagros."

I saw dazzled looks. Hindi naman sa pagmamalaki, pero my mom never lied when she
said I have the looks. Nakakasanay rin kapag may tumitingin pero kakaiba kapag sa
klase.
"Ahh you call her ma'am Dina right? Ako nga pala si Terrence Sanchez. You can call
me Sir Renz if you like."

*cough*

Hindi ko alam pero bakit umubo ang batang si Silver.

"May sakit ka ba? Gusto mo pumunta ka na lang ng clinic?"

Umiling lang ito. Nakakasar talaga. Tinatabla niya ba ako?

"Welcome sa Vander High School Sir!!!"

"Oo nga po sana po magustuhan niyo dito."

Mabuti na lang at accommodating ng ibang estudyante sa klase na ito. Hindi tulad


nung Silver na yun na malakas ang hangin sa utak kasing lakas ng pabango niya.

"I want to know you all better. Can I ask for a self- introduction? Say your whole
name, nickname, hobbies at kahit mga clubs na sinalihan niyo. You can also add
anything na gusto niyong ishare sa class." Naging mas maganda na ang pagsasalita ko
dahil bukod sa 2nd period na ito, wala na dito si Zylie na nagdudulot ng malaking
distraction na parang nagkakaroon ako ng speech problems.

Syempre leveling off with the students muna. Nakakatuwa yung klase na to. Masyadong
mataas ang energy. Tuwang-tuwa din sila sa akin. I feel so welcome.

Nung dumating na yung turn nung Silver, tumahimik yung buong klase.

"Silver Jeremy Torres." Sabi nito tapos hindi na ulit nagsalita.

Yun lang??? Wala na siyang masabi? HAH! Wala pala siya eh.
"Ahm... wala ka na bang ibang masabi?" sabi ko natatawa-tawa na ako kasi pangalan
niya lang yung sinabi niya. At nakakatawa pa yung pangalan niya. Nyeh. Putol ba
dila niya? "Yun lang ba? No speial hobbies? Talents?"

"I'm okay." umupo ito na parang tinatamad lang. O baka wala lang talagang masabi?

"I'd like to hear your hobbies Mr. Silver."

"Okay."

"Okay what?"

Captain ng basketball team. Delegate ng Archery squad. Chess Grand Master. Track
and Field Varsity. Math Wizard ng month of June to November. Presidente ng
Taekwondo Club, Entepreneur's Guild, Debate Society, at Advance Phyiscs Team. At
miyembro ng swimming club. Nakalimutan ko na yung iba..."

Ang yabang! Sobrang yabang! Posible bang maging presidente siya ng limpak-limpak
na clubs? Tapos captain pa siya ng basketball team? Parang sa swimming club lang
yata siya mediocre ah! Kaya pala maangas tong batang to, feeling niya ang galing
niya na.

"Ehem! Sige next na!"

Umupo na yung Silver. Medyo dreamy yung mukha nung ibang girls. Ang yabang kasi
ipinagmalaki niya lahat ng kayabangan niya sa buhay. Magaling din yata ako sa
swimming. Baka hindi siya masyadong magaling kaya miyembro lang siya.

Natapos ang klase naming na nakatingin lang si Silver sa bintana. Napakabastos


talaga. Siya lang yata ang hindi nakikinig. Feeling niya ang galing niya na at
hindi kailangang makinig? Oh baka mas gusto niyang guro si Ms Danica Lagros? Hindi
kaya?

Bakit ko ba kinukwestyon ang teaching skills ko? Bwisit na yun.


Paglabas ko, dumeretso agad ako sa principal's office dahil wala naman akong klase
sa susunod. Bigla tuloy akong nakapagdesisyon. Complete turntables dahil kanina,
ayaw na ayaw ko. Pero ngayon parang mamatay ako kung di agad ako makakapunta sa
principal's office para makausap si madam.

"Yes Mr. Sanchez?" nagulat yun principal. Alam niyang nagkita na kami kanina. "Any
problems?"

"M-ma'am... Does your offer stil stand?"

"I thought you'd never ask." ngumiti ng napakalawak ang matanda. Mabuti na lang at
okay pa rin sa kanya na ako ang maging adviser ng swimming team. Humanda sa akin
yang Silver na yan.

"Take this to the prefect's office." isang appointment letter ang inabot niya.
Napakabilis naman ng pangyayari, naka-ready na ang letter na parang alam na ni
madam na papayag ako maging junior instructor. "You can get the key there."

"Key?"

"Yes, I told you they have an org house. It's beside the pool. You can have the
other table accros Mr. Carlos."

Wow. May isa pa akong desk. Na-curious naman ako itsura ng org house kaya dumaan
muna ako dito bago sa prefect's office dahil mas mauna itong madadaanan. Kailangan
mo munang dumaan sa may pool bago ka makatawid sa Prefect's Office.

Nakausap ko rin yung naglilinis ng pool at binalita ko sa kanya na ako muna ang OIC
ni Mr. Carlos sa swimming club para hindi na siya mabigla mamaya kung bubuksan ko
man ang org house.

Nang makuha ko na ang susi, bumalik na agad ako sa at tinuloy ang klase.

Katulad ng sa mga ibang klase, maaga ko ring tinapos ang huling klase bago mag-
recess para naman sabihin nila, consistent na maagang umaalis nung 1st day. Baka
kasi may magkakaibigan sa mga iba't-ibang section at magcompare-compare sa teaching
style ko.
Pabalik ng faculty, Swerteng nakita ko naman si Zylie na papasok ng CR. Walang tao
sa paligid, at alam ko. Binigay ito ng Diyos na isang malaking pagkakataon.

Hinawakan ko siya sa balikat. I've had a lot under my sleeves. I know in my heart
I've practiced lines and spiels for this day pero wala. Kung ano-ano na lang ang
pinagsasabi ko. HIndi ko na alam basta kung ano-ano na lang lumalabas sa bibig ko
eh.

Parang bigla na lang akong natauhan nung bigla na lang may sumingit sa eksena.

"Nandito ka lang pala." sabi ito sabay yakap.

No... No... Bakit niyayakap nitong Silver na ito si Zylie?!

"Halika na Pancake." Sabi pa nito.

Nakaalis sila dahil wala akong magawa. Anong magagawa ko sa ganung sitwasyon? Hindi
ko pwedeng ipaalam sa lalaking yun ang lahat ng nangyari. Dapat kami lang dalawa ni
Zylie. Walang spectator. Hindi pwede ngayon.

Pero... pancake? Ano yun? Term of endearment nila?

Wait... Ano niya ba si Silver? Am I too late? God.

Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakikita ko kasing papalayo sa akin si Zylie


at sumsunod dun sa mayabang na yun. Hindi ko makalma ang sarili ko. Napaka ipokrito
naman kung susundan ko sila. Baka sabihin nila, isang teacher susunod sa dalawang
highschooler?

Pumasok na lang ako ng CR para maghilamos. Kailangan ko ng tahimik na lugar. Gusto


kong magisip. Gusto ko ring makausap si Zylie. Alam ko marami pang pagkakataon pero
ang daming tanong na gumugulo sa akin.
Tinatamad akong kumain at hindi ko naman kinakailangang bumili sa canteen dahil
pinaghanda naman ako ng snacks pati ng lunch ni mommy. At wala talaga akong ganang
kumain.

Dumaan ako sa faculty room pero masyadong tahimik. Kakaibang katahimikan na


nakakabingi naman. Mas mabuti pang tahimik dahil mag-isa ka lang kesa sa maraming
tao pero saksakan ng katahimikan. Dahil dito, naisipan kong gamitin na lang din ang
org house na sinasabi ni madam principal. Tutal nasa akin na naman ang susi eh.

Narinig kong sumisigaw si Mang Bert, yung nakilala kong taga-linis ng pool kanina
kaya kilala niya ako.

"Ah hi kayo po pala sir, para po kasing may tao. May nagbukas ng ilaw eh."
nahihiyang sabi nito.

Dahil may susi naman ako, pwede kong i-check. Nagsabi ako sa manong na ako na lang
ang titingin.

Napalakas ang pagbukas ko, pero naging mas malakas ang tibok ng pulso ko sa nakita
ko.

"ZYLIE!!!!!"

Hindi ako makatingin! Si Zylie tska si Silver? Magkasama sila. At ang mas malala
pa, naka-twalya lang sila. At mukhang kaliligo lang.

Panic ang nakita ko sa itsura ni Zylie. Pero kay Silver, kalmado lang siya. Na
parang normal lang na makikita siya na ganito. Na parang ako, na teacher sa school
na ito, ang nakakita ng sitwasyon.

"WHAT ARE YOU DOING HERE BOTH OF YOU!?" di ko namalayan sumisigaw na pala ako.
"What do you think, sir?" malamig na sabi ni Silver.

Anak ng! Napakaangas talaga niya! Hindi na siya nahiya na nakita ko sila ni Zylie
sa ganung ayos?

"Baka pwede naman po sir na lumabas kayo para makapagbihis kami?"

WAAAH! Ang nakakainis, wala akong nagawa kundi lumabas kesa panoorin ko silang
nagbibihis.

Nagintay ako sa labas na parang baliw.

Maya-maya, naunang lumabas si Silver. Dirediretso lang siyang naglakad palayo. Na


parang walang nangyari. Hindi man lang siya tumingin sa akin, at hindi man lang
hinintay na lumabas din si Zylie.

"Hoy!" sigaw ko sana pero lumabas na din si Zylie. Napatigil tuloy ako sa paghabol
kay Silver.

"Zylie..." sabi ko pero tumakbo ito.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Isusumbong ko ba sila sa principal for acts of
lasciviousness?? Awww Ano bang sinasabi ko? Wala naman akong nakita diba?? Pero...
Bakit nakatwalya lang sila???

*later*

##################################

~~Chapter Fourteen- In Spite Of~~

##################################

SILVER's POV
Pumasok na ng classroom yung mama's boy na teacher. At hindi na ako nagkamali.. ang
lakas ng hangin.

Tingin ko sa kanya, ang itsura niya habang nagsasalita, nagpapanggap na pormal.


Nakasuot ito ng buttondown na medyo malaki sa kanya. Hindi ko alam kung hindi ba
kanya ang suot niyang damit, o namayat lang siya at nawalan ng dalawang sizes down.

In-short, para siyang yung isa sa mga taong nagbebenta ng Encyclopedia. Not that
it's wrong or bad. Weird lang yung itsura para maging guro.

Nagpakilala siya bilang Terrence. Napaisip ako, ilang tao na ba na nagngangaloang


Terrence ang narinig ko nitong mga nakaraang araw?

Hindi ko alam kung bakit napakarami niyang sinasabi. Na Renz ang nickname niya. At
kapalit siya ni Miss Danica. Bakit ba kami nagsasayang ng oras ng ganito sa
pagsasalita niya? Hindi ba dapat ginagawa niya ang lahat para maganda ang
transition ng end ng lesson na na-cover ni Miss Dina sa umpisa ng ituturo niya?
Hindi yung puro siya na lang. Hindi ko alam kung may pagka-narcissistic ba itong
mayabang na ito?

*cough*

Sinadya kong umubo. Puro na lang kasi pagpapa-cute ang nangyayari. Nagpapacute ang
mga estudyante, isama mo pa yung teacher. Ano bang klase ang inenrolan ko?

Nang humingi siya sa amin ng self-introduction naisip ko, eto na naman po tayo.
Akala ko nakaligtas na ako sa pagpapakilala na Ako ang kulay Silver na Jeremy dahil
kalagitnaan pa lang ng school year. Pero dahil sa kanya, kailangan ko na namang
pagdaanan ang excruciating process na yun.

At isa na naman ito sa nagpapatagal ng klase na wala namang kwenta.

Nang magsimula, sobrang dami ng mga sinasabi ng mga kaklase ko. Lahat na yata ng
parte ng buhay buhay nila ay ikinuwento na. Kaya nung dumating sa akin, ayaw ko
nang makadagdag pa sa pagsasayang ng oras at buong pangalan ko lang ang sinabi ko.

"Silver Jeremy Torres." kilala naman ako ng mga classmate ko. At ang teacher namin,
kahpitbahay ko pa. Ano pa bang dapat sabihin?

"Ahm... wala ka na bang ibang masabi?" natatawa-tawang sabi niya. With all mockery,
ngumiti siya na parang sinasabing wala naman yata akong alam sa mundo.

"Captain ng basketball team. Delegate ng Archery squad. Chess Grand Master. Track
and Field Varsity. Math Wizard ng month of June hanggang ngayon. Presidente ng
Taekwondo Club, Entepreneur's Guild, Debate Society, at Advance Phyiscs Team. At
miyembro ng swimming club. Nakalimutan ko na yung iba."

Alam kong tameme siya.

Ang totoo, kahit itanggi ng nanay ko, marami akong extracurricular activities.
HIndi lang puro acad.

Di ko nga alam kung bakit nila ako kinukuha eh. Tamad akong tao pero parang imposed
naman yung mga club. Sabagay madali lang naman yung iba. Dapat nga magiging
presidente na rin ako ng swimming club pero tinanggihan ko na talaga. Di ko masyado
trip ang swimming eh. Si Mr. Carlos kasi masydo lang mapilit pagkatapos niya ako
makita sa practical namin last week.

Eh di ako na ngayon ang natatawa sa mukha nung mama's boy sa harap. Para siyang
nakainom ng suka na di mawari. Kung makapagtanong kasi akala mo maliligtas ng sagot
ang Pilipinas sa kahirapan.

Natapos ang buong klase at walang kwenta lahat ng nangyari. Isang araw ang nasayang
na puro siya ang pinaguusapan at mga buhay-buhay ng estudyante.

Matapos ang set ng morning classes, katulad ng usual, nauna ako lumabas para wala
pang tao sa canteen ay makakabili na ako. O makakakuha ng magandang pwesto. Blanko
yung utak ko at medyo gutom, hindi ko maintindihan kung bakit, kaya nagmamadali
talaga ako.

Pero natigilan ako nung mapansin ko si Terrence. Sa tapat ng CR ng mga babae. At si


Zylie. This is somewhow confirms my suspicion. I can vividly remember the time I've
seen him staring at her. And her staring at him. What are the odds? Napakaliit ng
mundo.

Lumabas ako pero napansin ko na naman yung mayabang na Renz na yun. Sa may CR ng
babae. Pero teka, bakit parang kinocorner niya si pancake??

"Please hersheys."

WTF is Hersheys?

"Sir..." narinig kong sumagot si Zylie.

Ang gulo... Ano bang pinaguusapan nila? Hinaharass ba siya nung Terrence na yun?
Such a pedo.

When I heard him ask her about going into a vacant room. My senses went wild. Anong
pwedeng gawin ng isang pedong teacher sa pancake ko sa isang bakanteng room? Then I
interfered.

"Nandito ka lang pala." Sabi ko sabay yakap sa pancake. I don't know why but this
little thing needs a hug. A protection from one creepy pedo.

I did some things to pry her away from him. Nauna na ako maglakad pagkatapos ko
magaw yun dahil baka naman sabihin niya I'm taking advantage of her if I continue
to touch her even while walking. And I'm kind of confused. What the hell am I
doing? I keep on messing with my usual series of activities. Wala sa plano ang mga
ginagawa ko these days. Unconsciously ba, sinusunod ko si mommy?

"Uyy! Silver!" narinig kong sabi niya ng nakalayo na kami.

"Hmm?"

"Ahh.. ahhh ehh... Thank youuu."

"What for?" I think I know the answer. But I just wanted to hear it in her own
lips.

"Wala..."
When we reached the pool area, nagsimula siyang maglakad. Sa pagitan ng dalawang
pool. Just by the sight of it, nakakakaba na baka madulas siya.

I asked where she's going to stall her pero alam kong sa shower room talaga siya
pupunta.

"Maliligo ka?"

"Haha hindi ah, may lilinisin lang ako." thinking my question is stupid. She
chuckled like a hooting bird. Kyot. Pero may lilinisin? Hmmm Ano naman kaya ang
lilinisin niya na kelangan pa ng shower room.

Naglakad pa rin siya sa madulas na parte ng pool area.

"Ingat ka madulas dyan."

Lumingon pa siya sa akin pero as if on cue. Nadulas talaga siya at nahulog sa pool.

Tumakbo ako agad sa may pool at tumalon. Yung uniform ko... bahala na.

Niyakap ko siya. Dinala ko siya sa may gutter. Ang gaan lang pala niya kasi madali
ko siya naiangat mula sa pool. Marami siyang nainom na tubig. Ubo siya ng ubo.
Namumula-mula pa yung pisngi niya na para na siyang kamatis. Parang ang sarap niya
ipitin ng yakap kasi mukha siyang cute na monay na ang sarap kurutin.

And I've thought of this very stupid thing.

I kissed her.

Sinampal niya ako. And I dunno why I am still all smiles.

"Mouth to mouth." Sabi ko. May maidahilan na lang. And she's redder than ever.
After a series of teasing, tumahimik rin kami.

We tried to blow dry our clothes. Umaasang matutuyo yun bago matapos ang recess.
Mabuti na lang at maraming hair dyer sa org house. Courtesy of the vainest swimming
club members, thank you very much. May magandang gamit din naman pala ito.

We were in chill mode when someboady knocked.

"Sinong tao dyan?? Bawal gumamit ng org house sa oras ng klase.."

Si kuya Bert lang pala. We are close. He cleans the pool in a regular basis and he
knows me. Kaya relax lang ako. And the door is locked kaya hindi niya rin naman
mabubuksan.

Until there comes another voice.

"Ano yan??"

Terrence.

He opened the door but I remained calm. Bahala na. Wala naman kaming ginagawang
masama eh. I need not to act defensive.

"ZYLIE!!!!!" gulat na gulat siya at tinitignan niya si Zylie with accusing eyes.

"WHAT ARE YOU DOING BOTH OF YOU?!"

Madumi. Madumi ang utak. Nilulumot na ba? Well, what can I expect from a pedo.

"What do you think sir?" I taunted.


Pinalabas ko siya ng orghouse para makapagbihis kami. I walked out matapos kong
magbihis. Hindi pa masyado tuyo ang uniform ko kaya nakakairita. I walked fast. I
didn't even take notice of his existence.

Pero tinawag ako ni Zylie nung makalayo na ako. It sounds like naglalakad din siya
ng mabilis despite her sprain.

"Mmm?" sabi ko habang di ako lumilingon. I don't know how I knew pero alam kong
nasa malapit lang si Terrence.

"Pahintay!" sabi niya.

Tumigil ako at lumingon para hintayin siya. How can I say no? Ewan ko bakit malakas
sa akin yang si Pancake. Pero ayun, nakita ko na nakatingin si Terrence kay Zylie.
Papalapit na din ito.

"You two! Come with me!" sabi nito with a tinge of hesitation in his voice. Pero
matapang. Feigned maybe? But enough to startle any girl.

"Sir... wala naman pong-" nagtry magexplain si Zylie. Pero pinutol ko.

"Okay!" I said, implying na susunod kami sa kanya.

Nauna siyang maglakad at wala na ring nagawa si Zylie kundi sumunod.

"Anong sasabihin natin?!" nagpa-panic na si Zylie.

"We'll just tell him what really happened."

"What really happened?" she asked rhetorically.

"Hush. It's not like you did something wrong, didn't you?"
"R-right. Wala naman akong ginagawang masama eh. Nahulog lang ako sa pool, muntik
ng malunod, you... you saved me. At pinapatuyo natin ang uniform natin. Hindi ba?"

"Exactly. And besides, kilala mo siya naman hindi ba?"

"P-pano mo nalaman?"

"Well." I shrugged "At least you can reason out with that... dude." sabi ko. I have
this feeling na walang masamang mangyayari. Dahil wala naman kaming ginawang
masama. Bukod sa... paghalik ko kay Zylie, wala na akong natatandaan. Diba?

Nung dumaaan kami sa Principal's office, I won't deny medyo kinabahan din ako. I've
never entered the principal's office na isang offense ang ginawa ko. Mabuti na lang
at dumaan nilampasan namin ito. Sa isang multi-purpose room kami dinala ni
Terrence.

Walang katao-tao. Walang spectators. Walang ibang teachers at instructors. O kahit


prefects of discipline na makakarinig.

"Explain yourselves!" sumigaw ito ng maisara na ang pinto ng multi-purpose room.

"Terrence naman..." I noted, first name basis. Further confirms my theory. That
this Terrence... This very Terrence... And the tone of her voice na parang kakilang
kakila niya kung sino man ito. The way she wanted to reason out.

I am starting to be annoyed.

"Nagbabahay bahayan kami..." sabi ko bigla just to spite them.

"I'm not fooling around with you Torres! Zylie... anong nangyari?"

He's putting a blind eye on me.

"Sir... ano---" and Zylie's still wanting to explain.


"We are just making out sir... just like normal teenagers." I said.

*later*

##################################

~~Chapter Fifteen- Despite Of~~

##################################

SILVER's POV

Biglang dumapo yung kamay ni Zylie sa likod ko. Akala ko kung ano, hinampas niya
pala ako. It's just that masyadong mahina ang paghampas kaya akala ko ay
kinakalabit niya lang ako. Is she that tired?

When I looked at her, sobrang pula na ng mukha niya. Hobby niya ba ang magblush?
Ilang beses ko na ba siyag nakitang nangamatis ngayong araw? I know I've said some
things to make her red. Sinabihan ko ba naman si Terrence na nagme-make out kami sa
orgouse Just like normal teenagers. But I said that to spite him.

"A-anong nagmmake-out??!!" alam kong gulat na gulat siya kaya hindi siya makasakay
sa mga sinabi ko. Alam ko sabi ko kanina kay Zylie na dapat sasabihin naming ang
totoo. Na nahulog lang siya sa pool at sinagip ko siya etc. etc. Pero matapos
kaming dumaan ng principal's office, alam kong hindi talaga isusumbong ng isang
ito. What are we doing inside the Multi-Purpose Room kung doon din pala ang bagsak
namin at magkakaroon ng offense?

Tinignan ko rin si tanda. I can't even describe his face.

"H-hindi kami nagmmake out! Sir!! Ano kaba Silver!!! N-nahulog lang ko sa... sa
pool. Tapos sinagip niya a-ako! Tapos... tapos nagpatuyo kaming d-damit sa
orghouse!! Ayun lang yun!!"

Sinong maniniwala kay Zylie? With the extreme stuttering. Kahit totoo ang sinasabi
niya, masyado siyang kinakabahan. Bakit siya kinakabahan? Bakit siya defensive sa
harap ng taong yun?
"Pasensya na sir. You came at the most unconvenient time." Sabi ko ulit.

"ANO BA SILVER JEREMY TORRES!" sumigaw si Zylie. But then I noted she just shouted
my whole name. She knows my whole name.

"Magtigil nga kayo!! Anong nangyari!!" simisigaw na rin si Sir.

"I've already told you."

"S-sir... Sir naman... Wala naman po eh. Wala talaga... Nabasa lang talaga yung
damit ko!!! Sinungaling to!!"

"Totoo? Wala talaga Zylie? Nothing happened?"

That's it. I tried my best to deal with this coolly. Pero gusto nila ng ganyan? All
sweet? Ako na lang ang aalis.

"Where are you going Torres?" sabi nung mayabang ng paalis na ako.

"You can deliver us to the principal if you like, but I have to go. It'll be time
soon." Umalis na talaga ako. Bothered ako sa loob. Nakakadisturb ang paraan ng
paguusap nila. A teacher? And a student? How can I take this shit?

Pero yun pala ang pagkakamali ko. Naging mas bothered ako nung nasa labas na ako at
naisara ko na ang pintuan ng multi-purpose room. Why did I leave? Iniwan ko silang
dalawa sa loob. Silang dalawa lang.

Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. That would be stupid and funny if I'll
turn around and go back inside.

Pero I almost did. I almost run back inside. Mabuti na lang at nag-bell na. It will
force the two of them out.

And the first thing I did? I grabbed Zylie as soon as she stepped out of the
corridor. Like a crazy man. Yeah, maybe I lost it. I really became crazy.

Lumiko kami ni Zylie sa corridor na walang tao. Alam ko sinusundan pa din kami nung
Renz na yun. Nababaliw na ako.

Tinulak ko si Zylie sa pader. Tska ko hinalikan.

Sinong matinong tao ang gumagawa ng ganito?

God forbid but I really did.

Tignan mo 'to SIR Terrence.

*later*

##################################

~~CHAPTER XV- ZYLIE~~

##################################

CHAPTER XV- ZYLIE

Ano bang pinagsasasabi nitong Silver na to!!! Anong making out?? Nasisiraan na ba
siya??? Sa harap pa ni Terrence?!

Nasisiraan na siya ng bait. Nakakaihiya!! Unang una teacher si Terrence, pangalawa,


ex ko siya! Ano ba naman to!!!
"Sir wala naman po eh. Nabasa lang talaga yung damit ko!!! Sinungaling to!!"
paikusap ko kay Terrence.

Tinitigan niya ako. Kinabahan ako. Nakakatakot ang mga titig niya na ganyan

"Totoo? Wala talaga?" malambing na sabi niya. Oh God Terrence, bakit ganyan ka kung
makatingin?

Parang nakalimutan ko na nga na nandyan pala si Silver. Nagulat na lang ako sa


tunog ng umurong na silya nung bigla siyang tumayo.
"Where are you going Torres?" sigaw ni Terrence.

"Isumbong niyo na lang kami sir sa principal. Babalik na ako sa classroom. Malapit
na magtime."

Umalis na siya.

Oh My God kami na lang ni Terrence ang nasa loob nitong room.

"Zylie... Hersheys... Anong ginawa sa'yo nung mayabang na yun?"


"Ahh.. Sir... Wala nga po, nahulog lang naman talaga ako sa pool eh. Promise." Sabi
ko sa kanya. Sobrang awkward kasi.

"Hwag mo na akong i-sir Zylie... tayong dalawa lang naman. Mag-usap naman tayo..."

"Ah sir pa din kita, kahit anong gawin natin." Sabi ko, pero there's a part of me
na nattraydor sa naiisip ko.

"Please... Zylie, magpapaliwanag ako. Hindi pa naman ako huli diba? Mahal pa rin
kita"

Gossshhh. Anong sinasabi niya? Makikinig ba ako sa paliwanag niya? After all these
years.
Di ako makapagsalita. Buti na lang nagbell na. Baka kasi hindi ko na siya matiis at
magtiwala ulit ako sa kanya.

Dali-dali akong pumunta sa pinto at lumabas.

"Zylie naman... Please tell me I'm not too late. " napatigil ako sa pagbubukas ng
pinto. Anong not too late ang pinagsasasabi niya?

"What are you talking about?"


"Zylie... I miss you... I miss us... together..."

TT______TT

Miss "us" daw? Nakakainis siya! Kung miss niya ako bakit di man lang siya
nagparamdam? Di man lang nagpaalam!

Bahala siya! Lalabas na talaga ako!


Pagkalabas ko, may humila sa akin.

Pagtingin ko... Si Silver na naman? Akala ko ba umalis na siya??

"Oy ano ba!" sabi ko.

Lumingon ako, nakasunod sa amin si Terrence. Ano bang nangyayari? Bakit ba ganito?
Nagulat ako nung lumiko kami doon sa corridor ng mga facility rooms. Anong gagawin
niya?

Tinulak niya ako sa pader. Aray ko!!!! Ano bang problema niya. Sisigaw na sana ako
ng....

>///< Anong ginagawa niya? Hinalikan niya ako. Waaah..

Napapikit na lang ako. Kasi... hindi lang niya ako basta hinalikan katulad nung sa
may pool. We are totally kissing. Oo, we are kissing... "we" dahil pati ako.
Humahalik na rin. Bad Zylie. Bakit ako ganito.
Ano bang meron tong Silver na to at hindi ko pa siya sinasampal hanggang ngayon?
Dahil ba ang bango bango niya? Dalawang beses niya na ako hinahalikan ngayong araw.

>3<

Tapos niya na akong halikan, nakapikit pa din ako. Nakakahiya!!!!

Pagdilat ko, wala na si Silver, naglalakad na siya palayo. Walangyang to! Grrrr.
"Zylie..."

Muntik ko ng hindi mapansin kung hindi pa nagsalita, nandito nga pala si Terrence!!

TT________TT Ano ba yan! Bakit ko ba nakalimutan na nakasunod nga pala siya sa


amin????

Nakakahiya toh! Pinapatunayan ko kaninan g hindi kami nagme-make out ni Silver.


Tapos ako namang engot kakalabas pa lang nakipaghalikan na??? Waaaaaaah!!

Wala akong choice. Tumakbo na ako. Gusto ko ng bumalik ng classroom. Nalampasan ko


na si Silver na mabagal na naglalakad. Kung anu-ano nang nangyari eh.
Buti hindi pa ako late...

"Anong nangyari sayo? Okay na yung tagos mo?" kung makapagtanong naman si Alyanna
para talagang adik.

"Oo" hindi niyo lang alam kung anong nangyari sa akeeeen. TT_______TT

"Buti naman, nasaan ka nung recess?" tanong naman ni Mikaela.

"Making out..."
"ANOOOO?!?!"sigaw yung dalawa

"Joke... Waha! Wahahaha!" tae talaga ako nahahawa na yata ako kay Silver, kung anu-
ano nang pinagsasasabi..

"Saan nga!!!?"

"Dyan lang... nag-hanap ng napkin pshhh"

Buti na lang hindi na sila nangulit pa. Natapos ang araw na okay naman. Pababa na
ulit ako para makauwi na.
Pero dahil nagmamadali ako dahil ayaw kong makita ni isa man kina Terrence at
Silver. Nadulas ako... sa hagdanan. Tumalbog talbog yung pwet ko hanggang
makarating ako sa baba.

"Si ate naman, kung makapagslide sa stairs wagas hahaha" pinagtatawanan ako?
TT_____TT Ang sakeeet nun! Di pa nga masyadong magaling yung sprain ko, nabugbog pa
pwet ko. Sobrang sakit naman!

"Are you okay?"

Huh? Tae... Si Terrence....


"Sir nahulog siya kanina, kawawa naman" sabi nung nangaasar kanina sa akin. Hmpf!
Kala mo naman concerned siya talaga.

"Okay lang po ako sir"

"Halika na..." inakay niya ako. Pinagtitinginan kami pero... wala na akong magagawa
alangan namang mag-inarte ako.

"Awwww. Sana ako din nagpatihulog sa hagdan para tutulungan din ako ni sir!!"

"Shhh magtigil ka nga!! Naririnig ka kaya ni sir"

Hambalusin ko tong mga nag-uusap usap eh. Sige kayo kaya ihulog ko sa hagdanan?
Papasok na kami ng kotse ni Terrence... Bago ang kotse niya. Hindi ito yung dati
eh.

"Pumasok ka na..." sabi niya.

"Hindi na kailangan Terrence"

"Ihahatid na kita... please Zylie."

Seryoso siya. Ano pang magagawa ko? Sakit kaya ng pwet ko kahit pa gusto kong
tumakbo? Nasaan ba si Silver?

Hmpp at bakit ko naman siya hinahanap diba?

Sumakay na nga ako sa kotse ni sir. >///< Never kong inimagine na mangyayari to.

Di siya kumikibo, nagddrive lang siya. Awkward padin ako? Anong sasabihin ko??

"Alam mo pa ba... kung saan yung samin?"


"Alam ko..." sabi niya.

Ihahatid ako ni Terrence sa amin? >//< Teka... Hindi ba siya magtatanong tungkol
sa... sa nakita niya kanina sa corridor??? >///<

Hayaan na nga... Kung hindi siya magtatanong bahala siya.

Teka... Lumiko kami... Hindi na to papunta sa bahay namin ah!! Saan kami
pupunta?!?!?!

>///<
*later*

##################################

~~CHAPTER XVI- TERRENCE~~

##################################

CHAPTER VI- TERRENCE

When I saw them kissing. God knows how much I wanted to grab Zylie away from that
a*s! Pero wala akong nagawa. Bakit hindi ako maka-alis sa kinatatayuan ko. What
kind of relationship do they have?

Naunang umalis yung Silver. Naiwang nakapikit si Zylie. Ano ba naman to.

"Zylie..." sabi ko. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang tanungin. Gusto ko
ding magpaliwanag.
Pero tumakbo siya palayo. Am I really too late? May mahal na ba talaga siyang iba?
Hindi pwede! At yung Silver pa talaga na yun? Hindi ako papayag!

Kakausapin ko na talagi si Zylie kahit na anong mangyari. Kailangan kong


makapagpaliwanag. Ng maayos. Ng walang asungot.

Tapos na ang klase at hinanap ko siya sa classroom nila. Pero nakita ko sina
Mikaela at hindi naman nila kasama si Zylie.

Hanggang sa makarating ako sa baba at nakita kong nakaupo si Zylie sa pinakadulo ng


hagdan. Nakatingin sa kanya yung mga ibang estudyante.
Anong nangyari? Nahulog ba siya?

Lumapit ako.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Medyo nakasimangot talaga siya. Mukhang nadulas
siya. T__T

"Sir nahulog siya kanina, kawawa naman" kumpirma nung isang estudyanteng malapit
samen.
"Halika na..." inakay ko siya. This time hindi na siya makakatakas sa akin. Mag-
uusap kami sa ayaw at sa gusto niya.

Nung pinapasok ko si Zylie sa kotse. Tska siya nag-alinlangan.

"Hindi na kailangan Terrence"

"Ihahatid na kita... please Zylie." Pakiusap ko.


Pero hindi ko pa siya pwedeng ihatid. Imposibleng makapag-usap kami sa kanila. Baka
isinumpa na ako ng buong pamilya niya.

"Alam mo pa ba... kung saan yung samin?" tanong niya

"Alam ko..." sabi ko. Pero sorry Zylie hindi muna kita pauuwiin.

Iuuwi ko siya. Sa amin.

"Teka! Saan tayo pupunta!!" nagppanic na siya.


"Maguusap tayo Zylie."

"Papagalitan ako.. uuwi na ako Terrence."

"Please Zylie! Pagkatapos nating magusap ihahatid kita!"

"Saan tayo maguusap? Terrence hindi ako natutuwa sayo"

Napagpasayahan kong hindi na sumagot. Malapit na kami sa bahay.


Mabilis akong nagapark.

"Nasaan tayo? Kaninong bahay to?" sabi na naman ni Zylie. Pinagbuksan ko siya ng
pinto pero ayaw niyang bumaba.

"Mag-usap tayo sa loob."

"Dito na lang. Please Terrence. Please." Natatakot siya.

"Zylie bahay ko to. Mag-uusap lang tayo. Nandyan naman si momsy sa loob."
Maya-maya lumabas na rin siya ng kotse. Akala ko hindi ko siya mapipilit eh.

"Momsy.... Ma!" tawag ko sa loob.

"OH! ZYLIE!" nagulat si momsy


Ngumiti lang si Zylie. Kailangan ko na talagang makapagpaliwanag.

"Ah. Maiwan ko na kayo!" nagmamadali naman si momsy umakyat.

"Upo ka."

"Bilisan lang natin Terrence."

"Hersheys..."
"Don't call me that..."

"Magpapaliwanag ako. Tatanggapin ko lahat ng galit mo. Pero ipapaliwanag ko kung


bakit ako nawala."

Umiling lang ito.

"Listen to me. I love you."

"You love me? HAH! Ang galing mo palang magmahal!


"Makinig ka muna sa akin..."

"Bakit ka umalis? Di ba uso ang cellphone or e-mail sa iyo!!!"

"Hindi naman sa ganun! Hindi ko kasi alam kung paano ko ipapaliwanag sayo"

"Ang alin? So mas maganda na pala ngayon ang di na lang nagpaparamdam kaysa sa
pagpapaliwanag? You left me hanging Terrence! You didn't even bid me goodbye. No
clues! Wala lang iniwan mo lang ako!"

"I WAS MARRIED!"


O_O

Nagulat si Zylie. Sinasabi ko na eh. This is the hardest part.

"You are married?"

"No Zylie, I was married. Di ko yun sinasadya."

"That doesn't make any difference! Kaya pala! Now I understand! Tama ka! You don't
have to explain."
Papalabas na ito.

"Wait wait! Listen to me Zylie. Makinig ka muna. And after I explain. You will be
free to go. Basta makinig ka lang."

Tumigil ito.

"Okay."
Huminga ako ng malalim. Eto ang pinakahihintay kong sandali. I have to choose the
right words.

"Something happened two years ago. Napikot ako Zylie."

"Pikot?! You are kidding me."

"I woke up with her. Ang sabi niya may nangyari sa amin. I married her. I was faced
into a great responsibility! Buntis siya. I can't put myself to tell you."

"Om My god! Nakabuntis ka?


"No Zylie. She conceived a child, yes. Pero as it turns out. It's not mine. Kaya I
did my best to break free. Kaya ako nasa ibang bansa para sa divorce. Ngayong
maayos na ang lahat, I'm here. I am begging you to give me another chance. Please
Zylie."

"Two years Terrence. Almost two years."

"I know Zylie kaya kong bumawi."

Umiiling na naman si Zylie.

"Huli na ba ako? Anong relasyon niyo ni Silver?"


"Uuwi na ako Terrence. Naguguluhan ako." Lumabas na talaga siya ng bahay.

Hindi niya ako sinagot. Tumakbo siya palabas.

"Zylie! Please pagisipan mo!"

Sinundan ko siya sa labas.


"Zylie ihahatid na kita!" habol ko sa kanya. Tumatakbo siya palabas.

"NO! Keep off my pancake!" may humarang sa dadaanan ko.

>,< Anak ng! Kapit bahay ko nga pala tong Silver na to! Damn it.

*later*

##################################

~~Chapter Eighteen- To the Carnival~~

##################################

SILVER's POV

Sa lahat ng practice namin ng basketball, eto na yata ang pinakamatagal. Hindi ko


alam kung natatagalan ba ako dahil gusto ko na agad matapos.

Iniisip ko kasi... kung anong iniisip ni... pancake sa panahong ito.

I don't know when did I start thinking other people's way of thoughts pero sa
ginawa ko kanina. Yung una kapilyuhan lang, pero yung pangalawa. I really kissed
her. At hindi ko inaasahan, na kaya niya rin... ang humalik. I kind of expected her
to be stiff... but she's not. And she kissed me back like she knows what she's
doing. Like she's prepared for this.

Dahil ba sanay na siya? Kanino naman siya nasanay? Dun sa Terrence na yun?

"Pasa mo dito!!" sigaw ni Fred sa di kalayuan.

Napabato ako ng malakas. Namalayan ko lang na napalakas pala ang pagpasa ko ng bola
nung naibigay ko na.

"Aray!" sabi ni Fred. Dumaplis kasi sa kamay niya yung bola.

"TORRES! This is basketball and not shotput. Anong klaseng chest pass yun? Do we
need to go back to passing fundamentals or what?" sigaw ni coach.

"Sorry... coach..."

"Seryoso ka Silver muntik mo pa akong maputulan ng daliri. Napakalapit ko


napakalakas ng pagbato mo pre."

Nagtuloy-tuloy pa rin ang laro and I tried my best not to mess up. Ako rin naman
ang mahihirapan dahil hindi rin kami pauuwiin hangga't hindi pa nakukuntento si
coach.

Kaya when I saw a good chance, I made a shot. Enough to satisfy our coach.

"Waaaaah! S. I. L. V. E. R!!! GO SILVER!!!!" mag nagchicheer pang mga babae doon sa


bleachers. Weird people. Pero at least sa mga satisfied na sigaw nila, mukhang
nasatisfy din si coach.

Naglakad na ako palabas ng court kahit hindi pa sinasabi ni coach. I know him too
well.

"I think we should pack up. See you tomorrow." Narinig kong sabi ni coach kahit
saglit na inakala ko na papagalitan niya muna ako.

"Batas na naman si captain." Narinig kong sabi nung isang miyembro ng team. Ako
batas? Eh ayaw ko nang maglaro. Kahit i-banko niya ako sa susunod na laban pero
wala na talaga akong ganang maglaro. Hindi na ako makapaghintay umalis sa court.

"Hayaan niyo na si Silver." Sabi naman nung isa.

"Silver... here, towel." Biglang sumulpot si Bettina from nowhere. HIndi ko alam na
nanonood rin pala siya ng mga practice na tulad nito.

"Thank you..." kinuha ko yung pamunas sabay naglakad na ng mabilis.

"Wait... Silver..."

Hindi ko siya pinansin. I defied coach dahil gusto ko ng lumabas. At kahit si


Bettina pa ang lumapit, hindi na rin ako mapipigilan.

Naturalmenteng wala ng tao nung tuluyan na akong makalabas. Kaunti na lang ang
estudyante na natira sa school. And needless to say, the pancake is out of sight.
What do I expect? Na mag-linger pa siya sa loob ng school matapos lahat ng
nangyari. Sa kanila. Sa amin? Sana lang di na siya ginulo nung mayabang na teacher
na yun.

Sumakay ako ng sasakyan ng hindi na nagbother magpalit ng damit.

I drove on heavy foot. Really really fast. Naiinis ako ng di ko maintindihan.


Nakakainis na kapitbahay ko nga pala ang mayabang na teacher na yun na gumugulo sa
tanging taong napansin ko sa school. Nananadya ba talaga ang pagkakataon?
I am preparing to park ng makita kong may tumakbo mula sa kabilang bahay.

"Si Zylie ba yun?"

Gusto ko munang kusutin yung mga mata ko. Iniisip ko na ba siya masyado na nakikita
ko na siya kahit dito sa loob ng subdivision?

Pero when after quite some thought, naisip kong bahay na nga pala nila Terrence ang
nasa kabila.

At ang mukhang siopao na yun na kitang-kita kahit sa malayo. Hindi lang ako basta
naghahallucinate. Zylie is indeed here.

Mabilis kong tinigil yung sasakyan ko. Kahit malayo pa lang.

She's wearing the saddest frown I've ever seen. Imagine I rarely see an expression
out of her. And this is one hell of a frown like a mackerel. Hindi katulad ng mukha
niya kapag naiinis na matutukso ka pa ring inisin pa siya dahil kaaya-aya pa rin.

I can feel that's she's really uncomfortable. Anong ginawa ng pedo na yun sayo?

"Zylie ihahatid na kita!" I overheard.

"NO! Keep off my pancake!" I tried to sound comical para na rin hindi mamagnify ang
nararamdaman kong inis. Napaka unfamiliar ng feeling na to sa mga taong hindi ko
naman lubusang kilala.

"Anong pancake? Torres! Umalis ka diyan."


"Bakit sir?? ... At bakit nandito si Zylie sa subdivision natin? Have you started
offering private classes in your house? Ano namang maituturo niyo diyan?" nabigla
ako na sobrang haba ng sinasabi ko. I feel like it's not me. I'm not being myself.

"B-bakit? Aa-anong sinasabi m-mo?" he stammered.

"Tara..." sabi ko kay Zylie.

"Ffffhhhhhhh..." narinig kong sabi ni Sir... Anong fhhh? Mabuti na lang ba at


dumating ako agad at hindi niya na naihatid si Zylie pauwi? Pero paano naman
nakapunta dito si Zylie in the first place?

Nevertheless... Hinila ko si Zylie papuntang kotse ko.

Narinig kong may mga nahulog na kung anu-ano. Lumingon ako at mukhang sinipa pa
yata ni Terrence ang kalapit na basurahan sa labas ng bahay nila at nagkahulog
hulog yung ibang basura.

Di naman pumalag si Zylie. Pero hindi rin siya nagreact. Damn it. Damn everything.

Kulang na lang buhatin ko siya para iupo sa shotgun seat. Pagkaupo ko pinaandar ko
na agad yung sasakyan. At wala pa ring sinasabi si Zylie.

"Seatbelt please." I almost begged.

Mabagal na sinunod niya lang. Is she really sad? Or mad?

Inihinto ko muna yung sasakyan ng makakita ako ng shoulder sa kalsada. Mabilis ang
pagbbreak ko pero para wala pa ring reaction si Zylie.

"Pancake..."

"He was married... Nagpakasal siya right and he left without a trace" pero hindi
niya pinansin yung pang-asar ko. Anong married? Sinong married? Si Terrence?
Pero... Hindi ko pa din maintindihan

"I don't get it..."

Umiling lang si Zylie at tumingin sa labas.

"I-i can listen..." I offered an ear.

"You can't understand..." sabi niya ng hindi pa rin tumitingin sa akin.

"Try me..."

"J-just bring me home." she faked a smile. Hindi ko pa siya gaano kilala. Pero I
know she's faking it.

"C'mon Zylie... Just say it." I hugged her like she needs it.

Hinigpitan ko yung yakap. Hanggang sa maramdaman ko na lang yung mga mata niya ay
pinatong niya sa balikat ko. Dahil nakajersey lang ako, naramdaman ko na unti-
unting nababasa ang bandang balikat ko.

She's crying. Akala ko hindi siya marunong umiyak. With all the letdowns that she
had... lahat ng kamalasang nangyari sa kanya, lahat ng nakita ko... wala mang lang
lungkot o kahit iyak na lumabas sa kanya kahit nadapa siya, nahulog o nasprain.

Then I knew, physical pain is really nothing compared to emotional pain.

Pero I don't know what that stupid teacher did to her to make her like this. Akala
ko magagalit siya o sisigaw. But damn she's just silently crying on my shoulders.

"It's okay..." sabi ko habang hinahaplos ko yung buhok niya. Tapos naramdaman ko na
yumakap na rin siya.
Then I started to have waves of feelings. More like tsumamis of emotions. I don't
get this feeling. Siguro dahil ayoko ng may umiiyak. Naasar ako kapag may umiiyak
na babae. Kinakabahan ako. Pero hindi ko siya binitawan, yayakapin ko lang siya
hanggat hindi niya ako tinutulak.

Maya-maya siya na mismo ang bumitaw mula sa pagkakayakap.

"S-sorry" nahihiyang sabi niya.

"No... Are you okay? Iuuwi na kita?"

"Pwede bang hwag muna?"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Ayaw niya pang umuwi?

"Okay." Sabi ko na lang.

"Kahit ibaba mo na lang ako sa carnival."

Carnival? Saan ba may carnival na malapit? Bakit naman doon?

"Uhm... where to pancake?"

"Ah, doon sa malapit sa amin, may karnabal... On the way naman."

Hindi na siya nagrereact sa pagpa-pancake ko.

And her wish is my command.

Carnival here we come.


*later*

##################################

~~Chapter Nineteen- The Venting Place~~

##################################

ZYLIE's POV

Hindi ko alam kung bakit napaiyak lalo ako nung niyakap niya ako ng mahigpit.
Siguro ganun naman talaga minsan hindi ba? Mas lalong nakakaiyak kapag may nagko-
console na sa'yo. Kapag may nagsabi sa'yong Okay lang yan. Nandito lang ako. Diba
mas lalo kang maiiyak? Feeling ko ganun eh.

Nung payapa na yung kalooban ko. Bigla naman akong na-awkward! Bakit kami
nagyayakapan ng bongga ni Silver? As in superduper na naiipit na yung... yung
pancake ko at feeling ko anytime aasarin niya na naman ako kaya kusa na lang ako
bumitiw (kahit medyo ayaw ko pa omg sinong nawili sa kakayakap?)

Nung magtanong siya kung iuuwi niya na ako, sobrang pumasok sa utak ko ang
kahihiyan na lahat na lang ng inconvenient time, hinayaan kong nandiyan siya- si
Silver. Gusto ko na talagang magthank-you ng sobra at ihatid niya ako pauwi, pero
magsisisi rin naman ako kapag hindi ko sinabi ang gusto ko talagang puntahan.

Sa karnabal.

Mabuti na lang at hindi siya nagtanong o natawa. Tinanong niya lang kung saan ang
malapit na carnival at sinunod niya ako na parang okay lang talaga yun. Kaya kahit
may pancake na naman siyang sinabi, di ko alam kung bakit 'di na ako naasar. Siguro
dahil may mas malalang bagay pa na dapat ikaasar kesa sa pancake.

Habang papalapit kami sa direksyon ng carnival, napaisip na naman ako na mabuti na


lang talaga, nandoon siya. Always at the right place, at the right time.
Nakakapataka minsan at napaka-assuming ko naman kung iisipin ko na baka- baka lang
naman- sinusundan niya ako kahit papaano. Kaya ganun, nagiging savior ko siya
madalas. Pero inisip ko na lang na, coincidence lang lahat. Lucky coincidence.

"Diyan... Diyan! Kumanan ka diyan!." Bigla kong sabi. Muntik na kasi naming
malampasan yung kanto na na bigla ko na lang nakita habang nagiisip ako ng
malalim. Mabuti na lang at mabilis din namang naikabig ni Silver ang sasakyan.
Ang sarap ng may sasakyan. Napakaconvenient na pumunta kahit saan. Alam ko dati,
may sasakyan din kami, pero binenta yata yun... Hindi ko na matandaan. Basta may
mga panahog hindi nakakapagpadala si kuya Zac, kaya may mga bagay na binenta ang
pamilya.

"Alam mo Silver. Thank you talaga for dropping me off, here." pababa na ako ng
sasakyan at hindi ko alam kung paano ko sasabihin lahat ng nabubuong pasasalamat sa
puso ko bago pa man siya umalis. "Maraming maramings salamat. Tatanawin kong isang
malaki--"

"Hang on. Are you... saying goodbye?"

"A-ano?" di ko magets.

"You won't let me in?" tanong niya na prang bahay ko naman ang carnival at
nagtatampo siyang hindi ko siya papapasukin. "Seriously you won't let me inside?"
ulit niya ng hindi ako makasagot.

"B-baka kasi hindi mo naman magustuhan ang nasa loob. Cheap lang dito at hindi
mala-enchanted kingdom o disneyland. B-baka."

"Pero hindi mo ako driver na basta inihatid ka lang."

Aray. Oo nga naman. Napakauser ng istura ko eh.

"Sorry... pano ako makaka---"

"Ilibre mo ako..." nakatingin siya sa ticket booth.

Ngee! Bukod sa wala akong sobrang madaming pera, nakaka-awkward naman na isasama ko
siya sa loob. May mga kumakain diyan ng buhay na manok, tumutulay sa lubid at
nagpapanggap na sirena. Hindi naman yun ang gusto kong puntahan pero makikita niya
pa rin lahat ng ka-cheap-an ng iba, at nakakapagalala. Gusto niya ba talagang
sumama?
"O-okay..." wala na naman akong magagawa. Ginusto niya yan, bahala siyangmag-tiis
sa loob mamaya.

Binilang ko muna yung nasa wallet ko. Sana talaga mag-kasya. Minsan na lang ako
manlibre, yung wala pa akong pera talaga. At si Silver pa talaga ang ililibre ko.
Sige kung diyan siya masaya at kung makakabayad ba ako sa kanya ng utang na loob.

"Dalawa po." Binigay ko yung dalawang benteng lukot-lukot dun sa babae at pinapasok
na kami sa permanenteng karnabal doon. Ilang bwan na ba sila dito? Siguro taon na.
Hindi ko alam kung bakit kumikita pa rin at hindi nasasawa ang tao. Siguro dahil
mura lang naman, at napakaraming residential area sa paligid. Isama pa ang kalapit
na squatter's area, marami talagang pumupunta.

Marami rin kasing sugalan sa paligid na para kang nasa perya. At maraming tao lalo
sa bandang yun. Napaisip tuloy ako. Baka naman mamaya nandito si kuya Zeus. Alam ko
naman na napakaraming part-time job ng kapatid kong yun, baka hanggang dito inabot
na siya.

"Tara sa loob." yaya ko sa aking 'alaga' of the day.

Tumango lang siya. Ang ganda talaga kausap nitong Silver na to. Naalala ko tuloy.
Akala niya hindi ko pa nakakalimutan yun ah! Kung hindi lang talaga dahil inalis mo
ako doon sa lugar ni Terrence kanina, kung hindi niya ako pinatahan at niyakap
kanina, hindi ko 'to mapapatawad eh. Dalawang beses niya lang naman ako hinalikan
kanina.

Gusto ko sanang itanong, ipaalala at isumbat, pero ako yung nahihiya eh. Dahil alam
ko sa sarili ko ang ginawa ako. I responded like a wild teenager.

WAAAAH! NAKAKAHIYA!

Kung malalaman lang ng dalawa kong kaibigan ang mga ginagawa ko, ang mga nangyayari
habang hindi ko sila kasama, baka sabihin nila nagwawala na ako. Lalo na si Yanny,
nako! Crush niya pa naman 'tong kasama ko! At yung mga ibang babae sa Vander jusko,
baka may taga-school dito at makita kami. Nauna tuloy ako maglakad at naramdaman ko
na lang na sumusunod si Silver.

"Kyaaaah! Ang gwapo ni kuya oh... OEMJI!!!" lumingon ako dahil baka naging totoo
yung naiisip ko na may taga-Vander nga dito. Pero parang hindi naman.
"Oh My God. Akala ko wala tayong makikita dito sa karnabal na 'to eh. Meron din
palang yummy! GF niya kaya yung sinusundan niya?"

Wow teh. I'm here! Bakit kung mag-usap kayo parang kayo-kayo lang? Na parang hindi
ko naririnig?

"Ang swerte naman ni ate. Tignan mo yung mga mata ni gf, namamaga! Siguro nag-LQ
sila kanina! Well, hindi naman maiiwasan kung ganyan kagwapo ang bf mo."

Diyan nagsisimula yung tsismis eh. Makagawa naman ng storya itong mga 'to. Pero
nakakahiya, bago ko pa man madispprove na hindi naman talaga ako gf ni Silver, yung
mata ko ay alam kong totoong-totoo na namamaga eh!

Binilisan ko maglakad.

Pero maya-maya... parang hindi ko na nararamdaman si Silver sa may likod ko. Wala
ng tahimik na naglalakad. At wala na yung pamilyar na pabango.

Medyo nagpanic ako na baka nawala na siya sa pool ng mga tao kaya lumingon ako.
Hindi ba't dineclare ko na siya kanina, simula nung bayaran ko ang Entrance Fee
niya dito (kahit mura lang yun) na siya na yung alaga of the day ko?

Nakita ko siya! Na nasa di kalayuan. At mukhang dinudumog!

Artista? Artista lang at dinudumog ng mga babae? Anong meron?! Yung mga babae ay
parang kiti-kiti, literally, na gumagalaw-galaw sa paligid ng isang tuod na si
Silver.

"Kuya... Hindi ba ikaw si Silver? Yung captain ng varsity team ng Vander? Ikaw yun
hindi ba? Hindi ako pwedeng magkamali!"

"Ang tange mo! Ayan na nga oh naka-Jersey. Patingin ng likod..." hinahawakan nila
si Silver. Oh no no no.

"Oo!! Siya nga yun!! TORRES ang nakalagay! Ikaw nga si Silver Jeremy Torres!!"
Ginagawa siyang sort of display na pwede nilang hawakan anytime? Kulang na lang
sambahin nila at ipahid sa mga sarili nila ang kamay na pinanghawak sa jersey at
katawa nito ah! Ano siya? Poon? No no no. Hindi matanggap ng utak ko na mga ibang
highschooler sa ibang school ay ganito. Ginaganito siya.

"'Diba nanalo ka din sa chess tournament nung isang bwan? Napanood ko yun eh! Hindi
ko nga alam na ikaw din pala yung makikita ko sa basketball!"

"Di namin alam na nagpupunta ka pala sa mga lugar na ganito?"

"Taga-Mendel kami... Next na makakalaban ng team niyo sa interchool. Pati po yata


sa decathlon!"

"Oo!!! At diba Silver? Tska diba kasama ka rin sa annual debate competition? Sana
ikaw na lang rin sa chemistry decathlon!"

Pero debate? Paanong nakikipagdebate yang pipi na yan? Sila na ang taga ibang
school pero madami silang alam dun sa tao. Bigla naman tuloy nabahag ang buntot ko.
Ang tapang ko pa naman kanina na gustong maging tagapagligtas niya mula sa mga
dumudumog na kababaihan-slash-kiti-kiti.

Nagbago ang isip ko kahit napakalapit ko na. Iwanan ko na lang ulit si Silver kahit
nakita niya na ako na bumalik para sa kanya.

"EXCUSE!" narinig kong sabi nito. "PANCAKE WAIT!!"

"Pancake daw?"

"Silver gf mo ba yan si Ate? Pancake ba ang tawagan niyo?"

"Bakit ang sabi-sabi wala ka naman daw gf?"

NAPAKAEPAL NG MGA TAO! MASAHOL PA SA NEWS REPORTER ANG PEG! NAKAPAGLAKAD AKO NG
MABILIS AT PARANG NASASANAY NA AKO SA SPRAIN KO.
"Nakasimangot?" narinig kong sabi ni Silver. Nahabol niya na ako sa paglalakad.

"Dun ka na... doon ka na sa mga admirers mo."

"Ha?" he scoffed.

"Wala po..."

Ano nga bang problema ko? Si Terrence ang problema ko... pero... Parang dumagdag sa
kinaiinisan ko yung mga babae na yun na mga taga-ibang school na akala mo kung sino
jusko.

Mabuti na lang at bago pa magalab ang damdamin ko, nakita ko na!

"TACSIYAPO"

Napakalaking karatula.

"Ano yan?"

Nasa booth na kasi kami. Kung saan pwede kang magbasag ng kung anu-anong chinaware.
Mahilig ako sa ganito. Lalo na pag masama ang loob ko. Dinadaan ko sa pagbabasag ng
pinggan at kung anu-ano pa. Kahit ano pwede mong basagin, depende sa kaya mong
bilhin.

Alam ko parang pangmayaman at parang sayang lang at walang kwenta ang pagbabasag ng
kung ano. Napakadestructive ng gawaing ito, pero kasi... nailalabas ko ang lahat-
lahat. Sana itry ng lahat, ng makita nila kung paano nagiging emotionally
emancipating ang pagbabasag.

"Magbabasag ako ng pinggan." Nagbigay ako ng pera sa taga-bantay na manong. Alam


niya na naman ang mga uri ng kaya kong basagin.
"Eto po." Tatlong pinggan lang ang inabot ng pera ko.

"Hmm. Just like the greeks?" sabi nito ng makita na ibabato ko na ang plato. Nagre-
ready pa naman ako ng sigaw ko pero pinigil ngpagsasalita niya. Ano daw? Greek
what?

"A-ano?"

"Plate smashing is traditional Greek folk custom. Breaking the plates is like
killing the plates. Signifies dealing with the loss."

WHAT? Napanganga na lang ako sa kanya. May bonus lecture pa ako.

"Ay, magbasag ka na lang din kung gusto mo, hindi ko maintindihan yang Greek Greek
mo! Basta ang alam ko, Tacsiyapo ang tawag dito sa Pilipinas."

Nakita kong natawa siya. Kaya itinuloy ko na lang ang gagawin ko.

"WAAAAAAAAHHH!!" sumigaw pa ako sabay bato nung isang pinggan. Buti na lang sanay
na si kuya sa akin. Ang nagulat lang ay yung mga dumadaan. Akala nila may baliw na
dito na sumisigaw sigaw pa kahit nagbabasag na nga pinggan.

Narinig kong tumatawa ng mahina si Silver. Weird na tumatawa rin pala siya.
Humahalakhak pa paminsan.

Actually di ko maintindihan kung cute siya o gwapo. Oo, alam ko may itsura siya,
hindi naman maitaKasi pag seryoso siya, ang gwapo niya. Kapag pala tumatawa ang
cute niya. Pwede pala yun. Gwapong cute.

Pero hayaan na... Tska ko na poproblemahina ang first-world problem na yun kung
gwapo ba siya, o cute lang.

"WALANGHIYA KAHHHHHHHH!!!!!!" sabay binato ko pa yung isang plato.


Isang plato na lang ang natira at kailangan kong isipin na mukha ni ano 'to. Ni
Terrence. Bwisit siyang nagpakasal siya.

"I HATE YOU SO MUCH TERRENCE!!!!!!!" Tapos nakakahiya na pagkatapos. Binanggit ko


pa talaga yung pangalan niya. Ng napakalakas!

"Tara na wala na akong pera pambayad sa ping---"

Sinong nagulat? Ako na naman ang nagulat. Tapos may mga tumili. Hindi dahil may
aksidenteng nagyari pero dahil niyakap na naman ako ni Silver? Ano ba siya sobrang
hilig ba niya sa hug? O sadyang manyak siya?

Pero wait, hindi ko naman nararamdaman na minamanyak niya ako!

"Bakit siya niyakap?"

"Oo nga naghagis at nagbasag lang naman siya ng pinggan?"

"At pagkatapos niyang sumigaw-sigaw? Sana ganun din ako, sisigaw lang ako ng parang
baliw, may yayakap nang gwapo sa akin!"

"Hihihihii"

Nandiyan na naman yung mga babae sa ibang school jusko. Naririnig ko na naman yung
paguusap nila na akala mo wala nang ibang kasama.

Pero aaminin ko. Sa mga naririnig ko. I feel so... proud? Proud ba dapat? Hindi ko
alam basta natutuwa akong panuorin yung mga babaeng taga ibang school habang
niyayakap ako ni Silver. Niyakap ko na rin tuloy siya.

Nakita kong napakamot ng ulo yung nagbabantay ng booth. May dalawa kasing PDA sa
harap niya.

*later*
##################################

~~Chapter Twenty- Wrong Person~~

##################################

SILVER's POV

I know it's weird. Pero I'm also curious. Tacsiyapo? I've never heard of that word
before.

Parang low-quality yung mga babasagin. Yung iba may lamat sa dulo. Alam kong may
ganitong practices sa Greece dati na medyo ipinagbabawal at hindi na ginagawa
ngayon. Katulad ng pagbabasag sa mga glasses sa Jewish traditions, merong
pagbabasag ng plato na isang stereotypical image ng foreigners sa greeks.

Couldn't help but share. Pero hindi niya naman pinansin.

"WAAAAAAAAHHH!!"

Sumigaw siya! Haha. Simigaw siya ng malakas habang binabato yung pinggan. Natawa
talaga ako. Grabe din pala maglabas ng sama ng loob itong si Zylie. Hindi ba't
sanay lang ako na NR siya sa mga pangyayari? Kaya ngayong wala siyang pakialam,
lumabas man lahat ng ugat at litid sa mukha niya. Lumaki man ang butas ng ilong
niya, makasigaw lang at makapaglabas ng sama ng loob.

Nagtinginan din yung mga ibang dumadaan. Napakaingay niya.

Napaisip ako. Hindi ba't ayaw na ayaw ko sa mga eskandalosang tao. Yung mga pala-
sigaw? Pero I don't know why. I can see, she doesn't have any pretenses. This is
Zylie.

Plus the fact that... I still find her kyot.

"WALANGHIYA KAHHHHHHHH!!!!!!"
"I HATE YOU SO MUCH TERRENCE!!!!!!!" sigaw niya na naman bago ihagis yung
pinakahuling pinggan na hawak niya.

Yun na... Talagang lumabas na sa bibig niya yung pangalan nung pedo na yun. Na siya
talaga ang dahilan ng sama ng loob niya ngayong araw na ito.

Tumingin siya sa akin. Parang naiiyak na naman siya. Naalala na naman ba niya?
Ayoko ng umiiyak siya, naiinis akong makita yung katulad nung kanina.

Kaya niyakap ko siya. Flip whatever.

Nung marinig ko yung mga tao sa Mendel na malakas na namang nagbubulungan, parang
natauhan na naman ako. Pero bago pa ako makahiwalay, si Zylie naman yung yumakap.
Just as we are feeling cozy...

"Hala!! Yung kamay ni ate dumudugo!!" may sumigaw na isa.

Nagbitiw kami. Tinignan ko agad yung kamay niya. There's a big cut on her index
finger.

"Ay... nahiwa pala ako."

So hindi niya napansin na nahiwa na siya? Sabi na nga ba't may mga lamat na ang mga
ibang plato at sapat nang makahiwa.

"Lika na..." Alam kong may first aid sa kotse kaya kailangan siyang madala dun.
She's had a fair share of injuries at kahit maliit na hiwa lang, parang sobra-sobra
na.

"Does it hurt?" tanong ko when I noticed she's biting her lip.

"Medyo..." sabi niya sabay ngiti.


The cut was short, but deep. I cleaned it bago ko nilagyan ng band-aid.

Nagpasalamat siya and then I asked what happened.

"Di ko alam, di ko talaga naramdaman na nahiwa na ako eh..." mahinang sagot niya.

"No... I mean, anong nangyari... kanina... paanong nandoon ka? Sa bahay nung
Terrence na yun?" Bigla kong naitanong. Hindi ko rin alam bakit napakarandom ko.

"Huh? Wala naman kasi-"

"BAKIT NGA?!"

Napataas na boses ko. Gusto ko na talagang malaman.

"A-anong bakit?"

"Anong nangyari?! Do I have to repeat myself over and over over?"

Nakita ko ang hesitations at awkwardness sa mata niya.

I waited.

"I guess you've already guessed... He's my ex." Tumingin siya sa'kin "Natatandaan
mo ba yung binanggit ni kuya Zeus? Yung Terrence? Then, nabanggit mo rin siya. Ayun
na siya. In flesh, the Terrence."

Okay. Confirmed. What now?

"How did you --"


"Break up? We didn't."

"You didn't?" so sila pa rin?

"Wala, nawala na lang siyang bigla..."

Umiling-iling ako.

"Then he thinks he you can be together? Just like that?"

"Sabi nya kanina. He was married.."

"MARRIED?"

"Marriage for convenience? Para gawin siyang sponsor sa Canada? Yun ang dahilan
niya."

"Naniniwala ka naman?"

"HIndi ko alam."

"Anong hindi mo alam?"

Hindi siya sumagot.

"Mahal mo pa ba siya?"

"Anong tanong yan?!"

"Just answer it." I don't know where I'm getting all the nerve to ask this
question. It's not like she owes me any answer.

"N-no!! Hindi na!!!" She's stammering. Very indicative of the lies. "Halika na nga
paandarin mo na yung kotse!!" she's now flustered.

I started the engine. Tinuro niya ang direksyon nung bahay nila pero alam ko na
naman yun. Hindi ba't hinatid ko na siya dati pa? Nung narating naming ang bahay
nila nakita kong lumaki yung mata ni Zylie.

"Why?" Tanong ko habang bumababa. Pero pinigilan niya ako.

"Don't. Hwag kang bababa."

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Kotse ni Terrence yan.. Yang nandyan sa tapat. Umalis na tayo agad!! Mamaya na ako
uuwi."

Tama siya. Nandoon nga sa di kalayuan si Terrence.

"Then where do we go from here?"

"Kahit saan?!"

"Zylie, Hindi ko alam kung saan ang kahit saan."

"Dyan sa may pangalawang kanto!!! May ktv dyan palipas na lang ako ng oras dyan!!
Basta di muna ako uuwi!!!"

"Okay... okay."

KTV? Sure. If anything, I don't sing. But it wouldn't hurt kung susubukan kong
pumasok sa KTV bar.
Mabilis lang namin narating ang sinasabi niya. Literal na nasa pangalawang kanto
lang.

"Wala na pala akong pera." sabi niya. Naubos niya na sa pagbabasag ng pinggan.
Imposibleng maghanap kami ng ibang pupuntahan. Masyado na akong nacurious sa KTV
bar. Pumasok na ako sa loob.

"Oy! Oy silver wala nga akong peraa!! Ang tanga ko talaga bakit ko ba dito
naisipan!!!" hinabol niya ako.

"My treat."

"WEH?!?!" hindi na siya tumanggi. Ibig sabihin talagang gusto niya.

Pumasok kami sa loob. Simple lang yung ktv pero maayos naman yung loob. Sa tingin
ko nga ay sound proof pa tong bawat kwarto. May menu sa table at means you can
order food inside. Maganda rin naman pala.

Umorder ako ng kung ano-ano. Bawal man pero may librang hard drinks sa ibang
pagkain na parang pulutan. Akala ko hihingan kami ng ID pero parang wala naman
pakialam ang nagserve.

"Bakit hindi ka kumakanta?" tanong ko kay Zylie. Nakaupo lang kasi siya at
nakatingin sa LCD.

"Ang dami mo namang inorder?!" Nagulat pa siya na madami ng laman ang lamesita.

"Should I return it then?"

"Nooo! Ang totoo eh... N-nagugutom talaga ako."

Sinimulan niya ng kumain. "Hinay-hinay lang" sabi ko sa kanya.


"Ehongsrap wehh." May laman pa yung bibig niya nung nagsasalita siya. In a normal
situation, this would've been really really irritating. But she's really funny.
Lalong bumilog.

Nagulat na lang ako nung kinuha niya yung beer.

"Zylie that's beer!"

"Alam ko! Oorder ka ng beer tapos bawal palang inumin?"

Nagulata ako. Sanay ba siyang uminom ng alcohol?

"Ampait!!!" sabi niya. "Sakit sa lalamunan."

"Hindi ka naman pala umiinom eh."

"Paano ka ba naka-order niyan, minors kaya tayo!"

"I didn't! Nilagay na lang nila diyan."

Di niya ako pinansin. Kain na naman siya. Ganito ba talaga toh? Malakas pala siya
kumain. Tinignan ko tuloy siya. Hindi naman siya mataba. Kung normal na ganyan siya
karami kumain, lahat ng kinakain niya napupunta lang sa pisngi niya. At sa...
pancake.

LOL.

Weird me.

Napansin ko na lang na ginagawa niya ng tubig ang alak.

"Hala pancake!"
"Haha. Hayaan mo na. Minsan lang naman." Tawa-tawa pa siya.

Minsan lang naman? Eh nilalaklak niya na yung beer. Parang hindi napaitan kanina.

Dahil ginusto niya yan, hiyaan ko na lang siya. Titigil naman siguro siya kung
hindi niya na kaya. Kumain na lang ako at uminom din. Halos maubos na namin yung
inorder kong napakarami. Gutom rin naman pala ako matapos ang napakahabang araw.
Hindi kami nagrecess. Hindi ako nakapag-lunch at dumaan sa mahabang basketball
practice. Masarap din naman pala ang pagkain dito sa KTV na to eh.

Maya-maya, biglang tumayo si Zylie! Nagulat ako. Tapos naglakad siya. Pagewang-
gewang.

"Oi oi... teka, where you goin'?"

"Haha!! Kakanta baket?" Kinuha niya nga yung mic at yung songbook. Pumili siya ng
kanta at tinira ang napakataas na nota.

"Unbreak my HeEARRRRTTT!!!! Say you love me agaAAIIIINNNN!!" sobrang lakas ng kanta


niya. Lasing na yata talaga.

Inagaw ko yung mic. Broken hearted ba kamo? Pumapasok na rin sa utak ko yung
alcohol.

"Bakkeeeet baaaaa??"

In a snap.

We are dynamite together.

We kissed, like kissing her is all I'm ever allowed to do.


Alak. Kasalanan ng alak.

"No.. no.. sorry." If I don't push her now, baka may magawa na ako. I tried to stop
while I still can.

"W-whaaat? Bakit ka ganyan? Don't you still love me Terrence?" mahinang sabi niya.

Terrence?

*later*

##################################

~~Chapter Twenty One- Buknoy's Ode~~

##################################

ZYLIE's POV

"ZYLIE ANO BA?! HINDI KA BA TALAGA BABANGON DIYAN? TANGHALI NA! HWAG MO AKONG
HINTAYIN NA PUMASOK DIYAN!"

"Opo kuya..." Ang sakit-sakit ng ulo ko na parang may malaking puso na tumitibok-
tibok sa loob. Kanina pa sigaw ng sigaw si kuya at kahit hindi ako bumabangon,
naririnig ko naman yun.

Eto yung mga panahong hindi ko matandaan kung anong nangyari bago ako natulog. Yung
tipong disoriented ako at tinanong ko pa talaga kung nasaan ako at anong oras na.

"ZYLIE BUMANGON KA NA DYAN?!?!" sumigaw na naman si kuya at alam king ultimatum na


yun.

"GISING NA AKO!!! SAGLIT LANG!!!"

Ni-recall ko ang mga pangyayaro.


Uhm... Di kami dumeretso ng bahay ni Silver dahil nandito si Terrence. Pumunta kami
ng KTV at... at Nalasing ako?

Great.

Nung naalala ko yung mga yun, naalala ko rin yun panaginip ko. Nagkikiss daw kami
ni Terrence? Ano ba namang panaginip yun? Tapos nung naalala ko, parang naghahalo
yung mukha ni Terrence at ni Silver sa panaginip ko. Bakit ganun!?

Sabagay panaginip... pwede naman mangyari lahat.

Mabilis lang akong naligo dahil baka late na ako. Nakailang sigaw na ba si kuya?

Himalang 15 minutes lang yata tapos na ako. Plano kong hwag ng magalmusal dahil
maglalakad pa ako at medyo masakit pa rin yung paa ko.

"Bye ma! Bye pa! Bye kuya!!" paalam ko sa kanila.

"Mamaya maguusap tayo Zylie!!" sigaw ng tatay ko.

Kinabahan ako. Ano bang nangyari kagabi?

"O-opo alis na po ako."

Muntik na akong maging si road runner sa lakad-takbong ginawa ko. Gusto ko kasing
makalayo agad sa bahay at ayaw ko ring ma-late. Sobra tuloy yung pawis ko nung
narating ko ang school

"Woo!!" sobra yung tuwa ko nung narating ko agad yung school. Hindi ako na-late
dahil may mga naglalakad pang mga estudyante sa grounds.

Maya-maya. Nakita ko si Silver!! Wahaha. Plano ko siyang lapitan. Kahit asarin niya
na naman ako ng pancake pancake niya.

Alam ko... Halos sure ako na aasarin na naman ako niyan. Lagi naman eh. Lalo na
ngayon parang basing sisiw ako sa pawis. Pero di bale na. Magpapasalamat ako kasi,
sinamahan niya ako kagabi sa carnival at sa ktv. At inihatid niya pa ako sa amin.
Siguro inihatid niya naman ako sa amin. Dahil maayos naman akong natutulog sa
sarili kong kama.

Nakaupo siya sa isa sa mga benches. Nakikinig ito ng music habang nakapikit. May
mga ibang babae sa kabilang bench na todo tingin na para siyang isang specimen.

Naglakad ako at umupo ako sa tabi niya.

Kinalabit ko siya.

*poke* *poke*

Dumilat siya. Tinaas niya yung kilay niya na parang nagsasabing "What?" Tinanggal
niya din yung isang earphone niya.

"Thank you nga pala."

Tumango lang siya. Ibinalik ang earphone. Tumayo at naglakad palayo.

Bakit ganun? Parang hindi niya na ako kilala?!

"Hahaha! Si malas girl, deadma kay Silver babes! Kala mo papansinin ka niya?"

"Onga. In your face ka diyan!"

Nakakahiya. Para tuloy akong isa sa mga assuming na babae na lumalapit palagi kay
Silver. Bakit ganun? Close naman kami kahapon ah? Hindi kaya ganun din siya sa mga
ibang babae? Totoo naman palang nakipagclose siya sa mga yun tapos kinabukasan
parang stranger na lang? Mga ganun?
Wala akong nagawa. Tumayo na lang ako at hinanap ko sina Mikaela at malas, hindi ko
sila makita. Si Silver na naman yung nakita ko na lumipat lang yung bakanteng
bench.

Ayaw niya bang makatabi ako?

"Hi Silver!" may tumawag sa kanya mula sa likod ko.

Lumingon ako. Si Bettina? With the headband. Ang ganda-ganda naman ng headband
niya. Bakit ganun kahit malaki yung headband ang ganda pa rin niya. Siguro pag sa
akin sinuot yun mukha akong tanga.

Tinignan ko si Silver, kumaway ito.

"Musta? Sabi pa niya. Naglakad siya. Hinihuli ko ang tingin niya. Pero nilampasan
niya ako.

"Ayos lang. Salamat sa text tawag kagabi."

"Wala yun..."

So nagtext at nagtawagan sila kagabi? Eh diba kami ang magkasama kagabi?

Habang naglalakad sila palayo, unti-unti akong nalulugmok.

"OH ZYLIE KONG NILALANGIT!!"

"AY PUCCA!" Nagulat naman ako.

Si Buknoy lang pala. Si Buknoy na naman na napakaconsistent sa pagpursue sa akin.


"Tigilan mo nga ako!" sabi ko habang tumitingin sa paligid. Kasi naman! Anong
pinagsasabi niyang Zylie kong nilalangit?

"... NILALANGAW PATI PUWIT!"

What the hell.

"Excuse me buknoy anong sinasabi mo! Tumabi ka nga!" Lumuhod pa kasi siya. At
napakaweird ng sinasabi niya!

"... SA GANDA MO AKO'Y SAMBA... SA UTOT MO AKO'Y TUMBA!"

"SIOMAY KA! WALA KANG PAKIALAM SA UTOT KO!!!"

Malapit na nga akong mag-emo, niloloko pa ako? Bastos-bastos pa! Tapos hinawakan
niya pa yung kamay ko!

"Bitiwan mo ako buknoy, konting konti na lang talaga, sasabunutan kita." Bulong ko
sa kanya dahil talagang nanggigigil na ako.

Pero kahit binalaan ko na siya, hindi pa rin siya tumigil sa nakakapanindig


balahibong tula niya.

"... KUNG SA LANGIT IKA'Y TALA, DITO SA LUPA IKA'Y TEKLA.. BUHOK MONG PAALON-ALON,
KUTO MO'Y PATALON-TALON.."

"Hahahahaha!!"

"This is definitely entertaining!"

Wala na... Nagtatawanan na yung mga "audience" Buknoy, masolo lang kita, humanda ka
sa'kin!!!
"...MATA MONG MARIRIKIT, MUTA MO'Y DIKIT-DIKIT.."

"...ILONG MONG MATANGOS, SIPON MO'Y UMAAGOS..

NGIPIN MONG PANTAY-PANTAY, HININGA MO'Y AMOY PATAY!"

BWISIT! Hinila ko na yung kamay ko at naglakad palayo. Sobra nang madaming taong
nagkukumpulan sa amin. Hindi ako sanay ng ganito, parang show.

"Zylie!!!" habol pa ni Buknoy.

"Ewan ko sayo buknoy! Lumayo ka."

Hinawakan niya ako sa balikat.

"Nagttry lang ako ng bagong strategy. Di mo kasi ako pinapansin pag pinupuri kita
eh."

Ganun? Nakakahiya pa rin. Tapos nakita pa ako ni Silver, habang kasama niya si
Bettina. Nakakahiya talaga. Tumakbo na ako papuntang classroom. At first period, si
Terrence nga pala.

"Oh Zy!" Bati ni Alyanna. "Nandito ka na pala! Ready ka na ba?" pagpapatungkol nito
kay Terrence.

"Pwede bang magcutting classes na lang?"

"Cutting ka diyan? Ano bang problema, hindi mo pa nga nakikita ulit si sir eh
nakamangot ka na diyan?"

"Si Buknoy kasi!!!" Yun lang ang sinabi ko kahit kasama din sa pagkaasar ko sina
Silver at Bettina. Imposibleng sabihin ko na naasar ako sa kanila dahil wala namang
sapat na dahilan.

"Ano na namang problema kinukulit ka na naman?" tanong ni Mikaela.

"Haha ang cute niyo ni buknoy bagay kayo hahaha." Pumasok yung isa kong classmate.

Siguro nakita niya yung kanina!! Nakakairita! Ang masama, dinaldal pa nila sa buong
klase! Alam na tuloy nila yung kahihiyang nangyari sa baba kanina.

"Eto may video ako nung kanina!!!" sabi pa nung isa.

"Patingin kami!!!" sigaw ni Yanny at ni Mika.

In a snap, naging instant sensation na kami ni Buknoy. Pinagtatawanan. Thank you sa


mga kaibigan ko na nakisama na rin.

"Hahaha! Ang cute ni Buknoy!!! Wahahahaha." Tawa ng tawa si Alyanna

"Oo nga Zylie sagutin mo na..." Ginatungan pa ni Mikaela.

"Alam niyo, nagdududa na talaga ako kung kaibigan ko ba talaga kayo eh..."

"Sorry... Ang cute nga ng banat niya eh. Wala ng tatalo."

Ilang minuto, hindi pa rin makagetover ang buong klase sa nakakatawang tula niya.

"Settle-down class settle down." kailangan pa kaming paupuin ng adviser namin.

"Today is a very special day. Alam niyo ba kung anong meron ngayon?"
Uhm, bakit hindi ko alam?

Nagtaas ng kamay si Alyanna. Napaka-active forever.

"Yes Ms. Cortez?"

"Academic day!"

Ano yung academic day? Meron pala nun? Bakit parang wala naman akong alam sa
school? Nasaan ba ako nung nagannounce ng mga day-day?

"And as usual, ang mga magagaling na student-teachers ang magtuturo ngayon ng ating
mga subjects."

Ai? Ganun pala yun? Akala ko student-teacher's day ang tawag sa araw na yun? May
academic day pala? Nasaan ako nung dalawang academic days few years ago?

Aba nasa third year na ako ah!

"So let's congratulate Carmela!!! Isa siya sa mga napiling student-teacher!!"

Tumayo si nerdy girl. Malamang mapipili siya. Eh ang nerdy nerdy kaya niya. Ahhh!
naalala ko na. Siya din ang napili nung nakaraang taon eh. At siya ang nagturo ng
buong academic day sa isang subject. Isang subject lang ba yun? Basta natatandaan
ko na. Ibig sabihin lang pala nito, magsasawa kami sa mukha ni Carmela ngayong
araw.

Mas mabuti pang tawaging Carmela day kesa Academic day eh. Pero okay na rin yun.
Lihim akong nagpasalamat. Dahil may isang araw na naman na matatakasan ko si
Silver.

"Kaso..." pahabol ni ma'am.

Kaso ano? Ayoko pa naman ng mga buts and ifs.


"This day is different from the previous Academic days. Hindi niyo classmate ang
magiging student-teacher niyo. Later, the advisees will decide kung sino-sino ang
magiging assigned student-teachers sa respective classrooms."

"Ahh. Okay na yun. Haha amboring kasi ni Carmela eh!" sabi ni Alyanna.

"Shhh!" saway sa kanya ni Mikaela.

Adik talaga. Sana lang hindi siya narinig ni Carmela nuh.

Nung umalis si Adviser kasama si Carmela, balik daldalan na naman ang klase. At
balik rin ako sa hot seat dahil hindi pa rin namamatay ang issue namin ni Buknoy.
Napakaepic kasi ng tula niya. First time na nainip ako sa pagdating ng teacher.

Oh student teacher, dumating ka na fast.

Tagal-tagal. Ang tagal-tagal. Lulubog na ako. Tawanan pa rin sila ng tawanan. Yuko
na lang ako. Kunwari hindi ko sila naririnig.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaah!!!" impit na tili ni Alyanna.

Hanggang sa kinukurot niya ako sa tagiliran.

"Bakit ba!!!"

Nakatulala siya sa may pinto.

Sabi ko na nga ba.

Bakit hindi ko pa naisip na posible pala ito.


Good morning student-teacher Silver Jeremy Torres.

*later*

##################################

~~Chapter Twenty Two- Nightmare~~

##################################

SILVER's POV

"...Don't you still love me Terrence?"

Terrence? Kamukha ko ba si Terrence? Jesus.

"Zylie hindi ako si Terrence!" gusto kong magsorry kasi palagi ko na lang siyang
napapagsamantalahan. Pero anong sinasabi niya. Nakakagalit.

Pero hindi niya yata ako pinakikinggan. Yumakap pa siya, siya naman yung humalik
ngayon.

"ZYLIE GET BACK TO YOUR SENSES!!!" tingin niya ba talaga ako si Terrence? And she's
giving herself to me like this? Hindi naman yata tama ito.

"Napakasama mo talaga! Matapos mo akong iwan! Matapos kang magpakasal! Hindi mo ba


alam na ang sama sama mo boy! Ang sama-sama mo!!!"

Suddenly, I wanted to strangle somebody.

"Halika na nga!!" sabi ko sa kanya habang inaalalayan ko siyang tumayo. Pinipigilan


kong maging harsh. Lasing din siya. Sino ba naman ang lumalaklak ng beer. At bakit
ba kasi may beer dito.

"Halikan na?! Wahahaha! Halikan?!!" lame joke. Pero hwag niya akong binibiro ng
ganyan "Aray... wait wait..." sabi niya habang hinihila ko siya. Kinuha niya pa
talaga yung isang beer at tumunga na naman.

"What are you doing?!"

"Umiino--" Nagulat siya. Kinuha ko kasi yung hawak niyang baso at binasag ko yun.

"Wala na... wala na yung baso... binasag mo... parang puso ko binasag mo rin.
Hayyy!!" parang napapaiyak pa siya.

WHAT?! Sorry pero nakakaasar na 'to. Binuhat ko na talaga si Zylie. I settled the
bill. Pinaalam ko ang nabasag na bote at binayaran ko yun. Mabuti na lang at magaan
si Zylie kaya madali lang siyang dalhin kung saan-saan. Wala namang tanong ang tao
sa KTV at hindi naman kami tinanong kung anong ginagawa namin, mga menor de edad at
naglalasing. Napakaluwag ng batas dito ah. Ganito ba sa neighborhood nila Zylie.

Pagdating namin sa sasakyan tulog na yata si Zylie. Inihiga ko siya sa backseat.


Nagmistula na talaga akong driver. Nagpahinga muna ako at kumuha ng kape sa
convenience store para mahimasmasan. Napadami rin ang inom ko eh.

Pagdating namin sa bahay nila, nakaabang na yung tatay niya sa labas. Hating-gabi
na pala at malamang sa malamang nagaalala na ito bilang ama. Napailing na lang ako.
Nahihiya sana akong ilabas siya pero kung tatagalan ko pa ang pagaantay dito,
malalagot pa rin ako.

Binuhat ko palabas si Zylie. Nakito kong tumakbo papalapit sa akin yung papa niya
ng marecognize na ito ang anak niya.

"Anong nangyari?!?" tanong nito sa akin. "Ma!! Ma!! Nandito na si Zylie." Sigaw pa
nito sa loob ng bahay. "Anong nangyari sa anak ko?!"

"Ipapasok ko na po siya muna sa loob ng bahay." kung magpapaliwanag man ako, isang
paliwanagan na lang kasama ang mama niya.

Diretso ko nang inakyat si Zylie sa itaas nila. Tutal naman alam ko na kung nasaan
ang kwarto niya dahil binuhat ko na rin naman siya papaakyat nung nasprain siya.
Nagsalita pa si Zylie habang maingat ko siyang ibinababa sa kama pero di ko yun
naintindihan. Pagsara ko ng pintuan ng kwarto niya bumaba na agad ako.
And as expected, Nakaabang sa akin ang mga magulang niya. Sino ba naman ang
magulang na magiging kalmado na iniuwi sa ganung ayos ang anak nila. Mukhang
magigisa ako dito ah.

"B-bakit naman gabing-gabi kayo umuwi?" Hindi ko alam kung anong iniisip ng mama
niya.

"Saan kayo galing? A-at anong nangyari kay Zylie?" siguro gustong-gusto nila akong
pagalitan, pero nahihiya sila sa'kin? Bakit tingin ko nahihiya sila sa akin.

Nagiisip ako ng sasabihin. Sabihin ko ba lahat? But of course I have to leave the
kiss part, right?

"Galing po kaming carnival-" di ko natapos sinasabi ko. Papasok kasi ng bahay yung
kuya ni Zylie. Mukhang kauuwi pa lang nito.

"Carnival?? Yung dyan sa kanto?"

Sumingit na agad ito sa usapan na parang kanina pa ito nandito. Weird lang talaga.
Alam ko nasa taas si Zylie, pero kung hindi ko alam na may kuya siya, kung hindi ko
pa nakilala si Zeus Lyndon dati, baka akalaain ko eh binibiro ako ni Zylie at
nagpapanggap siya ngayon na lalaki.

Grabe talagang resemblance yan. Nakakailang tuloy minsan.

"Yes, yung nandiyan two blocks away." pagkumpirma ko.

"Bakit may problema ba si utol? Nag-tacsiyapo na naman siya?"

Hmm. So kapag may problema ba si Zylie Bilog, nagpupunta talaga siya doon?

Tumango ako.
"This... Terrence. He's teaching at our school."

"ANO?!"

Pero nagtitinginan naman ang mga magulang ni Zylie. Alam ko kung bakit. Dahil
galing na dito ang Terrence na yun.

"Dapat naniwala na kami dati kay kuya Zac eh. Dapat hindi na namin pinapasok dito
sa pamilya namin yang Terrence na yan eh." nanggigigil si Zeus. So ayaw din pala ng
panganay nila ang relasyon ni Zylie at Terrence dati? That's what I'm getting.

"Pwede bang maupo ka muna hijo?" sabi sa akin ng nanay ni Zylie. Tumango ako. Naupo
kami ng magkakaharap sa sofa nila.

"Ano bang nangyayari?!" sabi nung kuya niya.

"The truth is, ma'am, sir, Zeus..." I acknowledged them "We went to the carnival,
saglit lang kami, she smashed about 3 plates." Narinig kong medyo natawa si Zeus
"Ihahatid ko na po talaga siya dito. Nakarating na po talaga kami diyan sa labas...
but--"

"But what?"

"Zeus..." panimula ng nanay ni Zylie. "Nagpunta kanina dito... si Terrence."

"Wow! Ang kapal ng mukha. At ano pong ginawa niyo? Pinapasok niyo naman? Ma naman!"

"Hindi namin pinapasok." sagot ng tatay ni Zylie.

"Pero nilabas ko siya." dugtong ni tita.

"Bakit niyo pa kinausap yun?"


"Eh ayaw niyang umalis diyan sa harap! Anong gagawin ko? Naramdaman kong hindi na
rin uuwi ang kapatid mo hanggang nakaharang diyan sa tapat ang kotse ng lalaking
yun. Alam mo tama talaga ang kuya niyo. Dapat talaga hindi na natin sila pinayagan
ni Zylie dati eh."

"Hayaan mo na yun ma, dati pa yun. Alam na natin ang dapat gawin ngayon."

"So ano nga pong nangyari? Bakit niyo pa nilabas at kinausap yung taong yun?"
tanong na naman ni Zeus

"Sinabi kong umalis na siya at wala si Zylie sa loob. Sabi namin, kasama niya
boyfriend niya. Kasama niya etong... etong si Silver."

Ha?

"Ang totoo po, hindi po talaga--"

"Hindi pa kayo?" sagot ni Zeus.

"H-hindi po..." Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko "The thing is... hindi nga po
kami umuwi agad. We went to this KTV bar and we... drink..."

"Drink?!" sabay-sabay sila.

"I'm so sorry. I know we're minors and all pero, dinala ko naman po siya agad dito.
You can put all the blame in me, hindi ko naman alam na may hard drinks pala ang
KTV bar na--"

"Salamat sa pag-uwi sa anak namin."

In that condition? Hindi ko alam kung may dapat talaga silang magpasalamat.

"Hwag naman po kayong mag-alala. Babantayan ko naman po siya... palagi." here comes
another vow.
Nung papauwi na ako, nakareceive ako ng text. Bihira lang naman may magtext sa akin
dahil sila mom lang, Orange and Lemon, pati mga close na classmates ang nakakaalam
ng numero ko.

From: Bettina Becarez

|Silver! Need Help. Please Reply ASAP|

This really looks urgent.

|Yes?|

|Ang ikli mo naman magreply. I can't make an outgoing call. Maybe there's
something wrong with my phone. Pwede bang tawagan mo ako. This is really important.
You know it's academic day tomorrow right? I need to explain something.|

So I called her.

(Hello Silver thanks for calling)

"Yes?"

(Kasi ganito, I was assigned to be the student-teacher for tomorrow. Eh I'll be


leaving ng morning bukas dahil delegate ako sa isang conference ng drama club
outside of the school. I need a replacement. I know this is really of short
notice... But I really need your help.)

"How can I help you?"

(Ikaw lang ang alam kong kayang maging instant replacement. I know I know the word
sounds off instant replacement pero kasi magagalit si ma'am na uunahin ko pa ang
drama club.) She sounds really worried.
"No no... I don't really mind." Student-teacher? Hmmm pwede na rin. I need
distractions and new stuff.

(Great! I'll give you the materials tomorrow morning ha? I know you can do it. I
really do. You're the perfect man to do the job!)

"Don't mention it."

(YAY! See you tomorrow sa benches! You are my angel, Silver.)

Pagdating ko ng bahay, "KUYA!!!!" sumalubong ito ng yakap sa akin.

"Why are you still awake little peanut?"

"Why do reek alcohol kuya?!"

"How do you know it's alcohol?" weird kid.

"Of course alak lang hindi ko pa alam? Bakit ka uminom kuya?"

"Ang tanong ay bakit hindi ka pa natutulog?

"May nakita kasi ako kuya? Yung drama sa labas kuya."

"Drama sa labas?"

"Kuya... yung chikababes, na lumabas galing sa bahay nila kuya Renz. Tapos biglang
sumama sa'yo? Nakita ko kaya yun! Sino ba yun?"

Nakita niya pala yun?


"Wala yun. Tulog ka na little peanut or I'm gonna eat you up."

"Nu ba yan kuya!! Sige na tell me na!! Sino yun! I won't sleep untill..."

"Bakit ba kasi?"

"Kasi kuya... chickababaes mo kuya... I need to know who's the lucky girl."

Guess who assumes a lot.

"Wala Orange. Matulog ka na. Pagod si kuya. Okays?"

"Kuya naman eh. Ha-huntingin ko yung chikababes na yun next time at itatanong ko sa
kanya."

"Yeah right. Night." Hinalikan ko na si orange sa pisngi at umakyat na ako. It was


really a tiring night kaya nakatulog agad ako.

But the weirdest thing is... I had a dream.

Nightmare.

I my dream, I saw her.

They are back together. Zylie and Terrence.

Like my efforts were put into vain. and the creepiest thing, they were in each
others' arms, and... they're smiling at me.

When I woke up, naalala ko kung paano ako tinawag na Terrence ni Zylie habang
lasing siya. The thought lingered until I go to school.
What if...

I dunno.

It seems like she'll take Terrence back anytime. Why am I stressing myself with
these things? I just tried listening to music instead. Earphones plugged. Ignore
world.

"Silver??!!!"

"Hi Silvy!!"

Ignore. World.

Kung wala lang kaming usapan ni Bettina na magkikita dito, siguro nasa org house na
ako, o nasa classroom na. But I waited.

Hanggang sa maramdaman kong may kumakalabit sa akin.

*poke* *poke*

Pagdilat ko. Tsk. Si Zylie. Nakangiti siya. The same smile. The very smile I've
seen in my dream.

No. No. No.

"Thank you nga pala."

Tumango na lang ako. This is so distracting. Lumipat ako sa kabila at iniiwas ko


talaga ang tingin ko kay Zylie. Naiisip ko lang kasi yun... yung bwisit na
panaginip ko. Tska yung mga sinabi niya kagabi.
Mabuti na lang at dumating na agad si Bettina. Kinuha ko ang materials. She briefed
me about the lessons, nang may sumigaw.

"OH ZYLIE KONG NILALANGIT!!"

May nakita kaming lalaki na nakaluhod sa harap ni Zylie. For a while I thought si
Terrence. Si Terrence na nabaliw na. Pero, he's wearing a student's uniform kaya
nalaman kong hindi

"... NILALANGAW PATI PUWIT!"

"Wow! Haha" parang naentertain pa yata si Bettina at lumapit ito kasabay ng


nagkukumpulang tao. Syempre sumama na rin ako.

"... SA GANDA MO AKO'Y SAMBA... SA UTOT MO AKO'Y TUMBA!"

"... KUNG SA LANGIT IKA'Y TALA, DITO SA LUPA IKA'Y TEKLA.. BUHOK MONG PAALON-ALON,
KUTO MO'Y PATALON-TALON.."

"...MATA MONG MARIRIKIT, MUTA MO'Y DIKIT-DIKIT ILONG MONG MATANGOS, SIPON MO'Y
UMAAGOS.. NGIPIN MONG PANTAY-PANTAY, HININGA MO'Y AMOY PATAY!"

"Hahahaha. That was so corny!" natatawa-tawang sabi ni Bettina ng matapos ang


commotion.

"Can we just talk about the student-teacher tasks?"

"Aw sorry. That Buknoy is seriously distracting!"

So Buknoy. Inexplain na sa akin ni Bettina ang mga dapat gawin. Nandoon na kami sa
faculty room at naguusap usap ang mga teachers sa mga gagawin naming mga STs.

Nakita kong nagaargue sila. Narinig ko kasi na, magpapalit palit daw ng student
teachers ang mga sections, which is unlike the usual, na sariling classmates lang
ang madalas na maturo. Hindi ko rin alam kung bakit nila kailangang ibahin ang
sistema.

"Draw lots na lang!" narinig ko si Terrence. Of course he's here.

Section nila Zylie.

*later*

##################################

~~Chapter Twenty Three- Let's Go Out~~

##################################

ZYLIE's POV

Kahit naasar ako sa kakukurot ni Alyanna sa tagiliran ko. Kahit ang sakit-sakit na.
Parang hindi ko na nararamdaman yung sakit. Binibiro ba ako ni Mr. Fate? What is
this sorcery?

"Silver Torres... Good morning..."Nagpakilala pa siya. Isa sa matitipid na


pagpapakilala in this world. Kabaliktaran ni Terrence na lahat na ng adjectives at
pangalan sinabi na.

"I'll be your student-teacher for the whole day whether you like it... or not."
kung iisipin, nakakatakot yung pagsasalita niya. Wether we like it or not? Pero
yung mga classmates ko. Alam na. Enchanted. At feeling lucky.

"Buti naman Silver yung section namin ang napili mo! Thank you for choosing us
Silver." sabi ni Denise.

"I didn't get to choose. I was assigned." simpleng sagot nito. barado si Denise
"And while I'm your student teacher, call me Sir"

Aw. Sir daw. Napahiya si Denise kaya medyo naawa din ako. Ano bang meron dito kay
Silver na ubod ngayon ng sungit? Kanina nga lang tuwang-tuwa naman siya kay
Bettina. Nakakasar tuloy!

"Tama na Yanny... ang sakit sakit ng kurot mo..." bulong ko kay Alyanna. Di pa rin
kasi tumitigil. Alam mo yung kinakagat ko na lang yung dila ko para di ako
mapasigaw sa sobrang liit ng pagkurot niya.

"Hinding hindi kasi ako makakagetover ngayong araw na ito! It is really my lucky
day! One lucky day! Parang nananagip ako! Ang bait-bait naman sa akin ng
pagkakataon. Tell me, hindi naman ako nananaginip hindi ba?"

"Kurutin mo ang sarili mo nang malaman mo na hindi ka nananaginip pero please, hwag
mo nang idamay ang bilbil ko. Please lang Yans, masakit."

"Wala ka namang bilbil. Ang sarap mo kasi kurutin!"

"Tama na!"

"NO!"

"Tama na please."

"Keep quiet." Sabi bigla ni Silver.

Ang taray

At yung mga classmates ko, feeling nila ang cool-cool pa rin niya kahit nagsusungit
na siya ng ganun. Kulang na lang ng isang paligo, pwede na siyang maging isang
terror na teacher.

Ano ba naman! Ayan papalapit na sa may bandang amin ni Alyanna si Silver. Tapos
huminto siya, sa mismong tapat ng desk ko.

"You..."
Me?

"S-sir?" Napatayo ako. Haru! Nakakatakot palang maging teacher si Silver.

"What was your last lesson?"

*kamot* *kamot*

Meron ba? May ginawa ba kami kahapon?

"Actually sir wala po kaming ginawa. We just introduced ourselves.

"How about last week?"

Last week? Eh yung nangyari nga kaninang umaga nakalimutan ako na eh, yung last
week pa kaya? Classmates, help? Please.

Wala talaga akong natatandaan. Ang alam ko lang nagpaalam si Ms Dina bukas. Sobrang
tagal ko nang nakatayo at nakakahiya na talaga. Para akong ice cream na nakabilad
sa sikat ng araw.

"Next time YOU listen to your teacher."

Grabe naman talaga si Silver maka-YOU! Parang hindi niya ako kilala. Lagi kasing,
pag kasama ko siya, walang nakakakita eh. Tinatawag niya nga akong Zylie... tska
pancake... tapos ngayon kung maka YOU siya. Naisip ko, may isa pa ba siyang
persona? O may split personality siya?

Hindi nga kaya?

"Okay ka lang?" sabi ni Mikaela.


Tumango ako.

Pero Chemistry. Chemistry ang subject. Sobrang hirap ng pinapagawa niya. Balancing
chemical equations? Hindi ko talaga 'to magawa ng mabilisan. Pero siya, parang ang
dali-dali lang niyang ituro at gawin. Umabot na nga kami sa kadulu-duluhan na
pwedeng gawin sa stoichiometry. Gusto kong sumuka.

3rd year pa lang kami diba pero ano ba yung ginagawa niya? Mala-dissertation na
yata yung ginagawa niya jusko.

After ng chemistry, nagdiwang si Alyanna ng malaman na si Silver din ang magtuturo


ng LAHAT ng subjects sa buong araw na yun. Lucky her.

Buong araw ko siyang makikita... at buong araw ko siyang maamoy. Big deal yun.

"Kyaaaaaaaaaaaaah!!! Ang cute talaga! Ang gwapo makalaglag panty! Sana lagi na lang
academic day para forever ng ST si Silver my love." Sabi ni Alyanna nung
lunchbreak. Hindi pa rin siya makagetover sa luck niya.

"Huy hwag ka ngang maingay! Ayun lang si Silver oh!" turo naman ni Mikaela sa
kinaroroonan ni Silver.

Nandoon nga siya. Hindi siya kumakain. Nakikinig na naman ng music? Marami namang
nakaupo dun sa bench na malapit sa labasan. Pero lahat kumakain. Si Silver lang ang
bukod tanging hindi. Isa ba siyang bampira na iniiwasan ang pagkain? Sabi ko na nga
ba ibang tao to eh. Alam ko kagabi, yung kasama kong Silver, kumain ng marami sa
KTV bar. Natatandaan ko yun eh.

Ang totoo, katulad ni Alyanna, hindi din ako makagetover. Pero hindi dahil sa
kagwapuhan ni Silver, pero dahil sa ipinapakita niya sa akin. Ano bang meron? Ang
dami kong tanong eh. Nakakalumbaba ako sa desk ng may mukhang sumulpot sa harap ko.
Parang multo.

"HEY ZYLES"
Zyles?

"Hey Zylie Zylie Zylie! How's your academic day? Is it very academic?? Or nor
academic? Or both?" tumaas-taas pa ang dalawang kilay niya.

Buknoy and friends. At anong very academic ang pinagsasabi niya?

"Tigilan mo nga ako! Anong tanong yun? Please buknoy! Ayaw ko na ng mga tula, at
kahit anong ka-ekekan! Stressed ako! Ayoko ng kausap ngayon."

"Oi Zylie! Hard mo kay Buknoy eh ang cute-cute nga niya!" tukso ni Yanny.

"Cute?! Eh di iyo na." Tumayo ako. Naglakad na ako papalabas. Quota na ako ng
kahihiyan ha? Ayoko na ng isa pang tula. Not anymore.

"Wait wait mahal ko!!!"

Yuck! Mahal ko daw? Mahal niya he's face. Narinig tuloy ng iba.

"Get off!"nakahawak kasi siya sa purse ko. Nakakainis.

"Oo pero please payag ka na na.... na magdate tayo!!!"

WTH?

"Are you crazy?"

"Sige na pagbigyan mo lang ako! Isang date lang tapos hindi na kita masyado
guguluhin. Konting gulo na lang!!! Please!!!! Zylie baby!!"

Nakakatempt po ang offer na yun. Isang date lang tapos hindi na niya ako guguluhin?
Paano ako makakasigurado na totoo siya sa mga sinasabi niya. Pero ayoko pa rin.
Iisipin ko pa lang na makikipagdate ako sa taong ito? Yuck to the nth power.

Tumingin ako sa may gawi ni Silver. Help me. Sa lahat ng oras na tinulungan niya
ako, dapat ngayon rin. Kelangan ko ng tulong niya. Please please.

"Papayag na yan!! Papayag na yan!!!" Todo cheer pa yung mga friends ni Buknoy!!!
Sobrang madami na tuloy nagchicheer.

Last na... Tumingin ulit ako kay Silver. Nakatingin siya sa akin, pero tumingin din
siya sa kabilang direksyon na parang ayaw niya akong iacknowledge. Na kumukumpirma
na hindi niya ako kayang tulungan. O ayaw niya. Siguro ayaw niya.

Pero bakit nung nasprain ako, natapunan ako ng kape, nahulog sa pool, napagiwanan
ng mga estudyante, nung kay Terrence, sa karnabal, sa ktv?

Tinulungan niya ako.

Pero ngayon... nakita kong tumayo siya... At naglakad palabas.

"Okay..." lumabas sa bibig ko, nang hindi ko inaasahan.

Did I just say yes?

OMG.

Nagtatalon sa tuwa si Buknoy. Ako naman... Napaupo na lang, doon sa isang bench....

Ano bang meron... Nakakapanibago... Wala si Silver sa tabi ko... tapos...


Makikipagdate pa ako dito sa Buknoy na to... WAAAAAAAAAAAHHH.

What did just happen?

*later*
##################################

~~Chapter Twenty Four- My Organ~~

##################################

SILVER's POV

Hindi naman talaga nakakaenjoy magturo. Lalo pa't iniiwasan mo yung nasa harap mo.
Iniiwasan kong mapatingin sa gawi ni Zylie... dahil naalala ko yung panaginip ko.
Alam ko hindi totoo yun. Pero nakakadistract. Hindi ba't pumayag ako na kunin ang
task na ito mula kay Bettina para gumawa ng iba. Para di ko na maisip yun
nakakaasar kasi. Eh anong nangyari? Lalo pa akong napalapit.

Tinatamad na naman ako makakain. Iniisip ko yung mga susunod na ituturo. Bakit ba
kasi lahat ng subjects kailangan ituro eh. Hindi naman lahat ng bagay alam ko. At
kagabi ko lang nalaman na kailangan kong ituro itong mga ganitong bagay.

"Wait wait mahal ko!!!" maya-maya narinig ko. Si Buknoy? Yung lalaking gumagawa ng
eksena kaninang umaga. At may balak na namang gumawa ngayon kasama si Zylie!?

"Oo pero please payag ka na na.... na magdate tayo!!!"

Nakita kong sumulyap si Zylie sa akin. Tska sa buong paligid.

"Are you crazy?!?"

"Sige na pagbigyan mo lang ako! Isang date lang tapos hindi na kita masyado
guguluhin. Konting gulo na lang!!! Please!!!! Zylie baby!!"

Tinignan na naman ako ni Zylie. Humihingi ba siya ng tulong? At anong gagawin ko?
Anong mangyayari. Kapag kailangan niya ng tulong, tska lang ako nandon?

Kapag kailangan lang ng tulong. Kapag hindi... I feel so dispensible.


"Papayag na yan!! Papayag na yan!!!" Tumayo ako. I don't wanna hear this.

"Okay..."

What? Pumayag talaga siyang makipagdate dun? Matapos niyang iyakan yung Terrence na
akala mo namatayan siya, ngayon makikipagdate na lang siya sa kahit sinong mag-aya?
Parang ganun ba?

Mas lalo tuloy nakakabadtrip ang afternoon classes. Binilin din kasi sa akin ng
teacher ng English na lahat daw dapat ay magre-recite. May hawak pa akong
recitation card na galing sa totoong English teacher. Of course, pangalawa kong
natawag si Zylie.

"Carbonnel..." Parang wala siya sa wisyo. Kinailangan pang sikuhin siya nung katabi
niya para malaman niyang tinatawag ko siya para magrecite.

"Po??" Binulungan pa siya ulit ng katabi niya. Si Zylie na parang hindi nakikinig.
Simpleng magbibigay lang ng sentence na may kasamang infinitives ang kailangang
gawin. Very elementary.

"Infinitives?" hindi talaga niya alam ang gagawin.

"To forms of the verbs. Can you answer or not?" iniisip na naman ba niya si
Terrence. I know you're always truthful when you're under the influence of alcohol.
It's like the truth serum. The subconscious. Kung hindi man yun ang nakakadistract
sa kanya, baka yung date niya yung naiisip niya?

"Ahhm.. Ahmm.." Di siya talaga maakasagot.

"To sing... to dance... to play! Infinitives. Use that in a sentence as a subject


or an object or a complement.

"To play... to play uhm... to play with ..."

"You may write your sentence on the board please?" I asked her.
Habang nakatingin ako sa recitation card at nagiisip kung anong ibibigay kong grade
sa kanya, biglang may tumawa.

"Hahahahahahahahaha!"

"Wahahaha!"

Dumami pa ang tumatawa.

"Shocks haha."

"Dumi ng utak niyo hoy!"

"Hala hahahahaha."

Napatingin ako kay Zylie. May nangyari na naman bang masama sa kanya?

Pero siya din. Nagkakamot. Clueless sa mga nagtatawanan. Tumingin ulit ako sa mga
estudyante. Hindi pala sila nakatingin kay Zylie kundi sa isinulat nito.

He loves to play my organ.

"Anong organ ba yan?" may nagtanong pa.


"Hahahahaha! Playing her organ daw oh."

"Can I play with your organ Miss?"

Tsktsktsk.

Lumapit ako sa board at binura ko ang mga salitang my organ.

"S-sorry." Narinig kong bulong ni Zylie.

Maluha-luha na siya. Bakit naman kasi ganun yung sentence niya.

"Can you please change that?" Naging double meaning pa kasi yung sentence na
ginawa niya. Tsk.

"KEEP QUIET CLASS!" Ang hirap na patahimikin ng klase. Pinagttawanan talaga nila
yung sentence na yun. Inabot-abot pa ng ilang minuto para tumahimik silang lahat.

Si Zylie. Hiyang-hiya.

Nung uwian. Naghihintay ako sa sasakyan ng walang dahilan. Napansin kong sinusundan
si Zylie noong lalaki kanina. May date ba talaga sila?

Susundan ko ba?

*later*

##################################

~~Chapter Twenty Five- Ice Creamed~~


##################################

ZYLIE's POV

Yung nakakairita na talaga si Silver. Wala na siyang awa. Inaapi na nga ako sa
sinulat ko. Bakit sa akin, hindi naman double meaning yung sinulat ko, bakit nila
ako binabastos?

Si kuya Zac kasi yung naisip po. Palagi niya kasing pinapaglaruan yung organ ko sa
bahay. Kasi kahit gusto ko ng grand Piano, Organ lang ang kayang bilhin nila mama.
Di ko naman inakalang panget pala ang kalalabasan nito.

"Zylie..." yun na lang yung nasabi sa akin ni Mikaela nung umupo ako. Nakakahiya
naman kasi. Hindi naman ako tanga, naiitindihan ko ang pinagtatawanan nila.. Green
lang talaga ang mga utak nila.

I officially hate this day. Sabi ko na nga ba at si Terrence ang nagdadala ng


kamalasan sa buhay ko. Simula nung umalis siya, minalas ako. At simula din nung
bumalik siya, mas lalong nagkada-leche-leche ang mga pangyayari.

Mas lalo akong nagdread sa dismissal dahil nakapangako nga pala ako kay Buknoy.
Date? The horror. Anong gagawin ko? Pwedeng dito na lang ako sa classroom? Di na
ako lalabas? O kaya tatalon na lang asko sa bintana para makatakas? Kakainis naman
eh! Is there any other way out? Aliens please kidnap me, now.

Huhuhu.

"Tara na Zylie! Di ka pa ba tatayo diyan?" sabi ni Mikaela habang niyuyugyog yung


balikat ko. Excited na sila umuwi. Sino ba namang ayaw umuwi?

Nakayuko na lang kasi ako sa desk. Halos lahat ng classmate ko nakalabas na...

"Uy anoba? lalabas na kami ni Mika... tara na anong problema mo? Hwag mo nang
dibdibin yung organ chuchu!" sabi naman ni Alyanna.

Iyak na ako.
"Zylie! Hwag ka nang magpacute!! Nandyan si Jupiter sa labas... Bilis..."

Si Juipter yung boyfriend ni Mika. Eh di siya na ang may lovelife.

Buti pa siya, masayang lalabas ng school kasi naghihintay ang kanyang love of her
life. May nagaabang din sa akin. Kaso... si BUKNOY! HARUJOSKU!

Di na talaga ako lalabas! Dito na ako matutulog. Nakakabadtrip na nga si Silver.


Pati si Buknoy at si ORGAN!

*toktoktok*

"ZYLIE KONG NILALANGIT? ARE YOU THERE?"

OH MY GAD! Nandito na siya? Anak talaga siya ng gremlins! Ano nang gagawin ko? Ano
na? Wala na akong tataguan. Pumasok na siya sa classroom. Wala na akong kawala.

"Yee. Sabi ko na nga ba eh. Ang sabi nila tumakas ka na daw! Kanina pa kita
inaabangan doon sa labas hehe. Hehehe. Buti naisipan kong pumasok ulit! Ahehehe
ahehehe. Alam kong hindi mo kayang gawin yun." Jusko po! Para siyang baliw! Tawa
siya ng tawa! Salita pa siya ng salita. Talaga bang naniniwala siya na hindi ko
siya kayang i-ditch?

"Teka!! Ako nang magdadala niyan!!!" nagulat ako nung inagaw niya yung bag ko.

"Ako na... Gentleman ako Zylie baby! Excited ako sa date natin hehe. Matagal-tagal
na akong nagiipon para dito. Akala ko... akala ko talaga mahihirapan ako na
papayagin ka... Pero grabe Lord. Buti pumayag ka agad!"

"HE! Ako na! Ako na magdadala ng bag ko! Bilisan na natin para makauwi na ng maaga.
Di ako pwedeng magpaggabi masyado."

"Oo! Oo! Sige sige! Saan mo ba gusto kumain? Bibilisan lang natin!"
"A-at... at pagtapos nito hindi mo na ako guguluhin?" pagkumpirma ko. Aba kailangan
kong makasigurado!

Tumango naman siya kaya sinabi ko sa sarili ko. It's only worse before it gets
better.

"Saan mo ba gusto? ahehehe." Tae tanong ng tanong eh.

"Ako talaga ang pipili? Promise?"

"ahh Oo naman Zylie babes. Anything for a princess like you."

Princess? More like Queen. Reyna na nga ng Kamalasan hindi ba. At mas gugustuhin ko
pa sigurong maging Reyna ng Kamalasan kesa maging Prinsesa ni Buknoy. Ewww. Masakit
na kasi niya sa bangs eh. Isipin ko na lang na blessing in disguise itong date na
toh. Kakain ako ng comfort food. Kahapon nakapagbasag na ako ng pinggan. Isa pang
bagay ang pwedeng gawin.

Mabuti na langa at kaunti na lang ang tao sa school nug lumabas kaming dalawa dahil
kung hindi, aasarin na naman kami makita lang kaming magkasama. Jusko I can already
imagine the horror.

Mabuti na lang talaga at sumusunod lang siya sa akin. Kung nagkataong sumabay siya
sa paglalakad sa akin, baka tinabig ko na siya pag may papalapit na sasakyan ng
masagasaan na siya. At ang sama na naman ng naiisip ko. Napakabrutal.

Ilang minuto lang, nakita ko na ang hinahanap ko.

"Dito! Dito tayo kakain!!!" Wahahahahahaha! Nahanap ko din. Matagal-tagal ko nang


gustong kumain dito kaso... hindi ako nakakapunta dahil medyo mahal kahit simple
lang. Isang beses pa lang ako nakakakain dito. One time nung dati medyo okay pa
kami financially. Nung nagpapadala pa si kuya Zac ng madami-dami. Ngayon kasi kapos
na kapos na kami.

"Zylie??" tinawag ako ni Buknoy.


"Bakit?? Ayaw mo ba dito??"

"Eh kasi... ICE CREAM lang yata ang tinda dito?" pakamot kamot pa siya.

Eh gusto ko dito sa ice cream parlor eh. Bakit ba? Pumasok na ako sa loob haha.
Kakainin ko lahat ng ice cream na makikita ko!!! Pampawala talaga ng badtrip toh
eh. Pagkakataon ko na ito.

Umupo na ako. Pero si Buknoy nandoon pa rin sa labas. Nakatingin doon sa panaflex
ng Ice Cream parlor. Nakakainis lang, mukhang ngayon pa yata aatras ang lalaking
ito ah! Lumabas ako.

"HOY BUKNOY?!?! Ayaw mo na? Ayaw mo nang makipagdate??" takot ko sa kanya.

"NAKU hindi hindi... Eh kasi tignan mo. Open hanggang 6:00 lang." Tumingin siya sa
relo niya. "Eh 5:30 na eh!"

"Eh ano pang ginagawa mo? Bilisan mo na bago pa tayo mapagsarahan!" Shocks.
Pagkakataon nga naman. Eh di ibig sabihin 30 minutes lang kami magkakasama. Pumasok
na ulit ako sa loob. Wala namang masyadong tao may dalawang magkaibigan lang na
kumakain ng banana spilt. Lalo tuloy akong natakam.

"Grabe naman toh... 30 minutes lang ba ang date natin??"

"SUS! Ayaw mo pa? Choosy ka pa buknoy?"

"Zylie... Hwag mo naman akong tawaging Buknoy kahit ngayon lang. Bernardo...
Bernardo ang itawag mo sa akin!"

Wow. Parang napakalaking improvement naman ng Bernardo sa Buknoy. Ano ba yung


pangalan niya? Makaluma lang yung pangalan eh. Marami siyang kapangalan, mga
middle-middle aged man. Mabuti pa yung pangalan ni Silver. Unique. Lol.

Ay! Bakit si Silver na naman? Hindi ko na siya dapat isipin dahil naasar ako sa
kanya hindi ba? Hindi kasi ako makapili sa pangalan nitong nasa harap ko eh. Buknoy
o Bernardo. Hahahahaha!
"Alam mo ang ganda mo... pag nakangiti ka.."

Kung nakapikit siguro ako, baka kinilig na ako. Kaso kitang kita ko yung pagmumukha
niya eh.

"O siya Bernardo! Order ka na ng... strawberry, chocolate, vanilla, dairy vanilla,
nut sundae, fruit whip, cornish cream, plum surprise, rhubarb fool, knickerbocker
glory, crunchy toffee pringle, neopolitan, cosmopolitan, marshmallows, spearmint,
coffee continental, orange, lemon, lime, lychee, pineapple, at pomegranate!"

In short, lahat ng nakalagay sa menu sa taas. Bahala siya mamulubi.

"SURE!!"

Mukhang nagipon nga siya talaga. Panahon na ba para magsisi at dapat ba sa House of
Wagyu ko na lang siya pinapunta para makakain ng 10K worth of steak. Kakayanin niya
kaya?

"Tapos i-take out na lang natin pag di natin naubos ah! Baka magsara na rin sila
eh." sabi niya matapos umorder. Narealize niyang hindi ko talaga mauubos yun bago
ako magkatonsilitis.

Pero good luck sa pagte-takeout ng ice cream. Eh di tunaw na yun? Tungaw talaga!

Maya-maya bumalik na si Buknoy. Umupo na naman siya sa harap ko.

"Alam mo ang saya-saya ko... Kasi kasama kita ngayon..."

Capital Yuck.

Nagkunwari na lang ako na nagtetext kahit wala naman talagang magtetext.


Nakakailang kasi. Mabuti na lang at lumabas na ang order naming gabundok na ice
cream na sobrang nakakalula talaga.
"THANK YOU!!!!" nagpasalamat sa mga nagserve.

Habang nagddive ako sa mga ice cream sa mesa, si Buknoy nakatingin lang.
Nakakaconscious nga eh! Pinapanood lang ako kumain.

"Hoy anuba! Kumain ka nga din!"

"Wag na... Makita lang kita na masaya... nabubusog na ako!!"

So corny. Buti na lang kumakain ako ng comfort food.

Umalis na yung dalawang babaeng kumakain kanina ng banana spilt. Nakita kong
naglagay na rin ng CLOSED na karatula don sa may pintuan. Waha. Mabuti na lang
talaga at umabot pa kami. Hoho! Sarap sarap nung mga ice cream talaga dito. Magkano
kaya yung bili ni Buknoy slash Bernardo sa mga toh.

"Masarap ba?" tanong ni Buknoy habang tinitira ko naman yung Cornish cream. Hoho!

Narinig kong tumunog yung Windchime na nakakabit sa pintuan. May pumasok yata. Alam
na ngang closed na eh napakalaki ng karatula hindi ba yun marunong magbasa? Akala
ko solo ko na ang lugar at pwede na akong magbaboy kumain ng icecream. Pero wala
akong paki! Ang sarap kaya ng cruchy toffee pringle! I.don't.care.

"Naku Sir Closed na po!!!!" narinig kong sabi nung nasa counter.

Paglingon ko at muntik na akong magkaroon ng instant tonsilitis.

*later*

##################################

~~Chapter Twenty Six- Sweet Face~~


##################################

ZYLIE's POV

Sinusubo ko yung icecream habang lumilingon ako sa pangahas na pumasok at hindi


marunong magabsa.

Si Silver!

"AY! Ano ka ba!" sabi nung nagse-serve kanina sa amin doon sa babaeng nasa counter
" Sir welcome po... open pa kami!"

Open daw bigla? Eh ang laki-laki na nga ng karatula, may ilaw-ilaw pa. CLOSED na.

Napaka-unfair naman pala sa mga ice cream parlor na katulad nito, dahil lang gwapo
yung customer, pwede na silang mag-open ulit?

Ano bang ginagawa niya dito. Sinusundo niya ba ako? In my dreams.

"Oy! Pareng Silver musta???" biglang sabi ni Buknoy. Hindi ko na malunok yung
icecream. So kelan pa naging mag-pare si Buknoy at si Silver. Alam ko mas matanda
si Buknoy sa kanya pero, mas matalino naman 'di hamak si Siver.

At bakit ako nagco-compare? Hindi naman pinansin ni Silver si Buknoy. Meaning,


hindi talaga sila magpare.

"Eto po yung list ng flavors. Kahit sa akin na lang po kayo umorder." salubong ng
serbidora.

Maya-maya, amoy na amoy ko yung pabango niya mula sa likuran ko.

Si Buknoy naman, weird na ginagawang tubig ang ice cream at nilalaklak. Pagbaba
niya ng baso ng ice cream, nalagyan pala yung ilong niya.

"Wahaha. Bernardo! Yung ilong mo kumakain." turo ko sa may ilong niya. Nakakatuwa
talaga.

"Ha??" Hindi niya ba naramdaman na malamig na yung ilong niya?

"Dito oh? Dito?" tinuturo ko yung ilong niya... tsaka yung ilong ko.

"Ano?"

"Yung ilong mo may ice cream!!!!" sigaw ko

"HA??" sabi niya habang pilit na tinitignan ng mata niya yung ilong niya. Mukha
talaga siyang ewan. "AY!!! Wahahaha! Nalagyan pala yung ilong ko. Masarap kaya
kainin ng ganun yung ice cream. Try mo!"

Habang iniinom ko yung ice cream base sa mga rekomendasyon ni Buknoy, biglang
nagsalita si Silver.

"Wala dito yung gusto ko!" reklamo niya. Natunaw na yung ice cream ko lahat-lahat
tapos wala pala dun yung gusto niya?

"Anong flavor po ba? Masyado na pong marami ang flavors ng ice cream namin sir. May
iba pa po ba na wala sa menu?"

"Meron."

"Ano po yun sir?"

"Pancake. Pancake flavor." tanong ni Silver

WHAT?

Sa sobrang gulat ko, napabuga ako... Naibuga ko lahat ng nasa bibig kong ice
cream.... Sa mukha ni Bukoy!!!
"*gulp*

"OW! Sorry!! Sorry Buknoy!!! Sorrrrryy!!!"

"Ah!! Okay lang! Heehee!" napatayo siya "Okay lang Zylie babes." Nakatayo na siya
at pinupunasan din ang sarili niya.

Kinuha ko yung tissue at pinunasan ko siya. Pero malagkit pa din. Nakakahiya...


Nakatawa si Buknoy kahit ang colorful na ng mukha niya dahil sa icecream. Naawa
tuloy ako. May mga nuts-nuts at marshmallows pa. Siya naman kasi. Bakit ko rin ba
siya ginaya at ininom namin ang ice cream?

"CR muna ako... Dyan ka lang ah! Ahehe! Okay lang okay lang talaga! Hwag ka na
mag-alala!"

Sobrang naguilty ako. Ako'y talagang naawa. Maghihilamos siya sa CR. Nahihiya naman
daw ako habang sinusundan ko siya ng tingin.

"So ano na pong order niyo?" nagpatuloy yung serbidora. Mukhang natigilan din sila
sa mga nangyari sa amin.

"Wag na pala." Sagot ni Silver. "Okay na ako."

Parang adik talaga yun. Napatingin na tuloy ako sa likod ko. Kawawa yung istura ni
ate. Matapos magexplain ng lahat lahat ng flavors, hindi naman pala oorder ang
isang ito.

"Pinagbigyan ka na nga pumasok dito kahit close na tapos hindi ka naman pala o-
order!" napasigaw tuloy ako.

"S-saan ka pupunta?" sabi ko... sabay takip sa bibig. Hala! Yung bibig ko papaluin
ko na eh. Pakialam ko ba kung saan siya pupunta diba?? Pero kasi... diba...
nagpancake siya?? Baka inaasar niya na naman ako eh.
Pumunta lang ba talaga siya dito para asarin ako ng Pancake?

Tumayo siya sa may pintuan, Binuksan niya lang yung pintuan, pagtapos tumingin siya
sa akin habang maluwang na nakabukas ang pinto.

Tumango siya. Na parang nagyayaya. Hanuba naman kasi ito! Hindi nagsasalita!
Tinatawag niya ba ako or what?

"T-tawag mo ako?"

"Usap."

Usap daw??? Mag-uusap kami? Seryoso na ba 'to?

Nakakakaba naman. Tumingin ako sa CR kung saan nandoon si Buknoy.

Tapos tinignan ko ulit si Silver na nasa may pintuan. Nakakuot na ang noo niya.
Bakit ba ako natatakot? Wala naman akong utang na loob sa kanya.

"Hala... Silver..." di ko alam sasabihin. Kasi si Buknoy nasa CR eh.

"Bahala ka..." tapos nun papalabas na siya.

"HINDI!!! Wait!!" Lumingon siya. Tumitig siya sa akin. Pagtapos lumabas na siya. At
ako naman, eto... sumusunod sa kanya. Lumabas na rin ako. Parang tanga, na nang
dahil sa kakarampot na sinabi ni Silver... napalabas na rin at humabol sa kanya.

Baliw ba ako? O uto-uto?

*later*

##################################
~~Chapter Twenty Seven- Friendzoned?~~

##################################

SILVER's POV

Did I seem to have made an executive decision about this?

No. I'm having snap judgments which is very unlikely of me. These days. Katulad
ngayon, Hindi ko talaga alam kung bakit sumunod ako. Wala man lang dahilan. Isn't
it that I always argue with my own lazy self before I could get my hands moving. So
why? Why am do I feel like stalker, following two unvigilant highschool students.

Siguro kung totoong may kidnapper at target ang isa sa kanila, they might have been
gone in a snap. An asteroid could have hit the city na hindi nila mamamalayan.
Kanina pa ako nakasunod, and the fact that I'm so close, I can't believe hindi pa
rin nila nahalata?

So bakit nga ba ako sumusunod? Siguro dahil tinawagan din ako ni Orange para
sabihing gagabihin sila sa school ni Lemon at walang tao sa bahay? Dahil si ate
Poty lang ang makakasama ko dun? O baka wala rin siya at wala ring makakain? Kanina
ko pa pinagmamasdan yung ice cream parlor kung saan nandoon sina Zylie at yung
makatang si Buknoy.

Masyadong matagal ang pagiisip ko kung papasok ba ako doon o hindi ng biglang
binaliktad na ng isang serbidora ang sign.

CLOSED.

Sarado na ang store. Naiinis ako. Bakit ako naiinis. Ano pang ginagawa nila? Bago
ko pa namalayan, pumapasok na pala ako sa loob. Completely like a rebel, I ignored
the sign. Sure, medyo napahiya ako nung nasabihang close na daw. Babalik pa ba ako?
Pinakamahirap sa lahat eh yung mag about face ka dahil hindi na pwedeng umabante.

Wala na ba? Hindi na ba talaga pwede? Is there no way forward?

Mabuti na lang at naawa yata sa akin ang isang service crew at sinabing okay pa
naman daw. Binati rin ako ni Buknoy like we're close.
"Eto po yung list ng flavors. Kahit sa akin na lang po kayo umorder." so eto na ba?
Kakain na ba talaga ako ng ice cream?

"Wahaha. Bernardo! Yung ilong mo kumakain."

Galak na galak si Zylie? Napatingin naman daw tuloy ako. May mga ice cream yung
ilong nung ka-date niya. Anong nakakatuwa doon? Mukha ngang tanga. Sa pagkakaalam
ko, papagalitan na nila mommy si Orange at si Lemon kung ganun sila kakalat kumain.
And my sisters are in grade school. Ilang taon na ba si Bernardo? I think he's a
Senior. Mas matanda pa sa amin ang lalaking yun pero makalat pa rin kumain? Not
funny.

"Dito oh? Dito?" aba't nagtatanong pa ito.

"Ano?"

"AY!!! Wahahaha! Nalagyan pala yung ilong ko. Masarap kaya kainin ng ganun yung ice
cream. Try mo!"

Mukhang tuwang-tuwa si Zylie sa date niya ah. Isa pala akong malaking epal.
Papasok-pasok sa ice cream parlor kahit closed na. What am I doing here?

"Wala dito yung gusto ko." Sabi ko sa babae. Dapat kasi talaga oorder na talaga
ako. Pero nagbago na ang isip ko. I thought she's having some trouble. I really
felt a punch of guilt na hindi ko siya tinulungan kanina habang tinatanong siya ni
Buknoy ng date. Pero anong nangyayari ngayon? Enjoy naman pala siya eh.

At tinanong na lang bigla ng service crew kung ano ba daw flavor ang gusto ko. Ano
bang gusto ko. Yung gusto ko talaga?

"Pancake." I realized I was being completely honest. Gusto ko ng pancake. Kaso,


meron bang ganun?

Hanggang sa may pagbugang naganap.


Natawa ako. She's really really affect by this pancake moniker. Nawala yung badtrip
ko. Like a vapor, it went away that fast.

"So ano na pong order niyo?"

"Wag na pala." I decided to go out. Now that's an executive decision. I've


completely reasoned with my myself out.

Until I heard her shout.

"Pinagbigyan ka na nga pumasok dito kahit close na tapos hindi ka naman pala o-
order!"

I ignored her. But she's talking to me again.

"S-saan ka pupunta?"

Why? Is she concerned? Will it be different if I leave? Will she go with me if I


ask her to?

Then I guess its worth a try. I gestured her to go out. Leave that stupid poet.

"T-tawag mo ako?"

"Usap." that's the only word that I can say.

"Hala... Silver..." she's hesitating. Hindi ko alam kung masama ba yun.


Nagaalinlangan siya dahil maiiwan si Buknoy. Pero ibig sabihin rin nun, hindi niya
ako lubusang tinatanggihan.

"Bahala ka..." I have leverage.

"HINDI!!! Wait!!"
I know.. I know she's going to follow. At binilisan ko lang din maglakad para ganun
din ang gawin niya. And with that mabilis kaming makakalabas ng ice cream parlor.
Para hindi na kami maabutan ni Buknoy.

*sigh*

"Sakay..."

Mabuti na lang pala at nagseatbelt na siya dahil agad ko ring pinaharurot ang
sasakyan ng makasakay ako dito. Buong drive, wala kaming imikan. Just straight
ahead sabi ng utak ko. I don't even know where we're heading.

"Bagalan mo lang..." I'm mantaining the same speed for almost an hour bago niya ako
sawayin. Was she scared? I looked at her.

"Sorry..." Itinigil ko ang sasakyan. I was just trying to drive. To keep the
awkwardness away. Pero nagsalita na siya, and I think it's a start.

"O-okay lang.. Baka kasi madisgrasya tayo..."

"Sorry..."

Yun na lang ba ang masasabi ko? Sorry? Baka hindi na niya seryosohin ang paghingi
ko ng tawag kapag palagi niya ng naririnig.

"Ano bang paguusapan natin?"

I really can't think of anything. Niyaya ko siyang magusap pero wala talaga akong
maisip na isang importanteng bagay para gawing excuse para nakawin ko siya kay
Buknoy
"Hala Silver!!" nagulat ako nang magsalita na naman siya.

What? Tska ko nalasahan. Metalic taste of blood. Before I knew it, I was already
biting my lower lip. Real hard.

"Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong niya. I came looking for my hanky, pero bago
ko pa mahanap, pinunasan ni Zylie... yung dugo sa labi ko...

"Ano bang nangyari??"

"Aish..." hinuli ko yung kamay niya. Pinunasan ko yung dugo na dumikit doon nung
ginamit niya ito ng pinunasan ang labi ko. "What do you think you're doing?
Touching me like that?"

"H-ha? Ah eh... Sorry..."

Tapos awkward na... But I'm still holding her hand.

"Zylie..."

Hanggang sa nakaramdam ako ng sakit. Nakagat ko na naman ang labi ko.

"A-ano ba yun?"

"Nothing really."

"Alam mo Silver... Ang gulo mo!" naasar na yata siya. Para bang niloloko ko na
siya? Ano ba kasing sasabihin ko.

"Alam mo!? Moody ka lang ba? O Tinotopak? Kasi minsan papansinin mo ako... Inaasar
mo pa nga ako eh! Tapos minsan naman deadma ka... Parang kanina di ka namamansin...
Tapos biglang yayayain mo ako para umalis sa... sa... date ko..."
Right. I'm that problematic. Napakagulo. At naguguluhan na rin pala siya sa akin.

"Sabihin mo nga Silver Jeremy Torres... Are we friends... or not?"

Tinanong ko tuloy sa sarili ko. Friends? Are we friends

"No..." And it looked like she's hurt.

"Eh hindi naman pala ako kaibigan anong ginagawa ko dito??!!" binuksan niya yung
pinto.

"HEY!! HEY!!" lumabas din ako. Kasi naglakad talaga siya... Eh di naman naming alam
kung nasaan kami. Tapos naglalakad na talaga siya palayo like it's their
neighborhood.

"Zy!"hinawakan ko siya sa braso.

"Grabe ka... Di pa pala ako friends? Nantitirip ka lang nuh? Pinagttripan mo lang
ako all this time?"

Isn't it weird. Everybody assumes that when I take a great notice of them, iniisip
na agad nila na may relasyon na kami? Pero itong malaking bilog na ito, napakarami
ko ng ginawa, tinatanong niya lang kung magkaibigan ba kami o hindi. What do I tell
her?

"Zy..."

"ANO?"
~

"Gusto... kita..."

*later*

##################################

~~Chapter Twenty Eight- Her Secret~~

##################################

ZYLIE's POV

Masakit.

Napakasakit ng kurot ni Alyanna sa mga bilbil ko pero hindi ko siya pinapansin.


Bukod sa sanay na ako, eh masyadong malalim ang iniisip ko. I'm im trance.

"Zylie tawag ka."

Doon ko lang narealize na hindi lang pala ako pinagtitripan ni Alyanna. Kinukurot
niya pala ako para kunin ang atensyon dahil kanina pa ako nakatulala. At si
Terrence, si sir Terrence ay nasa harap.

"A-ano po?"

Umiling lang ito. Nagche-check ba ng attendance or something? Recitation na ba


agad? Who cares. My mind is pretty much occupied with one thing... More like, one
person.

Naisip ko lang, for the first time in history, hindi yata ako nabbother sa presence
niya. Wala akong ginagawang malaking effort para iwasan siya katulad ng naunang
dalawang araw.

"Ano?? Ano daw may tinatanong ba siya?" bulong ko kay Mikaela.

"Wala tinatanong niya lang kung nakikinig ka ba daw... Ano ka ba nagdedaydream ka


pa din ba eh nandyan na nga siya sa harap mo." nakasimangot si Mika pero nangaasar.

Sa isip-isip ko, si Terrence lang ba ang pwedeng laman ng daydream? Pero di ko na


binuksan ang usapan. May maniniwala ba sa nangyari kagabi? Eh kung yung diwa ko nga
lumilipad, at puno ng denial. Imposible kasi 'to! Ako nga hindi naniniwala eh, yung
mga pagsasabihan ko pa kaya. Eh wala nga akong ebidensya eh, masabihan pa ako na
nababaliw.

"Goodbye class..." it's almost weird na lumipas na agad ang first period na puro
ako daydreams. Tinignan ako ni Terrence bago siya lumabas. Pero how weird na hindi
ako natatakot, naiilang o kung ano.

Have I really moved on? Hindi ako makapaniwala! Grabeng iyak ko lang nung isang
araw eh, halos hindi na nga ako makahinga. Halos pwede mo na nga sigurong mapiga
yung jersey ni Silver nung iniyakan ko siya, tapos sasabihin ko naka-move on na
ako?

Hindi ko talaga alam.

Pero sabi nga nila, hindi mo naman daw malalaman ang proseso ng pagmo-move on eh.
Malalaman mo na lang kung ano ito, kapag totoong naganap na. Kapag naka move on ka
na. Kapag wala ng waves of missing him. No more tsunamis of nostalgia.

Eto na ba yun?

Pwede naman hindi ba?

Pero pwede ring jina-justify ko lang din yung sarili ko. Dahil dun naman ako
magaling diba? Gawan ng paraan para majustify yung sitwasyon base sa naiisip ko.

"Hala Zylie nagalit na yata sayo si ex mo!!" sabi ni Yanny


"Shhh wag ka ngang maingay!" malapit na akong matempt na magdala ng packaging tape
na ready para kay Alyanna.

"Di ka na naman kasi nakikinig eh. Ano bang nangyayari sayo? Ayaw mo na bang mag-
aral?"

Eto pang isa... Di lang nakikinig ayaw na agad mag-aral?

"Kasi ganito yun... May i-she-share ako sa inyo..."

Paano ko nga ba sisimulan? Bakit naman kasi sa lahat ng interactions namin ni


Silver, wala man lang nakawitness kahit isa. Paano ko maidudugtong ang mga
pangyayari na puro ako lang naman ang nakasaksi?

"ANO ANO???"

"Chismax ba yan??"

"Ganito kasi yun..."

"Good morning class!" Nakakaasar... Dumating na si ma'am!

"Ano ba yan ang bagal kasi magkwento eh."


"Pabitin effect."

"Maya na lang after class!!" bulong ko.

Ganito kasi yun, hindi ko pa rin talaga alam kung papaniwalaan ko yung kagabi. Si
Silver na... parang isang taong hindi pwedeng maabot, ay... gusto... gusto daw
ako?!!!!

"Kyaaaah!" hindi ko napigilan ang mapasigaw. Ng pabulong. Kung pwede man yun, yun
ang nangyari. Isang impit na tili ang lumabas sa lungs ko.

"Aba. Hindi ka ba makikinig buong araw?"

Syempre umayos na ako. Nagpretend na lang ako na nakikinig. Sumasabay sa mga


nakikisagot. Tumatango at tumatanggi kapag nakikita kong majority ay ganun ang
ginagawa. I'm trying to blend in kahit ang totoo. Napakaokupado na ng utak ko.

Kainis! Sa lahat ng oras na lang yun ba ang iisipin ko?

Nung sinabi niya na gusto niya kasi ako. Natulala na lang ako. Di kasi talaga ako
makapaniwala. Hindi din ako naniniwala. Ang hirap isipin. Isang malaking joke ba
ito at may hidden camera lang pala dun?

At kagabi... Niyakap niya na naman ako. Ang adik niya sa yakap. Tapos wala... ayun
wala talaga... Parang nabaliktad ang lahat dahil kagabi... ako ang naging pipi. Ako
ang hindi nakasalita. Pagkatapos niya akong yakapin sa madilim na kalyeng yun.
Hinawakan niya yung kamay ko, pinasakay niya ulit ako sa sasakyan. At walang
imikang hinatid niya ako sa amin.

Wala na talagang nangyari eh. Napalibutan na ako ng butterflies. Weird. Hindi ko


alam kung gusto ko rin ba siya. O dahil alam kong maraming may gusto sa kanya kaya
dapat gustuhin ko siya? O baka naiisip ko lang yun?

Basta in a nutshell, hindi pa rin talaga ako makapaniwala.


Nawala na sa isip ko si Buknoy. Basta ang natatandaan ko na lang, tinatanaw ko ang
sasakyan niya na unti-unting lumiliit sa paningin ko habang nakahawak ako sa pisngi
ko. Binigyan niya kasi ako ng good night kiss.

Oh yes. Akala niyo sa movies lang ang goodnight kisses. No. Binigyan niya ako ng
isang marahang dami. Soft and warm kiss on the cheeks.

Hanggang sa naisip ko na lang na... hindi ko naman alam ang number ng phone niya
so... nakakabother!!!

Kinausap ako ni papa paguwi. Marami lang siyang bilin tanong kay Terrence. Pero
nang makita niyang hindi na ako lugmok ng gabing yun, natapos din agad ang sermon
niya. Niyakap niya rin ako at sinabihang, nandidiyan lang daw siya palagi para sa
akin. Which is alam ko naman kahit hindi niya sabihin. Nung umakyat ako, naguilty
ako ng kaunti dahil hindi ko pala masyadong pinakinggan si papa.

Hindi ko na agad maalala yung mood niya kung galit ba siya kanina? Buong gabi yun
ang naiisip ko.

Pati ngayon. Buong umaga... Kasi ngayong magre-recess na... Sigurado makikita ko na
siya. At parang nae-excite ako na ewan. Babatiin ko ba siya? Ako ba ang unang
lalapit. Ayaw ko namang mapahiya... Basta bahala na si Batman mamaya. Pag nagkita
kami sa canteen... Bahala na talaga. Bast gusto ko siya syempre makita.

"Tara?" yaya sa akin ni Mikaela. Tumayo ako at naglakad papalabas ng classroom.

"Kwento mo na sa amin yung kwento mo ha?"

"A-ahh o-oo! Later"

Kinabahan ako. Kasi nakita ko na yung likod niya kahit sa malayuan... Kahit
nakatalikod alam kong sya yun. Naiimagine ko na agad yung mabango niyang singaw
kahit magdamag na siyang nasa school.

"Omaygad. si crush!!" turo ni Alyanna kay Silver.


Wala na. Paano ko sisimulan yung kwento eh willing na willing igive up ni Alyanna
ang pagkain para makasilay sa crush niya.

Maikukwento ko pa ba ang nangyari?

Hindi ba't kapag sinabing 'secret' you won't tell anybody but it doesn't include
your bestfriend(s)

Pero bakit ngayon parang hindi ko pa rin masabi?

*later*

##################################

~~Chapter Twenty Nine- The Ice Cream Man~~

##################################

ZYLIE's POV

Etong si Alyanna! Talagang pinili pa talaga yung table na malapit kina Silver.

Alam nilang dalawa na sa lahat ng tao, ako yung hindi fan ni Silver. Sa lahat ng
tao sa school. Well, si Mika, given na yan na walang epekto sa kanya ang karisma ni
Silver dahil meron na siyang Jupiter. Pero ako? Wala lang. Naasar pa nga ako dati
kapag OA yung mga tao sa paghanga sa kanya diba?

Magugulat kaya siya? Magagalit? O mabibigla kapag sinabi kong ako pala yung gusto
ng gusto ng lahat. Hahahahahahahaha! Nakakatawa habang iniisip ko. Eto na ba yung
sinasabi nilang... haba ng hair.

HAHAHAHAHAHA!

"HOY MGA UGOK! BAKIT PAREHAS KAYONG NGUMINGITI MAG-ISA?" Nagulat naman ako kay
Mikaela. Nasa harap kasi namin siya habang magkatabi kami ni Alyanna. Kailangan ko
ng itigil ang pagdedaydream kung ayaw kong maging kasing topak ni Alyanna.

"Wala ah!" tanggi ko.

Tumingin si Mika kay Yans.

"E-ehh kasi... ang gwapo ng batok ni Silver..." natatawang sabi nito.

Tumingin din naman ako. Oo nga ang gwapo ng batok niya.

Lumingon din si Mika.

"Kelan pa naging gwapo ang batok? Ang alam ko lang, masarap ang batok. Lechon you
know. Pero gwapo? I don't think so."

Tawa-tawa lang si Alyanna.

"Pero ikaw bakit ka ngumingisi-ngisi din dyan na parang nababaliw na?" ibinalik
niya sa akin ang tanong. Oh men, akala ko nakaligtas na ako sa probing eh.

"Hindi ah! Ano lang... ano..." ano nga ba?? "... natatawa lang ako sa pagmumukha
nitong si Yanny hahahahahaha!" tinuro ko na lang si Alyanna.

"Wow ah. Ako pa sinisi mo? Ehhh ano na nga yung iku-kwento mo?"

Like a boomerang, bumabalik lahat ng issue sa'kin.

"Wala yun! Hehe... Hehehehe!"


"Wala, talkshit si Zy, nagpromise na ikukwento niya tapos ayaw naman pala."

"Daya naman."

"Guys naman! Hindi ako talkshit!"

"Okay... Kahit clue lang..." lukot na mukha ni Mikaela

"Love life ba yan???"

Okay... sasabihin ko na ba?

They are asking the right questions. I can't lie.

I nodded.

"OMG LOVELIFE NGA!" halos mapatayo si Mika kaya sinenyasan kong tumahimik lang.
Nasa malapit lang si Silver oh.

"Oh My God Zyla Lienne! Don't tell me... Don't tell me nagbunga ang date mo
kagabi!"

WHAT?!

"Shhh! Anong pinagsasabi niyo? Bunga ng date? Kadiri kayo! With Buknoy? Kadirs!"

"EHH KASI KATATAPOS LANG NG DATE NIYO KAGABI!!!"

"AT YUN LANG ANG NANGYARI KAGABI! DAHILAN PARA MAGING GANYAN KA KABALIW NA PANGITI-
NGITI. I'M SURE SI BUKNOY TALAGA ANG DAHILAN NG MGA NGITI."

Nakakahiya! Ang iingay nila at ambibilis nila magconclude. Tapos... tapos si Silver
ayan na lumilingon na!!!! Kyaaaaaaaah!!!

"ANO? ANO BANG NANGYARI? NAREALIZE MO NA MAHAL MO NA SI BUKNOY??" malakas na sabi


ni Alyanna.
"Shucks oo nga Zylie!! Sinagot mo na si Buknoy?" sabi ng nasa kabilang table.

What is happening to the world? Sino bang nagsabing si Buknoy!?

Buti na lang hindi lumilingon si Silver... May kausap kasi siya... Kausap niya
si...

Si Bettina.

"ANO NA NGA???" nangungulit pa din sila. Gusto pa rin nila akong magsalita kahit
nakapag-conclude na sila ng bagay-bagay.

"Wala... Wala pala akong sasabihin." Tumayo na ako. Di naman kasi yata totoo na may
gusto siya sa akin. Ayun kasi siya oh. Kausap si Bettina. Magkadikit pa yung elbows
nilang dalawa. Hindi sila kumakain. Parang may pinaguusapan silang seryoso na
magkalapit na magkalapit sila. Di man lang siya lumingon talaga?

Di talaga maintindihan tong si Silver... The master of pushing and pulling. Hobby
niya ba yun? Joke time lang ba siya lagi? Feeling niya ganun ang appeal niya? Pipi
daw pero bakit kausap si Bettina at parang ang dami-daming sinasabi?

"Uy saan ka?" si Yanny

"CR.." sagot ko.

"Balik ka agad ah!" sabi ni Yanny.

"ZYLIE!!!!!" May sumigaw.


This is not happening. Masyadong masama ang damdamin ko to deal with this. Si
Bernardo, nandiyan na naman. Pwede po bang magtago sa ilalim ng lamesa?

Anong gagawin ko? Eh iniwan ko siya sa ice crea parlor matapos pabilihin ng
sandamakmak na flavors at bugahan sa mukha ng makulay na ice cream. Sabi ng utak
ko, Run Zylie, Run!

Nagtatawanan na naman yung mga tao.

"Eh ayan na pala ang boypren mo Zy!"

"Ayan na naman si masugid!"

"Si Buknoy mong nilalangit, nilalangaw pati puwit!"

Nakakaasar! Ang dami kasing drama sa buhay! Bakit dito pa napili sa canteen mag-
emote?

"Bakit mo naman ako iniwan Zylie baby??!! Bakit paglabas ko ng CR wala ka na?? sabi
niya habang dinuduro-duro pa ako!

"You left him??"

"Aww iniwan ka Buknoy?"

"Kawawa ka naman"
"Baka kasi tinulaan mo na naman?"

Ang dami talagang nakikisabat sa mundo eh nuh?

"Naghilamos pa ako ng sobra. Nag-mouthwash pa nga ako eh!" nagpatuloy pa talaga


siya magdrama!!! "Pero paglabas ko wala ka na... Naglilinis na sila... PATI IKAW
WALA NA RIN!!"

Tinuro niya rin si Silver. "Wala ka na rin!!!" OA na sabi pa niya!!!!

Dinamay kasi niya ang isa sa pinakamalaking pangalan sa Vander.

Ano nga naman ang ginagawa ni Silver Jeremy Torres sa isang date ng dalawang
nobody?

*later*

##################################

~~Chapter Thirty- Catgirl, my heroine~~

##################################

BUKNOY's POV

Unang beses nung bata pa ako. Nagpapalipad kasi ako ng saranggola noon tapos
nasabit sa puno kaya naman todo iyak ko.

Nagulat na lang ako na may bata pala sa tabi ko. Gumagapang. In all fours.

"Meow meow! Pusa ako!"


Bigla kong pinahid yung luha ko noon. Gusto ko kasing matawa sa isang bata na
nagpapanggap na pusa. Pusa ako. Ang kulit niya.

"Pusa ka?"

"Meow! Bakit ka umiiyak taba?"

Natatandaan ko na taba pa talaga yung sinabi niya. Mataba ako nung bata. Tabogol
nga tawag sa akin ng pamilya ko bago naging Buknoy at oo, napabayaan ako sa kusina.

"Kasi yung saranggola ko. Sumabit sa puno." Sabi ko sa kanya habang tinuturo yung
saranggola.

"Ahh! Yun lang ba? Sus! Hindi naman nakakaiyak yan eh!" nagpapanggap pa rin siyang
pusa "Hayaan mo! Kaya yan ng pusa akyatin!"

Tapos nagulat na lang ako! Umakyat talaga siya. Di naman kataasan yung puno pag
binabalikan ko ngayong malaki na kami. Pero dahil bata pa lang kami nun, sa tingin
ko, ito na ang pinakamataas at pinaka delikadong puno noon.

"BATA MAGIINGAT KA!!"

"Pusa ako. Meow."

"AY PUSA PALA! PUSA!!! MAG-IINGAT KA PUSA, BAKA MAHULOG KA!" Sigaw ko sa kanya.
Ambilis niya nga nakaakyat eh. Tapos nakita kong tinatanggal niya yung saranggola
ko mula sa sanga. Kayang-kaya siya ng manipis na sanga dahil nga maliit pa talaga
siya noon.

"Ayan na! Meow!" sabi niya habang inihagis yung sarangola.

Grabe ang saya ko nun. Akala ko kasi hindi ko na makukuha yung saranggola. Kasi
naman. Ang taba ko kaya hindi ako makakaakyat dun sa puno. Sigurado, mababali ang
sanga.
Maya-maya may dumating.

"ZYLIE! NAPAKAKULIT MO?!! BUMABA KA NGA RIYAN!" Sumigaw ang babae. Nanay niya yata
yun. Zylie pala yung pangalan niya.

Bigla akong nahiya, nagpatulong kasi ako sa kanya, tapos napagalitan.

"Aray. Tama na po..." pinalo kasi siya sa pwet. Parang nefeel ko naman yung
pagkakapalo. Kasi naman. Kung hindi dahil sa akin. Pati sa sarangola ko. Hindi siya
mapapalo ng mama niya.

"Gusto mo bang mamatay ka! Alam mo bang delikado umaakyat-akyat sa puno?"


naulinigan ko pa rin kahit medyo malayo na sila. Parang hinihila na kasi siya ng
nanay niya pauwi.

"Di po agad-agad namamatay ang pusa!" sabi niya. "May siyam po akong buhay. Meow."

Natawa tuloy ako.

Simula noon. Lagi ko na siyang naalala. Nagulat na nga lang ako kasi... Schoolmate
ko pala. Hindi naman siya nagbago. Ganun pa rin ang itsura niya. Si Zylie nadating
pusa.

Kaya ayan. Hanggang ngayon. Zylie babes pa rin ang tawag ko sa kanya... Kasi. Para
sa akin. Sya pa rin yung batang kumuha ng sarangola ko mula sa puno na yun.

May gusto ako kay Zylie. Obvious naman diba? Lahat na nga ng effort ng
pagpapapansin ginawa ko na. Siguro nga hindi niya na natatandaan yung tungkol dun
sa nangyari nung bata pa kami. Haha. Ayaw ko na din ipaalala eh. Ang taba ko kaya
nun. Tska. Nakakahiya kasi, siya pa yung kumuha ng kite eh siya nga yung babae. Mas
okay na magustuhan niya rin ako kahit hindi niya pa maalala agad yung sa
saranggola.

Pero ngayon, hurt ako. Kasi naman! Sa lahat lahat nang nangyari sa buhay ko. Yung
date namin ni Zylie ang pinakamaganda. OA na kung OA. Pero kasi. Hindi ako
makapaniwala, na napapayag ko siya. Ang akala ko mas mataas pa ang porsyento na
manalo kami sa looto kesa mapapayag ang isang pusa makipagdate.

Kaya nga kahit sa ice cream parlor lang kami pumunta, ibibigay ko lahat ng gusto
niya. Nagipon ako hindi ba.

Pero nawala siya. Nawala sila ni Silver. Alam niyo ba yung feeling na naiwan ka?
Yung akala mo naabot mo na yung gusto mo pero parang joketime lang pala? Kaya di
niyo masisisi ang naguumapaw kong damdamin ngayong lunch!

Nung nakita ko si Zylie... sumigaw na agad ako.

"ZYLIE!!!!!"

Kahit nagtatawanan na naman yung mga tao okay lang. Minsan ko lang makita si Zylie
dahil hindi naman kami parehas ng building. Dito lang talaga sa canteen.

"Bakit mo naman ako iniwan Zylie baby??!! Bakit paglabas ko ng CR wala ka na??"
talagang nag-emote ako.

Daming tao! Pero kailangan ko to. Habang may lakas ng loob pa ako.

"Naghilamos pa ako ng sobra. Nag-mouthwash pa nga ako eh!" eh kasi naman! Nag-
mouthwash naman talaga ako. Kasi diba? Malay mo mauwi sa.... alam mo na... kiss
yung date namin.

"Pero paglabas ko wala ka na... Naglilinis na sila... PATI IKAW WALA NA RIN!!"

Tinuro ko pati si Silver. Kasi naman! Anong ginagawa niya diba? Nandoon lang
siya... Tapos... Paglabas ko wala na sila. Para akong mamamatay. Nanlamig ako lalo
noon. Pumasok pa talaga ako sa CR ng girls!

Pero wala daw talaga.

Wala!!!!
Lalapitan ko sana siya pero... tumayo si Silver.

*later*

##################################

~~Chapter Thirty One- Misunderstanding~~

##################################

SILVER's POV

Hindi ako nakatulog nung gabing yun. Little did I know there'll be a confession.

Pagkatapos kong sabihin, tsaka ko talaga narealize at natanggap sa sarili. Gusto ko


na nga talaga siya. Hindi ko rin maipaliwanag pero ganun na nga yun. That's why
it's so confusing. That's why I've been denying it. Pushing the feelings away.

Dahil akala ko, hindi na ulit ako makakaramdam ng ganun. That a few years ago, I
said to myself, hindi na pwede... imposible nang makaramdam ako ng pagkagusto sa
isang tao.

Pero when she asked about us being friends.

It felt like an insult.

Are those the only choices? Being friends or not friends.

That's when I've realized. I like her too much to say we're friends. It's
impossible to like a friend that much. You don't follow a friend just like that.
You don't feel bothered or concerned at that extent. Moreover, you definitely can't
kiss a friend like that.

Boo.

Hanggang makauwi kami wala pa rin siyang sinasabi. Wala akong narinig kung okay
lang ba yun? O parang Buknoy lang din ako?

Nasayang naman yata yung pag-amin ko. Kasi. Wala man lang akong narinig mula sa
kanya. Kaya nung recess, aabangan ko na lang siya. Baka kasi ayaw niya pala? Naasar
ba siya? Naging NR na lang kasi siya at naging malalim ang iniisip.

Hindi ko tuloy alam what's the score.

"Silver!" bati ni Bettina. Tinabihan pa ako.

"Oh?"

"Di ka kumakain?"

"I'm okay." Parang may gusto siyang sabihin kaya pinaupo ko na rin siya. "Do you
need anything?"

"Ano kasi... Sasali sana ako sa debate club." Sabi niya.

Para talaga siyang blessing in disguise paminsan. Hindi niya ba alam na kailangang-
kailangan talaga namin ng member sa debate club?

"Sure!"

HIndi ako nagkamali, importante naman palagi ang sinasabi ni Bettina kaya madalas
din akong nakikinig sa kanya.
"Kelan ba pwedeng magpresent?"

Hindi kasi basta-basta nakakasali sa amin. Magppresent ka muna sa lahat ng members


ng debate society. Tapos may mock debate kasama ang isang miyembro.

"Ahm.. We can schedule it!"

"OMG LOVELIFE NGA!!!!!" May sumigaw... Nagulat naman daw kami. Ang lakas kasi ng
boses. Hindi lang naman kami ang napatingin ni Bettina eh. Halos lahat ng nasa
paligid.

Lumingon ako. Mga kaibgan pala nila Zylie. Naulinigan ko ang pangalan ni Buknoy.
Kung pinaguusapan nila ang lovelife, bakit si Buknoy ang nasa usapan? Hindi ba't
ako ang nagconfess kagabi? I tried to ignore it.

Naisip ko na baka hindi nga naging maganda ang pagamin ko kagabi.

"Sige... tska sila Carly din balak magpresent..." pagtutuloy ni Bettina ng usapan.

"Ahhh." Nginitian ko na lang siya. Kasi sa totoo lang, gusto ko nang maging
tsismoso. Ano naman kasi yung pinaguusapan na mahal niya na daw si Buknoy? Kaya ba
hindi siya sumasagot sa akin kagabi. Kasi totoo nga? That is the most ridiculous
thing I've heard today.

"ZYLIE!!!!!"

Pagtingin ko. Speaking of the devil. Si Buknoy nga! At pagharap ko, nakatayo si
Zylie. Sasalubungin niya ba? So the rumors were true?
"Boypren mo Zy!"

"Ayan na naman si masugid!"

"Si Buknoy mong nilalangit, nilalangaw pati puwit!"

Kalat na kalat talaga ang "relasyon" nilang dalawa ha?

"Bakit mo naman ako iniwan Zylie baby??!! Bakit paglabas ko ng CR wala ka na??"
Tinuro niya pa yung mukha ni Zylie ng hanep ah. What a rude lad. Casually pointing
his fingers. "Naghilamos pa ako ng sobra. Nag-mouthwash pa nga ako eh! Pero
paglabas ko wala ka na... Naglilinis na sila... PATI IKAW WALA NA RIN!!"

Tinuro niya rin ako.

"Wala ka na rin!!!" So tumayo ako. Nagulat din si Bettina kasi tumayo talaga ako
matapos akong ituro.

"You were there? In their date?" pahabol tanong ni Bettina pero naglalakad na ako
patungo kay Buknoy.

"Problema?" sabi ko.

"Eh kasi nawala kayo! Kayo! Kayo!" para siyang batang nagttantrums at nagtututuro
ng kung anong gusto niya.

"Bakit?" sabi ko habang lumalapit sa kanya.


Tumahimik yata.

"Date kaya namin ni Zylie! Tapos dumating ka lang nasira lahat ng kaligayahan ko."
Ang OA. Kaligayahan talaga ang nasira eh.

"Wala akong kinalaman sa kaligayahan mo." sabi ko sa kanya. Kainis. Bakit ko ba


kinakausap tong lalaking to?

"Bakit? Hindi mo ba itinakas si Zylie?? Hindi ba ikaw ang may kasalanan kung bakit
siya nawala?"

Ang sakit sa ulo nitong lalaking ito. Lahat na yatang tao sa canteen nakatingin na.
Tinakas si Zylie? Wow, just wow.

"Hindi." Sagot ko.

Nagbago yung expression ni Buknoy.

"ANONG HINDI???" si Zylie yata yung nagreact.

Lumingon ako. Mukhang nahurt siya. Tapos... Tumakbo siya. Tumakbo palabas ng
canteen.

"ANO BA TALAGA??!" sabi na naman ni Buknoy.

Pero di ko siya pinansin na. Kasi... hindi naiintindihan ni Zylie. Hindi ko naman
siya itinakas diba? Kusa siyang sumama eh.

Damn it.

*later*
##################################

~~Chapter Thirty Two- One Pancake Apology~~

##################################

ZYLIE's POV

*poke poke*

"Zy!"

Kainis! Tinutusok-tusok pa yung pisngi ko! Badtrip na nga ako buong araw eh! Buti
na lang hindi ako kinausap nung dalawa kong makukulit na kaibigan. Napansin yata na
badtrip ako.

Pero kasi... eto naman ngayon! Nakasunod na naman po! Ang makulit na Bernardo!

"Uyyyy... Hindi ka ba talaga tinakas ni Silver?"

Silver silver! Puro na lang Silver! Kelan ko ba hindi maririnig ang pangalan na
yun? Nung walang kwentang tao na yun na wala na lang ginawa kundi pakiligin ka
tapos ideny ka. Bwisit. Huli na talaga to. Hindi na ako maniniwala sa kanya. Sa
kahit na anong sabihin niya. Sa kahit na anong gawin niya pag kaming dalawa lang.

I've learned my lesson.

Tumigil ako sa paglalakad.

"Pwede ba! Ano.. Tigilan mo muna ako. Masakit ang puso ko ngayon!"

SAY WHUT? Anong ka-corny-han ang pinagsasasabi ko? Masakit ang puso? Oh no no.

".... Hindi ano lang... mabigat lang ang dibdib ko."


"Mabigat ang dibdib mo?" parang gulat na gulat niya pang tanong.

Geez that sounded so wrong my dear.

"TSK! Ano bang iniisip mo? Hwag mo na nga akong sundan kasi! Wala ako sa mood!
Badtrip ako! Tska diba sabi mo di mo na ako guguluhin kapag pumayag ako makipagdate
sayo? Eh ano pang ginagawa mo?"

"Eh kasi hindi naman natuloy yung date natin. Di mo pa nga nauubos yung ice cream
eh!"

Naawa naman ako. Kasi naman umalis naman talaga ako eh. Si Silver naman kasi! Usap
daw.Isang salita, nagpabingwit naman ako. Aish kasalanan ko talaga ito eh!

"Sorry naman." Napakamot tuloy ako. Ano bang excuse ang sasabihin ko sa kanya. Ang
sama na kasi ng mukha niya eh. Ang asim na. "Ano kasi.. ano.. Buknoy... ay Bernardo
pala... uhmm. Nung time na yun... naalala ko na may nakalimutan pala ako sa school.
Eh baka mawala na... kaya hindi na ako nagpaalam. Tumakbo na lang ako palabas."

"Eh bakit sabi nung babae doon sabay daw kayo lumabas??"

At may witness pala. Okay alam ko na ngayon na hindi ako magaling gumawa ng krimen.
Talo na agad ako, sa witness pa lang.

"A-ahm! Alam mo! Nagkataon lang yun! Wala siyang inorder kaya lumabas na rin siya!
Tapos ako tumakbo na papuntang school. Yun, ganun lang yun!"

Kung anu-ano nang sinabi kong kasinungalingan eh. So bakit ba ako nagsasayang ng
pawis sa kili-kili para magexplain sa kanya? Gusto ko bang gumaan ang loob niya, o
gusto ko lang din magsinungaling sa sarili ko na dapat hindi na lang ako kay Silver
sumama. Na dapat yung sinasabi ko, yun na lang ang nangyari.

"Akin na yang bag mo ihahatid na kita sa inyo."


"Bernardo... " inharang ko yung palad ko sa harap niya. "Awat na. Hayaan mo na ako
makauwi. Please lang. Please please." Nakiusap na talaga ako. Gusto kong makahanap
ng peace of mind eh.

Tumango siya ng tumango ng tumango. As in sobrang daming tango. Naawa naman daw
talaga ako. Kainis. Cute naman siya. Medyo magulo lang yung hairstyle niya
madalas... Pero hindi ko talaga siya gusto eh. Nakakainis lang. May mga tao kasi,
na hindi mo lang talaga type.

Alangan ipilit mo hindi ba?

"Okay. Uhmm. Ingat ka na lang Zylie..." tapos nginitian niya ako. ^___^

Here comes the guilt.

Pagkaalis niya. Tinahak ko na ang daan pauwi. Eh malapit na rin pala ako sa bahay
eh. Buti na lang napaalis ko na si Buknoy. Kung hindi malalaman niya pa ang bahay
namin.

"Nandito na po ako!!!!" Sigaw ko.

Kasi naman. Parang ang tahimik. Karaniwan naman medyo maingay kasi nakabukas palagi
yung TV. O kaya nagluluto si mama sa oras ng pag-uwi ko kaya maingay. Minsan naman
si papa o si kuya Zeus nagigitara.

"Wala talagang sumasagot? May ilaw naman eh."

Pagpasok ko...

"Low."

"Ma!!!! Pa!!!!" sigaw ko. Pinaglololoko ba nila ako? Anong ginagawa niya dito? Si
SIlver.
"Wala sila."

At panong wala sila? Bahay namin ito. At siya pa ang makakaalam na wala ang pamilya
ko.

"Mama!!!! Nasaan po kayo?"

"Wala nga sila." Narinig kong sabi niya. Sumunod pala siya sa akin. Pumanik kasi
ako dahil baka nasa taas lang sila mama. Paglingon ko, nakalagay yung dalawang
kamay niya sa bulsa.

"Nasaan sila? Paanong wala sila. Did you kill them?"

"What? Are you serious?" gusto kong matawa. Nanonood ba siya madalas ng TV shows?

"Nasaan nga sila?

"Uhm. Binigyan ko sila ng movie ticket?" sagot niya.

"Niloloko mo ako! Nasaan sila? Hindi nagtitiwala si mama agad-agad."

"Pinahiram ko ang kotse ko."

Iisa lang yung tono niya pag nagsasalita. Monotone.

So pinahiram niya yung kotse niya? Kaya pala wala akong napansing nakaparada sa
harap! Kasi kung nagkataon baka hindi na sana ako pumasok kung nakita ko yun.

"Ayaw naman nila ako paghintayin sa labas. Kaya pinapasok ako. Hintayin na lang daw
kita."
Huhuhu Mama! Bakit? Bakit pinagpalit niyo ako sa movie ticket? Paano kung rapist
pala ito at buong pusong ibinigay niyo na po ako?

"So..."

"Uhm Sige magpapahinga na ako. Hintayin mo na lang sila---" gusto ko talaga siyang
iwasan. Hindi ba nangako na nga ako sa sarili ko na last na yung kanina? Yung sa
canteen?

Pero. Shit. Ayan na naman siya. Alam niya bang nasa bukana kami ng hagdan? Niyakap
na naman kasi niya ako. At alam niyo ba yung feeling? Tapos hinahaplos-haplos niya
pa yung buhok ko? Ganito ba yung mga behavior ng isang serial killer? HIndi kaya
pinatay niya na talaga yung pamilya ko? Tapos papatayin niya na rin ako?

Pero bakit ganun? Parang iba naman yung sinasabi ng utak ko?

"Ahh... Silver... Please lang... Papahinga na ako." Sabi ko habang tinutulak ko


siya. Kasi naman. Madadala na naman ako. Maniniwala na naman ako sa mga effects
niya. Tapos... Sa school sa harap ng maraming tao... wala na naman siya.

"Galit ka ba? Di ko alam kung bakit ka galit. But I'm sorry."

"W-what?" I scoffed "Paano naman ako magagalit? Bakit naman ako magagalit diba? Eh
wala ka namang ginagawang nakakagalit?! Tignnan mo hindi mo nga alam kung bakit ako
magagalit?" Psh, You've gotta be kidding me."

"Sige na pancake. Sorry na."

Omg ghad. Bakit po naglalambing ng ganito ang lalaking ito?

*later*

##################################

~~Chapter Thirty Three- Those Three Parts~~


##################################

ZYLIE' POV

Hug-hug din pag may time? Nawiwiwili din tong isang toh eh. At ako din nasasanay
magpaloko.

"Pancake."

"Pancake pancake ka na naman diyan ah!

"Missed it?"

"ANO???"

"Namiss mo na... tinatawag kitang pancake?"

The truth is, I actually did. Yeah I did miss it.

"So... Bati na tayo??" he asked.

Ganito pala siya makipagbati nuh? Assumero-much.

"Di nuh. Asa ka."

"Hmmm. Nah. I felt it." he squinted his eyes na hindi na naniniwala sa akin.

"Felt what?"
"Yumakap ka rin naman sa akin eh."

Yumakap rin ba ako kanina?

Oh no. Yumakap nga rin ako kanina! Ehhh kasi naman eh. Kahit tuod yata mapapayakap
sa kanya. Ang bango niya kaya tska ang sarap niya yakapin. Sinong nasa matinong
isip ang hindi gaganti ng yakap?

Pero ibig sabihin banun ay bati na kami? Ano siya sinuswerte? Ni hindi niya nga daw
alam kung bakit ako galit eh!

"Eh ano naman? Hindi ako yumakap. Humawak ako. Baka kasi ma- out of balance ako
nuh. Alam mo naman."

"Yung totoo Zylie?"

"Anong totoo? Ang totoong alam ko? Hindi pa tayo bati."

"Nagsorry na nga ako eh." Matabang na sabi ni Silver.

Kaasar tuloy lalo. Bumaba na ako ng hagdan. Masyado na kasing... mainit... dun sa
may bukana. Alangan naman pumasok pa ako sa kwarto para magpalamig sigurado susunod
na naman yung Silver na yun. At mas delikado.

"Alam mo bang may tatlong parts ang sorry?" sabi ko sa kanya habang bumababa ako.
Alam ko namang kasunod ko siya eh.

"Parts? Ano?"

OMG lang. I can feel his breath on my neck. Ano ba yun kinilabutan ako. Kasi naman
ang lapit-lapit pala niya.

"Alam mo ba na una lang yung ginawa mo?" sabi ko ng makalayo ako sa kanya.
"Parts parts pa? Di ko alam yun. Tinuro ba yun sa school Baka absent ako." Kinuha
niya yung remote tapos binuksan niya yung lumang TV namin. Umupo pa talaga siya sa
sofa diba? Kinuha ko mula sa kanya yung remote tapos pinatay ko ulit yung TV.

"Excuse me Mr. Bahay mo ba toh? Kung makapagbukas ka naman ng TV eh." pinatay ko


yung TV.

"Well, then... I wanna hear the parts of Sorry. Parts ba talaga? Hindi Steps?"

Napaisip tuloy ako. Namali ba ako ng term?

Ay bwisit! Ngayon na nga lang magmarunong, may nagdididkta pa.

"Parts yun bakit ka ba nangingialam?"

"Okay. Then educate me... Ano yung tatlong parts na yun?" seryosong tanong niya.

I cleared my throat.

"Una! Magsasabi ka ng sorry! Yun nagawa mo na yun." Tumango-tango siya.

"Pangalawa! Aaminin mo ang kasalanan mo." Tango na naman siya ng tango. Asar. Di
niya nga alam kasalanan niya eh. Paano siya nakakaarte ng ganyan na parang master
siya ng pagsosorry?

"Sus! Di mo nga yan nagawa eh. Ikaw na ang nagsosorry na hindi alam ang kasalanan.
Meron bang ganun? Ikaw lang yang ganyan sa mundo. One of a kind!"

"Pangatlo??" tanong niya. Hindi man lang pinakinggan yung mga pagbubunganga ko sa
kanya.

"Hmmpf. Pangatlo at higit sa lahat... Dapat hindi mo na uulitin ang kasalanan mo."
He nodded. So I waited.

Pero... nagtitigan lang kami.

"Eh wala ka ngang nagawa diyan kundi yung una eh! Nagsorry ka lang! Hindi mo alam
kung anong kasalanan mo kaya hindi mo maamin. Tska di mo rin masasabi na hindi mo
na uulitin kasi ikaw mismo hindi mo alam!"

Sa wakas nasabi ko na rin! In his pretty face!!"

Habang nagsecelebrate ako ng divine intervention dahil nasabi ko rin yung tatlong
parts ng sorry eh di ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin. Sobrang lapit.

Niyakap niya na naman ako!!!! Bakit ba ang hilig-hilig niyang manyakap. Harassment
na talaga ito!!!"

"Waaaaah wag mong gawin yan!!!" Tinulak ko siya. Kasi habang yakap-yakap niya ako.
Hinahalikan niya yung leeg ko. Ano bang klaseng tao toh. Lahat na ng goosebumps ko
lumabas na. Tinutulak ko pa rin siya pero para siyang monster. Ayaw matinag.

"Zyla Lienne Carbonnel." *tsup*

Awww ngayon niya lang ako tinawag sa buo kong pangalan. Tapos may kasamang halik na
naman sa leeg.

OMG Manyak ba siya? Oh God.

"Sorry na pancake ko..."

Ayan na ayan na!!! Nagsorry na siya. Part one: CHECK

"Uhmm Sorry..."
Okay? Then?

"Sorry talaga pero hindi ko alam kung anong kasalanan ko..."

NYEH.

"Kainis tumabi ka nga! Kakainis ka! Lumabas ka na! Doon mo na hintayin sina mama at
papa. Kainis!!!!" tintulak ko na naman siya ng bongga. Andun na yun eh. Tapos deny
na naman siya sa kasalanan niya. Kaasar.

Napatigil ako sa pag-struggle. Pano ba naman! Nakayakap pa rin siya, tapos...


Nakadikit na yung mga noo namin. Eye to eye kami. Nose to nose.

"Ano ba kasi?" malambing niyang sabi. Hindi niya ba talaga alam kung anong
kasalanan niya?

Tumanggi ako. I shook my head.

"Pag di mo sinabi hahalikan kita..." sabi niya.

Unti unti na ngang nagti-tilt yung ulo niya. Kyaaaaaah. Seryoso siya hahalikan niya
nga ako.

"IKAW KASI!!! SINUNGALING KA HINDI MO INAMIN SA LAHAT NA IKAW NAMAN TALAGA ANG
NAGTAKAS SA AKIN SA DATE NAMIN NI BERNARDO!"

Bumitiw nga si Silver. Umupo siya ng sobrang kampante at crosslegs.

"Ano? O diba? Aminin mo na."

Umiling siya.
"Pancake. Hindi kita tinakas. Sumama ka sa akin ng kusa hindi ba?"

Awwww.

"Yun lang ba ang ikinagagalit ng pancake ko??"

"Hindi ako pancake! At hindi rin ako sayo!!"

"Hindi mo kasi ako hinintay magpaliwanag eh. Tinanong ni Buknoy kung itinakas daw
kita, Sabi ko hindi kasi hindi naman talaga."

"Ehhh hindi ka naman marunong magpaliwanag eh! Wala ka ngang alam sabihin eh. Ang
range nga ng mga salita mo ay mula isa hanggang tatlong words lang." papaiyak na
sabi ko. Naiinis pa rin kasi ako eh. Biruin mo? Lahat ng pagiinarte ko wala lang sa
kanya. Di niya naman daw kasi alam kasalanan niya.

"So tell me... Why did you walk out?"

"Uhm... T-tinatanong pa ba yun?"

Tumayo ako. Nauuhaw na ako eh. Tska nahihiya na naman ako sa harap ni Silver. Kasi
naman halos lumabas na yung tonsils ko sa kasisigaw, eh siya composed na composed
pa rin ang sarili.

"Sorry na... Hindi ko alam na nagtampo ka. Sorry kasi hindi ako marunong
magexplain. Hindi na mauulit." Lumingon ako. Ngumiti siya sa akin.

Ginawa nga niya yung tatlong parts ng sorry.

Tumayo din siya. Tapos lumapit siya sa akin na stoned naman sa aking kinatatayuan.

"Tuturuan din kita ng tatlong parts."


"A-ano?"

"Una pumikit ka..."

Tapos hindi niya na sinabi yung mga susunod. Kusa ko nang natutunan. Pangalawa kasi
ay hinalikan niya ako, Tapos pangatlo niyakap ko siya.

I'm so dead.

*later*

##################################

~~Chapter Thirty Four- Basorexia~~

##################################

SILVER's POV

Here's what happened.

I'm in my last bit of sanity.

Wala akong maisip na gawin. Dapat talaga manonood ako ng movie dahil kanina pa ako
nababadtrip sa di malamang dahilan.

And that bothers me. I can't really pinpoint why I feel bad. Is it because I'm
guilty?

Wala naman kasi akong ginawang mali kaya kanina ko pa sinsabihan ang sarili ko na
hwag mag-alala. Kaya ang ginawa ko. Bumili na agad ako ng movie ticket, dalawa.
Pang last full show sana. Yayayain ko si Zylie. Kaso after nun, nagsisi ako. Last
full show? Sinong papayag sa last full show na movie ah sobrang gabi na matatapos
nun? Buti sana kung yung medyo mas maaga-aga na lang yung binili ko. Wrong move.
Pero pumunta pa rin ako sa kanila. Pagdating ko, wala pa pa siya. Siguro nagaalay-
lakad pa.At hindi ko alam kung anong naisip ko at... inalok ko sa mga magulang niya
yung ticket.

Masyado silang natuwa. Narinig kong matagal na nilang gustong panoorin yung movie
na napili ko, ang kaso, malayo daw sa priority ang pagbili ng ticket. At ang totoo,
masyado daw out of way ang sinehan simula dito sa neighborhood nila Zylie. Muntik
na nga nitong tanggihan eh.

Medyo nalungkot ang mukha ni tita habang isinosoli ang ticket. Naalala ko tuloy
kapag malungkot ang mukha ni Zylie.

"Gusto namin sana, kaso apat na sakay pa dahil alam mo naman dito sa amin, hindi
masyado dumadaan mga sasakyan. Kailangan pang magtricycle, tapos jeep papuntang
rotonda, at dalawang--"

"Pwede niyo pong hiramin yung nakaparada diyan sa labas..."

"Yung sasakyan mo hijo?"

Ipinakita ko ang susi. At hindi nila alam kung maniniwala sila kung totoong
ipinapahiram ko ba talaga sa kanila yung sasakyan ko. Bakit naman hindi? Itatanong
ko sana kung hindi ba sila marunong magmaneho pero agad naman ng kinuha ng papa ni
Zylie ang susi at naisip ko, marunong naman siguro. Imposibleng hindi marunong.

Pero narinig kong gustong-gusto na daw mula magdrive ng papa ni Zy. Kaya ilang
minuto rin ay nakahanda na sila para umalis.

Parang palitan ang nangyari. Ipinagkatiwala ko sa kanila ang kotse, at hindi na


sila nagalinlangang ipagkatiwala ang bahay.

Sigurado ba sila dito? Pero tumawag naman sila muna kay Zeus at nagsabing pauwi na
ito. Naulinigan ko pa nga na sinasabing wala naman daw mawawala sa bahay nila, at
nakakahiyang paghintayin ako sa labas.

Mabilis naman ang mga pangyayari. Nakaalis na rin sila... Hanggang sa naramdaman ko
na lang na nandyan na si Zylie.
Alam niyo ba yung salitang gigil? Our class once argued about its English
translation. Ano nga ba ito sa Ingles? Is it just a very Pinoy thing? Just as how
indescribable it is, ganun din yung nararamdaman ko kapag nakikita ko si Zylie. Isa
siyang monay. Hindi lang siya basta-basta pancake. O siopao.

Kapag nakakakita ako ng bilog, kahit na anong bilog, siya agad ang naalala ko. Isa
kasi siyang naglalakad na bilog.

At kapag nakikita ko siya, tulad ngayon. Gigil na gigil ako. I'm starting to ask
myself, Am I human? Bakit kasi sobra-sobra yung gigil that I ended up kissing her
neck. At habang tintulak niya ako, kita ko naman yung mukha niya eh. Hindi naman
siya naiirita.

I've seen through it. I can't help but smile. I knew it.

"Pag di mo sinabi, hahalikan kita..." I just wanted her to talk.

Maybe... just maybe I'm just kidding around. But like any other jokes, it was half-
meant. Hindi naman mahirap gawin yung babala ko sa kanya. Hindi ba't nagawa ko na
yun in several public places? What could prevent me now that we're alone, together?

"IKAW KASI!!! SINUNGALING KA HINDI MO INAMIN SA LAHAT NA IKAW NAMAN TALAGA ANG
NAGTAKAS SA AKIN SA DATE NAMIN NI BERNARDO!"

Yun yun eh. Yun ang ikinapuputok ng butchi niya. Alam ko naman eh.

"Ano? O diba? Aminin mo na." sabi niya pa ulit.

"Pancake. Hindi kita tinakas. Sumama ka sa akin ng kusa hindi ba?" sabi ko habang
umiiling. I know it's just matter of word difference. Of terms. Pero kadalasan,
mahalaga din ang bawat salita. Words can make a day or can cut like a knife.

"Yun lang ba ang ikinagagalit ng pancake ko??" Alam niyang tama ako. Hindi ko naman
talaga siya pinilit. Kasi sumama siya ng kusa sa akin ng niyaya ko siya. And thus,
hindi ko siya tinakas.
"Hindi ako pancake! At hindi rin ako sayo!!" sabi niya.

"Hindi mo kasi ako hinintay magpaliwanag eh. Tinanong ni Buknoy kung itinakas daw
kita, Sabi ko hindi kasi hindi naman talaga."

"Ehhh hindi ka naman marunong magpaliwanag eh! Wala ka ngang alam sabihin eh. Ang
range nga ng mga salita mo ay mula isa hanggang tatlong words lang." sabi pa ulit
ni Zylie

"So tell me... Why did you walk out?" now it's my turn to ask. And to tease.

"Uhm.. T-tinatanong pa ba yun?"

"Sorry na..." habol ko sa kanya nung tumayo siya. "Hindi ko alam na nagtampo ka.
Sorry kasi hindi ako marunong magexplain. Hindi na mauulit."

There. I've said it. 3 Parts of Sorry by Zylie Bilog.

And now to reciprocate it.

Lumapit rin ako at tinuruan ko na siya ng Tatlong Parts ni Silver Jeremy.

I'm just being fair. Sabihin na lang nating exchange of knowledge. Pero sige,
fine. Syempre palusot ko lang yun. I've been dying to do that since I've mentioned
kissing. I'm quite sure I'll be having this sort of dream tonight.

They say people who blows and throws kisses are corny and hopelessly lazy.
Napatunayan ko yun. Haven't I stalked and walked and drove miles. Braved the path
to this house with the highest hopes of ending up with a kiss?

How can someone even learn and ascertain the use of throwing kisses if a real kiss
is something like this? That you realize that mouths doesn't just function
physiologically like how we have studied about it. And thus it is indeed true.
Though we use it to speak, nothing is more fluent and expressive than a kiss.
"Ahhh... Pancake..." We tried to catch our breath.

I looked at her and saw how uneasy she is. Nahihiya siya. Kyot.

"A-aah. G-gutom na a-ako.. Wait la--"

"Bakit palagi ka na lang nahihiya? Here's the thing. Dito ka lang. Dito lang ako.
Dito ka lang okay?" inulit-ulit ko para hindi na siya magdahilan.

"Ang... haba na ng nasasabi mo." sagot niya. Amazed.

Tingin niya ba isa akong bata na bago pa lang natututong magsalita? Whatever's the
case. At least hindi na siya umalis. Niyakap niya na lang din ako. Umupo ulit kami
sa sofa. This time siya na ang nagbukas ng TV. Hinawakan ko yung kamay niya. Di
naman siya umiimik. Nakakatuwa yung ganito.

We spent hours watching TV. Kahit wala naman talaga akong naiitindihan. Sigruo
dahil hindi ko naman talaga maiintindihan ang drama series sa gabi, at siguro dahil
wala rin sa TV ang atensyon ko.

I just played with her hair... and fingertips.

"Uhhmm Zy?...."

"Hmmm?" sagot niya.

"Gusto---"

I just wanna ask if the feeling is mutual. But her parents came back as if on cue.

"SINA PAPA NA YAN!" sigaw bigla ni Zylie.


Naghintay lang kami hanggang may pumasok sa upuan. Needless to say umayos kami ng
upo like a COCC under fire.

"Hindi na ako sanay sa aircon. Nilamig ako sa sinehan. Pati sa kotse nitong si
SIlver malamig na para sa akin yung pinakamahina. Hindi ba ma?"

"Naku! Etong tatay mo talaga Zyla. Ang sabihin mo, tumatanda ka na talaga at hindi
na kinakaya ang lamig. Mabuti na lang talaga at hindi naaprubahan yung sponsorship
natin kay Zachary sa Canada kung hindi, hindi ka siguro tatagal sa lamig doon."
Sabi ng mama niya

Sponsorship sa Canada? Hindi na-aprubahan? Na-deny ang sponorship application nila?


Napansin kong hindi na nga ito pinansin ng tatay ni Zylie at inilabas nito ang
susi.

"Etong susi. Maraming salamat ha?"

Binato niya sa akin yung susi ng kotse.

"Ayos lang po."

"Pero... salamat talaga Silver ha?"

"Ayos lang po mama." Sagot ko.

*later*

##################################

~~Chapter Thirty Five- Be Careful for What You Wish for~~

##################################

ZYLIE's POV

Mama?
Anong mama-mama ang pinagsasasabi nito???

Nilakihan ko talaga yung mata ko para tumingin siya sa akin at magets niya na hindi
ko maintindihan ugali niya. Bakit siya nakiki-mama sa nanay ko?

Humarap din siya sa akin.

"Kyot!!" May pagkabaliw talaga itong lalaking to. Sinabihan pa ako ng ganun sa
harap ng mga magulang ko. "Kyot mo!" hindi pa siya nakuntento.

Gaanong miming at facial expressions ba ang kailangan para maintindihan niya na wag
siyang ganyan. Acting out like a real boyfriend. Nakiki-mama, at hindi nahihiyang
magpakita ng ganun sa harap nila mama.

Sige ka, baka maniwala ako sa'yo kapag di ka tumigil.

Nilakihan ko pa lalo yung mata ko para magets niya na tumigil na siya.

"KYOT LALO!!!" hinawakan niya pa yung pisngi ko. Sabay kurot.

Naubo tuloy si papa.

Muntanga po si Silver. Mukhang hindi pa nakakahalata eh! Lahat na yata ng facial


expressions nagawa ko na mapansin niya lang na hwag naman ganun. Tska saan naman
niya naimbento ang sinasabi niya?

KYOT? Anong klaseng variation ng cute yun? Ibig sabihin ba nun eh panget na cute?

"KYOT KYOT KYOT!!"

"Ehem ehem!" sabi pa ulit ni papa. Kailangan na talagang magsalita.

"Ang cute mo rin nuh? Kapag kailangang magsalita, tipid-tipid mo. Kapag hindi naman
kailangan, paulit-ulit ka naman?!"

Napatingin na lang sina mama at papa sa amin at bumalik na lang sa mga kani-
kanilang ginagawa.

"Kyot mo kasi!" naniningkit pa talaga yung mata niya habang sinasabi niya yun.

Cute ba talaga ako? Nangaasar ba siya? Imagine, sobrang nilalakihan ko na nga siya
ng mata at butas ng ilong. Baliw yata talaga siya! Hindi niya ba naiintindihan na
magulang ko ang nasa harapan ko at hindi ako pwedeng makipaglandian?

"LALABAS LANG PO KAMI!!!" sa huli ako na rin ang sumuko at yun na lang ang nasabi
ko eh. Kasi naman kung hindi pa tumigil itong si silver ng kaka kyot-kyot niya. Ako
rin naman mahihirapan.

"Huhh?" nagulat sina mama at papa. Alam kong gabi na pero, gusto ko na talagang
ilabas sa bahay naming tong Silver na ito. Konting-konti na lang talaga, gagawin ko
na siyang Gold.

"Bibili po ng project! Opo! Yun nga po. Di lang makalabas kanina kasi nga
hinihintay namin kayong dumating." pagalitan na nila pagkatapos, hwag lang sa harap
ni Silver. Mamaya mapalo ako sa pwet bigla ni mama sa ginagawa nitong lalaking ito
eh.

Nung nakalabas na kami bigla siyang nagsalita.


"Date?"

"Sate ka diyan. Di nuh? More like damage control." baliw talaga siya.

"Teka kala ko bibili ka ng project, sumakay ka na dito para mabilis." turo niya sa
sasakyan niya. Masyado ba siyang natuwa na hawak niya ulit ang susi?

"Kunwari ko lang yun. Umuwi ka na, gabi na kaya. Kung anu-anong sinasabi mo sa loob
eh. Ayos lang po mama." I mimicked his voice. "Kelan mo pa naging mama ang nanay
ko?"

"Ayaw pa." naglakad siya.

Saan siya pupunta? HIndi siya dumeretso sa sasakyan niya eh.

"Uiii saan ka?" kung maglakad siya akala niya taga-dito siya. Gusto niya bang
mapagtripan ng mga tambay sa kanto? Hindi siya sumagot. Basta naglakad lang talaga
siya. ""HOY! Saan ka pupunta? Umuwi ka na?!!" sabi ko pa ulit ng medyo malayo na
siya.

Eh di wala akong nagawa. Sumunod na lang ako sa paglalakad niya. Baka nga
magkatotoo yung nasa isip ko eh. Maayos naman ang paligid dito pero kinakabahan pa
rin ako na may mangyari dahil nga gabi na at hindi siya taga-dito.

Naabutan ko siya bumibili siya dun kina Aling Pasing. Isang maliit na variety store
sa di kalayuan. Paglapit ko, nagulat na lang ako ng may binigay siya na kinuha niya
sa tindahan. Isang malaking lalagyan ng punong-punong Stick-O

"Oh." Binuksan niya yung lalagyan ng stick-o at iniharap sa akin.

"Dami naman niyan. Hindi mo naman gustong ubusin tong garapon na toh?"

"Wala daw silang barya." Bakit magkano ba ang perang dala niya at wala ba siya
kahit piso? Sinong bumibili ng isang garapong Stick-O sa tindahan sa tabi-tabi?

Kumuha na rin ako ng marami dahil sinimulan niya nang lantakan.

"Favorite mo ba yan?" tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya.

Tumango-tango na lang ako, kesa tanungin ko kung bakit siya bumili ng pagkarami-
rami eh hindi naman pala niya gusto.

"Uhm, Silver bakit ang tipid mo magsalita?"

"Bakit?"

"Anong bakit? Ako unang nagtatanong ah. Pero anong bakit? Bakit ko tinatanong? O
Bakit dahil tinatanong mo rin ang sarili mo? Anong bakit?"

"Ha? Ang gulo mo."

Ako pa ang magulo. Ako na nga ang nagtatranslate ng mga implied meaning sa mga
simpleng words niya eh. Sabi ko nga eh, tatahimik na lang ako. Fine.

Kain na lang ako. Naka-tatlo muna akong stick bago niya ako sinagot.
"Wala lang." while shrugging.

"K." game na nga ako sa patipiran ng sagot. Contest kami, gusto niya?

"Oh." pinahawak na niya sa akin ang buong lalagyanan. Nakahalata ba siya na gusto
ko talaga nito? Naglakad na siya palayo sa tindahan. Aba't kung susuyurin ba namin
ang mga tindahan sa paligid, eh di okay lang sa akin.

"Thanks." Sarap na ng kain ko oh. Simula bata pa ako, ganito na yung lasa nito eh.
Mabuti nga at hindi nagbago. Ang nagbago lang sa tingin ko ay yung haba. Piso pa
rin siya sa tindahan, pero maikli na lang.

"Dati diba mas mahaba pa TOOOOOH!"

*craaack*

Nadapa ako. At nahulog ang garapon ng Stick-O. Sumabog pa ito all-over.

"ZYLIE!" lumapit naman agad si Silver. Durog-durog na yun stick-O. May tatlo na
lang na naiwan sa lalagyan. Halos lahat nadurog na, o kumalat sa daan.

Nakakaiyak. Yung pagkain natapon. Ang dami-daming nagugutom ngayon. Minsan na lang
mabigyan ng sobrang madaming Stick-O, tinapon ko pa. Dahil sa hindi ako tumitingin
sa dinadaanan ko, nasayang ko lang tuhod ko. Naiiyak ako, nakakasama ng loob. Wala
ng natira.

"Masakit? Wag ka ng umiyak. Tsk tsk tsk." lumapit siya sa akin at tinignan ang
tuhod ko. "It's bleeding." Dumudugo nga yung tuhod ko. Mas malaki yun sugat sa
kanang tuhod kasi yun yung una kong naitukod nung bumagsak ako.

"Yung stick-o. Wala na. Natapon lahat" Tinignan ko yung mga sinayang kong pagkain.
Bad Zylie. Bad.

Ginulo ni Silver yung buhok ko. "Ikaw talaga, sa pagkain ka ba nalulungkot?"

"Bakit naman hindi, nakakapanghinayang kaya."

"Oo na. Pumasan ka na dito." Tumalikod siya. Pinapapasan niya ako sa likod niya.
Bubuhatin niya na naman ako?

"Wag na. Hindi naman masyado masakit eh.." Pilit ko. Simpleng gasgas lang. Medyo
maayos na nga yung sprain ko, dahil lang sa sugat magpapabuhat pa.

"Ehh bakit ka naiiyak kung hindi talaga masakit? Dahil sa stick-o?" hindi
makapaniwalang tanong niya.

Tumango ako. Ayaw na ayaw ko talaga ng nakakasayang ng pagkain. Nakakasama ng loob.


Halos wala kaming makain noon, kaya hindi basta-basta sa'kin ang mga nasasayang na
pagkain.

"Bibili na lang ulit tayo. Pumasan ka na."

Di naman yun yung issue. Pero wala na rin akong nagawa. Piggyback carry it is.
Tinupad nga niya yung sinabi niya, bumili ulit siya ng isang garapon ng stick-o
kahit napansin kong may mga barya naman pala talaga siya. Kasamang binili niya ang
adhesive bandage. Nung nakarating kami sa may tapat ng bahay, pinigilan ko siya.

"WAIT! WAIT WAIT! BABA MO NA AKO DITO!!"


"Di mo na ako papapasukin? Ihhihiga na kita sa kama."

Ihihiga sa kama?

"Wag na. Sige na. Baka natutulog na rin sina mama eh. Please!!!"

"KYOT! BILOG!"

May drugs ba ang bahay namin at kapag napapalapit siya, para siyang sumusuka ng
maraming KYOT words.

Maya-maya tumakbo siya papunta sa sasakyan niya. Bago pa ako makapagtanong,


nakabalik na siya dala-dala ang first-aid kit.

Tapos lumuhod siya.

Errr.

Wala na pala siyang supply ng adhesive bandage kaya bumili siya ng band-aid kanina.
Nilinis niya yung sugat ko gamit

"Mag-ingat ka na sa susunod. Tumingin ka sa nilalakaran mo kahit gaano pa kasarap


ang kinakain mo..."

Opo daddy. Gusto kong sumagot. Nilagyan niya lang ng Band-aid ang tuhod ko. Tapos
tumayo na sya.

"... o kahit gano pa kagwapo ang kasama mo."

Wow. So humble. Di na po kailangang sabihin. Alam ko naman po.

"Alam ko! Sorry! Papasok na ako ah! Salamat sa stick-O."

Nung nagaglakad na ako papasok, tsaka ko lang yata naramdaman ang kirot. Lalong
lalo na sa kanang tuhod.

"Teka..." narinig kong nagsalita siya. Ipinilig ko lang yung ulo ko kasi ang hirap
na humarap dahil medyo masakit na nga si tuhod.

"Ano?"

"May naiwan ako."

"Anong naiwan?"

"Kiss ko?"

What. The. Ef.

"Nasaan ang kiss ko?" ulit niya pa.

Pag sinasabi niyang kiss, nagiging ewan ang pakiramdam ko. Napakadami kong naalala.
Grabe parang ang dami na pala. Masahol pa kami sa artista na palaging may kissing
scene. Nakakahiya!!!!

Bago ko pa namalayan, naramdaman ko na lang yung mainit na bagay na dumampi sa labi


ko. Sa kaiisip ko, pumunta na pala siya sa harap ko at eto, he kissed me.
For the nth time already, but 1st time as it seems. As it feels.

"Bye."

Umalis na siya. Iniwan niya akong praning. Totoo ba lahat? Pati kanina, sa harap ng
pamilya ko, ganun din siya. Sa harap ng mga kapitbahay.

I wished for an audience right? At ayan, ginawa niya sa pamilya ko.

So ano na? Totohanan na ba?

*later*

##################################

~~Chapter Thirty Six- Dreams and Nightmares~~

##################################

SILVER's POV

Another weird dream.

Kumakain daw ako ng pancake... maraming maraming pancake. Hanggang sa hindi pa rin
ako nabubusog. In there I started thinking, Maybe my ventromedial hypothalamus was
damaged, one way or another. Imposible kasin hindi ako nakakaramdam ng kabusugan.
Surely that part of my brain is seriosly damaged.

Ang tanong? Paano nangyari yun?

Tapos nag-iba yung paligid. Just like a sea of different colors. At napunta ako sa
kwarto ni Zylie. Nakangiti siya sa akin.

ANG KYOT!

Tapos parang nagliwanag. Tapos ang dami-daming bulaklak. Umuulan ng petals.

Ang nasa isip ko lang, walang kwenta yung mga bulaklak, mas masarap pang tignan
yung nakangiti sa akin eh ngayon eh.
"Silver..." sabi niya daw.

"Zy?"

"Zy? Sinong Zy?" tanong niya. Naguluhan ako. Niloloko niya ba ako? Pinagtitripan?
Bakit niya tinatanong kung sino siya.

"Ikaw... Si Pancake. My Pancake."

"Pancake?" parang nagbabago ang mukha niya. Bakit? Nakakatakot.

"But I'm not a pancake. I'm your baggage, remember? Your clumsy baggage that you've
vowed to carry forever."

Tuluyan ng nagbago ang mukha niya. Face of years before.

"You are my minder. You are my little guardian... To love... to protect..." She's
saying things I've heard many many times before. At nakita kong nasasaktan siya.
She's in pain.

"Don't... don't speak." sabi ko kahit sinisigaw ng utak ko, hindi pwedeng mangyari
ito. Matagal ng tapos ang parteng 'to ng buhay ko.

Nasaan na si Zylie? Kanina lang nandito si Zylie.

Parang kakaiba ang nangyayari. Is it dejavu? Or I'm just doing things


involuntarily.

I looked down on myself. I'm suddenly younger. Years younger.


Maybe, this isn't real.

"Silver, do you think we'll have so many kids someday?" my des-aise said.

"Tsss." Sagot ko na parang nasa play. Alam ko ang mga linyang bibitawan. Bakit
ganito? "You barely talk, but when you talk it's big, you know." I don't know where
she's getting at.

"Just... answer." para siyang nahihirapan.

"I don't know." I can't really answer. That's too far. We are just kids. "But I
want to. You are my first. First in almost everything." I answered.

"Stupid. And corny."

"Anong corny dun?" Masama ba yun? To marry your first love? It's not very common
these days, but it's romantic.

" If you will marry me, hindi mo malalaman ang feeling kung paano makasama ang
iba." " sabi niya. My clumsy baggage. I wonder why she's talking so much today.

"Bakit ko naman gugustuhin makasama ang iba?" natural na sagot ko.

"Para malaman mo kung may mali. Kung may kakulangan. So you'll know what it feels
like to be with someone else other than your comfort zone."

What is she trying to say? She is my comfort zone.

"Just shut up okay?" I kissed her.


"Silver! Pag nakita tayo nila papa!"

"I don't want anyone else but you. I won't ever try or even be curious of how it
feels like with others. You are not just my comfort zone. You are my baggage
remember? Alam mo ba kung gaano ka kahirap alagaan? You are so clumsy and you
always get hurt! Ano ang comfort dun?"

Tumango na lang siya at hindi na ulit nagsalita pa.

And it's one of the most comfortable silence.

Our silence.

"Even though we don't say it in so many words. Even though we don't speak at all. I
know you know what we feel." I always say that... to her.

And then she got up. She told me she's okay already. And she walked and walked
away.

"I love you!! I love you!!" sigaw ko pero hindi siya lumilingon. Wala siyang
pakialam.

Pero nadapa siya. Tumakbo ako para itayo siya.

Pero nagbago na naman.

My des-aise is gone. Si Zylie na ulit siya. My Pancake.

No.... No... What is happening?

"Do you really love me?" tanong niya.

What the hell?


I'm so confused.

I wanted to shout pero walang lumalabas na boses.

Tapos sumakit yung pisngi ko. I thought she can just give me emotuo

**

"Kuya!!! Kuya gumising ka naaaa!!!!!!!!! KUYAAAAAA!!!!" Napabalikwas ako ng bangon.

Si Orange. Kanina pa pala ako sinasampal.

"Orange. Are you a slap machine? It's not even funny!" tumatawa-tawa pa kasi siya.

"AH! Magpasalamat ka na lang at ginising kita kuya. I'm not sure, if you're having
a nightmare... or... a... nocturnal emission."

Nag-init ang mukha ko. Nocturnal emission?! My sister is a grade schooler. How can
she know about anything about nocturnal emmisions? Namula tuloy ako.

"Saan mo napagkukukuha ang nocturnal emissions?!"

"Huh?! Umuungol ka kasi! I googled! At ang sabi nga, it's either a nightmare or a
nocturnal emission. You are screaming something like... Zy... Zylie?

Panaginip lang pala... Kaya pala. Bigla-bigla na lang nagbabago at nagiiba ang tao
at ang paligid. At least I'm screaming Zylie's name and not... not anybody else's
"Pero kuya.. Sino si Zylie?"

"Let me get this straight Orange. I'm not having nocturnal emissions because of
Zylie."

"Wala naman akong sinabi. Tinatanong ko lang kung sino si Zylie."

Sabi ko nga eh. Do I sound defensive? Pero hindi naman kasi talaga! I'm really
having a dream. It started as a dream. It ended as... well... a nightmare.

"Pero... sino nga si Zylie kuya? Kinakabahan na ako sa kakaungol mo diyan baka kasi
binabangungot ka na, kasi biglang nagsalita ka ng Zylie. Pangalan ng babae yun kuya
hindi ba?"

Facepalm.

"Ano na kuya? Kapag hindi mo sinabi kung sino si Zylie. Ilalagay ko siya sa blog
namin ni Lemon! I'm sure dadami ang hits nun. At akala mo ba hindi kita nakuhanan
ng picture? Nilabas niya ang digital camera."

"No."

"Sasabihin mo na kung sino?"

Who cares about my picture going over the web? Natutulog lang naman ako. I'm more
concerned about Zylie's page appearing in the kids' blog. Orange is one little
peanut na kayang-kayang gumawa ng blind items. I wouldn't be surprised if one day
nasa showbusiness siya o nasa publications.

"Get off my bed."

"Fine kuya. This little peanut will post your picture and The Zylie Dream."

Seryoso kaya?
"Get off."

"...and the nocturnal emissions."

"I TOLD YOU I'M NOT! NIGHTMARE! IT'S A NIGHTMARE."

"If you says so." papalabas na ito.

"FINE!"

"Fine what?!" nagmamadali itong pumasok muli at umupo sa kama ko. "Fine na ipost ko
ang picture mo sa blog? O fine sasabihin mo na kung sino si Zylie?"

"Ipapakilala ko siya sa'yo."

"TALAGA KUYAAAAAA ANG SWEET MO TALAGA!!!"

"Okay na? Now get off my bed and get your things ready! Pumasok ka na sa school."

"Excited na ako. OMG. Can't wait to tell Orange. Akala ko wala ka ng


maipapakilalang babae sa'min after ni Ate Cleo eh. I can't believe this! Gusto ko
ng pumasok! I'm so motivated. My big bro has a girlfriend!"

"Di ko pa yun girlfriend. Di pa."

"Di ka pa sinasagot?"
Ano ba 'to? Utang ko ba sa kapatid ko ang mga sagot? Ano ba kasi yung sinabi ko?
Hindi ko naman nililigawan yung tao eh.

"Basta. Alis na!"

"Ipapakilala mo rin ba siya kay mommy?"

Napakakulit! Naparami siguro ang inom na chocolate nito at hyper ngayong umagang-
umaga.

"Kilala na siya ni mom."

"TALAGA?!?!

Kinakailangan ko pa talaga siyang itulak palabas ng pinto. Pinagsisiksikan niya pa


nga yung mukha niya sa pintuan. Kailangan pang ipitin ko ang leeg niya ng kaunti sa
pinto para matakot siya at lumabas.

Male-late na talaga ako. At ang sakit pa ng ulo ko.

Ano bang panaginip yun?

Himalang hindi pa pala ako late. Mabuti at sobrang maagang nangulit si Orange
kanina kaya madami pa akong sapat na pagkakataon para magprepare. Ilang minuto pa
rin ang sasayangin ko pagdating sa school bago ang homeroom.
Nakita ko na agad si Zylie. Himala na hindi niya kasama yung dalawa niyang
kaibigan.

"Paaaan-cake!!" sabi ko sa kanya "Hinihintay mo ako??" sinimulan ko na maglakad.

"Ha?? Hindi ah!!" pero sumunod naman siya sa akin.

Sabi ko na nga ba eh. Hinihintay niya ako. Walang pwedeng magsabing hindi. Where am
I getting this confidence?

Pinapalakas ko lang loob ko. Paano naalala ko yung panaginip. Imposible namang
magkatotoo yun, na itatanong ni Zylie sa akin kung mahal ko ba talaga siya? Malayo.
Hindi pa nga namin napapagusapan yung mga ganun. Ang alam niya lang, gusto ko siya.

"B-bakit ka nakasunod sa akin??" inaasar ko siya.

"Wala... sasabihin ko lang kasi sana... Hwag mo sana akong susundan."

Ano daw?

"I mean, alam ko ako ang nakasunod sa'yo ngayon. Pero sana sa mga susunod, wag mo
na ako sundan. Tsaka... sana walang makaalam nung mga nang... nangyari sa atin?"

HUH?! Kasinggulo lang ito ng panaginip ko eh. Hindi ba't nagtampo nga siya nung
akala niya itinanggi ko siya sa harap ni Buknoy? Bakit ngayon ayaw niya naman pala
ipaalam?

"Why?"

"Kasi... crush ka ni Yanny ehhhh..."

"Sino?"
"Si Alyanna. Yung kaibigan ko, yung matangkad? A-ano kasi... Crush ka kasi talaga
niya. As in super duper."

"Ano naman?"

"Anong ano naman?" napakamot siya. "Syempre kaibigan ko si Yanny, tapos crush ka
niya, dati pa. Tapos ngayon, pag nalaman niya na... na..."

"Na may relasyon tayo?"

"R-relasyon?" kinakabahan siya.

*later*

##################################

~~Chapter Thirty Seven- Friends and Lovers~~

##################################

ZYLIE's POV

"Zylie? Ikaw na ba yan?" Narinig kong tawag ni mama mula sa taas.

"Opo!!!" Sabi ko habang dumederetso sa kusina. Hindi ko alam kung bakit nagutom ako
kahit madami na nga yung nakain kong Stick-O. Siguro dahil natagalan ako sa labas.
Matagal ng wala ang sasakyan ni Silver, hindi na abot ng tanaw pero nakatingin pa
rin ako.

Nakakaadik. Nakakaadik siya.

Mabuti at may adobo pa sa garapon. Lumabas sina mama (courtesy of Silver) kaya
walang pag-asang magluto ng tunay na ulam ngayon. Kung magrereklamo ako, baka
pabilihin lang ako ng pancit canton sa labas para yun ang i-ulam.
"Nabili mo na ba yung project niyo?" sigaw na naman ni mama.

Project? Anong project?

Oo nga pala! Yun nga pala yung dahilan ko para makalabas lang kami ni Silver
kanina. Para bumili ng gagamitin sa project. Ang problema. Wala namang project,
wala akong pera, at wala akong nabili. Of course. Kaya mawawalan na rin ako ng
buhay.

"ZYLIE?!"

"AH! OPO!" nagkunwari ako. Wag kang bababa mama. Wala akong dalang project.

Kaso, maya-maya naramdaman kong may bumababa ng hadan.

Wala na patay na ako. Nagre-ready na ako ng sasabihin eh. Sasabihin ko na lang na


Stick-O ang project namin. Kahit anong may kinalaman dun dahil uuriratin na naman
ako ni mama ng details. Jusko.

"Tara na't mag-supper." si kuya!

Si kuya lang pala ang bumaba ng hagdan. Gutom na rin siguro siya.

"Inintay mo ako kuya? Yee! Tara na po't kumain!"

"Sige kumain na tayo ng supper."

Supper. Anong meron sa word na supper.

"Kain ng maigi kuya." dinamihan ko ang paglagay ng ulam sa plato ni kuya. Hindi ko
alam kung kelan pa 'tong adobo na ito pero bilang hindi naman siya agad nasisira,
kain lang.
"Napakasarap ng supper."

"Sarap ba?" nakakatawa si kuya. Kelan pa ba naluto ang adobong yun na binabaon-baon
niya rin ng paunti-unti. Naisip ko tuloy, gaano katagal kaya pwedeng tumagal ang
adobo bago masira?

"Supper."

"Favorite mo na yan kuya na word noh?"

"Hwag magsalita ng ngumunguya."

"Sorry naman... Pero ano ba ang pagkakaiba ng dinner at supper? Meron ba?" Wala
lang akong maitanong eh.

"Meron."

"Weh? Ano bang pagkakaiba nun?"

"Sila mama, kumain sila sa labas. Yun ang dinner. Tayo, nagtyatyaga sa week-old
adobo, nagsa-supper."

"Huh? Di ko pa rin gets!"

"Slow." Sagot niya.

Supper... Nagsa-supper. AH!

Suffer.
Meh.

"Wahahahahahahahaha!"

"Wag ka tumawa ng sobra, madaming langaw, pumasok pa sa bibig mo."

"Eh kasi, mas natawa ako na nageffort ka pa talagang banggit-banggitin ang supper
para tanungin ko nuh?"

"Ewan ko sa'yo slow ka nga."

"Nasaan ba sila mama? Bakit hindi sila nanonood ng favorite nilang drama? Pagod?"

"Mapapagod pa lang."

"BALIW KA TALAGA KUYA!"

Kung ano-anong pinagsasasabi.

"Bakit? Nagdate sila kanina, tuloy-tuloy na. Akala mo ba tumatanda ang feelings?
Hindi nuh, ganun pa rin yan sila mama."

"Oo na, tapusin na natin ang ating supper."

Nung naghuhugas na kami ng pinggan, hati kami ni kuya ng task. Siya ang taga-
hugas. Ako ang taga-punas at tagabalik sa lagayan.

"Ahhh Zylie..."

"Kuya??"
"Linawin mo nga sa akin... Boyfriend mo ba talaga si Silver?"

Hwaah Muntik ko na mabitawan ang isang pinggan!

"Kuya ano ba namang tanong yan."

"Zylie, ano ba namang sagot yan." ginaya pa ni kuya yung tono ng pagsasalita ko.

"Hindi kuya."

"Hindi?"

"Hindi nga po."

"Bakit hindi?"

"Anong bakit hindi?" weird nito ni kuya. "Eh hindi nga po. Nagkataon lang yung mga
nangyari."

"So nagkataon lang yung nakita ko mula sa bintana?"

"H-ha?"

Paglingon ko kay kuya nakanguso siya.

OH MY GHAD.

Nanghihina ako.
Ano nang gagawin ko? Diba gusto ko ng audience? Ayan ibinigay na. Pero bakit si
kuya. Kabang-kaba talaga ako. Papagalitan ba ako ni kuya? Nakita niya yun? Shocks.
Wala akong maisip na sensible na paliwanag.

"Naghahanap ako ng signal sa bulok kong selpon ng muntik na akong mahulog dahil may
nakita ako."

"KUYA!!!!" hiyang-hiya na ako. "Kuya please."

"Oo."

"Hindi ka galit? Hindi mo ako papagalitan? Hindi mo ako isusumbong?" napakaleading


na ng mga tanong ko.

"Alam mo Zy, alam mong hindi ako kasing higpit ni kuya Zac. Kahit kay Terrence wala
akong sinabi, sinabihan lang kita. Alam mong sinusuportahan kita sa mga gusto mo,
gagabayan kita sa mga gagawin mo. Mag-iingat ka lang ha?"

"Pero kuya, hindi ko talaga... boyfriend eh... Sorry po." nakakaiyak naman.

"Okay na yung hindi mo boyfriend pero mahal ka at laging nandyan... Kesa boyfriend
mo nga, iiwan ka naman." Niyakap ako ni kuya.

Palagi ngang nandiyan si Silver. Pero mahal? Mahal ba niya ako?

Ang aga ko pumasok... Bukod kasi sa hindi ako nakatulog at wala akong nagawa sa
bahay kundi maconscious kay kuya Zeus, papakin ang stick-O at tiisin ang sumasakit
na sugat ko.

"Zylieee!!!!" sigaw ni Alyanna sa di kalayuan. Tumawag din pala sila, na pumasok


ako ng maaga dahil, magchichismisan daw kami. Mga adik na kaibigan. Si Mikaela ay
wala na naman sa sariling katinuan. Kasama kasi nito si Jupiter. Ang kanyang boyps.
"Zylie! Hello!"

"Hi Piter!"

"Oy! Stick-O! Penge!!" sabi ni Alyanna ng mapansing may hawak-hawak ko yung


lalagyan ng natirang stick-O ko kagabi. Oh yes, dinala ko siya sa school, dahil
kung hindi mauubos lang ni kuya Zeus ito kapag naiwan ko sa bahay.

"Ayaw ko! Uubusin mo."

"Hindi ba kaya mo nga dinala yan para mabuos?"

"Para talaga kayong mga bata!" sabi ni kuya Piter. Sila kaya ni Mika childish din
kapag naglalambingan. Ganun talaga.

Maya-maya nagpaalam na ang lalaki at binigyan si Mika ng kiss. Sarap ng kiss.


Hahahaha!

"Bye girls..." paalam nito sa amin ni Yanny.

"Byeee Kuya Piter!" perky na paalam ni Yanny.

"Ang saya mo na naman." sabi ko kay Mikaela ng papasok na kami sa school. Siya na
kasi ang may boyfriend na sweet. Dream come true ni Mika si Jupiter. Crush niya yan
dati pa, at hindi ko alam kung anong ginawa ng universe at niligawan siya. Siguro
nagligtas siya ng bansa nung past life niya. O kaya naman, baka malayong kamag-anak
niya si Kupido.

"Alam mo Miks, ikaw ang nagbibigay pag-asa sa buhay ko."

"H-huh?"

"Ikaw ang living proof na pwedeng magkaroon ng himala. Tignan mo naman." kinuha ni
Yanny ang wallet ni Mika na may picture ni Jupiter. Itinabi ito sa mukha ni Mikaela
at pinagcompare. "Miracle."
"Ang kapal ng mukha mo! So sinasabi mo hindi kami bagay? Panget ako, gwapo si
Jupiter?"

"Joke lang eto naman. Pero totoo... totoong ikaw ang pag-asa ko sa mga pangarap
ko."

"Ano bang pangarap mo?" tanong ko. Napakarami pa kasing palabok ni Alyanna. Hindi
pa diretsuhin.

"Pangarap ko? Si Silver. Kung pwedeng mangyari ang mga ganung milagro kay Mikaela,
aba eh di malayong hindi mangyari din sa'kin. Konting push pa, Silver magiging akin
ka."

"EHEM!"

"Okay ka lang Zylie???" tanong ni Mikaela naubo kasi ako. Nasamid.

"Kasi naman ayaw mamigay ng stick-o ayan tuloy nasamid ka." Sabi ni Yanny.

"Alam mo Yans, hwag ka masyadong umasa."

"ABA! Malakas ang fighting Spirit ko Zylie."

"Madaming nagkakagusto kay Silver. Kung lahat kayo pareparehas ng pangarap, hindi
pwedeng lahat pagbigyan. Hindi lahat ng bagay na nangyari sa isa, pwedeng mangyari
sa lahat. Kung gusto niyo, paghati-hatian niyo katawan ni Silver para magkasya.

"Wow. Lalim." natatawa si Mika.

"Pangontra ka talaga Zylie! Pero kahit pa, hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa.
Walang talo-talo ah. Para mabawasan na ako ng kaagaw, bawal ka magkagusto kay
Silver. One less opponent na ako."
~

Di ko alam sasabihin ko. Tumakbo na lang ako sa labas.

"Saan ka pupunta?

Tumakbo na ako sa may labas. Hihintayin ko... Si Silver.

Nang makita ko siya, sinabi ko na agad ang tungkol kay Alyanna. Hindi ko alam kung
bakit ko siya iniisip, pero dahil kaibigan ko siya, hindi pwedeng mabigla siya
kapag nalaman niya na... ayun... ganito nga kami ni Silver.

"Pag nalaman niya na may relasyon tayo?" galing yun sa bibig niya.

Relasyon.

"Teka.. may relasyon ba tayo??" ibinalik ko ang tanong. Alam ko para lang kaming
tanga tanga at wala-wala lang. "Ano bang relasyon natin??" taas noong sabi ko...

"Tayo na diba?"

"Ha??" K-kami na daw?

"Pancake na kita."

"Ha??? T-tek-ka!!!" kanda -utal-utal na ako. Manligaw ka muna!"

*later*

##################################

~~Chapter Thirty Eight- Psychology,Chemistry and all the Double Meanings~~


##################################

SILVER's POV

Manligaw?

"H-ha?" tanong ko ulit kahit narinig ko naman. A reaction inherent to any human
being kapag hindi mapaniwalaan ang narinig.

"WALA!"

Truth be told. I know less than nothing about courtship. Apart from book
definitions, at may explanations ng mga guro. But I suddenly remember studying
Philippine History. Sabi ng insructor namin sa History III, the late Ferdinand
Marcos once said to Imelda-- I don't believe in courtship. It's a waste of time.
If I love the person, I'll tell her right away. But for you I'll make an exception.

Cool. Don't know if it's true or just an over-dramatized version of their 11-day
courtship. I know just History depends on the Historian.

In my case it's different. It's not that I don't believe in courtship. I just don't
have any particular opinion about it. I don't see anything interesting about it.

So what will I do? What will I say? Bigla ko na lang sasabihin na Sige zylie
liligawan na kita' o kaya Sure manliligaw na ako ha.'

Things will be superficial like that. Na ginagawa ko lang ang bagay dahil sinabi sa
akin? Walang meaning yun.

And... hindi talaga ako marunong. Haven't experienced doing it.

"Wala talaga?" tanong ko.


"Wala nga akong sinabi."

"Okay."

Wala akong kwentang kausap. And then people still ask why I don't talk?

"Saan ka na?" worried na tanong niya nung naglalakad na ako palayo.

"Why? Thought you don't have anything to say?"

"Ah... yeah." She sounds offended.

Good Job Silver Jeremy. Nakasakit ka na naman ng tao.

"I... I gotta go." nagpaalam na ako.

"Silver wait." lumingon ako "Y-yung sinabi ko kanina ha. Wag mo na lang pagsasabi
yung mga nangyari... Wala naman yun eh." sabi niya.

Wala naman yun eh.

Wala? Paanong wala? Walang kwenta?

"Pancake." pigil ko.


"Wag mo na rin akong tawaging pancake."

What? One minute nagpapaligaw siya sa'kin. Tapos ngayon ayaw niya na bigla?
Naglakad na siya palayo. Hindi ko naman magawang habulin dahil maraming tao ang
humarang sa daan. Ang iba binabati ako. Mga regular na nagha-hi sa umaga.

"Excuse. Excuse lang."

"Silver may practice ba kayo ngayon?"

"Silver Jeremy, anong section ang tinuruan mo nung Academic day?"

"Silvy bakit wala pang new entry yung blog ng mga kapatid mo."

Hindi ako makadaan talaga. Why do they ask like a showbiz insider? Tinanaw ko na
lang kung saan na nakarating si Zylie. Pero pagtingin ko, hindi naman pala siya
naglalakad palayo. Nakatingin pa nga siya sa akin eh. Nakatingin ng masama.

Pero nung nakita ko siya, inirapan niya na naman ako at nagpatuloy sa paglalakad.
Why? Naiinis ba siya sa akin? O sa mga nakapaligid na babae? Is she jealous or
something?

"ZYLIE!" tawag ko sa kanya. Malakas kaya nagulat yung mga nakaharang. Enough to
give way.
"BAKET!?" malakas na sagot niya na hindi lumilingon. Naglalakad pa rin siya.
Hinabol ko na siya at tska bumulong.

"Can I drop by your house tonight?" I know I know it sounds off asking permission
if I can visit after pretending I hear nothing tungkol sa panliligaw. But I know
it's worth a shot.

"Totoo??"

"Um, I am the one asking here."

"H-ha? Ah... Sige. Oo. Sure." di niya alam ang isasagot niya. "P-pero--"

"ZYLIE!!" May tumawag sa kanya. Istorbo naman. May sinasabi pa siya that sounds
under ifs-and-buts

Then Zylie became tensed.

"Oy Zylie! Sabi mo may nakalimutan ka! Eh kanina ka pa naming tinatanaw mula doon
oh!" turo nung kaibigan niya sa bintana sa second floor. "Nandoon kami tapos...
Kanina mo pa kinakausap itong si..." tumingin siya sa akin. "Si Silver Jeremy..."

I looked away. If I guessed right, eto yata si Alyanna. The one Zylie's talking
about earlier.

Ano bang gagawin ko? She's allowed me to visit their house, pero tuloy pa rin ba
ang pinapakiusap niya kanina? Na wag ipaalam sa mga kaibigan niya.. yung mga
nangyayari sa'min?

"Baka naman... Kung ano na ang sinasabi mo diyan?" sabi ni Alyanna.

"Patay ka Yans, chinismis ka na ni Zylie." sabi ng isa pa nilang kaibigan na


sumulpot din sa likod.
"HA?" nagulat si Zylie. Alam kong kinakabahan siya. Ayaw niya ngang ipaalam sa mga
kaibigan niya ang koneksyon namin hindi ba?

"Sinabi mo? Sinabi mo noh?" giit ni Alyanna. Kinakabahan siguro ito at baka iniisip
na baka sinabi na ni Zylie ang sikreto nito sa akin. (Which really happened btw)

"H-HINDI AH!" tanggi ni Zylie. "Tara na nga!" lumingon siya ng kaunti sa'kin "Thank
you, mauna na po kami." paalam niya.

Tinanguan ko lang siya. At least she doesn't look mad or sad unlike a little
earlier nung ayaw niya nang magpatawag ng Pancake. Now she looks like she's looking
forward to something. Tonight, maybe?

"Eh anong pinaguusapan niyo?"

"M-may tinanong lang ako.."

"Di nga! Sinabi mo na crush ko siya eh!"

Naririnig ko pa rin sila kahit hinihila na sila ni Zylie papalayo sa akin.


Pinaparinig ba talaga sa akin? O sadyang malalakas lang silang mag-usap.

I am not expecting this day to be eventful. Besides, sa tingin ko naman,


magsisimula ang araw ko mamayang gabi. I can't seem to wait. I want to pull the
hours and minutes fast para gabi na agad. Naglalakad ako papuntang CR ng
makasalubong ko si Terrence. Palabas siya habang ako papasok. At muntik na naman
kaming magbungguan.

Out of the many colors of the strings of fate, malapit na akong maniwala. We've
got the blue one.

"Torres.." sabi niya.

"Oh?"

"Hanggang ngayon wala ka pa ring galang?"

Ang ginagalang ay yung kagalang-galang. Hindi ko siya pinansin at pumasok na sa CR.


Sumunod siya. Hindi ba't kagagaling niya lang din dito sa loob? Kailangan ko na
bang maghanda?

Pero ano bang magagawa niya? Di ko na lang pinansin, I started to take a leak. Pero
parang nandiyan lang din siya sa likod. To confirm my suspicion, nilingon ko siya.

"Is it that interesting to observe me peeing?"

"I am not observing you!"

"Then you're observing this?" I asked to spite him. "Do you support LGBT, Sir?" I
asked, safely.

"I AM NOT GAY."

"Who says you're gay." HAH. It's nice to play with this airhead. "How
discriminative... do you have to ba gay to support LGBT?"

"Ano bang pinagtatatanong mo?"

"Bakit ka bumalik ng CR kung kagagaling mo lang dito?"

He sighed.
"I am not playing games with you, Torres. Layuan mo na si Zylie. Layuan mo siya.
Alam kong baliktad ang utak ng mga Pilipino pero, at hindi mo siya lalayuan just to
spite me, pero sinasabi ko sa'yo, Tanggalin mo na siya sa utak mo."

HAH! Mukhang balak pa pala akong lecture-an ng teacher na ito. Feeling teacher.
Nagmamagaling.

"Don't think about the Pancakes.." sabi ko habang nagpupunta sa lavatory para
maghugas ng kamay.

"WHAT?! What Pancakes?" nagulat siya.

"Kapag sinabi ko, Don't think about Pancakes. Anong maiisip mo? Hindi ba mas lalo
mo lang maiisip ang Pancake?" I'm playing around with The White Bear Study.

"Are you trying to lecture me?"

"No." Just wanted him to feel. Tanggalin ko daw sa utak ko si Zylie. Mas lalo lang
niyang pinaisip sa akin yung bilog na yun. Isn't that basic psychology? What
exactly is the point of him? "Magulang ka ba niya? Her parents have told me the
exact opposite."

"Parents? Kilala mo magulang niya?"

"How can I NOT know them?"

"Tsss. Ginagawa mo lang yan para mainis ako. Magalit ako."

"Suddenly, the world revolves around you." I whispered sarcastically, but enough
for him to hear. Tama na ang usapang ito. Walang patutunguhan. As much as I'm
enjoying it, it's such a waste of time.

"Just so you know, sir. I'm not doing this just to spite you. I like her." naglakad
na ako palabas.
"I'll take her away. I'm telling you babalik siya sa'kin."

Talk about self-confidence. Walang kwenta.

"Magtatapat ako sa klase niya."

WHAT?

"Do you think it's a good comeback appearing here as a teacher? What do you know
about student-teacher relationships? Pwede kasi yun eh noh?" I smiled. Rotten
smile.

Hindi ko pinansin. Hindi ako maniniwala. Imposible yun.

Ayokong isipin. Pero katulad talaga ng white bear study, naiisip ko tuloy lalo.
Elementary Psychology.

Hindi ba't first subject niya ang Chemistry? Chem ang tinuturo ng bwisit na
Terrence na 'to. Hwag mo sabihing magtatapat na agad siya? What are the odds? Eh
anong gagawin ko hindi ba? Wala naman akong magagawa.

Tsk.

I can't do anything but wait. Pumasok na ako sa classroom at napansing naghihintay


si Homer sa upuan ko. The Nerdy One. The stereotype of all stereotypes of being a
nerd. Thick glasses. Messy Hair, awkward poise. Stutters.

"H-hi Silver! Musta?" Bakit kaya ko kinakausap nito?

"Yeah?"

"Ahhhh ano..." nagsimula na si nerd na bumwelo. May sasabihin siya.


"Ano... Sali ka naman sa... ano..."

"Saan??"

"Sa Chemistry Club!!"

"Chemistry club?" I joined the Physics team para makaligtas sa Chemistry. Sa buong
lahat ng Science subjects ng Highschool, Chem ang pinakahindi ko gusto. It's not
that I'm flunking it, pero mas magugustuhan ko siya kung nagagawa ko ang nangyayari
sa Breaking Bad. But no. Highschool Chemistry in Vander is all about memorization
and making decision from practice. Bukod sa mga theories borrowed from Physics,
wala ng ginawa kundi magmemorize ng Atomic Numbers, Atomic Weights at Chemical
Symbol ng everchanging Periodic Table of Elements.

In short, ayaw ko.

"No."

"Sige na please! Malapit na kasi yung scholastic decathlon, eh wala pa kami


representative. Sige na! Kahit ikaw na lang yung lumaban! Magaling ka kasi eh!"
parang naiiyak na siya.

"How about Bettina?" as far as I know, member siya ng Chemistry Club. Sinabi niya
yun sa harap ni Terrence last time.

"Hindi siya pwede. Isa nga siya sa event organizers ng interschool decathlon.
Nakikipagmeeting pa nga siya sa ibang representatives sa ibang school eh. At ako
wala naman talaga akong laban sa chemistry. Just like the other members na walang
alam."

"Sorry. Ayoko eh." Kasali sa chemistry club walang alam?

"Silver Please naman! Kailangan ka namin. Kailangan ka ng school." kulang na lang


maglupasay siya. Pinagtitinginan na kami.
"Sorry Homer." I said while patting his back. No deal.

"Please!!! Kahit ano gagawin ko! Seryoso ako Silver kahit ano. Kahit pagsayawin mo
ako ng nakahubad. Kahit papuntahin mo ako sa moon. Kahit pakainin mo ako ng expired
na delata. Please. "

"Haha! Imposible naman yun." natawa talaga ako sa sobrang desperate measures na
sinasabi niya.

"Kahit ano talaga. Kahit ako pa ang gawin mong tulay sa niligawan mo. Ako
magbibigay ng flowers and all. Pipiliting sumama sa panghaharana! Kahit ano!
Mamatay man ang alaga kong hamster."

Kahit ano daw?

"Kahit ano talaga???"

"Promise!" impit na pagsaludo niya.

"Sige... ganito... Sasali ako sa club... Magiging active... at lalaban sa


decathlon. If and only if...."

"KUNG ANO? KAHIT ANO PA YAN!!" aligaga na si Nerd. Just like a little puppy.

"Kilala mo si Zylie?" bulong ko sa kanya.

"Zylie? Yung cute, na nililigawan ni Buknoy?"

So na-brand na siya ng pangalan ni Buknoy?

"So kilala mo nga."

"Bakit??"
"Pupunta ka sa room nila. Sasabihin mo na nandoon ang mama niya sa may gate.
Hinihintay siya. Okay?"

"Totoo ba yan talaga? O pinagtitripan mo lang siya."

"Does our deal involves questions? Akala ko susunod ka lang?"

"OO NA! Basta yung pangako mo. Scholastic decathlon."

"Deal."

Tumakbo na siya palabas.

Kailangan niyang magtagumpay. The situation has offered me a solution. A way to


manage and manipulate the situation. I didn't ask for this. Si Homer ang kusang
lumapit. Syempre wala naman talaga si tita sa labas. I just need to find a way for
Operation: Kidnapping a Pancake.

I stealthily went out. And waited for the most auspicious time.

"Ma!!! Mama!!!"

Kanina pa talaga si Zylie. Nagkakamot na nga siya at hinahanap ang mama niya.

"Imposibleng pagtripan ako ni Nerdy! Napakabait nun! Nandito talaga si mama."


pinapaniwala niya ang sarili niya.

Bakit ba kasi ayaw umalis nung guard. I know he's just doing his job pero sana.
Sana kahit split second lang hindi siya tumingin sa gawi namin.
"Wala naman si mama. Humanda sa'kin yung Homer na yun." nagaalala ako na baka
pumasok na si Zylie. Mabuti na lang at mukhang may sinusulat yung guard kaya
tumakbo agad ako. Slipping away.

In a flash, I grabbed her.

"SILVER?" nagulat siya pero mukhang masaya. "Teka nandito yata si mama! Bakit tayo
lalabas? Baka makita tayo ni kuya guard."

"Wala si mama dito. Halika na." nasa gitna kasi kami ng pedestrian lane. Gusto niya
kasing bumalik na.

"Halikan na?"

Aba nagbibiro ka pang bilog ka ha. Wag mo akong binibiro sa gitna ng kalye. Don't
tell me anything about kissing you and I might just do it.

*PEEEEEEEEEEEEEP!*

We kissed.

"Tayo na." niyaya ko siya tumabi at maglakad.

"Tayo na as in Tayo na? O Tayo na?" kanina pa siya. Kanina niya binibigyan ng ibang
kahulugan ang sinasabi ko ah.

"Oo, tayo na." God knows I meant both.

*later*

##################################
~~Chapter Thirty Nine- Confessions~~

##################################

ZYLIE's POV

What can be crazier than craziest? Sa lahat naman ng lugar, hindi ko pa naimagine
sa buhay ko ang mahalikan sa gitna ng kalsada. At kalsada pa ito sa tapat ng
school.

"Oo. Tayo na." hindi niya sinagot. Pero fine, magulo naman yung tanong ko eh Tayo
na o Tayo na. Malamang Tayo na pa rin ang sagot dun.

Pero nung sinabi niya yun, di ko alam kung maasar ba ako o matutuwa. Nakangiti kasi
siya at alam ko naman ang ibig sabihin. Hindi ba't nagconfess nga siya sa kin nung
gabi? Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Isa lang akong normal na
estudyante. Well, minus the kamalasan. Hindi ko pa nagagawang mag-cutting classes
ever. Hindi ko pa nagawang makipagholding hands ng ganito sa daan. Pero ngayon...

Si Silver Jeremy Torres. Vander's pride. Siya lang naman ang kaholding hands ko
habang nagka-cutting.

Pero teka. Kanina pa ako ngingiti-ngiti. Kanina pa rin kami naglalakad. Pero saan
ba kami pupunta?

"Bakit?" Tanong niya noong tumigil ako sa paglalakad.

"S-saan ba tayo pupunta?"

"Date."

"Sabi ko.. saan tayo pupunta... Saan. Where. Lugar na pala ang date?" Minsan lang
mangupal. Sana pagbigyan niya na hahaha. Kasi naman sabi ko saan. Tapos date?

"Kapag gusto mo yung kasama mo, kahit saan, it's a date."


Huhu. Nagiinit ang mukha ko.

"KYOT!"

"Kyot ka ng kyot. Dami mong alam na tawag sa'kin." Sabi ko. Ang adik niya kasi.
Kung hindi bilog, pancake, o monay. KYOT naman. "Bakit ba kakaiba ang pagbigkas mo
ng cute?"

"Cute na may bilog. Kaya KYOT."

"Adik."

"...sayo."

"BALIW!"

"...sayo."

Ayoko na. I swear this side is bipolar. O baka bolero lang. Tapos ako, nagpapabola.

"Where do you want to go?" tanong niya.

Shocks. Naalala ko, school time. Siguro Chemistry class na at nasa harap na si
Terrence. Nandon pa yung bag ko sa room. Hindi naman kasi sinabi nitong si Silver
mga malolokong plano niya sa buhay eh. Kinapa ko yung bulsa ko at umasang nandun at
nadala ko ang cellphone kong bulok.

Pero kinapa ko, wala eh. Naiwan ko. Paano na mamaya? Kung dala ko sana eh di pwede
kong bilinan si Mika o kaya si Yanny sa mga pwede nilang idahilan o gawin. Anong
ginagawa ng bag ko doon pero wala naman ako. Baka nga mag-alala pa sila eh.

Paano ko sila mabibigyan ng notice?


"Sa internet cafe tayo pwede?"

Natawa si Silver.

"Masyado mo namng tinotoo yung sinabi ko na kahit saan, date."

"Hindi! May kailangan lang akong gawin. Kailangan ko ng internet. Baka naman dala
mo ang phone mo diyan. Kaso hindi naman pwedeng makitext sayo kasi baka isave ni
Alyanna yung number mo. Baka pwede nalang maki-internet? Pa-log in lang sa fb."

"Bakit?" kumapa siya sa bulsa niya "Wala."

Great. Wala din siyang phone. Balik kami sa primitive age. Wala kaming bag. At wala
rin kaming phone.

"Please?"

"Okay. Internet cafe, it is."

"AYUN!!!" turo ko sa isang malapit na cafe.

Pagpasok namin maraming naglalaro na mga naka-uniform. Hindi ba't nakalagay sa


labas na bawal pumasok ang naka school uniform? Pasaway na compshop.

"Kuya, 15 minutes nga po." paalam ko.

"30 minutes ang minimum." sabi ng taga-bantay.

"Magkano per hour?"


Tinuro ng lalaki yung isang sign at isang malaking 25 per hour ang nakalagay.
Napakamahal naman. Naalala ko. Wala akong pera. Ang tanga lang.

"Binayaran ko na." nagsalita si Silver.

Mabuti na lang may dala siyang pera! Kahit naiwan niya din ang phone niya sa room
nila. Gosh naghanda ba talaga siya ng pang-date namin? Kailangan ko na bang bilisan
magsend ng message kina Mika?

Umupo ako sa upuan kung saan nakatayo si Silver sa malapit.

TIME REMAINING: 3:59

"4 HOURS?!" di ko mapigilang mabulalas. "Sigurado ka bang computer ko 'to?"


walanjo. 4 hours ang nirentahan niya.

"Here. Here's the timer." turo ni Silver sa natitirang oras. "The computer will
sleep once the timer is up." at pumwesto siya sa likod ko. "Don't worry I'll cover
you from here." tumayo siya ng maayos at umaktong parang hinaharangan ang view sa
likod ko.

Yung time syempre alam ko. Madalas naman ng mga internet cafe sa paligid ay may
timer. Para maiwasan ang extension na hindi nababayaran ng mga pasaway na
estudyante at mga bata. Kapag malapit na ang time mo, kailangan vigilant ka kase
magsi-sleep ang computer at kailangan mo ulit itong rentahan para mabalikan mo ang
ginagawa mo. I-save mo na ang mga kailangang i-save at maglog-out ka na bago ang
lahat.

Pero teka. Cover? Anong sinasabi ni Silver? Bakit kailangan ng cover?

"Don't tell me... Don't tell me ngayon ka lang nakapasok sa internet cafe?"

"How can you do your stuff with all these people hanging around?"

"Bakit? Anong masama?"

"Don't you feel... awkward or conscious kapag nagtatype ka tapos may nakatingin sa
likod mo?"

"Hindi naman ako manonood ng porn Silver. First-world problems mo naman talaga oh.
Ganito talaga ang buhay. Kapag walang computer, mag-rent. Walang pakialamanan dito.
Okay lang yan. Di mo ako kailangang harangan diyan."

I can't believe it.

"Sure ka tatayo ka lang diyan? Bakit hindi ka rin magrent ng sarili mong computer?"

"No thanks."

Pinabayaan ko na lang siya. Ginusto niya yang tumayo diyan eh. Naisip ko, kapag
napagod naman siya, uupo rin yan. Madali na akong nagmessage kay Mika at kay Yanny
sa facebook.

|Paki-tago ang bag ko sa locker! May emergency lang! I'm safe. I'm okay. Kailangan
ko lang talagang umalis. Emergency eh. Questions later. Mwah!|

Bago ko pindutin ang send, naramdaman kong may humawak sa balikat ko.
"Ay goodness!"

"Are you ticklish here?" sinumulan niyang imassage ng kaunti ang balikat ko. I
can't believe I'm so tensed. At medyo nakikiliti nga ako kapag umaabot sa may
bandang leeg.

Baliw si Silver.

Hindi niya ba alam kung anong epekto niya sa akin?

"Ano ba yan Silver..."

"You don't like it?"

SINONG NAGSABING AYAW KO?

Kaya lang ayoko naman magtunog-defensive kapag sinabi kong hindi. Hindi na lang ako
kumibo at pinagpatuloy niya lang. How weird.

After ilang minutes, nagsalita siya.

"You may want to send that message..." natatawa-tawa siya.

"AH!" shit, oo nga pala. Anong pinaggagagawa ko? Hindi ko na naisend yung message
ko kina Mika! Nakakahiya.

"M-mahaba pa naman ang oras eh. 4 Hours pa. Bakit koa isesend agad?" lame lame
lame. Napakalame ng excuse ko. Kahit pa kindergarten hindi maniniwala sa'kin eh.
Ano ba naman kasi ang ginawa ko at inenjoy ko yung ginagawa niya.

Maya-maya, sinend ko din yung message at ewan. Wala na akong magawa. Gusto ko ng
umalis. 4 hours yung nirent niya na oras dito sa shop. Ibig sabihin wala na kami
mapupuntahan mamaya. At apat na oras siyang tatayo sa likod ko? Nakakawa naman.

Maya-maya. Umalis yung katabi ko.

"Upo ka." senyas ko sa kanya. "Sige na alam ko mangangalay ka na diyan."

Lumingon siya.

"Can I rent this?" sabi niya sa taga-bantay. "Parehas ng oras sa kanya." tapos
umupo siya.

"ANO KA BA! Akala ko ba di mo kayang magcomputer ng may nakatingin sa likod mo,


diba Mr. Conscious."

"Then I'll just listen to music." nagbukas siya ng playlist sa Youtube. Metallica?
Nakikinig siya ng Metallica, okay. Noted. "Do you think it's hygienic to... fine."
pero sinuot niya na lang.

Hygienic-hygienic pa. Hindi nga talaga siya nagpupunta sa internet cafe. Gagamit
lang ng headphone ng shop ayaw pa kunwari. Siguro naiisip niya kung gaano na karami
ang gumamit nun. Kailangan niya siguro ng alcohol. Gusto kong matawa.

Pumikit siya at sumandal. Akala mo naman calm na tugtog ang pinapakinggan niya sa
pagpikit pagka-serene ng mukha. Eh nakikinig siya ng Enter Sandman.

Nagulat na lang ako ng hawakan niyo yung kanang kamay ko. Nahuli niya pa yun kahit
nakapikit?

"Paano ako makakapagtype nito?"

Pero hindi niya na ako naririnig. Calm na siya sa Enter Sandman at sa kamay ko.

Ang ginawa ko, bilang wala naman akong magagawa na sa Internet, ginaya ko na lang
siya. Naghanap ng kung ano-anong playlist at nakinig na rin sa headphone.
Pagkalaki-laki ng headphones ng computer shop na ito. Ang sarap makinig.
Nagkunwari na lang akong nagbbrowse. Magmumukha kasi kaming tanga kung pipikit din
ako at gagayahin siya. Ano yun? Natulog kami sa computer shop? Magkahawak kamay pa.
Kaya nagpretend na lang ako na nagbubukas ng kung ano-ano kahit kaliwang kamay lang
ang nagagamit ko sa pagtatype. Hello? Ang hirap-hirap kaya abutin yung mouse gamit
ang kaliwang kamay.

Pano. Nasa kanan ko si Silver at hawak niya yung kanan kong kamay.

Natawa na lang ako.

Narealize ko tama siya. Kahit saan, kahit nasa pinaka di komportableng sitwasyon
ka, basta gusto mo yung kasama mo, okay na yun, sapat na sa'yo yun.

Gusto? So gusto ko nga rin talaga siya.

Hindi ko namalayan na lumipas na yung oras eh.

"And ayiayiay I'm inlooooove and ayiayiay I'm terrified for the firs---" shocks.
Napalakas na yata yung pagkanta ko.

Napaaharap ako kay Silver. At nakatawa siya. At hindi na pala siya nakikinig.
Tinanggal niya na yung headphone niya. Either nandiri na talaga siya sa communal
headphone, o natapos na ang playlist niya ng Metallica. Ganun katagal?

Pero ang issue. Narinig niya pagkanta ko. Ng malakas.

"Malakas ba??"

Tumango si Silver.

Malakas nga. Mabuti na lang masyado yatang focused ang mga tao sa paglalaro nila.
At karamihan naka-ear phone. Si kuyang taga bantay lang ang nakikita kong
ngumingisi-ngisi.
"What if we go out now?"

Go out?

Bakit willing yata ako agad.

"Okay."

Ngumiti siya. Ambilis ko naman pumayag. Ano na lang iisipin niya sa'kin niyan?

Gusto kong sabunutan sarili ko. Nauna ng lumabas si Silver masyadong excited.

Sige na susunod na ako.

"Ahhh! Miss! Miss!" sumigaw yung kuyang tagabantay. Hinahabol niya ako.

Ako ba? Ako ba ang sinisigawan niya? Baka akala niya hindi pa kami nagbabayad.

"Po? Bayad na po kami." nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sumakit yung tenga ko
at may biglang nalaglag mula dito. Maya-maya may nahulog na rin mula sa kalayuan.

"Tsk tsk tsk. Magsisira pa."

OMG. Nakakabit pa pala sa ulo ko yung headphone. At sa paglabas ko, muntik ng


mahulog yung CPU sa taas.

"Sorry po."

"Bakit mo naman nanakawin yung Headphones?"


"Nanakawin?!" aba sabihan mo na ako ng malas wag lang magnanakaw "Eh di sana
tinanggal ko na sa ulo ko yan at hindi na nagkandahulog-hulog yang mga gamit diyan
kung nanakawin ko lang!"

"Ikaw na nga nakasira, ikaw pa ang galit!?" nagagalit na si kuya.

Pumasok ulit si Silver ng mapansing hindi ako lumalabas.

"What?!" sabi nito hindi ko malaman kung sa akin ba o kay kuyang taga bantay.

"Nakasira na nga itong girlfriend niyo, siya pa ang galit!" ulit ni kuya.

"Hindi mo pa nga alam kung sira, Nambibintang ka na!" sarap naman makipagaway! Eh
parang CD-R King lang naman yung headphone nila! "Silver." hingi ako ng help.

"Judging from that PC's condition and model, it can be working for 3 years, plus
repairs maybe. Kung tutuusin, ang halaga na lang niyan ay ang salvage value. And
with the condition, fully depreciated na ang PC niyo. Wala na kaming babayaran."

"H-huh?" natatameme si kuya.

Anong pinagsasabi niyang salvage value? depreciation?

"Baka nga negative pa eh." dugtong pa nito.

Ano daw? Mabuti na lang at wala kaming naintindihan at lumabas na lang kami.
Tawang-tawa ako. Useful din naman palang magsama ng ganitong parang out of the
book.

"Grabe. Mutik na ako doon."

"My clumsy little baggage."


"H-ha?" parang bago yata yun ah. Little Baggage? Ngayon ko lang narinig na tinawag
niya ako ng ganun.

"A-ah... L-let's go."

Weird. Dibale, at least, sa mga pinagsasabi niya, nakaalis kami ng maayos sa


Internet cafe.

"Uhm, ano ba yung depreciation na yun?"

"Wala yun, di naman dapat ganun. Sa balance sheet lang naman mahalaga yun."

"Hindi mahalaga yun?"

"Ang mahalaga, tayo na."

WHAT?! Out of the bluw uulitin niya na naman yun.

"Ikaw talaga! Hwag mong sasabihin yan ah... sa school. Kina yanny at Mikaela! Kahit
kanino okay."

"Hmmm. Eh di tayo na nga?"

"W-wala akong sinabi!"

Maya-maya may dumaan na bus. Dito ako biglang napatingin ng gusto kong magiwas ng
tingin kay Silver. Mahirap kausap ang isang ito, mahuhuli ka sa bibig.

Maya-maya, dahil nga traffic, yung mga batang estudyante sa loob ng school bus ay
nagsimulang kumaway. Kinakawayan nila si Silver. Yung iba binubuksan pa nila yung
bintana.

"Kuya!! Kuya! Hi!" kinakalampag nila ang bintana ng bus

"Supladooo! Ang gwapo!!"

#PogiProblems ni Silver eh. Yan ang mahirap sa atin eh.

"Kuyaaaa! Kuya Silver!" maya-maya ay may sumigaw. Kilala siya? Alam ang pangalan
niya?

"Kuya Kamusa ka na??" sigaw nito mula sa bintana ng bus. Nagkagulo naman ang iba
nitong classmate dahil kilala niya ang sinisigawan nila kanina.

"A-ang laki mo na..." sagot nito.

"May girlfriend ka na ba kuya Silver? Si ate Cleo kasi... wala na. Wala na sila.
Umuwi na siya."

Ate Cleo?

Sino naman yon?

"May girlfriend na siya bakit?!" di ko na lang napigilan ang sarili ko na sumagot.

*later*

##################################

~~Chapter Forty- Crystal Ball~~


##################################

SILVER's POV

Malaki na talaga siya. Siguro nung huli ko siyang nakita, elementary pa siya at may
ponytail pa sa ulo. Chubby version ng ate niya at tahimik lang din, manang-mana.
That was years ago.

Pero ang nakadungaw ngayon sa bintana ay dalagita na. Halos magkamukha na nga sila
eh. Sila ni Cleo.

"May girlfriend na siya bakit?!" naguilty agad ako ng nagsalita si Zylie. Sa


sobrang kabiglaan ko nang nakita ko si Clarice, sa sobrang kalaliman ng naisip ko,
ng inabot ng utak ko, nakalimutan ko siya ng panandalian. Napakasama ko.

"Ah! Sige kuya, see you around! We'll see you around."

See you around daw? We'll see you around? We? Does that mean...

"Ahh.. S-silver sino yun?"

Napailing na lang ako. Hindi... Wala yun. Napadaan lang ang bus nila. Baka field
trip lang...

"W-wala yun wag mo intindihin."

"Eh kasi--"

"San mo gusto magpunta?" pagiiba ko ng usapan. Kailangan kong makalimutan na nakita


ko ngayon si Clarice Madrigal. Ano naman hindi ba? Dahil ba don? Makikita ko na rin
ba ulit si Cleo Reese? Tss. Kahit sa pangalan nakakalito. "Ano saan?

"H-ha? Kahit saan..."


"Pasensya na..."

"Bakit?"

Why do I feel guilty? Humihingi na agad ako ng pasensya.

"Basta... Pasensya na..."

"O-Okay."

Para makampante siya, I held her hand. Held her so tight. Inisip ko. It will be
fine. It will be alright.

"Gusto mong kumain?"

"Busog pa ako..." matabang na sagot niya.

"Anong gusto mo?"

"Ikaw ang nagyayaya lumabas, tapos wala ka naman palang plano."

Nakakagulat ang tono niya. Syempre gusto ko lang naman malaman kung may gusto ba
siya. Kesa naman dinadala ko siya sa kung saan-saan.

Pero tama siya. Wala naman talaga akong plano. 'Diba't nilabas ko lang naman talaga
siya dito ng biglaan? Very unplanned.

"Sorry. I told you, pasensya." sumasama na pakiramdam ko.

Nagkaroon ng kaunting akward silence sa pagitan namin. Naglalakad na lang kami,


pero hawak ko pa rin ang kamay niya.
"Ahm, Sorry din. Silver. Di dapat kita sinabihan ng ganun."

Umiling ako. Wala naman siyang dapat ihingi ng sorry. Ako naman talaga lahat.

Lumiko kami sa isang kanto. Wala na talaga kaming mapuntahan. Puro kainan ang mga
nakapaligid pero wala ni isa ang gusto namin. Pero napatigil kami doon sa makulay
na shop na maraming lobo at sash na may nakalagay na malaking sign na HAPPY
ANNIVERSARY DONYA PASITA!

"Ma'am, Ser! Anibersare spisyal ! Mga kupols! Mga labers! Pasok lang po kayu! May
tyans pow kayung manalo ng mga Prebes!"

"Prebes daw? Ano yun?" inosenteng tanong ni Zylie "Parang gusto ko yata ng prebes
na yan ah. Tunog masarap."

"Freebies yun." natatawa-tawa ako. At lihim na rin na nagpasalamat dahil kahit


papaano ay nag-lighten ang mood.

"Ay shit."

Nagtawanan kami.

"KAYO PO SIR POGI AT ANG KYOTIPAY NA KASAMA!!! Tray owur games!! Baka mapanalunan
niyo ang pelow na ito, o kaya ang kopul nekleys na ito, o kaya etong magic krestal
ball!"

"Ano yang crystal ball?" nacurious naman ako. Bilang corny para sa akin ang couple
necklace at pillow, tinignan ko yung kakaibang bagay sa lamesa. Ang crystal ball
pala ngayon ay ginagawang freebies?

"Sasabehen po niyan ang mood ng kapairings niyo!"

Ano daw? Kapairings? Hindi naman


"Huh?" sabay pa kami ni Zylie.

"Ganeto po yan ser!" Binigay niya sa amin ang tig-isang Crystal ball. Pair din pala
siya katulad ng mga ilang bagay na na nandoon. Ipinaliwanag niya sa amin (kahit
naka-isanlibong pagpapaulit pa yata kami sa kanya) kung paano yun gamitin at para
lang pala itong mood ring. Nag-iiba ito ng kulay depede daw sa mood. Ang kaibahan,
sasabihin daw nito ang mood ng taong may hawak ng isang crystal ball.

"Ayan! Yun pong hawak niyo Ser, yan ang nararamdaman ni ma'am!. Yan naman po ma'am
yang hawak niyo yan ang nararamdaman ni Sir."

"EHHH??" di naniniwala si Zylie. "Magexplain ka sa'kin Silver, baka may alam ka


diyan, baka may chemistry explanation ka diyan. Anong hormones ang nagpapabago dito
sa mood ball na ito?" tanong ni Zylie.

Imiling na lang ako. Hormones. Anong iniisip niya.

"Thermotropic Liquid Crystal. Slight change of temperature, magbabago. Affects the


wavelength of light and poof, apparent change in color."

"ANO?!" natawa na lang si Zylie "Mas lalong di ko maintindihan. Hayaan na lang


natin na mood mo na lang kunwari ito." sabi niya sa Crystal Ball na hawak niya. "Eh
anong ibig sabihin nito?" tanong ni Zylie. "Sumakay na lang tayo." bulong niya
sa'kin "Okay Orange ang sa'yo."

Tinignan ko rin ang hawak ko.

"Purple? No, Lilac."

"May pagkakaiba ba yun?" napakamot si Zy "Kelangan specific ka talaga?"

"May pagkakaiba naman talaga yun."

"Eto pu yong lestahan!" sugod sa amin ni ate. So may qualitative explanation kuno
pa talaga ang mood ball ha.
"Paano pala namin 'to mapapanalunan?"

"You wanna have this?" Tanong ko dahil parang gusto niya nga talagang sumali kami
sa kung ano mang pakulo ng maliit na eatery na ito.

"Ehh, anong gagawin?"

"Count us in."

"H-ha? Eh hindi pa nga natin alam kung ano!"

Whatever it is, kung gusto niya talaga nitong moodball eh.

"Nakow! Madali lang po! Pasok-pasok na! Uubusin niyo lang po itong apat na pinggan
ng spaghetti!! Meron lang pong regestreyshun na 100 pisos!"

Sa loob, may makikitang apat na maliit na pinggan ng spaghetti pero punong-puno


naman ito. Light orange ang kulay at mukhang corned beef lang ang sagot. Kung 100
pesos ang reg fee, parang inuubos lang nila yung pagkaram-raming spaghetti ng
eatery.

"Okay." I'm up for the challenge.

"HALA ANONG OKAY?! Apat na plato? Kaya ba natin yan?!"

Bumibilog na naman siya. Kinurot ko ang dalawang pisngi niya hanggang sa mamula.

"Ang sakit nun!"


"Kaya natin yan." I assured her. Pero mas sinabi ko rin yun sa sarili ko. Spaghetti
has never been in the frontline in the lsit of my favorites. Hindi ko nga sure kung
nakakain na ako ng mahigit sa isang plato nito kahit dati.

"S-sige. Kaya natin yan." Pumayag rin naman siya. Madali lang naman siya mapapayag
eh. Bilog.

"PERO PO!! Ang challinj po sa task na ito ay! Kailangan niyu pong magsoboan! At
matapus ng fepten menets!" nagsalita na naman ang promo girl.

"HUH?!

Napatingin ako sa isang table at may isa na palang pair ang naka-ready doon.

"Fepten menets po! Reydee?"

Umupo na kami ni Pancake sa lamesa. Magkaharap.

"Magsusubuan talaga?"

"Hindi mo ba kaya?" tanong ko sa kanya.

"H-hindi naman."
"Then let's do it.

"Pero baka hindi natin maubos yung apar na plato."

"I guess we'll never know until we try."

"Reydee na po ha? Reydee, Gitset! Gow!"

On process... nalaman naming hiindi naman pala mabilis ang fifteen minutes. Matagal
rin naman pala eto at kayang-kaya mong ubusin ang apat na pinggan. Ang kalaban mo
sa laban na iyon ay ang umay, kabusugan, at pagka-ilang habang nagsusubuan.

"Hindi ko na kaya." Pangalawang pinggan pa lang kami, wala na. Suko na si Zylie.
Umay na umay na dahil puno yata ng food coloring ang pagkain. Sinahugan lang ng
cornedbeef at asin at naging instant spaghetti. Isama mo pa ang saggy na pasta na
sobrang mataba na.

"Should we give up?" pinunasan ko yung nagkalat-kalat na spaghetti sauce sa gilid


ng labi niya.

"Ayoko,"

Malapit na naming matapos ang pagkain pero ayaw na talaga ni Zy. Ayaw rin naman
sumuko. Sa bandang huli puro ako na lang ang sinusubuan niya at natatawa-tawa na
lang kami ng halos maabutan naming ang fifteen minutes sa apat na pinggan.

"Last na

"WAAAH!" maliit na sigaw ni Bilog "TAPOS!!! AMIN NA ANG MAHIWAGANG EKEK!!" tumayo
si Zylie at inagaw ka ate ang dalawang bola. "Bwisit kang bola ka, mamamatay na ako
sa kabusugan dahil sayo!!!" hindi pa nga sinasabi nung babae na nag-succeed kami sa
misyon, kinuha na agad niya ito. "Pinaghirapan ka naming makuha, bilog ka."

Kyot lang eh. Kinausap daw yung crystal ball.

"Kaya pala gusto mo eh." I nudged her.

"Bakit?"

"Kasi, bilog."

Hinampas niya ako sa braso.

Nagulat ako. First time niya ginawa yun. Who am I to talk about proxemics and
haptics and my the existence of personal space when I have invaded her intimate
space? Pero nagulat lang ako.

"Uhm, sorry." napansin niya siguro ang pagbabago ng expression ko.

"No. It's okay." Hindi naman yun issue diba? Bakit ko naiisip yun? "Let's go?
kinuha ko rin sa kamay niya yung dalawang mood ball. They're like large marbles.
Kayang-kaya naman ilagay sa bulsa ng jacket eh.

"Teka po!!! Yung listahan ng kulors and felengs!!" habol nung babae binibigay yung
papel na may kulay-kulay at ibig-sabihin ng mga ito. Kinuha ko na lang din at
tinupi. Alam kong dumedepende lang naman sa init ang pagbabago ng liquid crystals
kaya alam kong walang basis ang mga kulay.
Naglakad kami, unaware kung saan kami pupunta. Basta naglalakad. This time, siya na
ang nakahawak sa braso ko. Siguro dahil inconvenient din ang maghawakan lang sa
kamay. Nagpapawis. At siguro dahil kanina pa rin naman kami sa ganung ayos sa loob
ng internet cafe.

Malayo-layo na kami at papatawid ng bumuhos ang ulan. Without preamble, heavy rain.

"WAAAAAAAAAAAHHH!!!! Silver ang lakas!!!"

Kinuha ko ang mood balls sa jacket ko bago ko ito hinubad. Baka mabasag lang ni
Zylie eh. Hinubad ko ang jacket at isinuot sa kanya. Sino ba naman nagsabing uulan
ngayon? At wala kaming dala maliban sa pera sa bulsa ko at mood balls?

"Ehh! Pano ka!?" panic na tanong niya.

"Next time, you'll have a whole collection of my jacket in your room."

"Huh?"

Tska niya narealize na hindi niya pa pala nababalik ang jacket na pinahiram ko sa
kanya nung natapunan siya ni Chesca ng kape. The day when Pancake was born.

"Sorry. Nakalimutan ko."

"I know." naghanap kami ng masisilungan. The day is so eventful na kahit ilang oras
pa lang, madami nang nangyari. Naiisip ko si mom. Hindi ba't ganito naman ang gusto
niya. Me, experiencing a lot of whole different things. Go to new places.

"Woooo! Ang lameeeeg!" sigaw pa ng sigaw si Zylie. Mabuti at medyo water-resistant


ang jacket na yun at kahit papaano eh hindi siya mababasa ng sobra.

"Pwede bang sumakay tayo?"


Sumakay? Mag-commute?

"Marunong ka bang mag-commute? Wag kang matakot, nandito naman ako, may kasama ka
naman." I almost snorted. Para kasing sinasabi niya na kaya niya akong protektahan.
Sa liit at bilog niyang yun? Kyot! Hindi ba't ako ang little guardian?

"Let's take the cab." mabuti na lang at mayroong taxi sa di kalayuan. Ayoko talaga
ng nagko-commute na may kasamang maraming tao. Sa bus, o sa tren. Pinara ko ang
taxi at sumakay kami agad. Good thing the cabbie seems to care less that we're
almost soaking wet.

"Saan po tayo boss?"

"Dire-diretso lang."

Mabuti na lang, sa pinakadulo ng aabutin ng kalye na ito, pagkatapos ng malaking


highway ay ang subdivision namin. Nagsisimula ng sumakit ang ulo ko perhaps dahil
sa malakas na aircon ng cab. Masyadong malakas.

Buong oras, pinagkikiski ni Zylie ang dalawang palad niya, dahil nilalamig na ito.
Pinahinaan namin sa driver ang aircon pero hindi pa rin natanggal ang sakit ng ulo
ko. Nung dumating kami sa gate ng subdivision inutos ko sa driver na ipasok ang
sasakyan sa loob. Tinanguan ko na lang ang gwardya ng village ng tinanaw niya kung
sino ang papasok.

Si Zylie naman ay parang walang pakialam kung saan kami pupunta, masyado siyang
busy sa pagpapainit ng dalawang palad niya.

"Diyan na lang po." ng makita ko na ang harap ng bahay namin. Binigyan ko ang
manong driver ng malaki-laking tip dahil nabasa ang seatcover niya sa likod gawa
namin ni Zylie.

Umuulan pa rin ng makababa kami kaya sinensyasan ko si Zylie na tumakbo.


Maya-maya napahinto si Zylie. Tumingin siya sa likod.

"B-bakit tayo nandito?" kinakabahang tanong niya. Bahay nga naman kasi nila
Terrence Tanda ang nasa tapat. Hindi niya nga pala alam.

"Hindi tayo diyan." Iniharap ko siya sa bahay namin. "Dito tayo."

"Bahay mo yan?"

Tumango ako.

"Magkapitbahay kayo?"

"Apparently." Di ko na sinabing ngayon-ngayon lang at kakalipat lang nila tanda.


Kahit ano pa man, magkapitbahay pa rin naman kami ngayon.

"Ah..." siguro ngayon narealize niya na kung anong ginagawa ko nun at bigla na lang
akong lumitaw nung lumabas siya sa bahay sa tapat. Nagkataong magkapitbahay nga
kami. Tunay na maliit ang mundo.

Sinalubong kami ni Ate Poty pagpasok. Paminsan-minsang kasambahay. Ayaw kasi ni mom
na nasasanay kami sa katulong sa bahay. Gusto niya kami pa rin ang gumagawa, siya
pa rin ang nagluluto. Katulong lang talaga kapag mahirap na at minamadali ang mga
trabaho. Karamihan naman doon ay pagsunod at paglinis ng mga kalat ng kambal.

"Suspended ang klase?"

Umiling ako. May assumption agad itong si Ate Poty.

"Come in." nakailang ilanlibong tapak na ba si Zylie sa basahan at ayaw pa rin


pumasok.

"OH MAY GIRL."


"Zy, Ate Poty. Ate Poty, Zylie." I think there's a need for brief introduction.
Ngayon lang makakakita ng bisita sa bahay si Ate Poty eh

"Ate mo?"

"Girlfriend mo?

Halos sabay pa sila nagsalita. People and their assumptions.

"Ay nakakahiya naman! Kamukha ko ba si Silver para mapagkamalan akong kapatid?"


halos hampasin na ni ate Poty si Zylie sa katuwaan. Wala namang masama kung
magiging kapatid ko siya. Parte na siya ng pamilya namin.

Niyaya ko na si Zylie sa taas bago pa matuyo yung damit namin.

"T-taas?"

"Dito sa taas." Natatawa ako. Kinakabahan ba siya?

"Gusto mo sa baba?"

"Kaninong kwarto?" tanong niya nung pumasok kami sa kwarto nila Orange at Lemon.

Kumuha ako ng twalya sa cabinet nila Lemon. Tinanggal ko yung jacket at pinunasan
ko siya. "Sa mga kapatid ko."

"A-ako na. Kaya ko na." inagaw niya ang towel. "Dalawa silang babae?" tumingin siya
sa magka-kambal na kama sa loob ng kwarto.

"Yep. Twins."
Sa cabinet nila Orange, may mahabang dress silang sinusuot na tingin ko ay kakasya
kay Zylie. Magiging mahabang tshirt lang naman ang labas sa kanya.

"Eto isuot mo." bigay ko sa kanya at tinulungan siya sa pagbibihis. "Tulungan na


kita."

"AKO NA!!! Bakit tutulungan pa???!" feeling ko ba mga kapatid ko ang bibihisan ko?
Sorry naman daw. Stupid. Ang sakit na kasi ng ulo ko talaga. Napaka-spontaneous
lang ng ginagawa ko.

"There's nothing new. I've already seen it." I tried to joke. But it sounded so
bad, I want to strangle myself as soon as I finished.

"Silver." seryoso na siya.

Fine. Tumalikod ako.

"Talagang diyan ka lang talaga?"

"Fine. I'll see you later? Don't be a hurt yourself."

"Kaya ko na!" halos ipagtulakan niya na ako sa labas."

Pumunta na ako sa kwarto at naghanap ng damit. Usual protocol at SOP nila mommy at
Aty Poty na kapain ang bulsa ng mga damit bago ilagay sa laundry basket. Nakapa ko
ang listahan na kasama ng crystal ball.

Wala naman mawawala kung babasahin. Nabasa na siya mabuti na lang at nababasa pa
naman kahit medyo nag-blot na.
RED- LOVE

ORANGE-CONFUSION

YELLOW-HAPPINESS

GREEN- DESIRE

BLUE-CARE

VIOLET- JEALOUSY

BLACK- HATRED

Napag-isip ako. Ano nga bang kulay yung hawak ko kanina?

Sa sobrang sakit na talaga ng ulo ko, pati yun hindi ko na maalala.

Lumabas ako kaagad pagkatapos, baka may nangyari na naman kay Zylie. Saglit lang
mawala siya sa paningin mo, nakakakaba na eh.

"Mabuti at kasya naman pala sa'yo yan. Katawang pang-grade school."

"Ah. Grade school ang may-ari nit--" natigilan siya at tinignan ako. Tinitigan.

"What?"

"Bakit namumutla ka?" kinapa niya ang noo ko. "Ang init mo, may lagnat ka."

Nagulat ako sa susunod na ginawa niya.

"Sorry. Sorry, ako kasi ang nagsuot ng jacket mo eh. Nabasa ka tuloy ng sobra."
niyakap niya ako ng mahigpit. This round soul is learning...

*later*
##################################

~~Chapter Forty One- Oranges~~

##################################

ORANGE's POV

Excited na excited akong umuwi! Hindi ko alam kung bakit.

Siguro dahil na rin sa makukulit ko si kuya. Favorite ko siyang kulitin dahil ang
tahimik niya, actually silang dalawa ni Lemon, parehas tahimik. Nakakaloka, sinong
nabubuhay sa katahimikan? Mas lalo ngang nakakabingi eh, Kapag tahimik, mas marami
kang maiisip, mas marami kang maririnig na di mo naman alam kung totoo o guni-guni
mo lang. Mas nakakabingi.

Excited nga siguro ako dahil malapit na akong sumuko sa kakakulit dito sa kakambal
ko. Napakawalang kwenta. Nasa sasakyan, nagbabasa ng musical score? Kinakabisado ba
niya? O sadyang nageenjoy lang siyang basahin. I mean, paano mo babasahin ang
musical score na feeling mo libro ito? Kadiri lang.

"LEMON LEMON LEMON!!!!!!" paulit-ulit ang pangungulit ko sa kanya habang nasa


sasakyan kami pauwi. May service naman talaga kami. Pero madalas sumasabay kami kay
Kuya. May mga pagkakataon lang na hindi kami hinahatid-sundo ni kuya kaya sa
service kami sumasabay. At madalas, kapag dismissal, sa school service kami.
Madaming practices ang kuya naming Mr. Everything.

"Shhhhhh!" sabi nito at bumalik sa binabasa. Ano ba naman yun? Tumutugtog ba siya
sa utak niya? Feeling niya ba siya si Mozart?

"LEMON JANE!"

Di niya na talaga ako pinapansin. Napakahirap ng ganito, kami na nga lang ang
natira sa sasakyan dahil huli kaming hinahatid. Mas lalong nakakabingi. Nagiisip na
nga ako na kakausapin ko na lang yung driver. Pero nakakahiya.

Paano ko kaya makukuha ang atensyon ni Lemon?


Hmmm.

"LEMON! LEMOOOON! LEMS!"

"Shut up."

"Lemon! May girlfriend na yata si kuya!"

"I'm gonna kill you. I'm gonna kill if you are just making things up."

See? Creepy ang kapatid ko. Imagine-in mo makikita mo ang sarili mong mukha sa
harap mo na sasabihan ka ng I'm gonna kill you! Creepy! Pero at least nakuha ko ang
atensyon niya 'diba?

"I am not!"

"Name?"

"Zylie!" confident pa ako. Imposibleng hindi girlfriend ni kuya yun eh. Ilang
libong beses niyang tinawag mula sa panaginip. Subconciously, na-invade na ng Zylie
na yun ang utak ng kuya namin.

"How did you know? At bakit hindi ko alam yan?"

"Narinig ko lang! Sinasambit niya sa panaginip. Maraming-maraming beses. With


matching ungol. Hahahaha!"

"Baka naman pangalan lang ng character niya sa online game na nilalaro niya."
Bumalik si Lemon sa pagbabasa. Mukhang hindi yata sapat na dahilan ang
napapanaginipan ni kuya para maniwala siya.

"Eh! Ang sabi ni kuya ipapakilala daw niya eh. Character sa online game
ipapakilala? Try natin minsan yun Lems."
"Seriously?!" high-pitched na si Lemon. I love this! Nagsasalita ang kapatid ko.
It's a miracle. No, I'm the miracle. I'm the mute-whisperer, mouhahahaha!

"Nakapag-move on na si kuya. Magagamit ko na ulit itong digicam, para makapag kuha


ng pictures. And videos!"

"Crazy."

"May ate na ulit tayo Lems."

"Just keep your fingers crossed, sis."

~~

"WE'RE HOOOOMME!!!" normal na yan tuwing dadating ako.

"Why do you always say that?!" inis agad si Lemon. Crabby.

"Why are you always grumpy? Kung hindi tahimik, agit ka!"

"Minsan walang tao nag a-I'm home ka pa rin?"

"Bakit ba? Malay mo nandiyan pala si mommy ng maaga. Tska yung mga multo, binabati
ko para umalis sila!"

"Stupid."

"NYEH! NYEH! NYEH!" I am making faces. Si Lemon kasi napaka-corny. Aakyat na sana
ako ng pigilan ako ni Ate Poty.

"Lemon, wag kang aakyat. At wag ka ring maingay!"


Wow. Lemon daw. Kahit magkamukhang-magkamukha kami, sigurado naman akong lamang ako
ng isang paligo kay Lemon. Eh hindi nga ngumingiti yun eh! Ako ng laging masaya.
Endorphins!

"Ate Pots, si Orange ito. Maingay nga diba? Eh di si Orange ako."

"Ay, Orange, wag ka munang maingay. At sigruo wag ka rin munang aakyat." mahinang
sabi nito whle eyeing the staircase suspiciously. Anong meron?

"Shhh! May kasama ang kuya mo..."

Kasama? Sa taas?

"Sa kwarto niya. At, basang basa sila."

Basang-basa, sa kwarto? OMG. But wait.

"Paano mo naman nalaman na basang-basa sila?!"

Si Lemon ay nakatingin pa rin sa music sheet at parang walang interes sa mga


pinaguusapan namin. O siguro hindi naririnig dahil wala sa amin ang atensyon niya.
Pero tuloy-tuloy lang siya sa hagdan para umakyat sa kabila ng babala ni Ate Poty.

"Lemon wait! Nandiyan daw si kuya. May kasamang babae, at basang-basa sila."
sinundan ko si Lemon sa pag-akyat. 'Di na rin yata nakatiis si Ate Poty at umakyat
na rin. Sumunod sa amin.

Nakapasok na kami sa kwarto at may nakita kaming nakasampay na uniform. Hindi namin
uniform ang isang yun. Hindi sa school namin, at malaki.

"ANO YAN?" gulat ni Lemon.


"Sabi ko nga sa'yo. May kasama si kuya at basang-basa sila. Hindi ko nga lang alam
kung paano nalaman ni Ate na basang-basa sila sa kwarto."

"Ano bang iniisip mo? Malamang nabasa ng ulan."

Psh. Oo na. Ako na nag-iisip ng masama. Pero kahit na. Bakit sila nasa kwarto ni
kuya kung nandito ang uniform niya?

"Pero lemon. Etong damit nandito. Yung babae wala. Nasa kwarto ni kuya."

Walang sinabi si Lemon at lumabas. Hindi pa man, alam naming hindi kami makakapasok
ng ganun na lang sa kwarto ni kuya. Lalo na't nakaharang na dito si Ate Poty. Hindi
para pigilan kami pumasok, pero nakadikit lang naman ang tenga nito sa pinto.
Nakikinig.

"Hoy! Ate!"

"Shhhhhh!!" sabi nito at isinandal ulit ang tenga sa pinto.

"Tabi ka nga diyan ate!" aggressive si Lemon. Papasok siya. Kung ano man ang
ginagawa ni kuya sa kwarto niya. Mahuli na ang dapat mahuli! ETO NA!!!

Boom.

Binuksan ko ang kwarto ni kuya. Dahan-dahan.

Nakita ko nakahiga si kuya tapos nakahiga sa tabi niya yung isang babae. Mahaba
yung buhok. At... suot-suot ang damit ko. Bakit kasya sa kanya ang damit ko? Damit
ko?! Ilang taon na ba ang girlfriend na ito? Nakakatakot.

Wala akong nagawa kundi pumasok. Kung siya nga o hindi yung napapanaginipan ni
kuya, wala na akong pake kung mamali ako.
"ATE ZYLIE!!!"

"AY!" muntik na siyang mahulog. Hindi naman pala siya nakahiga. Nakatungo nga siya
sa kama ni kuya eh. At mukhang nakatulog na rin. Aba't parang gusto kong magalit
kay kuya. Nakahiga siya diyan na feeling sleeping beauty, tapos yung babae nasa
tabi lang ng kama.

Tapos... ang cute pa niya. Sobrang cute ni ate Zlie.

"Ha? Kilala mo ako?"

Emeghed, siya na nga. Hindi ko naman alam na agad-agad si kuya. Kaninang umaga lang
siya nangako na ipapakilala niya si Ate Zylie, tapos eto na agad. Parang pizza
delivery lang?

"Ate Poty! Alam kong nasa labas ka pa din. Wag kang makinig diyan!" sigaw ko "Wag
mo akong pansinin At Zylie. Ako nga pala si Orange."

"Orange?"

I knew it. Hindi siya ordinaryong babaeng stalker. Alam kong hindi magkakagusto sa
kanya si kuya kung katulad lang siya ng lahat ng babae na nagpaparami ng hits ng
blog namin ni Lemon. Hindi niya ako kilala. Ibig sabihin hindi siya stalker ng
blog. More ganda points.

"Oo Orange, parang fruit. Tapos ayun, si Lemon." turo ko sa kapatid kong introvert
sa likod. Nag-hi lang ito at lumabas na. Pagbukas ng pinto, nandon pa rin si Ate
Poty. Haha. Okay lang na lumabas na si Lemon. Siya na bahala kay Ate Poty at sana
dalhin niya sa baba.

"Orange at Lemon? Hindi mo ba ako pinagtitripan?" natatawa siya. Pinakita ko tuloy


ang ID ko na may pagkaganda-gandang picture at malaking Orange Grace Torres. Imbes
na maniwala, lalo pa siyang natawa. Sorry naman agad siya ng sorry at sinabing
hindi naman niya minamasama ang pangalan ko. Hindi lang siya makapaniwala.

Gusto kong magtampo kay kuya. Hindi man lang kami nakwento ni Lemon.
"Anong meron diyan kay kuya at tulog." gusto kong maging cold.

"Si.. Si Silver may sakit. Nabasa kasi kami ng ulan kanina. Kaya... kaya ako naka-
ganito sa tabi niya... Kasi nilalamig daw siya kanina... Nagpapayakap."

Habang sinasabi niya yun, nagblush siya. Sa isip-isip ko. Ang manyak ni kuya. May
bed-warmers naman siya. May yakap effect pa. Kahit may sakit, maloko. Silent but
manyak. Haha. Sige, hindi na ako cold. May sakit naman pala siya.

"Ate! May papakita ako sa'yo gusto mo?" yaya ko sa kanya. Ilalayo ko muna siya sa
may sakit. Kawawa naman at bored na siya siguro. Di na nga masyadong palasalita si
kuya, nakatulog pa. Hinila ko siya paalis ng kama. Tska ayoko pa magkaroon ng
pamangkin nuh.

Tita Orange. Ngerks di ko pa na-imagine.

"Saan tayo?"

"Basta!" FC ako eh. Ate ko na naman siya. Dinala ko ulit siya sa kwarto namin ni
Lemon. At katulad ng usual na ginagawa ng bisita, tinapat ko siya sa photoalbums at
DVDs

"ETO! AYAN!!!"

"Lahat ng photos ni kuya nandiyan. Dito lang lahat nakatago yan sa kwarto namin.
Ayaw kasi ni kuya sa baba kasi pag bisita ayaw niya papakita eh."

"Eh bakit mo pinapakita sa'kin, ayaw niya naman pala."

"Eh hindi ka naman bisita eh. Girlfriend ka."

Namula na naman ito. Sobrang cute.

"Eto itago mo na yung isang baby pic niya! Para may pangblackmail ka sa kanya pag
inaway ka."

"H-ha? Hindi naman niya ako in-"

"Basta..." pangungulit ko. Para may insurance policy naman siya.

"Eh ano naman yan?" turo niya sa mga CDs na may label na Silver Jeremy. Katulad ng
pictures, nandito lang din lahat ng memorabilia ni kuya. Wala sa baba. Wala rin sa
kwarto niya dahil ewan ko, ayaw niya makita?

"Kuha ko yan sa digicam. Mga wala-wala lang. Pang-blog ganun. Bigay kasi sa'kin ni
kuya yung digicam kaya kahit may mga smartphones na ngayon, ginagamit ko pa rin.
Ilang taon na rin yan. Ayaw kasi ipabenta at ipatapon ni kuya. May sentimental
value siguro. Pwede mo yan iplay!" Sinet-up ko yung player.

Pagharap ko, nakahugot na siya ng isa. Pero kitang-kita ko kung paano nagbago ang
ngiti niya.

"Ate Zylie?" napasulyap ako sa hawak niya.

SILVER JEREMY & CLEO REESE

Ang tanga ko. Super tanga ko. Why of all places. Kinukwento ko na nga ang tungkol
sa digicam eh. Ang tungkol sa pictures. Tapos di ko pa na-realize.

"WAG YAN ATE! MALI YAN MALI!"

Pero huli na ang lahat. Na-play niya na ang DVD.

"ORANGE!!!" narinig ko si Kuya. Gising na pala siya at nakatayo sa may pintuan.

I'm so dead!
*later*

##################################

~~Chapter Forty Two- Ex Wars~~

##################################

ZYLIE's POV

Wow. Just wow. Nagpupunasan ng di malaman kung Icing o ice cream.

Silver Jeremy and Cleo Reese.

Cleo.

Hindi ba't narinig ko lang yung pangalan niya mula sa bata dun sa Bus? Si Ate Cleo.
So eto lang naman pala siya. Sweet. Squeezing all the sweetness from Silver Jeremy.
Napakasweet gusto ko ng maumay. But I can't take my eyes off thwe screen. Pwede ng
gawing pre-nuptial video ito ah. Just wow.

Smiling Silver. I've never seen him smiled like this. Paano ko naman makikita ang
pagngiti niya? Eh kakakilala nga lang namin hindi ba? Nauna ko pa nga malaman kung
nasaan ang bahay nila kesa sa mga pangalan ng mga kapatid niya eh. I knew it. Hindi
nga pala kami talaga ganun magkakilala.

"Orange!" si Silver

"KUYA!"

Hindi ako lumingon. I am stoned. Napakaganda ng pinapanood ko na hindi ko maalis


ang mata ko kahit ayaw ko na.

"Kuya, hindi ko naman sinasadya eh! Yun ang yung naku-"


"Get out."

"This is my room, kuy-"

"Then those are my CDs, get out." namalayan ko na lang na pinatay ni Silver ang DVD
player at wala na si Orange sa kwarto. Weird, I'm not feeling anything. Not sad,
but not happy.

"Zy..." But there's one thing. Hindi ako makatingin kay Silver. Not the same way
again. Sinusulyapan ko siya. I can see, namumutla pa rin siya. May sakit pa rin.
Then I felt like I want to touch his forehead again, just to check. And felt
something inside me. I want to care. Want. Kasi ayaw ko na talagang mag-worry sa
kanya. Biglang ayaw ko na. Pero isang tingin lang, nag-aalala ako sa kalagayan
niya. Conflicting feelings na naiipit ako sa gitna ng dibdib at ulo, at akala ko
wala akong nararamdaman.

"U-uwi na ako."

"You can't listen to my sister. She's just a kid."

"I didn't listen. I watched."

"Yes and next time, don't touch these things without permission."

Anong sinasabi niya? So kasalanan ko? Kasi pakielamera ako ng gamit niya? Ano
palang ginagawa ng mga gamit niya sa kwarto ng iba? Bakit wala ang mga photoalbums
na ito sa baba.

Wala sa baba para hindi makita ng iba. Wala rin sa kwarto niya para hindi niya
makita. Ayaw niyang itapon kaya nilalagay niya sa kwarto ng mga kapatid niya. Too
important to be at the garage?

"Right. Kasalanan ko kasi lahat. Sorry talaga." I'm fighting this urge to cry.
Gusto kong maging malakas sa harap niya. Bakit ako iiyak eh wala naman sa'kin to.
Wala akong pakialam. Nakita ko lang naman yung DVD na yun. No big deal. Yes.

"I'll take you home."


"Wow. Take me home? Halos hindi ka na nga makalakad." I can tell he's sick as hell.

"At least I'll walk you to the front door."

Talagang pinapaalis niya na talaga ako. Kahit hindi niya ako maihatid, basta umalis
na lang ako. Silver Jeremy Torres. Masyado kang magulo.

"Hindi na kailangan. I understand. I understand... all of this." kinuha ko yung


uniform ko at nagpalit. Napilitan siyang tumalikod habang ginagawa ko yon. At
naglakad na ako palabas ng kwarto ng kambal.

"What's your problem?" sunod niya sa akin.

The nerve. Nagtatanong pa?

"Wala d'ba? Meron bang problema?" nanggigigil ako.

"Wala naman yun eh. That person.. She's... she's... nothing."

Nothing? They way he say the pronoun she's so affectionately?

"Then, sino yun?" hinarap ko siya. Gusto kong paluin ang sarili kong bibig dahil
hindi rin pala ako makakatiis. I'm dying to know who's Cleo.

"Wala nga yun."

"Wala? Riiight."

"Wala nga yun Zylie. Bakit kailangan mo pang alamin?"


"Ako talaga yung may kasalanan dito eh nuh? Mapanghimasok ako."

"That's nothing. She's nothing. Okay?"

"Tama ka. Wala 'to. Nasaan ang mood ball ko? Uwi na ako."

Sapilitan kong hinanap ang kahati ko ng mood ball at bumaba. Hindi ko alam kung
bakit ko pa hinanap yun kesa umalis na lang sana ako at napabilis pa. Unconsciously
ba may delaying tactics din ako?

Pagdating namin sa baba. Nakita ko ang kambal at hindi ko na namalayan kung sino
dito si Orange.

"Sorry, kuya." nagsalita ang isa. Eto nga si Orange. Etong nasa may pinto. "Sorry
ate."

"Clean it up. And arrange the rack."

Arrange the rack? So hindi niya talaga itatapon yun? Remembrance? At binilin pa
talaga na ayusin? Sa harap ko.

This is the last straw.

"Uuwi na ako."

"Okay. Bye." sagot ni Silver.

So this is my day. Umabsent sa klase. Nag-cutting clases, para lang dito. Good job
Zylie, sinira mo lang naman ang buhay mo. Eto ang unang step ng pagkapariwara ng
buhay. Step 2 na ako mamaya.
Paglingon ko (at hindi ko talaga alam kung bakit ko pa ginawa) nakita kong paakyat
na si Silver. At para akong sinasaksak ng maliliit na kutsilyo sa dibdib. Bakit
ganun, ang sakit lang? Literal na masakit kapag na-ignore ka?

Napakadaya. Ako na nga yung nakakita ng ganun. Parang ako pa may kasalanan.

Palabas na ako ng pinto ng bigla itong bumukas. Halos mauntog pa ako eh. Swerte na
rin, kahit papaano.

"Oh, you are here!"

This is not happening. Mommy ni Silver. Si tita Marianne este si Dr. Torres smiling
at me, almost shining. Gusto ko tuloy mapakanta ng Shine Bright Like a Diamond.
Muntik na tuloy akong matawa at that thought.

"Mommy! Bakit po ang aga niyo today?"

"Hi mom."

Sinalubong siya ng kambal. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Napako na ako sa
kinatatayuan ko.

"Your ate Poty texted me, may sakit daw ang kuya?" tumgingin ito sa akin "And you
are here. Thanks for being here for my son."

"Kilala mo na si ate Zylie mommy?"

Papaalis na nga po ako eh. Paano pa ako makakaalis kung pinapasalamatan ako dahil
nandito ako. Naisip ko, ang sweet lang ni Dra. Umuwi lang dahil may sakit ang anak.
Syempre, sa dami ng ginagamot niya sa ospital na anak ng ibang tao. Unahin niya
muna ang anak niya.

Maya-maya pumasok din ang isang lalaki. Middle-aged man na may jawline na pamilyar.
Kinabahan ako. Nakita ko si Silver 20 years from now. Kaya pala hindi niya kamukha
si dra. Torres. Para silang pinagbiyak na bunga ng tatay niya.
Tumingin ito sa akin. Gulat ang nakita ko. Hindi ba sila sanay na babae dito? Na
may bisita? Nakakahiya naman ang spotlight na ito.

"Daddy! Si ate Zylie." hinila pa ako ni Orange.

"H-hello po."

"... dad Girlfriend ni Silver." si dra. Torres pa talaga ang nagsabi. Talagang
pinanindigan niya na ang maling akala dati nung nagpunta ako sa ospital

"Girlfriend." hindi naitago ng ulo ng pamilya ang gulat. Bakit? Hindi ba pwedeng
magka-girlfriend si Silver? "H-how are you? You accompanied Silver home?"

So umuwi lang sila para kay Silver? What a sweet family. Akala ko lahat ng mayaman,
busy sa trabaho at wala ng magiging pakialam sa anak nila. Buhay yaya at mga
materyal na bagay lang ang meron. Pero napatunayan ko dito na mali yun. Aware lahat
sila na may sakit si Silver. Kahit sa tingin ko ay simpleng lagnat lang naman ito.

They asked me to stay for dinner. Ano pang sasabihin ko? First time kong kumain sa
harap ng ibang pamilya na ako lang mag-isa.

"Are you two, classmates?" maya-maya tanong ng ng tatay ni Silver.

Napailing ako. "Ahm, hindi po. Same batch lang po. Schoolmates." alam kong pansin
naman niya gawa ng uniform. Hindi ako kabilang sa Pilot Section, nahiya tuloy ako
ng kaunti.

"Ah.. Clubmates?"

Umiling ako.

"Orgmates?"
Naisip ko. Wala man lang kaming in-common ni Silver maliban sa pagiging
schoolmates? Hindi kami naging isang section, dahil hindi ako ganun katalino para
maging cream of the crop at makabilang sa Pilot Section. Hindi rin ako ganun
kagaling at katalented para makasama sa mga Varsitarian Organizations. Wala rin
akong club bukod sa Library Club slash Team Boring, may masalihan lang. Kung
tutuusin, wala kaming pagkakaparehas. Sa utak, sa interest. Schoolmates lang kami.
At nangyari lang yun by chance.

Madaming linya ang pumapagitan sa'min.

"Schoolmates lang po kami. Batchmates.

"Ah. I see." wala na siyang masabi. I feel sorry.

Tahimik lang kaming kumain. Kahit yung kambal, hindi nagsasalita na parang sagrado
ang hapag-kainan. Maya-maya ng matatapos na kumain at nagliligpit na lang,
napalingon na lang kami sa footsteps ng dumating. Si SIlver. Medyo may kulay na ang
mga pisngi niya at siguro hindi na masyadong masama ang pakiramdam. Umakyat ba
naman ang mommy niya kanina ng pagkatagal-tagal. Pati ang daddy niya. Feeling ko
inalagaan siya ng parang baby habang nagluluto si Ate Poty ng Dinner.

Tumingin siya sa akin at halatang nagulat. Nakaupo siguro ako sa upuan niya sa
family dinner table.

"I thought you've left."

You thought? Bala you wished. Nakakahurt ka na talaga Silver Jeremy Torres. Okay.
Tumayo na rin ako dahil nagtatayuan na rin naman ang miyembro ng pamilya niya. Pero
mas tumayo ako para hindi nila makita na medyo naluluha na ako. Pinipigil-pigil ko
na nga yung inis at luha ko tapos ayan na naman siya. Parang trigger na nagpapainis
sa akin kapag gusto niya.

"Excuse po." nagpaalam din naman ako. Pumunta ako sa living room para hanapin ang
bag ko ng matandaan na wala nga pala akon dalang bag. Peste talaga. Wala akong
pera, paano ako makakauwi? Buti pala, napigilan ako kanina na umalis kundi alay
lakad ako. Pero ang problema ngayon, paano ako ako makakauwi eh hindi ko nga alam
kung nasaan ako? At hihingi ba ako ng pera kay Silver? Sa mga magulang niya?
Damn,

"Akala ko umalis ka na?"

Ulit-ulit? Kailangan pang ulit-ulitin na umalis na ako? My God!

"Eh di aalis." pigilan mo. Pigilan mo Zylie ang pag-iyak.

Hindi ko alam kasi kung bakit sa utak ko, nagagalit ako. Pero ang totoo, naiiyak
naman ako. Naiiyak sa galit?

"I didn't mean that."

I tried so heard to clear my throat. Kailangan ko ng umalis. Kung pride lang ang
matitira sa'kin sa araw na ito, kahit maligaw at maglakad na ako pauwi. Makaalis
lang.

"Ahm. Uwi na po ako. Maraming salamat po." malakas na sabi ko para marinig naman
nila. Ng mga magulang niya lalo.

Halos patakbo na ako nung lumabas. Nahihilam na yung mata ko, pero naramdaman ko pa
rin na sumusunod si Silver. Ano bang problema niya?

"What is your problem? Yung kanina pa rin ba?"

"Ikaw ang may problema. Pumasok ka na at baka mahamugan ka pa, mabinat ka pa,
kasalanan ko na naman."

"Kung yung kanina pa rin, I'm sorry. Masakit talaga ang ulo ko. And I'm not used to
other people touching my things."

Right. Other people. This is it. My Silver Jeremy bullshit meter just went up to
its peak. Nagsimula akong maglakad. Tumawid ako sa kabila.
"And yung tanong mo kung sino yun? Fine. Ex ko. Ex lang. Ex ko lang yun."

At bakit siya ngayon nageexplain kung kelan napalitan na lahat ng lungkot ko ng


inis at malapit ng maging galit.

"Okay. Ex lang pala eh. Nakatago pa ng sobrang ayos ang gamit ni ex kasi ex lang
pala." sarkastiko kong sabi.

"Zy naman."

Ex. Ex. Nagecho sa utak ko yun. Hindi ko alam kung nananadya ba ang sitwasyon dahil
habang pinaguusapan ang ex, huminto ang sasakyan ng ex ko. Si Terrence sa di
kalayuan. Nawala na naman sa isip ko na magkapitbahay nga pala sila. Baliw na
siguro ako dahil tumakbo ako at kinatok katok ang sasakyan na dahan-dahan ng
pumapasok sa garahe.

"Zylie I'm warning you!" sigaw ni Silver.

"Ex lang pala ah." hindi ko sure kung narinig niya.

Di ko siya pinansin.

"Zylie?! What are you doing here?" nagulat si Terrence ng makitang ako ang
kumakatok sa kotse. "Hindi ka pumasok kanina.

"I was kidnapped. Can you give me a lift?"

"S-sure." nakita na rin nito si Silver.

Sumakay agad ako.

Ex lang pala... Eto oh. EX LANG TALAGA.


*later*

##################################

~~Chapter Forty Three- Rage~~

##################################

ZYLIE's POV

Nung medyo makalayo na kami. Tska naman ako naguilty ng bonggang-bongga. Ano ba
yung ginagawa ko ngayon? May sakit na nga yung tao ginanun ko pa diba? Tapos yung
mga actions ko hindi naman rational. Naipit tuloy ako sa taong iniiwasan ko.

"Zy..."

I just really needed a way out. Wala akong pamasahe at kailangang kailangan lang
talaga. Gusto kong i-justify sa sarili ko na ginawa ko lang yun out of desperation.

"Pwede mo na akong ibaba diyan. May... m-may dadaanan pa pala ako." alam ko na kasi
ang kalyeng ito. Hindi pwedeng magtagal ako dito.

"Absent ka kanina."

"Oo nga po eh."

"Zylie... magusap na kasi tayo..."

"Eto na nga po eh. Naguusap na po tayo."

Kainis! Para akong nakikipaglaro ng word games.

"No... Let's talk about US."


"US? Meron po bang us? Wala na pong ganun, sir."

"Then... what are you doing here? with me?!" nagagalit na ba siya? I understand
him. Nakikisakay na nga lang ako dito. Inutusan ko na nga lang siyang ihatid ako sa
bahay kahit nagga-garahe na siya ng sasakyan niya eh. Epal ko lang para kupalin
siya?

"Zy, nagagalit ka lang. Natatakpan lang ng galit yung nararamdaman mo para sa'kin."
sobrang sincere ng tunog ng pagsasalita niya. At yung mukha niya. Bakit ang gwapo
niya kasi? Yan tuloy nabilog ako dati. Pero anong kahibangan ang sinasabi niya?

"Terrenc- sir. Hindi mo alam kung ganyan pa rin ang nasa utak ko. Hindi naman ikaw
ako eh para magsabi na mahal pa rin kita."

"I asked your friends. I asked Mikaela. They told me. They told me wala pa rin
naman. Wala ka pa ring bago."

HOW DARE THEM! AND I CALL THEM FRIENDS?! MAY MASASABUNUTAN YATA AKO BUKAS AH!

"W-what? Naniwala ka naman sa kanila?" Hindi nga pala nila alam si Silver. Though
hindi ko alam ang sitwasyon namin nung lalaking yun ngayon, kahit papaano... gusto
ko siya. Oo gusto ko talaga siya. Kaya nga ako nagagalit kanina diba? Nagseselos
ako sa Ex-girlfriend niya. So ano 'to? Realization pala ng conflicting feelings ko
kanina?

"I do. Sinabi nilang ako pa rin ang sinusulat mo sa diary mo. Ako pa rin Zylie. I
am confident."

My God Friends. Even that?

"No. H-hindi... W-wala..." hindi ko alam ang sasabihin. Totoo naman lahat yun. Pero
ang lahat ng yun nangyaro bago dumating si Silver sa buhay ko. "Hindi yan totoo.
Kagagaling lang natin kay Silver hindi ba? Kalalabas ko lang sa bahay nila Silver.
How can you be so confident?"

"No. I know you're just doing that para pagselosin ako." natatawa-tawa siya. "I
asked your friends about your relationship with Silver."
WHAT?! SHIT! Wala silang alam.

"They said imposibleng maging kayo. See. Even your friends know."

What is happening.

"Susuko na sana ako kapag nalaman kong mahal niyo ang isa't-isa. Na mahal mo siya.
At mas mahal ka niya. But Zylie tell me, mahal ka ba ng lalaking yun?"

Sobrang labo na ng utak ko. Hindi ko na alam yung nangyayari. Mahal ba ako ni
Silver? Mahal ko ba siya? Sa kabila ng nangyari kanina? Paano ko pa masasabi yung
tungkol sa pagmamahal eh hindi nga namin kilala ni Silver ang isa't-isa?

Naramdaman ko na lang na nasa tapat na pala ako ng bahay namin.

"Sunduin kita bukas."

Hindi ko alam kung paano pa ako nakapasok sa loob ng bahay. Pero alam ko hindi ko
na sinagot si Terrence. Sana wag niya na lang akong sunduin.

Kahit pa nag-umaga na, hindi pa rin nagbago ang mood ko. Sobrang masama pa rin.
Nagpadala ng chocolates si kuya Zac. Masayang-masaya ang pamilya dahil bihira lang
yun. May mga panahong nagrerebelde yata ang panganay naming kapatid at hindi siya
nagpapadala ng kahit ano. kapag umuuwi siya ay sobrang higpit naman niya at hindi
makausap.

Naalala ko noong umuwi siya at nakilala niya si Terrence, sobrang inayawan niya
ito. Inalok ako ni mama ng mga tsoklate at bauinin ko na lang daw sa school,
bigyan sona Mika at Yanny. Pero tinanggihan ko. Wala ako sa mood kumain. Nagpanggap
lang ako kanina na kumakain pero hindi ko talaga nagalaw yung isang kutsarang
sinangag.
"Di ka na kakain?" tanong nila mama nang dumeretso ako sa pintuan para isuot yung
black shoes ko.

"Di na po. Sa school na.... Alis na po ako."

"YES! Sabi mo yan ah! Ubusin ko lahat ito! Kakagutom!!" nagdiwang si kuya Zeus.
Kakainin niya daw lahat ng tsokolate. Good luck sa sugar mo ha.

"Wag na wag mong uubusin ang sinangag kung ayaw mong lumipad ang kawali. Tirhan mo
ang tatay mo, umalis lang siya saglit." babala ni mama. Hindi lang pala yung
chocolates yung uubusin ni kuya. Pati pala yung almusal.

At babalik pa pala si papa. Hindi ko na siya hinintay dahil gusto ko ng makalabas.

Pero paglabas ko, imbes na fresh air ang makuha ko, tska ako nakaramdam ng sakit sa
sikmura. Gutom pala ako. Pero anong gagawin ko? Ayoko talagang kumain. Wala akong
gana, pero nagugutom ako. Posible pala yun? Ayaw ko naman na pumasok dahil sigurado
ako dahil kinalahati na naman ni kuya yung pag-kain. Pagkain na ni papa yung
natira.

*beeeeep*

Ang lakas ng busina. Nakakairita.

*beeeeep*

"Hersheys!"

This can't be happening. Sinundo niya nga ako. Hindi siya nagbibiro. Pero naglakad
lang ako ng naglakad.

"Zylie?!"

"S-sir?"
"Halika na! I brought you sandwich!"

Sandwich. Huhu. Wala naman sigurong masama kung kukunin ko na yung pagkain.

Hanggang sa napilitan na rin akong sumakay dahil sa hiya. Tska ko naisip na baka
kung ano pala yung sabihin ng mga estudyante kapag nakita niya ako na bumababa sa
sasakyan ng may sasakyan. Teacher pa namin. At gwapong bagong teacher namin. Malay
ba nila sa kung sino ako at ano ko siya dati.

Walang imikan. Ang alam ko lang, sinusulyapan-sulpayan niya ako habang nagmamaneho
siya. Tumingin na lang ako sa bintana sa kanan para mag-iwas ng tingin. Nagpilit
ako na ibaba na lang niya sa harap ng school. Kahit maraming tao, kesa naman sa
parking ako manggaling, baka maraming magtanong lalo kung sabay kaming bababa ng
sasakyan sa parking.

"Um, lamat po." Oops. Nahahawa na ako sa katipiran magsalita ni Silver.

"ZYYYYYYYY!!" sumigaw si Yanny. Tumakbo ako sa kanila bago ko pa marinig ang


sasabihin ni Terrence.

"Muling ibalik... ang tamis ng pagibig... lalalalala." kumakanta-kanta pa talaga


ang dalawa. Kahit yung part lang naman na yun yung alam nila. Weirdos.

"Kayo na ulit?!" tanong ni Mika

"Ang kulit niyo! Humanda kayo sa'kin mamaya ah." naalala ko pa rin kung pano nila
ako nilaglag kay Sir Terrence kahapon. Mamaya kami mag-uusap. Kahapon talaga galit
na galit ako pero ngayon, naisip ko na lang kung gaano sila ka-childish para
sabihin dun sa tao yung nangyari dati. Baka feeling nila nakakatulong sila. Hindi
naman kasi talaga nila alam ang tungkol kay Silver.

And speaking of the devil. Si Silver... Nasalubong namin siya. Nakatayo siya sa
mismong tinambayan namin. Maputla na naman siya? Ano ba yun? May sakit na naman
siya? Baka ka binat.

At bakit ako nagaalala?


"Alam mo Zy, alam naman na namin kung tungkol saan yung naputol nating kwentuhan...
tungkol yun kay *toot*." mukhang hindi alam ni Yanny na nasa paligid lang si
Silver. Hindi niya napansin? Kasi hindi siya naghahayperventilate at nagpapanggap
na prim and proper.

"Oo nga Zylie, paparazzi kami. Huling-huli. Lumabas sa kotse ni *toot* Zyla Lienne
Carbonnel." Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig." pinipilit pa nilang ibleep yung
pangalan ni Sir Terrence. Wala nga naman malalaman ang mga tao sa paligid, pero
kung kilala ako at kung sino ang ex ko, alam na alam naman na si Terrence si toot.

"Hindi..." pinipilit kong iwasan yung tingin ni Silver. "Hindi pa..." Nakatingin
kasi siya.

"Hindi PA?!?!" nagwawala na yung dalawa. "Wahaha Hindi PA daw oh!"

"Eh di malapit na?!?!"

Grabe. Imbes na magalit ako dito sa dalawang ito. Ako pa ang unti-unting nauupos.

"Magsi-CR ako! Mauna na kayo!" Kailangang maiwasan muna ang dalawa. Hindi ko alam
dahil may parte sa akin na nage-enjoy habang hindi alam ng dalawa na may
napaparinggan sila kapag sinasabi nila ang toot. Na pinaguusapan namin si Terrence
sa tabi ni Silver. At hindi nila alam na gustong-gusto kong lokohin sila na kami na
nga ulit ni Terrence. Hindi dahil masaya ako dun, dahil naasar pa rin ako kay
Silver. Sa ex-ex na yan.

Pero di ko na kasi bigla kaya. Grabe si Silver kung makatitig mula sa kinatatayuan
niya sa tapat namin. Hindi ko na maintindihan pinaggagagawa ko sa buhay ko.

Pagdating sa cubicle ng CR. Umupo lang ako sa toilet bowl ng ilang sandali. Masama
ba ako sa pagsisinungaling? Sa pagtatago ng mga nangyari sa mga kaibigan ko? Sa
pagpaparinig sa may-sakit?Narinig siguro ni Silver yung sinabi ko.

Nakakairita. Kagabi lang ang alam ko. Kami na.

Tayo na. Sabi niya.


Kasi naman... Nalalabuan ako sa mga nangyayari. Higit sa lahat... sa relasyon ko sa
kanila... Sa ex ko na walang closure. At sa boyfriend ko daw na master of pushing
and pulling. Nung nagpasya na akong lumabas ng cubicle, bigla na lang namatay yung
ilaw.

Eto yun eh. Yung isa sa mga nakakatakot na scenes sa movies. Either may multo, o
may papatay na sa'kin dito.

"Hello?" nasa pinakadulong cubicle pa naman yung ginamit ko. Ang ilaw lang na
nagpapaliwanag sa CR ay yung nagmumula sa kinalalagyan ng exhasut fan. Ang dilim
din tuloy kahit papaano. "S-sinong nagpatay ng ilaw."

Hanggang sa may yumakap sa akin mula sa likod.

Imbes na sumigaw. Umurong lahat ng boses ko. Like I swallowed my shouts. Sinong
yayakap sa'yo ng ganito sa loob ng CR ng girls?

"Ginagalit mo ako." may diin. Galit nga siya.

Yung boses. Yung pabango. Anong ginagawa niya dito?

Napalitan lahat ng takot ko ng ibang pakiramdam.

*later*

##################################

~~Chapter Forty Four- Magic Words~~

##################################

SILVER's POV

I was really sleeping. Until I felt something is wrong. Hindi ko alam basta ko na
lang naramdaman. Nagising akong wala na si Zylie sa tabi ko. I went to the other
room only to find her watching... watching those things. Si Orange.

Hindi ko magawang itapon ang mga video na yun. Mom was the one who placed those
things on my sister's room. To help me. Because I can't decide if I wanted to keep
it, or throw it. Cleo's things.

Si Cleo Reese. Dahilan kung bakit ako ganito ngayon. And with this happening, it's
like rubbing salt in the wound. I've just seen her younger sister a while ago,
Clarice. Naguguluhan ko. Is this some part of a bigger plan? Is there some powerful
figure pulling the strings?

So I became crazy mad. And I didn't realize my words were already distasteful. I
was so confused

Kaya ko ba nakilala si Zylie para maalala ko siya? Is this how it is? Then I was so
mixed-up and diconnected inside that I before I knew it, nakakasakit na pala ako. I
realized how rude I became when I saw her.

Nakita kong sumakay si Zylie sa kotse nung matandang iyon. And if anything, I
didn't know I can be more mad. Kasi bakit ganun? Gumaganti ba siya? How can someone
do that kind of thing? If she's so hurt, then that means she likes me to. But if
she really likes me, how can she do that? Hitch into somebody. Sa ex niya pa?

The night I wasn't able to sleep. Napadalas ang pagbisita ko sa CR at tumaaas na


naman kasi ang lagnat ako. Ang sabi ni mommy baka dahil ito sa spaghetti na inubos
ko. Nagkaroon ako ng indigestion na nadagdagan pa ng fever dahil sa pagkababad
namin sa ilalim ng buhos ng ulan. Mabuti na lang maayos na ako bago pa man sumikat
ang araw. Hindi nga lang din ako nakatulog~ Which made me worse.

I immediately went to Zylie's house as soon as mom and dad left. It was too early
that I just parked at the other side of the road. I waited and waited and waited.
Hanggang sa nakita ko na siyang lumabas. Akala ko nakita niya na yung kotse, pero
lumabas siya. Hanggang sa tumigil din ang sasakyan ni Terrence sa di kalayuan, at
sumakay siya.

What the hell? Pinagusapan na ba nila ito? Is she that angry to do this even
without me looking? Or maybe she really knows I'm here and just pretended she
didn't see me.
Or she's really back with him? I don't get it.

Kahit nang makarating siya sa eskuwelahan. Ni hindi niya man lang itinanggi ang mga
tanong sa kanya nung mga kaibigan niya.

I felt really mad. That being mad is all I'm permitted to feel. Mad that I wanted
her out of my sight, but I would go crazy if I do. Because I know I'm mad because
it's not her that I don't like. It's what she's doing. I go straight to them and
tell them we're in a relationship, but I keep on remembering I promised I won't. I
just stayed in the shadows. I saw my chance when she ran to the women's room.

I went straight in. Ignoring the big sign. Ignoreing the fact it's a girls' comfort
room. That there might be other girls out there, waiting to shriek because I went
in.

I waited like a maniac. Apparently, siya lang ang tao dito dahil isang cubicle lang
ang nakasarado ang I know she's in there. When she finally went out, pinatay ko ang
ilaw dahil ayaw kong magulat siya na makita ako sa loob ng CR ng mga babae. O dahil
rin sa ayaw kong makita ang reaksyon niya dahil nagagawa ko ang mga ganitong bagay
ngayon. Pinatay ko rin siguro ang ilaw umaasang wala ng papasok dito at aakalaing
out of order.

"Ginagalit mo ako..." I hugged her from behind. That's what I really feel. Na
ginagalit niya ako. That she's the source of all the madness I'm feeling.

She didn't respond. Hindi siya sumagot. Hindi rin siya gumalaw. Naisip ko, ganito
ba siya pag nasasaktan? Hindi ba't ganito rin siya nung una ko siyang inobserbahan?
Just calm and silent.

"Zylie..."

"Magsisimula na ang klase... Ano bang ginagawa mo dito?"

"Akin ka na diba?" What the hell I'm saying? I just confessed on liking her. Ngayon
inaangkin ko na siya? I wanted to cover my face after. Mabuti na lang nakapatay ang
mga ilaw at walang makakakita ng mukha kong maihahalintulad na siguro sa kamatis.
But because we're this close. I felt her pulse. Kinakabahan siya. Kinabahan siya
bigla sa mga sinasabi ko.

"A-ano? Anong pinagsasabi mo? Lumabas nga tayo? A-ano bang ginagawa mo dito? At
bakit madilim?"

"Didn't you hear what I just said? I said you are mine." ulit ko sa kanya.

"Tinatanong mo ako kanina. Ngayon naging statement na? In-english mo pa." she wants
me to let go. She's pushing my arms.

"Then you heard what I asked."

"S-silver hindi na ako nakikipagbiruan sa'yo. Sawang-sawa na ako sa


pakikipaglokohan sa'yo."

"Who says I'm kidding around? I'm serious. Akin ka na."

She faked a laugh.

"Sayo na ako? Pero ikaw hindi ka naman sa akin..." halos pumiyok na siya habang
sinasabi niya yun. Umiiyak na ba siya?

So the issue is still the video. Still Cleo. I don't want her crying? Sinong
lalaking gusto nakakakita ng umiiyak na babae? But her words clearly has a meaning.
And I don't know why I am liking its implications. That she's jealous. Clearly
she's jealous. I've never experienced this kind of thing. My girl being jealous. I
don't even know if it's normal to feel like this. Anticipation. I was a bit happy.

"Wala na si Cleo... She's gone. Out of my life."

She's saying nothing.

"Really." I assured her.


"Fine. Past. Pero bakit tinatago mo pa rin yung mga yun? Bakit kitang-kitang
importante sa'yo yun? Bakit nagalit ka pa sa'kin nung nakita ko yun? Pinabayaan mo
lang din ako umalis! Nung sinabi kong uuwi na ako... payag ka agad! Wala man lang
pigil-pigil tska habol habol..." Pumatak sa braso kong nakayakap sa kanya, yung
luha niya. I am not happy anymore. I feel so bad.

"Nakakahiya kaya yun! Bahay niyo yun tapos bisita lang ako, yung nagpapunta pa sa
akin doon hindi ako kinakausap! Tinanong pa ako ng tatay mo ng kung anu-ano na
hindi ko naman alam isasagot ko dahil hindi naman tayo magkakakilala. Wala ngang in
common sa atin eh. Pahiyang-pahiya na ako."

"Hndi ka naman pinapahiya nun, may dad. mahilig lang yun magtanong tska---"

"Pahiyang pahiya na ako wala ka lang kasi doon sa tabi ko kaya hindi mo alam.
Iniisip mo lang yung sarili mo, yung sakit mo tska yung Cleo mo! Ang sweet sweet
niyo pa!"

"Luma na yun Zylie!" the video.

"Kahit na..." lumalakas na yung iyak niya.

Then I noticed somebody heading inside. Dalawang babae. I know it wasn't rational
but it's the only thing I've thought of. Tinakpan ko ang bibig ni Zylie at dinala
ko sa loob ng pinakamalapit na cubicle. I can't afford to let them hear us. To let
other hear her cry.

"Ay ano ba toh!! Bakit patay ang ilaw??"

"Oo nga kakatakot pa naman ang CR na walang ilaw nasaan na ba ang switch ihing ihi
na ako."

"Baka nagtitipid ang school sa kuryente. Patayin din natin paglalabas."

Tamang-tama lang ang pag-sara ko ng cubicle sa pagbukas ng ilaw.

"Shhhh!" sabi ko kay Zylie. Magkaharap na kami ngayon. I pushed her against one of
the walls of the cubicle. Now I can see her. She's still crying.
Kung iisipin, mukha kaming tanga na nasa loob ng cubicle ng babae na ganito ang
ayos. Nakatakip pa rin ang kamay ko sa bibig niya dahil lumalakas na ang pag-iyak
niya. Kapag narinig kami ng dalawang babae dito sa loob, patay na.

"Shhhhh.. Zy..." bulong ko habang unti-unti kong binibitiawan ang pagkakatakip ng


kamay ko.

I trust you not to cry. May mga tao sa labas.

Pero hindi ko alam at sobrang masamang-masama siguro ang loob niya. Because as soon
as release my hand, papaiyak na ulit siya. And I did the most likely thing a man
can do in this situation.

I kissed her. Kissed her just before she cry.

Not just to silence her, but to make her feel I what I really feel.

And then I heard the girls leaving. Pinatay na rin nga ng mga ito ang ilaw. Kami na
lang ulit ang nandoon sa CR.

Nanginginig siya. And I know she felt what I wanted her to feel.

At alam kong parehas kami ng nararamdaman.

"Mahal kita Zylie..."

*later*

##################################

~~Chapter Forty Five- Blown~~

##################################
ZYLIE's POV

"A-ano??"

Hindi ko mapigilan yung pagngawa ko kanina. Sobrang masama yung loob ko at kanina
ko lang tuloy-tuloy na nasabi sa kanya at hindi ko alam na ganun na pala yung iyak
ko. Tapos ngayon? Parang pinatay yung gripo.

"Ulitin mo nga... yung sinabi mo..." I can't believe I can actually talk straight.
Nagaalala ako na baka isipin niya peke lang yung mga iyak ko kanina dahil biglang
tigil ako ngayon.

"What?" I can feel natatawa siya. Pinagtatawanan niya ako?

"Ulitin mo. What did you just say?"

"Alin nga yun?" He's playing with me. At ako naman gusto ko siyang paulit-ulitin.
Gusto kong makasigurado. Dahil bakit sa lahat kasi ng lugar? Bakit sa lahat ng
pagkakatain? Bakit sa loob pa ng isang cubicle niya sasabihin yun?

"I know you heard me."

"Ayaw namang ulitin, siguro hindi totoo..."

"Totoo nga sabi eh!"

"Ayan ikaw na naman ang galit! Palaging ganyan! Ako na nga ang--"

"I love you."

Nababaliw ako. Masyado niya akong binibigyan ng rollercoaster feeling. Alam mo yung
inis na inis lang ako sa kanya, tapos ngayon biglang yun yung sasabihin? Then
parang baliw na ang saya ko na bigla. Ang sakit-sakit sa dibdib.
"Uhm... C-can we go out." pagtapos ko marinig ulit, nailang naman ako. Tama talaga
ang dinig ko kanina. Hindi lang niya ako gusto, mahal niya ako? Ang tanong,
maniniwala ba ako.

"Then you're not answering..."

"A-answering?"

"Anong sagot mo..." seryoso na naman siya. Di ko alam kung pano siya nagiging ganun
kaseryoso ngayon eh panic mode na yung puso ko.

"Ayoko sumagot... Baka niloloko mo ako..." I congratulated myself inside. Nasabi ko


yun sa harap niya.

"I even entered this place to say that!"

"Bakit? Sukatan ba ng pagmamahal ang pagpasok sa CR ng mga babae?"

"Zylie I am dead serious here."

"Ako din naman."

"Sumagot ka na... Bago pa kita gahasain dito..."

"ANOOO???"

Gahasain?? OH MY GOD! Anong sinasabi niya? Dapat na ba akong matakot? Sisigaw na ba


ako? Pero sisigaw ba talaga ako para humingi ng tulong? Si Silver Jeremy ang
rapist?

"Biro lang..." Kahit papaano eh akahinga ako ng maluwag. Kahit pa panandalian ang
nagduda sa sarili ko na baka hindi ako sumigaw at humingi ng tulong kung gagawin
niya man yun. Nakakahiya.
"Akala ko ba seryoso ka?"

"Pancake, everything I said in here is true. Maliban dun sa kung hindi mo ako
sasagutin, gagasahin kita. Unless you are into that sort of thing."

"BALIW!" Baliw talaga siya. Eh 'di hindi na rin pangagahasa yun kung payag naman
pala ako. Pero bakit ba yun yung po-problemahin ko?

"Just answer me. Do you feel the same way?"

Kabadong-kabado ako. Pagkatapos kong magdrama ng ganito, bakit hindi ako makasagot?
Dahil natatakot ako na totoo nga? Na pagmamahal na nga agad ang usapan?

"So what now? You want me to take it as Silence means Yes, when you had me say it
twice."

I nod. For God's sake, I nodded. Hindi ko alam kung nakita niya.

"What did you say earlier? That you are mine but I'm not yours?"

Bale ganun nga ang sinabi ko, in-english niya nga lang. I nodded, once again.

Then he started to do something that made me crazier

"Si Silver..."

*tsup*

"...ay..."

*tsup*
"...kay pancake..."

*tsup*

"...lamang... Okay?"

WAHH. He said those things in between his kisses. Seriously, this guy knows how to
turn your knees into a marshmallow.

"C'mon. Let's go outside and share the news."

HUH?! Share the news?

"NO!!!!" Bigla kong naisip sina Yanny. Mga kaibigan ko. Siguro gusto ko rin malaman
nila. Pero pwede bang bigyan ko muna sila ng preamble ng mga pangyayari bago kami
lumabas dun at ibalita sa kanila na kami na with hugs and kisses.

"B-bakit??!!"

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo? Super crush ka nga ng kaibigan ko! Si Alyanna!"

"Crush lang eh. Dami-dami nga nila."

"Wow Mr. Humble."

"Seriously what's with it."

"Okay, bigyan mo muna ako ng pagkakataong banggitin ka sa kanila. They don't even
know we're in speaking terms!"

"Hindi mo ako nababanggit sa kanila?" he sounded offended.

"H-hindi eh... Baka kasi, hindi sila maniwala."

"Eh, pano na?" problemadong tanong niya. Cute.

"Promise, uunti-untiin ko ito." niyaya ko na siya lumabas.

"Saglit lang..." sabi na naman niya. Sinandal niya na naman ako dun sa malamig na
dingding ng cubicle.

Gosh eto na ba ang tunay na panggagahasa?

"At least give me your digits."

Oo nga pala. Paano kami nakabuo ng ganitong relasyon na hindi man lang namin alam
ang number ng isa't-isa? We exchanged numbers. Nilagyan ko lang ng simpleng S.T.
yung pangalan niya sa contacts tska namin pinroblema kung paano lalabas sa CR na
yun.

Pero swabe lang siya. As per usual. Kaswal lang na lumabas kami ng CR, Nauna siya.
Tapos ako sumunod na lang after a few seconds nung wala naman akong narinig na
sumigaw. Sabay pa nga kami umakyat. Pero walang imikan. Pero alam namin kung ano
ang nangyayari. Parang dati lang din.

"Where have you been?" tanong nila Mika at Yanny ng makapasok ako. Magsa-start na
yung second period kaya sobrang tagal pala namin dun sa CR. Napangiti na lang ako.

"How can you miss the love of your life Zylie?" bulong ni Yanny. Bago yun,
bumubulong siya.

"W-wala" di ako makasagot ng mahusay. Hanggang sa nagvibrate yung phone ko.


|From: S.T.|

Recess... Sa may Pool.

Nagtext agad siya? Para akong bulate na inaasinan. Kinikilig ako sa simpleng text
na yun? Pero pinipigilan ko dahil nakapaligid lang ang mga ninja kong friends.

|Ha??? Bakit? Sige|

Binura ko. Bakit ba concious ako kung tama o mali yung itataype ko?

|Ano? Anong gagawin natin doon?|

Psh! Delete.... Ampanget. Kaasar.

|Okay <3|

SEND

Takte may paheart-heart pa ako?

WAH! Cancel Cancel!!! Bakit nilagyan ko ng heart???

MESSAGE SENT

My Life is Doomed.

Dibale na nga....

Nagvibrate yung phone ko ulit. Sa sobrang taranta ko nalaglag yung phone.


"Oy! Zy text ka ng text diyan! Nagiging delingkwente ka na ha. Di ka na pumapasok,
lagi ka pang nagtetext sa klase..."

Balik ako sa phone.

|From : S.T.|

<3

Waaaaaaaaaaaah!!!!! Hahaha! Muka akong tanga. Corny nga ng reply at hindi ko


akalaing nagtetext si SIlver ng hearts pero di na maalis ngiti ko.

Di ko na nahintay talaga yung recess. Nauna pa talaga ako sa bell. Feeling


delinquent student na talaga. As usual pag-daan ko sa kwarto nila Silver, wala na
agad. Nauna na naman sila mag-recess. Nandoon na yun. Sa may pool!

Nilampasan ko yung canteen. Kahit medyo gutom na si tummy. Para di ko masyado


binilisan lakad nung nasa may pool side na. Kasi, baka mahalata at sabihin excited
masyado haha.

"Nasaan yun?" wala naman kasi, deserted ang pool side. Naglakad tuloy ako kasi baka
bumili nga naman siya muna ng food.

"AY!" May humila sa akin. Syempre alam na. Ang hilig hilig talaga niya manghila
since day one. Kala niya nakakatuwa.

Fine minsan nakakatuwa. Dramatic.

"Bitiwan mo ako." medyo mahigpit kasi pagkakahawak niya. Pero nakangiti ako, parang
baliw lang.

"Before I do that..." turo niya sa labi niya. Nakakabaliw talaga! Nagpapahalik ang
mokong.

"Tumahimik ka..."
"Tatahimik talaga ako."

Nakakatawa. Pero it's like magnet. I leaned over.

*Tsssuuuuuuuuuuup*

"Okay na? What do you need? Bakit mo ako pinapunta dito?

"Um, wala lang."

ADIK! Yun lang? Magpapahalik lang pala. Manyak pala ang boyfriend ko. Okay, did I
just acknowledge him as my boyfriend. Kinikilig ang kaluluwa ko.

"Yun lang pala... Tsk..."

"Bye...." Sabi niya, umupo na naman siya doon.

"Di ka kakain?" concerned na naman ako.

"Busog na ako..." tapos hinahaplos niya yung labi niya. "Binusog mo ako eh."

"ADIK KA TALAGA!!"

"Bye. May makakita pa sa'yo."


Right. Ako naman may gusto nito hindi ba?

"Bye." papalayo na ako.

"Love you..."

OMG. Say it. Say it Zylie.

Ang hirap utusan ng sarili. Kasi unang-una, hindi mo naman dapat gagawin yun kung
gusto mo talaga.

At gusto ko naman diba?

Hinga ng malalim...

...........................

.................

.............

.......

.....

..
"... WABSHOO TOO..."

Okay. Anong nangyari sa dila ko.

"Ano?"

"lab.."

WAAAAH. Super nakakahiya. Pero kasabay ng naghuhumiyaw kong utak, may impit na tili
akong narinig.

May tumili.

"Mika???!!" Oh My God.

"Zy... Anong ibig sabihin nun??" Si Mikaela!! Nakatayo sa may entrance. Nakita niya
ba? Narinig niya ba?

"Si Yanny?!?! Kasama mo ba si Yanny??! Nandito ba siya??!?! Bakit ka nandito?!"


sunud-sunod na yung tanong ko.

"W-wala... Wala si Yanny. Nasa table... Zylie... Anong nangyayari??"

Gusto kong mahimatay.

*later*

##################################
~~Chapter Forty Six- The Obvious~~

##################################

ZYLIE's POV

Patay na ako.

Kakasabi lang eh. Magpapasabi muna ako sa kanila bago nila ako mahuli ng ganito. Eh
anong nangyari? Bakit nakasunod si Mika sa akin dito?

"M-mika... Anong ginagawa mo dito?!"

Silver help! Bakit kalmado ka lang diyan?! Bakit hindi mo ako tinutulungan?

"Sinundan kita! Malamang!"

"Eh bakit mo naman ako sinundan? Eh bat nagpaiwan si Alyanna?"

"Kasi nga, nawala ka na lang! Palagi ka na lang nawawala, eh nakita kaya kanina ni
Yanny yung cellphone mo!" Hinila ko siya palayo ng kaunti kay Silver na wala naman
yata kong balak tulungan.

Kabadong-kabado na talaga ako.

"Nakita niya? Nakita pala ni Alyanna? Eh di alam niya na ngayon na ano... na kausap
ko ngayon si Silver? Na... kami ni Silver ay..."

"Hindi! Akala niya... Yung S.T. sa phone mo... ay si Sir Terrence. Yun nga rin ang
akala ko eh. Kaya sinundan kita."

"SIR TERRENCE????" Di ko alam kung makakahinga ba ako ng maluwag! S.T.? Sir


Terrence? Talagang papaniwalaan nila ang Muling Ibalik ang Pag-ibig
"Oo! Sino pa ba? Kahit sinong makakita nun, hindi maiko-connect si Silver Torres sa
mga pangyayari. God, katapusan na ba ng mundo?"

"NAPAKASAMA MO? Anong katapusan ng mundo??!!" Grabe! Imposible bang mangyari


yung... KAMI=SILVER+ZYLIE?? Kung mapapagreact naman itong si Mikaela!

"Biro lang Zy!" biglang bawi siya. "Medyo lang."

"Nahurt ako!" grabe. Pero medyo nakahinga na ako ng maluwag. Alam na ni Mika!

"May utang ka sa akin na explanation. Napakarami kong nakita ngayong araw na


ito..."

"A-ano bang nakita mo?!" I need to know. Para alam ko ang damage control na gagawin
ko.

"Uhhhmm..." Lumayo pa siya ng kaunti eh.

"ANO?" lalo tuloy akong naging anxious.

"Yung..." ngumuso siya. "Ganun niyo. My virgin eyes." kunwa'y tinakpan niya pa ang
mga mata niya.

"Virgin eyes! B-bakit? Hindi ba kayo naggaganun ni Jupiter?"

"Boyfriend ko yun Zy. Kayo ni Silver... biglang-bigla ako. Kayo na ba talaga ni


Silver.

I sighed. Alam kong alam niya na.

"MIKA!!! PLEASE!!! WAG MO MUNANG SABIHIN KAY YANNY!" luluhod na sana ako. Pero
lumapit si Silver... Naconscious naman ako.
"N-nagutom ka nuh? Nagugutom ka ba?" tanong ko dito.

Umiling siya. Nakatingin lang sa'kin si Mika.

"Baka ikaw. Eat up. Fatten your cheeks more." Ang sama talaga nito ni Silver.
Palaging na lang pinagtitripan yung pisngi ko.

"Baliw ka talaga."

"Uhm excuse me, I'm here." singit ni Mika. "Excuse me lang talaga guys ah. Paano
naging... kayo? No offense meant."

"None taken." sagot ni Silver at lumapit sa'kin. Hinawakan pa ako sa bewang. Naka-
concious.

"Excuse me. May sasagot ba sa'kin here?"

"Pancake kase siya." Sagot ni Silver.

"Ha?"sagot ni Mika.

"Pasensya na Mika, medyo hindi siya marunong makipagcommunicate ng maayos dah--"

"Bilog kasi siya. Tska mataba. Tska lahat ng kinakain napupunta sa pisngi. Isang
nabubuhay na siopao. KYOT."

Nakakaloka!

"ANG GULO NIYO AH!!! KAYO BA TALAGA?!!" naasar na si Mika.

Gusto ko siyang sagutin na oo, magulo talaga kami. Kung alam niya lang kung ano ng
pinagdaanan ko sa kanya sa sobrang gulo niya.

Maya-maya may sumisigaw sa likod.

"Anong 'kayo ba talaga'?" tanong ni Yanny. "Sino??"

"Yanny?

"FRIENDS BAKIT NAPAKATAGAL NIYO NAMAN NAUBOS KO NA YUNG--" Si Alyanna. Dumating


siya.

"H-hi Silver."

Hindi pala narealize ni Yanny na kasama namin si Silver nung paparating siya.

"Yans... Tara kain na tayo!!!" kabado na ako.

"Teka, sino ba yung pinaguusapan niyong 'kayo na'? Sino bang may relasyon?

"Obvious ba?" sagot ni Silver.

*later*

##################################

~~Chapter Forty Seven- Misreckoning~~

##################################

SILVER's POV

Kanina niya pa ako tinitignan. Si Zylieng bilog. Pati mata niya namimilog. Kyot.
Pero, I just don't understand. Bakit pa kasi ayaw niya sabihin? Mamamatay ba yung
kaibigan niya pag nalaman niyang girlfriend ko siya? Is this some kind of a thing
with girls?

"Anong obvious?" tanong ni Yanny.

Well, that just means hindi obvious. Hindi na rin ako nagtaka. Tama naman si Zy.
Nobody ever sees us together except our families. It's like we are secrely dating
pero ang totoo nagkakatoon lang naman.

"W-wala.... Tara na kasi Yanny..." pagpupumilit niyasa kaibigan niya.

"Hindi may narinig talaga ako eh. Sinong sila na?"

Naghihilahan na sila palabas dito. Their other friend, Mikaela became really
uneasy. Like she's torn between keeping what she saw, and telling the other about
it.

"Ano ba kasi yun Zy? Sino ba yung mag-on? Bakit ba kayo nagtatago ng secret sa
akin?" nagpumilit si Alyanna.

Kung nakakamatay lang ang titig, maybe I'm double dead, or worse. Kahina pa ako
tinititigan ni Zylie, giving deadly stares with flying stabs telling me to keep
quiet.

"WALA!!" para na siyang puputok na lobo.

"So ano na... B-baka naman ikaw S-silver..." nahihiyang humarap yung Yanny sa akin.
"Baka ikaw yun? M-may girlfriend ka na?" I don't know how Alyanna can say that.
We're not even close. I haven't even talked to her ever since I can remember. "At
bakit mo kausap yung mga kaibigan ko?"

I almost nodded. Pero sumingit si Zylie.

"AKO! Ako nga yun! Tama ka. Yung S.T. na nakita mo. Sir Terrence nga ang ibig
sabihin nun sa cellphone ko. Siya yung ka-text ko."
Mabilis naman umoo si Mikaela.

What is this? Magkatext ba sila talaga? Or is it all part of the act? Pati ako
hindi na rin alam kung ano ang totoo?

"Sabi ko na eh!" P-pero.. bakit nandiyan si Silver?" tanong ni Yany habang hinihila
siya.

"Wala lang yan... Hwag mo intindihin! TARA NA KASEE!" sagot ni Zylie habang
pinipilit pa rin na hilahin si Yanny. "Halika na nga Mika!!" sigaw niya pa sa isa
niya pang kaibigan.

Wala lang daw ako?

"Pancake sabihin mo na na---"

"KAMI NA NI TERRENCE!!!" sigaw niya. "KAMI NA ULIT? OKAY NA???"

It's like a bucket of cold water. Why does she have to say that? That she needs to
deny our prefectly normal relationship at ipagsigawan na sila ng isang teacher?
This is getting so fvcked up. I already said sorry. If she was hurt, sobra naman
yung ganito. Right in my face.

"Napadaan lang si Silver..." sabi nung Mikaela habang itinutulak si Yanny pasunod
sa pinuntahan ni Zylie."

Tumingin din sa akin si Mikaela. Felt sorry for me? Why?

After a few minutes. Sumunod na lang ako sa canteen. I just can't sit like that.
"Zylie Zylie Hintayin mo naman kami!!! Explain explain!!!" habol nung dalawa kay
Zylie. Napansin niya ba na sumunod ako? Tuloy-tuloy pa rin si Zylie sa paglakad.
Pumila siya sa bilihan ng doughnut, kasunod yung dalawa niyang kaibigan.

I followed. Hindi pala nila alam na kasunod din ako. Because they're talking really
loud. At hindi umiiwas si Zylie kahit na nasa dulo rin ako ng pila.

"WOI Zyla! Make kwento!!" masiglang sabi ni Yanny

"Shh... Hayaan mo muna si Zylie."

"ISA NGANG DOUHGNUT MANANG!! " narinig kong sigaw ni Zylie. Mainit yata ulo? Di
niya pinapansin yung dalawa. Bakit? Galit ba siya? Siya pa nagalit?

"Anong donut??" nagulat yata yung manang na nagbabasa ng dyaryo. Napatayo at kinuha
ang thong.

"ahhh...." Nagisip pa siya.

Habang nagiisip siya ng pipiliin niyang flavor ng doughnut, kahit feeling ko


pareparehas lang naman yung lasa ng mga tinda doon. Marami pang pumila. Sobrang
madami ng tao sa likod ko.

"Ikaw na.. Ikaw na..."

"Ikaw na kasi..."

"Sige ka pag nauna ako, wala ka na..."

"Sige ako na nga!!"

"Wala na sabi mo ako na eh.."


Napakamot na lang ako sa gulo ng mga nasa likod ko. Ano ba kasi ang pinapagunahan
nila?

"Ahh... Silver!!"

"SILVER!!!!"

Lakas ng boses nila. Napalingon tuloy sina Zylie sa akin. Iba-iba tuloy yung
reaksyon nila. Pati yung manang na nagtitinda ng doughtnut napatanga kasi ang ingay
nga nung mga babae.

"Pwedeng..."

"WAH! AKO! Pwede bang maging-"

"SILVER PLEASE MAY PARTNER KA NA BA SA CHRISTMAS BALL???"

Christmas ball? Nga pala. May Christmas Ball kami. Dagdag gastusin pa. Kelan na nga
ba ulit yun? Nawala na sa kalendaryo ko. Lahat ng juniors at seniors ay kasali sa
Christmas ball. Bukod pa ito sa JS prom na mangyayari sa Valentines.

"Hala Zylie... Ibig sabihin, sa ball partner kayo ni Si-" tinakpan na ni Mikaela
yung bibig ni Yanny bago pa nya maituloy ang sasabihin. Akala ni Mika napagusapan
na namin ni Zy ang Christmas ball? Pero hindi pa talaga. Hindi ko pa nga yun naisip
eh.

"Ano Silver... Kasi... Kung wala ka pang partner... Baka naman pwede kang maging
escort ko...." Di makatinging sabi nung isang babae na sa totoo lang ay di ko
kilala. Di ko nga matandaan kung ka-yearlevel ko sila eh. Baka nga 4th year na siya
dahil hindi pamilyar.

"Ako Silver... Ako naman talaga naka-isip na imbitahan ka eh... May partner ka na
ba?"

Partner? Di muna tinanong kung aattend ba ako o hindi. Katulad ngayong itinatanggi
ako ng bilog na yun. Ayaw ko talaga umattend. Pero naisip kong kung aattend si
Zylie. Gusto ko siya makitang all made up.

"Meron na..."

Bumagsak yung mga balikat nila. Tapos tumingin ako kay Zylie. Na hindi pa rin
nakakabili ng doughnut hanggang ngayon. Nagulat pa siya na nakatingin ako.

"M-may partner na din ako! Kilala mo na Yanny kung sino yun." sabi niya kay Yanny!
Nag-iwas siya ng tingin. Anong pinapalabas niya? Partner sila ni Terrence? Pwede ba
yun? Student tapos teacher ang escort? "KAHIT ANONG FLAVOR MANANG! NG MAKAALIS NA!"
sigaw niya naman dun sa nagtitinda ng doughnut

"Ah Jeremy..." di ko napansin na may papalapit na pala. Si Bettina, ma hawak-hawak


na mga papel. Masyado ko kasing tinitignan maigi si Zylie dahil di ko siya
maintindihan. Nagulat na lang ako kasi Jeremy yung tawag niya. Kala ko tuloy kung
sino.

"Mm?"

"Buti nakita kita! Yung tungkol kasi sa-"

"Uyy.. Silver... Pretty pretty please.. puchi puchi pooooo! Baka nagkukunwari ka
lang na may partner ka na!" at tuloy-tuloy pa rin yung mga babaeng nagaaya sa ball.
Nagulat yata si Bettina dahil ang weird nung mga babae.
"ETO PO ANG BAYAD!!!" sigaw naman ni Zylie. "TARA NA NGA!!"

I am seriously pissed off.

"OO! Buti nga dumating ka!" sabi ko kay Bettina tapos parang nagtaka siya.

"Are you expecting me?" di makapaniwalang bulong niya.

I pulled her close. If this is about acting. Let's see about this act.

"Sorry. I already asked her out." I let Bettina face the girls. And my voice loud
enough for Zylie can hear. Ang gulo na kasi. I told the girls na may partner na ako
with the intention of telling them it is Zylie. Pero nung halos itanggi niya na
ako, hindi ko pwedeng bawiin ko at sabihing wala naman talaga ako partner.

On my peripheral vision, I saw Zylie stopped.

Sorry. But I'm this mad.

*later*

##################################

~~Chapter Forty Eight- Donuts, Lockers, and Bags~~

##################################

ZYLIE's POV

Suddenly, I'm not intrested in my donut. Hindi ko na nga yun nagalaw eh. Nakarating
na nga ulit kami sa room, pero nasa kaliwang kamay ko pa rin ito. Nalamutak ko na.
You can't even recognize na donut pala ito.
"Ikaw kasi eh..." bulong na naman ni Mika. Alam ko naman yung ibig niyang sabihin
eh. Yung sa nangyari kaninang recess. Ako nga siguro yung may kasalanan. Kung anu-
anong kasinungalingan yung pinagsasasabi ko para lang kay Yanny. Sa sobrang
katarantahan ko, sinabi ko nang kami na ulit ni Terrence. Ano ba namang gusot to!
Kasalanan ko kaya anong gagawin ko? Wala akong karapatang magalit.

"Di ko kasi alam yung gagawin ko eh. Naiintindihan mo naman ako Mika diba? Ikaw nga
nagulat eh, si Yanny pa kaya?"

"Pero Zy, hindi maitatama ng isang kasinungalingan ang isa pang kasinungalingan.
Hindi yan katulad ng algebra na por que parehas negative eh magiging positive.
Hindi. Lalo lang magiging magulo kapag patuloy ka lang magsisinungaling."

"Eh kasi... si Alyanna... Alam mo naman kung gaano niya kagusto si--"

"Zy! Wala ka bang tiwala kay Alyanna? Tingin mo ba magagalit talaga siya sa'yo at
uunahin niya yung pagkacrush niya kay Silver kesa sa pagmamahal niya sa'yo?

Lalo akong nakonsensya. Maling-mali talaga ako.

"S-sorry!! Ano nang gagawin ko nito!?"

"Hwag mo nang alalahanin si Yans, sa tingin ko, may mas mabigat ka pang
problema..."

Si Silver.

"OH YEAH!" masiglang sabi ni Yanny pag pasok sa classroom. Mabuti na lang at nag-CR
muna siya at nakapagusap pa kami ni Mika ng ganito. "A-anong nangyari sa inyo? Para
namang may namatayan kayo diyan."

"Eh kasi..." sabi ni Mikaela "Wala pa talagang partner si Zylie."

"Ha?? Eh diba kanina kasasabi mo lang nung bumibili tayong doughnut, na may partner
ka na? Si Sir diba?"
"Ahh.. Eh.. Kasi nga... ano... bawal yun diba? C'mon Yans, pwede ba yun? Student-
teacher?" salo ni Mika.

Si Mika na lang ang nagsasalita. Ang sama talaga ng loob ko.

"Uhmm.. Sabagay. Issue yun pag nagkataon. Tska doon siya uupo kasama ang mga
teachers. Wala naman akong nabalitaang teacher na nagsayaw ng estudyante. Pero
malay mo naman Zy, lalo pa ngayon na kayo na ulit." hininaan pa ni Yanny yung boses
niya. Lalo tuloy akong nakonsensya sa pagsisinungaling ko. "Okay lang yan. Ako nga
eh, nangangarap na maging escort si Silver, pero may partner na pala siya. Tsss
Okay lang yun. Di naman talaga ako kilala nun. Buti nga kayong dalawa ang gwapo ng
boyfriends niyo, gwapo si Jupiter, gwapo si Sir.. Hayyy Ako single at walang
gwapong papa."

Hinawakan ni Mika yung balikat ko kasi alam niya yung nararamdaman ko habang
sinasabi yun ni Yanny. Ahh!! Nakakainis ang feeling.

"Yanny naman eh..." sabi ni Mika. "Okay lang yan."

"Hahaha! Ano ba! Wag kayong malungkot para sa akin. Ang tatanda ng boypren niyo
nuh. Hindi ko type."

"AH GANON?!"

"Basta ako, mangangarap na lang kay Silver. At least magka-age kami. May pag-asa pa
rin ako hangga't hindi nagiging official na sila ni Bettina. Hindi ako mawawalan ng
pag-asa."

Lalo tuloy akong naging uneasy buong araw. Hanggang lunch. Kasi naman, makikita ko
na naman si Silver. Ayaw ko na nga sana lumabas sa canteen pero baka lalo akong
mahalata ni Yanny. Maayos kaya ito kung lalabas ako?

Dahil nauna si Yanny, siya na naman yung pumili ng upuan. Syempre, dun na naman
yung pinili niya. Sa malapit kay Silver as usual. Ang hirap-hirap.
"Swerte!! Bakante pa dito!! Bibili muna ako ha! Bantayan niyo yang table!" sabi ni
Yanny. Nakita kong tumingin muna siya kay Silver bago tumakbo at bumili ng lunch.

"Bili ka na Zy, Ako na magbabantay muna." Sabi naman ni Mika.

"Hindi sige, bili ka na, sayang naman tong doughnut." Itinaas ko sa mukha niya yung
plastic ng binili kong doughnut kanina. Alam ko namang hindi ko na yun makakain eh,
pero wala na rin akong gana para bumili pa ng pang-lunch.

Nung umalis na si Mikaela, bigla tuloy gusto kong magsisi na nagpaiwan ako. Kasi
mula sa kinauupuan ko, natatanaw ko si Silver. Tapos ang dami niya na namang
katabi. Mga classmates niya. Nakatalikod siya at syempre yung nasa dalawang tabi
niya mga babae. Si Carly yung isa, tapos yung isang babaeng maikli yung buhok, di
ko kilala. Nakatingin lang ako sa likod niya, na hindi ko namamalayan na
nalalamutak ko na naman yung doughnut.

"Hindi niya naman sinabi na partner pala kayo!! Kayo talagang dalawa baka may
namamagitan na sa inyo ha!!" narinig kong sabi ni Carly

Tska ko lang napansin na nasa tapat pala ni Silver ay si Bettina. Kaya pala hindi
niya katabi. Magkatapat sila. Just like a date.

"Wala ano ka ba..." sagot ni Bettina. Tapos nagblush siya. Bigla tuloy ako nag-iwas
nag tingin. Bigla kasi siyang tumingin sa akin. Kanina pa ba niya ako nakikita na
nakatingin kay Silver?

Nakatalikod kasi si Silver sa akin at ang view ni Bettina ay paharap sa akin.

"Baka ligawan na ang susunod diyan ah!" sabi nung isang lalaki na classmates nila.
Tapos nag-asaran na sila ng asaran. Yung ibang mga katabi ni Silver, tinutulak
naman siya at hinahampas pa paminsan. Di ko man nakikita yung reaction ni Silver,
feeling ko ang saya-saya niya. Kasi nakipag high-five pa siya dun sa isang lalaking
maingay eh.

"Dapat nga yayayin ko si Bettina, naunahan lang ako nitong si Silver eh." Sabi pa
ulit nung isang lalaki.
"Mabagal ka kasi." Sagot ni Silver Talaga bang yayayain niya si Bettina??? Hindi ba
nagpapaselos lang siya?

"Dibale Carly, pwede ba partner kita?"

"Oo naman!!"

"Ayeeee!!"Nag-asaran na naman sila. Ingay sa table nila eh. Lahat sila masaya. Eh
di sila na ang may mga partner! Samantalang ako wala. Pulubi. Sinungaling kasi ako.

"Okay na ako... Bili ka na ng food mo..." sa wakas dumatin na rin si Mika. Nauna pa
siya bumalik kesa kay Yanny?

"Di... diba kakainin ko na tong doughnut." Kinagat ko yung doughnut na di na


maintindihan ang itsura. Gustong masuka ni Mikaela ng makitang kinakain ko pa yung
pagkaing pwede ng pumasa na kaning baboy.

"Ah.. May nagyaya kasi sa kanya dun sa pilahan para maging partner, nag-uusap pa
sila ngayon."

Great. Lahat na sila may partner. Karma ko 'to eh. Hindi bale, si Mikaela wala yang
partner. Wala naman si Jupiter dito eh.

"Tayo na lang walang partner nuh Mika?" naghahanap pa talaga ako ng karamay eh.

"Ah... Meron na ako eh..." tahimik niyang sagot sabay subo ng kanin.

"Meron ka na??? Sino?? Wala naman akong natatandaang nagyaya sayo ah!"

"Ha? Eh palagi ka namang absent haha! Si Lionell, 4th year na, yung kaibigan ni
boyfie... Pinagbilin yata ako ni Jupiter sa kanya!" Tapos ayun nagblush din siya.
Buti pa siya wala dito ang bf niya, may partner na naman siya. At ipinagbilin pa
siya. Samantalang ako, ang hirap lang ng buhay.

"Wag na nga lang ako umattend..."

"OY ZYLIE!! HINDI PWEDENG HINDI KA AATTEND NG CHRISTMASS BALL!! HINDING HINDI
PWEDE!!" lakas ng boses ni Mika napatingin tuloy yung ilang katabing table!
Kabilang na yung kahabaan ng table nila Silver.

Tumingin ako kay Silver. Kakahiya naman. Kanina, lakas lang ng loob ko na na
sumigaw na may partner na ako. Tapos ngayon, napapaghalataang ayoko na umattend ng
ball. Tinignan niya ako nung lumingon siya, pero bumalik na lang ulit siya sa
pagkain.

"Yess may partner na akooooooo!!! Kileeeeg!!!" bumalik na si Yanny sa table. "Di


man siya kasing wafu nun." nginuso niya si Silver "pwede na rin, basta may
partner!!"

Inabot-abot ang badtrip ko hanggang uwian. Minalas pa dahil sumabit yung palda ko
dun sa pako na nakausli sa kanto ng room. Umupo kasi ako doon sa sulok ng classroom
habang nagsasaya at kinikilig yung mga classmates ko sa mga partners nila. Di ko
naman alam na may pako, nasugatan pa yata ako. Kainis. Ang malas lang, kasi hindi
lang nabutas, kundi napilas yung palda ko sa tagiliran. Buti na lang uwiaan na at
kaya naman siguro gawan ng paraan. Lagot na lang ako kay mama.

"Tara na Zy!! Magpupunta pa kami sa rentahan ng gown eh! Naku excited na talaga
ako!!! Sana isayaw ako ni crush!!" sabi ni Yanny. Madaling madali na siya.

"Punta muna akong locker room, pasama naman! Magpapalit ako ng P.E. Uniform bago
ako umuwi. Napunit oh." Ipinakita ko yung napunit kong palda. Palagi ko na lang
nagiging saklolo ang PE uniform sa locker room. Palagi kasing may nangyayari sa
school uniform ko eh.

"Nu na naman nangyari sayo?"

"Nasabit sa pako dun sa kanto eh.."

"Nasugatan ka ba??"
"Yata, meron yatang gasgas, mamaya ko na titignan."

"Okay lang bang mauna na ako??" paalam ni Yanny. Nagmamadali na talaga siya.
Syempre um-oo na lang ako. Nagmamadali at excited siya eh. Dumeretso kami ni Mika
papaunta sa locker room.

"Hi Zylie..." may nagsalitang lalaki.

Waw... In fairness hindi ko naman nakilala. Si Buknoy pala. Sumabay sa amin sa


paglalakad at pormang porma. Hindi siya aligagang-aligaga ngayon ah. Naalala ko na
naman nung nabugahan ko siya ng ice cream, at iniwan sa icecream parlor. Naguilty
na naman ako, pero mukhang maayos na siya ngayon. Pati ang porma.

"O musta??" sabi ko na lang, habang hinahawakan yung laylayan ng palda ko. Kasi nga
punit at baka makitaan ako kahit may short naman ako na panloob.

"Hi Bukkie!!" binigyan pa siy ani Mika ng nickname, Bukkie.

"Hello... Bernard na lang kasi please. " nginitian niya si Mikaela. "Ah... May
partner ka na ba sa Christmas ball?" medyo nakakapanibago si Buknoy ngayon ah.
Hindi masyado mukhang eng-eng. Maayos-ayos talaga. Parang nagaral ng isang linggo
sa John Robert Powers ng personality development, hindi kaya?

"Wala!! Wala pa siyang partner!!" sabat ng magaling kong kaibigan. Halos


ipagtulakan na ako na eto na ang sagot sa mga problema ng isang desperadang katulad
ko.

"Ahh..." di ko alam isasagot ko. Balak ko kasi, hwag na lang talaga umattend habang
hindi nasosolve yung problema ko, kaso parang gusto ko namang bumawi kahit na
papaano kay Buknoy, mukha namang harmless na siya ngayon. Haha.

"Kung wala ka pa namang partner bakit kelangan mo pang pag-isipan?"

"Ano... Teka ha papalit muna ako ng jogging pants punit oh..." pinagiisipan ko pa
kasi. Sumunod tuloy siya sa amin sa kahabaan ng locker room.
Tapos nakita ko si Silver. Magkatabi nga pala kami ng locker. At ang nakakaasar
kasama niya yung si Bettina. Di ko alam kung lalapit na ba ako o hihintayin ko pa
siyang matapos magayos ng locker niya. Nagpalit kasi siya ng jersey, may laro yata
sila ngayon.

"Zylie..." bati ni Mika. Na-stuck in time na pala ako sa pagtitig kina Silver dun
sa may locker namin. Kasi naman si Bettina, may hawak pang face towel. Siya ba ang
magpupunas ng pawis ni Silver mamaya habang naglalaro ito? Ganun na ba sila ka-
close?

"Ano na Zylie?" sabi na naman ni Buknoy.

"SABI NG WAIT LANG DIBA? DIBA MAGPAPALIT NGA LANG NG UNIFORM DIBA?!?!? BAT DI KA
MAKAPAGHINTAY!?!?! ATAT?? AHHHHH NAKAKAINIIIIIS!!!!!!"

Hala, sumigaw ako ng ganoon? Pati ako nagulat sa sarili ko. Parang nasaktan naman
si Buknoy sa pagsigaw ko. Tapos napatingin pa lalo sina Silver at Bettina sa amin.
Si Mika naman parang hindi alam ang gagawin. Siya lang naman nakakaintindi sa mga
pinaggagagawa ko ngayon.

"S-sorry.." sabi ni Buknoy, Awww. Ayan naawa na naman ako.

"Nung problema?" sabi ni Bettina habang lumalapit. Isa pa to eh. Sumunod tuloy si
Silver sa kanya... Si Silver ko na naging kanya na... Tska ko lang napansin na
dala-dala pala ni Silver yung bag ni Bettina.

"W-wala..." umiling lang ako. Bigat ng dibdib ko. Kagagawan ko to sinabi ko na lang
sa sarili ko.

"Akala ko kung ano na eh... Tara na Jeremy..." naglakad na siya palabas sa locker
room. Jeremy talaga ang tawag?

"Ge, una ka na, may nakalimutan ako." Sabi ni Silver.

May nakaimutan daw siya? Bumalik nga siya sa locker. Lalo tuloy akong naguluhan
kung ano nang gagawin. Halos itulak na nga ako ni Mika papunta sa locker ko na
katabi lang ng kay Silver at hinila niya sa labas si Buknoy. Kami na lang ulit ni
Silver ang nasa may parteng yun ng locker room.
Kinuha ko yung PE uniform ko ng mabilis na mabilis. Ang hirap talaga ng ganun si
Silver. Katabi ko tapos parang hindi ako kilala. Pero binagalan ko bigla ang
pagaayos. Naiiisip ko na nagpaiwan siya kay Bettina dahil baka kausapin niya ako.
Kaya hinintay ko na magsalita siya, na bumulong siya. Kahit sabihin lang niya na
galit siya. Dalawa na lang din naman kami dito sa may parte ng mahabang locker
room.

Pero hindi.

Natapos na ang pagaayos niya lahat-lahat. Hanggang sa dinig na dinig ko yung


pagsara ng locker niya. Yung hampas ng hangin sa likod ko nung dumaan siya.
Nabitiwan ko pa nga yung pagkakahawak ko sa napilas kong palda. Di ko na matiis eh.
Tutal wala naman ng ibang tao. At wala rin naman si Yanny para sa pagpapanggap.

"AYOS ANG PAGDADALA NATIN SA BAG NG GIRLFRIEND AH!"

Di ko na kasi natiis.

*later*

##################################

~~Chapter Forty Nine- Rebound~~

##################################

ZYLIE's POV

Ang sakit na rin ng mata ko nung sumigaw ako? Bakit parang nahihilam na ako.
Nasobrahan ba yung pagsigaw ko at pati mata ko sumasakit na? O sadyang naiiyak na
ako? Hindi pwede... Hindi ako pwedeng umiyak na lang. Ako ang may kasalanan.

"Ha?" Tumigil naman si Silver. Pero hindi siya humarap. Lumingon lang siya ng
kaunti pero hindi para tignan ako. Parang itinapat niya lang sa akin yung tenga
niya. Ganun niya ako kagustong kausapin. Hindi niya ba narinig yung sinabi ko eh
ang lakas-lakas na nga! Kainis!! Ang init-init na ng pakiramdam ko sa mukha ko.
"Ang sabi ko po ang gentleman mo naman po sa girlfriend mo!!" punung-puno ng
sarcasam na sumbat ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi talaga siya nakita, na nagdala
ng bag. Bag pa ni Bettina. Bakit ganun? Parang gusto ko lang magwala dito. Kung
pwede lang ituloy ko ang pagpunit sa palda ko sa sobrang inis sa oras na ito,
ginawa ko na.

Kung hindi lang ako naging bato dito sa kinatatayuan ko eh.

"Girlfriend ko? Sino bang girlfriend ko?" mahinang sagot niya habang nakalingon
lang pa rin.

I know. Ibinabalik niya sa'kin ang tanong. Ipinapamukha niyang ako naman talaga ang
tumatanggi.

"Hin.." namumuo na yung laway sa lalamunan ko. Hindi na ako makalunok at hindi na
rin makapagsalita "H-hindi ko alam sayo." Talo na ako. Mukha na akong tanga na
nagagalit at naiinis sa kanya. Kahit alam ko naman na ako ang may kasalanan. Parang
naiiyak na ako. Bakit ba ang tanga ko?

"Hindi mo alam?" nakita ko sa nahihilam kong mata na humarap siya. Ang sakit na ng
dibdib ko sobra na parang gusto ko ng tumakbo palabas. Pero merong parte ng utak ko
na naghihintay na gustong lumapit siya at maintindihan yung katangahang ginawa ko
kanina.

"S-so... Partner na talaga kayo?" pinilit ko pa ring magsaita kahit ang sikip na ng
nararamdaman ko at sa pinipigilan kong pumikit kasi, feeling ko pag napapikit ako
tumulo yung luha na namumuo sa mga mata ko. Ayoko sanang makita niya na para akong
baliw. Naiinis ako sa kanya. Pero mas naiinis ako sa sarili ko at sa pinaggagagawa
ko.

"You heard it right..."

Para akong sinampal. Yung tono ng sagot niya parang sinasabing Magdusa ka gusto mo
yan diba? Ang sakit pala? Bakit naman ganito siya gumanti? Hindi ba pwedeng
kinausap niya na lang ako ulit? O kaya sana nagalit na lang siya ng nagalit. Hindi
yung ganitong kahit kaming dalawa na lang, seryoso pa rin siya dun kay Bettina.

Kaya ko nga siya iniwan na lang doon sa may pool at hindi ko naman alam na sumunod
siya. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari. Itetext ko pa naman sana siya
pagkatapos nun na pagpasensyahan na ang kasinungalingan ko. Pero hindi na.
Nakahanap na agad siya ng iba? Wala lang ba talaga yung mga nangyari sa amin?
"uh... ahhokay..." di ko alam kung narinig niya pa yun sa sobrang hina ng
pagkakasabi.

Ang totoo marami pa talaga akong gustong sabhihn. Pero parang ayaw na naman niya.
Hindi naman siya willing para dito. Ano pa bang gagawin ko sa panahong ganito?
Kasalanan ko naman eh. Akala ko lang kasi talaga, maiintindihan niya yung kay
Yanny. Hindi ko naman alam na hindi pala ganun katibay kung ano man yung meron
kami. Parang wala lang pala yun...

Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na siya? Hindi ko siya napansing gumalaw
mula sa pagkakalingon niya kanina. Anong gagawin niya? Magbabago na yung isip niya?
Naiintindihan niya na ba ako ngayon. Sasabihin niya ba na biro lang lahat yun?

"Kamay." Yun lang ang sabi niya habang ibinubuka yung mga daliri ko sa pagkakasara.
Akala ko hahawakan niya ito pero hindi. Kinuha niya lang yung laylayan ng palda ko
na napilas at nilagay ulit sa kamay ko. Nakikitaan na pala ako dahil nabitawan ko
yung palda kanina. Nung tumalikod siya, hindi na ako makahinga. Bakit naiiyak na
ako ng ganito. Ang hirap pigilan.o pinapansin ng ganito, mababaliw na ako.

"H-hindi ko naman sinasadya kanina eh.." habol ko habang napapasigok. Pinipigilan


ko pa rin kasing mapaiyak. Ayun. Buti naman tumigil siya. Kasi kung magtutuloy-
tuloy lang siya sa paglalakad at hindi ako papansinin. Baka mamatay na ako sa
kinatatayuan ko. Seryoso. Tapos nun. Humarap lang siya. Hindi ko mabasa yung
expression niya. Blanko lang.

"Ako d'ba? Ako naman talaga diba?" Kung ano-ano ng sinasabi ko. Ako naman dapat
diba ang partner niya... tska ang... girlfriend niya? Ako dapat eh.

"Ano?" sagot niya. Hindi niya ako naiintindihan. O ayaw niya lang intindihin.

"Magalit ka na lang please..." yun na lang ang nasabi ko.

"It's always your decision..." sagot niya. Alam ko naman yun eh. Alam kong
sinusunod niya lang naman kung anong gusto ko. Na itago na lang muna. Na hwag
munang sabihin sa lahat. Na kunwari hindi kami magkakilala.

"S-sorry..." paos na ako. Kahit hindi naman ako nagsisimugaw, pakiramdam ko paos na
paos na ako.
Nakita kong lumapit ulit siya. At this time, nakita ko ang expression niya. He
cares... Lumapit pa siya hanggang konti na lang ang distansya naming dalawa. Bumaba
siya ng kauti hanggang magkalebel na ang mga mukha namin.

"Either you tell HER, or you won't." alam kong ang pinatutungkulan niya eh si
Yanny. Kung sasabihin ba kay Yanny o hindi. Pinagiisipan ko naman eh. At gusto ko
namang sabihin pero sa tuwing nandiyan si Alyanna, iba ang nagagawa ko. Hindi ko na
lang kasi biglang sabihin na... 'Ay kami na pala ng crush mo'. Di ko kaya yun.
Kahit crush lang niya. Kailangan ko pang pag-isipan kung paano.

Pero pano na ngayon? Mas lalo yatang hindi ko masasabi sa kaibigan ko. Ano pang
sasabihin ko eh may partner na nga si Silver na iba sa Christmas ball? Kasama niya
na nga lagi si Bettina eh. At ako, bukod sa magmumukhang nagiimbento lang.

"A-ano kasi..." nakakainis naman eh!! Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang
sasabihin ko.. "Ang hirap nun. Mahirap talaga... Paano ko sasabihin eh ang hirap,
Sinabi ko pa na kami na ulit ni ano... ni Sir Terr--" napansin kong nagbago yung
itsura niya nung nabanggit ko si Terrence kaya di ko na lang itunuloy, iniba ko na
lang. "Ano... Ang hirap talaga ng sitwasyon nating dalawa... Ang hirap kasi ano..
Magiisi-"

"Mahirap?" naputol na naman ang sinasabi ko kasi sumingit siya.

"Oo kasi nga..."

"Tigilan na lang natin... para di ka na nahihirapan." Naglakad na siya palayo...

Tigilan? Tigilan na?

~~

"ZYLIE!! UYY! ZY NAMAN!!!"

"ZYLIE!!! What happened."


"ZYLIEE HOYY!! PLEASE!!!"

*PAK!!!*

Ang sakit...May sumampal sa akin. Pagtingin ko si Mikaela lang pala. Tapos nandito
rin si Buknoy. Lahat kami nakaupo sa sahig. Hanggang sa naramdaman ko na lang na
nanginginig ako... Nangangatal.

Niyakap ako ni Mikaela. Umiiyak na pala ako. Yung kanina ko pa pinipigilang iyak,
ngayon lang lumabas. Lumabas lahat...

"Bakit kinakailangan mo pa siyang sampalin?" narinig kong tanong ni Buknoy kahit


naiingayan na ako sa sarili kong hagulgol. Bakit ba ako ganito? "Ano bang nangyari?
Sana hindi mo na lang siya sinampal umiiyak na nga eh..." dugtong niya pa.

"Sorry Zy..." hinahaplos ni Mika yung buhok ko habang yakap-yakap niya ako.
"Naghhysterical ka na kasi eh..."

Naghyhysterical na ba ako? Bakit ganito? Parang wala na ako sa katinuan ko. Di ko


na alam ginagawa ko... ganito ba ang nababaliw??

"Magpalit ka na Zylie... Tapos uuwi na tayo..." malambing na sabi ni Mikaela. Di pa


rin pala ako nakakapagpalit ng damit. Tapos parang ayaw ko nang umalis sa
pagkakasalampak ko sa sahig. Para akong sasakyan na naubusan ng gasolina.

"Ano bang nangyayari? Bakit umiiyak ka na lang diyan Zylie?" nagtataka pa rin si
Buknoy. Gaano katagal na nga ba ako nandito? At bakit parang ang sakit-sakit na ng
mga mata ko. May mga ibang tao pa naman sa di kalayuan dahil mahaba-haba ang locker
room. Parang hallway. Narinig ba nila akong nagiiyak?

"Mika..." di ko alam kung paano ko sisimulan. Ang sakit lang kasi...

"I know I know..." sabi na lang niya habang niyayakap ako. Pero hindi ako sigurado
kung naiintindihan niya talaga ako.

"ANO BA KASI YUN!!!" tumaas na rin yung boses ni Buknoy.


"Ah... A-ano... Deppressed lang yan..." sagot ni Mika kay Buknoy.

"B-bakit nga??? Nagbibihis ka lang kanina tapos-"

"ANG MABUTI PA PAKIBILI NGA MUNA SI ZYLIE BEBE NG TUBIG... PLEASE PLEASE HA..."

Narinig kong umaalma pa si Buknoy, pero umalis din siya. Naiwan na lang kaming
dalawa ni Mikaela. Tska ko narealize na sobra na yung iyak ko. Bakit ganito? Dahil
ba sa pagpipigil ko kaninang kaharap ko si Silver, kaya ganito na lang ang pag-iyak
ko. Hindi ko na mapigil. Nakakahiya na.

"Get up Zylie... Sabihin mo sa akin ang problema... Nagaway kayo ni ano?" sabi ni
Mikaela habang tinutulungan akong tumayo. "Hwag kang masyadong umiyak, magkakabati
rin kayo... Sabihin mo na lang din kay Yanny..."

"Mika..." napapaiyak na naman tuloy ako "Wala na akong sasabihin..." niyakap ko si


Mikaela para gumaan kahit papaano yung pakiramdam ko "Tigilan na daw namin eh..."
pero habang sinasabi ko yun. Naalala ko kung paano naglakad si Silver na parang
wala lang, matapos niyang sabihin na tigilan na daw namin para hindi na ako
mahirapan...

"Shh... Shhh.." di alam ni Mika kung paano ako aaluin eh.

"Sasabihin ko naman eh... B-bakit ganun siya? Bakit hindi ba niya pwedeng
intindihin? Tigilan na lang basta? Parang kung ano lang ang titigilan namin ah...
H-hindi naman yun ang ibig sabihin ko sa nahihirapan, di ako nahihirapan sa
kanya... Nahihirapan ako sabihin kay Yanny..."

"Zy.. ZYLIE!! Teka hindi ko maintindihan..." sabi ni Mika.

"Wala na... wala na kami kahit hindi ko man lang nasasabi kay Yanny... Sabi niya
tigian na daw naming. Hindi niya man lang inintindi ang sitwasyon. Ang sama-sama
niya... Ang sama ni Silver..." Bumitiw sa pagkakayakap si Mikaela. Tapos tinanggal
niya yung mga kamay ko na kumukusot sa mukha ko. Bago siya nagsalita...

"Zylie... wala akong alam sa mga nangyayari kasi kahit ako nabigla na may relasyon
pala kayo ng crush ng bayan na yun... Wala man lang akong clue. Kanina pa nga ako
nagtataka kung paano niyo naitatago eh... Lalo pa saming mga kaibigan mo..."

"Yun na nga eh.. Sorry kasi-"

"Wait lang... Listen to me... Hwag ka ng umiyak diyan... Ayusin mo na lang ang
lahat. Ikaw ang may kasalanan diba? Sa tingin ko nasaktan lang yung si Silver
kanina dahil nagdeny ka. Dineny mo siya... at sinabi mo pang kayo na ng ex mo... At
nung kinukulit siya nung mga babae kanina sa canteen kung sinong partner niya,
makailang ulit siyang tumingin sayo... Pero anong ginawa mo..."

Lalong sumasakit ang loob ko habang naririnig yun. Ang dami ko kasing kamalian.
Tapos ngayon eto ang karma, sinasaktan ako ng sobra. Ganito rin ba ang naramdaman
ni Silver kanina? Hindi ba sobra-sobra naman ito?

"A-alam ko naman eh..."

"Oh tama na... Maayos din yan..."

"Paano?? Wala na... Ayaw na niya... Ayaw na daw niya dahil hindi ko lang nasabi kay
Yanny... "

"Hindi lang kay Yanny... hindi mo pa nasasabi sa lahat..."

Tama. Hindi ko pa nga nasasabi sa lahat.

"HINDI NA TALAGA AKO AATTEND! LALO PA'T MAKIKITA KO DUN SI SILVER AT ANG REBOUND
GIRL NIYA!!"

"Rebound girl? So papabayaan mo na nga lang silang dalawa... Baka hindi na lang
maging rebound girl si Bettina, baka maging girlfiend na talaga..."

Maya-maya dumating na si Buknoy.


"Eto na yung tubig... Okay ka na ba??" ayan na ulit si Buknoy, may dala na siyang
malamig na mineral water.

"OO okay na ako." tinanggap ko ang mineral water at nakaisip ng isa na namang baliw
na idea. "P-payag na akong maging partner mo... Pupunta ako ng Christmas ball..."

"Zylie anong binabalak mo?" bulong ni Mika sa akin bago pa makalapit ng tuluyan si
Buknoy.

Ang totoo, hindi ko alam, basta pupunta ako ng Christmas ball kahit hindi ko
sigurado...

*later*

##################################

~~Chapter Fifty- Mistletoe~~

##################################

ZYLIE's POV

"Tsk, tsk ,tsk... Tingin lang sa taas... First time po ba siyang make-up-an?"
tanong nung bakla habang nilalagyan ako ng make-up ko dun kay mama na nakaupo sa
may likod ng kwarto. Sabi ko kasi ako na lang ang magme-make-up, ayaw nila pumayag.
Kinuha pa talaga yung bakla dun sa parlor sa susunod na kanto.

"Hindi naman..." sagot ni mama "Nakakapagpamake-up na naman po siya dati pa."

"Naluluha po kasi siya. tsk. tsk. tsk." sabi na naman nung bakla. Medyo naasar na
siya pero hindi pinapahalata dahil nga naman nandiyan si mama.

"Sorry..." sabi ko na lang. Di naman kasi talaga ako sa make-up naluluha eh,
naalala ko na naman kasi yung nangyari nung nakaraang araw. Tapos nagiging
automatic na lang na nagtutubig yung mata ko.
"Nandito na escort mo!!!" narinig kong sigaw ni kuya sa baba.

"Bababa muna ako..." tumingin muna si mama sa relo niya. "Ang aga naman dumating ng
escort mo." sabi niya sabay tayo at lumabas ng kwarto ko.

Sinabi ko na sa kanila na si Buknoy magiging escort ko sa Christmas ball. Madami


silang tanong. Kesyo, 'Nasaan daw si Silver?', 'Sino daw si Buknoy?', "Bakit daw
hindi si Silver?' Lahat yun di ko sinagot. Palagi kong iniiwasan. Basta sabi ko
ganun na lang yung nangyari.

Hanggang sa huli, sabi ko na lang hindi na ako aattend. Tumigil na rin sila
magtanong. Alam kong napakasama at sobrang attitude ang pinapakita ko bilang isang
anak na hindi sumasagot ng maayos sa magulang, pero hindi ko alam ang sasabihin ko
eh.

Kilala nila si Silver eh. Pinahiram pa sila ng kotse dati. Tinawag niya pa na mama
ang mama ko. Kahit walang alam sila mama at papa kung anong tunay na nangyayari sa
amin ni Silver, alam kong alam nila kung gaano kalapit yung taong yun sa akin.
Inakala pa nga nilang boyfriend ko yung tao eh. At syempre naman na aasahan nila na
si Silver ang magiging partner ko.

Kaso nga hindi...

Ako nga rin umasa eh. Kahit na kung ano-anong pinaggagawa ko.

At eto ako ngayon, kabado sa kung ano mang mangyayari mamaya. Di ko talaga alam
kung anong mangyayari. Wala akong planong kahit ano. Alam ko na baka masaktan lang
talaga ako sa mga makikita ko mamaya. Kasi hindi ko pa nga nakikita silang dalawa
na magkasama, naiirita na ako. Pano pa kaya mamaya na magkahawak kamay sila?

Bakit ako pupunta? Naisip ko kasi, mas lalong hindi ako mapapakali, kung
magmukmukmok ako dito sa bahay sa oras ng Christmas ball. Sa kaiiisip kung ano ba
ang nangyayari. Kung anong ginagawa nila. Kung anong ginagawa niya. Mamamatay ako
sa kakaisip.

Dati, ang problema ko lang eh kung paano aaminin kay Yanny. Yung tipong kapag
inamin ko, solve na lahat. At pinalampas ko lahat yun. Kasi ngayon? Wala na yatang
solusyon. Kailangang pagdusahan ko na lang lahat kasi kasalanan ko naman.
Ang malaking nalaman ko lang sa kabila ng lahat ng ito. Naging sigurado ako...

...na namimis ko siya. Tsaka gusto ko talaga siya. Gustong-gusto.

Namimis ko yung biglang nandiyan na lang siya para i-save ako sa kung anu-anong
kamalasang nangyayari sa akin. Namimis ko yung nakakagulat na pagdating niya na
akala mo nakabuntot lang siya dahil para siyang superhero na laging nandiyan sa
tabi ko. Namimis ko yung panlalaking pabango niya na maamoy ko pa lang, alam kong
nasa malapit na siya... yung amoy pa lang niya, pinapakaba na ako ng sobra. Namimis
ko yung malambot niyang kamay, na pag hinahawakan niya yung kamay ko, di ko lang
mapaniwalaan na lalaki yung may-ari ng kamay na yun.

Namimis ko yung madalas na pagyakap niya mula sa likuran ko, na kahit wala siyang
sinasabi, yakap palang niya, parang kinakausap niya na ako. Namimiss ko yung
tumatawag sa akin ng bilog, monay siopao, at... lalo na yungPANCAKE.

At higit sa lahat, nakakahiya mang aminin pero namimis ko yung mga halik niya.
Sobrang saglit pa lang namin nagkakasama pero ilang ulit din yun. Yung feeling na
hindi ka makapaniwala kasi, hinahalikan ka ng isang Silver Jeremy Torres. Yung
pagkaadik niya na kinaiinisan ko dati dahil napakapossessive niya humalik. Pero
ngayon, miss na miss ko na...

Shit lang.

Mahal na yata talaga kita Silver.

"Tsk tsk tsk. Day!! Nasisira ang make-up sa luha mo!! Di mo ba kayang pigilan"

"Sorry po, hindi po talaga ako sanay sa make-up nakakaiyak este nakakaluha!"
Pinipigilan kong humikbi dahil baka mahalata at hindi mabigyan ng justice ang
palusot ko. Wala naman talagang nakakaiyak sa make-up pero yun na lang ang sinabi
ko para din a sila magtanong kung bakit ako naiiyak.

Napigil ko naman kinalaunan yung iyak ko. Paminsan-minsan lang talaga, pag naalala
ko yung oras na naglalakad si Silver palabas ng locker room, napapabuhos na lang
yung luha ko.
Magaling magmake-up yung bakla. Natapos niya yung make-up na puro retouch dahil
paminsan-minsan napapaluha ako. Nung huli na niya ako nilagyan ng eye-liner at
pinagpramis niya na ako na, pigilan ko daw yung luha ko no matter what. Nagawa ko
naman. Nilagyan niya rin pala ng false eyelashes dahil manipis daw sobra ang
pilikmata ko. Dun naalala ko na naman kung gaano kahaba at kakapal ang pilik mata
ni Silver at kung paano niya ako tignan sa ilalim ng mga yun. Ghad, sana lang di
ako maiyak mamaya dahil kakalat ang eyeliner ko.

Pinlantsa na lang din niya yung buhok ko dahil ayoko ng kulot. Okay na rin na hindi
ittaas yung buhok ko dahil sobrang malaki at malapad yung mukha ko. Hinayaan na
lang nung bading na matakpan ito ng kaunti ng buhok. Walang makakahalata na pancake
mukha ko.

Wala na rin namang tatawag sa akin na ganun. Wala na yata...

Maya-maya umakyat si kuya para ibigay yung gown na ipinatahi pa niya. All out
support si kuya Zeus sa first Christmas ball ko. Kahit wala kaming pera nagpatahi
pa talaga siya. Black yung kulay pero may mga accents na puti. Nagulat nga ako kasi
parang maganda at mamahalin, pero ang totoo, pinagipunan pa talaga yun ni kuya sa
mga part time job niya.

Paglabas ko ng kwarto ko, nakita ko yung ngiti ni kuya tska nung bakla abot tenga.

"Ang ganda mo ngayon baboy!" sabi ni kuya Zeus. May halong pangaasar pa talaga.

Mukhang proud na proud naman yung make-up artist sa nagawa niya. Nagpasalamat ako
sa kanya at niyakap ko si kuya. Naiiyak na naman ako dahil sa effort ng pamilya ko
mabigyan lang ako ng magandang Christmas ball pero pinigilan ko, inisip ko ang
eyeliner at mascara baka kumalat. Bumaba na lang din ako para harapin ang
naghihintay na si Buknoy

"Ganda mo Zyla Lienne!!" bulalas ni Buknoy. Gulat rin ako kasi ang ayos ayos ng
itsura niya. Okay rin naman siya gawing partner kasi medyo... gwapo naman din siya.
Lalo pa ngayon na parang nag-iba siya ng hairstyle. Hindi na bao. Humaba na ang
buhok niya at bumagay na sa feature ng mukha niya.

"S-salamat... tara na?" nahiya naman daw ako. Feeling maganda naman talaga ako
ngayong gabi kasi ang galing ng nagmake-up sa akin, idagdag mo pa ang eleganteng
gown. Sinong magsasabing mahirap lang kami? Nagpaalam na ako sa pamilya ko.
Nagbilin pa n maraming marami sina mama at papa sa akin at lalung-lalo na kay
Buknoy na nagrenta pa ng kotse para maayos akong maihatid sa ball. Kahit
nakokonsensya ako dahil feeling ko ginagamit ko si Bernardo, iniisip ko na lang na
maswerte pa rin ako kahit papaano, dahil nandiyan pa rin naman si Buknoy para sa
akin.

**

Unang bumaba si Buknoy para pagbuksan ako ng pintuan. Pinagpapawisan na ang kamay
ko sa kaba kaya di ko hinawakan si Buknoy kahit inooffer niya ang kamay niya.

"A-ang ganda mo talaga Zylie..."

"Tumigil ka nga..." suway ko kay Buknoy. Nahihiya ako eh.

"Nagsasabi ako ng totoo... Maganda ka na talaga, mas lalo ka lang gumanda ngayon...
Tignan mo tumitingin sila sayo.." sabi niya habang naglalakad kami papasok ng
event.

Kaya nga lalo akong nako-conscious eh... Masyado yatang magaling ang make-up artist
ko ngayong gabi. Idagdag pa ang maganda kong gown. Sobrang pangit ko ba at make-
over ang nangyari kanina? Yung iba dumodoble pa ng tingin at parang hindi
mapaniwalaan na ako ay yung malas ng 3rd year na si Zylie.

"Hold my arm..." sabi ni Buknoy. Proud na proud yata siya na ako yung partner niya
eh. Pero di ko siya hinawakan sa braso. Conscious kasi ako... Tsaka feeling ko
matatapakan ko yung laylayan ng gown ko sa sobrang haba. Di pa ako masyadong sanay
sa heels ko.

"Bettina!!!!!!!!" narinig kong may sumigaw. Di naman ganun kalakas ang sigaw at
marami din kasi ang naguusap-usap kaya di naman ganun karinig. Pero sobrang kaba
ang idinulot sa akin ng tawag na iyon. Nasa gawing kanan namin, si Carly na naka
violet na gown ay papunta sa gawing likod namin. Syempre alam ko na, na sa
pupuntahan ni Carly, dun ko makikita ang hinahanap ko. "Oh My God Bettina you look
so gorgeous."

Ano bang bago sa pagiging maganda ni Bettina?

"Uhm.. Zylie, upo na tayo?" sabi ni Buknoy nung hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan
ko. Nagtaka yata siya kung bakit naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Gusto ko kasing
lumingon sa likuran naming para makita kung anong itsura ni Silver. Ano kayang suot
niya? Jusko kahit anong isuot naman siguro bagay sa kanya. Parang si Bettina lang.
Bagay nga sila.
Kumanan kami at doon umupo sa pinakasulok. Mamaya ko na lang sila haharapin. Naaliw
naman ako dahil maraming pumapansin sa akin. Binabati ako ng mga kaklase ko at
kahit yung mga 4th year na parang nakalimutan na nila na ako yung may nakakahawang
kamalasan. Pero kahit anong iwas ko, nagkamali pa rin ako nang pinuwestuhan. Sa
tapat ng table na inupuan naming ni Buknoy, nandoon pala ang mga kaibigan at
kaklase nila Silver at Bettina. Saktong sakto, doon sila umupo kinalaunan.

"WitWew!!"

"Sigurado kayo na ang panalo."

"Bagay na bagay!"

Ang lakas ng comment ng mga katable nila ng umupo sila.

Nagsisipulan pa at kantyawan yung section nila ng ipagatras ng upuan ni Silver si


Bettina. Ang sikip ng didbdib ko. Di ko na naiintindihan ang kung ano mang
ikinikwento ni Buknoy. Di ko na rin namalayan yung pagdating nila Yanny at Mika
kasama ang mga escort nila at tumabi sa table naming ni Bukkie. Nakatingin kasi ako
doon sa dalawa sa katapat na table. Peach na hapit ang gown ni Bettina. Sexy. Labas
pa nga yata ng kaunti ang cleavage at gusto kong dukutin ang mata ni Silver kada
mapapatingin siya sa gawi na yun. Nababastusan ako. Bakit kasi ganun ang suot ni
Bettina?? Inooffer niya ba kay Silver yung malaking hinaharap niya?

"HUY ZY! Bumoto ka na!!" nagulat na lang ako ng sikuhin ako ni Mikaela. Oo nga
pala. Boboto ng prince and princess. Bakit ko nga pala nakalimutan yun? Meron nga
palang ganitong event tuwing Christmas ball. At ang mapipiling prince at princess,
kokoronahan at mananalo ng kung anu-anong papremyo. May gift certificate yata at
mga Christmas package.

"Boboto mo naman ako Zy... Tska si Silver... Sige na... Kahit alam kong imposible
akong manalo... Gusto ko kasing mahalikan siya doon." bulong bigla ni Yanny sa akin
habang itinuturo yung artificial mistletoe na nasa gitna ng dancefloor.

Oo nga pala!! Nagki-kiss din pala ang mananalong prince at princess sa ilalim ng
mistletoe. Sa cheeks lang naman dahil hindi naman talaga pwedeng mageskandalo sa
Vander.
Hindi ko alam kung anong meron sa akin. Sa tingin ko kasi mananalo si Silver dito.
Sikat siya. Hindi ko kakayanin yata... Dahil baka iboto nila si Bettina. Oo tama.
Iboboto ng mga tao si Bettina at magkikiss sila sa ilalim ng mistletoe. Walang
pakundangan kong sinulat ang malaking malaking ZYLA LIENNE CARBONNEL sa papel at
inihulog sa pambabaeng ballot. Kapal ng mukha. At pagkatapos noon. Hindi na ako
nakakain kahit ang sarap sarap ng pagkain sa harapan ko. Hindi na rin ako
nakasayaw. Ang dahilan ko kay Buknoy, masakit ang paa ko. Pero ang totoo,
hinihintay ko ang announcement na natapos na ang botohan. Maganda naman ako ngayong
gabi... Umaasa pa rin ako, na may boboto sa akin kahit papaano. O kaya kung hindi
man ako manalo, sana hindi na lang din manalo si Silver. Kahit napakaimposible.

Napansin ko rin namang hindi nagsasayaw sina Bettina at Silver. Nakaupo lang siguro
talking about common interest. Pang matalinuhang usapan, hindi tulad ng mga usapan
naming walang kwenta. Tska baka busy sa pagpapakita ng cleavage si Bettina...
Hays...

"Vander Junior and Senior High School Students!!!" ang lakas ng boom ng speaker.
Ayan na naman yung kaba ko. Alam kong iaannounce na ang nanalong Prince at Princess
ng Christmas Ball. Halos di ko na maintindihan ang pinagsasasabi ng MC sa stage
dahil napapapikit na lang ako. Unang iaannounce kasi ang Prince. Nilagay ko ang
kamay ko sa ilalim ng mesa at ipinag-cross ko ang dalawa kong daliri... Sana hindi
manalo si Silver.

"And our Vander Prince... with landslide votes..." nagpabitin pa ang MC at narinig
kong naghihiyawan ang mga tao.

"... SILVER JEREMY TORRES!!!"

Walang pag-asa ang pagdarasal ko. Obvious naman na siya ang mananalo eh. May
tumapat na spot light sa kanya tska lang siya tumayo mula sa table nila ni Bettina.
Di siya nakangiti pero tumingin muna siya kay Bettina bago siya naglakad papaakyat
n stage. Ang gwapo niya lang sa Americana niyang white. Tama... Mukha nga siyang..
Prince

Nang tumahimik ulit ang tugtog. Alam kong iaannounce na ang Vander Princess.
Binging bingi na ako sa katahimikan ng magsalita na naman ang MC. "We're sorry we
have some setbacks at the moment...." Mahinang sabi ng MC sa mic "We have a tie for
the Vander Princess..."

Tie?? Dalawa ang napili?? Ibig sabihin dalawa ang hahalikan ni Silver? Yun pa
talaga yung naiisip ko?!

"Can we invite up onstage, Miss Bettina Becarez..."


Naghiyawan... Kinocongratulate at sinasabing deserving sila ni Silver sa isa't isa.
Sabi ko na eh... Anong laban ko sa isang matalino at magandang si Bett-

"...and Zyla Lienne Carbonnel"

Huh.... Totoo ba ang naririnig ko??? Ako daw??? Ako??? Pinagtulakan pa ako ng mga
kaibigan ko papauntang stage. Parang napunta lahat ng dugo sa ulo ko. Binoto talaga
ako ng mga tao? Bulung-bulungan pa nga ng iba na puro 3rd year daw ang nanalo. Sino
ang mga bumoto sa akin? Kung hindi ko pala binoto ang sarili ko ay hindi kami
magta-tie ni Bettina.Oh My God ako?! Sinong nakakakilala sa'kin sa kabuuan ng
Vander High School?

Habang nakaupo si Silver doon sa trono niya sa stage, kaming dalawa ni Bettina ay
sinabihang rumampa. Ang naintindihan ko lang ay rarampa daw ng parang model paikot
sa dance floor at uulitin ang botohan na kaming dalawa lang ang pagpipilian this
time. Ganito daw ang ginagawa kapag nagkakaroon ng tie sa botohan ng Princes at
Princesses. Nauna si Bettina na kompartableng kompartable sa paglalakad sa parang
4inches na heels niya habang humihiyaw ang mga lalaki sa nakikitang cleavage na
nakalabas.

Pawis na pawis na ang kamay ko at tuwing titingin ako sa kinauupuan ni Prince


Silver. Kay Bettina lang siya nakatingin. Sarap naman magmura.

"Alam mo na Zy hindi ba, simula sa kanan, sa gitna tapos ikot, tapos kaliwa then
balik dito." Sabi nung senior student na abala sa pagkocoach kung paano rarampa sa
dance floor. Parang ayaw ko na. Hindi ako sanay sa mga ganito. At parang alam ko
nang wala akong panama kay Bettina. Pero naisip ko, ito na lang yung pwede at huli
kong gagawin, para mapatunayan kay Silver na kaya ko rin naman siyang ipaglaban.
Kahit hindi niya mapansin...

Bawat hakbang ko, kahit nahihirapan ako sa takong ng sandalyas kong mumurahin, siya
na lang ang iniisip ko. Para sa kanya, at para na lang din sa sarili ko. Para
masabi ko na lang din na may nagawa ako kahit papaano ngayong gabi para maipaglabas
siya. Kahit ako lang ang nakakaalm ng intensyon ko. Dahil hindi ko naman gagawin
ito kung hindi si Siver yung nakaupo doon sa taas.

Malapit na akong makabalik dahil nasa kaliwang banda na ako ng dancefloor, ng


sumakit ang kanang sakong ko na kadalasan natatapilok at naiisprain. At nangyari
nga ang di inaasahan.
Napaupo ako sa gilid. Malas pa at itinutok pa sa akin ang mainit na spot light.
Naramdaman kong sumigid ang sakit sa kanan kong paa. Mukhang napuruhan na naman.
Narinig kong nagtawanan yung mga tao sa paligid. Napaupo ba naman ang rumarampa sa
dance floor eh. Nakarinig pa ako ng ma comment na hindi daw nawawala ang malas sa
akin. Hindi ako makatayo dahil na rin sa pagkapahiya. Tumingin ako kay Silver pero
para parin syang prinsipe sa pagkakaupo sa taas ng stage.

Nagtubig na naman yung mata ko. Ano bang ginagawa ko dito? Mukha naman akong tanga
eh. Wala naman yatang pakialam si Silver sa akin. Niloloko ko lang yata yung sarili
ko na baka nabigla at galit lang siya nung gabing yun.

Narinig kong nagpalakpakan yung mga tao noong lumapit sa akin si Bettina para itayo
ako. Siya pa talaga ang tumulong. Mapapanatag na sana ang loob ko dahil uupo na
kami sa gilid. Gusto ko na kasing tumakas dahil pinagsisisihan ko na ang pagpunta
ko sa ball na ito. Pero sabi nung mc bumalik daw kaming dalawa sa gitna ng dance
floor habang tina-tally ang pangalawang boto.

Alam kong hindi na ako mananalo. Isa akong talunan sa gitna ilalim ng mistletoe.

"Yung false eyelashes mo..." narinig kong bulong ni Bettina sa akin. Natanggal na
yata yung kinabit ng bakla. Baka nagkalat na rin yung eyeliner ko dahil napapaluha
na ako sa pagkapahiya at sakit ng paa ko noong pinilit kong maglakad ng normal.
Wala na talaga akong pag-asa. Si Bettina na flawless na flawless ang pagrampa sa
dancefloor. Maganda at sexy. Matalino pa. At idagdag pa ang pagtulong sa sumubasob
na kalaban. Sino pa ba ang iboboto ng mga tao?

"Bettina Becarez!!!" wala ng surprise sa akin yun noong inannouce ang Vander
Princess.

Lahat na ng attention na kay Bettina. Nakalimutan na nila na nandoon ako at


nasaktan kani-kanina lang. Wala man lang pumansin sa akin at wala na rin ako
mapagsabihan na akayin ako pabalik ng upuan dahil lumalala na ang pagsakit sa lampa
kong kanang paa. Nakatungo na lang ako habang pinagkakaguluhan si Bettina at
nilalagyan ng korona. Hindi na nila ito hinintay umakyat ng stage para lagyan ng
korona at sash. Nakita ko na lang na pababa na si Silver ng stage para puntahan si
Bettina.

Pinilit kong ihakbang yung paa ko dahil ayaw kong nandito sa iisang dance floor
kung saan magaganap ang di ko gusto sa ilalim ng mistletoe. Ako na ang talunan at
sira ang make-up. Kalat-kalat na ang eyeliner ko, tanggal na rin ang false
eyelashes sa isa kong mata.

"Kiss! Kiss! Kiss! Kiss!!!!" kantyaw ng mga tao habang papalapit si Silver sa gitna
ng dancefloor.

Hahalikan niya na si Bettina. Ang sakit sakit na talaga. Parang mamamatay na ako sa
sakit ng paa ko, pero mas masakit yung nararamdaman ko sa dibdib ko. Mabuti na lang
at busy silang lahat sa pag-cheer sa Vander Prince at Princess at di na nila
napansin ang paghagulgol ko dito.

"Lord help me..." sabi ko sa sarili ko nang madadapa na ako dahil wala akong
mahawakan at sobrang sakit na ng paa ko. Alam kong matutumba na naman ako.

Nang may humawak sa kamay ko at hindi ako tuluyang tumumba. Nagulat rin ako at
lalong sumakit ang paa ko ng pinilit akong iikot patalikog ng kung sino mang
umalalay sa akin. Napihit na naman ang paa ko sa maling direksyon. Gusto ko sanang
sigawan ang humawak sa akin ng magulat ako kung sino ito.

Kaya pala tahimik ang mga tao.

Si Silver!

Inikot niya ako paharap sa kanya. At nakatingin tuloy sa amin lahat. Kasi umiiyak
na ako dito. At dahil tahimik na ang lahat. Dinig na dinig na yung pag-iyak ko.

"Masakit na... Ang sakit sakit na..." sabi ko sa kanya. At sana naintindihan niya
na hindi lang yung paa ko ang pinatutungkulan ko, kundi ang lahat lahat.

"Sabihin mo lang..." sabi ni Silver. Tutok na tutok sa amin yung mga tao na parang
isang scene sa telenovela. Alam kong hindi kami naiintindihan ng mga tao. Kung
anong ibig-sabihin ng mga sinasabi namin. Pero alam ko kung anong sasabihin ko.

"Sa akin ka na lang ulit... Silver... Please..." wala na akong hiya. Kung huling
tyansa ko na ito. Kahit marinig na nilang lahat. Kahit marinig na ni Yanny. Bahala
na silang umintindi kung ano ang sinasabi ko. Kahit akala pa ng iba ay patungkol pa
rin ito sa pagiging Vander Princess. "Mahal kita..."

Hindi ko pa yun nasasabi sa kanya. Hindi ko pa sinasabi sa kanya na gusto ko siya.


Hindi ko pa nasasabi sa harap niya na mahal ko siya. Kaya eto. Sana... sapat na.
Parang tumigil ang mundo. Sa wakas kasi nasabi ko na yung lahat ng gusto kong
sabihin sa kanya. At kahit ano pang maging resulta ng lahat ng kahibangan ko
ngayon, tatanggapin ko na lang.
"WOAHHH..." narinig kong halos sabay sabay na sabi ng mga tao.

Dahil kahit hindi ako ang Vander Princess...

...Nakakuha ako ng isang halik sa ilalim ng mistletoe.

Dear Lord... Bakit po naiiyak lalo ako...

*later*

##################################

~~Chapter Fifty One- Eros~~

##################################

SILVER's POV

Peripheral vision.

The part of vision that sometimes occurs outside the very center of gaze. The very
ability to see things without even focusing your eyes on it. Yung kahit di mo
tinititigan, alam mong nandoon sa paligid. Katulad ng pagtawid sa kalsada, di mo na
kailangang paulit-uliting tumingin sa kaliwa at kanan dahil kahit papaano, malawak
naman ang tingin mo.

Oo. Di ko alam na ilang beses kong gagamitin yun. Kay Zylie. I tried my eyes to
peel my eyes from her but I just can't. I can't look too close, but I can't seem to
look away.

'Bantayan mo yan, baka may mangyaring masama sa kanya.' Paulit-ulit kong naiisip.

"Let's vote for each other?"nagulat ako at nawala sa malalim na pag-iisip at


palihim na pagsulyap sa likuran ng minsang sabi ni Bettina na pinapatungkulan yung
sa Prince and Princess ng Christmas ball.

"Yeah." Lagi kong pinipilit ngumiti pag kaharap si Bettina. Feeling ko kasi ang
laki ng kasalanan ko dahil dinawit ko siya sa problema ko ng walang kamalay-malay.
Di ko lang alam kung nakakahalata siya, pero nao-awkward ako kapag proud na proud
siya na niyaya ko siyang maging partner.

My mind says, ang 'user' ko daw. Pero kung iisipin ko, iniwasan naman ni Zylie ang
pagpapatungkol ko na siya na ang magiging partner ko sa unang Christmas ball namin.
Kaya wala na rin akong magagawa kundi mag-yaya ng iba. At nagkataong nandoon si
Bettina. Tatanungin niya lang pala sana ako tungkol sa pagsali sa sa scholastic
decathlon/quiz bee na pinatutungkulan dati ni Homer. The time he asked me that
favor at inutusan ko siyang palabasin si Zylie sa classroom nila.

Bettina is part of the.. I dunno, some committee for the event that'll be happening
next year kaya kailangan niya akong makausap bilang delagate ng Vander.

I admit I was really pissed of lately. Mahirap sa akin yung mga ginawa ko. Nadamay
pa tuloy si Bettina sa mga daloy ng pangyayari. Pero mukhang ayos lang naman kay
Zylie. Akala ko noong naiwan kaming dalawa sa may locker room, kakausapin niya na
ako at sasabihing ipapaalam niya na sa kaibigan niya.

But I was wrong. Ayaw niya talaga.

It's like she doesn't have any plan on blowing up our cover. Our relationship. So
there.

Patuloy ako sa pakikipagusap kay Bettina pero napapatingin ako sa gawi niya.
Nagpaganda pa talaga siya, at escort niya pa talaga yung Buknoy. Ang dami ding
tumitingin sa kanya. May isang beses na hindi na talaga ako nakuntento at sumulyap
na rin. Hindi lang siya pala-ayos katulad ng karamihan ng mga tao sa Vander.
Naalala kong kahit kailan, maski pulbo, hindi ko nakitang naglagay siya. Now, she's
stunning.

Buti na lang nagsusulat siya noon, habang tinitignan ko siya. Bumoboto na yata siya
para sa Vander Prince at Princess. Kaya noong magaangat na siya ng tingin, bumalik
na ako sa ginagawa ko. Usap ulit kami ng mga classmates ko sa table. Di ko
namalayang ang sinulat ko talaga sa ballot ay pangalan ni Zylie. I already forgot
pumayag ako na magbotohan kami ni Bettina.
"Bumoto ka na?? Nailagay ko na yung pangalan natin!" masaya na sabi ni Bettina.
Natatakot ako minsan sa mga ipinapakita niya dahil parang sa pagyaya ko sa kanya
dito sa ball, baka akalain na niya na may gusto akong mabuo sa amin. Dahil
karaniwan ng babae ganun. Pakitaan mo lang ng konting motibo, akala commitment na
ang inooffer mo.

Ibinulsa ko na lang yung hawak kong balota. Sinabi ko na lang na nakaboto na ako.
Pero ang totoo ay nasa bulsa lang yung papel. Baka kasi buklatin ni Bettina sa
aktong ihuhulog ko na. Hanggang sa matawag ako. Ayoko talaga tumayo, pero
magmumukha naman akong tanga kapag nagpapilit pa ako sa pagakyat sa stage.

Nakaupo na ako ng tawagin si Bettina. Kampante na ako dahil kilala ko naman pala
ang natawag na princess. Pero nagulat ako ng matawag si Zylie. Sa pagkakaalam ko,
minsan lang magkaroon ng tie. Bihira lang. Para tuloy biglang bumigat yung bulsa ko
kung saan nilagay ko yung papel. Kung nagkataong inihulog ko pala yun, iba pala
magiging resulta.

Nag-iba ang mga tugtog. Ako naman ay kinakabahan para kay Zylie. Ginagamit ko na
naman ang peripheral vision. Di ko alam kung ipagdadasal ko bang manalo siya o
hindi sa susunod na botohan. They had them walk by the aisle. Inaasahan ko nang
magiging mas confident si Bettina dahil kilala ko si Zylie. Hindi para sa kanya ang
mga ganoong bagay. Masyado siyang simple para sa pakikipagpaligsahan ng ganda.

Kaya mas lalo akong nagulat noong naglakad siya ng taas noo. Nasa kanya na lahat ng
atensyon pero parang wala siyang pakialam. Naglakad lang siya na parang wala lang
sa kanya yung mataas na taking ng sandalyas.

"AYY!!!!"

Parang choir na sabay sabay sumigaw yung mga nakapaligid sa dance floor. Gusto kong
tumakbo sa baba kasi nangyari na nga yung naisip ko kanina. Natapilok na naman
siya. Pero bago pa ako nakakilos, nakita kong itinayo na siya ni Bettina.

Parang gusto ko nang bawiin lahat ng sinabi ko nung nakikita ko yung expressiona
niya. Kasi kahit nasa malayo ako, alam kong nasasaktan siya. Hanggang iaannounce na
yung nanalo sa second round ng votes. Nandoon lang siya, nakatayo sa ilalim ng
mistletoe.

"BETTINA BECAREZ!!" Sigawan yung mga tao at may ilang natatabig si Zylie para lang
makalapit at macongratulate si Bettina.
"KISS KISS KISS!!"

Pinapababa na nila ako ng stage at pinapalapit sa nanalong campus princess. Alam


kong dapat aakyat sa stage ang mga nanalo at doon muna kokoronahan. Pero gusto ko
na talagang bumaba. Hindi dahil na atat na atat ako sa kung ano mang mangyayari sa
ilalim ng mistletoe.

Kundi dahil sa nakita kong umiiyak na siya.

Kahit mali siya, kapag nakita ko na siyang umiiyak, iba na. Ako na ang mali.

Di ko kayang nakikita siyang umiiyak.

Hindi ba yun nga ang dahilan kung bakit gusto ko siyang laging binabantayan? Para
di na siya umiyak ng katulad ng nakita ko noon? Pero ano ba itong ginagawa ko?
Hinahayaan ko na lang din siya umiyak ng ganun?

"WE WON!!" salubong sa akin ni Bettina ng makababa na ako. Kung iba lang ang
pagkakataon, baka kinongratulate ko na siya at niyakap dahil kahit paano, sa
nagdaang mga araw, naging close naman kami at malapit na magkaeskwela. Pero
kailangan kong maabutan si Zylie bago pa siya tuluyang makaalis.

Nakita kong nagulat si Bettina ng hindi ko siya pinansin at nilampasan ko sila.


Hinila ko papaharap sa akin si Zylie. I need to see. Umiiyak talaga siya. And I
need to feel what I feel. She's crying. I feel so bad I want to hurt somebody. Or
maybe I wanted to hurt myself.

"Masakit na... Ang sakit sakit na..." tahimik na tahimik ang lahat kaya dinig na
dinig ko yun. Kasabay ng mga hikbi niya na parang sinasbi niya na sinaktan ko siya.

"Sabihin mo lang..."Gusto ko na siyang yakapin. Pero para kasing nasasaktan din


ako. Gusto ko munang may marinig mula sa kanya. Gusto kong malaman niya na hindi
lang siya ang nasasaktan.

"Sa akin ka na lang ulit... Silver... Please..." Lakas ng tibok ng puso ko. Kasi di
ko akalain na ganun niya pa kadaling masasabi yun. Sa oras na umiiyak pa siya. Sa
oras na lahat ng tao nakatutok sa amin. Sa aming dalawa. "Mahal kita..."

Nung una hindi ko alam ang gagawin ko. The plea was enough for me. What she said
last was too much. Enough to make me crazy. What else have I been waiting to hear
in my life?

And I let my feelings take me over. I kissed her like kissing her is all I'm ever
allowed to do. Hinapit ko siya papalapit sa akin kahit alam kong madaming
nakatingin at halos lahat sila natigilan. Alam kong ang mainit na nararamdaman ko
ay yung spot light na nakatapat sa amin. Hinalikan ko siya habang nakalagay ang
kamay ko sa bewang niya. Ang isa naman ay pisngi. Kaya ramdam na ramdam ko yung
pagtulo ng luha niya. Bibitiw sana ako para makita kung bakit parang mas lalo pa
yata siyang naiyak. Pero hindi ko na nagawa dahil naramdaman kong sumasabay na rin
siya sa paghalik ko. If I don't push her, we could end up kissing until the end of
the world.

"Tss.. Sasabihin din pala..." bulong ko sa kanya ng magbitiw kami. Nakita ko ang
pagkapahiya sa mukha niya habang tumitingin sa paligid. Alam kong naconscious o
napahiya siya. Marahil nakalimutan din niyang nasa gitna kami ng lahat ng mga tao.
Isinubsob niya ang ulo sa dibdib ko.

"Anong nangyayari?"

"Bakit ganun??"

Malakas yung mga bulong-bulungan sa mga nakapaligid sa amin. Syempre hindi naman
nila alam kung ano ang mga nangyari. Nakakagulat nga naman na ibang babae ang
hinalikan ng Vander Prince. Hindi ang nahalal na prinsesa pero ang babaeng
natapilok at natalo sa botohan. Pero anong gagawin ko?

Siya man ang Reyna ng Kamalasan, pero siya, si Zylie, ang prinsesa ko.

Nakita kong nakakunot ang mga noo ni Bettina. Di niya rin siguro maintindihan kung
bakit nagkaganoon na lang. Samahan pa ng mga gatong nila Carly habang sinasabi na
inagaw daw sa kanya ang escort, prince at pati korona niya bilang Vander Princess.
Tinitignan din niya si Zylie ng masama.

"This is unfair." Mahina ang pagkakasabi ni Bettina pero dinig na dinig iyon dahil
parang nagaabang na rin ang mga ibang estudyante na may magsalita. Walang oras para
magpaliwanag. Oo, alam kong kinailangan kong gawin yun para sa lahat, para
maintindihan nila, lalong lalo na kay Bettina. Pero hindi ngayon. Hinila ko si
Zylie dahil kung magtatagal pa kami dito, baka lalong lumala na ang sitwasyon. May
oras para sa kanila.
"Ahhh..." sabi ni Zylie ng humakbang ako palayo habang hinihila siya. Alam kong
sumisigid ang kirot na nararamdaman niya mula sa pagkatapilok niya kanina. Ang
ginawa ko'y binuhat ko na lang siya.

Mas lalong nagulat yung mga tao pero wala naman silang magawa. Kusang nahawi na
lang ang daan para makalakad kami ng maayos. Alam kong isang magulong Christmas
Ball ang naibigay ko sa kanila. Pero hindi naman sila ang gusto kong kausapin. Wala
akong pakialam ngayon sa kanila.

"Masakit ba talaga?" sabi ko kay Zy habang binubuksan yung backseat ng kotse ko.

Umiling siya. She's half smiling and crying. Pinapasok ko siya sa upuan sa likuran
ng pwede siyang humiga. Kahit para na akong driver sa harap, binilisan ko ang
pagbukas ng makina ng makaalis na kami sa lugar na yun.

"Dalhin kita ulit kina mommy?" sabi ko sa kanya habang tumitingin sa rear-view
mirror. Kalat-kalat na yung make-up niya dahil sa pag-iyak.

"WAG NA!!!" sigaw niya na ikinagulat ko naman. Inaalala ko lang naman yung paa
niya. Baka kung nabalian na at kailangang i-cast.

"Di pwede..." insist ko. Di na rin naman siya sumagot. Di ko alam kung nandoon pa
si mommy sa ospital. Pero kahit sino na lang na doctor na maabutan naming dun pwede
na. Paminsan-minsan ko siyang sinusulyapan sa salamin. Madalas nakatingin siya sa
bintana pero paminsang nahuhuli ko siyang nakatingin din sa akin mula sa salamin.
Tapos magbabawi ng tingin na parang napapaso.

Dumating naman kami agad sa ospital. Pinagbuksan ko siya ng pintuan para buhatin
siya pero nagulat ako sa ginawa niya.

"MISS NA MISS NA KITA ALAM MO BA YUN?!!?!" sabi niya habang niyayakap niya ako.
Nakapaikot ang dalawang braso niya sa may leeg ko. Binging-bingi ako sa pagsigaw
niya pero hindi ko siya sinusuway. "NAPAKASAMA MO!! NATIIS MO AKO NG GANUN?!?!?"
tuloy pa rin siya.

Hindi ko maiwasang mapangiti habang sumisigaw siya. This is my Zylie. She's back.
I'm smiling like a crazy man. What else can I do? I'm a bastard enjoying this
feeling. She's angry as much as she loves me.
"WALA KA MAN LANG SASABIHIN HA!! HINALIKAN MO LANG AKO GANUN NA LANG?!?!" Pumasok
din ako ng pintuan at umupo sa tabi niya. Sinara ko ang pinto bago ko siya niyakap
ng mahigpit.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita... Hindi ko man sinabi, pero ipinakita ko naman sa
kanila." Hinihintay ko siyang sumagot. Pero mukhang natahimik yata siya. Bumitiw
ako sa pagkakayakap. At hinalikan ko ulit siya sa labi. Pwede naman sigurong
paghintayin ang doktor. Para akong nawawala sa sarili habang sumasabay siya sa mga
halik ko. Isa lang naiisip ko.

Akin lang si Zylie.

*later*

##################################

~~CHAPTER XLV- ZYLIE~~

##################################

READ FIRST BEFORE YOU VOTE

Some scenes are not suitable for uncomfortable young audiences/readers. I just
wanted to emphasize that this novel is Rated PG-13 Parents Strongly Cautioned .
I've been hearing a lot of criticisms from youngsters due to some 'uncomfy'scenes
but please, before you read and bash other's work to be dirty and stuff, make sure
you take note of the rating. Maybe you are the one whos' reading what's not meant
for your age. I know it's tempting to believe that you are mature enough but if
you're a kiddo, get out =))))))
CHAPTER XXXXV- ZYLIE

"Mahal kita. Mahal na mahal kita... Hindi ko man sinabi, pero ipinakita ko naman sa
kanila."

Grabe yun. Hindi lang daw mahal. Kundi mahal na mahal? Pwedeng sumigaw? Pero
naimpit lahat ng kilig ko sa katawan. Eh kasi naman, bumitiw siya sa pagkakayakap
at tinignan ako ng diretso sa mata.

Mas grabe. Madilim ng konti sa loob ng sasakyan at ang tanging ilaw lang eh yung
ilaw na nanggagaling sa labas, mula sa ceiling ng parking lot ng ospital. At dahil
tinted ang sasakyan ni Silver, mas lalong dim ang paligid ko.

Pero, kahit ganun pa man, kitang-kita ko pa rin yung itsura ni Silver. Yung mukha
niyang napakalapit sa akin. Yung di ka na makapili kung mukha siyang anghel o kung
mukha ba siyang prinsipe. Bigla akong napaisip. Dark hair, dark eyes. Kaninang
maayos na maayos ang buhok niya, super bagay sa kanya. Pero ngayong messy hair na
siya, mas bumagay pa rin.
Oo, gwapo na siya, matalino, at cool. Lahat-lahat nasa kanya. Life isn't fair...

O_____O

Naputol yung pagmumuni-muni ko ng hinalikan niya ako. Marahas at kakaiba. Hindi ka


tulad ng kaninang ginawa niya sa harap ng lahat na banayad lang. Ngayon, parang
pinaparamdam niya na namiss niya rin ako.

At dahil dun, lalo kong naramdaman na miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang
sigawan at sumbatan kung ano yung naramdaman ko nung mga nakaraang araw. Pero unti-
unting nawawala yung mga hinanakit ko habang hinahalikan niya ako.

Kung malalaman lang ng mga magulang itong mga ginagawa ko ngayon baka habulin na
nila ako ng itak. Pero kakaiba kasi itong si Silver. Kahit pa nga dati na hindi pa
kami nagagawa niya na akong halikan ng ganun. Lalo pa ngayon na kami na...

Teka... Kami na nga ba talaga ulit?

"Oh God..." bulong niya ng maghiwalay kami saglit. Parang tumigil lang siya ng
kaunti para huminga at muli akong hinalikan ulit.

>_____<

"Silver!!!" tinulak ko siya.


Tumigil naman siya at tumingin sa akin. "I'm sorr-"

"TAYO NA BA??!" di ko na siya pinatapos. Gusto ko lang kasi maging malinaw. Para
kasing nagbreak kami nung nakaraang araw. Nung iniwan niya akong halos mamatay na
sa may locker room. Gusto ko ngayon malinaw na malinaw na talaga. Yung hindi yung
nagki-kiss kami dito pero hindi pa pala official. Hindi ito pagiging maarte. Gusto
ko lang mapanatag kahit papaano yung loob ko. Sa dami naman ng nangyari ngayong
gabi eh.

"Silly." Tapos ngumiti na parang mapangasar. Parang katangan ba yung sinabi ko?

"ANO NGA?!" sabi ko na lang habang umuupo siya ng maayos. Magkaharap kami at
nakangiti pa rin siya. Kahit ganun yung ngiti niya, para na akong mamatay. Minsan
lang kasi siya ngumiti at kahit mapangasar pa yun, parang ayoko na siyang matapos
tignan.

"Sino ba dapat sumagot niyan?" sabi niya habang hinahawakan yung labi niya.
Nalagyan yata ng lipstick.

Waah ano ba sasabihin ko?

>O<

"Tayo na ulit 'diba?? Girlfriend mo na ako ulit???!!! Hindi ba?!?!"


Waaaah!! Mukhang ako yung nanliligaw!!! Mukha akong desperadang babae! Pero kasi...
di ko siya maexpect na siya ulit ang magkoconfirm na kami na ulit. Dahil alam kong,
ang dami-dami kong kasalanan na naging dahilan para masaktan kami parehas.

"Dati pa kita tinatanong niyan..." lumapit na naman siya at hinalikan ako sa gilid
ng labi. Pinipigilan ko ang urge to kiss him back dahil gusto ko kaming maging
official. And exclusive.

"Wala na dapat na iba... Ako na lang. Wala dapat Bettina!!"


"Look Zy. Wala naman talagang iba..."Ang bango-bango talaga ng hininga niya at di
ko maiwasang kiligin hindi lang dahil sa mga sinabi niya, kundi dahil na rin sa
pagkakalapit ng mukha namin.

I kissed him first this time. Yung wala na talagang hesitations at damang-dama ko
na na BOYFRIEND ko itong nasa harapan ko. Grabe boyfriend ko na talaga siya. Tska
ko na lang iisipin kung paano na yung mga explanations na gagawin ko bukas at sa
mga susunod na araw. Basta ang saya-saya ko ngayon.

Ziiiiiiiiiiiiiiiiip

Nagulat ako ng ng marinig ko yung pagbukas ng zipper na alam kong tanging sumpungan
ng gown ko. Dahil malambot yung tela. Agad ding nalaglag at nalukot ang pangitaas
ng tube sa may bewang ko dahil nakaupo nga ako.
"I missed you terribly..." sabi niya bago lumipat yung labi niya sa leeg ko.
Nahihiya ako pero natatabunan ng kakaibang pakiramdam yung pagkahiya ko.

"Oh Silver..." di ko napigilang sabihin ng naramdaman kong bumababa ang haplos niya
mula sa pisngi ko. Sa leeg. Pababa sa dibdib ko. At parang lahat ng haplusin ng
kamay niya pinapalitan ng labi niya.

Napasinghap tuloy ako....

>____________<
Ng tumigil siya.

Ziiiiiip
Di ko namalayan na naisara niya na pala ulit yung zipper na gown ko mula sa likod.

Feeling ko pulang-pula yung mukha ko dahil ang init. Si Silver naman umupo sa
malapit sa pintuan. Malayo sa akin. Nakatingin lang siya sa labas. Di ko alam
gagawin ko kasi parang nag-stay pa sa akin yung sensations na nararamdaman ko
kanina. Pero nahihiya naman ako dahil, masyado na kaming nagiging intimate.

Baka nga masahol pa. Parang nagiging mapusok na kami.


"Sorry..." narinig kong sabi niya pero nakaharap pa rin siya sa may labas. Wala
nang masyadong sasakyan ang parking lot at parang nakatingin lang siya sa kung
saan.

Nahihiya talaga ako. Namiss ko lang naman din siya.

"No, it's okay."

"NO IT'S NOT!!!!"

Nagulat ako ng nagtaas siya ng boses. Gusto ko lang naman sabihin na okay lang yun.
Hindi sa gusto kong gawin ang mga bagay na yun. Pero sinabi ko lang naman na okay
lang dahil ayaw ko siyang maguilty. Na hwag ng gawing big deal pa. Ayokong mag-away
na naman kami ulit.

"Sorry..." wala na akong masabi.

"Tsk. No Zylie... I'm sorry... Please... " hinawakan niya ang kamay ko. "I just...
just missed you so bad..."

Ewan ko ba pero napangiti ako. Hindi dahil sa natatawa ako sa kanya. Pero parang
naging proud ako, na si Silver Jeremy ang boyfriend ko. Mahilig man sa halik. Di
naman ganun magte-take advantage sa babae. Nakikita ko kung paano siya nagsisisi sa
kung ano mang lampas pa sa halik na nangyari kanina.
"I know..."

"Come 'ere, talikod ka at sumandal ka sa'kin" sabi niya habang tinutulungan akong
tumalikod at umayos ang pagkakaupo. Niyakap niya ako mula sa likuran.

Alam mo yung feeling prinsesa? Tatay ko pa lang ang nakakapagparamdam sa akin nun,
bago ang gabing ito. Pero ngayon, parang lahat na lang di ko mapaniwalaan. Yung
kanina lang na nararamdaman kong sakit kasi akala ko mawawala na siya, biglang
nabaliktad. Kaya gusto ko pa ring kurutin ang mga pisngi ko para mag last-minute
reality-check.

"Masakit pa paa mo?" sabi niya habang ipinapatong yung ulo sa kanang balikat ko.
Kahit ganitong mga bagay, kinikilig ako. Di ko lang masyadong ipinapahalata.
"Pag inilalakad nga lang po..." sinabi ko na kasi yun kanina. Nilingon ko siya
habang sumasagot "Paulit-ulit naman it-"

Saktong paglingon ko sinalubong niya na naman ako ng halik.

O______O

"Last na..." sabi niya sabay humigpit yung yakap niya sa bewang ko.
"Ikaw talaga..." sabi ko lang yun. Bukod sa dinagdagan niya na naman ang mga
butterfly sa tyan ko, natuwa ako dahil komportable na naman siya na malapit na
malapit sa akin.

Ilang saglit siyang naka-backhug lang sa akin. Hinahawakan ko lang din yung
malambot niyang kamay habang nakasandal ako sa kanya. Hanggang di ko na namalayang
nakatulog na ako.

Ang sarap ng pakiramdam ko ng may maramdaman akong malambot na bagay na tumama sa


mukha ko. Kahit malambot yun, ang sakit pa rin sa ilong.

*BOINK!!!*
"ANG SAKIT NAMAN!!!"

"ABA ZYLA!!!"

O________O

Si mama pala! Hinampas ako ng unan.


"Gumising ka na! Anak ka talaga ng tatay mo noh!!" malakas na sabi niya at akmang
hahampasin na naman ako ng unan.

"MA!! Wait lang masakit yan kahit unan lang."

Nakasimangot si mama at mukhang gigil na gigil. Napatingin rin ako sa sarili ko.
Nakagown pa rin ako at hula ko. Nasa mukha ko pa rin ang kalat-kalat na make-up.
Medyo napangiti ako. Dahil muntikan ko nang maisip na panaginip lang ang lahat.
Pero ng maramdaman ko yung sakit sa kanang paa ko, alam kong totoo.

^_______^
First time kong matuwa na nagising akong may sprain!!

"TAWA-TAWA KA PA!?!?!?!" hinampas na naman ako ni mama ng unan sa ulo.

"MA?!?!" sinalag ko na lang ng sinalag yung bawat hampas ni mama ng malaking unan.
Para lang akong nakikipaglaro. Madalas kaya kami magpillow-fight ni Kuya Zeus dati
hahaha!

"Pinayagan ka naming umalis dito na di naming kilala yung escort mo! Kagabi naman
anong oras ka na umuwi??!! Pasado ala-una na!! At hindi pa yung Buknoy ang nag-uwi
sa'yo!?? Si Silver na naman! Anak naman!!"
Napag-isip ako. Paano nga ba ako nakauwi??

Namimiss ko si Silver!!

>____________<

"At hindi lang yun! Tulog na tulog ka pa at nagpahatid ka pa dito sa kwarto mo ha?!
Kalat-kalat ang make-up mo diyan!?! At sinabi pa ni Silver na may sprain ka daw at
pagod at hayaan ka na lang daw matulog. Nakoo bata ka! Kung hindi lang ganoong
kagalang yung si Silver na yun, nakooo!"
Weh. Alam ko namang malaki ang pogi points ni Silver kina mama at papa dahil sa
pagpapahiram sa kanila ng kotse nito dati. Pati na rin sa movie tickets. Hindi
naman dahil sa magalang si Silver. Di naman yun magalang. Di lang talaga pala-
salita.

"Eh bakit niyo po ba ako hinahampas???" maang-maangang tanong ko. Alam ko namang
nalilito si mama sa buhay ko. Baka nga feeling ni mama pakawala at playgirl na
ako!! Waaaaah.

"Dahil nandiyan si Alyanna sa baba!! At nabanggit niya na tumakas daw kayo ni


Silver sa Christmas Ball kahit alas-diyes pa lang!!?!? Saan kayo nagpunta?!?!"

Waaah! Nagsumbong si Yanny?? Bakit?!?! Galit ba siya at ito ang pagganti niya???
Ano pa ba ang sinabi niya? Sinabi niya ba kina mama at papa ang lahat ng
nangyari???? Na nahalal akong tie sa Vander Princess, natapilok at nagbest-actress
ako doon?
"Tinatanong kita Zylie! Saan kayo nagpunta!?!?!?!"

(__ __")

Alam ko seryoso si mama. Kasi nangigil na siya. Baka iniisip niya sa motel na ako
nagpunta. Nagaalala lang naman siya. Pero saan nga ba kami nagpunta? Anong
sasabihin ko? Sa kotse lang? Wala lang dun lang.

Araguy.
"Sa OPSPITAL!!!!" Pero ang totoo di ko alam kung saan. Di ko nga sure kung
nakatuloy pa kami sa ospital dahil ang huling natatandaan ko eh nakatulog ako
habang nakayakap sa akin si Silver mula sa likod. Ni hindi ko nga alam kung paano
na ako nakauwi. Bahala na si Batman. Wala akong maisip na excuse eh. "Tama sa
ospital po! Nasprain po ako eh kaya nagpunta kami sa ospital!!!"

Kinabahan ako nung lalong sumeryoso yung mukha ni mama.

"Kadadating lang ni Silver at pinagpapaalam na pupunta daw kayo ng ospital para sa


sprain mo. Sige magsinungaling ka pa Zylie."

Di ako makasagot. Nakita ko na lang na lumabas na si mama ng kwarto.


Kailangan kong bumaba. Magkakasama sila sa baba. Si mama at papa. Pati na rin si
Silver at Yanny.

*later*

_____________

Madaming nagtatanong kung may BS daw ang RNK. *kamotkamot* uhmm hanggang diyan na
lang siguro. Kasi po mga bata pa po sila... >O< junior highschoolers... baka
sabihan na naman ako ng iba diyan hahaha. Basta bawal gumawa ng wattpad account ang
12 year-old kiddo. Wag mangialam ng kakiligan ko sa katawan. =))))) What do you
say?

VOTE and COMMENT!

##################################

~~Chapter Fifty Three- Lies~~

##################################

ZYLIE's POV

Sa pagmamadali ko sa pagbaba pa lang ng kama, nakalimutan ko sandali na may sprain


na naman yung fail kong kanang paa. Napaupo tuloy ako sa sahig ng kwarto.
Aray... Paano ba ako bababa nito. Eh ang sakit nga... Si Silver naman kasi, alam
kong di niya naman kasalanan na mapahamak ako kina mama... Pero bakit ba hindi niya
agad ako inuwi kung di rin naman kami pupunta sa loob ng ospital?

At ala-una na daw ako inuwi nung lalaking yun?

"MAAA!!! Tulong namaaaan!!!" sigaw ko pero parang hindi naman nila ako naririnig.
Gusto ko sanang isigaw ng bonggang bongga ang pangalan ni Silver, sigurado naman
akong tutulungan ako nun pero baka mas lalo akong pagalitan nila mama. Ano ba naman
to?

Wala na akong nagawa at pinilit kong hinubad yung gown. Sa pilit kong pagbukas ng
zipper sa likod, may naalala ako. Hala ka. Dahil lang sa tunog ng zipper kinabahan
na ako? Gusto kong matawa hahaha. Kumuha lang ako ng simpleng t-shirt at pajamang
maluwag dahil yun lang ang madaling isuot. Kumuha ako ng wet wipes at pinunasan ko
ang mukha kong nagtransform na sa isang panda.

Pagkatapos nun, gumapang na lang ako sa abot ng aking makakaya papunta sa may
pintuan. At lumabas. Gapang ulit papauntang hagdanan at humawak ako sa gilid para
makababa. Habang pinoproblema ko ang hindi paghulog at pagprotekta sa buhay kong
malas, iniisip ko na rin ang sasabihin ko sa oras na makababa ako. Iniisip ko kung
anong sasabihin ko kina mama, kay Yanny... at syempre kay Silver.

Waaah. Gusto kong batukan sarili ko eh.. Kasi naman, ang dami-dami kong problema
pero bakit parang natatabunan ng kilig lahat. Naiisip ko pa lang na nasa baba siya
at naghihintay para sa akin, anlayo-layo na ng nararating ng utak ko.

"Oh? Nasaan na ang anak mo?" narinig kong mahinang sabi ni papa ng medyo nasa gitna
na ako ng hagdan.

"Nasa taas. Susunod na yun. Bumaba siya kung ayaw niyang maging grounded" Sagot ni
mama.

Grounded?? Ako magiging grounded?

"Makakababa ba yun? Di ba may sprain yun?"


Buti pa si papa. Naalala ang sprain ko. Thank you mama sa pag-aalala.

"Tsk... Oo nga pala.." mahinan sagot ni mama. Hula ko ay naguusap sila sa tabi ng
hagdanan. At sina Yanny at Silver ay nasa sala. Malamang... Medyo natatabingan kasi
ang hagdanan naming mula sa sala.

"Eto na po pababa na!!! Malapit nang makababa..." sabi ko na lang pero gusto ko
sanang sabihin Ngayon niyo lang naalala yung sprain ko? Kanina pa ako gumagapang
dito! Pero siyempre hindi panahon ngayon para barahin ang magulang. Mageexplain pa
ako sa kanila eh.

Itinuloy ko ang paupong pagbaba sa hagdan. Nakatungo lang ako habang tinitignan
yung mga baitang. Yung tipong pwet ko unti-unting humahakbang. Nakahawak lang ako
sa pader sa tabi, at ang bigat ko ay nasa kaliwang paa. Mahirap pero iniisip ko na
lang na marathon ito ng mga pilay at ang finish line ay yung pinakababa.

LUBDUBLUBDUB

Eto na naman. Nagpapalpitate na naman ako. May naamoy na naman kasi akong pamilyar
sa akin. Bakit ba kasi ganun yung pabango niya. Parang lovespell.

Tumingin ako sa harapan ko. Siya nga. Syempre narinig niya yung pagsigaw ko at
malamang sinalubong niya ako ngayon sa hagdan namin. Ang problema, mukha pala akong
tanga na kinakaldkad ang sariling pwet makababa lang.

"Pfhh!" natawa siya "Lika na nga..."

"Ayy! T-teka!!"

Binuhat niya ako. Lover's carry. Napahawak tuloy ng mahigpit payakap sa likod niya.
Itong si Silver talaga. Nung naglakad siya, papapaalis ng hagdanan, tska ko nakita
na nasa harap naming sina mama at papa.

"Baba mo ako..." bulong ko sa kanya dahil bigla na naman akong nahiya kina mama.
Tska baka madagdagan pa yung sermon sa akin. Pero di naman nakinig si Silver. At di
rin nagsalita. Naglakad siya papuntang sala kung saan natanaw ko na si Alyanna.
Bago pa kami makalapit sa may sofa kung saan feeling ko eh doon ako iuupo nitong si
Silver. Binulungan ko na siya.
"Ano bang nangyari kagabi? Sinabi ko kay mama nagpunta tayong ospital kagabi!!
Napagalitan ak-"

May sinasabi pa ako pero inuupo niya na ako sa sofa. Medyo katabi ni Yanny. Ano ba
naman tong si Silver. Narinig niya ba yung ibinubulong ko??? Gusto ko kasing mag-
isip naman KAMING DALAWA ng paraan sa problema ko. Tutal naman siya naman ang
nagtakas sa akin kagabi mula sa Christmas ball. Though nagustuhan ko yung ginawa
naming pag-alis, Alangan namang sabihin ko kina mama ang lahat.

Baka isako nila ako at itapon sa ilog.

"Yans." Binato ko ng maliit na unan si Alyanna. Pinilit kong hindi imaging awkward
at guilty. Pilit kong sinasabi sa sarili ko na wala naman akong dapat ika-guilty.
Hindi ko naman inagaw sa kanya si Silver dahil hindi naman naging sila. Pero
naiisip ko, the fact na nagsinungaling ako sa kanilang dalawa ni Mika. At hindi ko
pa sinabi sa kanya at inayunan lang lahat ng mga daydreams niya, nakakaguilty pa
rin.

"Zylie..." nakatingin lang siya sa akin.

Waaaah! Gusto ko nang umalis kasi nakakapaso yung mga tingin niya. Lalo na nung
tumingin siya kay Silver na nakatayo sa may gilid ko. Tapos bumalik yung tingin sa
akin. Mukhang di talaga yata siya makapaniwala na kami. Or hindi siya
makapaniwalang hindi ko sinabi sa kanya ang lahat. Or both?

"Ahh... Silver umupo ka..." sabi ni papa. Tska pa lang umupo si Silver. Sumiksik
siya sa tabi ko tapos hinawakan yung kamay ko. Nakaka-awkward. Baka mamaya, putulan
na ako ng lahat ng buhok ng mga magulangko.

Geez...

Pero kahit nikikilig ako ng konti. Gusto ko siyang batukan dahil hindi niya
pinapagaan ang sitwasyon. At sa fact na super komportable siya. Alam mo yung
feeling na bahay namin to, pero ang awkward naming lahat. Siya lang, kung sino pa
yung hindi nakatira dito, ang hindi. Kalma lang.

Great. Lalong hindi ko masimulan ang paliwanag. Saan ako magsisimula nito?
"Sabi ni Alyanna" putol ni mama sa katahimikan habang tumitingin kay Alyanna.
Parang nagiwas naman ito ng tingin ng tumingin ako sa kanya "...umalis daw kayo ng
maaga sa Christmas ball. At bakit naman? Pinaghandaan pa naman namin ang ball mo
Zylie. Itanong mo pa sa kuya mo kung magkano ang gown na yun." Bago pa ako
makapagsalita, nagtanong na si mama. Umupo siya sa isang stool sa harap namin. Si
papa naman ay tumatango -tango lang. Hindi naman kasi kami sanay sa mga ganitong
confrontation. Lalo na na may ibang kaharap.

Di ko alam kung anong isasagot ko. Kasi mukhang hindi naman sinabi ni Alyanna yung
dahilan kung bakit kami umalis. Mukhang clueless parin naman yung mga magulang ko
kung anong mga nangyari.

"Kamuntik na siyang maging Vander Princess..." sabi ni Silver

"OHH?!?!!" gulat naman sina mama. Wala talaga silang alam. Medyo kamuntik na rin
akong madissapoint na gulat na gulat sila sa balitang yun. Yung parang malayo sa
imposible na naboto ako.

"Tie po. Talo naman po ako sa second round."

Congratulations SIlver on distracting my parents. Diyan talaga siya magaling eh.

"Totoo? Second Round? Sayang naman!! Pero at least!! Ang isang Carbonnel kamuntik
ng maging Princess ng eskwelahan!!" proud na proud si papa. At nakikita kong
napangiti rin si mama. Medyo nadivert yung usapan. Loko talaga tong si Silver.
Tumitingin naman ako kay Yanny, kinukutkot niya yung kuko niya. Ano kayang
sasabihin niya? Magsasalita kaya siya?

"At anong nangyari? Dahil doon umalis na kayo?? Nagtampo ka na at hindi ka nanalo?"
sabi ni mama ng makabawi mula sa shock na dala ng balita. At ngayon napatunayan ko
kung paano talaga nagkakaroon ng tsismis. Tignan mo na lang ang balikong conclusion
ni mama mula sa kakarampot na balita na sinabi ni Silver sa kanila ni papa.

"Hindi po mama kasi po na---"

"Eh napano ang paa mo?" tanong naman ni papa.


"Hindi siya sanay sa heels. She tripped and twisted an ankle habang naglalakad."
Singit na naman ni Silver.

"Ang tanong... Bakit madaling araw na kayo nakauwi kung wala naman kayo sa ball??"
parang nangigigil na si mama. At kinakabahan naman ako dahil baka kung anong
sabihin ni Yanny. Baka sabihin niya na nakipag-kiss ako sa ilalaim ng mistletoe at
nawala na lang bigla kasama ni Silver. Baka kung ano na rin ang isipin ni Yanny
ngayong alam niya na na madaling araw na kami nakauwi nitong si Silver.

"At ang sabi mo Zylie, pumunta kayong ospital para sa paa mo. Eh bakit pupunta pa
lang daw kayo ngayon?!" medyo napapataas na ang boses ni mama.

"Mama... Ganito po yun..." sabi ni Silver

AYAN NA NAMAN SIYA SA KAKA-MAMA NIYA?! Grabe yung kabog ng dibdib ko. Alam kong
hindi ngayon ang unang beses na tinawag niya si mama ng ganun pero grabe lang,
hindi man lang ba kinakabahan o nahihiya ang isang ito?

"Pumunta rin kaming ospital kagabi..." pagtutuloy niya, Waaah. Sasabihin niya bang
hanggang parking lang kami at hindi kami natuloy sa loob?

"And I had her examined by my mom. We just need to back there, again. Pinababalik
lang po kasi siya ni mommy." Sinungaling ka. Sinungaling tayo Silver. Ano bang
nangyari kagabi at madaling araw na tayo umuwi.

"Doktor? Doktora ang mommy mo hijo?" sabi naman ni papa na parang namangha. Hindi
pa ba nila alam? Nakakatawa ang set-up namin.

Tumango si Silver. matter-of-factly

"Inumaga kayo ng ganun pero babalik pa rin kayo ngayon sa ospital?" nagsalita na
naman si mama. Mukhang sceptic pa. Parang baliktad eh si mama pa ang naghihigpit
at nagdududa ng bongga. Pero ang nakakakonsensya eh yung tama naman si mama sa
pagdududa. Dahil hindi naman talaga kami nag punta sa loob ng ospital all the
while.

"Hwag niyo sabihing traffic dahil alam kong hindi traffic ng gabi!" sabi na naman
ni mama. Grabe na yung pagkakahawak ko sa kamay ni Silver. Di na ako nahihiya.
Gusto ko kasing tulungan niya ako talaga. Ano nang sasabihin naming ngayon?
"Ikaw kasi ayaw pa, pinahirapan mo pa si mommy kagabi..." humarap sa akin si
Silver.

Huh? Anong sinasabi niya? Anong kasinungalingan ang hindi ko masakyan?

"Ayaw mo pa kasi magpasemento ng paa... Kahit anong pilit ni mommy ayaw mo, sobrang
tagal tuloy natin doon." Nakatingin siya sa akin at kaswal na nakikipag-usap na
kala mo kaming dalawa lang. "Kung pumayag ka na lang bang concrete cast eh di sana
di na tayo babalik..."

Semento? Yung paa ko?

"KAILANGANG ISEMENTO ANG PAA NIYA??!?!" sigaw ni papa

"Ganoon kalala??" sabi naman ni mama.

"Tignan mo! Pinababa mo pa mag-isa ang anak mo eh malala na pala yung bali ng paa
niya!"

"Eh akala ko naman simpleng tapilok lang eh!!"

Hoolooo nagtalo na sila!! Pero infairness mukhang smooth sailing ang


pagsisinungaling namin. Huhuhuhu! Pwede na kaming mag B.S. in Kasiniungalingan
Major in Maang-maangan.

"Pwede po bang umalis na kami?" malumanay na paalam na naman ni Silver.

"Ah... S-sige Mag-ingat kayo..." Waah grabe.. Nalusutan na ba namin? Makakaalis na


ba kami? Akmang bubuhatin na naman ako ni Silver ng maalala ko si Yanny! Hindi na
nakausap si Yanny dahil sa gravity ng issue sa pagsemento ng paa ko.

Sobrang tahimik niya na kasi at paminsan-minsang kinukutkot ang kuko. Gawain niya
yun pagawkward o uneasy.

"WAIT!! MA, PA!! At Yanny..." napasigaw na lang din ako. May gusto kasi akong
linawin. Ngayon na. Tutal naman, si Silver na lahat-lahat ang nagsalita eh. Gagawin
ko to sa ikatatahimik ng loob ko. Para kina mama at papa. Para kay Yanny, at higit
sa lahat para kay Silver.
"Si Silver po..." Kaya mo yan Bilog!! Kelangan ko pa talagang icheer ang sarili ko
hindi ba?

"...Boyfriend ko... na..."

Di ko alam kung paano na kami nakalabas ng bahay. Sumabog na naman kasi ang
awkwardness pero nagawa naman akong buhatin ni Silver palabas. Hanggang sa iuupo
niya na sana ako sa backseat ng matanaw ko si Yanny sa gilid ng mata ko.

"Saglit lang Silver... Ibaba mo lang ako diyan kaya ko naman eh..." Mukhang nakita
niya naman na nakatingin ako sa gawi ni Yanny. Di naman siya umangal at lumayo lang
nga kaunti... Kumapit lang ako sa may sasakyan niya para makakuha ng balanse at
makatayo ng maayos. Nakita ko namang papalapit si Yanny.

Grabe, nakailang lunok ako ng laway habang papalapit siya ng papalapit. Minsan lang
kami ganito ni Yans. As in bilang na bilang lang naging awkward kami sa isa't isa.
Hindi naman kasi kami ganun nagaaway. Kaya kinakabahan talaga ako. Wala na sa harap
naming ang mga magulang ko kaya maari niya nang sabihin lahat ng gusto niya. Alam
kong hindi niya rin naman ako ganoon ipinahamak. Dahil kung gugustuhin niya, baka
sinabi niya na lahat-lahat kay mama. Pati yung kiss under the mistletoe last night.

"Yanny..."

"Congrats Zy... Kayo na pala..." sabi niya na nagpatahimik sa akin. Sarcastic ba


yun?? Di ko alam na naman ang isasagot ko. Si Silver nasa may malayo. Feeling ko
this time hinahayaan niya na lang akong i-solve itong sa aming dalawa ni Yanny. At
sa tingin ko tama naman siya. Ako mismo ang dapat gumawa ng paraan dito.

"Sorry Alyanna... H-hindi ko nasabi kasi..." di ko maituloy. Gusto kong sabihin


'kasi crush mo siya' pero di ko kayang sabihin. Baka sabihin nagmamayabang ako.
Baka isipin niya, pinagtatawanan ko siya ng palihim dahil alam ko na ngang kami ni
Silver, hinahayaan ko pa siyang magdaydream dito palagi.

"'Nde Ayos lang yun!"

"Talaga?"

"Ako lang naman to eh... Sino ba naman ako para sabihan mo ng mga ganyang bagay...
Lalo na't si Silver pa..." mahinang sabi niya. Nahuhurt ako. Pero wala akong
masabi.
"Yanny di naman sa ganun... Nahirapan lang akong sabihin... Sorry na talaga!!
Please!"

"Kaya ka nagsinungaling na kayo na ni Terrence? Di ko maintindihan kung bakit hindi


naman kayo ang magkapartner ni Silver sa ball? Bakit si Buknoy ang partner mo?
Bakit si Bettina ang partner niya? Kelan pa ba naging kayo? Bakit kailangang gumawa
pa kayo ng scene? Alam mo ba kung anong itsura ni Buknoy sa table namin? Alam mo
bang tumakbo si Bettina sa CR ng umalis kayo? Anong drama niyong dalawa at ang
dami-dami niyo pang dinamay?"

Shit.

"Ano?! Alam ko may sprain ka at malala na yan... Pero nagpunta lang ako para
marinig mismo sayo ang explanation.

Wala akong masabi.

"Alam wag na... Save it. Save your explanation pagpasok mo sa school." Pagkatapos
nun tumalikod na si Yanny. Alam kong simula na ng Christmas break at sa susunod na
taon na ang pasok. Ang sakit sa dibdib lahat ng sinabi niya. Tama naman siya, ang
daming nadamay dahil lang sa mga kasalanan ko. At alam kong galit si Yanny sa
paglilihim ko sa kanya paano na ito.

"C'mon I'll get you inside..." narinig kong sabi ni Silver habang inuupo ako sa
passenger seat. Akala ko sa backseat niya ulit ako iuupo tulad ng kagabi pero
nagulat ako ng dalhin niya ako sa harap.

Sinusuot niya sa akin ang seatbelt. Mula sa side mirror, natatanaw ko yung likuran
ni Yanny habang naglalakad sa kabilang direksyon. Di na talaga ako mapakali lalo.
Akala ko magkakaayos na kami.

"Paano na yun?" tanong ko kay Silver. Di pa ako nagpapaliwanag pero alam kong sa
tingin pa lang, alam niyang hindi kami nagkaayos ni Yanny.

"Don't worry. She's just mad. She loves you and you have to give her that much to
be mad." Nagsmile siya ng kaunti. At ayun. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko.

Sinabi at ipinaliwanag ko rin sa kanya yung sinabi ni Yanny. Yung kay Buknoy, kay
Bettina at sa posibleng gulo na nangyari sa Christmas ball kagabi.
"Tsk.." nagchuckle lang siya. Sinumulan niyang tapakan ang gas pedal.

"Ehh! Di ako mapakali... Kasalanan ko to eh.. Nakakainis!"

Napatigil siya sa pagmamaneobra.

"Don't be... I care less about them. Ikaw ngayon ang importante. Forget them now.
Palagi na lang sila... Tayong dalawa muna." May pagkaselfish. Pero kinilig ako.

"Eh kagabi lang naman... Magkasama na tayo..."

"You know... Last night..." humarap siya sakin tapos yung pagpikit niya parang slow
motion na inaantok.

What the!! Naakit ako sa mga ganyan eh!

"Ano bang nangyari? Bakit ba tayo inumaga? Di mo man lang ako ginising?? Di tayo
nagpuntang ospital diba? Nagsinungaling kay din kina mama 'diba?"

"Last night was the most wonderful night I ever had..."

*later*

##################################

~~CHAPTER XLVc- ZYLIE~~

##################################

READ FIRST BEFORE YOU VOTE


Zylie ulit. XD Kelangan eh. Yae na. Next time na si Silver.

CHAPTER XXXXVc- ZYLIE

"Last night was the most wonderful night I ever had..."

O////O

"AT BAKIT?!"
Napayakap ako sa sarili ko. Iba kasi yung naisip ko sa sinabi niya. Daig ko pa ang
may amnesia, bakit di ko alam yung nangyari kagabi? Nakatulog lang naman ako ah.

"Haha." Tumawa siya ng kaunti. Kahit pagtawa tinipid din? Pero okay lang dahil
tumagal naman ang ngiti sa mga labi niya habang nakagharap sa akin. Para niya akong
pinagtatawanan.

"Bilog."

Yun yung huling sinabi niya bago niya itinuloy ang pagmamaneobra ng sasakyan
palabas sa harap ng bahay namin.
Isang huling sulyap ang ibinigay ko sa pituan namin. Alam ko kasi na mamaya,
mahabang paliwanagan na naman ang aabutin ko sa harap nila mama at papa. At
ipinapanalangin ko na nasa bahay ang mahal kong kuya Zeus mamaya. Kelangan ko ng
makakapitan.

(__ __")

Tumingin ako kay Silver na nakangiti pa rin ng kaunti. Sobrang naa-appreciate ko


yung ganitong tanawin lalo na't bilang na bilang lang yung pagngiti niya na abot
hanggang mata. Kung hindi lang sana ako kinakabahan sa lahat ng pangyayari, eh di
sana okay na.

Si Yanny kasi eh. Eto talaga yung kinakatakot ko eh, yung maging ganyan kami ni
Yanny. Nung pinili kong hwag sabihin sa kanya, si Silver ang muntik ng mawala sa
akin. At naramdaman kong hindi ko kaya yun. Kaya hindi lang sa harap ni Alyanna.
Maging sa lahat ng junior at senior high school, inamin ko na.

Pero ngayong nagawa ko naman ang hindi ko makaya-kayang pag-amin dati. Mukhang si
Yanny naman ang mawawala sa akin. Hindi ba pwedeng wala na lang umalis? Wala na
lang magalit? Bakit kaya ganun? Idagdag pa ang mga nangyari kay Bettina.

Siya yung napiling Vander Princess pero hindi niya man lang nakuha ni isang glory.
Bukod sa ako ang hinalikan sa ilalim ng mistletoe, iniwan pa siya ng Prince niya na
mag-isa sa harap ng maraming tao. Di na ako magtataka kung bakit siya tumakbo sa
CR. Kung ako din ang nasa sitwasyon niya, baka ganun din ang ginawa ko. Haie. Si
Buknoy pa.

"Kyot."

<<.<<
"ANO NGA NANGYARI KAGABI?!" ito pang isang ito. Binibigyan pa ako ng isa pang
alalahanin. Kahit naputol niya ang malalim na pag-iiisip ko sa mga naging
consequences ng scene na ginawa naming noong Christmas ball, bigla na namang
sumingit sa utak ko yung kagabi.

Last night was the most wonderful night I ever had.

Last night was the most wonderful night I ever had..

Last night was the most wonderful night I ever had...

Last night was the most wonderful night I ever had....

Last night was the most wonderful night I ever had.....

>O<
WAAAAAAAAAH Nage-echo na yung sinabi niyang yun. Medyo nagkaroon ako ng butterfly
sa tyan dahil sa sinabi niya na biglang nagre-wind sa sa utak ko. Wonderful night
naman daw kasi. Most wonderful night? At ako ang kasama niya?

>///<

Pero may isang brain cell ako na nagwo-worry. Bakit naman naging most wonderful ang
pag-uwi namin ng madaling araw?

"Sleeping pancake..." sabi niya habang ngumingiti na naman. Di siya sumusulyap sa


akin dahil sa kalsada lang siya nakatingin pero kitang kita ko sa side profile niya
yung pag-curl ng mga labi niya pataas.

"O tapos??" pag-eencourage ko sa kanyang magsalita ulit. "Nakatulog nga ako eh.
Tapos di ko na namalayan yung buong magdamag. Nagising na lang ako nasa kwarto ko
na ako."

"Hmm... Interesting..." sabi niya.

O____o

At ano naman ang interesting doon? Isa ba akong lab specimen na inoobserbahan?

"Ano ba kasi. Magsalita ka po kaya ng maayos. Buuin mo naman yung sentence mo.
Hindi ba napapanis ang laway mo sa katipiran mo magsalita? Ano nga ang nangyari?
Bakit di mo ako inuwi ng maaga? At pano naging interesting!!??"
"Sleep talking..."

Yun na naman, maikli na naman ang sinabi niya kaya sumingit na ako. Oo minsan
nagsasalita ako ng tulog. Pero hindi naman daw maintindihan yung sinasabi ko sabi
nila kuya at mama. Parang mumbling lang na hindi daw worth intindihin.

"O tapos? Buuin mo na wag ka ng mag-pausepause-"

"Akala ko hindi ka tulog. Your eyes were half open na parang inaantok ka lang. You
said my name... a couple of times..."
O___O

Hindi ko naman maimagine ang sarili ko. Di naman masyadong halata na siya lang ang
laman ng subconscious ko diba? Medyo nahiya ako ng kaunti dahil naimagine ko ang
itsura ko. Nakasandal ako sa kanya habang nakayakap siya mula sa likod, hula ko
nakahiga na ako ng kaunti sapat na para makita niyo yung mukha ko. Kasi sabi niya
half-open daw yung mata ko.

>o<

Wahh mukhang tanga. Hindi naman kaya tumulo yung laway ko?

"Eh ayaw mo nun!? Kesa naman ibang pangalan yung sasabihin ko diba?? Ayaw mo pa
nun!?" depensa ko na lang sa sarili ko para mapagtakpan ang pagkapahiya na sa
sarili ko gawa ng pagiiisip kung anong itsura ko habang nagssleep-talk at nakadilat
pa ang mga mata. Jusmiyo

"I didn't say I hate it." This time tumingin na siya sa akin. Matagal. Nag-lock
yung mga mata namin. Minsan lang kami magkaron ng ganito katagal na eye contact.
Yung parang nagpapaunahan kami matunaw. Pero di ko na natiis. Ako agad yung nagbawi
ng tingin.

"Tumingin ka nga sa daan! Jusko pag nadisgrasya tayo ah!!!" grabe kasi! Nakakatunaw
siya. Kahit pa mapangasar yung ngiti niya. Ikaw ba naman titigan ng isang Silver
Jeremy Torres. Ano ba naman ako. Bakit ba hanggang ngayon di pa rin ako nasasanay.
Feeling ko pa rin isa siyang star na mahirap abutin. Tapos eto ako katabi ko. Haba
ng buhok ko eh. Ang totoo, feeling ko pag nadisgrasya kami, kinikilig pa rin ako.
Weird I know.

"Haha. Kyot." Ibinalik niya na yung mata niya sa daanan. "You are really worth
waking up for..."
>////<

"Nyeeh Corny... Tuloy mo na lang yung ikinukwento mo yung sa kagabi!!" kunwari na-
corny-han ako. Pero nu ba naman. Syempre yung feeling ko, parang naramdaman ko na
kung paano maging isang matigas na butter na inilagay sa mainit na pan. Ganun
exactly. Pero at least, sa defense ko, nagkaroon ako ng lakas ng loob para ipatuloy
yung kwento.

"Hmm..." nagsquint siya na parang nag-iisip at nagre-recall. "Ng makita kong tulog
ka pala, I decided to drive you home. I cannot make myself wake you up. Lalo na't
you seem so serene. At parang napapanaginipan mo pa ako. Tsk."

Ganun? Eh... Wala nga akong matandaang panaginip eh!


"So natutulog ako sa backseat habang dinadrive mo ako pauwi??? So hindi nga tayo
nakadiretso ng loob ng ospital. Sabi ko na eh..." patuloy ako sa paged-deduce kung
anong nangyari. "Pero bakit nga tayo inabot ng ala-una??"

"Namimiss ko na ang amoy mo..." sabi niya. Namimiss niya yung amoy ko?? Sa
pagkakaalam ko, siya ang may malakas at nakakaakit na pabango.

"Anong sinasabi mo??" di ko napansin na nandoon na kami sa tapat ng ospital.


Pumasok na naman kami sa parking space at hindi sumasagot si Silver habang
naghahanap pa kami ng open parking space. Nang maka-hanap na kami. Tska siya ulit
humarap sa akin bago nagsalita.
"Ikaw nagsabi nun. Nami-miss ko na ang amoy mo Silver. Hwag ka nang umalis."
Mahinahon niyang paggaya sa akin.

>______<

Sinabi ko daw yun habang natutulog? Ang haba naman!

"Sinabi ko yun??!!" di kasi ako makapaniwala. Baka niloloko niya lang ako at
hinuhuli? Totoo namang namiss ko siya. Pero hindi maari. Bakit sa lahat-lahat pa ng
masasabi habang nagsi-sleep talk eh yung amoy niya pa? Parang ang perverted!!!
Waaaah
"I see hindi mo natatandaan. O baka ayaw mo lang aminin..." inilapit niya ang mukha
niya sa akin habang nakaakbay sa likuran ng upuan ko. Adik niya.

"Kung sinabi ko man yun di ko na natatandaan. O baka naman nagiimbento ka!"

"Why would I? I was about to get off the car para lumipat sa harapan at ipagdrive
ka pauwi, ng sabihin mo yun. Of course can't go. I stayed beside you and....
Fulfilled all your wishes..."

O___o
Anong wishes ang sinasabi niya???? Imposible namang mag-wish pa ako sa lagay na
yun. Natutulog nga eh!!! Alangan namang ...

O__O

"Ano pang mga sinabi ko?!?!?! Sabihin mo?"

Huhuhuuh. Baka kung ano-ano ng pinagsasabi ko habang natutulog. Baka lahat ng


hinanakit ko habang hindi niya ako pinapansin sinabi ko na. Waaah. Ano ba naman
Zylie? Anong sinabi mo para umabot pa kayo ng madaling araw?
"Just... small things which I can freely give..." malokong ngiti niya.

"Ano nga?!?!"

"Guess..."

Walanjo to nagpapahula pa. Ano ba ang possible kong hilingin...


"Uhm. Nagsalita ba ako tungkol sa..." nag-isip ako ng naiisip ko kagabi bago ako
makatulog. "tungkol sa nangyari sa ilalim ng mistletoe?!" para akong lumunok ng
isang malaking bagay para lang masabi ko lang yun in his face.

"Uhmm.. Yes... And you asked for another kiss."

O____O
"Ako?!?!? Waaah! Niloloko mo ako Silver! Pano ko naman sasabihin yun habang
natutulog ako?!"

May kinuha siya sa bulsa niya. Yung celphone niya pala. Naasar ako kasi nag-uusap
kami tapos parang nagte-text siya. Sino naman kaya ang katext niya na magpapaputol
ng usapan namin?

Pero nagulat ako ng ibinigay niya sa akin ang cellphone niya. Nung una di ko pa
alam ang gagawin dahil parang ang dilim naman nung nasa screen.

Pero ng mabanaag ko kung ano yung pinapakita ng cellphone niya. Parang gusto ko ng
lumubog sa kinauupuan ko.
Nasa video ako. Tulog. Hanggang nakita ko kung sino ang naghahawak ng video na yun
ng pumasok si Silver sa screen. Vinideohan niya yung mga nangyari kagabi???

>///<

Waaah ano toh!!

*later*

______________

:pppp

Add Bettina up. Nagawan na kasi siya ng fb XD

Intindihin ang mga typos. :ppp

VOTE sa taas and COMMENT sa baba!


Salamat!!

-glimglim

##################################

~~Chapter Fifty Five- Balloons~~

##################################

ZYLIE's POV

Nakatingin ako sa malaking screen ng telepono niya at naaninag ko ang sarili ko na


medyo nakarecline sa backseat. Madilim ang kuha pero alam kong ako yun. Yung
nagkalat kong make-up. Yung gown kong black and white at ang magulo kong buhok.

"Ano ulit?" sabi ng boses ni Silver na may hawak ng camera ng oras na iyon.
Binuksan niya pa yung ilaw sa loob ng sasakyan at mas lalo ko pang nakita kung
gaano ako ka-haggard. Tanggal yung isang false eyelashes ko kaya mas lalo akong
nagmukhang weird. Tapos dahil sa kaiiyak ko kalat kalat na yung mga itim-itim na
galing sa eyeliner ko. Sabi ko nga, panda.

"Silver... Silver Jeremy." sabi ko mula sa video. Grabe lang. Ang weird nga pag
nakikita mo yung sarili mo na natutulog. Lalong weird na nakikita kong nagsasalita
ako. Nakakahiya. Nakakaloka.

Biglang nagulo yung camera. Ipinatong niya pala sa upuan kaya wala kong makitang
kahit ano kundi yung putting seat cover. Ang susunod na nakita ko na lang nakaupo
na siya at nakaunan na ako sa kandungan niya. Itinaas niya pa ako ng kaunti na
parang baby na hinehele.

"Ano ba tong ginagawa mo?? Bakit mo inirecord?!?!" singal ko kay Silver na


nakahawak pa rin sa manibela ng kotse niya. Alam na alam ko nagpipigil siya ng
tawa. Gustung-gusto ko na talaga ibalik sa kanya yung telepono niya, dahil kitang
kita ko yung kalat-kalat na lipstick ko.

Naalala ko na naman yung mga nangyari kagabi. Lalo na yung mga muntik ng mangyari.
Di ko magawang isauli yung telepono niya dahil may parte ng utak ko na nagsasabing
Manuod ka pa Zylie Manuod ka pa Di pwedeng di mo yan panuorin. You'll miss half of
your life.

"Anong sabi ng pancake ko?" sabi niya sa akin habang hinahawakan ako sa pisngi.
Ansabeh ng paos -paos na boses niya habang hinahaplos ako? Ang awkward lang talaga
dahil hindi ko alam kung paano niya nagagawang i-video yun ng ganun ka-calm.

"Pag umalis ka ulit... Di ko na talaga kaya..." sabi ko na naman. Parang ako mismo
di makapaniwala sa mga sinasabi ko. Ako ba talaga yung nagsasalita? Tulog ba talaga
ako? Ano ba naman yan. Sobra naman yung bibig ko. Waaaaaaaaaaaah. Masyado na akong
engrossed sa pinapanuod ko na di ko namamalayan na masyado ng mahigpit ang hawak ko
sa telepono niya.

"Dito lang ako..." sabi niya na naman habang nakatingin lang sa akin. Grabe lang
talaga, paano niya nagagawang ivideo ang mga ganitong pangyayari? Isang braso kasi
nakaalalay sa ulo ko tapos yung isa naka-extend para ma-record ang mga nagaganap.
Baliw talaga siya. Mahilig ba talaga siya sa video? kaya ba maraming DVDs ang
nakalagay sa kwarto nila Orange?

I pushed the thought away. Masyado akong masaya para ibalik pa yun.

Kung gising lang talaga ako niyan. Baka sumabog na ako sa kilig. Sa simpleng
tatlong salita ibang klase yung power ng mga salita niya. Kaya naiisip ko minsan,
parang okay na na minsan-minsan lang siya magsalita. Iba naman ang epekto sa akin.

"Sssmeh" mahinang sabi ko mula sa video.

Tapos nakita kong ngumiti si Silver. Tapos humarap pa sa camera. Di ko naintindihan


ang sinabi ko dahil masyadong mahina na parang bumulong lang ako. Pero proud ako sa
sarili ko kasi napangiti ko siya. Ngiting abot mata.

"As you wish..." sagot ni Silver sa video. Tapos nakita ko na lang yung ulo niya,
unti-unting bumababa papunta sa akin. Slow motion pa talaga. Anong nangyayari? Di
ko alam irereact ko sa nakikita ko.
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!!?" sigaw ko kay Silver na maang-maangan pa rin sa
kinaauupuan niya habang ako ay mamamatay na sa pinapanuod ko.

"'Sabi mo halikan kita eh..." kiming sagot niya.

So ibig sabihin? Yung sinabi ko kaya siya ngumiti sa camera ay... Kiss me??

"Oh My God..." nasabi ko na lang nung nakikita ko na yung ginagawa niya. Para na
akong mabibingi sa lakas ng tibok ng puso ko. Waaaah. Bakit kailangan niya pa itong
videohan???

Kailangan ko tong idelete... Nasaan ang delete??

"Nope." napigilan niya agad ako. Inagaw niya sa akin yung cellphone niya bago ko pa
nabura.

"ANO BA NAMAN KASI SILVER! MAMAYA MAY MAKAKITA NIYAN EH!?!?"

"Eh ano?" ibinulsa niya na naman yung cellphone niya.

"Syempre di pwedeng makita yan ng iba!?"

"Joke lang." hinawakan niya yung baba ko. "Akin lang to. Wala namang mangingialam
ng cellphone ko kundi ako... at ikaw lang..."

Waaaah. Kahit na... Grabe siya. Wala na nadagdagan na naman yung mga bagay na
ikinababahala ko. Ang dami ko na ngang alalahanin nadagdagan na naman. Baka tumanda
agad ako nito sa sobrang pamomroblema d'ba??

"Kasi naman eh..." di ko alam sasabihin ko sa kanya. Di naman talaga ako nagagalit
sa ginawa niya. Syempre effort pa rin naman niya yung pagvi-video. Para nababother
pa rin ako. Isama pa yung awkwardness na gawa ng napanuod ko sa video. Iba kasi
talaga yung nakikita mo yung sarili mo.

Lalo na yung makikita mong hinahalikan ka niya... Parang movie talaga.


"Pst..." tawag niya. Nakatingin pa rin ako sa labas. Syempre nahihiya pa rin ako.
Basta nakakahiya kasi para akong may iniingatang scandal. Huhuhu.

"Pssst..." tawag niya ulit.

"ANO?!" kunwari irritable nung humarap ako. "Ayy!!"

*boinks!"

May nakahanda pala syang hintuturo na malapit sa pisngi ko. Saktong paglingon ko,
tusok yung mataba kong pisngi. So childish!

"YAH! Puro ka kalokohan!"

"Wag ka na mag-alala dun." Pagpapatungkol niya sa video. Remembrance lang... on how


much you love me..."

"D-di mo na a-ako kailangang videohan!" Nabulol-bulol pa tuloy ako. "Ang dami ko na


ngang nagawa mapatunayan lang yun 'dba? Sige na burahin mo na!" Nalungkot yung
mukha niya. Di ko alam kung umaarte kasi kadalasan di naman siya nakikitaan ng
wagas na expression eh.

"No... " mariing sagot niya.

"Akin na ulit please. B-baka kasi may makakita niyan."

"Wala ka bang tiwala sa akin?" sabi na naman niya with matching husky voice. Ayan
na naman siya. Ang The Silver Effect.

"H-hindi naman sa ganun... Pero-Haay Sige na nga..." wala na naman akong magagawa
eh. Iisipin ko na lang, kahit medyo nakakahiya, na papanuorin niya yun gabi-gabi
para maalala ako. Wahhaha.
As usual binuhat niya na naman ako papasok sa ospital kahit meron namang mga
wheelchair. Okay na rin dahil ayaw ko namang itulak-tulak na parang pilay na
talaga. At higit sa lahat, ang saya kaya ng feeling na ang daming tumitingin. Medyo
nasasanay na ako sa mga ganung atensyon. Proud kasi ako kay Silver.

Mabuti na lang wala kaming nakasalubong na kahit sinong schoolmate kundi masisira
ang feeling prinsesa mood ko.

Madali lang naman yung mga nangyari. In-xray yung paa ko at hindi naman malala.
Yung katulad lang ng dati, napuruhan lang ulit yung kanan kong paa. Wala yung mommy
ni Silver kaya ibang doktor yung nagasikaso sa akin.

Nagtaka pa si Silver dahil may pasyenteng importante daw ang mommy niya at syempre
kahit anak niya si Silver, hindi naman kami pwedeng isingit. "Kailangan mo lang
muna gumamit ng crutches para hindi mapressure at mapabilis ang paggaling ng sprain
mo. Maswerte ka at Christmas vacation ngayon." Nakangiting sabi ng doktor sa akin.

Hindi naman sinimento ang paa ko. Sabihan ko na lang daw ang mga magulang ko mamaya
na maswerte talaga ako at ipinilit ko na naman daw ulit ang hindi pagpapalagay ng
concrete cast. Saklay na lang daw ang kakailanganin.

Binigyan niya pa ako ng mga ilang paalala tungkol sa paa ko. Naghintay na lang ako
saglit dahil lumabas si Silver. Kinausap siya ng doktor kanina na pasyente daw ng
nanay niya yung anak nung may ari nung isang ospital. Mukhang kinabahan si Silver,
pero baka pagtataka lang yun. Nagtataka nga rin ako kung bakit dito nagpapagamot
yung anak ng isa may ari ng kabilang ospital. Weird. Kaya rin siguro lumabas si
Silver para tignan kung sino yun. Baka nacurious siya.

"Subukan mong gamitin yung saklay?" sabi sa akin nung doktor nung medyo matagal na
akong naghihintay. Ang tagal naman kasi ni Silver. Tinetext ko na nga at lahat-
lahat ang tagal pa rin.

"A-ahh Sige po..." tumayo na lang din ako. Baka naiirita na rin yung doktor sa
pagtatagal ko. Tinry ko nga gamitin yung saklay. Medyo mahirap sa una. Pero okay na
rin dahil hindi na ako gaano masasaktan.

"Ang cute mo hija..." Sabi nung lola na nakaupo sa gilid. Aba't nacute-an pa sa
akin eh may saklay pa nga ako. At nakakatawa na lola ang nagsasabi ng word na cute.

"Ah salamat po..." nilampasan ko si lola na nakatingin pa rin sa akin paglingon ko.
Nasaan ba kasi si Silver?

Nilakad ko tuloy yung hallway para sa mga upuan dahil nahiya naman daw ako tumabi
kay lola sa dinaanan ko. Nakakaconcscious lang na pinuri niya kasi ako.

"M-magpagaling ka..." Narinig ko yung boses ni Silver. Saktong sakto pang kakaliko
ko pa lang ng marinig ko ang boses niya. At tama ako. Boses niya nga yun. Kahit
bihira lang siya magsalita, alam na alam ko at parang maririnig ko kahit nasa
malayo ako pag bumulong siya.

"SILVER???" nilakasan ko yung boses ko dahil nakalabas naman yung likod niya mula
sa pinto. Nakaharap siya sa loob at mukhang nagpapaalam na kung sino man ang may
sakit.

"A-ah.. Zylie tapos ka na??" medyo nagulat yata siya dahil sa lakas ng boses ko. Ng
makalapit ako ay naisara niya na ang pintuan ng kwartong pinanggalingan.

"Um, Ano yun? S-sino yun??"

"Wala... Yung pasyente ni mama. Halika na at baka mahawa ka pa..."

"H-ha?? Nakakahawa pala eh bakit ka pa pumasok?" Kinuha niya yung saklay ko at


binuhat na naman ako. Parang easy lang sa kanya yun.

"Di ako mahahawa..." yun lang yun sagot niya. Hala nakakainis naman... Sino kaya
yung pasyente na yun at may nakakahawa palang sakit tapos pumasok pa siya? Hmpf
dahil nandoon lang yung nanay niya kaya ganun??

Madali naming narating yung sasakyan niya. Tapos umalis na kami.

"Iuwi mo na ako..." sabi ko dahil medyo nakakabadtrip. Ang tagal ng hinintay ko


tapos may iba siyang sinasabihang magpagaling na? Ang petty pero nababadtrip ako...

Di siya sumagot kaya mas lalo pa akong nabadtrip. Nakita ko na lang na dumederetso
kami sa may bahay nila. Hala sa bahay na naman nila??
"Ang sabi ko iuwi mo na ako."

"Maaga pa Zy..." sumagot na rin siya ng nakarating na kami sa kanila.

Medyo kumabog na naman yung dibdib ko ng makita ko yung bahay nila Terrence sa
tapat. Pinagbuksan niya ako ng pinto pero this time hindi niya na ako binuhat.
Nauna siyang pumasok sa kanila. Inisip ko na lang na bubuksan niya pa kasi yung
malaking front door nila kaya hindi niya na ako binuhat. At tska sinuswerte ko
naman diba?

"YUN Panalo si Orange?!" sabi nung katulong nung papasok na kami. Nakita ko na
naman yung kambal na kapatid ni SIlver

"Ate Poty. Si Lemon ako." Mahinang sagot nung isa. Mukhang hindi pa rin
nakakabisado ng katulong kung sino sa kanila si Orange at si Lemon.

"Iwan muna kita diyan ah..." bulong ni Silver ng makaupo na ako sa sofa.

"H-ha bakit saan ka pupunta hindi mo pa dinaanan kanina habang kasama mo pa ako."

Tska pa lang yata kami napansin nung kambal at ni Ate Poty.

"OMIGOSH ATEEEE ZYZY?!?!?!" tumakbo papalapit sa akin si Orange. Si Lemon naman ay


binigyan lang ako ng marahang tango. Sinamantala naman ni Silver yun para umalis.
Wah. Medyo nakakairita na talaga siya. Baka babalik siya sa ospital? Nakakabother
naman.

"Okay ka lang ba ate Zyzy?" masiglang tanong na naman ng bata. Lumapit din naman sa
akin si Lemon. Binigay niya pa sa akin yung controller ng PS3 at pinaglaro ako.
Mabuti na lamang at medyo nakakalibang ang mga laro at hindi nangibabaw ang inis
ko.

Ilang saglit pa, dumating na naman si Silver.

"Halika na uwi na tayo..."


"HA??!?! UUWI NA AGAD? ANO KA BA NAMANG KLASE KUYA?!?"

Wah grabe lang. Uuwi na agad? Kaninang gusto kong umuwi wag daw, maaga pa daw..
Ngayong umalis lang siya ng saglit uuwi na agad ako? Ang gulo lang ni Silver!

"OKAY FINE!" di na ako nagreklamo. Naasar na ako eh.

Sumunod na lang sina Lemon at Orange habang lumalabas kami. Eto na naman ako
nagsasaklay. Ng marating namin ang kotse, napahinto si Silver.

"Tsk. May kailangan akong kunin sa taas. Pwede bang pakikuha ng bag ko diyan sa
likod ng kotse? Sa trunk?" inaabot niya sa akin yung susi ng trunk. At inutusan pa
daw ako diba??

"Tss..." yun na lang ang nasabi ko pero nagsaklay ako papunta sa may likod ng kotse
para kunin yung bag ni senyorito habang umaakyat siya.

"Ako na kaya ate zyzy..." pag-ooffer ni Orange pero nakapwesto na ako eh. Medyo
nahirapan lang ako ng kaunti buksan ang trunk dahil di naman ako ganun kaalam sa
mga kotse kotse. Pagkabukas ko...

Jesus.

Madaming lobo ang lumipad na sa sobrang gulat ko, di ko na nahawakan. Malay ko bang
may lobo sa likod ng kotse niya?? Tska ko lang napansin na may banner palang kasama
ang mga lumilipad na lobo. Mataas na ang inilipad nito pero nababasa ko pa rin.

Mahal kita Zylie

"Ayyyyyy!?!?!? Ang mushy mushy ni kuya" sigaw ni Orange. Mas kinilig pa yata siya

Waaah. Napaluha ako. Naglaho lahat ng inis ko kung ano man yung mga nangyari. Huhu.
Ang galing niya talaga mambola. Tsaka ko lang napansin na nasa taas pala si Silver
at nakatingin lang sa akin.
"Ikaw talaga.... Sayang yung lobo." Sigaw ko sa kanya mula sa taas. Nagvi-video na
naman siya. Hilig niya talaga yun ah.

"Yan lang ba ang sagot mo??" sigaw niya rin sa akin.

"Mahal din kita Silver."

*later*

##################################

~~Chapter Fifty Six- Love and Hate~~

##################################

SILVER's POV

Pumunta muna ako sa loob ng kwarto bago bumaba. Alam kong naghihintay sa akin si
Zylie sa baba at hindi siya gaano makakagalaw dun gawa na rin nung sprain niya pero
saglit lang naman kaya ako pumunta sa kwarto.

Ang saya.

Ikinopya ko muna yung nakuhanan ko sa computer ko para backup. Mahirap na baka may
magbura o mabura ng di inaasaahan. Napapatawa na lang ako dahil matagal na panahon
na nung huli kong ginawa ito. Nung huli akong magvideo ng kung anu-ano.

"Kuyaaaaaaaaaaaaa!!! Ang tagal moooooooo Si Ate Zyzy natumba!!!"

Tsk. Talaga nga naman. Palagi na lang may nangyayaring di maganda. Kaya hindi
maiwan-iwan eh.

"WAIT!"
Syempre dali-dali akong bumaba. Baka nasaktan na siya dahil mas inuna ko pang
ilipat yung video file sa PC bago ko siya asikasuhin.

"ANG TAGAL MO KUYA!!!" salubong sa akin ni Orange habang nakita kong papasok na si
Zylie habang inaalalayan ni Ate Poty papasok.

"Hindi okay lang naman..." sagot ni Zy habang iniuupo siya sa dulo ng sofa.
Nilapitan ko siya syempre. Lumuhod ako sa may paanan niya para tignan kung may
nangyaring masama na naman sa sprain niya.

"Kyaaaaaaaaaaaaaah kileeeeeeeg!!"- Orange

Nilingon ko sila at parang nanalo sa lotto si Orange habang tumatalon-talon habang


magkahawak kamay sila ni Ate Poty.

"Shhhh..." sabi naman ni Lemon na nandito rin pero may hawak na libro.

"Go away." Sabi ko sa kanila.

"We live here." makulit na sagot ni Orange. Adik talaga.

"Tara na kasi." Mabuti na lang at may kusang loob si Lemon para yayain ang kambal
niya. Hinawakan niya ito sa braso at naglakad sila papunta sa kitchen.

Eto naman si Ate Poty nandito pa rin, di pa nakaintindi kaya ko pinaalis yung
kambal.

"Ate anong ginagawa mo diyan?"

"Sabi ko nga aalis na ako eh... Hahaha" parang roadrunner siyang sumunod sa kusina
kung saan nagpunta yung kambal. Tska lang ako ulit humarap kay Zy.

"Masakit? Ano bang nangyari?" tinitignan ko yung sprain niya. Grabe lang kasi kulay
ube na yung sakong. Sobrang natwist naman yata talaga yung paa niya habang
naglalakad ng naka heels nung gabing yun.

"Ikaw talaga ang sama mo bat mo sila pinaalis??" di niya ako pinansin at inaalala
niya pa yung mga kapatid ko pati yung katulong. "Ang angas mo pa kay Ate..."
dugtong niya.

"Hindi... I just asked her why she's standing there." turo ko kung saan nakatayo si
Ate Poty kanina. Napaisip ako kung maangas nga yung nagawa ko.

"*sniff* Baliw ka talaga."

"Umiiyak ka ba? Bakit? Masakit ba nung natumba ka?" kinabahan naman ako. Inuna ko
pa kasi yung pagcopy ng video eh!

"Hindi!! Napaupo lang naman ako... *sniff* Hindi yun... Ikaw kasi..."

"Huh?? Ako??? Eh bakit??" napatingin ako sa may kitchen "Naiinis ka dahil pinaalis
ko dito sila Ate at yung kambal?" wah bakit. Alam niya naman na ayoko sa lahat yung
umiiyak siya.

"Hindi... Ikaw kasi..." tapos niyakap niya ako. Nakaluhod ako sa harap niya dahil
nga tinitignan ko yung paa niya kaya madali niya akong nayakap.

"Naiinis ako sayo... Nakakainis ka...." Sinasabi niya yun pero niyayakap niya naman
ako ng mahigpit.

"Tumahan ka na... Sorry na.. Ano ba yun?" Bumitiw siya tapos pinagpag niya yung
upuan sa tabi niya na parang sinasabing doon na ako umupo. Seryoso talagang umiiyak
siya. Pero nakatawa naman siya. Adik talaga yung pancake ko.

"Naiinis kasi ako sayo, tapos may paballoon-balloon ka pang nalalaman!!"

"That?"

"Asar na asar kaya ako sayo Silver Jeremy!!" akmang hahampasin niya pa ako pero
mabilis kong nakita ang galaw niya kaya nahuli ko agad yung kamay niya at di ko na
binitawan. "Di mo ako pinapansin tapos, iniwan mo ako dito tapos pagbalik mo aalis
na agad? Tapos alam mo na ngang may sprain ako uutusan mo pa akong buksan ang trunk
ng kotse mo?? HA?! HA?!" namimilog na naman siya at namumula habang kunwari ay
nagagalit sa mga ginawa ko kanina.

"You didn't like it?"

"Naiyak na nga ako, tapos hindi ko pa nagustuhan." Nagpout pa siya. Ang cute
talaga. Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ko siya sa pisngi. Yung pisnging
mataba na ngayon ay merong luha. Pinunasan ko yun at bumulong.

"Akala mo ba libre yun? May bayad yun Zylie..."

"May bayad? Bakit naman?" inosente niya pang sagot.

"Yep meron." Turo ko sa labi ko.

"Umayos ka nga... Ayan ka na naman eh..." pero ang kulit, tumingin pa siya sa
piligid. Which means, she's very willing.

"Tatlo lang naman..." bulong ko ulit.

"TATLO!!??!? Magtigil ka nga Silver Jeremy, baka may makakita?!!?!?" nagpapanic na


siya. Panay ang tingin niya sa may gawi ng kusina.

"Wag kang maingay para walang makakita..." natatawa na talaga ako. But I'm serious
here.

"Isa lang. Bilisan mo. Kaya mo pala sila pinaalis ah..." sabi niya habang
humihigpit na rin yung hawak sa kamay ko.

"Tatlo!" giit ko.

"Isa lang kasi... Sinuswerte ka ha! Palagi ka na lang..." namumula pa rin siya.
Palagi rin siyang ganito kaya sa tingin ko. Hinding hindi ako magsasawa.

"Tatlo. Dahil swerte talaga ako."

"Kung may kapalit din pala yung mga lobo, sana hindi mo na lang bin-"

Di ko na siya pinatapos magsalita. Mabuti nang simulan ko na siyang singilin


ngayon. I was half-expecting na itutulak niya ako. Pero hindi. At ineexpect ko na
din yun. Kilala ko na siya.

"Napakasama mo talaga!!" sumbat niya pagkatapos. Pero alam ko namang hindi siya
galit na galit. Her face is a giveaway. She's liking it.

Pero focus muna. Naiinis ako kasi parang feeling ko, kailangan kong bumawi kay
Zylie. Basta kailangan. Hindi ko alam kung bakit.

"May dalawa pa."

"A-ayoko na. W-wag ka ng mangharass!!"

"I am not. You like it."

"Kasi naman! Tama na. Mamaya lumabas yung mga kapatid mo. Palagi ka nalang
nakahalik."

"Hanggang halik lang naman ako sayo eh..." Awkward. Pati ako nahahawa sa awkward
aura niya. Kasi naman.

"Eh kahit naman di pa tayo dati, hinahalikan mo na ako eh..." buti nagsalita ulit
siya. Feeling ko kasi may mali akong nasabi.

"Sorry." Oo nga naman. Ako na ang pangahas.


"Yaan mo na tapos na yun..." nahihiyang sagot niya. "Wala rin na namang magagawa
eh."

"Tska nagustuhan mo naman..." pangaasar ko.

"Kailangan lagi mo akong pinapahiya sa sarili ko ha? Silver?" bilog na naman siya
haha.

"Ngayon tayo na. Mas lalong pwede na. Bayaran mo na ako ng dalawa." tapos lumapit
ulit ako sa kanya.

"Wag kasi ditoooo." Nagpapanic na sabi niya.

"Eh saan? Gusto mong pumunta ulit sa kotse?"

"WAAAAAAH" sumigaw siya tapos tinakpan niya yung tenga niya. Lalo siyang naging
cute. Para siyang bata na nagtatantrums. Isama pa yung namimilog at namumulang
mukha niya.

"Hobby mo na ba ang pagba-blush?" tanong ko habang nakapikit siya at nakatakip pa


rin ang mga tenga.

"Hobby mo rin ang pang-aasar!!!" sumagot siya. Nagtakip pa ng tenga eh naririnig


rin naman pala ako.

"Sabi mo ayaw mo dito..." tinanggal ko yung dalawa niyang kamay na nakatakip sa


tenga, na wala namang function. Naririnig niya rin naman ako eh. "Sa kotse... o sa
kwarto?"

"Bastos ka!!" sabi niya sabay tulak.

"Huh?! Zy, what are you thinking?" nakakatawa siya. Ang lakas ng imagination niya
wala naman akong sinasabi. At siya naman ang nagsabing wag kami dito.

"OH SIGE NA NGA!!!!"


*tsup*

Hinalikan niya ako sa pisngi. Sobrang bilis na parang may dumaang mabilis na truck
sa gilid ko at di ko kita pero naramdaman ko lang yung hampas ng hangin.

"Ayan ah! Isa na lang..."

"Madaya. Ambilis. Tska sa pisngi lang. Di yun counted."

"Hay anu ba yan... Silver naman eh..."

"Ge, wag na lang..." tatayo na ako. Ikukuha ko na sana siya ng pagkain baka
nagugutom na siya. Tama na ang biruan. Baka magalit na din siya.

"Saan ka pupunta?!?" malakas na sabi niya ng tumayo ako.

"Dun." Turo ko sa kusina dahil kukuha nga ako ng pagkain. Tapos naglakad na ako
ulit. Pero nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko. Pero dahil nga naglalakad
ako. Siya ang nahila ko mula sa pagkakaupo.

"OKAY KA LANG?! Bakit ka kasi humawak?" napaupo na naman siya sa sahig.

"Magagalit ka na naman? Sige na payag na ako. Kahit dalawang kiss pa. Wag ka ng
magalit. Nahihiya lang talaga ako. Baka kasi lumabas yung mga kapatid mo. O kaya
naman baka nakasilip lang sila diyan sa tabi-tabi. Tapos naalala ko yung nangyari
kahapon nung nabanggit mo yung sa kotse. Tska kinabahan lang naman ako sa kwarto.
Wala naman akong ibig sabihin. Sorry na. Hwag na tayong magaaway ulit."

Di ko alam bakit ako napapangiti. Bukod sa cute siya at mukhang batang nakasalampak
sa sahig, di ko alam kung bakit siya nagsosorry. Akala niya yata nagalit ako. Eh
ang totoo nga eh ako pa yung may kasalanan. Masyado ko siyang kinukulit. At ito pa,
napaupo na naman siya sa sahig.

"B-bakit mo ako pinagtatawanan??"


"Sabi mo yan. Dalawa pa." sasabihin ko na sana ng diretso na hindi naman ako galit
at wala naman talaga akong dapat ikagalit. Pero ang cute niya kasi talaga. Ang sama
ko.

"Oo na nga eh..."

"Okay. Pipikit ako." Sagot ko sa kanya habang inaanticipate ang isang cute na
expression.

"Waaaah b-bakit? Ako ba ang magki-kiss?"

"Oo..." pinipilit kong wag tumawa. Tapos pumikit na lang ako. Kung anu-anong
kabaliwan na yung pinaggagagagawa ko pag kasama ko tong kyot na to. Parehas na
kaming

"Wag ka didilat ah." Mahina niyang sabi. Tinakpan niya pa yug mata ko ng isa niyang
palad pero pagdilat ko ng kaunti, nakikita ko naman dahil may gap yung fingers
niya. "Wag kang sisilip."

"Di ako sumisilip." Pagsisinungaling ko. Hehe. Malapit na malapit na siya. Tapos
nararamdaman ko na yung hininga niya.

"Kyaaaaaaaaaah." May mahinang tili akong narinig.

*BLAGGG!* Napalayo tuloy si Zylie. Napatingin din ako sa pinanggalingan ng tunog.

Si Orange at si Ate Poty at nagkadaganan sa may bukana ng kitchen. Mukhang natumba


sila sa pagi-eavesdrop. Tsss. Ang mas masama, eto na naman si Orange. Nagvi-video
din siya. Tsk! Gawain niya yan dati pa. Sino bang nagvivideo sa'min ni... ni Cleo
dati? Si Orange lang naman.

"ANO BA?!!!" Kinuha ko yung isang throw pillow at ibinato ko sa direksyon nila.
Naiwasan naman nila yung unan dahil medyo malayo naman ang pwesto nila.
"Diba sinabi ko umalis!? Bat nagvi-video ka pa!??!" turo ko kay Orange. Pahamak na
bata talaga! Nakakahiya tuloy kay Zy. Naging tama yung sinasabi niya kanina,
tuungkol sa pagsilip ng mga kapatid ko. At ayun nga.

"Kasi ikaw eh.."

"Dinaganan mo ako eh."

"Di kasi ako makasilip"

Nagtatalo pa sila ni Ate Poty. Si Lemon nandun na din sa may tabi. Kanina pa nga
yata sila sumisilip.

Si Zylie nagtatakip na naman ng mukha. Napahiya yata talaga siya.

"AISH!!ORANGE AH. PALAGI NA LANG!"

"Sorry na kuya... Kasi-"

"GO TO YOUR ROOM! NOW!"

"Kuya naman, sorry na kasi, gusto ko lang naman magvideo, hindi naman-"

"I SAID GO TO YOUR ROOM!!" umiinit na naman yung ulo ko. "Wait. Give me your
handycam." Di ko alam kung lagi niya bang dalai tong pangvideo niya. Pero alam ko
naman kasi wala siyang dala kanina nung pumunta sila sa may kitchen. Tapos ngayon
hawak niya na.

"Di pwede kuya. Mamaya mo na lang burahin. Pramis."


"Akin na..."

"Nandiyan pa yung mga ibang kuha mo dati..."

"Akin na!"

"Bahala ka diyan..."

Tumakbo na siya sa taas. Sumunod na rin naman si Lemon. Si Ate Poty ay bumalik yata
ng kitchen.

"Makulit na bata talaga..." sinumulan kong hanapin yung mga naivideo niya. "Sensya
na." sabi ko kay Zylie

"Tignan mo muna bago mo burahin..." narinig kong sabi ni Zylie sa tabi ko.

Akin itong handycam na ito dati. Binigay ko na lang sa kambal matapos kong...
pagsawaan. Di na rin naman kailangan. Ngayon ko na lang ulit nakita. Buhay pa pala
ito. Nagscroll scroll down ako dahil ang dami pa lang videos dito. Baka kung anu-
anong kinukuhanan ng kambal para mailagay sa blog nila ha.

"OH ANO YUN???" nagulat na lang ako kay Zylie nung tinuro niya yung isang
thumbnail. Hinawakan niya pa yung cam palapit sa kanya.

Isang natutulog na babae.

"Wala to..." inagaw ko sa kanya yung handycam. Tsk. Ano ba naman yan. Kelan pa ako
naging tanga at makakalimutin?

"Wag ka magsinungaling, di naman ako magagalit eh." Mahinanhong sabi ni Zy. Pero
nakikita kong tensed siya.
"Wala, buburahin ko na ito." Hinanap ko yung delete button. Gusto kong I-'delete
all' pero baka may kailangan sila Orange na kung ano dito. Bakit pa kasi hindi pa
nabubura yun?

"Yung... Yung Cleo ba yan?? Sabihin mo yung totoo."

Ano ba to... I started weighing the options. Magsisinungaling ba o hindi? Pero


dapat kong sabihin yung totoo.

"Yeah."

"Bakit hindi pa nabubura?? Ayaw mo ba siyang burahin??"

"'di naman sa ganun..."

"Di mo naman kailangang kabahan. Dati pa naman yan diba?? Unless..."

"HINDI AKO KINAKABAHAN!"

"Nagvi-video ka din sa akin? Pero nauna mo na palang ginawa noon? Sino ba talaga
si Cleo Silver?"

"Mahal kita Zy..."

"Di naman yun yung tinatanong ko. Ikaw alam mo na yung tungkol kay Terrence, sa
pamilya ko. Lahat-lahat. Pero ikaw, ang totoo, di pa rin kita masyadong kilala.
Pwede mo bang sabihin sa akin, kung sino si Cleo??"

"Alam mo naman. My ex. A person from my past!!"

"Eh bakit ganyan ka?! Nung nakita ko yung DVD niyo nagalit ka!? Tapos ngayong may
nakita na naman akong video nagtataas ka na naman ng boses. At tense na tense ka
pa! Di mo pa ba siya nakakalimutan?!?!"
"Stop that Zy. Let's not argue about this. Luma na to!"

"DI SA KUNG LUMA O KUNG BAGO YUNG TANONG KO. ANG SAKIN LANG BAKIT GANYAN KA PAG
NABABANGGIT YUNG PANGALAN NIYA? DI MO PA BA SIYA NAKAKALIMUTAN!?"

"Zylie..."

"Sasagot lang Silver Jeremy!"

"H-hindi ko naman yun makakalimutan! Hindi mo basta-basta malilimutan!"

Her eyes started to water. And I know I picked the wrong words. I was too honest,
and she got it all wrong.

*later*

##################################

~~Chapter Fifty Seven- Debts~~

##################################

ZYLIE's POV

Grabe, di ko alam na ganun pala ka-powerful ang mga salita. Simpleng sentence lang
kala mo matalim na bagay na nakakasakit na.

HINDI PA NAKAKALIMUTAN

Pinipilit kong sabihin sa sarili ko na dahil ako yung nagtatanong sa kanya, dapat
inexpect ko na yung sagot. Pero pagkasabi niya nun, parang sumikip yung dibdib ko
at nagtwitch yung muscles sa pisngi ko na parang gusto ko na talagang umiyak.
Kinakagat ko yung dila ko para pigilan pero bakit ganun? Feeling ko punung-puno ng
laman yung sinabi niya?
"Zy naman..."

"Eh di ang saya mo... Ang saya-saya ng buhay mo." tinatry ko talagang tumawa. Kasi
naasar ako sa kanya pero ayaw kong makita niyang kawawang-kawawa ako. Ang kaso,
automatic yung luha ko, kaya feeling ko mukha akong baliw na nagpipilit tumawa
kahit naiiyak na talaga.

"Hindi Zyla... Tumingin ka sa'kin" hinawakan niya yung dalawang pisngi ko tapos
pinunasan niya yung luha. Yung mga simpleng ganyan niya na nagpapakilig sa akin.
Grabe lang. Pero masama pa rin ang loob ko. Walang paglalagyan yung kilig na
binibigay niya ngayon.

"Uuwi na ako..." I decided. Sabi ko sa kanya kahit alam kong hindi naman ako
makakauwi mag-isa. Imposible akong makapagwalkout ng nakasaklay. Hindi ko alam kung
bakit ako pa yung nagiiwas ng tingin kahit alam kong wala naman akong kasalanan.
Baka natatakot lang ako sa mga sasabihin niya habang nakatingin ng diretso sa akin.

"Hindi... tignan mo ako..." nagpupumilit siya na tignan ko siya sa mata. Nakakinis


lang talaga.

Naiiyak ako. Kaya wala akong masabi.

"Zylie... Ano bang iniisip mo?"

Ayan na naman siya. Kailangan niya pa bang itanong kung anong naiisip ko? Eh
obvious naman dapat kung ano yung naiisip ko sa lahat ng nangyari. Kasi naman, puro
pakilig tapos biglang ganito.

"Wala! Naiisip ko lang na masaya ang buhay mo. Magpakasaya ka lang ha?! Maganda
yan."

"Zylie ko... Hindi ako masaya ngayon..."

"Aah?"

Nagiging sarcastic ako nung sinabi kong magpakasaya lang siya. Pero bakit iba na
naman yung naisip ko nung sinabi niyang hindi siya masaya... ngayon? Dahil ba may
hang-up pa rin siya kay Cleo? Ganun ba yun? Kaya hindi siya totoong masaya?

"Tae! So ganun? Hindi ka pala talaga masaya ngayon? Ngayon? Dahil ako yung kasama
mo di ka masaya?? Eh ano nang gusto mong mangyari ha? Gusto mo bang bumili ng time-
machine para bumalik ka sa masayang nakaraan mo?" grabe inis na inis ako. Parang
sobrang agit na ako na di ko na napansin na nasusuntok ko na yung dibdib niya.

"Do not. Twist my words, Zyla Lienne."

He mentioned my whole names.

"EH ANO?!"

"Stop, you're just hurting yourself." Hinawakan niya ng mahigpit yung dalawang
wrist ko. "Di talaga ako magiging masaya hanggang umiiyak ka. Mahal kita di mo ba
yun nararamdaman? Hanggang kelan ba natin ito papatunayan?"

Tapos niyakap niya ako. Eh di lalo naman akong naiyak. Kasi nalilito na ako.
Nararamdaman ko naman. Sa sobrang pakiramdam ko nga minsan hindi na ako
makapaniwala eh. Marami lang talagang gumugulong mga bagay-bagay.

"Eh bakit sinab--"

"Bakit ko sinabing di ko siya nakakalimutan?" putol niya sa akin habang nakayakap


pa rin. Alam niya na yung itatanong ko.

Isang mahinang tango lang yung binigay ko. Naramdaman niya naman siguro kahit di
ako sumagot.

"I would be lying kung sasabihin kong nakalimutan ko na siya. Pero di naman ibig
sabihin nun, na everything's still the same. Hindi naman pwedeng magbura ng data sa
utak eh. Hindi mo makakalimutan ang ibang bagay na nandun."

"H-hindi na ba talaga?"
"May pancake na ako 'diba? 'Lika."

"AHHH!" nagulat ako kasi bigla niya akong binuhat. Ni hindi ko pa nga nahahawakan
yung saklay ko, nagdirediretso na kami papunta sa may hagdan.

"Te, Poty!! Pag may naghanap sabihin nasa kwarto lang ako!" Sumigaw lang siya at
may sumagot naman agad na boses mula sa kitchen. Pagtapos nun, walang kahirap-hirap
na inakyat niya yung hagdan.

"Teka!! Saan mo ako dadalhin?"

"Sa kwarto. Narinig mo naman diba?"

"Huh? Dadalhin mo ako sa kwarto mo??!!" nagpanic naman agad yung utak ko.

"Bakit? Masama?" naka-smirk pa siya.

"H-hindi... Nakarating na naman ako doon eh... Pero... DI PA TAYO BATI KUNG SAAN-
SAAN MO NA AKO DINADALA??"

"Di pa ba tayo bati? Hmmm. " Napatigil siya sandali at mukhang nag-isip. Pero maya-
maya ay naglakad humakbang ulit paakyat ng mataas na hagdan.

"Mamaya sa kwarto, makikipagbati ako. At sigurado... papatawarin mo na ako."

Yung paraan niya ng pagsasalita, tska yung mga sinasabi niya, palaging kakaiba at
nakakakaba. Wala na akong sinabi pagkatapos. Basta nagtatampo pa rin ako. Siya na
kasi ang master of pushing and pulling. Pasakit nangg loob dito, pakilig
pagkatapos. Tapos maya-maya nakakasakit ulit, tapos sweet.

Nakarating kami sa 2nd floor at tumigil siya dun sa harap ng pintuan ng kambal.
Alam ko kasi dun ako nagpalit ng damit nung naulanan kami dati. Dito ba kami
papasok?
Papasok nga yata kami doon dahil hinawakan niya na yung doorknob at pinihit. Sabay
tulak ng malakas sa pintuan ng magkapatid.

"Aray!" Si orange saktong nasa may pintuan. Nauntog yata.

"Tsk. Sabi ko na. Maguusap tayo mamaya." Seryosong sabi ni Silver sa kapatid,
ibinalik niya dito yung camcorder.

"Wala naman akong kasalanan kuya eh, sabi ko sayo wag mo nang pakialaman tong cam-"

"Wag ka na magpaliwanag. Pumasok ka na. At wag ka ng mag-eavesdrop kung ayaw mo


masaktan ulit." Pagtapos nun, diretso na kami ni Silver sa kwarto niya. Syempre
buhat-buhat niya pa rin ako. Medyo tensyonado ako kasi, uhm, nandito kami sa loob
ng kwarto niya. Kaming dalawa lang. Tapos, walang magkakamaling hindi niya to
kwaryo, kasi yung amoy. Silver na Silver.

Ang sarap tumira dito.

"Grabe ka naman, sasaktan mo yung kapatid mo?" sabi ko na lang ng makapasok na


kami. Para maiba yung mood at medyo nabother din ako dun sa 'kung ayaw mong
masaktan' na banta niya sa cute na cute na si Orange.

"Di naman siya masasaktan, kung di siya makikinig sa pintuan." Ibinaba niya ako ng
dahan-dahan sa kama. Napag-isip ako. So ibig sabihin nakikinig sa likod ng pintuan
si Orange kanina kaya siya napa-aray ng itulak ni Silver ng malakas yung pinto?
Lokong bata talaga.

"Humiga ka na diyan." Sabi ni Silver sa akin dahil nakaupo lang naman ako sa kama.

"HIHIGA?!"

"Bakit ayaw mong magpahinga?" obvlious na sagot pa niya. Hanep talaga.

Sasagot pa sana ako pero nakita kong naghuhubad siya ng suot niyang polo.
"AY!!" Napadive na lang tuloy ako sa kamay. Mabuti na lang at malambot at di
masyadong nasaktang yung sprain ko kahit biglaan akong dumapa. "Anong ginagawa
mo!?" sabi ko habang nakasubsob sa unan.

"Ano?" feeling ko di niya naantindihan kasi stuffed-up yung boses ko dahil


nakalubog nga yung mukha ko sa malambot at mabango niyang unan. "Nangyari sayo? Are
you okay?" sabi ulit ni Silver tapos naramdaman ko yung weight niya sa gilid ko.
Umupo na rin siya sa kama. Katabi ko. Tumingin na lang ako sa kabilang gilid, sa
direksyon ng pinto bago nagsalita ulit. Para maintindihan niya naman

"Bakit ka naghubad??!! Kung akala mo papatawarin kita dahil sa katawan mo,


hindi!!!"

"Hahahahaha!" tumawa siya. As in tumawa talaga siya ng malakas. Yung parang naging
melody na yung boses niya. Nabaliw na yata siya.

"WAG KANG TUMAWA!" nababother kasi ako.

"Napapaghalataan ang iniisip ng prinsesa ko, hindi ako nakahubad." Hindi daw siya
nakahubad?? Eh du unti-unti akong tumingin. Squinting, tapos nakita ko. May sando
naman pala.

Pahiyang konti.

"Why are you blushing so hard, princess?"

"Tumigil ka Silver Jeremy!"

"Bati na tayo?" humiga siya at ipinag-cross ang dalawang braso sa ilalim ng ulo.
Para lang syang magko-commercial sa posisyon niya. Ako naman mukhang adik na
nakadapa pa rin.

"Che!"

"Sige, bibilang ako ng sampu, dapat makasagot ka, kung hindi sisingilin kita ng
utang mo."
"Ano?" ano daw? Di ko siya nagets.

"Mahal mo ba ako at bati na tayo??"

"Ano ba namang klaseng tanong yan! Isa-isa lang. Ano yan package?

"10,9,8,7..." nagsimula na siyang magbilang.

Grabe bakit nakakapressure. Wala namang bombang sasabog pero... waaah.

"Teka ang bilis mo magbilang!"

"3..."

"OY bakit three agad!!!! Akala ko matalino ka? Di ka marunong magbilang?"

"2..."

"OO na sige na! Oo na!!!!!"

"Haha. Kyot"

Nasingkit na naman siya sa pagtawa niya. Grabe lang.

"Talagang pinilit mo ah."

"Halika, yakapin mo ako." Sabi niya habang nakaopen-arms. Nakakatempt. Di syempre


umusog ako tska niyakap ko siya.
"Wag ka ng iiyak, okay? You love me?" niluwagan niya yung pagkakayakap at tinignan
ako sa mata. Para naman akong nahihipnotize.

"Kaya nga ako naiiyak, kasi mahal kita..." napaamin naman agad ako. Ang lapit lapit
kasi ng mukha niya, tska parang feeling ko ang safe-safe sa arms niya.

"I love you Zyla..." tapos unti-unting lumalapit yung mukha niya

"err... Silver nakasagot ako sa tanong!!" pinigilan ko siya.

"Ang utang ay utang." Sabay dampi ng labi sa akin.

Di naman namin first kiss, pero everytime he kiss me, I always get the same
feeling, the same goosebumps, the same response.

Niyakap niya ako ng mahigpit tapos he lied on his back, kaya I was shifted on top
of him.

"Silver... Ang adik mo..."

"Kanino ba."

Tapos he kissed me again.

Adik nga siya. Ako naman sunud-sunuran. Pwedeng adik na rin. Ano ba to...

*knock knock knock*

May kumakatok!

"Silver, teka..." awat ko sa kanya.


"Hayaan mo, naka-lock naman..."

*knockknock*

"Silver, yung pintuan!" tinry kong gumulong sa tabi. Pero niyakap niya ako ng
mahigpit. Nakakahiya. Paano kung magulang niya pala?

"AHH!! Silver mamaya na lang, buksan mo muna yung pintuan!! Baka mommy mo yan" pero
sabi ko lang yun. Syempre ayoko naman madatnan dito ng magulang niya. Sana si Ate
Poty na lang o kaya si Orange.

"Tsk." Tumayo si Silver. Inayos niya yung sando niya at naglakad sa pintuan.
"Sinong istorbo na naman yan?!" binuksan niya ng mauwag ang pintuan.

Nagulat ako. Wala sa naiisip ko ang nasa bukana ng pinto.

"Sinabi ko naman po na nasa kwarto ka..." sabi ni Ate Poty na nasa likod pala ng
bisita. Nagkakamot pa ng ulo.

"Yes Bettina? What brought you here?" Kalmadong sagot ni Silver.

Si Bettina nga! Anon gang ginagawa niya dito?

*later*

##################################

~~Chapter Fifty Eight- Raining Inside~~

##################################

ZYLIE's POV

Suot niya na naman ang perky na headband. Di ko alam kung bakit parang medyo
naiinis ako sa kanya nung nakita ko siya sa bukana nung pinto.

Dahil ba naalala ko kung paano siya pinagbuhat ng bag ni Silver? Yung time na halos
ipagsigawan ni Silver na partner sila sa Christmas Ball? O yung kung paano sila
naging rubbing elbows nung prom?

Ay ewan. Nahihiya din naman ako. Kasi, kung totoo lahat ng kasweetan ni Silver sa
akin, parang ang nangyari ay kawawa naman si Bettina. Parang ginamit lang siya.
Nawala na nga ang escort niya, pati pa yung glory ng pagiging Vander Princess.

Tinulungan pa nga niya ako tumayo nung natapilok ako at napatumba. Pero di
mapigilang kumunot yung noo ko. Di na nga ako nagabalang umalis sa kama. Bukod sa
hindi ko naman kakayaning tumayo agad, parang gusto kong makita niya talaga akong
nasa may kama. >O<

"Jeremy..." sabi niya habang nakatingin lang kay Silver. Ni hindi niya man lang ako
tinapunan ng sulyap. Modulated pa yung boses niya habang biglang hinawakan yung
wrist ni Silver.

Aba, parang ako gusto ko ng sabihin: "BRUHA KA?!!!" pero syempre hindi ko
naisaboses. Napatingin na lang ako eh. Pati si Ate Poty na nasa likuran lang ay
napatingin na lang.

"Hmm?" sagot naman ni Silver. Kaasar kasi di man lang tabigin yung kamay eh. O kaya
umiwas na lang kung di niya kayang maging harsh. Hay nako. Nandito kaya ako.
Brrrrrr.

"Mag-usap tayo sa labas."

"Ehem ehem..." ubo-ubo ako kunwari. At dapat obvious na nandito ako. Parang kanina,
I really feel sorry for her dahil may kasalanan din naman ako sa mga nangyari nung
Christmas ball. Alam ko na unfair naman talaga. Pero kasi, nakakaasar naman to.

"Tara?" sabi na naman ni Bettina, habang medyo hinihila na si Silver palabas.

Talagang dinededma ang 'ehem' ko ha!! Ang feeling ko ngayon, parang gusto ko nang
manghampas gamit yung saklay. Argh. Kelan pa ako nagging brutal?
"Bettina..." nagsimulang magsalita si Silver. Aba sige, baka di ko na naman pala
kelangang gawing paddle ang saklay ko. Galingan mo sa pagsasalita Silver Jeremy
Torres. "... I'm busy."Dugtong niya sabay sulyap sa akin.

"Busy??" tska lang tumingin sa akin si Bettina. "Saan naman?" Tska niya lang ako
napansin? Huh? Nagbubulag-bulagan ba si Bettina? Kunwari di niya ako nakikita? O
defense mechanism niya lang dahil nasaktan siya sa mga nangyari nung Christmas
ball?

Malamang sa akin. Busy siya sa akin.

"Busy here." Ibang klase talaga si Silver Jeremy. Napabitaw tuloy si Bettina sa
pagkakahawak. Hinila pababa yung magandang t-shirt niya.

"You need to come with me." Sabi ni Bettina after ilang seconds ng makabawi siya sa
sinabi ni Silver.

"Whatever you want to say, you can say it here.

"The scholastic decathlon."

"We are on vacation, why can't we--"

"Seriously..." mukhang depressed na si Bettina. "... what happened to you Jeremy??"

Umiling lang si Silver. Alam ko gulung-gulo na si Bettina. Ayaw naman kasi


magsalita nitong si Silver ng maayos. Pailing-iling na lang diba?

"This is crazy. Pumunta ako dito para kausapin ka, masasayang lang pala ang effort
ko."

"I'll just uh... call you later."

"HA??! BAKET?? PA?" napareact naman ako. Di ko napigilang mapasalita na rin. Parang
naasar ako dun sa thought na tatawagan ni Silver si Bettina.

"I won't leave, till YOU talk to me Jeremy!" may period sa pagsasalita ni Bettina.
Parang siguradong-siguradong hindi talaga siya aalis. Matagal naman bago nagsalita
si Silver. Tahimik lang siya at malamang nag-iisip. Ako naman ay di alam ang
isasagot. Pareparehas kaming nasa alanganin na sitwasyon eh.

"Sige Ate Poty bumaba ka na." yun na langyung sinabi ni Silver. Oo nga pala nandoon
pa rin si Ate Poty at nakikinig. So ano nang mangyayari? Papasukin niya ba dito sa
loob ng kwarto si Bettina? Ang awkward nun. At isa pa, katatapos ko lang ng isang
confrontation kaninang umaga, tapos ngayon na naman?

"Come in." umalis si Silver sa harap ng pinto at inilahad ang kamay.

Aba pinapapasok nga si Bettina sa loob!?!?! Kamusta naman Silver Jeremy Torres?

"I said, magusap tayo sa labas..."

"Dito na Bettina."

Iritable na talaga yung mukha ni Bettina. Ako din unti-unting naiinis na naman.
Kasi naman, syempre ayaw kong lumabas silang dalawa. Ano yun maiiwan ako dito,
malamang hindi ako mapapakali kung paano sila maguusap. PERO, ayaw ko rin na mag-
usap sila dito sa loob ng kwarto.

Ano ako referee?

"FINE! Gusto ko lang naman sabihin, na bago na ang senior adviser ng swimming club.
Si Mr. Terrence Sanchez na." sabay sulyap sa akin.

Anong ibig sabihin ng mga tingin ni Bettina na yun? May alam ba siya? Bakit naging
senior adviser ng club si Terrence? Anong nangyari kay Mr. Carlos? Kabago-bago pa
lang ni Terrence ah.

"Ok."
Kalmado pa rin yung sagot ni Silver. Parang ako naman kinakabahan. Ano pa ba yung
mga pasabog ni Bettina at kailangan niya pang pumunta dito sa mismong bahay nila
Silver?

"And you need to get me in their house to finish some things. Some stuff I wasn't
able to finish when we were--"

"Nandiyan lang siya sa tapat Bettina." Turo ni Silver sa bintana ng kwarto niya.
Tanaw pala doon yung kabilang bahay. Yung bahay nila Terrence. "Kung hindi ka na
makakapaghintay ng pasukan..."

"Sasamahan mo ako Jeremy..."

"Bettina..."

"Nung wala kang PARTNER sa Christmas ball, pumayag ako. Nung nagpaapprove ka ng
membership sa Chemistry Club, nagpasama ka hindi ba? Kahit may basketball ka pa
nung hapon na yun, nagpahintay ka sa akin."

So that's what happened? Nandun siya sa basketball practice nila Silver because he
asked her to stay for the Chemistry Club. Lalo tuloy akong nakonsensya.

"Nung pumunta tayo sa party ni Denzel, ako lang naman ang drinking buddy mo ah.
Hindi ba't pagkatapos nating gumawa ng magbalance sheet nagpa-spa tayo?..."

Nagpa-spa sila???

"Bettina...."

"... A few days ago lang, sinamahan mo pa akong pumili ng gown na isusuot... Nag-
alok ka pang kumain sa Mcdo ng breakfast kahit di naman ako kumakain doon.
Sinamahan kita..." Si Silver ba ang pumili nung nakakaluwa ng mata na gown na yun?
TTOTT Ay grabe.

"AT... Nung nagpa-accredit kayo ni Nerdy ng permit para sa interschool quiz bee?
Ako ang pinagasikaso mo at dahil doon nalaman mo na nandoon ---"
"OO NA."

Nagulat ako. Ang taas ng boses niya. Hindi ko na nasundan yung mga sinasabi ni
Bettina. Ano yung nalaman nila?

"Do you still want to talk here? Inside?"

"Fine. Let's go."

"Sabi ko naman sayo Jeremy, sasamahan mo rin ako. Sa labas tayo mag-uusap. At
papasok sa bahay nila SIR Sanchez."

"Alright."

They are hiding something. At iiwan talaga nila ako dito?

"ABA TEKA..." parang na-marginalized ako ah!

Nakita kong lumalapit si Silver sa akin. Di ko alam gagawin ko. Isasama niya ba
ako?

"Zyla..." hinawakan niya yung kamay ko. Bumaba siya ng kaunti para magkatapat na
kami ng mukha "Dito ka lang. Okay? Don't think too much."

Tumango na lang ako. Pero ang totoo, naiinis ako. Ang dami-dami ko na namang
tanong. Tapos iiwan pa akong mag-isa? Kung hindi lang si Terrence ang pupuntahan,
hahabol talaga ako sa kanilang dalawa sa kabila ng masakit na sprain.

Halos mabingi ako sa katahimikan ng sinara yung pintuan. Ano nang gagawin ko? Di ko
na alam kung anong unang iisipin. Palagi na lang talagang ganito? Hindi ba pwedeng
maging stable ang buhay ko? Yung medyo matagal na masaya, o kaya medyo matagal na
kilig?
Masaya-malungkot-masaya-nakakaiyak-masaya-nakakainis. Bakit ganun yung pattern ng
buhay ko?

Di ko na napigilan, humawak ako sa lahat ng pwedeng hawakan para makarating lang sa


may bintana. Minabilis ko para maabutan ko pa sila. At sakto naman ako. Naglalakad
pa lang sina Silver at Bettina sa labas ng bahay. Patawid na sila sa kabila para
pumunta sa bahay nila Terrence.

Peeeeeeeep!! *honk honk*

"AAAAAAAAHHHHHHHH!!!"May dumaang mabilis na sasakyan. Paliko kasi at hindi yata


napansing papatawid sina Silver. Nakahinga ako ng maluwag ng nakita kong maayos
naman sila. Ako lang yung nagpanic at napapikit pa. Medyo nakahawak si Silver sa
braso ni Bettina. Tska sila nagtuluy-tuloy sa bahay nila Terrence.

Pwedeng magmukmok? Humanda ka sa akin Silver Jeremy.

"ATE ZY ZY ANO YUN??!!" Nagulat na lang ako ng pumasok si Orange.

"Ha??" tanong ko. "Bakit may sumigaw? May masakit ba sayo? Yung paa mo ba?"

"Hindi... Wala... Hindi ako yun. Okay lang ako..."

"Ahh..." binigyan niya ako ng matipid na ngiti. "Sorry ate Zy ah... Ang cute na
bata. Nginitian ko na lang siya at nagtatakbo na siya palabas.

Balik na naman ako sa pagiging foreveralone sa kwarto ni Silver. Medyo matagal-


tagal din bago ako nangawit sa kasusulyap sa bintana. Ano na kayang ginagawa nila?
May mga hindi ba ako alam? Anong meron kay Bettina??

Bumalik na lang ulit ako sa kama. Gusto ko sanang mag roll into a ball na lang.
Nalulungkot na naman kasi ako. Gusto ko nang umuwi. Kaya lang feeling ko ang weak
ko. Wala man lang akong magawa kundi maghintay na lang. Iginala ko na lang yung
paningin sa kwarto ni Silver.

Na-amaze naman ako dahil sa isang sulok para siyang may maliit na chem lab. Isang
mayamang bata, may microscope pa. May iilang laboratory instruments din doon. Di ko
yun napansin dati kaya dahil namamangha ako, medyo nalibang naman ako ng kaunti.

Lahat na ng bagay napansin ko na, ultimo yung Fire Sprinkler System sa bahay nila
Silver. Eh di sila na. Eh kami nga kahit Fire Extinguisher wala eh.

Di ko namalayan yung oras. Medyo matagal din pala akong nangialam ng mga gamit.
Bigla na lang tuloy akong napabalikwas ng biglang kumulog. Uulan pa yata. Bumalik
ako sa bintana. Nakita kong nasa labas na silang dalawa ng bahay ni Terrence.

Nag-uusap pa rin sila? Anong ginagawa nila doon? Ano pang dapat pagusapan? Dumungaw
talaga ako ng bintana baka sakaling mapansin ako ng dalawa at maconscious sila.
Pero hindi eh. Nagulat na lang ako ng may pumatak na tubig sa pisngi ko.

Uulan na.

Bumuhos yung ulan ng nasa labas ng bahay ni Terrence, sina Silver at Bettina.
Sisigaw na sana ako para pumasok sila, kaso parang wala naman silang nararamdaman
at tuloy-tuloy pa rin sa pag-uusap. Ano ba yun?

Ilang minuto pa yata yung lumipas bago sila kumilos at tumawid.

Habang naghahanda ako sa pagakyat nila dito sa kwarto, kung aakyat man silang
dalawa, tumigil na yung ulan. Nagtaka tuloy ako. Napakabilis naman ng pagbagsak ng
ulan. Parang nananadya lang. Binasa lang sina Silver at Bettina.

Naramdaman ko yung mga yabag na papaunta sa kwarto. Agad akong nahiga at


nagkunwaring natutulog. Pumasok si Silver, kumuha ng malaking twalya. Hindi niya
naman kasama si Bettina. Pero dahil sinisilip ko siya habang naka-squint ang mata,
di niya naman ako tinignan man lang. Bumaba na agad siya. Para siguo dalhan ng
towel si Bettina na nabasa ng ulan.

Tnry kong lumabas. Kinaladkad ko yung paa ko hanggang makarating ako ng stairwell.
Sinilip ko sila at nandoon sila sa baba. Tama nga ako. Para kay Bettina yung towel.
Syempre obvious naman diba?

Nakita kong ipinatong ni Silver yung twalya sa likod ni Bettina habang nakaupo
silang dalawa sa baba. Umiinom pa yata ng kape si Bettina. Kahit basang-basa, ang
ganda pa rin nilang tignan. Para naman akong nanlumumo.
Nakita kong parang tumayo sila at naglakad papunta sa hagdan. Binilisan ko ang
lakad pabalik sa kwarto. Aakyat ba silang dalawa dito? Ano na naman ang mangyayari?
Dito ba nila ipagmamalaki sa akin kung paano sila nagenjoy sa ulanan?

Nagenjoy ba talaga sila?

Nakarating ako sa kwarto na parang praning na. Di ko na kasi alam yung gagawin ko.
Di ko namalayan kinuha ko yung alcohol lamp na nandoon sa mga table ni Silver.
Sinindihan ko. Dahil kanina ko pa napapansin yung Fire Sprinkler, umakyat ako sa
kama. Kahit sobrang sakit ng paa, itinapat ko yung alcohol lamp sa isang sprinkler.

Ang tagal ko ng nakatayo at sa tingin ko aakyat na at makakarating na sa kwarto


sina Silver at Bettina.

Pero ano tong ginagawa ko? Para akong napo-possess na ewan.

Gusto ko kasing pagpasok nila, umulan sa loob ng bahay.

Sana mag-enjoy sila sa ulan.

*rrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnngggggggggg*

Saktong pagbukas ng pintuan. Nagring ang fire alarm. Meron pala sila noon. At
nagactivate ang Fire Sprinkler System.

"ZYLIE!!?" nagulat si Silver ng makitang umuulan sa kwarto niya.

"Masaya magpaulan diba? Ayan go. Paulan tayo."

*later*
##################################

~~Chapter Fifty Nine- Accusations~~

##################################

Silver's POV

"Sige Sir, thank you!!!" paalam ni Bettina matapos yung paguusap nila nung Terrence
na yun. Wala naman palang silbi yung pagsama ko dahil mukhang nagkakasundo naman
talaga yun dalawa. Di ko rin maitanong kung panong naging senior adviser ng
swimming club si Pedo eh bagong salta lang siya sa Vander. Kaya ba siya may susi ng
Orgouse noon?

"Sige Ms Becarez, please expect a new and improved system sa Swimming Club...
malapit na ring maaprubahan ang modified plan para sa magiging swimming class ng
bawat klase bilang PE."

Swimming Class ng klase? Magkakaroon ng swimming ang PE namin ngayon??? Di ko


nagugustuhan ang kalokohan ng matandang to. Tsk... Kinakabahan naman ako. Parang
gusto ko ng maging magkaklase na lang kami ng aking matabang siopao.

"Bye sir. Salamat po talaga."

"Magsandwich muna kayo!" habol pa sana nung momsy nung pedo. Pero nagtuloy-tuoy na
ako sa labas. Nakakapurga na kasi yung pagmumukha. Kung makapagsalita pa eh parang
siya ang may-ari ng eskuwelahan para baguhin yung ilang sistema.

"Wait Jeremy!!!" narinig kong sigaw ni Bettina. "Sige po, salamat na lang po. Sorry
sa abala Mrs Sanchez ah... Busog pa po kami at nagmamadali din. Bye po." Mabilis na
sabi ni Bettina sa mag-ina bago sumunod sa akin. "Jeremy saglit lang."

May part sa utak ko na nagsasabing maglakad na lang ng mabilis, pumasok ng bahay at


i-lock ang pintuan. Magkunwaring walang naririnig. Pero hindi naman pala ako ganun
kasama. Naisip ko ring kelangan kong mag-explain. Hinintay ko siya sa may labas
kahit na napapansing kong nagdidilim na yung mga ulap.

"Masyado ka naman yatang nagmamadali." Sabi ni Bettina habang tumatayo sa tabi ko.
"I am. I really am. You know who I left in my room."araw. I know galit siya sa
akin. Kung hindi man galit, baka inis, o asar.

"Tss." Umiling siya "Ganyan talaga... Meron talagang mga taong, paasa... pa-fall."

"What are you trying to say?"

"Jeremy, let's stop pretending we don't know things." Humarap siya sa akin.
Binigyan niya ako ng mapaklang ngiti.

"And what's all that? All the things you're about to say inside? With Zylie. You
know, what I shared with you... The things from the past... As civilized people, we
ought not to bring that, talk about that, especially with her."

"Talk about being civilized, Jeremy."

I know. I know what we did. What I did.

"You... you just mis- It's just a matter of misunderstanding." I tried to explain.

"Ganun na lang. I misunderstood things? So what's with all the motives?" medyo
tumataas na yung boses niya. At kasabay ng pagtaas ng boses niya, yung paglakas ng
ulan. Nababasa na kami. Pero hindi naman basta-basta mapapahinto yung usapan. "Wala
lang yun? Trip mo lang?"

"No."

"So what? You asked me to the ball. You remain by my side all those days. Naging
open ka sa akin tungkol sa past mo. I thought we were close, pero hindi ko alam na
may... na may Z-zylie ka na pala. Kelan pa Jeremy?"

"Matagal na." Di ko alam kung anong ibig sabihin ng tanong niyang kelan pa. Kelan
pa kami ni Zylie? Ngayon-ngayon lang, pero matagal na kaming ganun. Matagal ng sa
akin yung bilog na yun.
"Haah..." hinawi niya yung buhok niya, nabasa na kasi at tumatabing na sa mukha.
"Matagal na? So why mess up with me? Why complicate things? Kailangan ako pa?
Kailangan may special attention ako? Alam ko, at alam ng lahat how you were so
reserved and distant. Kaya when you gave me all those interest, wala lang pala?
Sasabihin mo lang, sorry I misunderstood things?"

"Because that's all I can say. I'm sorry and I mean it." Tinignan niya ako na
parang naluluha na yung mata. I don't know kung luha ba iyon o dahil lang sa patak
ng ulan na patuloy na bumubuhos sa amin. Medyo hindi na rin kami magkarinigan pero
wala pa ring umaalis sa kinatatayuan namin.

"Hindi mo man lang naisip, na pwedeng may nararamdaman na rin ako??"

Shoot. This made my day even worse. Mas lalo akong naguilty. Gusto ko sanang
magpaliwanag in-detail. Pero hindi ko pwedeng sabihin ngayon, na kaya ko lang naman
siya niyaya, at kaya lang naman ginawa ko siyang constant companion, dahil
nahihirapan akong i-alis sa isip ko si Zylie.

That will make me rude. Much much cruel kung sasabihin ko yun in her face. I don't
wanna say that I used her, kasi she's really a friend to me. That's why I even
opened up to her in the past few days. That's why I survived those days. Pero yun
na talaga yung nangyari. If I can turn back time, sa tingin ko ganun pa rin ang
mangyayari, kasi ganun yung magiging reaksyon ko. Ganun pa rin ang gagawin ko, kung
ganun din ang gagawin ni Zylie.

"Listen Bettina, you need to know, that I'm really really sorry."

"Wala ka namang ibang masabi eh. Kailangan mo ring makinig sa akin. You also need
to know, that I really like you... Or maybe hindi lang like... I have this...
strong feelings for you Jeremy. Yung kahit napahiya ako, nasaktan sa mga nangyari,
I'm still here sa harap mo. Hindi mo ba naisip na pwedeng mahal na kita???"

Sumasakit na ulo ko.

"Bettina..."

"And I'll have you accountable for it."


Parang gusto kong mainis. Pero naguluhan lang talaga ako. Accountable ako sa
nararamdaman niya? Paasa ba talaga ako at pa-fall. Di ko alam kung anong sasabihin
ko. Mabuti na lang at naglakad na siya.

Naglakad na siya papunta sa bahay namin.

"Basang-basa naman kayo!!" nagulat si Ate Poty ng pumasok kami. Dripping wet
talaga.

"Kape 'te Poty." Tska ko lang naramdamang sobrang lamig pala. Nakita ko pang
nanginginig si Bettina.

Umakyat agad ako para kumuha ng twalya. Napansin ko namang nakatulog pala si Zylie.
Kung pwede lang sanang hwag na bumaba at tabihan na lang yung natutulog na pisngi
eh. Pero kailangan din namang asikasuhin si Bettina sa baba.

Napapaisip tuloy ako.

Am I really responsible for her feelings?

"Thanks." Sabi agad ni Bettina ng makita niya yung towel. Bahagya pa siyang
tumalikod na parang sinasabing ako na yung magpatong sa likod niya. Ginawa ko na
lang.

"You should go..." sabi ko sa kanya. Gusto ko na talaga siyang pauwiin. Ayaw ko
namang maabutan nila dad na nandito parehas sina Zylie at Bettina.

"Papaalisin mo ako ng basa ang damit?"

"I'll lend a shirt."

"Your shirt? Okay."


Di ko alam kung matutuwa ba ako dahil pumayag siya agad. Madali naman kasing kausap
si Bettina. Pero medyo napaisip ako nung tinanong niya kung shirt ko ba ang
ipapahiram ko.

Tumayo na lang din ako at naramdaman kong sumunod na siya. Ipapahiram lang naman
yung shirt eh. Naisip ko rin na humiram na lang din kina Orange at lemon ng
malaking damit pero mukhang hindi kakasya, di katulad ng dati kay Zylie. Mas maliit
kasi si Zy kay Bettina. At para di na rin humaba ang usapan, hahanap na lang nga
talaga ako ng shirt.

"Wait here." sabi ko ng nasa tapat na kami ng pintuan.

"Why? Kailangan kong magbihis." Sagot niya.

"Natutulog kasi si Zyla."

Grim-faced si Bettina. Binuksan ko na yung pintuan para kumuha ng isang shirt.


Habang iniisip ko kung saang CR ko siya pagbibihisin. Nagulat na lang ako ng
biglang mag-alarm. Fire alarm.

"What..." Mag-aalala sana ako sa mga kapatid ko sa kwarto nila dahil baka sila na
naman ang dahilan nung muntik ng magkasunog dati.

Sila Orange at Lemon din naman yung dahilan kung bakit nagpainstall kami ng fire
sprinkler. Hindi kasi sila pinayagang sumama sa summer camp noon. At dahil sa
kagustuhang kumain ng roasted marshmallows, gumawa sila ng sariling bonfire sa
kwarto nila.

Pero ngayon, nang mabuksan ko ng tuluyan yung pintuan. Alam kong hindi na ang mga
kapatid ko ang dahilan ng kung ano mang nag-alarm. Umuulan kasi sa kwarto ko. Na-
activate ang mga sprinklers na ang ibig sabihin ay sa kwarto ko nagmula kung ano
mang apoy ang meron.

"ZYLIE!!" una ko siyempreng naisip, eh baka nasaktan na si Zylie. Wala naman akong
makitang apoy pero nagaalala ako dahil ang alam ko, tulog na tulog siya kanina.
Sobrang kinabahan ako nung narinig ko yung alarm at nakita kong galing talaga sa
kwarto ko.

Pero parang nabunutan naman ako ng tinik ng makita kong nakatayo si Zylie sa tabi
ng kama.

Nakatayo?

Nakakatayo siya?

"Masaya magpaulan diba? Ayan go. Paulan tayo." Sabi ni Zylie habang nakatingin ng
masama sa akin.

"Hahaha..." eto namang si Bettina. Natatawa-tawa.

May mga ilang bagay talaga akong hindi maintindihan sa mga babae. Lalo na ng nakita
kong hawak ni Zylie yung alcohol lamp ko. Pero imposible eh.

Yung simpleng init na nanggagaling doon sa lamp nay un ay hindi sapat para ma-
activate yung mga sprinklers. Unless ididikit mo. Na malayo namang magawa ni Zylie.
Dahil unang-una, bakit nya naman gagawin yun? Pangalawa, hind kakayanin ng sprain
niya.

"Masarap maligo sa ulan. Pero ulan sa loob ng bahay? ..." nagkibitbalikat lang si
Bettina. Ilang sandali, tumigil na rin yung paglabas ng tubig. Marahil, dahil wala
na ring madetect na init yung mga sensor ng sprinkler kaya tumigil din agad.

"KUYA KUYA ANONG NANGYARI!??!" nandiyan na naman sina Orange. Siguro nagpanic na
rin ng marinig yung fire alarm.

Di ko muna sila pinansin. Lalong dumami yung aalalahanin ko. Di ko alam uunahin ko
kung lalapitan ba si Zylie. Kung itatanong ba kung anong nangyari. Kung ikukuha ba
si Bettina ng shirt o kung sasagutin sina Orange sa mga tanong nila.

"Wait." I weighed the options. Ikinuha ko na lang muna ng damit si Bettina. Mabuti
na lang at hindi naman nabasa yung mga damit ko. Kung hindi problema.

"Orange, pakisamahan ang Ate Bettina sa pagbibihis---"


"SIR YES SIR!!!!!" parang nakuha naman agad ni Orange ang sasabihin ko. Kumindat pa
at hinila na si Bettina sa baba. Baka sa CR sa baba pagbibihisin. Siguro
naintindihan na marami pa akong kailangang asikasuhin at dahil nandito si Zylie,
alam na niya ang gagawin. Mabuti na lang hindi puro perwisyo ang mga kapatid ko.

"Tara na po tara na ate pretty! Kailangan niyo na pong magbihis para makauwi kayo
agad."

"Wait.. Wait up!" pero hindi niya nakayanan ang persistence ng kapatid ko. "Jeremy
I'll call you..." hanggang sa nakababa na sila.

Kaming dalawa na lang ni Zylie sa kwarto. Nakatingin pa rin siya sa akin ng masama.
Ano bang nasa isip niya. Iniisip niya ba na sinadya namin na magpaulan ni Bettina?
Na nagustuhan namin? Kaya nagpaulan din siya sa kwarto ko? Pero pano? Tska parang
ang adik.

"Ano masaya?!" basang-basa din si Zylie habang hawak-hawak niya pa rin yung alcohol
lamp.

"No." sa totoo lang gusto kong matawa. Naiinis ako sa natatawa sa kayang gawin ni
Zylie kapag nagseselos.

"Sige ngiti lang!!?!?!" napansin kong parang ang higpit na ng hawak ni Zylie sa
alcohol lamp. Gusto niya na yatang ipukpok sa akin. Parang alam ko na talaga.

"Masama bang ngumiti?" Sa totoo lang, ayoko ngumiti kasi parang ang seryoso ng mga
nangyari. Nabasa yata lahat ng gamit ko. Yung kama ko pati yung ilang gamit sa
school. Pati yung TV at ilang appliances.

"Hindi! Alam ko naman na masayang masaya ka. Kasi masarap maligo sa ulanan. Lalo na
kapag yung kasama mo, magandang babae. Siguro tuwang-tuwa ka sa mga nakita mo nuh?
Bakat ba? Bakat? Ganda nuh?"

Bakat? What is she talking about? Loko talaga. Ang akward nung sinasabi niya. Pero
mas lalo akong natatawa dahil nagagalit siya. Siguro hindi talaga siya tulog
kanina. At nakita niya kaming nababasa sa ulanan ni Bettina. Baliw ka talaga Zylie.

"SIGE TUWANG TUWA KA TALAGA SILVER JEREMY~!!!"


"Oo..." nilapitan ko siya at niyakap. Pero dahil na rin yata sa sprain niya,
bumigay ang tuhod niya at bumagsak kami sa sahig. Mabuti na lamang at may carpet.
At dahil basang-basa pa yung carpet, di ko akalain na pwede pala yung soft landing.

"Nasaktan ka ba?"

"HINDI!! Alis ka diyan! Alis. Maligo ka na lang ulit sa ulan. Maligo kayo ulit."

:smirk:

Sabi ko na.

"Mahal na mahal mo talaga ako nuh?" hinawakan ko yung dalawang wrist niya

"EWAN KO SAYO!? Umalis ka diyan hwag mo akong daganan!!"

*WANG WANG WANG!!!*

"Ang cute mo pag nagseselos ka..." tinitigan ko siya sa mata niya. Pero bigla naman
siyang nag-iwas ng tingin.

"Tell me, pano mo na-activate yung sprinkler system?"

"WALA! Ganun talaga para maging masaya ka! Fun fun! Ligo Ligo!"

*WANG WANG WANG!!"


"Naiinggit ka ba... na naligo kaming dalawa sa ulan?" inaasar ko lang siya.

"A-ahh.. Hindi...H-HINDI AH!?!!!!!"

"Di mo naman sinabi... Pwede din naman tayong maligong dalawa..."

"H-ha?!?!"

Pancake. Na nangamatis.

"Magtigil ka nga!!! Gusto mo bang tawagin si Bettina dito??? Ready naman ako para
paulanin ulit yung kwarto eh..."

*WANG WANG WANG!!!*

"Ano ba yun ang ingay? Teka, umalis ka na kasi dyan. Hwag kang didikit-dikit sa
akin! Bettina!!! Bettina magpaulan daw kayo ulit n---"

"Don't you dare. Tinakpan ko ang bibig niya.

"Smnggohh.. Mnggnguhhhgng.." di ko maintindihan sinasabi niya dahil tinapakpan ko


ang bibig niya.

"Wag ka na magselos..." hinintay ko muna siyang tumigil sa pagstruggle bago ko


tinanggal yung kamay ko.
"Di ako nagseselos. Naiinis ako." Seryoso na si Zylie.

"Bakit ka naiinis?"

"Dahil... dahil... d-dahil.."

"Dahil nagseselos ka. Ganun din yun.."

"EH KASI NAMAN. ANG GANDA GANDA NA NGA NG EKSENA KANINA---"

"Eh di inamin mo rin."

"ISTORBO KASI SIYA!"

"Eh di nabitin ka kanina?" tudyo ko. Pinamulahan siya ng mukha.

"H-hindi naman. A-ano ka ba!" naisip niya tuloy kung anong ginagawa namin kanina.
Baliw talaga. Nahihiya pa rin siya. At yun yung nakakatuwa sa kanya. Hindi pa rin
siya nagbabago. Bilog pa din. Mahiyaing bilog.

*blag*

Alam ko naka-lock yung pintuan. Pero tuluyang bumagsak yun sa loob nng kwarto.
Sira. Mabuti na lang at wala kami doon banda ni Zylie.

"AYY!" napasigaw tuloy si Zy. Di ko alam kung anong mararamdaman ko.


Maasar ba kasi may panibagong istorbo. O mahihiya dahil naabutan kaming nakahiga sa
sahig ng isang...

BUMBERO.

Oo nga pala, nakakonekta sa Fire Station ang Fire Alarm namin. Kaya pala kanina pa
may siren kaming naririnig.

Tumayo ako. Inalalayan ko ring tumayo si Zylie. Medyo napapakamot yata yung pumasok
na bumbero.

"Patay na ba ang apoy? Saan ba nagsimula?" Tanong nito sa amin. Di naman


makapagsalita si Zylie at mukhang hiyang-hiya. Di niya alam na malaking gulo yung
ginawa niya.

Bakit ba nawala sa isip ko yun.

"Silver! What happened?!!??" nandyan na rin pala sina dad. Malamang napauwi sila ng
wala sa oras dahil sa pagaakalang may sunog na dito.

"Wala namang nasaktan? O may kasama ka pala." Sabi ni dad pagkakita kay Zylie.
"Pano nangyari? Mabuti naman at mukhang may silbi naman pala ang sprinkler. Akala
ko pa man din yung kambal na naman ang may kasalanan. Saan ba nagmula yung apoy?"

"A-ah pa..."

"Parang wala namang bakas na nasunog." Nagsalita yung isang bumbero na nakapasok na
pala ng tuluyan sa kwarto. "H-hindi kaya't napaglaruan niyo lang yung fire alarm?"
Naramdaman kong humigpit yung kapit ni Zylie sa braso ko. Parehas kaming basa, pero
sobrang lamig na nung kamay niya.

"What really happened? Nagtext ang mommy mo, nagaalala." Tanong na naman ni daddy.
"Naabala pa tuloy ang mga bumbero."
"Di nyo ba alam na may karampatang parusa ang mga basta-basta na lang pumipindot ng
fire alarm? Ang iba ay kinakailangan pa ngang magpaliwanag sa presinto gawa ng
pang-aabala. Isipin niyo, kung natripan niyo lang ang pagpindot dito at inuna namin
kayong respondehan, at nagkataong may nagaganap din na sunog sa ibang lugar,
maraming oras ang masasayang." Masungit at mahabang litanya ng bumberong naka full
get-up pa.

"Di naman namin pinindot eh." Sabi ko na lang. Totoo naman eh.

"Eh ganito na lang... Sino ang may kagagawan para ma-activate ang fire alarm?"

"SI BETTINA PO!?" sabi ni Zylie.

Nagulat ako. Si Zylie talaga...

Pano na to....

*later*

##################################

~~Chapter Sixty- A Night Together~~

##################################

ZYLIE's POV

Natakot ako. Yun yung una kong naramdaman nung nalaklak ko na ang realidad ng mga
pinaggagagawa ko.

Nandito na naman yung tatay ni Silver. Yung feeling na gusto niya ba akong
pagalitan? Nung tinanong niya ako dati ng kung ano-ano na wala naman akong
maisagot. Yun pa rin yung naalala ko.

Pero hindi lang yun. Mas lalo akong natakot sa sitwasyong ngayon. May bumbero, yung
ayos namin. Sa mga nagawa ko. Sa mga kasalanan ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sasabihin pa ng bumbero nna pupunta sa presinto yung may kasalanan?? Pano pag
nakulong ako? Anong ieexplain ko sa kanila? Bakit ko nga ba kasi ginawa yun? Ni sa
sarili ko nga hindi ko maipaliwanag kung anong kalokohan ang pinaggagagawa ko. Pano
ko nagawang maisip yun? Naging genius na ba ng evil side ko? Sa lahat naman ng
maiisip eh.

Si Bettina kasi. Sana, kung hindi siya dumating. Hindi naman ako maiiwang mag-isa
sa kwarto. Walang maasar na bilog. Tska walang makakaisip ng magandang idea gamit
ang alcohol lamp at fire sprinkler. Walang uulanin na kwarto. Walang dadating na
bumbero. Walang mapupunta sa presinto. Walang makukulong na Zylie.

Makukulong na ba talaga ako?

"SI BETTINA PO!?" nasabi na ng bibig ko bago ko pa namalayan. Kung nandito nga lang
sa kwarto si Bettina baka nga naituro ko pa siya.

Tinginan sila lahat sa akin eh. Pwera lang kay Silver. Nakatingin lang siya sa
harap niya. Alam kong nagulat sa ginawa kong pagbibintang. Ano bang gagawin ko?
Babawiin ko ba??

"Si Bettina? Yung may bagong ligo na may suot ng damit mo sa baba?" tanong ng tatay
ni Silver. Talagang inemphasize yung bagong ligo at yung damit ni silver na suot ni
Bettina.

Bagong ligo daw?? Huhuhu. Ano na kayang tumatakbo sa utak ng tatay ni Silver
ngayon?? Di naman yun bagong ligo eh. Nagpalit lang ng damit dahil nabasa ng ulan.
Kaso, mageexplain pa ba ako sa mga bagay na yun, eh kung anu-anong bagay na ngang
kasinungalingan ang nasabi ng matabil kong bibig?

"Opo." Madiin na sagot ni Silver habang nagbigay ng isang maliit na tango. Dun na
nag-iba na yung mood niya. Parang dumilim yung aura niya. Mas natatakot na tuloy
ako. Hindi lang sa iniisip ng tatay niya at ng bumbero. Mas lalo akong natatakot sa
tinatakbo ng utak niya pag di na siya nagsasalita.

Nagalit na ba siya agad sa akin dahil sa mga nagawa ko? Lalo na dahil tinuro ko pa
si Bettina bilang may kasalanan? Dahil sa nagsinungaling na naman ako?

"Sige bossing itatanong lang muna namin dun sa babae sa baba kung anong nangyari."
Sabi nung bumbero sa tatay ni Silver.
"Halika na bilisan mo." sabi naman nung isang bumbero na naka full-attire pa
talaga. Para nga silang mga astronaut sa mga suot nila. Bumaba na sila ng mabilis.
Ako naman kabadong kabado pa rin. Gusto ko silang pigilan at sabihing... AKO!! Ako
talaga yung may kasalanan. Na nagawa lang ng sariling kabaliwan lahat ng mga
pangyayari.

Pero pag sinabi ko yun, baka hindi sa presinto, o sa fire station ang bagsak ko.
Baka sa mental hospital na talaga dahil nababaliw na ako.

Sumakit na rin yung paa ko. Ngayon-ngayon ko lang uli nararamdaman kung gaano siya
kasakit. Hindi ko alam kung paano ko natiis lahat ng mga nagawa ko kanina, gayong
masakit talaga siya.

"Ehem..." nagulat ako mula sa pagninilay ng umubo yung tatay ni Silver "Uhm.
Ipaayos mo na lang yan kay Poty... At... Bumaba na muna tayong lahat." Lumabas na
rin siya ng kwarto. Nauna pa rin bumaba yung tatay ni Silver kahit sinabi niyang
baba na daw kaming lahat.

Naiwan kaming dalawa. Lalong tumahimik. Yung feeling na ang sikip-sikip ng kwarto
kahit kaming dalawa lang.

Paano ba naman. Nakatingin lang si Silver sa may pintuan. Hindi na naman siya
tumitingin sa akin. Galit na ba talaga siya sa akin? Ano ba yung naging reaksyon
niya dahil pinagbintangan ko si Bettina.

And speaking of Bettina....

"NOOO!!! WHAT THE HELL!! BAKIT AKO???!!" malakas na sigaw mula sa ibaba. Mukhang
nalaman na rin ni Bettina na siya ang masisisi sa mga pangyayari.

Eto na nga ba yung sinasabi ko eh... ANO NG GAGAWIN KO????!!!! Paano na???
Ipagtatanggol ba ako ni Silver?? Sasakyan niya ba ako sa pagpapaliwanag kung
sakaling magtanong ulit yung mga astronaut na yun? Aamin ba ako matapos kung
magsinungaling kanina? Hindi ko na talaga alam!!!

"Ahhh... Silver---"
"C'mon" ARAY!!! Gusto ko sumigaw. Kasi naman hinila niya ako. Palabas ng kwarto.
Nakalimutan niya bang may sprain ako?? Nung pababa lalo kami ng hagdanan. Sobrang
sakit. Lalo pang sumakit ng matanaw ko si Bettina pati yung mga bumbero. Ihaharap
niya ba ako doon? Papag-explain-nin niya ba ako sa harap nila?

"OHH C'MON!! Mukhang ako pa yung sinungaling?? Kids! Pati ba naman kayo?? Hindi
niyo ba nakita na kapapasok lang namin ni Jeremy ng makita namin na activated na
yung fire sprinklers? Pano nangyaring ako? What's happening!? Wala bang CCTV dito?
Bakit ako ang nadidiin?" todo paliwanag si Bettina.

"JEREMY!! Ikaw nga ang magpaliwanag!!?? You can't do this to me!!" mukhang namataan
niya yata kami ni Silver nung makababa kami.

"Bilis."

Iiyak na ako. Si Silver kasi hinila ako sa ibang direksyon. Pero di na lang ako
umimik. Tinry ko na lang lahat para ibigay ang lakas ko sa lahat sa pag-apak ng paa
para makasunod sa bilis ng pace ni Silver papuntang likod bahay. Kung saan kami
pupunta... wala na akong panahon para alamin. Mukhang hindi niya naman pala ako
ihaharap sa mga bumbero at sa tatay niya. Mukhang itatakas niya naman ako eh.

"SILVER!!!!"

"SIR SIR!!" Narinig kong habol ng mga bumbero pati ng tatay ni Silver. Pero bago pa
nila maituloy ang pagsigaw. Nakalabas na kami at mabilis na nakasakay sa isang
sasakyang nandoon. Ambilis magpaandar ni Silver pero nagawa niya pa akong lagyan ng
seatbelt gamit ang isang kamay habang nagmamaneobra palabas. Nilampasan namin yung
malaking firetruck na nakaabang sa may tapat.

Kabadong kabado pa rin ako. At ang sakit sakit sakit na talaga ng paa ko. Hindi ko
rin alam kung ano nang mangyayari. Ang dami-daming tumatakbo sa utak ko...

Hahabulin ba kami ng malaking fire truck na yun? Baka naman maging mala-FBI
operation ang pagtugis sa amin. Yung feeling na Bonnie and Clyde kaming dalawa??
Baka bunggo-bunguin kami ng kung ano-anong sasakyan para lang mahabol at mahuli. O
baka naman patamaan kami ng malaking water hose nung mga bumbero! Ano ng gagawin
namin kung may mga checkpoint na nagmanman sa amin. Huhuhuhu!!!

"Zyla." Nagulat na lang ako nung magsalita si Silver. Medyo nawala yung
pagkawindang ko. Akala ko kasi mabilis pa rin yung pagtakbo namin, yun pala
nakatigil na lang kami sa tabi ng bahay ko. Wala naman palang tumutugis sa amin.
Masyado lang akong praning.

"Uhh.." Di ko kasi alam kung anong gagawin ko.

Ayan na naman si Silver na nakatingin sa kawalan. Parang blanko lang siya. Di ko


alam kung worried ba siya o nagagalit o naiinis. Mukha pa siyang bulag ngayon na sa
harap lang nakatingin. Masyado ko na ba siyang binibigyan ng problema?? Masyado na
ba siyang masyadong alalahanin? O nagaalala sya kay Bettina??

"Bababa na ba ako??" tanong ko na lang.

"Ahh.." parang natauhan naman si Silver. Mukhang pinapababa niya na talga ako. Tska
niya lang kasi hinawakan yung lock ng pintuan at umakmang lalabas para pagbuksan
ako ng pinto ng sasakyan. Mukhang nakalimutan niya ba talaga na may sprain ako???

Pero bago niya pa magawa yun, nagring yung celphone niya. Ayan na naman yung
munting kaba na baka yung mga bumbero na naman yan. Baka tinatawagan na siya ng
kung saang fire station para hulihin ako. O baka police station pa nga eh. Oo na
ako na ang praning.

Pagtingin ni Silver sa telepono niya. Nagbago yung expression niya. Para siyang
nag-aalala. Bakit ganun? Kanina naman parang expressionless siya?? Mukhang hindi
yata isa sa mga tumutugis yung tumawag.

"Sino ba yan?" di ko mapigilang magtanong. Naramdaman ko na naman yung "girlfriend-


mo-ako" mentality sa ganitong sitwasyon. I am really mad.

"Wala." Nireject niya yung tawag at binalik sa bulsa yung telepono.

Nakakainis yung ganun. Yung parang alam mo naman yung nangyayari tapos ang isasagot
lang sayo eh 'wala'. Pero dahil hindi ko rin alam ang sasabihin at ayokong lumaki
ang mga gulong sininulan ko. Kunwari, hindi ko na lang napansin at kunwari hindi
ako naiinis.

Ang kaso, nung pababa na naman ulit siya, parang nananadyang saktong nagring na
naman yung phone niya. At ayun na naman siya. Di naman sa ayaw ko na nababasa ko
yung ekspresyon niya. Gusto ko nga yung ganun eh. Yung malalaman ko kung ano yung
nararamdaman niya base lang sa ekspresyon ng mukha niya. Pero bakit parang
nakakairita yung pinapakita niyang facial expression sa pagtingin sa telepono niya?

"SI BETTINA BA YAN???!!" eto na naman si bibig. Nauuna na naman gumana kesa sa
utak.

Di siya sumagot.

"Sagutin mo na..." Umiling siya.

"Sagutin mo na..." sinabi ko yun para mapanatag ako. Ang naiisip ko kasi tatawag
lang din naman si Bettina mamaya, at baka hindi lalo ako mapakali sa kaiisip kung
anong pano sila maguusap ng hindi ako nakaharap kay Silver. At syempre, medyo
nakakaramdam naman ako ng konsensya nuh. Dahil naiwan siya dun kasama ng kasalanan
ko.

Bumuntong-hininga muna siya. Bago niya sinagot.

"Bettina..." mahinang sabi niya habang nakatingin sa akin.

Nakatingin lang din ako kay Silver habang pinapakinggan niya kung ano man yung
sinasabi ni Barbie. May mga bahagya akong naririnig. Pero di ko naiintidihan. Para
kasing sumisigaw si Bettina kaya kahit hindi nakaloud speaker parang may may
nauulinigan ako. Kahit papaano curious din ako sa mga pangyayari. Dahil ako naman
ang nagbintang na lang ng kung sino-sino sa sarili kong kasalanan. Nasa presinto ba
siya ngayon? At sumisigaw ba siya kaya Ano kayang ginawa sa kanya ng mga bumbero??

"Mamaya na lang ha..." Pagtapos noon. Nag-end call na siya.

Di ko alam sasabihin. Kasi naghahalo na naman yung nararamdaman ko. Sinagot niya
nga pero mamaya pa rin sila maguusap?

"Tara na..." bumaba na siya ng sasakyan. Binuksan niya yung pintuan sa may seat ko
at pinababa ako.

"Aray..." di ko napigilang sabihin nung tumapak yung paa ko palabas. Nakita kong
lalong sumama yung mukha ni Silver.
"Sorry..."

"AY!" bigla niya kasi akong binuhat. Feeling ko wala nga siya sa sarili at
nakalimutan niyang may sprain ako. O baka naman hindi na talaga siya naniniwalang
masakit ang paa ko dahil nagawa ko ngang i-activate ang fire sprinklers sa bahay
nila eh.

"Susi." Sabi niya ng makarating na kami sa tapat ng bahay namin.

"Silver..."

"Nasaan susi??" May sasabihin pa sana ako. Nang mag-sink in sa akin kung bakit niya
tinatanong kung nasaan ang susi ko. Sinikap kong lumingon ng mapansin ko na sarado
nga ang bahay. Patay ang mga ilaw. Walang tao.

Nasaan na naman sina mama!!!

"Ahh. Saglit." Kinuha ko sa bulsa yung susi at binigay ko sa kanya.

Mabilis naman kaming nakapasok sa loob ng bahay. Binuksan niya na nga yung ilaw ng
sala at mukhang alam na alam na ni Silver yung mga pasikot-sikot dito sa bahay
namin dahil madali niya lang nahanap yung switch. Ilang beses na nga ba siya
nakapasok dito?

Dahan -dahan niya akong ibinaba sa sofa.

"Mauna na ako Zy." Ang sakit na naman ng dibdib ko. Para kasing ayoko ng ganito.
Sinave niya na naman nga ako mula sa kahihiyan sa harap ng mga bumbero at sa mga
tatay niya, pero parang may kulang. Hinatid niya nga ako pero aalis din.

"Mag-usap tayo..." pigil ko sa kanya.

"Zylie, okay lang. Magpahinga ka na."


"IAKYAT MO AKO SA TAAS! SA TINGIN MO BA MAKAKAKYAT AKO?" Wala na kasi akong masabi.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagpapaliwanag sa mga kahibangan ko. Kaya
eto na lang. Kailangan ko ng mga delaying tactics para di kami maghiwalay ng
ganito. Baka mabaliw na naman ako.

"Okay."

Wala naman siyang angal. Binuhat niya ako at dahan dahan kaming umakyat sa kwarto
ko. Kinakabahan man dahil baka biglang dumating sina mama, wala akong pakialam sa
mga oras na ito dahil may excuse naman ako. May sprain ako at hindi ko kayang
umakyat.

Sana naman wag muna sila dumating ngayon. Kung saan man sila nagpunta, sana mamaya
pa ang balik nila. At sana sumama si kuya sa kanila. Parang ang bilis lang talaga
ng oras kapag ayaw mo yun matapos. Naibaba na agad ako ni Silver sa sarili kong
kama. At kailangan ko ng simulan ang paliwanag ko. Kung ayaw kong maging malungkot
na naman.

"SILVER!" Nagulat yata siya kasi sumigaw ako. Bigla rin kasi akong umupo, mula sa
pagkakahiga.

"Yes?"

"I'm sorr-"

*rrriingrringriiing*

Naputol yung pinaghahandaan kong speech nung magring na naman yung phone niya.

Tumingin muna sa akin si Silver. Bago niya sinagot ulit.

"Bett-" napatigil siya sa pagsasalita, pagkasagot pa lang.

Nakatingin lang ako kay Silver. Tikom lang yung bibig niya habang pinapakinggan
yung sinasabi ni Bettina. Parang kinakabahan na naiinis naman ako na ewan.
"Shhh... Don't cry... Please..." ABA!! May ganun pa!! Sumasakit yung lalamunan ko!

"Pupunta na ako... Bye..."

"HUWAT!!!" sigaw ko. Sobrang daming decibels ang nagamit ng boses ko sa biglaang
pagsigaw na yun.

"Zylie, I need to go."

"PUPUNTAHAN MO SI BETTINA?!"

"Yes." Diretsong sagot niya naman.

"BAKIT??!"

"Do you have any idea what you've done, Zy..."

"Silver hindi mo siya pwedeng puntahan."

"ZYLA LIENNE!!! STOP IT!! OKAY? JUST DROP IT!! HINDI TAYO DAPAT NAGAAGRABYADO NG
ISANG TAO NG PAULIT-ULIT!!! HINDI KO KAYANG I-SOLVE LAHAT NG PROBLEMA MO KUNG
GANYAN KA!! MAY MGA PROBLEMA DIN AKO. YOU DON'T NEED TO BE THAT JEALOUS. IT'S BEING
SELFISH ALREADY!"

"S-silver!" Ang sakit. Totoo lahat.

"AT HINDI KA DAPAT GANYAN KUNG IKAW NAMAN ANG MAY KASALANAN!!" Sumigaw na si
Silver.

Napakasama ko diba?? Ako na nga may kasalanan sa mga kaguluhan sa bahay nila
Silver. Nagsinungaling pa ako at pinagbintangan si Bettina. Tapos ngayon umaakto
ako na parang walang kasalanan kung ipagdamot ko si Silver sa babaeng yun. Napuno
na si Silver sa akin.
"I-im sorry..." gusto kong humagulgol. Dahil pahiyang-pahiya ako. Alam ko namang
all the while, ako yung nasa mali. Pero ginagawa ko pa din. Bat ba ako ganito?? "I-
ingat." Yun na lang yung nasabi ko bago ako humiga ulit para yakapin yung malaking
unan.

"Zy..." Aalis na siya. Magpapaalam na siguro siya. Ayoko ng tumingin. Wala na akong
mukhang maihaharap. "Please don't make this hard for me."

"I'm so sorry..." I felt his breath all over my ears. Nakahiga na rin siya at
nakayakap sa akin. "Sorry I shouted." Mas lalo akong naiiyak sa ginagawa niya eh.
Ganito ako diba? Kapag inaamo at inaalo, tska lalong naiiyak. Siguro dahil na rin
sa guilt, at mas lalo kong narerealize yung sitwasyon. "Pancake." Ipinatong niya
yung kamay niya sa ibabay ng kamay ko na nakayakap sa malaking unan. Hinawakan niya
yun at pilit na iniaalis sa pagkakayakap sa malaking unan.

"Harap ka dito..." Lalo akong nagiguilty na ewan. Kasi ako yung may kasalanan tapos
nagso-sorry na naman siya.

"Hindi... sige puntahan mo na si Bettina..." sabi ko habang nakasubsob pa rin sa


unan.

"Hindi kita marinig. Humarap ka sakin." Di ako sumagot. May pinipigil kasi akong
malaking hikbi na kakawala. Waaah. Ang sama ng loob ko talaga. Tapos ang sakit ng
paa ko.

"Di ako aalis dito... hanggang di ka humaharap." Hinawakan niya ulit yung kamay ko.
Pinunan niya yung pagitan ng mga daliri namin. At pinilit niya akong iharap sa
kanya. Gusto ko sanang takpan yung mukha ko nung tuluyan niya na akong maiharap sa
kanya. Ang kasi hawak-hawak niya yung mga kamay ko. Hindi na lang ako tumingin.
Dahil nahihiya na ako. At naiilang.

"Sorry..." sabi niya habang nilalapit yung mukha niya sa akin. Di pa rin ako
tumitingin. Sa dibdib niya na lang ako nakatingin. Tuloy-tuloy pa rin yung pagpatak
nung luha ko. Ano ba namang kasing mata to. Ano ba naman kasing pakiramdam to.

"Sorry... s-sorry Silver... Sorry... Sorry." Wala na akong ibang masabi "Sorry...
I'm really sorry... Pasensya na talaga...""
"Kaw talaga..." niyakap niya na rin ako. Hinaplos-haplos niya yung buhok ko. "You
know I can't afford to see and leave you crying."

"Sorry.... Sorry... sorry..." paulit-ulit kong sabi habang nakasubsob sa dibdib


niya "Sorry ..."

"Hindi ko tinatanggap."

"B-bakit??" ayoko na... bakit ganito?? Bat ayaw niyang tanggapin yung sorry ko.

"Sabihin mo muna..."

Huh? Anong sasabihin ko??!

"A-ano??"

"Wala ka na bang ibang sasabihin, kundi sorry?"

"A-ano bang g-gusto mong sabihin ko??"

Hindi siya sumagot, inintay niya lang yata akong magsalita ulit.

"A-ano?" di ko alam kung anong sinasabi niya. Holo baka magkaroon na naman ako ng
kasalanan nito eh.

Di pa rin siya sumagot.

Humarap na ako sa kanya.

"May utang pa ba ako sayo... na... na kiss??" tanong ko.


"Huh?" parang nagulat siya sa sinabi ko.

"Ay hindi ba yun??"

"HAHA!! Haha!!" natawa siya. Mukhang hindi yata yun yung gusto niyang sabihin ko.

"H-hindi ba yun?? S-sorry ulit.

"Hindi, yun talaga yun. Tama ka... May utang ka pa..."

"H-hindi naman eh!! Natawa ka nga eh... Wag mo ako lokohin!!"

"Pipikit na lang ako dito."

"S-silver ano ba kasi yung gusto mong sabihin ko??"

"Ang tagal oh..." nilagay niya pa yung dalawang kamay niya sa ilalim ng ulo niya.

"B-bakit ba nauwi sa ganito? Eh diba may---"

"Eto na nga lang, di pa mapagbigyan..." Sabagay ang dami-dami na nga niyang ginawa
para sa akin ngayong araw, simple na nga lang dapat ito diba? Kasi, kami naman.

"Pikit lang!!!" I warned.

Di siya sumagot.

"Tapos papatawarin muna ako ha. Please. Wag ka ng maging cold. Ha?"

"Bilis." Ewan ko ba bakit nahihiya parin ako. Malaman lang kasi ng pamilya ko tong
pinaggagagawa namin isasako talaga ako at itatapon sa ilog. Hoolooo.
Pero bumangon ako para lumapit ng kaunti sa sleeping beauty. Kinikilig na naman
ako. Pinunasahan ko yung luha ng pagddrama ko kanina. Pati yung bibig ko pinahid
ko. Tinitigan ko muna siya.

Walangyang lalaki to. Naging mas lalong komplikado ang buhay ko nung dumating siya,
kung dati black and white lang, malas o swerte lang, ngayon may gray areas na...
at nagkaroon na ng ibang kulay Hindi ko alam kung ano man ang nagustuhan niya sa
akin. Napapaisip pa rin ako paminsan kung paanong naging kami. Pero pag may mga
panahong ganito, parang sasabog yung puso ko.

"Pikit!!!" Dahan-dahan kong inilapit yung mukha ko kay Sleeping Beauty. Na-o-
awkward man, dahil ako yung hahalik, wala ng atrasan. Isang dampi lang naman eh.

Naramdaman kong hinahaplos niya yung likod ko. >O< Halimaw talaga si Silver Jeremy
pagdating sa pagbibigay ng kung ano-anon pakiramdam. Yung feeling na parang
nababawasan yung sakit sa paa ko sa ginagawa niya.

Like a panacea.

"Mahal kita..." sabi ko sa kanya nung magbitiw kami. Inilagay ko yung mukha ko sa
gilid ng mukha niya, nakasubsob ako sa unan at niyakap ko siya.

"Akala ko di mo na sasabihin eh.." sabi niya sa akin habang binubulungan ako sa


tenga.

Nung una di ko muna madigest yung sinabi niya dahil nakikiliti ako. Hinahalikan
niya kasi yung tenga ko kaya parang nagbuffer pa ng mga ilang segundo bago ako
napareact.

"Ha??" yun lang pala. Hinihintay niya lang akong magsabi ng mahal ko siya.

Baliw talaga.

"ZYLIEEEE!!!"
"Zylie nandiyan ka na ba??"

OH NO.

Sina mama, nasa baba na...

"Anong gagawin ko? Anong gagawin ko! Umayos ka, nandiyan na sina mama!"

"ZYLIE!!!!" mukhang papaakyat na ng hagdan sina mama at papa.

Sobrang nagpapanic na ako. Pero si Silver kalma lang.

Gusto ko ng sabunutan ang sarili ko.

Dahan-dahan pa kasi ang paggalaw niya. Tumayo siya at...

Nagpunta sa CR?!?!?!

"Oh? Bakit hindi ka sumasagot? Nandiyan ka na pala." Saktong pagpasok ni Silver sa


CR tska naman bumukas yung pintuan ng kwarto para iluwal yung ulo ni mama.

"Ahh.." sumulyap ako sa pintuan ng CR "inaantok na po ako eh..." itatanong ko pa


sana kung saan sila galing, pero di ko alam sasabihin ko.

"Ahh.. sige... matulog ka na at ipahinga mo na yang paa mo..."

"Opo. Okay na siya at hindi ko na po talaga pinasemento. Magsasaklay na lang po


ako."

Isinara na ni mama yung pinto.


Nakanganga pa rin ako. Ano ba kasi yung nangyayari. Hindi ba napansin ni mama na
namamaga yung mata ko? Hindi ba ako mukhang tensyonado. Naisip ko rin na nasa tapat
yung kotse ni Silver. Hindi ba nila napansin yun? Ibang kotse nga pala yung ginamit
namin nung tumakas kami sa bahay nila.

Maya-maya, kaswal na lumabas si Silver mula sa CR. Tinungo niya pa yung pintuan ng
kwarto at ini-lock yung pinto.

HUH?! Ni-lock niya.

"Uhhh.. Anong ginawa mo?"

"Nag-CR." Sabi niya na merong 'matter-of-fact' tone. Tinanggal niya pa yung sapatos
niya. Tapos humiga sa kama. Di pa nakuntento at nagkumot.

"Uy.. Anong ginagawa mo? Seriously?"

"Matutulog."

"Huhh????!!"

"Dito ako matutulog." Hinila niya pa yung kamay ko para yakapin papunta sa kanya.

WHAT?!!!!

*later*

##################################

~~Chapter Sixty One- Kisses~~

##################################

ZYLIE's POV
Ang bango. Para akong adik na nakalimutan na lahat ng sasabihin at iaangal ko noong
kinulong niya ako sa mga bisig niya.

Yung amoy niya na parang drugs na unti-unting sumusuot sa sistema ko. Kung pwede
nga lang na dito na ako tumira sa tabi niya eh. Haha. Niyakap ko siya ng mahigpit
at sa tingin ko, halos makalimutan ko na lahat ng mga alalahanin.

"Hmmmm..." narinig kong sabi niya habang niyayakap niya rin ako ng mas mahigpit.

Good Lord. Ano bang nagawa ko para bigyan ako ng blessing na ganito. Eto na ba ang
kapalit ng lahat ng kamalasan na inaabot ko? Pero para kasing it's too good to be
true. Haay. Natatakot tuloy ako. Baka kasi etong mga kasiyahan na natatamasa ko
ngayon eh may mga kapalit.

"Yakapin mo lang ako ng ganyan ah..." Holo di ko napigilang sabihin.

"Di pwede."sagot niya

"Ha? Bakit naman?" lumayo ako sa kanya para tignan yung mukha niya. Ano ba kasing
sinsabi niyang hindi pwede? Nakapikit pala siya at nakangiti ng kaunti. Tinitigan
ko yung mukha niya ng saglit bago siya nagsalita.

"Hindi pwedeng... Hindi pwedeng hanggang yakap na lang..."

Ha? Ang tagal pa bago ko naintindihan yung sinabi niya.

"Hoy grabe to!!!" hinampas ko siya sa braso ng marahan at tska ako tumalikod.
Nahiya naman daw ako. Talaga tong si Silver Jeremy kung ano-anong kalokohan sa
buhay. "Wag ka ngang magbiro ng ganyan."

"Hindi ako nagbibiro..." dumilat siya at tinignan ako sa mga mata. "Mag-ingay ka pa
bilog."

"Wah!" tumalikod ako bigla "umayos ka diyan!!" kinakabahan na naman ako sa kanya.
"Maayos naman ako ah..." bulong niya sa tenga ko. Kinuha ko na naman yung malaki
kong unan. At yun ang niyakap ko. Baliw kasi tong si Silver eh.

"Hindi pwede... Yakap lang..." mahinang sabi ko.

"Bakit yakap lang?" sagot niya ulit habang binibigyan ako ng backhug. Kyaaah
feeling ko tuloy ang liit-liit ko habang iniipit niya ako ng yakap.

"Syempre..." nahihirapan akong magsalita. Isinisiksik niya kasi yung ulo niya sa
gilid ng mukha ko. Habang hinihigpitan niya yung yakap niya. "Bawal pa yun..."

"Ha? Anong sinasabi mo?" Ano ba to? Papagexplain-in pa ako?

"Ikaw! Sabi mo, di pwedeng hanggang yakap lang? Ano ka ba naman. Wag mo akong
binobola ng ganun!" pshh kinakabahan naman ako sa pinaguusapan namin eh. Tska ang
awkward.

"Hmmmm, I see... Wala naman akong ganong ibig sabihin. Tell me, ano bang naiisip
mo?" Waaaah. Wala daw siyang ganoong gustong sabihin? Eh ano? Waaah. Eh di ako lang
pala yung madumi yung utak dito? Waaaah Nakakahiya!

Kinuha ko nga yung kumot at nagtalukbong ako.

"Walaaa! Wala akong naiisip!"

"Meron eh..."

"Eh ikaw kasi sabi mo hindi pwedeng hanggang yakap lang! Eh ano?! Sinasabi ko lang
naman, na ano... na..." hindi ko talaga ang alam ang tamang mga words sa mga
ganitong usapan eh "na... magbehave ka! AYY!" napasigaw ako kasi hinila niya yung
kumot.

"I'm not doing anything!" nakasmirk niyang sabi.


"EH ANO!? Akin na nga yung kumot!"

"Shhh!" sabi niya. Ang ingay ko nga naman baka marinig ako nila mama. "I won't do
anything bad..." tinitigan niya ako habang inilalayo yung kumot sa akin.

"S-sige na matulog na lang tayo..."

"I won't sleep."

"B-bakit naman? Sabi mo dito ka matutulog. Tapos you won't sleep? Ano ka?"

"I just... wanted to... kiss you all night."

"HAH!?" jusmiyo! Sinasabi pa lang niya, naiimagine ko na. Kailangang magrelax ng


puso ko. Parang feeling ko nasa tenga ko na ang lahat ng pulso ko dahil dinig na
dinig ko yung mga pintig. Nakakabingi.

"Kaya hindi pwedeng yakap lang... That's what I'm talking about. Not what you're
thinking in your little dirty mind, circle princess..." ginagawa na naman niya.
Yung pagtingin niya sa akin na may halong Silver Effect. Basta hindi ko
maipaliwanag kung anong meron sa kanya.

"Hindi pwede!" sabi ko na lang. Kasi naman nahiya ako. Kiss lang pala yung sinasabi
niya. Dumi talaga ng utak ko. Pero kasi, nasa isang kama kami. At kapag nag-kiss,
baka mauwi din dun yun! "H-hindi talaga!" gusto kong ialis sa utak ko yun.

"Pwede." Makulit na sagot niya.

"Hindi pwede!! Tulog na!"

"Shh! Pwede! Wala ka ng magagawa." para siyang bata na nakikipag word war sa akin.
Yung parang siguradong-sigurado naman siya na mananalo siya sa argument namin.
"Sige ka! Sisigaw ako!" panakot ko sa kanya.

"Go ahead." Todo todo na yung smirk niya! Syempre hindi ko naman kayang gawing
sumigaw. Eh di parang ipinahamak ko na yung sarili ko?

"Talaga?! H-hindi ka natatakot kina mama at papa?!" bilang walang masabi, kunwari
na lang tinatakot ko siya. "Pwede ko namang sabihing nagdaan ka sa bintana?" So
lame! Waaaah.

"Nice try... Sige sumigaw ka. I'll shut you up with a kiss. At makikita nila mama
how you respond to my kisses..."

"Alam mo... Nababaliw ka na talaga. Why are you doing this to me?"

"I am not."

"Basta hindi pwede!" syempre sabi ko pa rin.

"Bakit hindi pwede?"

"Kasi hindi pwede... Naiinis pa rin ako sayo!" wala na nauubusan na ako ng
sasabihin. Kasi naman! Wag na siyang magtanong-tanong. Pwede namang tulog na lang
kami tapos gawin niya na lang... Ayy...

"Naiinis?" tapos naging seryoso na siya.

Ayan na naman yung bibig ko kung anu-anong sinasabi eh. Oo alam ko naman ang dami
kong kasalanan. Nasigawan na nga niya ako kanina eh. Tapos ako pa may karapatang
magsabi ng naiinis sa kanya. Holooo. Tahimik na siya. Parang nagiisip. Tapos,
tumayo siya at tinungo yung pintuan.

Holo aalis na siya? Teka teka!

"WAAAIT!!! Teka!!! Oo na oo na payag na ako! Wag ka namang umalis! Sasabi-sabi na


matutulog dito tapos aalis din naman pala! Gusto ko naman eh!!! Sorry na napahiya
lang naman ako tska, ano, kasi, nahihiya pa rin ako tska ... ano, nakakahiya namang
sabihin na gusto kong mag-"

*CLICK!*

Malakas na nagclick yung lock ng pintuan ko. Pagtingin ko, tatawa-tawa si Silver.
At parang napapakamot pa yata ng ulo.

Di naman pala siya lalabas. Nakabukas pa pala yung pintuan ko. At ni-lock lang
niya. Waaaah.

"Ano ulit?" tanong niya habang dahan-dahang lumalapit. "Can you repeat everything
you said?"

"Wala pooooo!!"

"Ano ulit yung gusto mo?" papaakyat na siya sa kama.

"Wala wala!!!"

"Anong wala?"

"Wala nga!?" magtatalukbong na sana ulit ako ng kumot ko dahil akala ko lalapit na
naman siya at aasarin ako o kaya gagawa ng mga bagay na nagpapalambot sa tuhod ko.
Pero hindi, nahiga lang siya sa tabi ko at pumikit.

"S-silver."

"Zylie..." nakapikit pa rin siya pero gumalaw yung isang kamay niya para hanapin
yung kamay ko. Hinawakan niya yun ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit.

"Hmm?"
"Alam kong hindi ko madalas sinasabi sayo... How I feel... How I miss you... How I
cherish... and love you..." Sa bawat salita niya, natutunaw ang puso ko. Alam ko
naman yun eh. Alam kong hindi siya madalas magsabi ng kahit ano. Ng nararamdaman
niya. Sanay na naman ako doon eh...

"Because... I'd rather prefer you won't believe me if I say I love you..."

"B-bakit naman?"

"...so that I can spend the rest of my life proving to you how much I do..."

Waaaaaaaah! Parang mas lalo yata akong naluha dun. Lumapit na talaga ako sa gawi
niya tska niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sorry!! Sorry sa mga masamang ginagawa ko!" niyakap ko siya na parang wala ng
bukas. Naisip ko na sobrang swerte ko pala. Kahit naiisip ko palagi na sobrang
malas ako. Ngayon parang walang papatay sa binigay na malaking swerte sa akin.

"I just want you..." hinawakan niya yung pisngi ko. Tska niya lang ako tinignan sa
mga mata. "... to trust me... Okay?"

Binigyan ko siya ng marahang tango. Hindi ko na hinintay na magtanong siya ulit. I


love him so much and gaya niya, I wanna prove him how much I do.

"Zy-"

I kissed him tenderly. Nagulat pa siya dahil bigla ko na lang ginawa yung
ipinagiinarte ko kanina. Pero hindi niya naman ako pinagtululakan. Niyakap niya pa
nga ako ng mahigpit.

These are one of the moments na parang nabibingi ako. Pano ba naman, sinasabayan pa
ng marahang haplos ni Silver sa buhok ko yung pagganti niya ng halik. Niyakap niya
pa ako at inalalayan hanggang mapunta ako sa ibabaw niya.

"I can do this all night with you..."


Baliw talaga siya! Anong all night? I bent na lang closer to kiss him again para
mapagtakpan ang tension. Boyfriend ko naman siya eh. Kaya namin nagagawa ito. Basta
napagusapan naman na namin kung hanggang saan lang kami.

Pero pag ganitong ganito siya kapusok...

"Zylie anak!!! Aba bakit naka-lock ang pintuan mo? Paano kapag may nangyaring
masama sa'yo diyan at hindi namin mabuksan ang pintuan? May sprain ka pa naman?
Zyliee??? Zylieeee.."

Napabalikwas ako dahil sa gulat. Nakuuu! Kung alam lang ni mama na wala namang
mangyayaring masama. Pero pag nakita niya kami, iisipin niya na may ginagawa kaming
masama.

"B-bakit p-po mama!!?"

"May dalang pagkain ang kuya mo... Ipinagdala kita. Buksan mo ang pintuan? Kaya mo
ba!! Bilis nabibigatan na ang mama..."

Tinignan ko si Silver. Relax na naman siya.

Paano na ito?"

*later*

##################################

~~CHAPTER LII- ZYLIE~~

##################################

BASA MUNA BAGO BOTO.


CHAPTER LII- ZYLIE

"MA?" dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Literal na sinilip ko lang si mama mula
sa loob.

"Buksan mo ng maluwang ang pinto at nabibigatan na ako." Sabi ni mama habang


inilalapit yung tray ng pagkain sa maliit na awang ng pintuan."

Lumingon muna ako sa kama. Kinakabahan kasi talaga ako. Kung pwede nga lang na
paalisin na lang si mama ginawa ko na. Pero, paglingon ko, syempre... Wala akong
makita. Patay kasi yung ilaw. Pinatay ni Silver kanina.

Nung nagpapanic na ako lahat-lahat kanina. Halos sabunutan ko na nga yung sarili ko
sa sobrang pagkapraning dahil di ko alam kung itutulak ko ba si Silver sa bintana,
ipapasok sa cabinet o papapuntahin na naman sa CR. Pero kalmado lang na tumayo si
Silver at pinatay ang ilaw.

Tapos, di na nagsalita. Napatahimik na lang ako at napaisip na 'Okay, so eto ang


paraan para di kami mahuli? Ganito na yun?'

Pero siyempre naglakad na lang din ako sa pintuan na puno ng kaba kung maaninag ba
na may isang bulto ng katawan ang kasama ko sa loob ng kwarto ko.

=____=

Jusko!!! Kinakabahan talaga ako.


"Buksan mo naman yung ilaw anak. Pipilay-pilay ka na nga tapos pinapatay mo pa yung
ilaw, paano kung madapa ka dito? Nasaan na ba yung switch??" bakas ang pagaalala na
sabi ni mama.

"MA WAG!!! HWAG MO NANG BUKSAN!!! WAG POO!!!" napasigaw ako kasi naman, baka
mabuksan nga ni mama yung ilaw, tapos makita niyang itinatago ko dito si Silver.
Noooo. Hindi pwede!

"Aba't bakit??? Kung makasigaw ka naman! Paano ko maipapatong itong pagkain mo kung
mangangapa ako sa dilim? Hawakan mo na nga itong tray at ako na lang ang magbubukas
ng ilaw." Inilalapit sa akin ni mama yung tray.

"MAAA!! Wag na po!!! Nasisilaw ako eh!"


"Anong nasisilaw ang sinasabi mo? Eh kakain ka nga eh, paano kang makakakain ng
nakapatay ang ilaw?"

"EH MAA!!! Hindi naman po ako kakain. Inaantok na po ako. Tska ang sakit na ng ulo
ko. Matutulog na po ako eh!!! " kabadong kabado na ako. Di ko alam kung convincing
yung tono ng boses ko o halatang nagsisinungaling.

"Ha? Ganun ba?" nalungkot naman daw yung boses ni mama. Parang naguilty naman ako
na nageffort pa siyang ipagtabi ako ng pagkain mula sa dala ni kuya. Tapos ang
tagal niya pang naghintay sa labas ng pintuan bago ko siya pagbuksan. Tapos ngayon
sasabihin ko hindi ako nagugutom. Eh kung kanina ko pa naman sana sinabi yun eh di
sana hindi na to tumagal-tagal pa. Eh sa ngayon ko lang kasi naisip dahil
nagpapanic nga ako kanina.

"Ma..." eto ang hirap sa nagsisinungaling eh.


"Sige ibababa ko na lang ito... Pero ayos ka lang ba? Baka nialagnat ka dahil diyan
sa pilay mo? Gusto mo bantayan k-"

"DI NA PO MAMA!!! Okay naman po ako masakit lang ulo tska inaantok!!"

"Bakit ka ba sigaw ng sigaw bata ka! Jusko! Gabing-gabi na..."

"Good night ma..."

"Sigurado ka ba? Baka naman gusto mong samahan kita dito at subuan kita?"
"HINDI NA PO!!!"

"Hmm... Bahala kang bata ka..." huling sabi ni mama bago siya naglakad palabas.
Pinaka-nagpahugot lang ng kaba ko, eh yung narinig kong lumapat na yung pintuan
dahil hindi ko masyadong makita dahil patay nga ang ilaw.

*click*
Di pa ako lubos na nakakabawi ng marinig kong magclick na naman yung lock ng pinto.

May naglock? Sinong naglock?

"S-silver! Silver ikaw ba yang nandiyan sa may pint--"

"Bakit?"

"Ayyy!"
>///<

Nagulat ako dahil biglang may yumakap mula sa likuran ko. Sobrang dilim kasi kaya
halos malaglag yung puso ko dahil sa gulat, at pati na rin sa kilig.

"Nilock mo na naman yung pinto?" yun na lang yung nagawa kong sabihin

"Mmm..." pagsagot niya habang hinihigpitan ang pagkayakap na parang inaamoy ako na
ewan.

>.<
"Nandiyan ka na pala, akala ko nasa kama ka lang. Hindi ka ba natatakot na mahuli
ni mama dito sa loob ng kwarto?" sabi ko sa kanya habang medyo tinutulak siya
palayo. Nakikiliti kasi ako tska naconscious ako sa amoy ko.

"Bakit naman ako matatakot?"

>>__>>

Bakit naman daw? Loko talaga to. If I know, natakot naman talaga siya... Siguro...
"Anong bakit naman? Muntik-muntikan ng buksan ni mama yung ilaw. Tapos nandiyan ka
lang pala sa paligid at na-lock mo lang agad yung pinto. Di ka man lang nagtago sa
CR? Nakuuu kung nakita lang tayo dito, baka isako na ako nun at itatapon na ako sa
ilog. Kung anu-ano na iisipin nun! Baka isipin nun may nang---"

"Papanagutan naman kita eh."

O_______O

ANOOO DAW????
"EHHHHHHH!?!?! Anong sinasabi mo diyang pananagutan?! Baliw ka ba?!"

"Haha.." mahina niyang tawa na parang sinasabing nagbibiro lang siya, sabay buhat
sa akin.

"Ayy..." sabi ko dahil kakaiba pa rin yung pakiramdam na gumagalaw kami sa dilim.
Ni hindi ko nga alam kung paano siya nakapunta sa may pintuan ng ganun kabilis,
pagkalabas na pagkalabas pa lang talaga ni mama. Di ko rin alam kung paano niya
nalaman kung saan ako nakatayo at nayakap nya ako kaagad.

May nightblindness ba ako o may superpower lang tong Silver na to kaya ganito siya
at parang nakakakita yata sa pitch black darkness? WWeeeh!!! Kung anu-ano na namang
iniisip ko.

"Masakit?" patungkol niya sa paa ko.


"H-hindi..." hindi na naman kasi talaga masakit lalo na, buhat niya ako. Auuy.

"Sigurado ka ah." At nagsimula na siyang maglakad papunta sa kama ko.

Hindi ko alam kung nasa bingit na ba ako ng kama nung hiniga niya ako. Maliit lang
naman kasi yung kama ko eh. Hindi naman ito yung katulad nung parang queen size bed
ni Silver. Kaya kinapa-kapa ko muna kung mahuhulog na ba ako o nasaan na ba ako
banda.

"Likot..." sabi ni Silver dahil malikot nga ako. Di ko kasi alam kung mahuhulog na
ako kaya galaw ng galaw yung kamay ko.
"Ehhh! Tinitignan ko lang naman kung nasaang parte na ba ako ng kama! Mamaya
mahulog na ako dito sige ka ba-"

"Oo na..." Naputol yung pagsasalita ko kasi niyakap niya ako ng mahigpit na
mahigpit.

>___<

Ang tagal namin sa ganung posisyon na parang gusto ko ng tumira sa kili-kili niya
^___^v ahahaha. Hindi, pero mas lalo akong naadik. Parang heightened pa lalo yung
senses ko ngayong patay ang ilaw at wala akong makita.
"Pasensya ka na maliit yung kama ko ah. Masikip tayo."

"Haha. Kyot"

@___@

Adik yung sagot niya. Kyot daw? Nakakaewan talaga itong si Silver.

"Seryoso! Baka mangalay ka dahil hindi ka makakagalaw di katulad dun sa malaking


kama mo. Baka bukas masakit na mga kasukasuan mo."
"Walang karapatang magreklamo ang nakikitulog lang. Intindihin mo yung paa mo. Wag
ka ng magalala." Sagot niya tska hinalikan niya ako sa noon a nagbigay na naman sa
akin ng 1000 voltz.

"Pano na bukas? Paano ka lalabas?" tanong ko ulit sa kanya maya-maya.

"Bukas mo na alalahanin yun. Matulog ka na, matabang pisngi."

>>__>>
"Matabang pisngi ka diyan..."

"Bilog na mukha..."

>O<

"Di pa ako inaantok. Ikaw na mauna, alam kong pagod ka."

"Ikaw din, napagod ka..."


"H-hindi... Ikaw nga ang nagbuhat sa akin eh... Medyo... masakit lang yung paa ko
kapag nagagalaw."

"Tsk!" malakas niyang chuckle.

>.<

"B-bakit?" di ko kasi maintindihan yung meaning ng 'tsk' niya "Sorry ah... Dami
kong kasalanan."

"Sorry... you have to be like this para lang makasama mo ako." Mahinang boses na
sabi niya habang hinahaplos yung buhok ko. Masyado namang parang gusto kong
kilabutan dahil kahit ganun lang yung sinabi niya, ramdam na ramdam ko.
"Hindi Silver, ako naman talaga may kasalanan sa lahat... Simula ng itinanggi kita,
sa pagkakadamay nila Bettina, sa nangyari sa Christmas ball, hanggang kanina..."

"Hindi yun. Di, ka sana massprain nung ball, kundi dahil sa akin. Ikaw dapat yung
nanalo, kung hinulog ko lang yung ballot.

O__o

"Kaso di ko na hinulog yung ballota. Kundi dahil dun, 'di sana, wala kang sprain
ngayon..." pagpapatuloy niya.
"Huh? Ano? Paanong hindi mo nahulog? Di ka ba nakaboto? Ako dapat iboboto mo?
Paanong nangyari?" dami kong tanong, medyo hindi ko kasi maintindihan.

"Kung naihulog ko lang yung pangalan ng prinsesa ko, hindi sana kayo tie. Hindi
sana kayo maglalakad sa dancefloor... hindi ka sana massprain. Kasalanan ko din..."

*O*

Ako talaga yung binoto niya? Woah. Baliw talaga siya! Ibig sabihin ako dapat yung
nanalo? Madami talaga yung bumoto sa akin? Nanalo pala talaga ako!

"B-bakit hindi mo hinulog? Dapat pala Vander Princess na ako..." sabi ko sa kanya
dahil wala na
"Ayoko... Nagbago isip ko. Ayaw kong manalo ka."

>3<

"BAKET?!!!" parang uminit ang ulo ko ah. Highblood naman agad ko sa sinabi niya. "
ANO ULIT? Gusto mong manalo talaga yung si Bettina? Para makapag-kiss kayo sa
mistleto--- mMMMM"

Hinalikan niya kasi ako para patahimikin. Hindi ko naman din kasi siya nakitang
tumungo para gawin yun, dahil patay ang ilaw. Hinila niya pa yung kumot at ibinalot
sa aming dalawa. Kapag ngayong malamig ang panahon, para wala na akon ibang maisip
pang mas sasarap pa sa ganitong feeling.

"Ikaw talaga..." pagtapos nun, niyakap ko siya ng pagkahigpit-higpit.


"Kung anu-ano kasing sinasabi mo..."

>__<

"Eh kasi naman, ayaw mo naman pala kasi akong maging Vander Princess, gusto mo
pala... Oooops!!!" naramdaman ko na naman kasing gumagalaw siya. "Tama na, behave
na, hindi na nga po ako magsasalita..." baka kasi buong gabi, halikan niya na lang
ako, baka maadik lang ako.

>o<
"Prinsesa ka ng school? Ayaw ko nun. Ayoko nun, Gusto ko..." siniksik niya pa ako
sa dibdib niya "gusto ko prinsesa lang kita. Bahala na sila humanap ng sarili
nilang prinsesa."

>///<

Talaga tong lalaking 'to. Saan kaya ito pinaglihi at paminsan, hindi ko kinakaya
ang mga sinasabi.

"Pero kahit ganun, Zyla, kapag magaling na yung paa mo, aayusin natin ang mga
nagawa mong gulo. Ayos lang ba yun?"

>-<
Gulo? Medyo madami yun ah. Pero syempre, yun lang naman ang dapat. Kaya um-oo na
lang ako.

"Oo, sasabihin ko yung lahat ng totoo, at magso-sorry ako sa lahat ng naperwisyo ng


kabaliwan ko."

Pagtapos nun, hindi na siya sumagot. Hinayaan ko na lang kahit gusto ko pang mag-
usap kami ng matagal dahil bihira lang naman hindi napapanis yung laway niya na
katulad ng ganito kaya naaliw ako. Ang dami-dami niya rin palang nasasabi.

"Isa na lang."
"Huh?" nagulat kasi ako at bigla siyang nagsalita. Akala ko naman tulog na siya.
"Ano yun?"

"Isa pang kiss..."

o////o

"Ehh... Tama na... Matulog na lang." alangan sabihin ko 'OK sige kiss lang ng kiss'
Syempre hindi pwede yun. Lalo na buong gabi kasi ganito? Tapos ang dilim-dilim pa?

"Last..."
Waaahaha. Nakakatawa. Maypa-last-last pang nalalaman si Silberyo. Di ko kasi siya
masyadong nakikita kaya parang naiimagine ko yung mukha na na nagpapa-cute kahit
alam kong hindi naman siya ganun. Wahaha.

"Ehh! Hindi pwede. Behave na."

Di na siya sumagot kaya ako. Tumahimik na rin at medyo niluwagan ko yung


pagkakayakap dahil medyo nangangalay na yung kalahati ng katawan ko sa tagal naming
nakaganun.

Tapos maya-maya. Etong si Silver gumagalaw.

>>.>>
Tumalikod sa akin ang loko!

:3

"Hoy!"

~~~~~~~~

Wala hindi sumagot. Ano to tulug-tulugan?


"Ano ka diyan? Bakit ka diyan nakaharap?" sabi ko na naman. Alam ko namang gising
siya. Hindi lang napagbigyan tatalikuran na ako? Kaasar.

Ayaw niya talaga sumagot?

Abuh! Kung akala niya susuyuin ko siya. Hindi nuh! Hindi lang napagbigyan yung
pa-'last' last niya. Ganyan na siya? Pero sabagay, sabi niya nga last kiss na nga
daw eh, di ko pa napagbigyan?

?__?

Pero hindi. Naguluhan naman daw ako sa sarili ko. Wala, hindi dapat ganun.
Pero... bakit gusto kong itanong sa kanya kung last na ba talaga yung hinihiling
niya at pagbibigyan ko na siya. Kaya lang nakakahiya, matapos kong magpakipot
kanina, para naman akong tindera na merong special offer.

Pero...

"Sige na nga last na! Harap na dito! Hwag ka ng magtampo diyan." di ko rin natiis.

Holo. Palagi na lang ganito ang siste.

Tapos humarap na siya ulit.


*tsup*

*tsup*

*tsup*

*tsup*

*tsup*
O____O

"Ang dami nun ah!! Sabi mo sa lang! Tampo-tampo ka pa diyan!"

"Di ako nagtatampo, nangangalay lang ako. Pero dahil sinabi mo..."

"Ikaw talaga!!!!"

Yun na lang yung huling napagusapan namin bago ako nakatulog sa mahinang pagtawa
niya.

Pero maya-maya nagising ako dahil ihing-ihi na ako.

"Ang dilim..." di pa rin kasi sumisikat yung araw pero hindi yata ako nakapagCR
kanina grabe lang. Kaya ang sakit lang ng puson ko.

"Silver..." mahinang sabi ko. Pero napagisip ko na baka malalim na yung tulog niya
kaya kumapa-kapa na lang ako.

Nasaan na ba yung phone ko.


Kinapa-kapa ko yung kama para hanapin kung nahulog ba dun? Di ko na matandaan kung
sana ko nalagay.

"Eto pala..." may nahawakan kasi akong telepono. Pero pagtingin ko. Hindi akin. Kay
Silver pala. Nahulog rin siguro sa bulsa niya nung humiga kami. Dibale na. Gagawin
ko lang naman pang-ilaw ng daan. Sobrang dilim pa rin kasi. Pero bago ako bumangon,
inilawan ko muna si Silver.

*O*

Ang himbing! Ang cuuuuuuteee!! Parang lalong gustong sumabog ang ovaries ko. ^___^v

Pero bago pa ako mag-adik na naman. Hinanap ko yung saklay ko. Tska buong lakas na
pumunta ako sa CR, inilawan ang daan gamit ang phone ni Silver.
>3<

Grabe ang sarap ng feeling ng mailabas ko na lahat ng wiwi ko. Hahaha.

Bago ako makalabas...

ZzzzzzzzZzzzz

Nagvibrate ang phone ni Silver.


Aba!!! May nagtext! Baka si mommy niya?!?! O kaya daddy niya! Di kasi siya umuwi
eh. Shocks!!!!

Medyo kinakabahang tinignan ko yung phone niya kung sino man yung tumatawag o
nagtetext.

Bettina
Becarez

I miss our exchange of messages during wee hours of the night

O____O

Ano daw??? Sarap niyang replayan ah! Nagtetext sila tuwing madaling araw? Azar.
Pffft. Pero hindi. Di na dapat ako gumawa ng iba pang kabaliwan. Eh ano kung
nagtetext sila? Malay ko naman kung si Bettina talaga yung naauna, tapos nagrereply
lang si Silver. O kaya naguusap sila about acad? Relax ka lang Zylie... Inhale...
Exhale...

Lumabas na ako ng CR. Ibinulsa ko na lang yung phone ni Silver para maalala ko agad
bukas para maitanong ko.

Humiga na ako ng maayos. Antagal din ng hinintay ko bago dumalaw ang antok.
Tinitigan ko na lang yung mukha ni Silver nung unti-unti ng sumisikat yung araw at
naaninag ko na siya mula sa liwanag na nagmumula sa bintana. Hanggang sa di ko na
namalayan kung paano pa ako nakatulog sa dami ng iniisip ko

**

"Zylie... Zy..."
O_______O

Napabalikwas ako ng bangon. Sheez. Kasi naman, boses ni mama yung narinig ko. Bigla
kong naalala si Silver na katabi ko.

>>__>>

<<__<
Teka, nasaan na si Silver? Nasa CR kaya? Halaaaaa!

"Anak, bumaba ka na diyan, pasado alas-dose na. Hindi ka na nga nakapagalmusal, di


ka pa magtatanghalian?"

O___O

Napatulala na lang ako, dahil nabuksan ni mama yung pintuan. Eh diba ni ni-lock yun
ni Silver kagabi?

"HOY BATA KA! TULOG PA RIN DIWA MO?"

"S-sige po bababa na po!!! Wait lan po mama. Una ka na po."


"Una-una? Halika na, tutulungan na kita bumaba. Di ka na nga kumain kagabi, di ka
pa rin kakain hanggang lunch. Wala ka namang sakit kundi yang paa mo diba?" sinapo
pa ni mama yung noo ko pati yung leeg.

Ako naman kabadong-kabado dahil di ko pa rin naabsorb yung pangyayari at kung


nasaan si Silver. Hangang sa nakababa na ako ng maisip ko na baka nakaalis na yun.
Dahil nakabukas na yung pintuan na ni-lock naman niya kagabi.

Nasa hapag-kainan na ako nung maalala ko yung cellphone niya.

>.<
Kinapa ko agad sa bulsa ko.

Grabe, nandito pa din sa akin. Naiwan niya... Kinuha ko kasi kagabi eh! Balak ko pa
nga kasing itanong yung kay Bettina at sa pagtetext nila ng madaling araw. Di ko na
naitanong dahil tulog na tulog ako!!!

Kainis!!!

>.<

"Hwag ng magtext Zylie at kumain na diyan." Sabi naman ni papa.


"Ganyan na pa mga kabataan ngayon, di mabubuhay ng walang celphone." Sabat naman ni
kuya Zeus.

"Kala mo naman matanda ka na!" mahinang sabi ko kay kuya.

"Tingin mo sakin bata? Nice."

>>__>>

"Tama na, tama na nga yan." Sabi ni mama na dala-dala yung bandehado.
Itinago ko na rin yung cellphone dahil baka makita nila na hindi naman yun yung
mumurahing phone na binili nila para sa akin.

Tahimik na ang lahat dahil busy sa pagkain ng maramdaman kong magvibrate na naman
yung nasa bulsa ko.

>.<

Di ko matiis na di tignan. Mula sa ilalim ng mesa, siniliip ko kung ano o sino na


naman yun.
Bettina

Thanks you sa pagpunta ha? Effort pa... >///< Can you, like, visit me again soon?
Ingat sa daan!

:|

"ZYLIE SINABI NANG HWAG MAGTEXT DITO SA HAPAGKAINAN."

Pero parang di ko na naririnig si papa.

Iniisip ko kasi...
Umalis siya ng maaga, tapos diretso naman siya dun? Ano to shifting schedule?

ToT

*later*

________________

Eh diba sabi ko magiging fast paced na. Kaso di ko kinaya. Sa next UD na lang
siguro. Thank youuu

VOTE and COMMENT.

##################################

~~Chapter Sixty Three- More Lies~~

##################################

ZYLIE's POV
"TABA!"

"HA?!" nagulat ako kay kuya Zeus. Nakapasok na pala siya sa kwarto ng hindi ko
namamalayan habang nakatulala ako sa may bintana. "N-nandyan ka pala kuya. Bakit di
ka marunong kumatok."

"Tsk tsk tsk. Four times taba. Apat na beses akong kumatok. At hindi mo narinig
dahil lutang ka na naman... Anong meron?"

"H-ha? Meron? Walang meron." lutang talaga ako. Eto lang talaga yung Christmas
break na gusto kong matapos na. Inip na inip na kasi ako dito sa bahay. Parang ang
tagal-tagal kapag wala kang magawa kundi umupo lang o humiga sa kama.

"Magkwento ka, sabi ko." Dinikit ni kuya yung upuan niya at inakbayan ako. Ganito
naman si kuya eh. Ang sabi nila, madalas daw magkaaway ang magkasunod na
magkapatid. Ang middle child daw ang pasaway, at may issue dahil sa middle child
syndrome. Dahil ang pinakamatanda daw ang privileged, at ang bunso ang pinaka-baby.
Ang middle child daw ang walang niche sa family.

Pero sa pamilya namin, masasabi kong si kuya Zeus ang may pinaka-walang issue.
Walang attitude, walang problema sila mama sa kanya. Hindi tulad namin ni kuya Zac.
Si kuya Zac na bigla-bigla na lang mawawala, hanggang nasa Canada na pala. Paminsan
nakikita ko na lang na umiiyak si mama dahil sa kanya sa di malamang dahilan.
Masyadong mahigpit, masyadong malinis. Minsan hindi maintindihan dahil parang
walang pamilya at nagrerebelde.

Ako naman, palaging nadidisgrasya, palaging nasusugatan. Tapos may mga issue na
ganito kahit palaging sinasabi nila na ang bata-bata ko pa at pinasasakit ko na daw
ang ulo nila. Pag si kuya Zac naman, ang tanda-tanda na naman daw at ganun pa rin.

Sa amin, si kuya Zeus ang nagnu-neutralize sa lahat. Ang kakalmahan. Ang kasipagan.
Ang bukas ang puso at kalooban sa lahat. Nag-aalala na nga ako at baka nawawalan na
siya ng oras sa personal niyang buhay dahil sa pagaalala at pagsuporta sa'ming
lahat.

"A-anong ikkwento ko?" pagmamaang-maangan ko. Pero hindi ko naman talaga alam kung
anong ishe-share kay kuya kahit gustong-gusto ko na. Alam ko naman na magkakampi
kami sa mga bagay na ganito. Palagi niya naman akong kakampihan laban sa iba, pero
papagalitan sa loob kapag kami-kami na lang para itama ang mali ko. Pero anong
sasabihin ko? Isusumbong ko ba si Silver? At anong isusumbong ko sa kanya? Na
naghihinala ako na nagpunta si Silver sa ibang babae? Bakit? Mag-asawa kami para
mag-akusa ng ganun? At wala rin naman akong ebidensya eh. Yung text lang ni Bettina
na nagpunta pala si Silver sa kanila.

"Hmmm... Makikinig si kuya. Hindi ka aasarin ni kuya, promise." Eto na naman si


Kuya. Nagsasalita na naman in third person. Alam kong seryoso siya pag ganyan.

"Kuya, lame eh." Panimula ko. Niyakap ko yung bewang ni kuya. Ganito yung panahong
nasasabi kong ang swerte ko may kapatid ako. Swerte pa rin ako kasi may Kuya Zeus
ako.

"Sige lang, yakap ka lang sa macho mong kuya, habang nagkkwento ka. Ano? Naramdaman
mo ba yung abs ko? Nagbunga na ba ang pagbi-build muscles ko?"

"Build muscles ka diyan." Imbes na mamumuo na yung luha sa mata ko, muntik na akong
mapatawa. Baliw talaga ni kuya. Eh ang payat niya nga. May pera ba kami para mag-
gym siya? Siguro kung hindi niya binibigay para sa bahay at sa lahat ng
pangangailangan ang sweldo niya, siguro kung nagpapadala ng maayos si kuya Zac,
hindi magiging ganito si kuya Zeus. Pero sino ako para sisihin si kuya Zac? Sabi ko
nga, may kanya-kanya kaming issue.

"Haha. Pinapatawa lang kita. Alam mo ba daw, kapag nahipan ka ng masamang hangin,
forever ng magiging ganyan yung mukha mo. Gusto mo ba nun?"

"Nyeeh. Hindi naman totoo yun eh. Meron bang ganun, nahipan lang ng hangin, stuck
na yung mukha?"

"Sige try mo, tapat mo yung mukha mo siyan sa electric fan." Sabi ni Kuya at
umakmang tatayo.

"Saan ka pupunta? Akala ko ba nagpapakwento ko.?" nagtataka kong sabi habang


tinatanggal niya ang kamay ko sa pagkakayakap sa kanya.

"Uutot sa likod ng electric fan? Ready mo na yung mukha mo para sa masamang hangin!
Hehe."

"HUH?!!? KADIRI KA KUYA!!! HINDI KA LANG IMBENTO, BABOY KA PA. YUCK TO!!" pagaalma
ko kahit di niya pa naman ginagawa.
"Hahahaha! Ngumiti ka na kasi! O kaya magkwento ka na. Mahirap yang sinasarili ang
mga bagay-bagay...."

"Uhm..." huminga pa muna ako ng malalim. Kahit naman ganito kami kaclose ni Kuya,
hindi ko naman pwedeng ikwentong dito natulog si Silver. Kailangan ko rin piliin
kung ano ang dapat kong ikwento at isumbong.

"Oh, Ano na?" bumalik si kuya sa pagkakaakbay sa akin.

"Uhm, ano kasi kuya... limang araw na po kasi eh."

Oo. Yun talaga ang di magpatahimik sa akin. Limang araw ng hindi nagpaparamdam si
Silver. Hindi ko na alam kung ano pang mga nangyari. Masama pa rin ang loob ko sa
mga text ni Bettina. Ni hindi niya man lang ako ginising, bago siya umalis. Hindi
ko man lang alam kung paano siya nakalabas ng bahay namin. Kung hindi ba siya
hinanap sa kanila kahit sa kwarto ko siya nagovernight? O baka sanay na yung mga
magulang niya? Baka naman kung kani-kanino siya nagpapalipas ng gabi?

Waaah. Nako. Kung anu-ano ng pumapasok sa isip ko. Nawawala na din yata ako sa
katinuan.

"Limang araw na ano ba?"

"Ano po... limang araw na pong wala..." Hindi ko masabi. Nakakahiya, feeling ko ang
lame kapag sinasabi ko na sa iba. Na napaka-petty lang pala. Pero pag sa'kin lang
naman, parang sobrang big deal. Bakit ganun?

"Anong wala?! Limang araw ng walang ano?"

Bumuntong hininga ako.

"Limang araw na pong hindi nadi nagpaparamdam si Silver."


"Haaaah." mas malakas pa ang pinakawalang buntong-hininga ni kuya Zeus "Akala ko
kung ano na..."

"Ano namang akala mo? Sorry, sabi ko sayo lame lang tal-"

"Akala ko naman, limang araw ka ng hindi nagkakaroon. Delaued."

Delayed... Di ko pa nagets nung una. Paminsan talaga, kapag si kuya ang kausap ko,
nagiging slow ako, ewan ko ba talaga.

Itutuloy ko na sana ang kwento, ng maintindihan ko siya.

"KUYA?! ANONG PINAGSASASABI MO?! ANONG DELAYED KA DIYAN!" pinamulaan na ako ng


mukha. Paano nakakayang sabihin yun ni kuya?

"Mabuti na lang, Zylie."

"Kuya, iniisip mo ba... talaga? *gulp* na may... may ano... may nangyayari sa amin
ni... ni Silver?" hirap na hirap pa akong ituloy ang tanong ko.

"Hindi ko alam... Siguro..."

"KUYA NAMAN!"

"Para kasing... mahal na mahal mo yung tao."

"Mahal na mahal ko?" pano kaya nasabi yun ni kuya?

"Obvious Zyla."

"Ganun po ka-obvious."
Tumango siya.

"Sobra... sobrang obvious na nakakatakot na..."

"Natatakot ka? Na... na gagawin ko... yun?"

"Ano bang hindi natin kayang gawin para sa mahal natin?"

Shoot. Yung feeling na hindi ako aware pero tumbok na tumbok ni kuya Zeus lahat.
The feels. Tagos. Minsan talaga, kapag kasama ko si Silver, parang kahit ano,
magagawa ko, wag lang siya mawala ulit. Kasi naramdaman ko na eh. Naramdaman ko na
yung feeling nung halos mawala siya sa akin. Yung hindi naman ako talaga madrama sa
buhay, pero eto. Palagi na lang akong nagmomonologue sa sarili ko.

Pero magagawa ko ba talaga ang bagay na yun? Nakakatakot isipin.

"Kuya. Wag kang mag-alala. Pramis ko sa iyo. Sa inyo nila mama... na wala pa sa...
sa isip ko y-yun. P-promise." Sana naman nagtunog convincing ako.

Kasi, kahit hindi pa naman umaabot sa ganun, inaamin ko naman minsan sobrang
nagiging intimate kami. At nung isang gabi nga lang, dito natulog si Silver. Sa
apat na sulok ng kwarto ko. Sa mismong kama ko. Katabi ko lang. Gawain ba ito ng
matinong highschool student? At nagagawa ko pang magpramis na wala akong gagawing
masama? Nakakakonsensya.

"O siya. Wag ka ng malungkot diyan. Di lang nagpaparamdam, lungkot na lungkot ka


na. Araw-araw mo na nga siya kasama nung pasukan eh. Sigurado naman akong nagdate
kayo nung mga nakaraang araw. Maswerte ka, may kaya ang boyfriend mo. May kotse na
kaya kang dalhin kung saan-saan kahit, may sprain ka. Eh ako, dyahe maggirlfriend.
Walang pang-date. Kawawa ang kuya mo." nag-sad face pa si Kuya.

"Ayaw mag-girlfriend ng kuya ko kasi ayaw magpatali sa isa!" tinawanan ko na lang


siya, kahit alam kong sobrang marami siyang isinasaalang-alang para sa amin. Kahit
marami naman diyan na lumalapit.

"Ah basta, hindi naman healthy na araw-araw kayong nagkikita taba. Di porque
pinapayagan ka namin na magboyfriend, araw-araw, minuminuto na dapat kayong magkita
at magusap. Wag mong ifocus sa kanya ang mundo mo. Madaming magagandang pangyayari
sa ibang parte ng buhay mo Zylie."

Natuwa na rin ako. Makes sense. Kahit pa hindi ko pa nakikita yung pagkakataong
magsasawa ako sa kulay Silver na Jeremy na yun.

"Opo! Sir Yes Sir!!!" tumayo pa ako at sumaludo kay Kuya."

"Oh nakakatayo ka na? Ayos na ang paa mo?"

"Ah. Medyo. Masakit na lang iapak. Kayang-kaya. I've had worse. Naiilakad ko na
kahit papaano."

"Mabuti yan. Sige. Papasok na ako sa work! Nood ka na lang diyan ng TV. O kaya
magaral ka para sa prelims niyo sa pasukan, perfect ka na."

"ASA!!" hindi naman kasi ako ganun ka-GC. Tska sino pang gumagawa nun sa panahon
ngayon? Yung nagaaral kahit matagal pa ang pasukan. Tska wala rin naman,
makakalimutan ko na rin naman pagpasok "Tska Kuya Zeus, wala naman kaming exam sa
January. Feb pa ang prelims namin!"

"Aba malay ko ba. Basta sige. Umayos ka diyan at itatapat ko sayo itong electric
fan medyo nakapaling." Tumayo na siya at inayos ang fan at itinutok lalo sa akin.
Ang sweet talaga ni Kuya grabeee. Wala akong masabi.

"Okay na?" tanong niya.

"Yup! Thanks Kuya. Love you!"

*PppproooOOooooOoooTtt!!!*

"Kadiri!!!!! Ang baho ng utot mo Kuya!!!" napatayo ako at lumapit sa bintana para
huminga. Talagang tintotoo ni Kuya ang sinasabi niya kanina, tungkol sa pagutot sa
likod ng electric fan.

"WAHAHAHAHAHA! Ayan nahipan na ng masamang hangin yun mukha mo, habang nakangiti!
Forever ka na dapat nakangiti ah? BYEEEE!!!"

*swoooosh*

Tumakbo na si Kuya sa baba ng sobrang bilis. Iniwan akong suffocated sa utot niya.

"KADIRI!"

Nung ako na lang mag-isa. Parang bumigat yung bulsa ko. Naalala ko yung phone ni
Silver. Hindi ko sinabi kay Kuya na nasa akin yung phone niya. Baka kasi magtanong
pa kung paano napapunta sa akin. Baka madulas pa ako sa pagtulog ni Silver sa kama
ko.

"Bubuksan ko ba? O hindi?" Pinatay ko kasi yung phone. Di kasi ako matahimik, baka
basahin ko lahat ng message na dumating. Bakit ba kasi binigay niya pa sa'kin yung
password niya. 2536 2536 Ano kaya talagang ibig sabihin nun?

"Bahala na. Bubuksan ko na lang ito. Baka nga dito siya tumawag sa mismong number
niya dahil baka akala niya kung saan niya lang naiwan. Engot ko."

In-on ko na talaga ulit. Lalo akong kinakabahan at nanlulumo habang nabubuhay yung
ilaw sa phone niya. Di ko kasi alam bakit di siya nagpaparamdam. Ano na bang
nangyayari? Hindi ko alam kung mag-aalala ba ako, o maiinis eh.

*BZzzzZZzzzzBzzZZZZzzz*

"Ay jusme! Pumapasok na yung mga text! Grabe naman." sunod-sunod ang pagvibrate ng
phone niya kasabay ng pagpasok ng mga mensahe.

Tinignan ko talaga ito.

May ilan na galing sa mommy niya. Nakakakaba, Hindi ko na binasa. May mangilan-
ngilang girls na pangalan, pero iniisip ko na lang na classmates niya yun. O mga
kamag-anak. Hindi naman posibleng babae niya lahat yun. Baka girlfriend niya lahat?
Tsss. Ayan na naman ako eh, kung makapaghinala eh.
Hanggang sa may makita akong dalawang message galing kay Bettina. "Oh papa Jesus."
Di ko alam kung bakit parang napadasal ako. Alam ko naman sa sarili ko na yun lang
talaga yung hinahanap ko. Kaya binuksan ko.

From: Bettina Becarez

|Kumain ka na ba? Do you wanna have dinner together? And we'll talk about... you
know...|

Ang init ng tenga ko. Anong you know ang paguusapan nila?

From Bettina: Becarez

|I'll never forget how you made me feel so special... and loved. Naging sigurado
ako sa nararamdaman ko para sayo...|

What the hell...

Nagreply ako. Di ko alam kung anong nagtulak sa akin.

|Wag mo na akong itext, please. I'll delete your number.|

Send! Send! Wala ng pagdadalawang isip. Parang gusto kong manabunot na ewan! Parang
gusto kong makipagwrestling ngayon. Di ko na alam gagawin ko. Bumaba ako at nanuod
ng TV. Pero distracted pa rin ako.
Hindi rin ako napilit nila mama na kumain ng lunch. Parang busog ako eh. Kumuha na
lang ako ng tinapay para magkalaman man lang yung sikmura ko. Sabi ko na lang sa
kanila nagda-diet ako.

Naligo na lang ako para mapawi yung init na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung
humid, o mainit ba, o sadyang highblood na ako. Hindi ko maipaliwanag yung feeling
na, naiinis ka pero wala naman yung kinaiinisan mo? Yung hindi niya naman nakikita
na naiinis ka sa kanya, kasi hindi siya mahagilap? Ang hirap ng feeling. Tama si
kuya. Ang bata-bata ko pa, ang bigat bigat na ng problema ko. Kailangan kong
magfocus sa ibang bagay.

Hindi ko na alam kung ilang oras ako nasa loob ng banyo. Narinig ko na lang si mama
na sumisigaw kaya pinasya kong lumabas na.

"ZYLIEEEE~!!!! ANO BANG GINAGAWA MO DIYAN AT PARANG ANG TAGAL-TAGAL MO DYAN SA


KUBETA?! NAGE-LBM KA BA DIYAN O ANO?"

"Lalabas na po!!! Naiinitan lang. Shower! Woo! Sarap! HAhaha."

"Ang mahal-mahal ng tubig ngayon anak. Wag masyadong nagsasayang ah?" salubong ni
mama habang nagmamop. Sa baba kasi ako naligo dahil tinatamad na ako umakyat.
"Bilis na umakyat ka na at kakain na ng hapunan.

"Po? Dinner na??" Tumingin ako sa labas at oo nga. Madilim na.

Sobrang tagal ko sa CR!!! Kaya pala yung mga daliri ko, kulubot na! Babad na babad
na sa tubig. Sobrang bilis ko nagbihis. Parang di ko na nga namalayan yung sakit ng
paa ko. Feeling ko sa sobrang lamig ng tubig, naease yung konting pain na natitira.
Nakaramdam na rin ako sa wakas ng gutom. Dahil na rin siguro sa tagal kong naligo.
Yung feeling pagkatapos mag-swimming sa pool, ganun ang nararamdaman ko.

Bago ako bumaba. Pinatay ko ulit yung phone ni Silver. Pero nilagay ko sa bulsa ko.

"MAMA!!! KAIN NA PO TAYOOO!!! NANDIYAN NA PO SI PAPA????!!!" masiglang sigaw ko


nung bumaba. Kailangan ko rin kasing bumawi kay mama. Kailangan iappreciate ko ang
mga niluluto ni mama.

"May bisita ka anak."


Kinabahan ako. Tumalon yung puso ko pero nawala rin dahil hindi naman yung
inaasahan ko yung nasa sala.

"Zylie."

"Buknoy? Oh... Hello! Ahh... upo ka. Gusto mo kumain? Dinner?"

"Magaling na ba yung paa mo? Pwede ka bang maimbitahan sa labas? Kahit diyan lang?
Sa may labas?"

"Ahh... Ehh..."

"Sige na anak. Habang wala pa ang papa mo, lumabas ka na muna. Basta bumalik ka
agad. At yang paa mo, baka masprain na naman."

Hindi ko alam pero siguro, nararamdaman naman ni mama ang mga nangyayari kahit
hindi ko sabihin. Sumama na rin ako sa kanya sa paglalakad sa labas dahil kaya ko
na naman.

"Saan ba tayo?" nagawa kong magtanong nung malapit na kami dun sa isang playground
park na malapit sa highway. Alam ko namang doon ang punta namin pero tinanong ko pa
rin para mabawasan ang awkward wall sa pagitan namin.

"Sa parke... Kaya mo pa ba maglakad? Pasensya ka na ha..."

"Naku... Naku!!! Hindi Bernardo. Ayos lang... Uhm... Ano... Ako nga dapat ang-"

"Kayo na ba talaga? As in... Girlfriend ka na niya? Boyfriend mo na siya?"

Direct to the point. Walang paligoy-ligoy si Buknoy.

Umupo siya sa isang swing. Wala akong choice syempre kundi makiupo na rin duns sa
isang swing sa tabi niya. Di ako makasagot. Paano ko sasabihin na all this time,
kami naman talaga ni Silver at hinayaan ko pa siyang sumama sa'kin sa Christmas
ball.

Hindi ako nakasagot kaya nagsalita na siya ulit.

"Haha. Ang tanga ko din nuh? Dapat nakita ko na yun, dati pa. *sniff* Hindi...
Mali... Nakikita ko na yun eh. Pero hindi ko lang pinapansin... Ayoko kasing
pansinin... *sniff* Akala ko wala lang... "

Ang weird. Nakakatawa pa rin siya. Pero naawa talaga ako, at naasar sa sarili ko.
Bakit nga naman pati si Buknoy nadadamay sa kasamaan ko.

"Buknoy..."

"Di ko naman alam na parehas pala kami ng tipo ni Pareng Silver. Haha." Sabi niya
habang natatawa pero may namumuong luha sa mata. Kahit medyo madilim. Kita kong
namumula yung mata niya "Parang ang daya lang... Kasi... Ako yung unang nagkagusto
sayo..."

"H-hindi naman kasi ganun yun eh..." gusto kong iexplain sa kanya na sa
relationship, hindi naman finders keepers. Kailangan mutual.

"Bata palang tayo... Yung pusa ka pa lang. Haha *sniff* Dito yun eh... Natatandaan
mo ba? Yun yung punong pinagakyatan mo nung bata pa tayo... Nung kunwari isa kang
pusa?" Tinignan ko yung puno. Oo nga nuh? Dito nga yun!! Grabe ang memorya nitong
si Buknoy.

"Kinuha mo yung saranggola ko na sumabit diyan. Mula nun, kilala na kita Zy. Alam
mo ba? Grabe yung feeling ko, nung inimbitahan mo akong maging escort. Pinagmalaki
ko pa nga sa nanay ko. Haha *sniff* Sabi ko, at last, umuusad din ah *sniff*
hahaha!" tumatawa-tawa siya na umiiyak. Gusto ko siyang yakapin.

"Kaso... kahit ako ang nauna, ano namang laban ko kay Pareng Silver. Syempre, alam
na, kahit sino namang babae... di na magdadalawang isip... Malas lang... dahil yung
nagustuhan ko, nagustuhan din ng crush ng bayan... ng genius. Malas diba???"

"Ano ka ba..." niyakap ko na talaga si Buknoy. Grabe kasi. Arte ako ng arte sa
bahay. Tapos feeling ko, mas masama pala ang kalagayan ni Buknoy sa akin. "Pasensya
ka na Bukkie ha?"
"Ayos lang ano ka ba..." kahit alam ko namang hindi.

*BzZzzzzzzzzBzzZZzzzzz*

Huh? Nagri-ring yung phone ko.

Pagtingin ko naman... number lang... Sino kaya ito.

"Bakit hindi mo sagutin? Baka mama mo yan?"

"Huh? Hindi eh... Number lang..." Nakakatakot.

"Sagutin mo pa rin. Baka emergency..."

Kahit di ako sumasagot ng mga unknown numbers, tinanggap ko pa rin ang tawag.

"Ah... hello?"

("Nasaan ka?")

Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako. Galit yung nagsasalita kahit mahina ang
pagkakabigkas.

"Huh? Bakit? Nasa bahay...." Di ako sigurado, pero natatakot ako para sabihing nasa
park ako, baka mamaya stalker pala, mas safe na sabihin ko na nasa bahay ako "Sino
ba ito?!"

("Boses ng boyfriend mo... hindi mo kilala?")

("You really love to lie... Zylie. Really...)


Oh My God. Lord.

*later*

##################################

~~Chapter Sixty Four- Mad Fall Guy~~

##################################

SILVER's POV

Naalimpungatan ako. Masakit sa ulo pero pero nakahinga ako ng maluwag. Nakita ko
kasing madilim pa sa labas. May panahon pa naman siguro ako para lumabas ng bahay
nila Zylie.

"Hmmm." Narinig kong sabi ni Zylie ng gumalaw ako paalis ng kama.

Akala ko nagising na siya, pero mukhang nananaginip lang ang pancake ko. Hindi ko
talaga ine-expect na makakatulog ako ng mahimbing. Akala ko mahihirapan akong
matulog dahil katabi ko siya. Pero dala na rin ng pagod, nakakapagsising natulog
ako. Wala na tuloy oras para pagmasdan pa tong bilog na mukhang 'to.

At least I had a souvenir. Kinuhanan ko na naman siya ng video kanina, habang


natutulog siya. Teka, where is my phone?

"...ver" Hinahanap ko yung telepono ko nung magsalita siya.

"Hwag mong sabihing, you're even dreaming of me..." Stupid me. Dapat nga ay hindi
ko na siya gigisingin. Baka hindi pa ako makaalis ng mabilis dito kung magigising
siya.

*chu*
I pecked at her cheek. Kailangan ko na kasing magmadali. It is my indeed my first
time to sleep na walang palit-palit ng damit. I never imagined it will be a good
one.

"Bye..." pinihit ko na ang doorknob.

Pero hindi pa ako hustong nakakalabas. Di ko natiis at pumasok ulit ako. "You know
what? Maybe I'm crazy... Really crazy..." dumukwang ako para mahalikan siya sa
labi. Isa akong mapansamantalang nilalang na humahalik sa isang natutulog na bilog.

Baliw na nga talaga ako. Ako na ang hindi makatiis. Kaya siguro may kung anong
pwersa ang nagpatulog sa akin kagabi, dahil baka puro ganun na lang ang gawin ko.
And I swear, hinding-hindi ako magsasawa.

Pagtapos nun, tumakbo na ako palabas. Baka kasi hindi na ako makaalis. Pikit-mata
akong bumaba. Hindi dahil sa natatakot akong mahuli ng magulang o kuya ni Zylie.
Pero alam kong siya rin ang malalagot kung sakaling nalamang natulog ako sa kwarto
niya. Baka pagdudahan pa siyang, palagi niya nang ginagawa ito.

Click

Fortunately, wala naman akong nakasalubong. Maingat ko namang nasara ang pintuan
matapos ko itong i-lock mula sa loob. Tamang-tama rin pala talaga ang gising ko.
Wala pang gising sa kanila. Naglakad ako ng matulin papunta sa kotse. Kotse nga
pala ni daddy ang dala ko. Naalala ko na naman nung gabi kung paano ko ninakaw ang
susi sa sabitan.

Phew

Marahil solve na ako dito, pero madami pa akong haharapin sa pag-uwi ko sa bahay.
Unang-una eh yung nangyari kahapon. Yung kotse na hiniram ko. Lalo na ang hindi ko
pag-uwi ngayong magdamag. Lagot panigurado ako sa kataas-taasang hukuman.

Kinapa ko ang susi ko sa bulsa. Nandoon pa naman ang susi. Makakauwi pa naman ako.
Pero ang hindi ko napansin at hindi ko naalalang i-check, ay yun phone ko. Nilingon
ko sa taas. Probably, nahulog ito habang nakahiga ako at natutulog sa kama ni
Zylie. Nandun lang yun dahil alam kong vinideohan ko pa siya habang natutulog
kagabi eh. At may password naman yun na si Zylie lang ang nakakaalam. 2536.
Delikado ng umakyat para balikan pa ulit yung phone. I wouldn't take chances at
baka mahuli ako kapag pumasok ulit ako kaya napagpasyahan kong umalis na lang.
Along the way, nagiisip na ako kung anong mangyayari. Kung anong mga sasabihin.
I've never done anything like this since... since Cle-

No... Get your head straight. I'm not this crazy. I don't usually do lousy things,
like this. At sa tingin ko, kailangan ko ng madaming paliwanag. O di kaya naman,
mas mabigat na punishment. Ever since, mom has been so lenient with us. Pero si
dad, kapag mga ganitong issue, sigurado akong kailangan ko nang mag-isip.

And I don't know if I just felt frightened or I just want to be more prepared
before I face dad, but I found myself finding Bettina. I thought it was a good
thing that I knew her home address because of the Christmas ball. But then I
realized, I should've never known her address if I never invited her on impulse.
Ultimately, this would never have happened anyway.

But moving forward, I buzzed in and she came to get the door. She lives alone, of
course no one will ever get the door for her. And this made me feel even a lot more
guiltier. If the whole school sees her as powerful independent woman, it's because
she really is extremely independent. She lives on her own.

I felt so rushed habang nandoon ako kila Bettina. I just remembered saying a lot of
apologies and she said it's alright. Maybe after hundreds of sorries, and though I
know it will never be enough, I left. Ang sabi niya, wala naman daw akong nagawang
mali. But she knows I will take Zylie's blame no matter what.

I then rushed home at 'di nga ako nagkamali. Pagdating ko sa harap ng bahay,
nakabukas ang gate. I'm not nervous, pero I remain vigilant. The gate is opened
which means, tama ang hinala ko. Dad is standing at the façade. Mabilis, pero
maingat kong nai-park ang sasakyan. Pagkababa ko, tska pa lang pumasok sa loob si
dad.

Hinihintay niya ba ako? Kelan pa siya nakatayo diyan sa harap?

Tinignan ko ang orasan, ni hindi pa nga sumisikat ang araw. Sinundan ko ang daddy
na umupo nakatayo sa harap ng isang accent chair. Alam kong doon ako uupo.

"Dad..." sabi ko pagtapos kong umupo.

"Tell me.... Tell me right now kung anong kalokohan ang pinagagagawa mo Silver
Jeremy!"
Nagiisip pa ako. Alam ko naman ang patutunguhan ng usapang ito.

"Daddy... I have to go." Napatingin ako ng marinig ko ang boses ni mommy. Mukhang
aalis na siya papuntang hospital. Hindi tumitingin si mommy sa akin dahil alam
niyang Dad's dealing with me. At kapag ganito, hindi siya makikiealam. Alam kong
kailangan din naming mag-usap later.

"What happened to the fire alarm?" muling bumalik sa pagtatanong si daddy ng


lumapat na ang pinto at nakaalis na si mommy.

"It activated." Simpleng sagot ko.

"How?" Hindi ko alam ang isasagot. Gusto kong dumeretso na si daddy sa point niya.
Alam kong hindi lang naman yun ang ikinakagalit niya.

"Who activated the alarm? Is it Zylie? O si Bettina?"

Umiling ako.

"WHAT?!" Alam kong naasar na siya. Siguro matagal siyang nagpigil ng tensyon dahil
hindi naman ako nakabalik agad. Magdamag siyang naasar sa akin. Alam ko yun.

"Dad... Aayusin ko 'to"

"Aminin mo muna, kung sino ang nagsimula ng perwisyo sa mga bumbero. Hindi pwedeng
dalawa silang poprotektahan mo."

"Wala dad. I activated the alarm."

"Jesus! Are you playing games with me Silver? Nagdadala-dala ka ng dalawang babae
dito para gumawa ng kung ano-ano. Tapos lolokohin mo pa ako at ang sarili mo?"
"I am... I am not..." alam kong may point ang daddy "Wala kaming ginagawang kung
ano-ano! At ako talaga ang nagactivate ng sprinkler at ng alarm dad! I caused all
of this."

"Tsk!" napapailing si daddy "You really won't tell?"

"Ako talaga. Dad." Di ko pwedeng idiin si Zylie. Lalo na't hindi ko pwedeng
pagbintangan si Bettina.

"You can't mess up with two girls. You can't play with them. Kung gagawa ka ng
kalokohan, wag ka ng mandamay ng mga babae. One moment you introduce a stranger to
us. Some schoolmate whom we've never heard of!"

"Zylie is not just a schoolmate!"

"... then iba naman ang kasama mo nung ball." Hindi pinansin ni daddy ang
pagtatanggol ko kay Zylie. "You've never... you've never had a serious relationship
after that... that childhood sweetheart of yours son and I understand... I
understand that you might be like this because of what happened before..."

"N-no... Walang kinalaman y-yun..."

"But you can't date them at the same time..."

"Dad..."

"Babae ang mommy mo. Babae ang mga kapatid mo. Hindi ko man alam kung ano ang
nangyari kahapon. Pero ayoko ng nagpapaiyak ka ng babae. Ayoko ng may
napapagbintangan. At ayoko na may nasasaktan. Lalo na't nandito kayo sa pamamahay
ko."

"Yes, dad."

I was surprised when dad didn't ask about the other things. Is it the issue? Or
maybe he knows it's the root of the issues that if I can resolve it, I can do the
same with everything else. He walked past me, pero tumigil rin siya sa kalagtinaan
ng pagakyat ng hagdan.
"Transference."

"Po?"

"I know what has been happening... You are like this because there's a stressor
that made you off track. If you really will take Cleo back... Don't transfer the
hurt to them. To the other girls..."

"DAD!" We've never talked about Cleo. Never. Even now.

"Kausapin mo ang mommy mo... pero pagkatapos detainment mo."

"Detainment?"

"Activating the fire alarm without fire is a felony. Tutal ayaw mo umamin kung sino
ang nagactivate. Ikaw ang irereport ko. Misuse ng fire alarms has respective
punishments. Lalo na kung magdudulot ito ng kaguluhan, lalo na ng kasakitan sa iba.
Di natin alam ang mga naantalang serbisyo ng mga bumbero. Baka may sunog silang
kailangang respondehan pero mas inuna nila ang pekeng alarm ng dahil sa inyo."

"Paanong detainment? I am a minor."

"Yes you are. Ipapasundo kita sa mga bumbero para mag community service... ng
limang araw."

"PO?"

**

"Bata, iwan ka muna namin!"

"Yung phone sagutin mo ng maayos."


"Go team Go Go Go!!!"

Sabay-sabay bumaba ang mga bumbero. Rumo-responde sila ngayon dahil may nagreport
ng sunog sa isang informal settler's area.

Ikalimang araw ko na dito sa fire station. Di naman ako gaanong nagtatrabaho. Di


rin naman nila ako sinasama sa mga responde. Bata pa daw ako. Magagaan na trabaho
ang binibigay. Pero mas gugustuhin ko pa sanang kasama na lang ako. Bored na bored
na kasi ako dito. Pinagpapasalamat ko nga na lumipas na ang limang araw na mabilis
at mamaya uuwi na ako. Oo. Dito ako natutulog. Nakakauyam. Talagang hinayaan ako ni
dad na di umuwi.

*riiiing*

"Fi-"

"KUYAAAAAAA!!!!" Nabibingi ako. Grabe kung makasigaw.

"Orange?" namiss ko tong batang ito. Bukod kasi sa dito ako natutulog. Hindi ko rin
sila nakakausap ng matagal. Paminsan-minsang sumisingit ng tawag ang dalawa kong
kapatid. Pero di ganun kadalas.

"Kuya! Miss na kita. Gusto mo bang kontakin na namin ni Lemon si Ate Zylie?"

"Wag."

"Bakit?"

"Basta!"

"KUYAAAAA NAMAN EHH!!!"


"Ayokong mag-alala siya." Natahimik si Orange.

Kahit miss na miss ko na yung bilog na yun. At sigurado akong nag-aalala o


nagagalit na siya sa akin sa point na ito, di ko pwedeng sabihing nandito ako.
Detained. Na halos mukhang nakakulong na talaga ako. Baka sisihin niya pa ang
sarili niya.

"Susunduin ka na namin."

"MOM?!" Bigla kasing si mommy na pala ang kausap ko. "Sabi ni dad maguusap daaw
tayo pagkatapos nito.

"Next time na lang tayo mag-usap anak. Kailangan kong pumunta na ng ospital. Okay?"

"Then... can I go to the hospital? To talk to you?"

"Okay... But be ready... of anything okay?"

**

Mahaba-habang paalamanan ang nangyari bago ako nakaalis sa fire station. Medyo
mahabang panahon din ako nagstay dito. Sobrang makukulit din ang mga kapatid ko at
ini-inspeksyon pa ang buong katawan ko kung may kulang ba akong parte na parang sa
war zone naman ako galing.

"Okay ka lang ba talaga kuya?"

"Okay nga lang. Medyo gutom lang ako. Madami bang pagkain sa bahay?" sagot ko.
Medyo gutom nga talaga ako. Di ako nakakain ng lunch kanina dahil medyo naexcite
ako lumabas ng fire station.

"Teka tatawagan ko si Ate Poty!" kinuha ni Orange ang phone niya at tumawag sa
bahay. Mabuti pa siya may telepono. Lalo ko tuloy namiss si bilog. Nasa kanya ang
phone ko.
"Kamusta na si Lemon namin ha? Nageenjoy ka ba sa Christmas vacation?" tanong ko sa
isa kong kapatid habang kausap ni Orange si Ate Poty sa phone.

"Okay lang."

"Masyado ka namang seryoso diyan."

"Um, nasa bahay si Ate Bettina..." sagot niya sabay balik sa nilalaro sa DSi. "She
became just before we left."

Stressed Kakalabas ko pa lang sa fire station. Gusto ko na namang mapakamot. Lalo


na pagdating sa bahay.

"Iwan ka muna namin kuya." Paalam sakin ng dalawa bago sila pumanik sa taas.
Nakaupo si Bettina sa sofa. Ano na namang kayang problema? So nandito na siya
kanina pa?

"Bettina.."

*PAK*

Sinampal niya ako.

"How dare you?"

"W-what? Why?!"

"Napakasama mo!"

"Ano bang problema?" I thought everything's okay. I went to her place just before
this detainment and she said everything's fine.

"Matapos mo akong gawing shock absorber sa mga problema mo sa buhay, matapos mo


akong gamitin..."

"Wait... wait... I thought we're good... Diba malinaw na sa'tin yun?"

"Oo! Alam ko! Akala ko ako ang pinatutungkulan mo nung nagsasabi ka ng problema mo
tungkol kay Cleo. Akala ko ako yung dahilan kung bakit ka confused. Akala ko ako
yung dahilan kung bakit di mo alam kung nakamove-on ka na."

"Sasabihin ko ba naman sayo yun, kung ikaw yun? Kung ikaw yung nagugustuhan ko? I'm
not playing dumb. Hindi kita igigisa sa sarili mong mantika Bettina." Nakakagalit.
Why slap me?

"Alam ko! Naniwala ako! I believed in it at kasalanan ko. Pero ikaw, sumosobra ka
na!"

"W-what I just got out. What did I do now?" Pinuntahan ko na nga siya pagtapos

Naguguluhan na kasi talaga ako. How can something change that big if she's too calm
when I went to their house just before my fire station detainment and now she's
almost in rage.

"Anong ibig sabihin na hwag na kitang itext? Na buburahin mo na ang number ko?"

"WHAT?"

"You said sorry for like a thousand times when you're with me, then a few hours
after you texted me like I'm so dispensible. Are you really this... this bad?"

"Listen..."

"Which is true? What are you, really? You said we can still be the same."

"What I mean is... the same like before. Like friends."


"And friends text with each other right?! How can you be so complicated and rude?"

"Listen Bettina. I am really sorry. You know I am."

"Then why did you--"

"I didn't send you anything... I never texted you after I went to your house. It's
not me. Does it sound like me? What does the text say?"

"W-what?"

"What does the message say Bettina?"

"I-it says... It says something like... Hwag mo na akong itext... I'll delete your
number. Wait, hindi talaga ikaw yun? Then who texted me? Who's using your phone?"

"Sorr Bettina, but I think I have to go."

I left Bettina dumbfounded but I really needed to meet someone. If I really left my
phone there, she's the only one who can do that. She's the only one who can unlock
my phone.

What are you doing Zylie? What mess are trying to stir again?

Umakyat muna ako sa kwarto. Ibinato ko ang mga gamit ko. Kumuha ako ng cash at
pumunta sa mga kwarto ng mga kapatid ko.

'Orange, can I borrow your phone?"

"Uhm why?"

"Can I? or Can I not?"


"Fine. Ayan na kuya." Hinablot ko na lang ang phone ni Orange at dumeretso sa
labas. Hindi ko na naabutan si Bettina sa sala baka lumabas na. Alam kong naiinis
siya sa akin ng sobra. Pero mas mabuti na ang umalis muna siya. Aayusin ko muna ang
puno't dulo.

I drived all the way to Zylie's house. I don't want to be mad because I chose this.
I volunteered to be a scapegoat just because I didn't want her to take the blame.
Hindi niya ako pinilit na gawin ang mga bagay na nangyari ng buong limang araw. But
I can't help but feel mad on what she's been doing. I can't help but feel bad, and
mad.

Before I round the corner, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Kahit nasa malayo
kilala ko siya. Kahit madilim. Kahit nakatalikod pa siya. Kahit gaano kalabo ang
mata ko, alam kong siya yun. At ang hindi ko maintindihan, kung bakit siya nasa
kanto, sa may plaza. At higit sa lahat, bakit kasama niya, yung Bernardo na yun.

While I'm detained, she's been doing this? Constantly causing trouble. Using my
phone to send rude messages to people, and dating another somebody? While I'm
receiving punishment from the things she's done. I felt betrayed. I am fall guy for
nothing. Especially now I can see her. She initianted the hug. A long warm cozy
hug.

"Tangina." I cussed like I never cursed before. Buti sana kung si Buknoy ang
yumakap kay Zy, pero... hindi eh....

Kinuha ko ang phone ni Orange sa bulsa ko. I dialed her number. Ilang saglit pa
bago niya sagutin. Masyado na akong naiinip.

("Ah... hello?")

Ngayon ko lang narinig ang boses niya. Bumaba na ako mula sa kotse.

"Nasaan ka?" Kahit alam ko na kung nasaan siya, I felt the need to ask. Coz I'm
annoyed. No... I'm angry...

("Huh? Bakit? Nasa bahay...." "Sino ba ito?!")


*peeeep peeeep*

Di ko na pinansin ang mga rumaragasang sasakyan. Naasar na talaga ako. Di ko alam


kung pagod lang ako o ano... Pero tumawid ako ng hindi tumitingin sa kaliwa't
kanan.

"Boses ng boyfriend mo... hindi mo kilala?"

Naramdaman kong natahimik siya. At nakita ko ring luminga-linga siya sa paligid.

"You really love to lie Zylie... Really..."

I reached the back entrance, doon ako dumaan. At kitang-kita ko si Zylie na


nakatayo.

"Kamusta na ang paa mo?"

("Uhm... a-ano eh... Medyo masakit pa...")

Kitang-kita ko si Zy. Nakahara pang likuran niya sa akin. At ngayon, mukhang


napansin na ako ni Buknoy.

"Masakit pala... Kaya pala nandito ka."

"SILVER!" napatalikod siya. Sa wakas napansin niya na rin ako. Pati si Buknoy
napatayo na rin.

A late date at the park. By the swing, how romantic. Habang ako nagpapakahirap sa
fire station, they are just hugging. How many times has she been doing this? For
five days, maybe?

"A-anong ginagawa mo? Bakit ibang number ang gamit mo? Eto ang phone mo oh!"
Inilabas niya ang phone ko mula sa bulsa niya. I didn't bother getting it. I pulled
her. Half-dragging her with me. I am so tired and so hungry and so mad right at
this moment. I don't know what I can do.

"Aray-aray! Wait lang!! Ano ba!! Ano bang ginagawa mo?"

"I should the one to ask.

"Masakit Silver! Ano ba naman! Buknoy Sorry ha!! Pasensya na talaga Sorry Buknoy!"
pahabol niya pa which made me even more angry.

"Shit. This is shit. Putangina."

"Bakit ka ba nagmumura? Ang sakit ha!!!"

"Ha? Masakit pala..." I don't even know what is the truth now. If she's really hurt
or she's just faking it. Of all the lies, I don't know what to believe anymore.

"ARAY!" I pushed her against my car. "Ano bang problema mo?"

"Problema ko? Ha? Ikaw ang problema ko."

"HAH!? Ako? Ako ang problema mo? Eh di mabuti! Kasi, ikaw din ang problema ko
Silver! Grabe ka!"

"You know what Zylie, makikisama ka lang naman. Alam mong madami na akong inaayos
na problema. Bakit ginamit mo pa ang phone ko para magreply ng ganun kay Bettina?
Ano ba naman yun?!"

"HAH!?" nakita kong namumula na ang mga mata niya. "So ganun Silver Jeremy, wala
man lang akong narinig sa'yo ni HA ni HO! Pero pumunta ka lang dito, dahil nasaktan
ang Bettina mo sa mga nireply ko sa kanya. What the fvck!"

"Fvck it really Zyla! Fvck everything!"


"Ewan ko sayo!! Nababaliw na ako sa bahay!! Di ko alam kung kelan ka magpaparamdam.
Ni tawag o text wala."

"NASAYO ANG PHONE KO HINDI BA?! ARE YOU STUPID OR WHAT?!"

"W-what?" nagulat siya "Y-yeah! I am this stupid! Pwede namang makitext o


makitawag. Nasa ibang bansa ka ba para di magawa yun? Kung hindi ko pa nireplayan
ng ganun si Bettina mo, hindi ka tatakbo na parang emergency dito!" naiiyak na
siya.

Unti-unti na namang lumalambot ang puso ko.

"It's not that..."

"Miss na miss na kita... Nababaliw na ako... Matapos kang hindi magparamdam, ikaw
pa ang gal-"

Niyakap ko siya.

"Ah. Aray.."

I am really mad. But I don't want her crying. I am in the middle of my conflicting
feelings of madness. Mad to be angry to her. Mad to hug real tight.

"Di ko tatanggapin lahat ng paliwanag mo. Limang araw kang hindi nagparamamdam.
Buti sana kung life and death situation yan. Bitiwan mo ako. Uuwi na ako. Wag mo
akong kausapin." Bumutiw siya. Again, she's getting on my nerves. Pero I wanted to
fix this. I get her point pero naasar din ako.

"Nakulong ako! Stop being selfish. I got detained because of you. Because of that
crazy fire alarm. I ran here first matapos kong makalabas pero ganyan ka. Aabutan
kitang ganyan... In the arms of somebody else. While you can even take my hugs."

"ANO?!"
"Are you really this bad Zylie? This bad to me? Yeah maybe just to me." I reached
for the door.

"BAKIT HINDI KA MAN LANG TUMAWAG? O NAGPASABI!??? PWEDE NAMAN YUN EH!!" pahabol ni
Zy.

"Baka kasi pag tinawagan kita... kapag narinig ko ang boses mo. Umalis ako sa fire
station. Baka suwayin ko si daddy at di ko matapos ang detainment. I missed you,
and I think about you in all those five days... straight. Kung paanong di ka mag-
aalala kapag nalaman mo kung nasaan ako. Pero ikaw, you just think about
yourself.... Kung paano ka nasasaktan. Di mo iniisip, na nasasaktan din ang ibang
tao..."

I closed the door. At humarurot paalis. Di na ako tumingin sa side mirror, dahil
pag nakita ko siya, na paniguradong umiiyak, baka bumalik pa ako ng walang
pagdadalawang isip. My Zylie needs to learn... And before I knew it, my eyes are
starting to well.

Now I'm thinking... Am I just jealous? Or am I really mad at Zylie now?

Now that she has become really really bad, and selfish.

*later*

##################################

~~Chapter Sixty Five- Fall for You~~

##################################

BETTINA's POV

Dati, hindi naman ganito. It was just so ordinary seeing him around. Of course I'm
completely aware on how attractive he is. I remember saying to myself years back
that his only flaw, is his being anti-social.

But despite me placing it under the flaw bar, I can't help but think that it's not
a handicap after all. His being introverted is also his greatest feat.
Ang mga tao in general, loves speed and energy and equates it to noise. But I've
seen in him that one can be so effective and so efficient without all the brags,
the socialization and the parties. He completely rocks being an introvert living in
an extroverted axis. The fact that he can do anything, everything.

Pero as days went by, napansin ko rin how this trait grew in me, from a defect, it
became the last straw that completed his perfection. Sabi nga ng iba, nakadagdag ng
karisma niya ang pagiging suplado. He barely talks, pero once he open his mouth,
it's like everything in the planet will be sensible. Exag I know, pero most of the
time, ganun talaga. Really part of his charm.

Pero since we're classmates, and I see him, and hear him talk everyday of our
lives, hindi ko na lang napapansin. Diba sabi nga diba? If we look into something
too close, or too often, it will lose its value. Just like how I pass EDSA
everyday, I keep on seeing those billboards that over a few months, I don't notice
it anymore. It doesn't have any effect on my anymore than visual pollution.

Just like Jeremy's worth. Hindi ko na talaga napapansin at times dahil palagi naman
kaming nagkikita sa classroom. Iba siguro kapag palagi mong kasama. Besides, I've
observed he's not that interested with girls. Hindi niya man lang ako tinapunan ng
interest before, so I didn't keep my hopes high, and dismissed the thought, na
pwede kami. I know he's Mr Perfect, but I didn't think na ma-attract siya akin
katulad ng iba.

I've been mocked so many times dahil sabi nila Carly, hindi daw bumenta ang beauty
ko sa kanya. Wala naman sa akin yun, kasi ang alam ko wala naman talaga siyang
interests sa love life. O kahit sa flirt life. He's an introvert. And I was
starting to think that he has this Emotional Deprivation Disorder, someone who's
incapable of love.

Pero things happened so fast. Tinanggihan ko lahat ng mga nagyayaya sa akin sa


Christmas ball dahil wala naman talaga akong dapat na planong pumunta. I was so
busy doing club activities and that scholastic decathlon is completely taking all
of my time.

Oh what would they do without me?

It was almost a month ago na when Jeremy asked me to the ball. Well, it's not
exactly the sweetest invitation. But it sure gave me an impression. This happened
weeks ago...
Masyado akong busy sa pagaayos ng papers sa registration ng Chemistry Club sa
scholastic decathlon and as one of the organizers, napakahirap ng ginagawa ko lalo
na nung sinabi sa akin ni Homer, na hindi na siya ang delagate ng school sa
Chemistry Quiz Bee. What more is, he asked me to sign Jeremy up first because he is
not a member of our club yet. Everything was so tedious dahil wala pa naman siyang
pinipirmahang registration form.

Nakita ko siya sa gitna ng canteen. Ayaw ko sanang sumingit dahil ang daming
nakapaligid na girls as per usual. Pero kailangan ko na talagang makausap siya ng
matapos na itong affairs ko sa Chemistry Club.

"Ah Jeremy..."

"Mm?" sumagot naman siya. Pero mukha siyang lost. Hindi ko alam kung sino
particularly ang tinititigan niya doon sa mga nakapila na bumibili ng donuts.

"Buti nakita kita! Wala kasi yung sa-" bago ko pa masabi yung tungkol sa
interschool quizbee na kinukulit sa akin ni nerdy, pinutol niya yung sinasabi ko.

"OO! Buti nga dumating ka!" medyo malakas na pagkakasabi niya. I was taken a back.
Hindi naman kasi siya ganun. He's not usually loud. Napa-stop tuloy ako, lalo na
nung lumapit siya sa akin. Sobrang lapit. Tinitigan niya pa ako, na walang katulad
sa attention na ibinigay niya sa akin dati o kahit kanino. My earlier theories on
him are now going down the drain. He is clearly capable of flirting. Naramdaman ko
rin na napansin yun ng mga girls sa paligid. I dunno. I'm used to this kind of
attention with other guys, pero my heart skipped a bit.

"Sorry." Sabi niya sa mga girls and I got weak on the knees, dahil he held me on my
waist.

"I already asked her out." Of course na-get ko na agad. The girls were asking him
out for the Christmas Ball. And it is so foolish of me to still feel so happy na
kahit sinabi niya lang yun to get away with the girls, at least ako pa rin naman
ang napili niya.

After the 'moment' sa canteen nung lunch. Di na siya umalis sa tabi ko. Which is
kinatutuwa ko. Pero ang nakakagulo lang sa akin, eh kung serious ba siya sa
announcement na sinabi niya kanina. Or ginawa niya lang yun to ditch all those
girls.
Hindi ko rin kasi alam why we're here inside a vacant classroom. After sa canteen,
he dragged me inside this room. Well, not literally dragged. Kasi... well, okay
sumunod ako sa kanya. Wala akong magawa eh. Clueless ako on how fast things had
happened. At I felt na I need to be with him.

"Well um, I am serious. Be with me, on the Christmas ball." Sinasabi niya yun
habang nakatitig siya sa akin. His eyes look so tired. And that was waaaaay too
attractive for me to bear.

Wala na. I didn't get the chance to ask or complain. Kasi kamusta naman, siya na
ang nagsabi. Be with me. Kahit sobrang dami ko pang questions na parang ginawa
niya lang akong excuse para matanggihan yung mga girls. At least, he said he's
serious. And that ako yung pinili niya. No matter how thoughtless his scheme was, I
find myself completely okay with it.

"But... are you okay?" Magkatabi kami ng seat. At seryoso lang siya katulad ng
dati. Pero ngayon ko lang siya nakasama sa isang room na kaming lang dalawa. Hindi
ko naman natanong kung bakit dito kami dumeretso.

"Don't worry about me."

"Eh, bakit ba tayo dito pumunta? Don't you wanna go back? Sa room?" klase na kasi
eh. Alam ko matagal ng nagring yung bell so minutes ago pa natapos ang recess.
Basically, cutting-classes na kaming dalawa. I wonder anong nangyayari na ngaon sa
room. For sure hinahanap na kami.

"You can go ahead. Masakit ulo ko." Mahinang sabi niya.

"Huh?!" Sabi niya kasi okay lang siya tapos biglang may headache pala siya? Why
didn't I notice? Kaya pala kanina pa siya nagsi-squint ng mata. "Pumunta tayo ng
clinic!" tumayo ako at nag-attempt ako na hilahin siya.

"No. Ayoko munang lumabas dito."

"Bakit?!" anxous na ako eh.


Umiling lang siya. Hindi na siya sumagot. Itinungo niya na lang yung ulo niya sa
desk just like a kid. Kung titignan, parang may matindi siyang problema. Pero dahil
sabi niya nga, may headache siya. What should I do? Should I just leave? No. Of
course not. I can't just leave.

"Uh.." nagulat yata siya. Tumayo kasi ako in an attempt to give him a head massage.
Napatigil ako kasi I waited for him to complain, or I somehow expected a shout from
him. Sino ba naman ako para hawakan ang ulo niya.

But wala na naman siyang ginawa. If I'm not imagining things, I feel na parang
inayos niya pa nga yung position ng head niya para ma-massage ko ng maayos. It was
a relief after my bold move. Ayokong isipin pero parang nae-enjoy ko yung ganito.
Nakalimutan ko yung guilt feeling na hindi kami bumalik sa klase. Surprisingly,
hindi rin ako nangalay kahit I was massaging his head for so many minutes. Even
like hours...

"Thanks."

Ako pa yata yung nagulat when he held my hand na nakahawak sa magkabilang side ng
head niya. Why is he so suave even in this situation?

"Thank you Bettina... Thanks a lot." Inalis niya na yung kamay ko from his head.
And he lead me outside. At parang sinasadya, nagbell na. Suggesting it's lunch
already. Grabe, time flew so fast nung kasama ko siya. From then on, needless to
say, palagi na siyang nasa tabi ko.

We didn't have a hard time explaining how things came out to be. Wala namang
hardcore questions from friends and classmates namin when the news came out na kami
ang partners sa Christmas Ball. Nagkaroon lang ng kaunting asaran, but they thought
things were just falling into place, na parang ultimately, we are really partners
since the beginning.

"Jeremy!!!" pigil ko sa kanya bago kami umuwi.

Actually, muntik ko nang makalimutan yung totoong concern ko kay Jeremy kaya ko
siya hinahanap kanina. Masyadong overwhelming kasi ang mga nangyari. Mabuti na lang
naalala ko bago pa man ang lahat. Kundi lagot naman ako nito kay ma'am. Pati na rin
kay nerdy Homer.

"Yeah?"
"I forgot to mention. You have to fill out these forms." Ibinigay ko sa kanya yung
mga forms na kailangan dun sa scholastic decathlon. "and we have to submit it later
kahit mamayang gabi kasi deadline na niyan eh. Kahit fill it up lang and ako na ang
magbibigay kay ma'am sa house niya. On leave kasi siya ngayon eh. And kailangan
niya ng dumiretso doon tomorrow morning so-"

"Easy Betty." Pinatigil niya ako sa haba ng sinasabi ko. Sobrang dami ko namang
explanations. Baka kasi hindi siya maniwala eh. That's why I'm trying so hard to
explain."

"May practice kami ng basketball today. Can that thing wait?"

"Ah... Sige... Hihintayin kita. Kailangan na kasi nito eh. Kahit gabi na."

"Ako na lang. Just give it to me, ako na magbibigay kay ma'am. You can go home."

"No, maguusap rin kasi kami ni ma'am so kailangan ko ring dumaan. It's okay Jeremy.
I'll just wait 'till matapos yung practice niyo, I have nothing to do naman eh. No
worries. I just need to get rid of these things para gumaan na ang works ko soon."
Tukoy ko sa dami ng dala ko. Sobrang dami ko kasing inaayos na projects and papers
and I just wanted to point out na I need to finish the issues about the interschool
quiz bee and that I really would wait for him. Besides, meron din akong reason para
manood ng basketball practice niya.

Lumapit siya. At nagulat ako sa ginawa niya.

"What are you doing?" di ko na kasi siya napigilan. Kinuha niya na yung mga bag ko.
Hindi ko naman sinabi yun para kunin niya yung bag ko.

"No complaints. We'll both go together, later."

Together?
Kanina pa ako napapagisip sa mga ginagamit niyang mga pronouns about us. Oo
nababaliw na yata ako. Pati yun naiisip ko recently. Then he went to the locker
room. So dahil dala niya yung gamit ko, kahit hindi niya ako tinatawag, sumunod na
rin ako doon after a while. At nakita kong naka-jersey siya. Ano bang hindi niya
kayang gawin? Syempre parang naging automatic naman, I also went at my locker bay,
at kumuha ng face towel. Alam ko yung mga guys paminsan may Oedipus complex. Well,
not literally, though. They don't know they need things at kailangan nila ng
magaalaga sa kanila. Dahil napansin kong hindi siya kumuha ng towel eh. So paano na
siya pag naglaro siya?

Tapos I went back sa may hallway ng locker nila Jeremy. Nadaanan ko pa nga that
time yung infamous couple the Zylie girl and kuya Buknoy from 4th year. May
something na isinigaw pa nga yung si Zylie pero I didn't really understand dahil
masyado akong absorbed sa mga mangyayari at sa kundisyon ni Jeremy. I'm checking
kasi kung masakit pa rin yung ulo niya.

I asked them if there are any problems dahil parang may sigawang nagaganap.

"Wala..."Sagot naman niya nun.

"Akala ko kung ano na eh... Tara na Jeremy..."niyaya ko na si Silver Jeremy lumabas


dahil mukhang tapos na naman siya and ayoko rin madamay siya if ever may drama yung
infamous couple sa locker room.

"Ge, una ka na, may nakalimutan ako." pero pinauna na ako ni Silver nung time na
yun. Medyo hesitant ako and a part of me wants to drag him out of the locker area.
Hindi ko maintindihan yung feeling pero lumabas na rin ako. Not too long naman nung
lumabas na rin siya and together we went down the gym kung saan ang practice.

Those were one of the most noteworthy moments of my life. Lalo na when he's
glancing on my direction. Sa dami ng girls na nanonood, I feel so grateful and
esteemed. After that he accepted my face towel. Grabe lang. I felt like taking care
of him is becoming one of my responsibilities. In. Life.

What happened to us? What is happening to me?

Ilang minutes niya ring na-fill out yung forms and we used his car para pumunta
doon sa teacher naming in-charged sa pagfile ng requirements sa scholastic
decathlon. After noon, hinatid niya na ako sa house. A thing that was very new to
me, since wala namang naghahatid sa akin. I have my own wheels at hindi rin naman
ako nagpapahatid to anyone. I live alone and I usually don't need help from
anybody.
Tahimik lang kami sa sasakyan. Kung ayaw niyang magsalita, okay lang. Kung ayaw
niya akong kausapin. I'm used to it. Everybody's used to it. Basta ako, it feels
like this is a perfect moment. I say to myself. Hindi naman siya suplado. Wala
siyang attitude. Hindi rin siya masungit. Ganito lang talaga siya. And this is his
most genial condition. And I'm just so pleased and contented na to be part of this
moment. Yung parang wala lang kami this morning, then in a jiffy, it turned out
like this.

"Sige Jeremy. Thank you." sabi ko bago ako bumaba ng sasakyan niya.

"No." pinigilan niya ako. Kinabahan ako.

"No, I should thank you Bettina. And I'm sorry... Thanks for keeping up... with my
silence..." No. Grabe. There's nothing difficult about being with him. At sabi ko
nga. Naiintindihan ko kung ano siya.

"It's nothing." Then things turned out to be awkward. Nagkaroon kasi ng dead air
and nawalan ako ng sasabihin. Parang ang funny na bigla na lang ako lalabas. And
hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Naririnig ko pa nga how fast my heartbeat
is. Dahil na rin siguro sa scent niya na I dunno kung nakakaamoy ba ako ng
pheromone. Nooo. Ano ba yung naiisip ko. 'Till nakita ko na naman yung sad eyes
niya.

"Sure you're okay?" di ko napigilang sabihin. Tumango lang siya.

"Well... Actually, wala naman sa akin yun eh. If you need a company, classmates
naman tayo eh. You can just poke me and..." syempre na-awkward naman ako kahit
papaano na sabihin ito. "Kahit di ka magsasalita... yun nga... just for you to
know, that somebody's here for you... I'm just here..." Shit. What am I talking
about? Did I just say that? To him? Oh Jesus... Anong mga sinasabi ko? Nababaliw na
ba ako?

"Thanks." Medyo nadissappoint naman ako sa sagot niya. Thanks. Well, uhm. What
answer am I expecting ba? Malamang sa malamang sa dami ng pwedeng isagot niya, yun
na yung pinaka-agreeable.

I bid goodbye again but to my surprise. Yes, kahit parang nangyari na to kanina,
nagsalita na naman siya. Gusto kong mapatawa. Para kasing pinipigilan niya na naman
akong bumaba. Parang nakikipagbiruan.
"Wha-at??" natatawang sabi ko, bago ko siya nilingon.

"Are you really... true... to your words?"

"Huh? What? Yung sinabi ko?" feeling ko namula ako. Nag-init kasi yung mukha ko.
Kung yung pinatutungkulan niya ba is yung parang confession ko that I'll be at his
side na kacorny-han. Nakakahiya naman na kino-confirm niya pa. "Ah... Oo naman
nuh." trying so hard not to feel awkward.

Pero bago pa ako nakasagot. Inistart niya na yung ignition at nagdrive na siya.
Hindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta pero ibinalik ko na lang ang
seatbelt.

"So..." Balak ko pa sanang i-endure yung silence. Pero hindi ko napigilan na


magsalita. Itatanong ko sana kung may pinagdadaanan siya or something. Panay kasi
ang deep breaths niya. Or sighs ba yun? But before I get the chance to ask,
opportunely nagsalita din siya.

"Have you ever loved and... lost it..."

"Uhm, what?" Nagulat naman ako. Is this for real? Nago-open siya ng lovelife sa
akin? Gusto ko pa nga siyang biruin kung kakantahin niya yung famous S-Club7 song,
pero I didn't as it would completely ruin the mood. He's actually trying to open
his love life to me. "What do you mean?" I asked again, encouraging him to speak.

"This may be corny and unwarranted and I know this sounds silly of me but-"

"No Jeremy." Putol ko sa kanyang pagiging uneasy. I almost vowed kanina that I will
listen to him and stay by his side. "Go ahead. I told you dito lang ako diba?"

"Uhm..." he paused. Maybe he's arranging his thoughts. Or he's releasing his
discomfort. "I dunno if it's love or just a memory of my ardent youth. But that
time I thought... or perhaps knew I love her. Because back then, She's so
fragile... and soft... and everytime, I feel I need to take care of her. And I did.
Everytime. Every single time... But she left me in a jiffy... Left me."

Wow. May ganun pala siyang side? She told me everything about Cleo. Ang swerte
naman whoever that Cleo Reese. Why did she leave him?
"Pero matagal na yun. I am almost past the stage of forgetting it . Wala na sa akin
yun. Alam ko wala na sa akin si Cleo... Coz there's this girl..." He looked at me.

*gulp*

Girl?

"...she's been taking much space on my mind recently. Her voice is my favorite
sound... Her name is my favorite noun. Palagi ko siyang nakakasama... Pero I just
can't get enough of her... I haven't had much interest with girls, even with people
in general after... after Cleo Reese..." tapos humarap siya sa akin with his dreamy
eyes "...pero she's an exception."

Oh my God!

Sino ang tinutukoy niya? Sino ba ang mga pinapansin niya lang sa school? Why is he
being like this? Ako ba yung tinutukoy niya? I don't wanna assume. Pero bakit
ganito.

"But I don't know... I don't know if she likes me as much as I like her... Or she
values her friends more than anything else..."

"H-hindi naman siguro!" wah. Hindi ko alam kung bakit ako yung sumasagot.

"Really?" tanong niya.

"Oo..."

"But then... Bettina... I saw her again... Cleo..."

What?
"Are you... are you being confused?"

"I don't know... I just want an explanation of this... this sick feeling inside."

And then it happened. I thought our Christmas ball will be my fairytale come true.
Pero hindi, it was quite the opposite, it turned into my worst nightmare. As much
as we've became constant textmates after that night, natuloy rin na kami as
partners at the ball. Ako lang rin ang kinakausap niya. Ang binibigyan ng atensyon.
As predicted din, nanalo kami na Vander Prince and Princess. I was so happy to the
point na iniisip ko na na idiscourage ang thoughts niya about Cleo. I'm gonna
confess.

Pero hindi yun ang nangyari. We're left here. I felt humiliated. I don't know how
Zylie came into the picture. Pero it all happened right before my eyes.

And I kept up. I tried to ask for vindication why all this has happened. Pero I was
taken into disadvantaged. I tried to endure the pain of seeing Jeremy dahil
kailangan kong puntahan si Sir Terrence which happened to be his neighborhood. Pero
what do I get? I was even blamed?! Blamed for activating such stupid fire alarm.

Why do I have to be used like this? Why? And then I get his message na wag ko na
siyang itext? Am I just am dispensible scrap na itatapon na lang dahil wala ng
gamit? I tried to ignore. Pero di ko pa rin napigilan ang sarili ko para pumunta
kina Jeremy. But he said hindi daw siya ang nagtext nun. I feel I'm being
manipulated. Me and my feelings.

'Till Buknoy contacted me. I was about to ignore him, 'till I realize we're on the
same boat. Siya nga rin pala yung kasama ni Zylie. Another innocent soul that
suffered the same situation as me.

Yeah maybe. Maybe I assumed a lot. But this was too much.

"Hey, how are you?" Buknoy and I are not even close. Pero I felt I needed to ask
his condition. Mukha siyang galit. We talked a bit after nung Christmas ball but we
were never in speaking terms.
"Eto." May iniaabot siya sa akin. "Telepono yata yan ni Silver. Nahulog nila
kanina. Itatapon ko na sana, tsk. Pero ayoko muna kausapin si Zylie. Ayoko na muna
makialam sa kanila. I don't want to go to any any of them, kaya pasensya ka na kung
sa'yo ko

Gusto ko pa sanang itanong at kamustahin ang nararamdaman niya. Pero mas


nakucurious ako kung bakit nasa kanya ang phone ni Jeremy. Then I realized, tama
nga si Jeremy kanina, he isn't the one who texted those messages.

"Paanong nasa'yo ito? Answer me?!" anxious na naman ako.

"H-hindi ko alam! Nahulog lang nila yan nung gabi. Magkausap kami ni Zylie dumating
yung si Silver. Ibinigay niya yan kay Silver, pero nahulog. Umalis sila, lumayo.
Ayoko na silang dunsan. Pero nagmagandang loob na lang akong pulutin yan. Yan na
lang ang huling gagawin ko."

"Huh? It means it's Zylie." Zylie texted me using Silver's phone.

"Ano si Zylie? Hindi pa ba obvious na may sila na talaga dati pa?"

"It's not that! That means siya yung nagtext sa akin... at hindi si Jeremy! Hindi
nagsisinungaling si Jeremy sa akin nung sinabi niyang hindi siya ang nagtext ng
ganun..."

"What?" clueless si Buknoy sa mga sinsabi ko.

"She really wants a piece of me, huh?!"

Without even thinking, I turned Silver's phone on. Hmmm... Ano bang meron dito?

*later*

##################################
~~Chapter Sixty Six- Fight for Us~~

##################################

ZYLIE's POV

"Hello po tita! Opo! Opo!! Wala po kasi akong kasama dito sa bahay, eh medyo...
medyo uhm..." kapit na kapit ako sa blouse ni Mikaela habang gumagawa siya ng
paraan para ma-excuse ako sa pag-uwi sa bahay. Hindi ko na alam kung anong excuse
pero kailangang kailangan dahil ayoko ng magdawit pa iba.

"Uhm tita medyo nakakahiya pero takot kasi ako sa multo kaya po... ano... please
lang, kung pwede lang po sana di ko nap o pauwiin si Zylie ngayong gabi at sa mga
sumusunod na araw kasi wala po akong kasama... Takot po ako sa multo ahuhuhuhu..."

Kinukurot lang din ako ni Mika habang kumukunot ang noo niya sa pekeng paliwanag sa
mama ko. Bahala na kung maniwala sila o hindi. Hindi lang talaga pwede sa bahay. Sa
harap nila mama at papa. Lalo na ni kuya. Di na talaga pwede.

"Yes! Thank you po talaga tita! Grabe nakakahiya po. Hwag niyo na lang po sanang
ipagkakalat yung dahilan ko, kasi medyo nakakahiya eh.. Ahehehehe. Yehey! I love
you tita! Thank you much much!" binaba na ni Mikaela ang landline tska ako kinurot
ng marahan. Alam niya namang sobrang sakit na ng nararamdaman ko ngayon kaya alam
kong galit-galitan lang siya.

"Ang tanga-tanga mo! Inaapoy ka na ng lagnat di mo pa sinasabi sa mga magulang mo!


Lakas pa ng loob mong pumunta sa bahay namin ng ikaw lang?!"

"Pasensya ka na Mika."

"Oo na! Puro ka pasensya!" Wala na kasi akong ibang masabi eh. Siya na lang ang
malalapitan ko sa mga panahong ganito.

"Pinagsinungaling mo pa ako! Buti na lang umalis talaga sila mommy! Pero the efff!
Ano ba yung sinabi ko?! Ako?Takot sa multo! Di ko alam kung naniwala ba talaga yung
nanay mo o nahiya na lang sa sobrang lame ng dahilan ko! Multo?! Mas kinikilabutan
ako sa dahilan ko kesa sa mga aktwal na multo! Shiz!"

"Sorry."
"Tama na ang sorry! Ilang araw na ba yang sugat mo at parang inaagnas na!?! Anak ka
ng huweteng Zylie! Kadiri na yang sugat mo! Kung hindi sprain, sugat naman! Di ko
alam kung malas ka ba o clumsy lang?! Saan ka ba nadapa at ganyan kagrabe yang
sugat mo. Naimpeksyon ka na yata sa sobrang tagal mo yang pinabayaan! Ano bang
naisip mong di mo sinabi sa pamilya mo na ganyan ka?" masahol pa siya sa magulang
kung maka-sermon. Alalang-alala sa akin.

"Di pa naman ito inaagnas."

"Halika na!" hinila niya ako. Gabing-gabi na pero eto naman yung dahilan ko kung
bakit ako nagpunta kina Mika eh. Para pumunta sa ospital. Akala ko kasi magagamot
ko yung sugat ko ng basta-basta lang. Eh mukhang inabot na ng impeksyon sa kawalan
ng wastong first-aid kit sa bahay. Sa bahay din kasi nagpapanggap pa akong normal
lang ang paglakad. Ayoko kasing makita nilang iika-ika ako sa paglakad dahil may
malalaki akong sugat sa paa. Katatapos lang ng sprain ko tapos eto naman. Ayoko na
silang magalala. Ayoko na rin magkwento kung anong mga nangyari nitong mga
nakaraang araw. Mga nangyari sa amin ni Silver. Napasulyap na naman tuloy ako sa
phone ko.

Wala pa ring reply.

"Anong sabi ng Silver mo? Ikaw naman kasi! Ano ba yung pinaggagagawa mo? Parang
kang desperadang ewan!?! Kakainis ka!" agit si Mika habang tumatawag ng taksi.
Kahit siya naasar na rin sa akin. Kasalanan ko rin naman lahat eh. Kay Buknoy, kay
Yanny, kay Bettina. Lalo na kay Silver. Nadamay pa bahay nila at pamilya niya. Wala
na akong mukhang ihaharap. Ang gusto ko lang naman magreply siya. Pero wala, ilang
araw na akong nagtetext. Mukhang ayaw niya talaga. Wala na ba talaga?

"Ano nang gagawin ko? Hm?"

"Malamang magso-sorry! Magsorry ka sa kanilang lahat. Hayaan mo na si Yanny, medyo


kaartehan niya lang yun, kilala mo naman yun! Hindi niya naman pagaari si Silver
eh! Maiintindihan ka rin nun kapag narealize niya na mas mahal ka niyang kaibigan
niya kesa sa crush niya jusko."

Pinara niya na naman yung dumaang taxi pero, kaakibat ng kamalasan ko, may laman na
naman ang sasakyang dumaan.

"Pero Zy, pagdating kay Buknoy... magsorry ka talaga... hindi pa sapat yung sorry
na yun, yung ginawa niyo sa park, medyo uhm, medyo kawawa naman siya eh." Alam kong
ginagawa lang ni Mika na mild yung sermon niya pero alam ko, sa loob-loob niya,
gusto niya na akong batukan.

"Sige, tama ka..." damang-dama ko naman yun. Para kasing, ginamit ko talaga siya.
Si Buknoy. Tas bigla ko na lang iniwan ng ganun. Ang sama ko.

"Tska kay Bettina... Zy, kahit di ko masyado trip yung Barbie na yun, feeling ko
kailangan mong magsorry. Isipin mo, kawawa talaga siya nung Christamas ball.
Promise Zy. Tapos pinagbintangan mo pa siya dun sa bahay nila Silver. Ano ba namang
nakain mo at nagawa mo yun! Aigoo Zyla Lienne!" Tumango-tango ako kasi narealize ko
na rin naman ito eh. Gabi-gabi ko ring narerealize kung gaano ako naging isang
nakakahiya at nakakainis na tao nitong mga nakaraang mga araw.

Kaya kahit nga gaano kasakit yung mga sugat ko, kailangan kong tiisin. Naisip ko,
parusa 'to sa'kin. Dapat lang ito sa'kin. Ang sama-sama ko eh. Kaya nga kahit si
Silver, 'di na yata ako mapapatawad.

"Tapos Zy, umamin ka kay Mr. Torres na ikaw ang may gawa ng ganun sa pamamahay
nila. Kakahiya naman kasi talaga sa tatay ni Silver. Ang laking gulo. Aminin mo
kahit sobrang nakakahiya yun at mawawalan ka na ng face kapag sinabi mo, Kailangan
eh. After ng lahat, tska ka humarap kay Silver at magsorry ng bonggang bongga. Dun
ka lang may mukhang ihaharap sa kanya. Matapos niyang gawin lahat yun sa'yo. Inako
niya na lahat ng kasalanan... Nagpakahirap siya sa Fire Station lahat-lahat...
tapos... ikaw..."

Alam ko naman...

"AIGOO!! Oo na tama na! Hwag ka ng umiyak diyan. Maayos din ang lahat." Niyakap
niya ako at tinapik-tapik ang likod ko. "Ang di ko lang maintindihan sa'yo! Kahit
naman maling-mali ka, dapat di mo na hinabol yung sasakyan ni Silver! Feeling mo
maabutan mo yun ha? Anong napala mo? Nahulog ka tuloy sa dike at nabangasan yang
tuhod mo. Tsk tsk!"

"PARA TAXI PARAAAA!!!" may dumaan ng bakanteng taxi at dumiretso na kaming ospital.
Gabi na rin ang pinili naming pagpunta dahil ayoko pa rin makita si Silver. Alam ko
namang dun sa ospital na yun nagtatrabaho si tita Marianne, yung nanay ni Silver
at may malaking posibilidad na makikita ko siya kaya, hating-gabi na kami sumadya.
Agad namang may gumamot sa akin kahit hindi naman gaan ka-emergency ang lagay ko.
Medyo kahit papaano eh, napanatag ang loob ko dahil makakauwi rin ako ng pagkatapos
nito.

"Mababayaran kita Mika." Sobrang dami kong utang. Utang na loob, at pera. Saan ba
naman ako kukuha ng pampapaospital kundi sa kanya.
"Arrrrgh. Ahhh. Aww Zylie." Ang ingay ni Mikaela. Akala mo siya yung ginagamot.
"Shit... Shit Zy!!!" tuloy-tuloy lang siya sa pag-angal na parang siya itong
sobrang nasasaktan. "HWAG MO NGA MUNA ISIPIN YANG MGA BAYARIN! INTINDIHIN MO YANG
SARILI MO!"

"Konti na lang..." magiliw na sabi ng doktor bago niya gawin ang huling tahi.

"AAhhhhh!!! ARAY KO PO!! OH MY GOSH ZYLIE OH MY GOD! Jusko po Lord, Tinatawagan ko


po lahat ng santo, na tulungan niyo po si Zylie." Nagtawanan ng mahina ang ibang
nurse. Sobrang ingay kasi ng kaibigan ko, pinipigilan na talaga nila ang matawa.

"Mika..." tinitigan ko siya ng malalim. Masyado na kasi siyang nagiingay sa


ospital. Hindi ko naman siya kinakahiya kasama dahil kung wala naman siya, hindi
naman ako magpupunta dito sa ospital eh. Pero kailangan niya rin tumahimik kahit
papaano.

"Oh Jesus Maria Josef! Zyla Lienne! Hindi ka ba nasasaktan?" humarap pa lalo si
Mikaela sa doktor at pilit talagang kinukuha ang atensyon nito

"Dok! Dok? May problema ba yan sa buhay niya? Kanina nung tinatahi mo yung sa siko
at sa paa niya, okay pa eh, naiintindihan ko pa eh." Halos sumisigaw na si Mika. Sa
tingin ko nga, kulang na lang, yugyugin niya sa balikat ang doktor para malabas ang
saloobin "Pero ngayon, ewwww, ang laki-laki ng sugat niya sa tuhod, as in kadiri!
Tapos wala lang siyang reaction? Dyosmiyo! Ako nga, nasasaktan na dito kahit hindi
naman talaga ako yung tinatahi? Ano ba dok? May problema ba siya sa pain receptors
niya? May problema rin ba siya sa utak? Bakit di siya nasasaktan?! Nababaliw na ba
siya? Manhid na ba siya?"

"Mikaela naman..." suway ko sa kanya. Kung nasa normal na sitwasyon lang kami, baka
kanina pa ako tumawa ng tumawa sa mga reaksyon niya. Eto ang isa sa mga ugali niya
eh. Yung sobra makapagalala. Yung aakalain ng iba na pinepeke niya na yung concern
nya sa'yo. Pero dahil kaibigan ko siya, alam kong nagaalala lang talaga siya para
sa akin kaya meydo nagiging OA yung mga sinasabi at reaksyon niya.

"Hindi Zy, kelangan natin malaman kung bakit ka ganyan." Seryoso talaga yung mukha
niya. Kung hindi lang talaga tinamad ang puso ko tumawa, baka kanina ko pa siya
sinabunutan at dinamay sa tawa. "Dok ano ba? Dok?" makulit si Mikaela, kahit
kailan.

Pero nginitian lang siya ng doktor. Tapos na rin ito sa pagtahi ng tuhod ko at
nagbigay na lang ng kaunting paalala tungkol sa pagaalaga ng mga tahi.

"Hwag ka ng masyadong maglalakad, lalo na iwasan ang pagtakbo. Mahirap gumaling ang
sugat sa tuhod dahil high-tension ang part na yan..." marami pa siyang sinabi na
makakabuti sa kalagayan ko at lubus-lubos naman akong nagpapasalamat.

"Thank you po." Huling sabi ko sa doktor bago siya lumabas kasama ng ibang nurse na
umaaligid sa kanya. Tinignan ko ang tuhod ko na ngayon ay maayos na, kahit papaano,
nagpapasalamat ako sa Diyos.

"Tara." Nudge ko kay Mika. Pero mukha siyang ewan. Yung tipong mukha ng isang
kindergarten na naiwanan ng schoolbus. Ganun yung reaction niya habang
pinapagmasdan sa paglabas yung doktor. "Tigilan na ang pagtitig, isusumbong kita
kay Kuya Piter." Asar ko lang sa kanya. Tulala kasi siya sa paglabas ng doktor.

"HAH! Ang sunget! Napakasunget ng doktor na yun!? Di man lang pinansin yung tanong
ko."

"Halika na! Uwi na tayo." pagyayaya ko sa kanya. Ayoko na rin kasi magtagal dito sa
ospital. Nandito kasi yung nanay ni Silver nagta-trabaho. At hindi ko alam. Parang
gusto kong iwasan, na gusto kong kausapin si tita Marianne, na hindi ko
maintindihan. Ang alam ko lang gusto ko ng makalabas mula dito sa loob ng ospital.

"Lalabas agad? Ano ka ba? Wala ka ba talagang sakit na nararamdaman? Manhid ka ba?
Magpahinga muna tayo. May canteen yata dito! Kahit alam kong hindi masarap ang food
ibibili kita! Hwag ka ng mahiya dahil wala akong hinandang pagkain sa bahay.
Ibibili kita ha!? Dito ka lang!"

Umupo lang ako sa may isang bench kasama ang ilang mga pasyenta at ilang mga
kasama. Inaantay ko si Mika na pumasok sa mistulang canteen ng ospital ng halos
masamid ako may makita ako na lumalabas galing sa elevator.

Si Silver... Kasama si... Bettina.

Anong ginagawa nila dito ng ganitong oras? Bakit sila magkasama? Lahat na ng tanong
pumasok sa isip ko. Gabing-gabi na rin kasi eh. Nung makita kong halos papunta sila
sa gawi ko, hindi ko alam kung bakit parang ako pa yung gustong magtago. Tumungo
ako habang sinusuot ko yung hood ng jacket ni Mika.
"I'm so sorry Bettina... Really sorry..."

"Okay lang Jeremy... Okay lang kung ayaw mo munang harapin."

"Grabe... No one can be as rational and as unprejudiced as you are... No thank yous
or sorries can be enough..."

Meydo nasa harapan ko na sila. Kinakagat ko na yung labi ko sa pagdadasal na di


nila ako mapansin habang mabagal silang naglalakad. Wala akong maintindihan sa mga
pinagsasasabi nila. Anong ayaw harapin? Anong nangyayari? Bakit sila nandito? Mukha
naman silang malusog at walang sakit? May nagpapacheck-up ba?

"Sasabihin mo ba 'to kay... kay Zylie..."

Pangalan ko? Ano ba 'to?! Para akong aktibong bulkan na kahit kailan ay pwedeng
sumabog.

"Dunno...Maybe..."

"Masasaktan siya."

Anong hindi sasabihin sa'kin dahil masasaktan ako? At bakit dito sa ospital
nangyayari ang lahat ng ito?! Anong meron? Hwag mong sabihing... si Bettina...

"Hintayin mo ako, dadaan lang ako kay mom. Ihahatid na kita." Umalis na si Silver
at si Bettina... AY UMUPO SA TABI KO. Oh Lord. Bakit para akong criminal dito na
nagtatago?! Ang tagal naman ni Mikaela!

"No!"di ko namalayang napasigaw ako dahil sa iniisip ko. Dahil tuloy doon,
napatingin sa akin lahat.

"Look who's here... Kanina ka pa ba diyan, jinx?"

Jinx? Anong tono yun? Sa pagkakaalam ko, hindi naman ganun si Bettina magsalita.
Hindi siya naging masungit o bitchesa sa kahit kanino o kahit sa akin. Katulad nga
ng sabi ni Silver kanina, rational siya at fair. Pero bakit ganito? Sukdulan na ba
ang galit niya sa akin para maging ganito?!

"B-bakit kasama ka ni Silver ng gabing-gabi?! Wala ka bang magulang?! Wala ka bang


bahay para maggala-gala ka kasama ng isang hot-blooded male ng disoras ng gabi?" O
jusko! Anong sinasabi ko. Pinangungunahan na naman ako ng selos. Ipinangako ko
kanina na unang-una kong gagawin eh magso-sorry ako sa kaniya. Pero anong ginagawa
ko?! Isa kang baliw Zylie!

"Hot blooded male? HAH!" pineke niya ang tawa. "I know... kaya pala... ganun lang
ba siya sa'yo? Isang hot-blooded male? Pwes di ako ganun... Nirerespeto niya ako at
di ako basta-basta lang. I don't make-out inside the car... And if ever, wala rin
akong... SCANDAL..." binulong niya pa yun na lalong nagpanginig sa akin.

Naramdaman ko ang init ng mukha ko. Lahat na yata ng dugo ko napunta sa ulo ko.
Anong sinasabi niya. Paano niya nalalaman ang mga bagay na yun? Sobrang close na ba
nila ni Silver para malaman niya ang mga bagay na yun? Pinapanood ba sa kanya ni
Silver ang mga recordings?

"S-sinabi niya ba y-yan? S-sinabi niya yang lahat sa'yo?!" Nagkibit-balikat lang si
Bettina. Ano ba 'to?! Mas masakit pa 'to kaysa sa tahi kanina na pinagsama-sama.
Ngumiti pa siya na parang nangaasar.

*PAK*

Di ko na namalayan ang ginawa ko. Napatingin ako ng kanang kamay ko na mistulang


nagkaroon ng buhay. Sinampal ko siya? Jusko bakit ko siya sinampal? Nanginginig
lang ang mga kalamanan ko at di ko namalayan na dumapo na lang yung kanang kamay ko
sa kaliwang pisngi niya matapos ko siyang makitang may nakakalokong ngiti.

"ZYLA?!? Bumalik na si Silver. Sabi ko na nga ba. Sa lahat ng maabutan niya. Eto pa
talaga. Ako na. Ako na talaga ang Reyna ng Kamalasan.

"ANO NA NAMAN 'TO?!"

"S-silver..." para akong kumakin ng buhangin. Hirap ako magsalita at tuyo na ang
lalamunan ko. Naimpit lahat ng sasabihin ko dahil sa nagawa ko. Baliw ka Zylie.
Sinira mo lahat ng tsansa mong itama ang lahat. Tumingin ako kay Bettina. Anong
nangyari sa kanya? Kahit sinong nakatingin ay maawa sa kanya. Nakahawak siya sa
pisngi na nasampal ko at nangingilid ang luha.
"S-Sorry Bettina." Wala na. Alam kong wrong timing na ako sa lahat. Bakit ngayon pa
ako nagso-sorry ngayong kitang-kita namang hindi yun bukal sa loob ko. Naiinis ako
sa kanya eh. Sa mga sinasabi niya! Pati kay Silver!

Posible pa lang magsabay ang inis, galit at kagustuhang humingi ng tawad? Nababaliw
na ako.

"I need to go." Nakita kong umalis si Bettina na halos patakbo. Bakit siya ganito?!
Kani-kanina lang ay napakalakas ng aura niya na lumulukob sa pagkatao ko. Ngayon,
para na siyang isang nawawalang kuting na naghahanap ng amo.

"Bettina!" akmang susundan ni Silver si Bettina na ngayon ay luhaang naglalakad ng


mabilis. Ano ba naman kasi ang gagawin niya. Nakita niya ako. Huli sa akto.
Sinasampal ang babaeng yun.

"S-silver..." pinigilan ko siya.

"Ano na naman ito Zy!" pinipigilan niya ang boses niya. Mabuti na lang pala at nag-
alisan na ang ibang mga tao sa paligid. Pero may mga ilan pa rin sa di kalayuan na
nakatingin. Marahil narinig yung pagsampal ko kay Bettina. "Ano bang ginagawa mo
dito? Sinusundan mo ba ako? Ha?"

"I need to explain. Pagbigyan mo ako..."

"What's there left to explain? You're hurting other people, more and more. You keep
lying. You keep being dumb and bad and worthless. Don't you think it's too much?
Everybody's suffering."

"S-silver" Wala akong alam na sasabihin. Paano ko uumpisahan? Kung ngayon pa lang,
alam kong mali na naman ako. Nakagawa na naman ako ng gulo.

"Nakakapagod ka na." naglakad siya. At wala na akong ibang nagawa kundi sundan
siya. Kahit gaano siya kabilis maglakad. Kahit nararamadaman kong unti-unting
nasasaktan ang tuhod ko.

"Silver! Silver naman!" sinundan ko siya hanggang sa labas. Pero napahinto ako ng
sobrang sakit na ng tuhod ko. Kasasabi lang ng doktor hwag akong tumakbo, pero ano
itong ginagawa ko? Lahat na lang ng nangyayari mali.

Paglabas ko nakita kong dumaan yung kotse niya. Ano 'tong ginagawa ko? Pumapara ako
ng taxi kahit wala akong pera? Kahit wala na akong alam sa mga ginagawa ko,
pinapunta ko pa rin ang taxi na sinakyan ko, sa bahay nila Silver. Kahit hindi ko
alam kung didiresto ba siya doon o susundan si Bettina. Bahala na.

"M-manong... w-wala po po pala akong wallet."Matapos ang ilang saglit, wala na kasi
akong masabi. Wala naman akong lakas ng loob na tumakbo palabas lalo na't may
sariwang sugat ako sa tuhod. Sinabi ko na lang ang totoo. Napakamot ang manong at
nagalit.

"Sasakay-sakay kayo tapos wala kayong wallet? Sayang naman ang krudo ko ma'am!
Paano na ang boundary ko!" alam kong galit siya. Pati ba naman manong taxi driver,
dinadamay ko sa kasamaan ko?

"Pasensya na po... Hihingin ko na lang po yung number niyo at-"

"Nagdudugo! Anong nangyayari?!" napatingin siya sa jogging pants ko na may bahid na


nga naman ng dugo.

Napatungo na lang ako. Naawa na lang yata sa akin si manong at pinalabas ako ng
sasakyan. O baka ayaw niya lang mabahiran ng dugo yung taxi niya. Kahit ano pa,
lihim na lang akong nagpasalamat. Nakareceive ako ng message galing kay Mikaela.
Pati siya iniwan ko. Siya na nga ang nagmamalasakit na ibili ako ng pagkain. Pero
di ko muna siya sinagot. Hindi ko alam kung anong sasabihin eh.

*Dingdong*

Nakaramdam ako ng kaunting pag-asa ng makita ko yung sasakyan ni Silver na


nakaparada sa labas. Mabilis akong nnagdoorbell.

"Sino yeeern!" boses ni Orange ang narinig ko sa intercom ng doorbell system nila.

"Orange... S-si Silver?"

"ATE ZY?! Omo! Ate?! Kuya!!! Si A-ate Zylie nandit... Ahh... Wala ka? Ate Zylie
wala po si kuya dito eh."

Ayaw niya akong makita? Salamat Orange sa magandang pagarte.

"S-sige. Pakisabi, hihintayin ko siya... Please... Dito sa labas."

"Ate! Ano ka ba! Gabing-gabi na! Umuwi ka na..." mukhang di nga ako pwedeng
pumasok. Kahit si Orange pinapauwi ako.

"Pakisabi naman, hihintayin ko siya dito. Ha?" desperada na ako eh. Alam kong gabi
na. At alam kong delikado ng nandito ako sa labas. Lalo na't unti-unting sumasakit
na naman yung tuhod ko. Pero napagdesisyunan kong eto na yung huli. Kung ayaw niya
talaga. Kung hindi na talaga pwede, titigil na ako. Baka, ako lang talaga yung
nagdadala ng gulo sa lahat. Baka, hindi dapat ako nandadamay sa mga kamalasan at
kasamaan ko.

"Ay!" kumidlat ng malakas. Kasabay ng nakakatakot na kulog. Mukhang sasabay pa yata


sa nararamdaman ko yung lagay ng panahon. Pero wala akong balak umalis.

Maya-maya, bumuhos na nga yung malakas na ulan. Naramdaman ko ring kumirot yung mga
sugat ko nang mabasa ito ng tubig. Naghanap ako ng masisilungan pero ang
pinakamalapit na shed ay nasa kalayuan pa. Baka hindi ko makita si Silver pag
lumabas siya.

Nagulat din ako. Bumukas kasi ang gate. Si Silver. Di ko mapigilang mapangiti. Sabi
ko na nga ba, hindi niya ako matitiis.

"SILVER!" naluluha-luha ako sa dami ng pakiramdam ko ngayon. Nakakita ako ng


liwanag.

"Umuwi ka na." nagulat ako. Napaka-cold niya. At iniaabot niya pa sa akin ang isang
payong na hawak niya.

"S-silver naman..."

"Umuwi ka na." inulit niya lang ang sinabi niya. Tapos pabalik na siya ng bahay.
Eto na. Binilang ko ang mga hakbang niya palayo. Ayaw niya na talaga. Alam ko na.
Hindi ko alam kung bakit parang nahihilo na ako. Dahil ba'to sa nararamdaman ko, o
sadyang masama lang talaga ang lagay ko?

"Hindi ako aalis dito. I'll bite my tongue and bleed to death kapag hindi mo ako
kinausap!"

"WHY ARE YOU ALWAYS BEING LIKE THIS?! SO STUPID! SO UPSETTING AND BANEDFUL! CAN YOU
PLEASE JUST STOP?"

"Naiintindihan ko na..."

Tumahimik rin siya.

"Pasensya ka na... Kung ganito ang mga nangyari ha?"

Nagtuloy siya sa paglakad. Pero naging dahan-dahan. Mas lalo tuloy naging mabigat
sa dibdib. Nangako ako sa sarili ko kanina. Na huli na ito. Na kung ayaw niya na
talaga, di na ako gagawa ng mas lalong magpapalala pa ng sitwasyon.

"Nagiging magulo lang naman ang lahat kahit anong gawin ko."

"I don't wanna fight." Tumigil na naman siya sa paglakad at nagsalita ng mahina. "I
don't want to fight anymore."

"Humarap ka naman sa'kin Zylie."

"Naguguluhan na kasi ako sa mga intensyon mo Zylie eh... Do you really wanna fight
over everything?"

"Di ko gustong makipagaway! Please... Makinig ka..."

"ZYLIE!!!!" si Mikaela. "Sabi ko na! Dito ka pupunta eh!"


Tinignan ko si Silver pero di na siya ulit umimik.

"Omo!! Yung sugat mo?!" Nakalapit na si Mikaela at nakita na bakas na sa jogging


pants na suot ko ang sugat. "Magpayong ka! Nababaliw ka na ba talaga?!"

Last na... Kung hindi ka talaga lilingon, maiintindihan ko na.

"Hersheys..." di ko napansin na hindi na pala ako nababasa ng ulan dahil mayroon ng


nagpapayong sa akin. Oo nga pala, kapitbahay lang pala nila Silver si Terrence.

"Di ko gusto ko ng away... When I fight with you, I'm really fighting for us..
because If I didn't care, I wouldn't even bother."

"ZYLIE~!" yun na lang ang huling narinig ko bago magdilim ang paningin ko. Mabuti
na lang may sumalo sa akin.

*later*

##################################

~~Chapter Sixty Seven- Pain~~

##################################

SILVER's POV

"When I fight with you, I'm really fighting for us.. because If I didn't care, I
wouldn't EVEN bother." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. I
realized I'm not really mad. How can I be so angry at her? How can I ever do that.
I'm just this with the idea of having an outlet of all of this stress.

Marami pa akong kailangang ayusin. This is not to compromise her. But I want to
sort things out first bago ko sabihin sa kanya. Hindi ko naman alam na nandoon din
siya sa ospital. Mas lalo lang naging magulo ang lahat.
As soon as I turn around, nakita ko kung paano siya nahimatay. She's white as a
sheet. And to my dismay, nakita kong si Terrence ang nakasalo sa kanya. Not that
I'm not thankful na may nakasalo sa kanya, pero si Terrence yun eh. Things are
becoming worse and worse and worse that I could ever imagine.

"Zylie." Tinapon ko ang payong at lumapit sa kanila. Tinignan ako nung Terrence na
yun. Binuhat niya rin ng maayos si Zylie. She's dripping wet. And in other man's
arms. Sht.

"CAN YOU LOOK WHERE YOUR HANDS ARE?!?!" I snapped. And he gave me a rotten smile.
From there I swear I want to strangle him to death kung hindi niya lang buhat si
Zylie. After giving deadly stares, nilayo niya na si Zy. He took her into his car.
Dadalhin niya na ito marahil sa ospital.

I couldn't get through. I know kaya ko siyang agawin mula sa ex niya. Pero between
us, nandoon si Mikaela.

"Umalis ka!! Umalis ka!!!" sinigawan ako ni Mikaela, naiiyak siye pero I know she's
mad. Furious at me.

"Wag ka ng lalapit! Kung makikipagbreak ka, sabihin mo na. Sabihin mo na lang agad.
Bakit mo ginaganito si Zylie?! Ha? Ha?" I wanted to explain. Pero no words came out
from my mouth. "'You suffered, I know! Pero 'di mo ba alam pinagdadaanan niya?"

Napatutop ako ng noo. My head hurts so bad.

"Akala ko pipi ka lang!!" now she's hitting me. I can't blame her, though. Galit
siya sa'kin. "Malala pa nga yata! Alam kong may kasalanan si Zylie! Pero bakit
naman ganun?! Di ka nakikinig?! Bingi ka ba? Bingi?! Ha?! At Bulag ka din ba? 'Di
mo ba nakita yung mga sugat niya?! Wala kang kwenta!!! Nang dahil sa'yo nasaktan
siya! Nasasaktan siya!!!"

"WHAT?!" I didn't know. I held her hands. Hindi dahil sa pinipigilan ko siya from
hitting me. Pero para mas lalong maintindihan ang mga sinasabi niya. "Kaya ba siya
nasa ospital kanina?"

"Akala ko all this time Silver matalino ka! Feeling mo nandun siya para sundan ka
lang? Ang kapal ng mukha mo?! Alam mo bang hinabol ka niya nung time na iniwan mo
siya sa park. Pero wala palang kwenta! Walang kakwenta-kwenta yung pinagaksayahan
niya ng panahon para habaulin kaya ayun nahulog siya sa kanal! Anong napala niya?
Mga sugat lang na tiniis niya ng ilang araw para hindi lang mahalata ng magulang
niya!"

"What exactly happened?!" I urged

"Anong what happened?! Pinaglakad mo lang naman siya gayung bagong tahi ang tuhod
niya!!! Pinaghintay mo pa siya sa ulanan! 'Di mo pa siya pinakinggan! HAH!" punong
puno ng mockery ang boses niya "Tama! Bingi ka na, bulag pa!!"

**

"O kuya!? Anong nangyari sa'yo?!" parang iisang taong sambulat ng mga kapatid ko.

"Basahan Ate Poty. Punasan mo muna yung sahig baka may madulas pa." Nakauwi na rin
pala si mommy. "What happened to you anak? Magpalit ka muna doon sa taas." Basang-
basa na nga ang damit ko. I dunno how long I stayed under the rain.

"Kuya? Dalawa-dalawa ang payong pero para kang nagswimming diyan" si Orange.

"Anyway anak, kamusta ang lakad niyo? Napuntahan mo na ba si Cl-"

*blaaaag*

"WAAAH!

"SILVER JEREMY ANO BA'NG GINAGAWA MO?!"

Di ko alam kung may nabasag pero umalingaw ang malakas na tunog nung 'di ko
namalayang sinuntok ko ang divider.
"Relax." I ended up being bandaged. Mom did. She never asked again because she
knows. Kahit hindi niya alam what really happened outside, to the details of it,
she might have a hunch already. Kasi in the first place, siya naman ang pumilit
sa'kin na pumunta sa ospital. To settle things out. To sort my feelings.
Everything.

Hindi ko alam if I was just that cold, o galit lang ako. I'm trembling. Spacing
out.

"Everything will be alright." Sabi ni mommy with a very reassuring tone. Nakaramdam
ako ng relief kahit papaano. Kasi out of all people, si mom ang nakakaalam ng mga
'to.

"What am I going 'to do? Si Zylie..."

"I thought you already knew where your heart is? Where your mind wanders? Nasaan na
yung 'She will always be the answer, when somebody ask me what I'm thinking about.'
mo?" mom even mimics my pitch when I answered her questions a few days ago. When
she's urging me to visit the hospital.

"I don't know mom. Just... just when my mind found the answer, my heart changed the
question."

She just shook her head. Wala na siyang sinabi pagkatapos nun. Inayos niya lang
yung bandage, looked me into my eyes and left. That night I didn't sleep. But it
was worth it. Nakapagisip ako.

Next morning I went straight to the hospital. To have answers to my questions.


Kasalanan ko rin naman 'to dahil pinatagal ko pa eh.

"Bakit ka nandito?" nagulat si Mika nang mapagbuksan niya ako ng pinto. Saktong
palabas siya at may dalang RX pad. Bibili yata ng gamot para kay Zylie. Yeah, I
easily found Zylie's room. "Aaaaarrrgh! Engot din kasi 'tong si Sir Terrence eh! Sa
lahat ng ospital alam namang dito eh!"
"I'll get in." di naman talaga ako nagpapaalam eh, pinapaalam ko lang sa kanya na
papasok ako.

"NOOO! WAG KANG PAPASOK! PAGKATAPOS NG LAHAT?!" I pulled her out "ANO BA?! PATI BA
NAMAN AKO SASAKTAN MO?"

"Bibilihan mo ng gamot si Zyla?" I gestured towards the RX PAD "Samahan na kita."

"HA? Sasamahan? Ano ako bata? Tska what makes you think na magpapasama ako sa'yo?
Di kita kailan-"

"Fine, If you don't need me, my Zylie needs me." I get inside Zylie's room.

"HOOY!! HOOOY!!!" umalma siya but I locked the door. Perhaps Mika knew better kasi
pagkatapos ng ilang saglit, mukhang umalis na siya at bumili na ng gamot.

She's sleeping. I held her hand. Napansin ko nga yung mga galos niya lalo na sa mga
siko. Ano na namang nangyari sa kanya? Naka-exposed din ang bagong bandage niyang
tuhod. Halata pa ang pamamaga. Alam mong grabe ang sugat. May kaunting galos din
ang mukha niya.

"I'm so sorry..." I squeezed her hand

"Hmmm..." nagising ko yata siya. Pero bago ako magsising nagising ko siya, I called
her name. Eto naman ang purpose ng pagpunta dito eh, para ayusin ang lahat... kung
kakayanin.

"Zy..."

"Silver?" tumingin siya sa paligid. "Si Mika? Si Terrence?" she panicked. And then
sighed.

Terrence... She's asking Terrence from me?

"Aray!" Before I knew it I was squeezing her hand so hard.

"I'm sorry"

"I-inaantok ako..." Kalmado na siya. 'Di katulad nitong mga nakaraang araw. It felt
different. Di ko alam kung anong mararamdaman now that she's level-headed. Not the
desperate girl under the rain.

"Why did you run?" Gustokong kunin ang paningin niya. Kung saan-saan kasi siya
tumitingin at hindi makatitig.

"Inaantok na ako Silver eh."

"Why did you run Zylie?"

"Inaantok sabi ako. Please!" naiiyak na naman siya. Pero it changed. She remained
calm again. She's trying to contain her tears.

"Why Zylie?"

"Tigilan na natin, to... Paniwalaan mo na lang kung anong tingin mong tama. Lahat
na ng sasabihin mo, tama na yun. Lahat ng iniisip mo, tama yun. Tigilan na lang
natin 'to. Maling-mali na po ako..."

"ZYLA LIENE!"

"Pagod na ako..." she's trying to contain her tears. I knew it.

"I'm sorry... Hindi ko alam. You we're hurt... No... Still hurting...." I looked at
her. So frail. How did she become this thin?

"Wala naman yang lahat ng yan eh..." tinignan niya ang sarili niya. "Eto?" turo
niya sa IV "Wala 'to, di ko 'to kailangan!" tinanggal niyang bigla ang swero.

"Anong ginagawa mo?!?!"

"Sleep-deprived lang ako. 'Di lang din nakakain at kaya 'di ko naman kailangan ng
mga bagay na'to." Akmang tatayo siya.

"But you're hurt... Look at yourself. Bakit mo pa kasi hinabol yung sasakyan?
Tingin mo ba maabutan mo yun? Nasugatan ka pa tuloy..."

"Eto?" She tried to stand para ipakita na kaya niya na. Na wala lang iyon para sa
kanya. "Wala naman yan eh... Nakalimutan mo na ba? Ako ang reyna ng kamalasan?"
Namumula na yung mata niya. Eto yung kahinaan ko. Eto yung nagpapasakit sa dibdib
ko.

"Sanay na ako masaktan diyan." she's even faking a smile. "Yung mga siko ko,
tuhod... Sanay ng masaktan. Wala na yan para sa'kin..." halos di na siya
makapagsalita "Pero eto?" sinapo niya ang puso niya.

"Zyla..." I'm hurting too. I bit my lip so hard.

"Pero bakit dito ang sakit-sakit?" pumatak na yung luha niya "Bakit parang wala na
sa'kin lahat ng pisikal na sugat na yan? Hindi ko na nararamdaman? Pero yung
nararamdaman ko dito ang sakit-sakit lang na parang mamatay na ako?"

I again felt this metallic taste of blood in my mouth. I am biting my lip just so
hard na dumudugo na pala ito.

"At Silver... Di naman ako tanga para akalain na aabutan ko yung sasakyan mo...
Hindi naman yun." Ang iyak niya na may kasamang hikbi. Sobrang sama na nga ng loob
niya. I bit my lower lip harder.

"Hinabol kita... kasi umasa ako... na titigil ka... babalik ka..." mahinang sabi
niya sa pagitan ng mga hikbi. "O kahit lumingon ka lang. Kahit tignan mo lang ako
sa side mirror.... Yung makita mo lang na hinahabol kita..."

"I drove so fast... I didn't know..."

"Pero hindi eh.... Di ka man lang nag-menor. Di ka man lang tumigil kahit sa
malayo."

"Zylie. Please..." I hugged her. Narealize ko din kung gaano siya kahina. She's
trying to push me pero wala siyang lakas.

"Tapos inintay kita! Tinatawagan! Di ka man lang nagparamdam." Tuloy-tuloy lang


siyang nagsalita. This is fine. Kailangan niyang ilabas ang sama ng loob niya. Here
in my arms. "Kung ayaw mo na ba... bakit di mo man lang sabihin."

"I'm doing a lot of things. " I kissed her hair

"Tapos si Bettina..."

"Look at me." I removed my arms off her and looked straight to her eyes. "Tignan mo
ako"

"Bakit kayo magkasama?" she said in a rough voice

"Sinamahan niya lang ako..."

"Bakit siya pang kasama mo?"

"Kasi hindi pwedeng ikaw..."

"B-bakit?" her eyes welled with tears again. Wrong choice of words siguro, pero eto
lang ang tanging paraan. "B-bakit hindi pwedeng ako?"

"Kasi may pupuntahan kami dito... siya lang ang nakakaalam about this. I couldn't
tell you, not because I didn't want to." I assured her. "Pupuntahan namin siya. And
I didn't tell you, kasi kahit ako 'di ko alam kung paano ko sasabihin, kung paano
ko sisimulan."

"S-sino? Dito sa ospital? Bakit kailangang may kasama ka pa? At bakit di mo


sasabihin sa'kin? M-may... may sakit ka ba?"

"No Zy. I'm more than healthy."

"Eh sino?"

"Si... s-si Cleo..."

*later*

##################################

~~Chapter Sixty Eight- Memory and Fantasy~~

##################################

ZYLIE's POV

Hindi ko na namalayan. Hindi ko alam kung wala lang talaga akong lakas kaya
nagkaganito o sadyang ginusto ko. Siguro parehas. Masyado akong mahina para itulak
siya. At lalong ayaw ko din gawin dahil para siyang gamot sa nararamdaman ko.
Naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko naman na siya yung gumawa ng lahat ng sama
ng loob ko eh. Pero anong nangyayari ngayon? Para siyang mainit na kape sa isang
tag-ulan. Warm

"Zy."

Di ako sumagot. Yun na lang magagawa ko para iparamdam na galit ako. Na galit pa
ako. Jusko naman. Sino naman ang mukhang gaga na papayag na bati na lang agad. Lalo
pa't ang dami-daming nangyari. May utang siya sa akin na madaming explanation. Yung
mga araw na hindi niya ako kinausap. Yung tipong lahat na ng multo nagparamdam,
siya na lang hindi. Isama pa yung mga sugat ko na kahit ako naman yung may
kasalanan talaga eh gusto kong isisi sa kanya. Yung mga detalye ng tungkol kay
Bettina. At lalo na kung paanong napasok si Cleo, yung ex niya.
"I'm sorry... I'm really sorry." Yun lang yung paulit-ulit niyang sinsabi. At
nasaan kami ngayon? Palagi kong nilalagay sa utak ko na maging conscious dahil
unti-unti kong nalilimutan na nasa kama kami. Sa ospital. Nakahiga. Magkayakap.

Hindi ko nga rin alam kung paano naging ganito eh.

Ang totoo, siya lang yung nakayakap. Nauwi kami sa ganito, matapos ang paulit-ulit
na pagtulak ko sa kanya. Wala akong laban sa lakas niya nung niyakap niya ako ng
sobrang higpit. Hindi ko na rin alam kung bakit ako umiiyak, kung dahil ba sa galit
na galit ako? O dahil miss na miss ko na yung ganito?

"Zy..." di ako ulit sumagot. Baka kasi manumbat na naman ako pag nagsalita ako at
magtanong ng walang katapusan.

"Hmmm, nakatulog ka na ba?" maya-maya inilayo niya yung sarili niya sa'kin para
tignan ako. Pumikit na lang talaga ako at nagpanggap na natutulog.

"Sorry." Ayan na naman siya sa sorry niya. At ngayon gusto ko na namang magtanong
ng tungkol kay Cleo. Pero hindi ko naman masabi dahil bukod sa nagpapanggap ako na
tulog, eh hinawakan niya bigla yung pisngi ko.

Ughhh

Pinunasan niya lang pala yung mga luhang natira. Naku, parang gusto ko na naman
tuloy umiyak. Ano na ba kasing nangyayari sa buhay ko? Ganito na lang ba?

Nagulat na lang ako ng...

*chu*

Hinalikan niya ako...


Then, unknowingly, I responded.

"Ano ba?!" Bigla akong natauhan. Galit nga ako 'dba? At higit sa lahat, tulog ako!
Natulak ko tuloy na naman siya. At katulad kanina, wala na namang epekto yun dahil
wala naman akong lakas.

"Gising ka pala." hindi ko alam kung nahihiya ba siya dahil sa ginawa niya o
natatawa dahil alam niya naman talagang hindi ako tulog. At dahil ginantihan ko
yung halik niya?

"U-umalis ka na nga!!" hindi ko alam kung maniniwala siya kahit wala naman talagang
conviction yung boses ko. Pero dinaan ko na lang sa lakas. "Bakit ka ba
nanghahalik!?" naasar ako dahil hindi naman talaga bagay sa'kin ang magsabi ng
ganito. Lalo pa't pinahiga ko nga siya sa kama ko. Kama pa talaga dito sa ospital.

"Nanghahalik??" nakangiti siya ng bahagya.

"Dun ka nga sa Cleo mo?!" 'di ko maiwasang banggitin. Eh yun naman talaga ang laman
ng utak ko kanina pa. Simula ng mabanggit niya yun, bigla ko na lang naalala lahat.

Yung video na nakita ko sa kwarto nila Orange na may label na Silver Jeremy & Cleo
Reese. Yung video na nagpupunasan sila ng ice cream o icing ba yun? Yung sinabi
niya dati na hindi niya pa daw nakakalimutan? Tandang-tanda ko pa nga nung sinabi
niyang "Ex lang yun."

Kasama ng mga bagay na yun eh naalaala ko yung dalagitang bumati sa'min dati. Nung
nag-cutting kami ni Silver umagang-umaga para lang sa 'date' sa tabi-tabi. Nung
time na napanalunan namin yung couple crystal ball.

"May girlfriend ka na ba kuya? Si Ate Cleo kasi wala na... Wala na sila. Umuwi na
siya."

Natatandaan ko yan. Hindi ko makakalimutan. Yun yung sinabi nung bata na nakasakay
sa minibus. Yun yung unang time na narinig ko ang pangalang yun. At sa dami ng
panahong narinig ko ang pangalang Cleo, ngayon ko lang mismong narinig na
nanggaling yun kay Silver. Ngayon lang.
Waaaah. Paulit-ulit na sa tenga ko. Unti-unti ng nabubuo yung kwento sa'kin. Si
Cleo yung ex niya. Yung kapatid nung batang nakita namin dati na nagtatanong kung
may girlfriend na ba si Silver. Yung babae sa video na kasama ni Silver. Yung
babaeng di niya pa daw nakakalimutan. At naisipi ko... siya siguro yung babae sa
ospital. Nung panahong hindi niya ako pinapasok, dahil mahahawa daw ako?

"Zylie"

"ANO?"

Niyakap niya na naman ako ng sobrang higpit. "Kahit mamaya mo na lang ako awayin.
Mamaya na yung mga paliwanag... Promise... sasagutin ko lahat mamaya..."

Hinalikan niya yung noo ko.

"Let's just stay like this." Sobrang higpit ng yakap "Just for a while. " Gusto ko
sana siyang awayin lalo. O paalisin na lang. Pero bakit ganito? Parang ayaw ko
namang gumalaw. Sadyang expert na ba siya sa panloloko kaya napapaniwala ako ng
ganito?

*knock knock!*

Para naman kaming mga magnanakaw na napabalikwas ng bangon nung may kumatok.
Naramdaman ko na naman yung sakit ng mga sugat ko nung bumaba siya mula sa kama. Di
ako makatingin sa kanya nung naglalakas siya para buksan yung pinto. Pumasok ang
nurse. Time na yata para linisin yung mga sugat ko.

"Bakit nakalock ang pinto? Paano kung may emergency at ... Oh Silver!" bati nung
nurse kay Silver.

Binigyan niya lang ito ng marahang tango. Mukhang kilalang kilala naman ito sa
ospital. Syempre. Ikaw ba naman maging anak ng isa sa mga magaling na doktor at
partner sa ospital eh.

"Kung... k-kung kaya mo ng maglakad... Hihintayin kita sa labas ng room 102


mamayang 1:00PM" bulong niya sa'kin habang sinisimulan nung nurse na linisin yung
sugat ko.
"Ha?!"

"Samahan mo ako."

Gusto ko siyang sitahin. Sure ako room ni Cleo yun. Ano bang sakit niya? Hindi pa
ba sila naguusap nung time na narinig ko siya habang nasa kwarto siya nito? Gusto
ko sanang awayin pero naisip ko, nagagalit ako kapag hindi niya pinapaalam ang mga
bagay na ganito at si Bettina pa talaga ang isasama niya. Dapat ngayong ako na yung
pinapasama niya, makuntento na ako.

"Bahala na..."

"Bye. "

Napapikit ako ng marahan habang binibigyan niya ako ng halik. Yung nurse naman
halatang gusto ng magfreakout sa nasaksihan. Ilang minute din akong nakatulala
dahil na rin sa pagiisip. Hindi ko na pinansin nung pinagagalitan ako nung nurse
kung bakit tanggal yung swero ko. Gulong-gulo ako. Bakit parang okay na kami agad
gayung bigat na bigat pa rin yung nararamdaman ko? Pero pag tinatanong ko rin yung
kalooban ko, hindi ba't gusto ko rin naman kaming magkaayos? Pero parang hindi
tama. So unceremonious.

"HOY!"

"Ay Cleo!" nagulat ako ng mapansing nakatayo nap ala sa harap ko si Mikaela. Wala
na rin yung nurse.

"Nganga ka na naman diyan. Eto na po yung gamot ma'am!" lumapit siya at may
binulong "ikwento mo yung nangyari! Wag mo sabihing, nagkaayos na kayo agad-agad ng
ilang minute pa lang? Jusko Zylie!!!! Kukurutin na talaga kita sa singit sa
ginagawa mo."

Di ako sumagot.

"Nakuuuu!!! Sabi ko na!! Siguro isang kiss lang sayo nung lalaking yun bumigay ka
na agad? Aneee?"
"H-hindi!" gusto kong tumanggi ng tumanggi. Pero pano nga kung ganun yung nangyari?
Pano ko sasabihin kay Mika? Na parang nababaliw na ako?

"Paano mo nga pala nalamang nandito si Silver? Siguro! Siguro ikaw yung nagpapasok
sa kanya! Nuh? Nuh?"

"Shhhh! Mamaya na natin yan pagusapan!" tinakpan ni Mika yung bibig ko sabay tingin
sa pinto. "May surprise ako sa'yo!" Lumapit siya sa pinto at may tinawag.

"Bru! Bruha!! Halika!" Nung pumasok yung supresang sinasabi niya. Lalo pang
nadagdagan yung halo-halong emosyon na nabubuhay sa dibdib ko.

Si Yanny.

"Sorry na Zy! Sorry na! Pasensya na kung napakachildish ko para lang magalit sayo
ng ganun. Hindi ko naman pagaari si Silver para sabihan ka ng ganun. Alam ko namang
crush ko lang siya. Nagulat lang siguro ako nung malaman kong kayo na... Nagulat
lang... tska oo... nagselos. Pero sorry!! Sorry!!"

Umiiyak siya. Nabunutan ako ng tinik dahil kahit papaano eh nagkaayos na kami ni
Alyanna.

"Ano ka ba. Sorry din. Kasi tinago ko sa'yo. Sa inyo ni Mika." Niyakap ko silang
dalawa. "Sorry kung nagtatago ako ng sikreto sa inyong bestfriends ko. Di ko naman
sinasadya na mangyari yun, nabigla na lang rin ako na... ganun na pala..."

"Na ikaw lang pala ang makakahuli ng puso ng mailap na taong yun!!" masaya na na
nangaasar si Alyanna. At gusto ko na lang ulit malungkot.

Kasi totoo nga ba? Nahuli ko nga ba talaga yung puso niya?

**

Ilang oras na yung nakalipas at dumating na rin si Terrence. Medyo weird yung
ambiance kasi may dala siyang lunch at nagpaorder pa para magkasya sa'ming lahat.
Dumagdag pa kasi si Yanny. Weird at nakakatawa dahil di nila alam kung anong
itatawag kay Terrence dahil teacher namin siya, pero alam din nilang ex ko siya.

"Ano pang gusto niyo?" maya-maya'y banat ni Terrence. Siya naman kasi ang nagpasok
sa'kin dito. Siya yung nakasalo sa'kin nung nahimatay ako eh. Kaya wala rin ako sa
posisyon para umangal at maginarte. Kahit ano pang sinasabi niya, minsan ay
bumabanat pa, wala lang.

Pasok sa isang tenga, labas sa kabila. Ganito pala kapag nakamove-on ka na? Di ka
na maiilang o magagalit. Basta... wala na lang. Di na katulad ng dati na iiyak-iyak
pa ako sa kanya. Di ko na matandaan kung bakit ako nagkaroon ng ex na medyo matanda
sa'kin. Paano na pag nalaman sa school?

"Basta wag na wag niyong papasukin si Torres dito!" sabi naman niya. Nagtingin na
naman kami ni Mika. Kasi alam niya na too late na ang babala ni Terrence. Nakapasok
at nakalabas na siya.

"Ehh... anong magagawa natin kapag pumasok?" asar ni Mika "Haharangan? Maghahanda
na kami ng baril?"

"Palabasin! Ako ang nagbabayad sa kwartong ito." May pagmamalaki niyang sabi.

"Actually sir, since narinig kong managing partner ang mom niya, parang isa na rin
sa may-ari ng hospital na ito si Silver." Maya-maya si Yanny naman yung sumagot.

Oh how I love my friends. Bullies.

Maya-maya nung umalis na naman si Terrence dahil tinatawag daw siya ng nanay niya.
Nakatulog naman si Yanny sa upuan sa tabi. Mukhang puyat pa yata. Si Mika naman ay
gustong mag-fish ng information tungkol sa nangyari kanina. Ikinuwento ko ang mga
detalya ng mahina dahil na rin sa natutulog si Yanny. Kinurot-kurot naman niya ako
ng marahan.

"Engot ka talaga! Dapat sinigawan mo! Pinagpaliwanag mo! Dapat di mo muna


pinatawad! Magpakipot ka man lang ng kaunti!"

"Sinabi ko bang pinapatawad ko na siya?"


"Gaga! Parang ganun na rin yun! Nagpayakap ka! Nagpahalik! Anong akala niya! Alam
na alam kasi niyang mahal mo siya kaya ganun-ganun nalang!"

"Shhhh! Mika naman! Magigising si Yanny!" Tumahimik kami ng kaunti ng umikot si


Yanny sa pagkakahiga.

"Pero Mikaela, anong gagawin ko? Si Cleo? Isasama niya na ako kay Cleo! Diba eto
naman yung gusto ko?"

"Pwes kung anong gusto mo, yun ang gawin mo. Kahit ano namang payo sa'yong iba,
kung hindi naman yun yung gusto mo, hindi naman yun yung gagawin mo eh."

"Pupuntahan ko. Di naman pwedeng ganun-ganun nalang yun Miks. Basta na lang siyang
babalik tapos kukunin na lang yung gusto niya na parang may pinatago siya sa'kin.
Hindi naman ako papayag."

"Woah! Yan ang gusto ko sa'yo Zy! Laban lang! Pero friend... alamin mo kung ano ang
hangganan ng laban ha? Kung hanggang saan at hanggang kailan ka lalaban."

"Uhm... oo." Kahit hindi ko siya masyado magets

"Anong oras ka ba daw ulit hihintayin sa labas ng room?"

"1:00PM" Sabay kaming napatingin sa malaking wall clock.

2:00PM

Dali-dali niya akong inalaalayan sa wheelchair habang nagpapanic. Ang engot ko ba


naman talaga at oras nakalimutan ko.

"Dito na lang ako ha? Ayaw ko pa makita yang si Silver eh, baka masapak ko lang."
iniwan ako ni Mika sa hallway na tutumbok sa room 102. Nginitian ko na lang siya
habang iniikot ko ang wheelchair sa tapat ng room.

Late na ba ako ng isang oras? Sinubukan kong tumayo para tignan kung hindi na ba
ako nahintay ni Silver.

Sa may pintuan nakita ko na nandoon na nga siya. Papasok pa ba ako? Grand entrance
naman ako. Sumandal na lang ako sa pinto. Nauulinigan ko naman sila. Naguusap na
sila.

"Cleo Reese." Si Silver yun.

"Bakit? Wala na ba akong babalikan? Wag mo sabihing naniwala ka na naging kami


talaga ni Lucas?"

"Huh? You said that yourself Clay, Yun ang sinabi mo, yun din ang alam ni Clarice,
ng kapatid mo."

"Wala namang nakakaalam ng tunay na nangyari. Ako lang, si Lucas tska ang daddy
niya. Si daddy. And now ikaw. Ayaw lang kitang maghintay kaya ko nasabi yun. And
yun yung time na I'm not even sure if I can live..."

"Well... you lived through it..."

"W-what?"

"You are alive."

"Aren't you happy? To see me again?"

"Bakit ka nandito sa ospital na 'to? Kinakumusta mo pa ako palagi kay mommy..."


iniiba ni Silver ang usapan.

"Gusto kitang makita... Ayaw ni daddy na umuwi pa ako dito. Pero gusto lang kitang
makita..."

"Cleo..."
"Is there someone else?"

"Cleo how many years?!"

"Answer me, is ther someone else? Have I been replaced?"

"Replaced? No... I mean... You left... I was alone... I'm not replacing you... You
weren't here in the first place..."

Gusto kong pumasok... Naririnig ko kasi na nagwe-waver ang boses ni Silver na


parang nahihirapan naman talaga siya para sabihin yun. Alam mo yung tipong akala mo
ikaw yung bida sa storya. Tapos malalaman mo na lang na ikaw yung kontrabida sa
kanila? Na kung wala naman ako, sila pa rin? Bakit eto na yung nararamdaman ko
ngayon? Nasaan na yung confidence ko kanina sa harap ni Mika?

"You're seeing someone?"

Walang sagot akong narinig pero maaring tumango si Silver dahil narinig ko ang
munting iyak ni Cleo.

"Do you love her?"

"I... I can see my future... with her..."

"Future?" tumaas ang boses ni Cleo "Silver, love in the future is a fantasy. I'm
here... Nandito pa rin ako." Doon na hindi kinaya ng pagtitimpi ko ang makinig na
lang mula sa labas. Binuksan ko bigla ang pintuan na nagpagulat sa kanila.

"Zy?" Binigyan naman ako ni Cleo ng sino ka-look

"Hindi lang ako basta future!" Ako na ang bastos na nakikipagaway sa kwarto ng may
kwarto ng hindi man lang nagpapakilala. "Ako din ang present. Ikaw. Past ka na.
Past na Ms Cleo. At kung ano mang Love in the future ang sinasabi mo, ang masasabi
ko lang..."
Tinignan ko silang dalawa.

"Love in the past is a memory. Alaala na lang. Nandito na lang sa utak, wala na sa
puso." Nung feeling ko ako naman ang maiiyak sa sinabi ko. Nagwalk-out ako at
mabilis na naglakad palayo. Iniwan ko na ang wheelchair feeling numb all over.

Nakakainis ka Silver. Bakit ba mahal na mahal kita. Hanggang kelan ba ako lalaban?"

*later*

##################################

~~Chapter Sixty Nine- Big C~~

##################################

CLEO's POV

Everything has changed.

Simula pa lang alam ko na na ganun yung mga mangyayari. As change is the only
constant thing in this world, bata pa lang, dapat tinanggap ko na na ganito. Hindi
mo na maibabalik ang oras, at sa bawat oras na nasasayang, may magbabago.

I won't ever forget the day we've met. That gloomy day na parang sumasabay sa
pisikal na sakit na nararamdaman ko. Yun yung pinakaunang malaking pagbabago na
nangyari sa buhay ko. I was crying at the corridor, hindi ko alam kung tatakbo ba
ako o hihinto. I started to wail dahil hindi ko matanggap. Even my father was
depressed. He's a man who heals people pero sa sarili niyang anak, he's helpless.

I run and run hanggang sa nadulas ako sa foyer. Basang-basa kasi ang sahig dahil sa
mga pumapasok na galing sa ulanan. Kahit pa siguro ilang janitor ang mag-mop dito
eh walang laban kapag may tumatakbong bata na hindi alintana yung sign na Caution:
Wet Floor. Nasanggi ko pa yung stand na tinatayuan ng vase. Naghahanda na akong
mabagsakan ng malaking vase ng walang dumating. Dumilat na lang ako and I saw a
silhouette. Mataas na pala agad sikat ng araw sa labas. Ganun katagal na ba ako
nasa state ng hysteria para hindi malaman na tumigil na pala ang ulan at sumikat na
ulit si Haring araw?

"Are you trying to destroy everything here?" pumikit-pikit pa ako para


makapagadjust ang mata ko sa liwanag. Kasabay din kasi ng liwanag ng araw eh parang
nagliwanag din yung mundo at paligid ko. He was there, offering his hand. Alam ko
bata pa kami noon. But he was tall. Towering, because I'm really that small. Not as
manly as he is now, pero alam mong warm but nonchalant. Isang refreshing na
pakiramdam sa gitna ng mga balita at diagnosis.

This is our hospital. I can destroy anything and everything in my heart's content!
Gusto ko sanang sabihin para tablahin siya. Pero dahil masakit at masama ang
pakiramdam ko, hindi ako makapagsalita ng maayos kaya ang nagawa ko na lang ay
umiling.

"Get up." He pulled me up. Doon ko siya lalong naobserbahan ng maayos. He was
wearing rugged jeans and sneakers. I can still remember his shirt, it was gray with
black splatters. His hair was as messy as the bird's nest pero I almost cussed when
he stepped out of the shadows. I almost forgot the pain for a second.

"Thanks." I managed a simple word. Marami pa sana akong sasabihin pero bumabalik na
naman yung sakit.

"Silver?" lumabas yung isang babae from the elevator. Si Dra. Nang sumagot siya,
doon ko nalaman na siya pala yung panganay ni Dra Marianne Torres. Dad was talking
with her earlier, I think they've been asking her to be a partner of the hospital

As I spend the days inside, madalas ko ding nakikita si Silver. Wala naman siyang
choice dahil kami lang din ang nagkakakitaan at halos magkaedad. Nung una
nagkukwento pa siya. About school at sa kapatid niyang kambal. Pero ng napansin
niyang hindi ako ganun palasalita, we managed to hang out... in silence. Pero he
didn't complain. Dare I say na wala lalo akong masasabi dahil actions speak louder
than words at napakaconducive para sa sitwasyon ko.

"Careful. You little baggage." Yun ang palagi niyang sinasabi kapag napapahamak ako
at napapasama. I'm clumsy. And my sickness adds into it. Si Silver lang ang palagi
kong kasama. He saves me from harm. He keeps me happy (though she calls me
baggage). Niyayakap niya ako kapag masama ang pakiramdam ko. He never ask. He just
give and give and give everything. Mostly immaterial na kailangan ko sa panahong
yun.

"Silver, do you think we'll have so many kids someday?" I asked.


"Tsss. You barely talk, but when you talk it's big, you know."

"Just... answer."

"I don't know. But I want to. You are my first. First in almost everything."

"Stupid. And corny."

But I know that very time, I'm the most stupid. Because I wanted him to answer that
he's gonna marry me, stay with me, have kids with me. Flowers, rings, wedding
bells, and babies. These kinds of thing. But I want him to answer the otherwise. I
want him not to like me, not to love me. As much as I'm anxious with the future,
it's as blurred as a steamed glass. Can you blame me for being this mad? Hindi ko
alam ang mangyayari sa'kin. At kung gaano katagal pa ang future. Can anyone blame
me for dreaming so far about the future.

"Anong corny dun?"

"If you will marry me, hindi mo malalaman ang feeling kung paano makasama ang iba."
Perhaps he can't remember. I asked him to call me des-aise, maybe he thinks it's
just a term of endearment, but he don't know it's something else. I know eventually
he will realize what that is.

"Bakit ko naman gugustuhin makasama ang iba?" I'm hurting for this person. He's
loving me. And I want it to be forever. But I don't want to be selfish. I can't
even last for a lifetime.

"Para malaman mo kung may mali. Kung may kakulangan. So you'll know what it feels
like to be with someone else other than your comfort zone."

"Just shut up okay?" He kissed me. That was my first. Our first.

"Silver! Pag nakita tayo nila papa!"


"I don't want anyone else but you. I won't ever try or even be curious of how it
feels like with others. You are not just my comfort zone. You are my baggage
remember? Alam mo ba kung gaano ka kahirap alagaan? You are so clumsy and you
always get hurt! Ano ang comfort dun?"

"Even though we don't say it in so many words. Even though we don't speak at all. I
know you know what we feel. What we are..." That's what he always say. Because we
don't talk.

For us. Talk is cheap.

The night. It was The Night. Gabi bago ko sabihin sa kanya ang lahat. I can't sleep
of course. We didn't really talk because I'm in pain. But more because I felt all
the guilt of keeping my sickness in. For lying.

Pero the unusual silence didn't struck him as unusual. Eh in general naman kasi, we
don't really talk. Nasanay lang ako na hinahawakan niya yung kamay ko habang
sasabihn "Lampa" ng pabiro. He didn't realize the impeding storm. My father broke
the news to me.

"Yes, you're leaving."

"Dad!"

"Remember Lucas? His father is a great Oncologist practicing at the States."

Pero what do we say to mom? To Clarice... to Silver?

My mom is a survivor. She is cancer survivor. Thank you genetics, I was lined up to
the moon and I got this, sickness. At alam kong hindi niya magugustuhan kapag
nalaman niyang ganito rin ang sitwasyon ko. It will put much stress into her, and
we didn't risk telling my sister about it.
"Sasabihin nating mag-aaral ka sa ibang bansa. Besides, that's what you're going to
do. I'll arrange homeschooling for you."

"O-okay."

"I'm trying my best to keep you alive my baby. I love you... But you have to
consider your love ones, too. You wouldn't tell your mom about it, okay? You
woudn't risk hurting our love ones?"

I also would not risk telling Silver. I love him.

"Ready?" sabi ni Lucas. He's been pestering me all this time dahil bully siya at
arrogant. Kabaliktaran ni Silver. He's much of talker himself. He can talk all day
and recite his autobiography maybe until his death. Twice. Without getting bored. I
decided to makeup with him para na rin maayos ang pagpunta ko sa States dahil siya
naman ang sasama sa'kin papunta doon. And his father's gonna be my savior.
Hopefully.

"Yep."Lumingon ako sa likod. My dad kissed me at my forehead. Si mommy hindi na


sumama dahil mahina pa siya.

"Clarice?" tinawag ko pa yung kapatid ko para yumakap sa'kin. I'm gonna face a life
and death situation but she doesn't know. She won't know. She's too young and
besides, we couldn't risk telling her coz she might tell mom. We don't want that.

"Ah. Ate Clay, wait." She's too young. Years younger than me, pero kung iisipin,
mas mature pa siya mag-isip. I wonder what she's up to, now.

"You'll missed me?" I teased her. Pero niyakap ko din siya at hinalikan sa pisngi.
Our dad nudged me to go on kasi naghihintay si Lucas."Magpakabait ka ha?" huling
sabi ko tska ako umalis.

"Ate wait lang kasi!" this time hinawakan niya na yung kamay ko.
"Clingy ka talaga!" ginulo ko yung buhok niya.

"Hindi ate si-" bago pa siya nagsalita, may sumigaw ng pangalan ko.

"Cleo Reese!"

I know. I know kung sino yun kahit di ako lumingon. Yung taong di ko pinansin ng
ilang linggo. Yung taong hindi ko na kinausap kasi hindi ko alam kung paano ko
sasabihin sa kanya ang lahat. I may be unfair, pero that time I thought that was
the best choice. Less complicated choice.

"Kuya Silver, buti umabot ka."Sabi ng kapatid ko. Dun ko lang narealize na siya
pala yung ka-text nito kaya kanina pa ito aligaga sa hawak na telepono.

I looked back. He's drenched with sweat. At first, ang tanong ko kung paano siya
nakarating dito pero nasagot naman yun ng makita ko si Dra. Torres. Grabe nahiya
ako. She even drove his son hanggang dito sa airport? She knew my condition. I just
wished hard she didn't tell Silver.

"A-anong ginagawa mo?!" It felt surreal. I haven't heard him speak like that. Yung
galit. Anxious pero mukhang malungkot.

"I need to go." I don't know. Alam niya na ba? Naawa ba siya sa'kin?

"Bakit? Saan ka pupunta?" his eyes full of questions. Right, hindi niya pa alam,
hindi sinabi ni Dra. Torres sa kanya. Wala pa siyang alam. He's even shooting
daggers kay Lucas. Oh my God. He still clearly has no idea. I want to forget
everything and hug him forever. Pero my dad have this firm look in his face.

We won't risk hurting the one we love.

"Silver." I tried so hard to speak. We really need to go. I need to go pero hindi
ko alam ang madaling paraan para sabihin sa kanya. It was a very sudden thought. It
wasn't planned. But it's a temporary fix. This way he can't hold onto me.

"Boyfriend ko nga pala." I grabbed Lucas' arms. "We'll study abroad. Together.
"gulat silang lahat. And my Silver looks very hurt. Anong gagawin ko? I bit my
tongue para hindi maiyak. Sa lahat ng pagtitiis, ngayon pa ba ako magwe-waver?

"Cleo naman" he whispered My dad wasn't surprised as he knew I'm just making things
up. But my sister Clarice? Natulala sa'min ni Lucas. Hindi rin alam ni Clarice.

"You heard her." si Lucas naman ang nagsalita. At sumakay pa talaga ang lalaking
ito. He held my hand at pumunta na kami sa departure area. Hindi na ako lumingon
pero yun ang pinagsisisihan ko sa lahat. Because my last mental image of Silver is
he being hurt.

"Kamusta na siya?" puro siya lang naman ang laman ng pangungumusta ko kay Daddy.

"He's always here. He barely talks. Pero palagi pa rin siyang pumupunta sa roofdeck
ng ospital. He's here every single day, waiting for you."

Oh my God Silver! What have I done to you? I'm sorry... I'm really sorry...

"Ano pong sabi ni Dra. Torres?"

"She filed a resignation. She's withdrawing her bond." Malungkot na sabi ni daddy.

"WHY?"

"She wants me to restrict her son from going to the hospital premises. But you know
we can't do that. His mom works here. And there's no legal way to do that. It's not
healthy for Silver anymore."

"So she decided to just resign?"

"Yes. They won't be going here anymore. They have no reason to be in the hospital
anymore."
"I'm sorry... dad."

I cried for days. The treatment is so painful, pero masakit din yung mga sumunod na
pangyayari. Ever since Dra. Torres moved to another hospital, I've never heard
anything about Silver anymore. It's been years. Lahat ng treatment.

And when I was allowed to comeback to the country, una kong hinanap kung saan
nagtatrabaho si Dra. Torres. Very unpractical for someone who owns a private
hospital, but I want to find Silver as soon as possible.

"Mom why? Aalis na kam- God." Papasok si Silver sa kwarto ko habang nandoon ang
mommy niya. That was the first time we've met after years of being away.

"Here's our Silver." sabi ni Dra. Torres

"Wh- what are? H-how?" he's stuttering. I can tell he was surprised. Napanatag ako.
Kasi hindi lang balewala ang presensya ko sa kanya. I'm still someone to him.

"Just a minor accident!" excuse ko na naman. Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa
rin sinasabi. Siguro tska na kapag magaling na magaling na ako. Kapag okay na
talaga. Kapag wala na ang masasamang cells na ito.

"Ahh... Same old you." he's pertaining to me being clumsy. Oh God he still
remembers!

"Oo, eto pa rin ako. Ako pa rin si Cleo." I hope I can get the message across. Na
ako pa rin 'to. Mahal pa rin kita.

"Magpagaling ka..." that's all he said.

"SILVER???" may nagsalita sa labas. I didn't see kasi lumabas na agad si Silver at
isinara ang pinto. Her mom examined me again. And again.
*

Nung parang ang bagal-bagal na ng mga oras. Nainip na ako. Nakapagenroll na ulit
ako dito sa Pinas. Naging panatag ang loob ko kasi na-credit yung homeschooling ko
at nakakuha pa ako ng highest grade sa chemistry sa history ng school na yun.
Chemistry...

Nagawa ko ng lahat pero hindi pa rin bumabalik si Silver. Ilang beses na akong
nagpapa-admit pag may treatment pero wala akong naabutan. Then I finally said to
her mom.

"Tita, pwede ko po bang kausapin si Silver? Please? I'll tell him everything?"
tumango lang ito. Ilang araw din akong naghintay bago siya dumating. Pero nung
dumating na ang araw na yun. He's gotten colder. He didn't even flinch nung sinabi
kong I'm back for good.

"Me and Lucas. We were never together. I lied. Hindi naging kami." Napakaraming
introductions at pagpapasakalye ang pinaghandaan ko pero nung nandoon na ako sa
situation, naging straight to the point ako.

"Alright."

"Silver naman!" I was so disappointed. Mas maraming reaction ang ineexpect ko.
Magagalit, magtatanong, o matutuwa. Pero hindi yung kibitz-balikat na alright ang
ineexpect ko.

"Cleo Reese."

"Bakit? Wala na ba akong babalikan? Wag mo sabihing naniwala ka na naging kami


talaga ni Lucas?"

"Huh? You said that yourself Clay, 2 minutes before you walk to that departure
area, yun lang ang sinabi mo sa'kin. You and that Lucas are together."
"It's not true."

"Your sister even knows it's true"

"Wala namang nakakaalam ng tunay na nangyari. Ako lang, si Lucas tska ang daddy
niya. Si daddy. And now ikaw. Ayaw lang kitang maghintay kaya ko nasabi yun. And
yun yung time na I'm not even sure if I can live..."

"Well... you lived through it..."

OMG. Can I absorb this? Anong sinasabi niya? I faced death a few years ago and it's
even with me now, at sinasabi niya na parang wala lang?

"W-what?"

"You are alive."

"Aren't you happy? To see me again?" I want to cry. I know this is all my fault.
Pero ang sakit.

"Bakit ka nandito sa ospital na 'to? Kinakumusta mo pa ako palagi kay mommy..."


iniiba ni Silver ang usapan.

"Gusto kitang makita... Ayaw ni daddy na umuwi pa ako dito. Pero gusto lang kitang
makita..."

"Cleo..."

"Is there someone else?"

"Cleo how many years?!"


"Answer me, is ther someone else? Have I been replaced?"

"Replaced? No... I mean... You left... I was alone... I'm not replacing you... You
weren't here in the first place..."

"You're seeing someone?" This is a nightmare. He nodded. Di ko na napigilan.

"Do you love her?"

"I... I can see my future... with her..." nagkaroon ako ng chance. Sick chance na
nagstutter lang siya, naisip ko na agad na hindi niya mahal kung sino man yun. Na
may space pa rin na natitira pa sa'kin sa puso niya na kahit kaiilanman hindi
mapupunan. He can't answer directly.

"Future?" I want to psych him. Gusto kong maniwala siya na ako pa rin. "Silver,
Love in the future is a fantasy. I'm here... Nandito pa rin ako."

Hanggang sa may nagbukas ng pinto.

"Zy?" he gasped. Is she the one? Bakit bigla-bigla siyang pumapasok? Omg, Am I
being punked?

"Hindi lang ako basta future! Ako din ang present. Ikaw. Past ka na. Past na Ms
Cleo. At kung ano mang Love in the future ang sinasabi mo, ang masasabi ko lang..."
Tumingin pa siya sa akin. "Love in the past is a memory. Alaala na lang. Nandito na
lang sa utak, wala na sa puso."

She walked out. But just as I am recovering of the shock... Of all the things that
are happening. Lucas came. Of all time, ngayon pa?

"Lucas?"
"Right... You guys are really not together." Silver said with all sarcasm. At least
he didn't went out and followed the girl dahil siya rin ay nagulat ng magkasalubong
sila ni Lucas sa pinto.

"Silv-"

"You're still not telling him, Cleo?" naiiritang sagot ni Lucas.

"No!!!" I shouted. Hindi ngayon. Ayokong sabihin ngayon. I am still sick. I am


still the same.

"Tell him!" sumisigaw na rin si Lucas. "Tell this bastard!"

"No! I don't wanna hear about it!" lalabas na sana si Silver.

"Dumbass! Akala ko ba matalino ka? Cleo's got head and neck cancer! Don't you know
why you she can't talk?"

"STOP IT!!!" sumisigaw na ako. At sumasakit na naman.

"She had thyroid cancer! My allmighty dad had already removed her thyroid and she's
received every radiology isotope treatment! And you think that ends there?" Lucas
said with rage and arrogance.

"ITIGIL MO NA!!!" nagsusumigaw na talaga ako.

"It didn't stop there! You think you're a smartass? Well not enough! You don't know
anything about head and neck cancer. Hindi mo alam na kumakalat yun! Hence, Head
and Neck Cancer. Had lived in her salivary gland, and now her lymph, and you still
want her to talk even though its this painful!"

"W-what?!"
"No!! No!!" I'm in hysterics. I didn't know my revelation's going to be in the hard
way. I don't wanna hear how worse my condition is. Silver just knows I don't wanna
talk. That talk is cheap. Not because I really can't talk. Because of this serious
condition. Head and neck cancer.

"Wag ka ng sumigaw Cleo, please. "pinapakalma ako ni Lucas. "You see what you did
to her?" sabi niya naman kay Silver.

"No..." nagulat na lang ako when he hugged me. "I didn't know... I didn't know..."
he hugged me real tight.

Pero ayoko ng ganito. Ayaw ko. Pero iba na ngayon. Hindi na yun ang mga dahilan ko
kung bakit ayaw ko pa rin sabihin.

"Bakit hindi mo sinabi?" he asked again. "I just thought... I thought we just love
silence... How come I didn't see through this?"

"What you don't know won't hurt you."

"That's a stupid saying!!! Cleo we are in the 21st century. Ang totoo, what you
don't know will killl you. Ignorance is bliss but not being worried. But I'd rather
know the painful truth and learn and adjust from it than to be in the shadows! What
you don't know won't hurt you ba kamo? Tingin mo ba... Kapag itinago mo sa isang
bulag na mahuhulog na pala siya sa bangin, it won't hurt him? Hindi nga niya
malalaman na masasaktan siya, pero masasaktan at masasaktan pa rin siya. At hindi
nito mapipigilan ang pagkamatay niya! Do you get me?"

"I KNOW! I KNOW! I WAS WRONG SILVER!!"

"Stop shouting. Stop talking..." he hugged me again.

"Niyayakap mo ba ako ngayon dahil mahal mo ako? O dahil naawa ka sa'kin?" I asked
directly at tinignan ko siya sa mata. Ayokong balikan niya lang ako dahil naawa
siya sa'kin. I want him to tell me he still loves me at hindi lang dahil sa awa.

I waited for an answer.


"Cleo, I..."

*later*

##################################

~~Chapter Seventy- Square One~~

##################################

:iamprincessria: "Kung si Zylie, external part lang body nagkamalas-malas, sugat,


bruises, pilay etc, si Cleo naman sa internal, puro Cancer. Gosh. Parehong malas
ang nagustuhan ni Silver! Hahaha!"

SILVER's POV

"Why can't you just tell me mom? Tungkol saan ba yun?" giit ko sa mom nung nagusap
kami tungkol kay Cleo after everything.

"Hippocratic oath and secrecy." Dun palang kinabahan na ako. It's like telling you
it's a big thing but shuts their mouths right after.

Hindi ko alam ang gagawin nung mga oras na yun. I just can't drag Zylie into it. Ni
hindi nga niya kilala si Cleo. I know she's heard of her, at nakita pa niya mismo
yung isa sa mga video namin, thanks to Orange. Pero hindi sila magkakilala. And
who's in the right mind to drag his girlfriend to meet an ex? Who does that,
really? Lalo pa nung panahong yun na magulo kami ni Zy.

Kaya ang una kong naisip eh si Bettina. I asked her to accompany me para samahan
ako sa ospital sa kabila ng lahat ng nangyari. Siya lang din naman ang
napapagkwentuhan ko ng tungkol kay Cleo. Too bad she assumed a lot kaya nasaktan ko
siya. Nasaktan namin siya ni Zylie. Kaya I can't believe na sasamahan niya pa rin
ako. After all these things.

"Well, I think I have a right to get to know this Cleo you've been talking about."
yun lang ang sagot niya. We braved the path papuntang ospital. Pero isa akong duwag
nagbago ang isip ko bago kami pumasok. So many inhibitions. So we ended up not
meeting Cleo.

At ano pa ang nakita ko pagkatapos? I saw Zylie slapping Bettina. And it's like
I've seen the worse of her. So what happened, pinagsisisihan ko lahat. Na kailangan
niya pang masaktan lalo dahil sa akin. I tried to make it up. I went to the
hospital. To her.

I told her to meet me in front of Cleo's room ng ala-una. Pero she didn't come.
Nagbigay ako ng grace period dahil baka hindi lang siya maka-alis sa kwarto niya.
Pero when 45 minutes has already passed, pumasok na ako. Pikit matang pumasok ako.

I learned of Cleo's situation. Unti-unti. She made me understand that she's not
with Lucas. Nagulat ako sa sarili ko ng makapa ko sa puso ko na it didn't really
matter. Kung naging sila man o hindi, it doesn't matter anymore. Pero hindi ko pa
rin maiaalis yung katotohanan na si Cleo na yung nasa harap ko. In flesh. Nawala
lahat ng pinaghandaan ko kagabi. Lahat ng gusto kong isumbat. Lahat ng gusto kong
itanong. Hindi ba ganun naman? Kahit ilang paghahanda pa ang gawin mo, when you're
into that very situation, kung anong mismong nararamdaman mo, yun ang lalabas.

Everything flashed before my eyes like a dream. Hindi ko alam kung dahil ba sa dami
ng nararamdaman ko, o dahil hindi pa ako kumakain, o dahil sa hindi ako nakatulog
kagabi. Then, Zylie came. She's fighting for me. She left. And I wanted to follow
her, until Lucas came in.

Yes, pumasok si Lucas na parang on cue para hindi ko masundan si Zylie. Doon ako
parang nagising. Cleo's saying all this time na hindi naging sila pero bigla na
lang siyang papasok kung kelan papasok na ako as if he really chose that moment to
enter. I was mad. I'm dead tired pero nagagalit ako. I hate dark lies. Pero naiba
na naman ang nararamdaman ko ng malaman ko ang totoo.

"Niyayakap mo ba ako ngayon dahil mahal mo ako? O dahil naawa ka sa'kin?"

"Cleo, I..."

"What is happening?" bago ko pa man maisip o matapos yung sinasabi ko, pumasok si
mommy sa kwarto kasama ang isang nurse. "They said they heard people shouting.
Didn't you know that this is a hospital?" she wasn't actually talking to everybody
in the room. I know for a fact na sa akin lang siya nakatingin na parang alam
niyang ako ang may kasalanan ng sigawan kanina.

Lumabas si Lucas. I went out, too. But I stayed right outside. When mom finished,
sinundan ko siya sa sarili niyang desk.

"Please leave, Marcus." Sabi niya sa isang apprentice ng pumasok kami.

"Pero doc, I've already found the-"

"Leave. Rest. Come back after a few hours." Walang nagawa ang kanyang junior kundi
sumunod. Umupo si mommy sa likod ng desk at sinunot ang reading glasses. She knew
I'm here pero parang hindi niya pinapansin yung presence ko. But I know alam niyang
I would talk to her kaya nga niya pinaalis yung apprentice.

"Why?" I started. I have so many thoughts running in my head right now. Nagbalik
yung diwa ko years ago. At yun lang ang lumabas sa bibig ko. "Why mom?

Walang sagot.

"Mommy!"

"Silver, relax."

"Mommy, relax? With all these things happening, how can I do that?" I demanded.

"With all these things happening, mas importanteng maging kalmado ka anak." She
caught on.

"Why- Why didn't you tell me?"

"You know I couldn't tell you. I'm a doctoar I have this oath--"

"DAMN THAT OATH!"

"You don't shout at me Silver Jeremy!!" she warned.


"She's my girlf- she's my friend. Why couldn't you at least tell me what's going
on? I'm your son. I am family."

"Before I became your mother, I'm already a doctor, Silver."

"Wag mo sabihing mas importante pa yan?"

"You don't talk to me as if I don't know what I'm doing! That prestigious hospital
is so important to me, too! And I even resigned and withdrew just for you!" it
mattered "I wanted you to move on. I wanted you to have a life."

"Who told you to do that?! Sinabi ko bang gawin mo yun!?"

"Can't I decide for my own son?"

"I thought you're not blurring the lines between your profession and being a
family?"

She slapped me hard.

"Sobrang bata mo pa Silver para magkaroon ka ng problemang ganyan! Napakabata mo pa


anak para isipin ang tungkol sa kung sino ang mahal mo at kung sino ang pipiliin
mo."

"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ka, bagsak ang mga balikat.

"Think. Rest. You'll get by."

**

Right. I spent the rest of my days thinking. Alam ko naman, I'll get by. Sure. Pero
paano sila? Walang araw na hindi ko naiisip kung anong ginawa ko sa mga buhay nila?
Ako ba talaga ang may kasalanan? I don't believe in fate and everything that goes
through destinies. Walang kwentang excuse lang yun ng mga walang plano at
patutunguhan sa buhay. Pero bakit ngayon tinatanong ko kung nakatadhana bang
mangyari lahat ng yun?

Malapit na rin yung pasko. Yung dating napakabilis na Christmas Vacation, ngayong
taon parang naging napakabagal ng lahat. Wala na kasi akong ginawa kundi magbasa ng
libro na paulit-ulit ko lang namang sinisimulan dahil mare-realize ko na wala pala
akong naintindihan.

Hindi rin ako masyadong lumalabas ng kwarto dahil awkward kami ni mommy. Yung phone
ko, wala sa tingin ko, na kay Zylie parin, hindi ko na maalala pero, hindi ko yata
nakuha sa kanya nung binibigay niya sa park. I don't have anything to do but think.
Kung tatanungin, parang hindi na nakakausad yung buhay ko kasi hindi ko alam kung
saan ako magsisimula.

Maya-maya bigla na lang bumukas yung pinto.

"Kuya oh!!!"

"Kuya siya!"

"Ikaw naman kaya!" Bigla na lang pumasok sina Orange at Lemon sa kwarto. Ganyan
naman sila eh. At ganito din ako, hindi nagla-lock.

"Kuya kinuha ni Orange yung damit ko!" reklamo ni Lemon

"Akin kaya ito! Kuya! Parehas kami ng damit na binili ni mommy, tas
pinagbibintangan niya ako na kinuha ko daw dami niya eh akin naman ito!"

"Akin yan, malinis yan eh yung sa'yo parang basahan na!"

"EHHH!"
"Orange! Ibalik mo na yan!" suway ko, masyado na silang maingay

"KUYA!" nagreklamo siya pero alam ko namang alam niya. Tuso kasi yung batang yun.
Alam kong gusto niya lang makipaglaro kay Lemon na napakailap.

"Kung ayaw mo, sige Lemon ibigay mo na yan, bibiilhan na lang kita ng bago.

"Oo na oo na!! Psh!" binigay ni Orange ang damit kay Lemon at lumabas ng kwarto.
Sabi ko na tama ako.

"Nakakainis! Sabi ko na damit ko 'to eh!" tiniklop ni Lemon ang damit at umupo sa
kama ko. Mukhang ayaw niya pa munang bumalik sa kwarto nila ni Orange.

"Hayaan mo na. Baka di mo na naman kasi siya pinapansin."

"Ang ingay niya kasi kuya! Nag-aaral ako eh!" Napakamot ako. Christmas vacation
nagaaral ang kapatid ko? Mukhang di ko nga masisisi si Orange sa panggu-gulo niya.

"Kakain na po!" maya-maya kumatok si Ate Poty

"Sige bababa na."

"Tara na Lemon." Bumaba kami ni Lemon at nakasabay pa namin si Orange sa staircase


at naging awkward ang dalawa. Talaga nga naman ang bata-bata pa pero may mga ganung
pangyayari na.

"Poty! Tulungan mo nga ako dito!" sumigaw si mommy mula sa kitchen. Siya pala ang
nagluto, palibhasa nandito siya at hindi siya nag-duty sa ospital.

"Wala 'mmy! Lumabas, baka nagpaload!" sagot ni Orange.


Ako na lang yung tumayo para tulungan si mommy sa kung ano mang ginagawa niya.
Imposible namang tumayo si dad na parang hari na nagbabasa lang ng dyaryo sa dining
table.

"A-ako na po."

"Ahh.. Silver" awkward din si mommy sa'kin. Naalala pa rin niya siguro na nasampal
niya ako. Hindi naman kasi niya gawain yung manakit ng anak. "Sige anak pahawak
nitong casserole"

Tinulungan ko siyang magprepare ng food ng walang imikan. Gusto ko tuloy tanungin


si Ate Poty kung bakit niya kami tinawag at sinabing kakain na eh wala pa ngang
nakahain. Sabagay, ganun naman, tatawagin kami para bumaba na at sasabihing dinner
is ready pero ang totoo, niluluto pa lang.

"Hmm, okay na po ba?" tanong ko ng halos ready na ang pagkain.

"Yes, thank you anak."

"Dalhin ko na po 'to" kinuha ko ang isang putahe at pupunta na sana sa dining area
para makawala sa awkward air namin ni mommy ng magsalita siya para pigilan ako.

"Pinuntahan mo na ba siya?"

"Mom, no... I haven't-"

"I haven't even mentioned a name."

"Po?"

"Sino bang una mong naisip sa tanong ko?" weird ni mommy, pero napaisip nga ako.
Ano ba yung tanong niya? Pinuntahan mo na ba? Wala nga siyang nabanggit kung sino.
Sino bang pumasok sa utak ko?

"Dalhin mo na yan." Si mommy na rin mismo ang nag-iba ng usapan. Tahimik kaming
nag-dinner. Nagkakatampuhan yung kambal, kami ni mommy, awkward pa din. Hindi din
naman masyadong nagsasalita si dad tuwing kumakain.

Umakyat na rin naman kami agad pagtapos kumain.

"Pwede ba dito muna ako?" paalam ni Lemon na kasunod ko pala sa kwarto ko. Siguro
ayaw niya munang pumasok sa kwarto nila ni Orange.

"Sige" pumayag din naman ako "Kung may mahahanap ka diyan na librong maiitindihan
mo, yun na lang muna ang gawin mo dito" bahala siya. Hindi naman magulo si Lemon
para intindihin pa. Tska ko na lang kakausapin si Orange.

"Hmm kuya ano 'to??" sabi bigla ni Lemon ng makapwesto na ako sa pagbabasa sa kama.

"Huh?" di ko kasi makita dahil nakayuko siya. Nakalimutan ko na rin kasi yung
pagkakaayos ng kwarto ko simula ng ayusin ulit ni Ate Poty nung umulan sa loob ng
kwarto at nasira ang mga bagay-bagay.

"Eto oh! Yung parang black ball?" hindi naman pala libro ang tinitignan niya.

Napabangon ako. Nakalimutan ko ng nage-exist ang bagay na yun. Meron nga pala akong
ganun. Hindi ko yun pinaniniwalaan dati, at natutuwa lang ako kaya ko kinuha yun at
iniuwi.

"Black?" pilit kong inaalala kung anong ibig sabihin nung mga kulay na yun.
"Sigurado ka bang black yan Lemon? Hindi ba Violet yan?"

"Huh? Black kuya eh." Inilabas niya pa ang Mood Ball. Black nga.

"KUYA SAAN KA PUNTA?!?!" Di ko na namalayan na lumalabas na pala ako. Mabuti may


gas pa sa kotse kaya mabilis ko yung napaandar.

Yun ba? Yun lang ba ang magtutulak sa'kin pumunta doon? Nung maalala ko yung mga
ibig-sabihin ng mga kulay sa mood ball na kinuha namin dati sa isang katuwaan,
parang kinabahan ako. Hindi ba, hindi nga ako naniniwala na totoo ang mood ball? Na
hindi naman nito kayang ipakita ang nararamdaman ng isang tao lalo na malayo ito.
It's just thermotrophic liquid crystal. Magbabago ang kulay ng mood ball at mga
mood rings depende sa init at temperatura.

But why am I panicking. Because black means hatred? Is it? Does it?

Ilang minuto lang, narating ko na rin yung bahay nila. Naghanap ako ng pwedeng
pagparadahan pero sa di kalayuan pa ako nakakita. Nilakad ko na lang ang papunta sa
bahay nila Zylie habang naghahanda ng mga dapat sabihin. Hindi ko alam kung
blacklisted na ba ako sa bahay nila o kung alam ba ng mga magulang at kuya niya na
naospital siya ng dahil sa'kin. Pero kilala ko si Zy, malamang sa malamang, gumawa
siya ng paraan para hindi yun ipaalam. Hindi sa ikinatutuwa ko iyon.

Ilang hakbang na lang papunta sa tapat ng bahay nila Zy ng mapansing may tao doon.
May mga tao. Instinctively, nagtago ako sa likod ng mga bush ng mapansin kung sino
ang mga iyon. Si Zy at yung kapitbahay naming si Terrence. Si tanda. Bakit?

"Salamat." Sabi ni Zylie habang tumitingin sa likod. "Umuwi ka na baka makita ka pa


nila mama."

Una, natuwa ako ng makitang maayos na siya. Nakalabas na ng ospital at mukhang


malakas na. Pero bakit kasama na naman niya 'tong ex niyang teacher na 'to? Mukhang
baliktad yata ah. Hindi yata mood niya ang nirereflect ng bola, mukhang sa akin.

"Hersheys." Sagot ni Sanchez at hinawakan pa ang braso ni Zylie. Gusto kong masuka
sa tawagan na yun. Si Zy naman tumitingin-tingin pa sa likod na parang isa silang
magkasintahang may lihim na relasyon at nagtatago sa magulang. Ano bang nangyayari
sa'kin? Bakit hindi ako gumagalaw dito?

Maya-maya para akong naupos sa kinatatayuan.

Did he just kissed her?

What? At bakit wala man lang akong nakitang pagtanggi kay Zy? Gusto rin ba niya?
Nasaan yung Zylie na pumasok sa kwarto ni Cleo para ipaglaban ako? Para ipaglaban
kami? Tangina naman. Paulit-ulit na lang. Babalik na naman ba kami sa ganito?

*later*
##################################

~~Chapter Seventy One- Calm before the Storm~~

##################################

SILVER's POV

Stoned. Sa kinatatayuan ko. Did they really kiss o nabubugalagan lang ako? Maybe
this is paranoia, ain't it? That the universe is conspiring against me that I
thought they were kissing.

And if that's really what I saw, then... then maybe it's not even a kiss. It's just
Terrence kissing a log. Zylie didn't even moved or blinked.

But... but why didn't she say anything?

Matagal na ring umalis si Sanchez at yung balak kong sundan siya bago siya makauwi
sa ilalim ng saya ng nanay niya, pero hindi ko alam kung bakit parang napako ang
mga paa ko sa kinatatayuan.

"Silver!" may tumawag mula sa likod ko makalipas ang ilang minuto. Gaano katagal na
ba akong nakatayo dito? I didn't even notice.

"Ah!" seryoso, nagulat ako. I'm dwelling in so much thoughts habang nakatitig sa
pintuan nila Zylie ng bigla na lang may sumigaw sa likod ko.

Medyo hindi ko alam kung anong reaction ang ibibigay ko kay Zeus. Hindi ko ma-
tantsa kung ano ang alam niya sa'min. Kung ano ang nasabi na sa kanya ni Zylie.

"Bakit ka nandiyan? Nung nasa malayo akala ko kung sino eh." Natatawa-tawang sabi
ni Zeus habang inaakbayan ako "Ikaw lang pala, tatawag na sana ako ng tanod dahil
parang may nagmamanman sa bahay namin eh. Ang tagal mong nakatayo diyan! Akala ko
nga tinubuuan ka na ng ugat diyan eh." he even smiled. He's way too friendly para
masabing galit siya sa'kin. That Zylie hasn't said anything. About everything...
Why?

"Nandiyan ba si Zy?" Kahit alam ko na nasa loob si Zyla, parang gusto ko pa ring
marinig kay Zeus na wala talaga siya doon. Na guni-guni ko lang yung nakita ko. Na
hindi nangyari yun. Na hindi siya yung nakita ko na pumasok ng bahay niya.

"Hindi ko rin alam 'tol. Kadadating ko nga lang hindi ba? Mas nauna ka pa nga
sa'kin dito eh?"

"Ahh. Yeah... Right." There goes my common sense? Naglaho na din ba ito kasabay ng
kaguluhan?

"Bakit hindi mo ba tinext si Zylie na pupunta ka dito?" tanong nito ng nasa tapat
na talaga kami ng mismong pinto nila. "Surprise ba?" mukhang excited pa si Zeus.
Kung alam lang talaga niya, baka dumapo na sa mukha ko ang mga kamao niya. Pinilit
kong ngumiti. Hindi ko na talaga alam kung ano ang tama at mali. Nawala na ang mga
rasyonal kong pagiisip.

"Ah, ano kasi, I lost my phone." Sinabi ko na lang yung isang totoong bagay na alam
ko. Pero naisip kong hindi rin pala ako sigurado kung nawala ko nga ito o naiwan ko
na naman kay Zylie. Hindi ko na matandaan sa sobrang labo ng utak ko nung gabing
yun.

"Eeeeiiii. Kunwari ka pa! Turuan mo nga ako ng mga da-moves mo 'tol! Hindi mo nga
daw tine-text si Zylie nitong mga nakaraan. Akala niya di ko napapansin, namumugto
kaya yung mata niya. Nagkasakit pa nung nakaraan. Ang sabi ko nga, love-nat lang
yun."

I knew it. Tinatago niya. She's just acting like nothing's happening. Infront of
her family. In front of everyone.

"Is she... is she okay?"

"Ba't di ka pumasok?"

Pinihit ni Zeus ang doorknob at binuksan ang pinto. Para naman akong nakaramdam ng
tensyon at nagmistulang duwag na tuta at napatayo ako sa likod ni Zeus.
"KUYA!!!!" nariig ko yung boses ni Zylie na excited sa pagdating ng kapatid niya.
She seems perfectly happy. I should be relieved, I know. But why do I think
something's really wrong that she can be this happy. This ecstatic. This isn't even
her normal. "Nabili mo ba yung chocolate na ibinilin ko?" naramdaman kong tumayo si
Zy at lumapit sa kuya niya. At ako eto pa rin, nakatayo sa likod ni Zeus.

Para siyang batang naglalambing sa nakatatandang kapatid. Kung makahingi siya ng


pasalubong, para lang siyang ka-edad nila Orange at Lemon. Why can't I smile and
feel relieved that she's acting nice?

"Hershey's nuggets lang ang nakayanan ko. Wala akong pera taba." Hersheys? Even
this?

"Thanks kuya!"

"Ahm ehem!" tumikhim si Zeus. "May bisita ka nga pala!"

"Ha?" Tumabi si Zeus para makita ako ni Zyla. Lumapit pa ito may ibinulong sa akin.
"Bilib din ako sa'yo tol, may patago-tago ka pa sa likod ko ha?" pagtapos nun,
pumasok na ito nagbigay din ng tsokolate sa mga magulang.

"Moms! Pops! Catch!" seryosong ibinato nito ang mga Hersheys Nuggets sa mga
magulang. "Wala ka talaga mama! Wala kang skills! Tumatanda ka na talaga! Hahaha!"
pinagtawanan pa nito ang nanay na hindi nakasalo ng parte nito ng tskolate. Kung
wala lang akong problema at iniisip, baka nahawa na rin ako sa pagtawa ni Zeus.

"Talaga itong batang ito!" kinuha pa ng nanay nila ang alpombrang suot at akmang
ihahampas kay Zeus na agad namang nakaiwas. Ang saya ng pamilya nila. Napasulyap
din ako kay Zylie na malapad ang ngiti habang nakatingin sa kapatid at sa mga
magulang.

Parang mali yata na nandito ako.

"Mama naman! Hahaha! Aray! Aray!" umiiwas pa rin si Zeus sa mga mahihinang hampas
ng ina. "Nandiyan kaya si Silver! Baka sabihin minamaltrato niyo kami."

"Good evening po." Nagsisimula pa lang akong humakbang paatras tinapunan lang ako
ng tingin ni Zy. Pero ngayong nagbigay-bati na ako sa mga magulang niya, hindi pa
ba ako papasok?

"Bakit hindi ka pumasok?" napaupo ang nanay nila sa hapag-kainan. "Kumain ka na


ba?"

"Hindi pa po." I lied. Kumain na ako pero gusto kong maimbitahang magtagal sa bahay
na yun. Something's really wrong.

"Umupo ka na dito." Yaya ni Zeus.

"Halika na rin Zylie at kumain ka na, tigilan na ang pagda-diet! Jusko! Hindi kita
papayagang kainin yang chocolate hangga't hindi ka pa kumakain!" sabi ni tita at
tumayo naman si Zy mula sa sofa. Isinilid naman nito ang tsokolate sa bulsa at
naglakad.

"Zy, dito ka na sa upuan mo. Silver, kuha ka na muna ng monobloc dun sa may likod
ng hagdanan." Sakto lang kasi ang mga upuan nila. Apat na upuan. Naisip ko, hindi
ba may nakakatandang kapatid pa si Zylie? Hindi ba nila isinasama yun sa pagkain
kapag umuwi ito? Tumayo ako para hanapin yung tinuturo ni Zeus.

"Zy, ituro mo nga kay Silver kung nasaan yung silya!" sabi ng tatay niya.

"Kaya niya na yan."

"ZY!"

"Tatayo na!" naglakad siya at nauna pa sa'kin. Naramdaman niya yata na hindi pa ako
tumatayo kaya lumingon siya. "Halika na!" ngumiti siya tska dumeretso na sa likod
hagdan.

"Excuse me po." Nagpaalam ako sa mga nakaupo sa hapag-kainan. Sumunod na rin ako sa
pinuntahan ni Zy. Mukhang maayos na siyang nakakalakad. Parang wala ng bakas ng
pagka-sprain niya nung Christmas ball. Na-sprain ba siya ulit nung hinabol niya ang
kotse ko?

Naalala ko pa yung itsura niya nung sinasabi sa akin kung paano niyang hinabol yung
sasakyan ko nung gabi yun...

"At Silver... Di naman ako tanga para akalain na aabutan ko yung sasakyan mo...
Hindi naman yun... Hinabol kita... kasi umasa ako... na titigil ka... babalik ka...
O kahit lumingon ka lang. Kahit tignan mo lang ako sa side mirror.... Yung makita
mo lang na hinahabol kita..."

Makakatulog ba ako sa gabi kung palagi kong maalala yung mga sinabi niyang yun? Na
hindi ako lumingon?

"Huy ano ba! Nakikinig ka na? Ayan yung mga monobloc. Hilahin mo na lang yung isa
kasi nakasalansan na yan eh. Hindi na ginagamit kaya matagal na yang patongpatong."
Nag-space-out na pala ako at hindi ko na namalayan na nagsasalita na pala siya.
"Sige, sunod ka na lang dun ha?" umakmang aalis na siya.

"Saglit!" pinigilan ko siyang bumalik sa hapag-kainan.

May mga bagay kasi akong hindi maintindihan. Hindi ko alam kung paano ako hinaharap
ni Zylie ng ganito. Parang hindi normal. Nginingitian niya pa ako? Nakakausap ng
maayos. Parang mas gusto kong ipakita na lang niyang galit siya sa akin kesa yung
ganito. I can't even take any second like this.

"Yes?" masigla niya pang sabi. Nakakainis. Nagpunta ako dito dahil sa mood ball na
kulay itim. Hindi ako naniniwala sa kalokohan na yun dati, pero kung ang ibig
sabihin ng itim ay galit siya. Bakit ganito?

"Galit ka." Hilarious but I said it. Just because of the mood ball? Damn. I'm not
rational anymore. But man who says love is rational? "Ganyan ka ba magalit?"
nakatayo kami sa medyo madilim na cupboard sa ilalim hagdan kaya hindi ko gaano
maaninag kung anong naging reaksyon niya sa sinabi ko.

"Ha?" sagot niya na parang nababaliw na ako dahil sa sinabi ko.

"Zylie naman!"

"Bakit? Gusto mo tulungan pa kita? Sige halika." Pumunta siya sa patong-patong na


silya at hinila yun. Medyo nahirapan siya. Tama nga ang sinasabi niya kanina. Medyo
matagal ng patong-patong ang mga silya kaya mahirap na ring paghiwalayin.
"Ako na." I can't play this little game with her. Ayaw niyang sumeryoso at
pagusapan ang problema. Tinulungan ko na lang siya sa pagkuha ng silya.

"Hilahin natin na? One! Two! Three!" nagbilang pa siya at sabay naming hinigit ang
pinakaibabaw na monobloc.

Pero sa sobrang lakas ng paghatak ni Zy, napaatras siya at may nahulog na kung ano
sa ulo niya.

"ZYLIE!"

"Aah."

"Halika." Hinila ko siya patayo.

"Ang sakit."

"Sorry.." niyakap ko siya ng mahigpit "Sorry na Zy... Please..." Alam ko sa sarili


ko na ang sorry na yun ay hindi lang para sa pagkahulog ng bagay sa kanya. Sana
alam niyang may mas malalim na dahilan ang mga sorry na yun.

"Sorry." Bulong ko ulit sa kanya. Pero wala. Hindi siya umiiyak, hindi siya
gumagalaw. Hindi rin niya ako pinapaalis. I was right. Just like a log. Anong
nangyayari?

"Anong tunog yun!?" tanong ng kuya niya na pumasok na rin sa likod ng hagdanan.

"A-hm, nung hinihila namin yung monobloc, napa-atras siya at nahulog yung-"

"MGA KALDERO!" napakamot si Zeus "Bakit ko ba nailagay diyan yung kaldero! Sorry
Zy!" ginulo nito buhok ng kapatid.

Kaldero? Nahulog sa ulo niya? I can't imagine why she just said one sound. She
didn't even cry. I can't believe this. Totoo ba yung mga sinabi niya sa'kin dati?
Na wala na lang sa kanya lahat ng pisikal na sakit?

"Manipis naman yan at peke kaya di gaanong masakit 'diba Zy?"

Tumango naman si Zylie

"Wag na kayong kumuha ng monobloc, tapos na akong kumain, dun ka na lang umupo sa
upuan ko 'tol"

"Ah, sige."

"Sunod na kayo dun ah." Pagkatapos nun ay parang bulang naglaho na naman si Zeus.
Nagsimula na namang maglakad si Zylie na parang walang nangyari.

"Zylie!" pinigilan ko na naman siya. Baka wala na kasi akong pagkakataon mamaya
kaya kailangan ko na itong gawin ngayon. I have to seize the moment.

"Nakita kita kanina. Kayo ni Sanchez kanina sa labas..." mahirap sa'kin na isipin
'to, eh mas lalo na kung sasabihin, lumunok na lang ako "are you guys... kissing?"
the question came out so hard. Like a groan. Then I saw her body became tensed.
That's good reaction right? That's something normal. Humarap siya.

"Huh?" pero ayan na naman siya sa sagot niya. Maang-maangan na naman ba ito?

"Bakit ganun Zylie!"

"Bakit ano?"

I can't do this. I can't face these pretenses.

"Kakalimutan ko lahat Zy, Yung nakita ko, kung gusto mo. Hate me. Abhor me." Kinuha
ko yung kamay niya at inilagay sa mukha ko "Slap me. Okay? You can slap me! Saktan
mo rin ako... Just... just come back? Just be Zylie again.. Please..."
*later*

##################################

~~Chapter Seventy Two- Friends and Plans~~

##################################

Comment Highlights

namelessvixen: "...Ang importante naman diyan buo pa yung pagkatao ni Zylie.


Binigay naman ng lahat ni Zylie nung minahal niya si Silber to the point na halos
wala ng matira para sa sarili niya."

nissinwafer: "hindi niya pwedeng timbangin ang pagmamahal niya sa kanilang dalawa,
hindi rin siya pwedeng bumatay sa tagal ng pagsasama at kung sino ang nauna."

ALYANNA's POV

Binuksan ko ang pinto.

"OMG."

*blag*

Sa sobrang gulat ko sa nakita ko, sinara ko ito agad. Actually hindi ko talaga
naisip. Ever in my whole goddamned Dyosa life, na tatapak siya. Diyan. Right on our
doorstep.

The Silver Jeremy Torres.


*knock knock knock*

"Alyanna! Ano ba yan?! Yung pinto nga sabi!" si mama, grumpy na naman. Pinapabuksan
nga sa'kin dahil kanina pa may kumakatok, eh naglalaba naman siya. Yung kapatid ko
naman, feeling bunso at nagmamaktol kaya di mautusan. Inaantok pa daw siya. Jusko.
In the end, ako rin yung bumaba para buksan yung pinto. Kaya eto...

Sino ba naman kasi ang pupunta ng sobrang aga sa bahay? Like kakasikat pa lang ng
araw, ni hindi pa nga lumalabas yung kapitbahay naming nagpe-pedal ng bente-bente
na alam ko at sinasabayan ko pa ng tenenenene ang saliw ng padyak niya. Pati siguro
yung nagjajogging na ate na malakas magpatugtog ng , wala pa rin. Tas ngayon, siya
lang ang makikita ko?

Sorry, mali... hindi pala siya lang kundi, siya pa! Siya pa talaga ang makikita ko?
Di ko alam kung magka-cartwheel ako o tatalon simula sa pinakataas na baitang ng
hagdanan namin eh dahil hinahalukay ube yung tyan ko. Kinakain na ng large
intestine yung small intestine ko. What to do? What to do?

Oo. Fine. This is how it is. Ganun ko siya ka-crush. Super crush.

Pero pinigil ko din yung sarili ko. Naisip ko kasi yung sitwasyon. Siya lang naman
yung boyfriend ng isa sa bestfriends ko sa school. Di ko yun ma-absorb nitong mga
nakaraang araw kung pano nangyari yun. Hindi naman sa pinagdududahan ko ang karisma
ni Zylie, pero kasi... Hindi ko man lang nahalata na sila na pala. Ni hindi ko nga
alam na naguusap pala sila. Dapat pala nagduda na ako dati pa eh. Nung sa pool area
pa lang eh. Pero I looked past that kasi di ko talaga inakala eh.

Panay pa naman ang sabi ko sa kanila na uber na ang pagkabaliw ko kay Silver. Hindi
man lang ako sinabihan ni Zy at pinigilan...Hep hep, Silver is mine Yanny. Kaya mas
lalong, nahihiya ako kesa nagagalit. Nakakahiya na ganun ko pagpantasyahan si
Silver pero boyfriend na pala siya ni Zylie. Yung mga ganun...

Pero anong gagawin niya dito sa bahay? Aaminin niya na ba na ako talaga ang gusto
niya at hindi si Zylie? LOL. Assuming na assuming lang ang naisip ng utak ko. Pero
after one second, alam ko namang binabaliw ko lang sarili ko kasi hindi ganun. I
have the craziest thoughts.

*knock knock knock*

In fairness naman, with all gallantry, maayos pa rin siyang kumatok kahit
pinagsarahan ko siya ng pinto. Pero ako? Nasaan ang manners ko 'diba? Isang
mabuting lalaki ang maayos na kumatok sa bahay namin, at pinagsarahan ko lang ng
pinto right in his face. Naisip kong tumakbo muna sa ref para uminom ng tubig at
kumalma man lang si heart pero I dismissed that thought. Panigurado kasi eh sisigaw
na naman si mama at sasabihing pagbuksan ko yung kanina pa kumakatok at lalong mas
nakakainis yun.

Huminga na lang ako ng malalim. Pinunasan ko na lang mukha ko gamit yung t-shirt.
Gross, I know pero ayokong humarap na oily. Define oiliness pa naman ako kapag
bagong gising. Given the circumstances, kelangan pa rin naman mag-ayos ng sarili
kahit papaano hindi ba? It's not na magme-makeup pa ako. No. Sinuklay ko lang ang
buhok ko gamit ang kamay at nagbilang.

1...

2...

3....

Binuksan ko ang pinto.

"Oh Silver..." Pinagpa-sa Dyos ko na lang ang itsura ng mukha ko. Feeling ko
mapakla eh. Alam ko naman kasing nakita niya na ako kanina. At siguro alam niyang
nagprepare pa ako kaya natagalan ang sunod na pagbukas ko ng pinto. Medyo ineexpect
ko na ipapahiya niya ako. Pero bilang gentleman talaga siya, hindi niya na tinanong
kung anong nangyari at pinagbagsakan ko siya ng pinto kanina and everything
happened after that.

"Hi... Yanny?" kung bigkas niya ng Yanny... Parang close kami. Kahit pa sabihing
alangan siya sa pagsabi ng nickname ko. Marahil kapag nakukwento ako ni Zylie sa
kanya, panay Yanny ang nasasabi nun. Kaya maka-Yanny na rin si crushie. So ouchie.

"Come in." syempre hospitable daw. Pinapasok ko siya. I kept my cool pero sa isip
ko, tumatalon-talon at nababaliw na ang katawan ko. Ready na para bumula ang bibig
ko. Emeghed.

Pumasok kami sa medyo magulong living room namin. Medyo sira-sira na yung sofa na
nginatngat kasi nung aso namin nung nakaraan. Nababalutan na lang yun ng puting
mantel pero hindi pa rin naging maayos ang istura. Medyo pang-mahirap pa rin. Meh.
"Sige, upo ka lang diyan. Maayos naman yang sofa." Sabi ko sa kanya kasi medyo
nabasa ko sa mata na nag-aalala siyang umupo. Sorry naman daw at rich kid nga pala
siya. Siguro yung sofa nila, yung sobrang lambot na pwede ka ng matulog. Yung amin
di malaman kung pinagpatong-patong na malambot na science project na matutusok ka
ng kung ano kapag umupo ka. Surot maybe?

"Are you moving out?" medyo may malaking question mark sa mukha niya. Weird lang ng
unang tanong niya ha?

"Moving out?" Tinignan ko ang ipinagtataka niya. LOL! Mukha nga naman kaming
maglilipat ng bahay dahil sa kaguluhan ng mga gamit sa loob. May kahon pa ng mga
gamit. Nasa sulok lang ang mga damit (na lalabhan ni mama) at yung sofa at pati
yung maliit na organ eh natatakpan ng puting tela. Mukha nga naman kaming
maglilipat agad-agad haha. "Hindi! Ganito lang talaga..."

"Ah.."

Ang weird ng feeling. Na yung crush mo nasa loob ng pamamahay niyo? Tapos
nagsasalita pa. Hahahaha! Gusto kong magpasampal sa kapatid ko kung nananaginip
lang ako.

Tumingin-tingin si Silver Jeremy sa bawat sulok ng bahay. Biruin mong naka-puting


loose t-shirt lang siya at faded jeans pero bakit parang sasabak siya sa pictorial?
Yung buhok niya bakit parang parehas lang naman kaming sinuklay gamit ang kamay
pero ansabe ng perfectly messy hair? Tas jawline niya kapag naka-side view...
Parang pose lang sa isang photoshoot? Yung pagka-cross legs niya sa sofa na hindi
nagpabawas sa machismo niya. Bakit ganun Lord? Where is justice?!

"Ehem!" tumikhim siya at doon ko lang narealize na hindi na pala siya sa sulok-
sulok ng bahay nakatingin kundi sa akin na pala.

Sa. Akin.

"Aa-aahm Anong sadya mo?" I tried to compose myself. Siya kasi eh, super
distracting. Kung naging kasalanan lang ang sobrang ma-karisma, baka nabitay na
siya. Bwisit.

"Tungkol kay Zy."


Syempre. Malamang. Dapat alam ko na yun. Ano ba naman ang ipupunta niya dito. Alam
na alam ko na yun pero nalungkot lang ako. Wala lang. Nakakalungkot eh. Ipokrita
naman sa sarilil ko kung sasabihin kong hindi ako nalungkot diba? Sa isip ko na
lang ba, magsisinungaling pa ba ako? Tinry kong humanap ng rasyonal sa dagat ng
magulo kong utak.

Ilang araw pa lang mula ng magbati kami ni Zylie. Pumunta si Mikaela dito sa bahay
para bigyang linaw ang lahat. Ang totoo, mas malinaw pa sa distilled water at mas
maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga pangyayari.

Crush ko si Silver.

Naging sila ni Zylie.

Hindi sinabi sa'kin.

Ako naman, parang batang nagalit nung nalaman ko.

Yun, ganun lang.

Ako naman, bilang nagulat at parang na-betray, kaya nagalit ng bongga kay Zylie.
Pero naliwanagan din naman ako. Umupo ako sa silya na nasa harap niya. Ako na mismo
ang na-awkward na nakatayo ako, tapos nakaupo siya.

"Firstly..." panimula niya "I'd like to apologize... Uhm. I know, we kept things
from you... so...I'm sorry."

Oh. No. No. Alam kong eto yung gusto kong marinig right after malaman ko yung mga
pangyayari. Yung mag-sorry sila. Oo na walang kakwenta-kwenta yung mga pinagiiisip
ko nung nakaraan. Pero yun yung nararamdaman ko eh. Ewan ko ba. Pero nung narinig
ko na mismo yun na nanggagaling sa bibig ni Silver. Gosh, it sounded so wrong. Dun
ko narealize na wala naman silang dapat ipag-sorry ni Zylie. Na engot ako for
feeling and acting like that. Kahit bati na kami ni Zylie. Sa sinasabi ni Silver,
para akong hinampas ng kinuryente at nabuhay ulit. Sobrang narealize ko na kahit si
Zylie, wala naman talagang dapat ipagpaumanhin sa akin. Kasi, in the first place,
wala namang cheating at betrayal na naganap. Hindi naman sa'kin si Silver eh.
"Uhm.." hindi ako makapagconstruct ng maayos na sentence. Ngayon lang kaya kami
nakapag-one-on-one ng ganito nuh. "Actually wala na sa'kin yun." Tinignan niya ako
na parang di siya naniniwala. Parang gusto kong I-explian ang sarili ko. He is sort
of squinting.

"Actually nagkita na kami ni Zylie. Pinunantahan ko na siya sa ospital. Bati na


kami... Pasensya na... Kung... kung ano man yun... yung mga nangyari." Tumango-
tango siya. Nahihirapan din akong iexplain ang sarili ko kasi parang baliw lang
naman akong nagreact ng ganun eh.

Sobrang awkward silence. Hanggang bumaba yung bunso kong kapatid. Pupungas at
nagkakamot pa ng ulo.

"Ate may almusal na-" medyo nabigla siya at napatitig sa magandang lalaking nasa
harapan niya. Grabe si Andrea, bata pa talaga. Hindi maitago na nabigla siya at
humanga. Kulang na lang yata tumulo yung laway niya.

"Hello po!" Bati niya. Nung tinignan ko naman si Silver. Tumango lang siya at
tumingin na ulit sa'kin. Naghihintay na ituloy namin ang usapan. Pero grabe, sa
inasta niya, hindi niya ba alam yung oozing charisma niya dama pati ng kapatid kong
bata? Mukha kasi siyang masungit na tinapunan lang ng kaunting tingin yung kapatid
ko mula sa gilid ng mga mata niya. Hindi niya ba alam na na nakakainlab yun?
Kailangan niya magenrol sakin ng Limerence 101

Inayos pa tuloy ni Andrea yung buhok at damit niya. Halatang-halatang nagpapa-cute.


Gusto ko sana siayang lakihan ng mga mata pero naalala ko, yun din pala yung ginawa
ko kanina... nag-ayos. Tunay kasing mako-conscious ka sa sarili mo kapag si Silver
yung kaharap mo. Ewan. Siguro nga ganun. O sadyang pa-cute yung pamilya namin at
conscious sa itsura. Mana-mana.

"AY!" bago ko pa ituloy yung usapan naming ni Silver, napa-'ay' naman yung kapatid
ko na parang nagkaroon siya ng Eureka moment. "ATE!!!" tumakbo siya palapit sa akin
habang nakaturo kay Silver. Nakakaloka yung kapatid ko! Bakit niya dinuduro-duro si
Silver?

"Ahm... Andrea, kumain ka na doon, may kausap ako, wag kang magulo."

"ATE!! Siya yun 'diba?"


"Huh?"

"Siya yun!" ilang ulit pa bago ko narealize. At huli na ang lahat. "Siya yung
picture na nakalagay sa ilalim ng kama ko? Yung nakatapat sa ulo mo sa double deck
natin! Yung habang naka-higa ka kaya pinagmamasdan mo bago ka matulog! Yung
ginagawa mong stars habang nakahiga! Siya yun eh! Silver 'diba? Si papa Silver?"

Que Horror!

Si Andrea ang madaldal kong kapatid. So taklesa! Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Ibuking ba naman ako ng sariling kapatid!?!?! What the heck is happening?! Tinulak
ko si Andrea pabalik sa staircase at sapilitang pina-akyat!

"Humanda ka sa'kin Andeng..." binalaan ko siya sa bulong na maririnig niya... Na


manginging ang mga laman-laman niya. Kilala ako ng kapatid ko kapag galit na kaya
umakyat na lang din siya. "Ipapanik ko na lang yung pagkain mo!" sigaw ko na lang
kunwari.

Hindi ko alam kung namumula ba ako. At hindi ko na rin alam kung paano ako
nagkalakas ng loob na humarap ulit kay Silver matapos ma-reaveal sa kanya kung
gaano niya ako ka-fangirl at may picture siya sa harap lang ng mukha ko sa double
deck. Hay. Kakahiya.

"Easy, there." Hinawakan niya pa yung balikat ko. Mukhang sobrang tensyonado ko na
yata! Pero c'mon Silver! Sa mga ginagawa mo, hindi lalo ako makaka-kalma pisti!

"Sorry." Yun na lang nasabi ko.

"Hey, don't be."

"Ano kasi! Crush talaga kita eh! Masama ba yun? Crush lang naman eh. Madami namang
nagkaka-crush sa'yo sa school kaya dapat hindi na bago yun sa'yo 'dba?" Wala na! I
lost it. Lahat ng turnilyo ko sa utak nawala na. Ano bang pinagsasasabi ko?

"Alyanna?!" Napalingon ako sa likod ko. Si mama. Great.

Narinig lang naman ni mama ang confession ko na yun! Eh di nagmukha naman akong
talandeng babae niyan?! Huhuhu! Wala na bang mas magiging worse sa araw na ito?
Dibale na. Nandito naman si Silver.

Actually, may mga bula-bula pa yung kamay ni mama dahil galing siya sa paglalaba sa
CR. Kinuha niya yung mga labada na nakalagay sa dulong parte ng sira-sirang sofa.

"Boyfriend pala ni Zylie, mama!" tinry kong ngumiti at humarap ulit para ituloy ang
usapan. Na parang joke lang yung narinig niya.

Then it hit me. Parang nagkaroon ako ng malaking realization sa buhay matapos ang
lahat ng pagkapahiyang yun. Kaya maya-maya nung tahimik na, nung mapagpasyahan ni
mama na bumalik na sa paglalaba, eh nagsalita na ako.

"Siguro, nasabi na naman sa'yo ni Zy, na ganito. Na... ano kita... na cr-"

"Yeah." Siya na mismo ang pumutol sa pag-sabi ka crush ko siya. He's so kind.

"Ano kasi... Silver... Hindi naman talaga ako nagalit. Hindi ako nagalit na hindi
sa'kin sinabi ni Zy. Nung una siguro, I felt betrayed pero... wala naman yun...
Naging ganun ako kasi pala... nahihiya ako. Nakakahiya ako."

"Nakakahiya?"

"Kasi, sinasabi ko kay Zy, na ano nga... na type kita." Shucks I can't believe
nasasabi ko 'to sa harap niya. "Kaya nahihiya ako sa sarili ko. Umarte ako ng
ganun, kasi nahihiya ako sa mga pinagsasabi ko sa kaibigan ko, na girlfriend mo
pala. Kaya ayun. SORRY!"

"Hey, loosen up. Ayos lang yun."

"Really?"

"I just hope you twow are both okay."

Huh? Yun lang yun? Eh anong mahalagang bagay ang ipinunta niya dito?
"So... We're okay... Zylie's okay... So what brings you here?"

"Yun nga eh... Zylie's okay."

"What's wrong with that?"

"I mean... She's too 'okay' na hindi na normal."

"What do you mean? Nakalabas na siya sa ospital. Masigla na siya ulit! Ano na ba?"

Then he told me everything. I swear I could hug him right at that moment.
Ikinuwento niya sa'kin yung mga pangyayari. Mabilis kong nalaman na meron palang
Cleo OMG!!! Pati yung mga nangyari na muntikan ko na rin siyang sapakin dahil sa
mga ginawa niya kay Zylie tas pati ako nagtataka na rin kung paanong nagagawa ni
Zylie na balewalain lang yun.

"You see..." sabi niya ng matapos.

"Ang hirap naman. Pero bakit nga ganun... Sa tingin ko... OA na si Zylie. Masyado
siyang masigla." Hindi ko alam kung time na ba dapat para mag-advice ako o ano,
pero wala naman akong maisip. Hanggang sa may kumatok na lang ng kumatok sa pinto.

"Alyanna!! Alayanna!! Yannytotss! YANS!"

"Si Mika, wait lang." nagexcuse ako kay Silver para buksan yung pinto.

"OH?" bungad ko sa kanya. Pati ba naman siya nadalaw dito?

"There's something wrong with Zylie." Hinihingal pa siya.

"I know." Ini-awang ko yung pinto at nakita niya si Silver.


"BAKIT KA NANDITO!?" pinaglakihan siya ni Mika ng boses.

Pero sabay kaming nagexplain sa kanya at mukhang naliwanagan naman kahit papano si
Mika. Tska if I know. Tagapagtaguyod kaya yan si Mika ng ZyVer Love team. Yun nga
lang nagkuwento siya sa'kin last time, baliw na baliw siya eh. Ayaw niya lang
ipakita kay Silver na boto talaga siya dito para kay Zy.

"Alam mo Silberyo..."

"Silberyo?" nakakatawa yung pagtataka ni Silver sa nickname sa kanya ni Yanny.

"Eh basta. Makinig ka sa'kin. Ikaw muna si Silberyo habang medyo naiinis pa ako
sayo." gusto kong matawa kay Mikaela. Naisip ko ang baliw lang namin. "Base sa mga
narinig ko, hindi mo pa nga nakakausap ulit si Cleo eh! Eh paano pala kung pag
nagkita kayo, maiba na naman? Siya na naman mahal mo? Ipapatapon na talaga kita sa
Bermuda triangle kapag nangyari yun."

"Kaya ang mabuti pa, wakasan mo muna yung relasyon niyo. Kasi yun yung wala kayo
eh. Closure." Dugtong ko naman. Feeling-feelingan na may alam sa closure-closure eh
hindi pa nga ako nagkakaboyplen.

"Mahirap eh."

"ANONG MAHIRAP!?" sabay kaming sumigaw ni Mika. Grabe na ang ginagawa namin sa
operation save ZyVer ha?

"May sakit yung tao."

"Eh pagkadami-dami namang cancer nun?! Head and neck cancer?! Totoo ba yun baka
fiction lang yan. Lol."

"Di naman yata OA yun?!"

"It's real. I've read about it. Totoo yun." Depensa ni Silver. Nakonsensya naman
kami ni Mika. May cancer na nga yung tao, ginaganun pa namin.
"Pero kahit na Silver. Hindi dahil may sakit, hindi ka na magiging totoo. Kung si
Zylie yung mahal mo, iwan mo siya. Bigyan mo na ng closure. Pero kung si Cleo yung
mahal mo, iwan mo si Zylie."

"Hence I'm asking for your help guys. Zylie's acting so strange."

"Eh bakit kasi ngayon ka lang humingi sa'min ng tulong? Eh kung dati pa eh di sana,
di na kayo nagkagulo-gulo!"

"Kami yata ang salbabida. Ang magsasalba sa relasyon niyo." Nag-high-five pa kami
ni Mika. Kahit wala namang kakwenta-kwenta yung pinagsasasabi namin. LOL.

For starters:

Napagpasyahan naming tawagan si Zy. Loudspeaker.

"Hello zy?" maingat na sabi ni Mika habang nananahimik kami ni Silver.

"O MIKAELA? HELLO!!!! I MISS YOU!!!" napakunot kaming lahat dahil sa sobrang pagka-
enthusiastic niya. Di nga tama.

"Kamusta na kayo ni Silver?"

Naghintay kami ng sagot

*later*

##################################

~~Chapter Seventy Three- The Promise~~

##################################
SILVER's POV

I've never been this anxious. Nung tinanong ni Mikaela over the phone kung kamusta
na kami, parang yun na ang pinakamatagal na paghihintay ko sa sagot ng isang tao.
I've never been this interested sa isang tanong na hindi naman ako ang nagtanong.
It's like watching a game show when you the answer but you can't do anything about
it.

Pero wala eh. Pilit akong iniinterject sa usapan at ikinikwento sa isang 3rd
person, kahit nandito ako at wala akong magawa kundi makinig. Hindi dahil sa wala
akong choice, kundi dahil gusto ko talagang makinig.

"Uy! Ano nga? Kamusta na kayo ni Silver?" inulit ni Mika yung tanong dahil medyo
matagal ng may dead air. O sadyang anxious lang pati sila. Iniharang pa ni Mika ang
index finger sa labi niya.

"Ano? Ano ulit?" sagot ni Zy mula sa kabilang linya na parang hindi niya narinig
yung tanong ni Mikaela.

"Ulit-ulit Zylie? Hindi mo ba naririnig yung tanong? Choppy ba?" sa itsura ni Mika,
parang gusto niya ng sakalin ang cellphone na hawak. Perhaps apprehensive din siya
sa mga ginagawa namin at sa delaying tactics ni Zylie.

"Naririnig ko naman! Hindi naman choppy! Medyo malakas pero minsan malayo yung
boses mo diyan. Tska dinig na dinig ko yung electic fan." Sabay-sabay kaming
napatingin sa lumang electric fan sa tabi ni Alyanna. Napakamot pa ito ng ng ulo
while mouthing Sorry! Luma na yan eh! Maingay!

"Naka-loud speaker ka ba?" muling nagsalita si Zy.

"HA? Hindi ah! Hindi!" defensive si Mika. Napansin niya ang pag-iling ko. Masyado
kasing halata ang pagiging defensive. Zylie might see through it "Ikaw ha! Hahaha!
Iniiba mo yung usapan Zylie, hindi mo sinasagot ang tanong ko!"

Nice recovery. Gawain ng mga taong guilty.

"Bakit? Bakit mo biglang kinakamusta yun?"


'yun'?

Once upon a time I was a pronoun. And it hurts. Pati ba sa mga pronouns naiinis na
rin ako? What happened to me?

"Bakit masama ba magtanong? Hindi ka na nagkwento simula nung pumunta ka dun sa


kwarto nung ex niya nung nasa ospital pa tayo." Medyo touchy yung topic. Everybody
feels awkward. Banggitin ba naman si Cleo in a casual way.

"Ahh. Yae. Okay naman... Ayun. Masaya!" Sagot ni Zylie. Tinginan kami.

Masaya? Bakit ganun siya sumagot? Kahit sa kaibigan niya, ganun ang inaasta niya.

Maya-maya naglakad na naman papasok sa sala ang mama ni Yanny para kunin ang
natitirang lalabhan. Napatingin siya sa aming tatlo kaya napilitan si Mika na
tapusin na ang tawag at baka magsalita pa ang ilaw ng tahanan at mabuking pa kami.

"Ahh sige Zylie, may gagawin lang akong saglit. Bye!"

"Okay! Hahaha!"

At dun nagtapos ang vague na usapan nilang dalawa. Nang umalis na ang nanay ni
Alyanna, nagbalik yung pag-uusap namin.

"You see!? Nababaliw na si Zylie! Masaya daw kayo, tapos tumatawa-tawa pa/"

"Omg, ikaw ang may kasalanan ng pagkabaliw niya." Tinignan nila ako with accusing
eyes. Alam ko naman na sinisisi nila ako at wala akong kaso doon. Aminado ako.

"Hindi siya baliw." I whispered. "Maybe... maybe she's just numbing the pain."

"What do we do?" tanong ni Alyanna.


"Sana nga nabaliw na lang siya eh."

"How can you say that?!" naasar ako sa remark ni Mikaela. Bakit niya namang
gugustuhing mabaliw si Zy. Zylie has already considered herself as ill-fated and
unfortunate. Pero she isn't crazy. She isn't. Kaya tumaas yung boses ko.

"Kasalanan mo naman ito eh!"

"I know that! I've already acknowledged that! But she isn't crazy!!"

"Ano ba pati ba kayo mag-aaway?!" inawat kami ni Alyanna. "Ganyan tayo eh."

"I'm sorry." Ako ang unang sumuko. I'm sorry that I couldn't keep my cool. Na kahit
si Mikaela pinapatulan ko na.

"Sorry din. Hindi ko naman gustong mabaliw siya. At alam kong hindi naman siya
baliw. Pero kasi, yung sinasabi mo. Numbing her pain? Numbing your own pain is
worse when you finally feel it? Baka kasi... hindi niya yun makayanan. It's like
suicide. It's like killing yourself." Nasasaktan si Mikaela sa ikinikilos niya. And
she's just trying to empathize. Naisip ko tuloy, kung sila nga nasasaktan. Ano pa
kaya si Zylie?

"Mas... mas mabuti pa nga yung mga baliw. Wala na silang alam... Kawawa naman si
Zy." Alam kong sinasabi nila yun hindi para paringgan ako kundi dahil yun talaga
ang nararamdaman nila bilang kaibigan.

"Help me out. Help me fix this shit." Kumuha si Yanny ng tubig at ginawan kami ng
sandwhich. Habang kumakain kami ng agahan ay ikinuwento ko sa kanila ang nangyari
nung dinalaw ko si Zylie kahapon. Kung paano ito naging oblivious sa mga
pangyayari. At kung paano niya iniwasan ang tanong ko.

"Sabi mo sa kanya 'come back to me'? Eh anong sagot?"

"Wala. I saw every emotion passed in her eyes. I thought she's gonna let it all
out, pero hindi."
"Anong nangyari?"

"Ano?"

Masyado silang nakikinig sa akin. Naghihintay ng sagot.

"She smiled. Then dragged me to eat."

"Yun lang?!"

I nodded.

"Baka natatakot siya."

"Or baka hindi siya naniniwala, na totoo yung sinasabi mo!"

"Panoo ko ba mapapatunayan?"

"Alam mo kasi masyado nang nagiging push and pull yung pangyayari eh. Magiging
okay kayo, tapos magiging hindi. Tignan mo Silver ha, Nagkamabutihan kayo, dahil
lang sa panaginip kay Sir Terrence iniwasan mo siya, Tapos nakipagdate siya kay
Buknoy. Binawi mo siya at nagconfess ka sa kanya, pero hindi niya masabi sa lahat
dahil kay Yanny. Nagalit ka rin at niyaya si Bettina sa ball. Naging sobrang
selfish si Zylie pero naging kayo rin sa huli." humihingal si Mikaela ng matapos
"Ituloy mo Yanny."

"Ano na nga bang nangyari?" nagisip si Alyanna "Naging mas selfish pa rin si Zy at
pinagbintangan niya si Bettina sa pag activate ng fire alarm. Sobrang love mo siya
kaya inako mo ang kasalanan at ikaw ang nadetain sa Fire Station. Maarte ka kaya
hindi mo pinaalam sa kanya na nandun siya kaya nagtanim siya ng pagdududa sa utak
niya kung bakit limang araw kang hindi nagparamdam. Nagkataon naman na naabutan mo
si Buknoy na kasama niya sa park."

"AT!" sumingit na naman si Mika. "Nakakainis ka sa part na yun! Kasi nagso-sorry


lang naman nun si Buknoy! Hinabol ka ni Zylie at nagkasugat-sugat siya. Nagsorry
ka. Okay na sana kayo pero meron pa palang Cleo. Square one. You got nothing.
Bumalik lang tayo sa una mong problema."

Wow. They narrated everything that happened between us in 5 minutes? These girls
seriously got some legit paraphrasing skills. Pero tama sila. Everything went back
to ground zero. The very issue I wasn't able to close a few years ago

"That's it. Hiwalayan mo si Cleo."

"TAMA!"

"Sino bang mahal mo?"

"Kaya mo bang hiwalayan yun?"

"Mahal mo pa ba si Cleo?"

"Sinong mas mahal mo sa kanila ni Zy?"

They're bombarding me with questions. I admit they're not music to the ears.

"BAKIT HINDI KA MAKASAGOT?! HUMIHINGI KA NG TULONG SA'MIN NA AYUSIN ANG SA INYO NI


ZYLIE PERO AYAW MO NAMAN PUTULIN ANG SABIT MO DUN SA ISA!?"

"ANO YUN ISO-SOLVE MO 'TO PERO DI KA PA RIN PALA SURE?!"

Pinagtataasan nila ako ng boses.

"Cleo is... someone from the past." I am trying to be nice.


"Hindi naman porque may past ka sa isang tao eh kailangang may future na rin kayo!"

"BIG CHECK! The only place that you can only love another, is the present!"

I can't believe they're actually making so much sense.

"You're right guys... I'll follow my heart."

Nag-highfive ang dalawa.

"Sometimes kasi, following your heart means breaking someone else's"

"And you have to distinguish between guilt and responsibility! Ano pa bang inaantay
natin? Puntahan na natin si Cleo!!!

"Alis na tayo?!" they dragged me out.

"Ma! Alis lang kami!"

"Let's go break hearts!"

Masyado silang enthusiastic sa mga pangyayari. Ako ang nag-iisang kabado. Syempre
iba naman kapag kaharap mo na yung tao diba?
We braved the path papuntang ospital kung saan naka-admit si Cleo. Actually hindi
ko alam ang sasabihin ko. Pero sabi nga ng dalawang makukulit na kaibigan sa tabi
ko, gawin ko lang daw ang nararamdaman ko.

"Alam mo Silver... Hindi ka naman namin literal na papatayin kung si Cleo ang
pipiliin mo. Si isip ka lang namin papatayin ng maraming beses." maya-maya sabi ni
Yanny ng malapit na kami.

"Pero magkaliwanagan tayo. Kapag nagkabati na kayo ni Zylie. You have to promise
me. You have to promise us, kapag naisip mo bigla na may kahit konti ka pa ring
nararamdaman kay sa Cleo na yun, makikipag break ka kay Zylie."

"WHAT?!" nagulat ako.

"Just promise me. Just promise us. Na kapag naisip mong nalilito ka na... Kapag
nalilito ka na naman. Mangako ka sa'min, na hihiwalayan mo na si Zylie. Na hindi mo
na siya idadamay sa kaguluhan ng damdamin mo."

"Sabi nga ''diba? Never mess with someone's feelings just because you're unsure of
your own." dugtong naman ni Alyanna.

"Just promise me... Mangako ka sa amin na kapag ini-invade na naman ni Cleo na


parang cancer, kinakain ka mula sa loob, promise us, even the slightest doubt na
hindi pala talaga si Zylie, promise us, you'll leave Zylie. We're tired of this
push and pull guys. Hindi na nakakatuwa yung relasyon niyo. Promise. No more push
and pull. Bahala na kami kay Zylie."

"I... I promise." it was hard. But kung gusto ko talaga, magagawa kong magpromise.

They positioned on the bench near Cleo's room habang I'm surveying the scene kung
nasa tabi-tabi lang si mommy. I don't wanna get conscious in this.

Nasa pinto pa lang ako, may naramdaman na akong kakaiba. Wala kasi ang pangalan ng
mga doktor sa labas. I pushed the door and I confirmed my suspicion. Wala nang
laman ang kwarto.
"Bakit wala?!" narinig ko sila.

"Shh! Sabi sa'yo Yanny wag na tayong sumilip." Sinundan pala nila ako.

"Did she die already or something?" Tinignan ko ng masama si Yanny.

"She was discharged." Nagulat ako. Si mommy ang pumasok. "I knew you'd come here."

"Where's she?"

"I said she's been dischared. Magiging outpatient na lang siya sa mga susunod."

"M-magaling na siya?"

"Just... uhm... Well enough to be discharged. Pero pupunta pa rin siya dito para sa
mga treatments. But she's studying... Sabi niya mag-aaral siya. She said she's even
participating a contest or something."

Paano ba 'to?

**

Our plan failed. At wala kaming back-up. Tunganga kaming lahat sa loob ng kotse
dahil wala kaming plan B. Hindi namin naisip na pwede palang mangyari na wala na
siya sa ospital. Na hindi namin agad mapuntahan si Cleo. I don't if I'll be
relieved na hindi ko pa nagagawa yung malaking bagay na yun o lalo akong kinabahan
dahil I'm just prolonging the agony.

"What do we do?" favorite line ni Yanny.

"Uwi muna tayo! Text-text na lang!" suggest ni Mika.


"I don't have a phone." I answered. Hindi ko na rin talaga naalala yung telepono ko
kung hindi nababanggit.

"Eh nasaan?"

"Naiwan ko yun kina Zy, the time I sneaked out nung natulog ako sa kwarto niya."

"NATULOG KA SA KWARTO NIYA!?" they said in chorus. I left that fact when I shared
them our story.

"Yes."

"Ayan ka na naman! Tama na ang pagtitipid sa pagsasalita! Dapat may follow-up na


explanation ang bawat sagot ng yes or no!"

"Nothing happened!"

"TALAGA!?"

"God! I could've married her right there and then kung may nangyari sa'min."

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!"

"ERMENGEEERD!! Kileeeeeg!"

Halos magsabunutan na silang dalawa sa backseat. Ginawa pala nila akong driver
dahil walang may gustong umupo sa passenger seat dahil pwesto daw yun ni Zylie.
"Maiba kami, eh nasaan na yung phone mo?"

"Ang alam ko na kay Zy. I remember her giving it back to me..." and the night I saw
her with Buknoy flashed back "pero hindi ko yata kinuha. Nasa kanya pa siguro.
Hindi niya lang binabalik."

"But you need a phone."

"Right. Sa ngayon, let's buy a phone."

**

While we were at the mall, naririnig kong nagco-connive sila into something. Dahil
hindi pa ako nakakapili, napagpasyahan naming kumain muna ng lunch. Nagpaalam na
magsi-CR silang dalawa. And then I wasn't surprised at all nung naglakad si Zy
papasok ng fastfood. Sabi ko na, yun ang pinaguusapan nila. Pinapunta nila si Zylie
sa mall.

I dunno. Kanina pa nila ako sinasabihan na putulin ko muna ang ties ko kay Cleo
bago nila ako payagang makipagkita kay Zylie, pero tignan mo sila, gumagawa rin
naman ng paraan.

"ZYLIE!"

"Miks! Yanny!"

Nag-abot ang tatlo halfway sa kinauupuan ko. Pagtapos nagtama ang paningin namin.
Yung dalawa naman niyang kaibigan ay nagpapanggap na hindi ako napapansin.
Kunwari'y di kami kanina pa magkakasama.

"Ay, ano, parang mas gusto ko sa iba na lang kumain." Sabi ni Zy

"Bakit?"

"Wala parang gusto ko sa Jollibee na lang."


"Eh gusto ko dito."

I don't know it that's a good thing. Na parang gusto niya akong iwasan. Kaya di ko
napigilan. Just as she's about to turn away, I stalled her.

"Stop right there." I held her hand real-real tight.

"AH.. HI SILVER!" she said. Then she smiled. This isn't what we expected.

I saw big question marks on her friends' yes and I know. Nobody expected this.
Nagpaalam sila Mika at Yanny para bumili. Hindi naman sinabi kung saan pupunta.
Hindi naman umalma si Zy, when I held her hand. She didn't argue. She didn't get
mad. She didn't ask. What's wrong? Why am I not happy?

"Bilog." Naglakad kami palabas ng kainan. She's very restless and I did her a favor
that we just walk.

"Uhm?"

"Choose a phone for me." Nasa tapat na kasi kami ng mga smartphones. Hindi rin siya
nagsasalita. Paraan ko na rin ito para ma-open up yung sa telepono ko. "Nawawala
yung phone ko."

"Nawawala?"

"Binigay mo na sa'kin yun hindi ba?" kahit hindi ko sure, nagve-verify lang ako.
"Nawala ko siguro." Tumango lang siya. Bigla akong kinabahan. May ilang laman yung
phone ko na personal. Private. Sa'min ni Zylie.

I see you're together again." May nagsalita sa likod namin. We turned around and
saw Bettina. Her eyes focused on our hands.

"Bettina." I thought about what happened. I saw the memory of Zylie slapping
Bettina.
"You're replacing your lost phone?" she gestured into the stall we're hovering
into.

"Huh? How'd you knew I lost my phone?"

*later*

##################################

~~Chapter Seventy Four- 2536~~

##################################

BETTINA'S POV

A few days ago, I did a very stupid thing...

I used Silver's phone. To text Zylie.

|Let's break up.|

I sent that just to spite her. Wala na akong pakialam kung anong sasabihin niya. I
realized I don't even care if she won't believe it. I just wanted to get even. To
have her taste of her own bitter medicine.

It was actually triggered by a lot of things... Yung una eh yung kagustuhan kong
gumanti. Pero pangalawa ay dahil nahulaan ko ang passcode ng phone ni Silver. It
made me brave.

2536

That's his password. It means a lot of things... for me. For them... My ego spoke
out really loud after I gussed it. Even I can't believe it, after just two wrong
tries, I managed to get the password. Well, considering it's just a 4-digit number
password, that's like 10k possibilities. Pero after a great deal of deduction, I
knew it would be 2536.

It was such a great emotional release. Kahit na baka alam niya namang wala naman
talaga kay Silver yung phone. I know she won't connect its loss to me. Sino ba
naman ang makakapagsabing ibibigay ni Buknoy ang nahulog na phone ni Silver sa
akin? At baka hindi pa nga nila alam.

BUT SHE REPLIED.

"Ok."

She said. I was trying so hard to claw back, but in the end, parang ako pa rin yung
talo. It's as if she was just tripping me like she really has the ability to do it.
Sinong sumasagot ng 'Ok' kapag nagtext sa'yo ang boyfriend mo ng 'Let's break up'?
Alam niya ba? Alam niya bang hindi totoo yun?

Kaya nung nakita ko silang dalawa sa mall. Actually, I knew Zylie saw me first.
Pero wala man lang akong nakuhang reaction sa kanya. It's like... I'm just... air.
Nakalimutan niya na ba na may kasalanan siya sa'kin. Is it that bad if I think
she's the worst person na kahit apologetic face wala siya?

And what more is, hindi rin siya nashock o naging awkward. Naglakad lang siya. I
actually saw her first before I even realize that Silver's with her. And they're
choosing phones.

It made me confront them. I didn't even realize I was giving myself away... na alam
ko pala na nawawala ang cellphone ni Silver. And humans... maybe have a tendency to
lie in appalling situations. So I lied. Na kahit nasa akin na ang phone ni Silver,
pinanindigan ko na lang na wala.

Because I have an ace.

Password is 2536
My ace.

SILVER's POV

"I just knew..." sagot ni Bettina nung tinanong ko siya kung paano niya nalaman na
nawawala ang phone ko.

Naisip ko, baka nasa kanya yung phone ko. Pero imposible. How can she ever get hold
of my phone? She was never there when I lost it? Baka makasakit na naman ako kapag
pinagbintangan ko siya. I know I left my phone with Zylie nung natulog ako sa
kanila. And... Bettina even came running down our house just to rant over a message
I didn't really send.

Naalala kong si Zylie ang nagsend sa kanya ng ilang hindi nakakatuwang mensahe kaya
siya sumugod sa bahay. Paano nga naman mapapasakanya yung phone kung iniwan ko siya
noon sa bahay para puntahan si Zylie.

I remember Zylie giving the phone back. And Bettina was never there.

"H-how?" di ko pa rin napigilan magtanong.

"I've heard you. You're asking her, Zylie here..." she gestured on Zylie "... to
choose a phone for you." Dahilan niya. "Why? Do you think I have your phone Silver?
Even that?!"

Naramdaman kong nagiwas ng tingin si Zylie. Alam niya kasi ang kasalanan niya. Na
nireplayan niya si Bettina gamit ang phone ko ng kung ano-anong message. I held her
hand. I couldn't risk her walking away again.
"S-sorry. Hindi ko kasi alam kung nasaan yung phone ko eh. I just have some
important things inside."

"Well I don't have it. I don't..."

"Well... okay." I gave up. Though I think there's really something wrong, wala
naman akong masasabi eh. Thre is no way she can really have my phone.

Meanwhile, naiisip ko. I was half-expecting Zylie to say sorry. Not just about the
Christmas ball dahil alam kong dalawa naman kaming may kasalanan doon. But about
her sms to Bettina. But she didn't. It's like the opposite of what I though she
will really do. She didn't become uneasy. Not really awkward. Siguro she just
fliched about the mention of the phone, but she remained calm and collected. She
even smiled after.

"Are... are you okay?" tanong ko kay Zylie ng makaalis na si Bettina. Alam kong sa
dami ng nangyari, wala akong karapatang magtanong ng ganun.

"Wala ba talaga sa'yo yung phone?" she asked. Gusto ko nga rin itanong yun sa
kanya. Dahil ang huling natatandaan ko sa telepono ko ay yung ibinibigay niya ito
sa park. Na alam ko namang hindi ko tinanggap.

Umiling na lang ako.

"Okay." She smiled even wider. Making it even more weird. And bothersome. In the
most natural condition, she has no reaction at all. That's how I knew her. Nung
naging kami, it changed. Nagkaroon na siya ng mga kakaibang reaksyon. She laughs
when I teas her. Cringe, sometimes. All of those adorable expressions you really
want to keep. Higit sa lahat, she shows it when she's jealous. It will really be
obvious not just to me, but to everybody...

Pero bakit ngayon, it's like her reaction's almost the opposite of what she feels.
Or maybe of what I think she really feels.

It's one of the rarest instances that I don't want her to smile.
BETTINA's POV

This has become really debilitating. Seeing them together. Allowing them to leave
together. Like nothing happened. Nakakainis na palagi ko na lang ito naiisip... How
can they're happy and I'm not? How come? Napaka-loser ng mentality ko.

("Ahh.. hello? Bettina? Are you still there?")

"Ah- Yeah, yeah... " sagot ko na lang kahit parang hindi ko naman na naiintindihan
yung sabi nung tumawag. Kinailangan ko pa ngang tanungin ulit kung sino siya dahil
hindi ko man lang tinignan kung sino ang may-ari ng incoming call.

("Are you okay? Naiintindihan mo pa ba yung sinasabi ko? You need to be here.")

Is it that bad if I think that's annoying? Na may kasalanan siya sa'kin. Yung mga
nangyari sa ball, yung mga tinext niya sa'kin gamit yung number ni Silver... Pero
she can't really give me just a sorry? Or even an apologetic face? Hindi talaga ako
makagetover. Lalo na nung paalis na sila.

"Right, I will be there."

I immediately went to Constance High School. Dito lang naman gaganapin yung
Scholastic Decathlon na matagal ko ng inaayos. Hindi ko rin alam kung bakit ako
napasama sa management committee eh. Ang Constance High ay isang private school for
girls dati, but around 2003 yata naging co-ed na rin kasabay ng pagkawala ng mga
single-gender schools. Kaya ngayon, marami na ring lalaki dito at mas nakakatuwang
mas liberal na nga sila tungkol sa modes of education. Considerning dati silang
mahigpit na private school.

Anyway, talk about being punong-abala sa mga bagay-bagay and even if we are
officially still in Christmas Vacation, nag-aasikaso pa rin ako ng school stuff and
other extra-curricular activities. What will they do without me?

Lalo na at nagpalit pala ng representative ang Constance High School from their top
junior student, to a transferee. Biruin mo, transferee? December's already about to
end, and practically, there are only three months left sa Academic Year, sumobra
naman yata ang pagbabago ng school system nila na hanggang kahit katapusan na ng
taon, tumatanggap pa rin sila ng mga bagong estudyante.
"Hi Betts, Sorry for the bother." Si Gia, siya yung kausap ko kanina na taga-
Constance. Nasa bakasyon na rin daw kasi ang mga advisers and teachers kaya no
choice, kami na talagang mga student-volunteers ang kailangang gumalaw.

"It's fine." Totoo namang ayos lang. At least I'm distracted. I still can't believe
all my luck these past few days. Maganda na yung may ginagawa. "Kumpleto na ba ang
roster? We need to get their names." I asked. Kailangan na kasi talagang ma-
finalize ang maglalaban sa Chemistry Quiz Bee. Hindi naman ako makaangal sa
pagpapalit ni Gia ng delegate ng school nila dahil maging sa Vander, imbes na si
nerdy Homer ang lumaban, eto at si Silver na nga yung ni-register namin.

"Yep, we just need to process her files. Complete na yan." Iniabot niya sa akin
yung documents ng bago nilang delegate. Buti na lang at ready siya at kumpleto na.
"That kid is a bomb." Pagpapatungkol niya sa transferee

"Why did you change delegates? Transferee pa? Ano yan chemistry Genius?"

"I'm telling you honey, this kid is amazing. Maybe she's paid buckets to enter the
school even when the school year's about to end. But her chemistry score in the
transferee admission test? She even outranked our Chem teacher's household score."

"A child prodigy, maybe?" kakainggit. I am not really a genius. I just study, like
a lot! But genius? I am far from being that. Yung mga walang effort pero beyond
amazing.

"Maybe close to Ainan Celeste Cawley. Medyo nababother nga lang ako kasi sometimes,
she seems so weak..."

Kanina pa ako nakucurious. She. Babae yung genius. I was half-expecting nerd
glasses and bushy hair and high padded shoulders, pero hindi. She's kind a pretty
in the pictures. Pero tama si Gia. She looks tired.

"She's a she? Pretty and brainy... huh?"

"Actually she looks better in person. Marami na yata siyang exercise ngayon kaya
she has color in her cheeks compared to the picture diyan sa form. She's nice.
Hindi nga lang gaano nagsasalita. She even showed me her ID instead of answering,
when I asked about her real name." Gia is shrugging.
I looked at the name.

What? Truly, birds of the same feather do really flock together.

It's 2536 in flesh.

You know how I guessed his password?

2536

C L E O

*later*

Note: All chapters were revised so maybe if the details may seem alien to you,
maybe FG has included some scenes on the previous chapters. The Chapter Titles were
also changed from Roman Numerals plus POV owner TO Real Chapter Titles.

Next Chapter on Wednesday: Chapter Seventy Five- Reaction Formation

##################################

~~Chapter Seventy Five- Reaction Formation~~

##################################

dedic cause your comments bout reaction formation on the previous chapt *wink*

SILVER'S POV

"Eh nakausap mo na ba si Cleo?"


Umiling ako. Ang totoo, hindi ko pa naman talaga nakikita si Cleo Reese. It's
Christmas Vacation and our family including me of course, just went overseas to
spend the Christmas eve. I know it's weird but the first person I contacted after
upon arrival... si Mikaela.

"Eh paano na yan?!" It's really her big of a deal. Gusto niyang siguruhin na wala
na talaga akong nararamdaman kay Cleo. Na gusto niya, makipagbreak ako kay Zylie sa
oras na mag-waver ako kahit kaunti. Dahil hindi niya daw mapapayagan ang Push and
Pull naming relasyon.

"You know hindi yan ang problema natin ngayon..." I know she knew what I mean. Si
Zylie pa rin naman. She's still okay... Too much that it's become very alarming.

"I know. Tinawagan mo na ba siya?"

"I did." Tinignan ko yung phone ko. Siya lang naman laman ng bawat tawag. I
activated roaming para matawagan ko siya palagi. Paminsan kapag nakakasagap siya ng
wifi sa kapitbahay, kahit saang free mobile messengers na lang.

Sumasagot naman siya. Nagrereply ng madalas. Just replying. She never initiated a
call. She never sent the first message. She just reply. Respond. And every single
time she's too happy. O baka yun lang ang gusto niyang ipakita. I don't really know
how to handle this situation. And here's her friend pleading I should cut all my
connections to my ex as top priority.

"Ganun pa rin? Hindi pa rin mawari kung superficial o fake yung kaligayahan ni
Zylie sa buhay?" She's not really asking. She's trying to confirm. Tumango na lang
ako.

"Tapos hindi mo na nahanap yung phone mo?"

Umiling ako.

"Wala namang... wala namang ano dun?"

"What?"
"Mga ano... alam mo na... psh.. hahahaha!" she snorted crazily. Like a hooting
bird.

"What is it?"

"Wala hahaha! So silly of me." Natatawa-tawa si Mikaela habang iniinom ang kape
niya.

"I don't get it."

"Scandal."

"What?"

"Kunwari ka pa di mo narinig... Scandal sabi ko... Lols. Alam ko wala namang


scandal dun 'diba Silver?" she looks embarassed

Scandal? Sa phone? Damn.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" halos masamid siya. "OMG don't tell me! Don't tell
me!!!?? Oh man you didn't!"

"Stop it." Ako na ang nagbaba ng kape na iniinom niya dahil nanginginig siya. "Mali
yung iniisip mo." I assured her

"EH BAKIT KA KINAKABAHAN NGAYON NUNG NABANGGIT KO YUNG SCANDAL?"

"Can you keep your voice down?" Akala ko si Alyanna lang ang loud, pati rin pala
siya. Tumingin ako sa paligid, may mga ilang tumingin ng panandalian pero nagiwas
din ng tingin. "It's not what you think."

"Yeah? Maybe it is exactly what I think."


"Mika. Okay..." I breathe "If you are thinking about that... No... We... we never
did it."

"Promise?" seryosong kinabahan siya. Talaga bang inaakala niya na magagawa namin
yun?

"Yes... we... no..."

"Ano?!"

"No... not really?"

"NOT REALLY?!" lumaki ang mata niya "Ako wag mong pinaglololoko ha! Baka ipakain
kita ng buhay kay Zeus! No, Kay kuya Zac na lang! Mata mo lang walang latay dun!"

"Hindi nga kasi."

"Anong hindi?

"Not to that extent."

"EH DI MERON PA RIN?!"

"Nothing, really! There're just these things... some things..." inamin ko. Totoo
namang meron akong kinuhanan. The night in the car. After we sneaked out of the
Christmas ball. It was very very intimate. But not anywhere near carnal.

"YOU FILMED IT?!" I just confirmed her suspicion.

"Listen. It's not... not... sex alright!?"


"Pero kayo ni Zylie nandun?"

I nodded.

"JESUS CH-"

"My phone has a password okay?"

"So tingin mo hindi kayang buksan ng kahit sinong taga tabi-tabi na handang
magbayad ng GSM/Galing sa Magnanakaw ang telepono mo? Oh My Poor Zylie.

"Relax. My phone's memory is gonna wipe out everything after 10 failed password
attempts."

"Good." Naubos niya na ang kape at mukhang nabaliw na naman sa direksyon ang
paguusap namin. "So what's aour plan with my best friend?"

"Plan?"

"Ghad! Lumipas ang Christmas wala ka. Tapos walang plan. Walang kwenta..."

"It's a family getaway-"

"I know... what I'm saying is, wala ka sa isang pinakaimportanteng okasyon... Tapos
ngayong pagbalik mo, wala lang?"

"So what's your point?"

"Then, New Year... Spend the new year with her."

"You think that'll be a good idea?"


"Well... as much as I want you to meet Cleo, hindi mo naman alam kung nasaan siya
kaya ayusin mo muna yung kay Zylie... kahit medyo weird siya."

ZEUS's POV

"Yes mom. Happy new year. Thanks for understanding."

Hindi ko alam kung bakit nandito itong batang ito. Si Silver. Malapit nang magalas-
dose at pinili niyang pumunta ng bahay namin. Kinakausap niya na lang ang mga
magulang niya sa phone para bumati ng Happy New Year at pumunta siya dito para sa
kapatid ko?

"Zeus Lyndon, ikuha mo na ng monobloc si Silver doon."

"Saglit lang ma."

"Oo dito mo na pakainin ng Media Noche, delikado sa labas kapag putukan na. Yung
telepono mo, hwag mong papatayin, baka tumawag ang kuya niyo."

"Opo."

Utusan to the rescue na naman ako. Naisip ko rin naman, mabuti pa si Silver,
nandito ngayong new year, si kuya Zac, hindi ko talaga maintindihan kung bakit
hinihinitay lang namin siya kung kelan siya magpaparamdam? Minsan nakikita ko na
lang si mama na umiiyak tapos kapag tinanong ko sasabihin niya, wala lang. Pero
alam ko, si kuya Zac yun.

Paglabas ko ng upuan, nagsisimula na silang magcountdown.


"Upo ka na 'tol." Inilagay ko ang upuan niya sa tabi ng kay Zylie.

"Thanks."

"10... 9... 8... 7... 6... 5... 4... 3... 2..." tuwang-tuwa na naman ng sobra-sobra
si Zylie. Nung una, natutuwa pa talaga ako, pero ngayon parang... hindi ko na
maintindihan.

"HAPPY NEW YEAR!!!" pumunta pa siya sa pangalawang baitang ng hagdan at tumalon.

"ZYLA LIENNE BUMABA KA DIYAN!"

"Zylie kapag napano ka na naman diyan!" Yung mga magulang ko nagalala na naman
masyado at baka makapahamak na nga naman yung kaptid ko sa pinaggagagawa niya.

Nagsimula na rin kaming kumain pagtapos tumalon-talon ni Zylie. Maya-maya, nakita


kong may binigay si Silver sa kanya. At lumayo sila ng kaunti sa may sala. Naisip
ko, promise kakausapin ko talaga si Silver mamaya. Hindi na rin kasi ako mapalagay.

SILVER's POV

"What's this?" she asked.

"Open it." Binuksan niya yung binigay ko sa kanya.

"Kwintas?" nakangiti na naman siya ng abot-tenga.

"Not... not just any other necklace."


Tinignan niya ito ng mabuti.

"Four leaf clover? Luck?" humalakhak siya "Talagang malas na malas ako sa paningin
mo ah at binigyan mo pa ako ng agimat ha?"

"And it's Silver." I stressed the pun.

"HAH! Lucky Silver necklace ha?" tumatawa na naman siya.

"Zylie, pag-usapan natin ito."

"What?"

"Y-yung... yung problema..."

"Ha?"

"Zylie may problema. You know that..."

"Wala..." umiwas siya ng tingin "W-wala tayong problema." Sumeryoso siya at


tumingin sa akin. "Silver wala tayong problema..."

"Z-zylie."

"Wala..." tumayo siya "Excuse me nauubo ako sa usok, kuha lang ako ng panyo sa
taas."

Palagi na lang ganito eh... Palagi na lang kapag nababangit ko na mag-usap kami.
Palagi niya na lang iniiwasan. Gusto niya ba ganito na lang? We pretend that
nothing's wrong? Syempre gusto kong wala na lang problema pero yung ganito?

Kapag madumi at maraming kalat. Kailangan mo itong linisin, at itapon. That's how
we solve problems. Pero ang nangyayari ngayon, we just shove everything under the
rug. It's clean, but it's still there. Malinis man, alam mo pa rin na may kalat.
Maamoy mo pa rin. Mararamdaman mo pa rin kasi hindi mo naman talaga itinapon.

"'tol..." maya-maya ay lumapit naman si Zeus sa akin. Ibibigay ko na rin sana yung
papel.

"Ah, here. Okay lang ba na gawin mo ito?"

"Ano 'to?" tinanggap niya ang papel.

"It's how you make a home-made Silver Cleaner. I gave something to Zylie at ayoko
naman siyang bigyan ng chemicals."

"Okay... Silver Cleaner... Parang lilinisin ka lang ah... Silver Cleaner." He's
also using the pun on me. "Baking soda... dish soap... Ano ba naman 'to? Gagawin ko
ba lahat 'to?"

"It's easy. Okay lang bang ikaw na gumawa baka mapano si Zylie. It's for her
safety"

"Fine..." huminga ito "Pero maiba ako... May problema ba kayo?"

"You... noticed?" nagulat ako. Napapansin din naman pala.

"Tawa lang siya ng tawa... Hindi okay para sa'kin eh.."

Napapansin din pala ni Zeus. Kailangan ko na rin bang sabihin sa kanila yung mga
nangyari? Eh si Zylie na nga mismo pumili sa hindi pagsasabi nito. Iigigisa ko na
ba ang sarili ko sa kanila?

"Zylie... Uhm... Happiness does have benefits but... Zylie is over cheerful and-"

"HAPPY NEW YEAR!!!!" biglang may pumasok sa pintuan na nagpatigil sa pag-uusap


namin ni Zeus. Tumingin siya sa'kin. Dahil ba ako lang ang out of place sa bahay na
ito. Parang pamilyar siya... Kamukha rin siya ni Zylie... Pero bakit ganyan siya
magdamit... Sort of... effeminate.

Facepalm. I am so sorry for the thought.

"Nakakagulat ka naman. MA!!!!! PA!!!!" sumigaw si Zeus at tuluyan na ngang


nakalimutan yung paguusap namin.

"Nasaan si Zylie?" pumasok ang lalaki kasama ang mga bagahe nitong dala-dala.
Tumingin ito sa'min.

"Nasa taas lang... Ah, si... Silver nga pala... Boyfriend ni Zylie."

"Boyfriend? Si... si Terrence hindi pa ba niya ulit nakikita?"

Terrence? Anong meron at si Terrence agad ang binabanggit ng lalaking 'to?"

"ZACHARY!!!" tumakbo ang mama ni Zylie sa bagong dating "HINDI KA NAGPASABI NA


DADATING KA!!!" niyakap niya ito. "ZYLIE BUMABA KA AT NANDITO ANG KUYA MO!"

Kuya? Eto yung panganay nila. ZACHARY...

Akala ko ba sabi ni Mika, nakakatakot daw ito...

MiKAELA'S POV

"So what to you think?" Kanina ko pa ginagambala si Jupiter, yung boyfriend ko.
"Miks, hindi ako shrink. Pychology major lang ako. Bakit ba ako ang tinatanong mo
sa mga pangyayari kay Zylie?" nabubugnot na siya, pasukan na nga bukas pero puro si
Zylie pa rin yung bukambibig ko eh.

"Sige na. Try mo lang." hinihila ko pa yung kwelyo niya. At itong si Jupiter, akala
niya hindi ko alam na gustong-gusto niya naman ang mga ganito. Kunwari pa
nagmamaktol.

"Baka naman magalit siya sa'kin. Alam ko na ang mga pangyayari sa buhay niya? Tapos
hindi niya pa alam na palagi kayong may discussion ng boyfriend niya tungkol sa
kanya. Mahirap kaya yun, baka kapag nalaman niya, magalit siya sa inyo sabihin,
bakit niyo siya pinaguusapan. Pati ako nadamay.

"Eh di okay yun! Magalit na lang siya. Hindi na siya nagagalit ngayon, puro na lang
sa'ya. Anong diagnosis mo Mr. Shrink?"

"Hindi nga ako Mr. Shrink! Freshman pa lang nga ako sa-"

"Just try it!"

"Fine." Nakinig ako. "Let's acknowledge, may problema si Zylie... May problema
sila."

"And?" I waited.

"We have many forms of defense mechanisms sa mga bagay na hindi na natin kayang
tanggapin... Sa sobrang dami ng anxieties, gumagawa ang katawan natin ng ways para
maka-cope, consciously, and/or unconsciously. For instance... denial, isa sa
pinakaprimitive na defense mechanism na itatanggi natin yung reality kapag hindi
natin-"

"Wait, my love. I don't want a lecture. Sinabi mo nga diba, madaming kinds, at alam
kong hindi denial ang ginagawa ni Zylie..."

"Okay. Tss. Ang dami ko pang gustong ishare eh." I knew it. He likes to diagnose
people. Adik na adik siya na minsan, lahat na ng nakasalubong namin sa daan,
naprofile niya na.
"So ano na nga?"

"Sabi ko nga hindi ako shrink at nagaaral pa lang ako sa baka hindi naman tama at
malamang hindi pa talaga ako pwedeng magdiagnose-"

"Jupiter please."

"Fine." Tumayo pa siya. "Reaction Formation. Kung sa tingin mo, mali ang kinikilos
ni Zylie. Kung sa tingin mo baliktad ang mga reaksyon ng kaibigan mo. Baka ganun
nga..."

"Anong ganun?"

"You know sa reaction formation kasi... for example, pwedeng yung sexual sadist
pala talaga, pwedeng siya pa yung magtayo ng movement against sex and sadism. Yung
mga ganun."

"My gulay! Anong kinalaman ng sexual sadists kina Zylie at Silver baby love?"

"Example lang para maintindihan mo. Baliktad kasi kapag reaction formation... Every
outward expression is opposite of the real anxiety. Kung halimbawa, gusto niyang
magwala at umiyak sa loob, pwedeng sa labas, tumatawa siya. Literally..."

"Gosh... nakakatakot."

"Sure... Dahil hindi na nakakayanan ng tao yung mga nangyayari sa kanya. So the
mind tells the otherwise... Perhaps unconsciously."

"Nababaliw na ba si Zylie?"

"No! No! I wouldn't say that! Ano ka ba! Hindi nga ako shrink!"

"Eh pano yun?"


"Ewan ko. Look at the Stockholm Syndrome. Yung mga victims or hostages na minsan
naiinlove sa mga kidnappers at assailants nila? Sa tingin mo bakit ganun? One
explanation sa mga binabasa namin, eh dahil nga rin sa reaction formation.
Mechanism of reaction... Defense... to cope up with reality."

"So what should we do."

"Hindi ko alam!"

Hinampas ko siya.

"I really don't know! C'mon! Gusto mo itanong natin sa professor ko. Sabi ko naman
sa'yo love, I'm just trying... I may be wrong. Perhaps I am wrong."

"Eh pano na kaya..." hopeless naman ako. "Wish ko na lang na maging maayos si Zylie
ng kusa? Ganun?"

"Maybe... and we just wish na hindi na madadagdagan yung mgaanxieties niya. Yung
wag magkasabay-sabay..."

"Eh anong mangyayari kapag nagsabay-sabay?"

"Hindi naman siguro diba?"

"Eh ano ngang magyayari kapag nagkapatong-patong pa yung problema niya?"

"Hindi ko alam. Self destruction..."

"WHAT?!"

"Seppuku... Hara-kiri... Ugh."


"NO! NO! NO!" hinampas-hampas ko na naman siya.

"Stop it or I will bite you! Hindi niyo naman na madadagdagan pa yung mga anxieties
ni Zylie diba? Ang makapagbibigay lang naman nun, eh kayong friends niya, family...
tska yung boyfriend niya."

"Of course we won't!

"Hindi naman makikipagbreak yung boyfriend niya sa kanya hindi ba? That is a
stressor! Alam mo ba na marami sa dahilan ng serial kilings ay pagkatapos ng isang
stressor? Break up is one big chunk."

It suddenly came back... Our convo...

"Pero magkaliwanagan tayo. Kapag nagkabati na kayo ni Zylie. You have to promise
me. You have to promise us, kapag naisip mo bigla na may kahit konti ka pa ring
nararamdaman kay sa Cleo na yun, makikipag break ka kay Zylie."

"WHAT?!"

"Just promise me. Just promise us. Na kapag naisip mong nalilito ka na... Kapag
nalilito ka na naman. Mangako ka sa'min, na hihiwalayan mo na si Zylie. Na hindi mo
na siya idadamay sa kaguluhan ng damdamin mo."

"Sabi nga ''diba? Never mess with someone's feelings just because you're unsure of
your own."

"Just promise me... Mangako ka sa amin na kapag ini-invade na naman ni Cleo na


parang cancer, kinakain ka mula sa loob, promise us, even the slightest doubt na
hindi pala talaga si Zylie, promise us, you'll leave Zylie. We're tired of this
push and pull guys. Hindi na nakakatuwa yung relasyon niyo. Promise. No more push
and pull. Bahala na kami kay Zylie."
"I... I promise."

He promised. Nangako siya hindi dahil hihiwalayan niya si Zylie. Nangako siya dahil
kaya niyang panindigan na hindi niya yun gagawin...

"MIKA! HOY! BABY LOVE!"

"Kagulat ka naman Jupiter eh!" hahampasin ko sana siya pero wala na akong lakas.

"Tinatanong kita kung sure ka ba na hindi naman makikipagpbreak yung bf niya sa


kanya?"

He's not... He's not gonna do it, right? His feeling's not gonna waver...

"O-of course!"

*later*

Next Chapter- Chapter Seventy Six- Silver

Will be updated maybe this weekend, yeah?

You can give up if you want, but I want you to know guys how thankful I am that
you're still there, along this 3-year stretch. Just 2 more chaps and the epilogue.
Nyaw.
##################################

~~Chapter Seventy Six- Silver~~

##################################

dedicated to the person who guessed some awesome crazy bits. Galing! :)

SILVER's POV

Pasukan na ulit. What I thought to be the hardest part- yung magpakita ulit sa
buong campus matapos lahat ng yun- turned out to be, easy. I told Zylie to wait for
me para sabay na kaming papasok sa quadrangle. Sa una ay mga nagbulungan. Pero
later on, they've moved on. We might be getting a lot of people throwing daggers
with their looks, unti-unti naman itong nawala ilang oras lang din ang lumipas.

The attention which I thought would follow us for a lifetime, just... withered.
Like a stale news. Siguro pinalipas na rin ng Christmas Vacation- the gravity of
the issue.

Nung nagkita kami nung recess, nagpaalam na rin ako na aalis ako for the Scholastic
Decathlon na magaganap sa isang school. Constance High School if my memory serves
me right. Bakit ba kasi hindi ako nakikinig sa mga briefing.

"Why?" I asked. Sinabi niya kasing hindi daw siya sasama sa mga volunteer audience
na kinuha ng Vander for support. I don't like it either- people cheering for you
like there's no tomorrow. Pero okay na rin sana kung sasama siya.

"Remedial class..."

"Pancake, what's your remedial class, first day of school?" tinawagan ko rin siya
habang nasa school van kasama ng ibang mga kasali sa decathlon. Actually, second
day pa talaga yung Chemistry Quiz bee sa loob ng dalawang araw. Sa sampung events,
pang-anim ito. Unang-una bukas. Pero kinailangan naming pumunta lahat ngayon para
sa commencement.
Naisip kong okay lang din na may remedial class siya ngayon, at least bukas sa oras
talaga ng laban, nandoon siya.

"P.E." sagot niya.

"P.E.?" napag-isip ako. Si Mr. Carlos nagmamadali yata sa make up classes at kahit
kababalik pa lang after Christmas Vacation, agad-agad ito. Pero naisip ko rin na
parang narinig ko nga na magpa-Paternity Leave daw ito. Then maybe that explains
kung bakit siya nagmamadali.

"Oo. Nung nag... nag-cutting tayo last time. Hindi ako naka-attend ng P.E."

Yeah right. When we sneaked it. The time we got the crystal ball.

"Then, take care."

"Yep."

I know may kulang. Okay kami pero everything seems to be superficial. That us being
okay is not really what should be. That if you scratch the surface, we are broken.

Pero hindi ko muna gustong alalaahin.Naisip ko baka tama nga naman si Mika, baka
kailangan ko pa munang makausap si Cleo at tapusin ang lahat, bago ko maayos ng
totoo yung kay Zylie. Kaya hanggang hindi ko muna nahahanap si Cleo, siguro,
hahayaan ko munang ganito. Na kahit papaano, okay kami.

"Where is Bettina?" tanong ng coordinator. Lumingon nga rin ako sa paligid pero
wala nga siya. Akala ko pa naman siya ang punong-abala sa decathlon na ito? Eh
bakit siya pa ang wala ngayon?

Naisip kong tawagan siya, pero pagtingin ko sa phone ko. Bago nga pala ito at
walang laman ang Contacts kundi ang pamilya ko, si Zylie at mga kaibigan niya. Nasa
lumang phone ko pala ang digits ni Bettina... Nasaan na kaya siya? At nasaan na rin
yung phone ko? Tsk.
BETTINA's POV

I turned my phone off. Palagi na lang silang ganyan eh... You are just important
when they need you. Kapag wala ka ng silbi, hindi ka na rin kailangan, hindi ka na
rin importante. Wala ka na ring kwenta.

"Bettina! There you are!" si Carly. Sumunod pala siya sa akin. I tried to hide my
alarmed face. Nakakagulat kasi siya. I found myself spying Zylie at walang
nakakaalam nun. Ni hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa ito eh. Ang alam ko
lang, marami akong nakita sa phone ni Silver na hanggang ngayon, hindi pa rin ako
makapaniwala. May mga personal and thorough videos akong nakita doon... Pero hindi
ko maintindihan kung bakit si CLEO pa rin ang passcode. 2536 sa keypad. It wouldn't
take a cryptographer to guess that. All you need to know is Silver...

"What are you doing here?" I asked.

"I think I should be the one asking you that Betts. Wala ka sa Decathlon?"

"I-I'll catch up. You can go ahead."

"Huh? Paalis na po kaya ang Volunteer Cro- Oh my!" nadistract siya ng may lumabas
mula sa orghouse. Si Zylie... at si sir Terrence Sanchez. "Ano yan?"

"Carlota please."

"Oh please. Are you mad? You've never called me my real ugly name before! Ba't ka
ganyan these days? Agit? Super vigilant, weird."

"No... I'm just-"

"Bakit ka nandito? Pinapanood mo ba sila? Oh My! Baka totoo ang tsismis!" she even
ducked her head. Nasa postern ng pool side. May ilang mga halaman doon at hindi nga
naman masyadong discreet na mukha nga akong may minamanmanan. "Is that why you're
here? You're following them?"
"Please, go ahead!" I pleaded.

"Totoo siguro yung tsismis? Na may relasyon yan sila. Ew, student-teacher
relationship. And you're here to prove it's right. Dahil kay Silver? Hindi ba? Tsk
Tsk. Kung ako sa'yo, you have to film this."

"Film?"

"Video, Bettina. I-video mo sila. And Ikalat mo sa buong campus. Or better yet,
no... This is better... Send it to her parents! Kaya mo naman i-access ang school
records 'diba?"

"W-what?!" nakakatakot ang mga sinasabi ni Carly. "They're just here for remedial
classes. Hindi yata nakaattend si Zylie sa swimming practical last time. I've heard
it earlier."

"Swimming practical? Eh diba si Mr. Carlos ang P.E. teacher natin? Don't try to
cover up for them Betts. You are always playing the good and martyr card here. Tama
na yun."

"I am not. Carly. It's true. Mr. Carlos is on paternity leave. Mr. Sanchez is OIC
for swimming club and P.E. classes. Mauna ka na please."

"Pero-"

"Cleo please."

"Cleo? Whatta friend. My name's Carly, not Cleo."

"A-ah, Sorry. My mind is just a little bit-"

"Fine... Just think about what I said. Fuck being nice to people who don't deserve
it." She stepped out. I dunno kung hahabol ba talaga siya sa decathlon para maging
kabilang sa team moral support
Makes sense...

Fuck being nice to people who don't deserve it.

SILVER's POV

Scholastic Decathlon Day 2. Chemistry Quiz bee at naisip ko, pagkatapos nito,
malaya na rin ako. Masaya rin ako dahil naka-punta na rin si Zylie. Kabilang siya
sa spectators na nasa likod.

First round ay general chemistry questions. Lahat kaming 12 delegates ay nakaupo na


sa designated records. Pinapakilala lang kami sa school name at number. Dahil
arranged alphabetically per school, pinakahuli ang Vander at pakilala sa'kin- si
#12.

When they're introducing the numbers and the schools competeing, napansin kong
hindi naman pala kailangang tumayo dahil hindi naman tumayo at tumingin ang #3 sa
crowd ang audience kaya naisip kong hindi naman pala kailangan yun. Taga-Constance
na ang gumawa nun ah. Hence nung ako na, I did the same.

Nagsimula ng maganda ang First Round at palagi na lang akong tumitingin sa gawi ni
Zylie. She's still trying to smile. Everytime I look at her, she smiles back.
Pinagbuti ko na lang ang pagsagot kahit sa tingin ko, madali lang naman talaga.
Kahit na may ilan din akong nakaligtaan.

Isa ako sa mga tatlong nakakuha ng matataas na scores at narinig ko namang


sumisigaw ang mga audience sa likod kabilang na rin siguro ang mga taga-Vander.
Lumingon ako at nakita ko si Zylie.

"Hey." I mouthed. Hindi kasi siya nakatingin sa akin. Kasama na rin niya sila Mika
at Alyanna and both looked worried. Sinundan ko ang tinitignan ni Zylie.

"#3, #8, and #12 all proceed to the next round." Sabi ng MC. Mukhang ngayon lang
nila ipapakilala ang bawat delegado.
Si #3 na nakasuot pa ng shades. I wonder, may sore-eyes ba siya? I looked back to
Zylie at napansin ko, nakatingin siya kay #3?

Nagsalita muli ang MC.

"So let's give a round of applause for our semi-finalist #3 is from Constance High
School, Delagate Cleo Reese Chavez... #8 is from Mendel National Highschool... "

WHAT? Halos hindi ko na narinig yung iba pang sinasabi, yung pangalan nung taga-
Mendel High. Kahit yung pangalan ko. Kahit yung sigawan ng taga-Vander hindi ko na
nakilala.

Cleo? What is she doing in here? She's claiming to be so sick and now she's
competing with me here?

Tumingin ako kina Zylie. Kanina pa ba nila alam? Ako lang ba ang hindi aware na
nandito siya? Nakatingin sa akin si Mika. Alam ko eto yung sinasabi niya... Eto
yung sinasabi niyang make or break moment. Na kapag may naramdaman ako... I know
what to do...

Damn it. How can I compete with this Chemistry Prodigy?

The question was whole hell lot easy? Or maybe I thought it was. Pero hindi ko alam
bakit hindi ako makasagot. I was placed at the middle of them, two delagates. Cleo
was on my right. All we need to do is to balance the redox equation.

CuSCN+KIO3+HCl = CuSO4+KCl+HCN+ICI+H2O

The first two who can get the correct answer will proceed to the final round. Gusto
kong sagutin. Sa tingin ko madali lang ito. Sa tingin ko nakita ko na ang equation
na yun. One of the hardest redox equations. Na sinabi dati sa'kin, kapag na-solve
mo na ito, madali mo nang magagawa ang Stoichiometry.

"Silver what are you doing?"

"What's happening with Vander?"


"Silver Torres anyare na?!"

Naririnig ko na ang sigawan nila. Tumatakbo kasi ang oras eh, pero hindi man lang
ako gumagalaw. You know when you are spacing out and you realize you staring right
into someone? I didn't know I was actually looking at Cleo. I even dropped my
whiteboard marker on the process. At hindi ko na rin naririnig ang mga sigawan. Ang
naririnig ko na lang ay ang echo ng boses ni Mikaela at ni Alyanna.

"Just promise me. Just promise us. Na kapag naisip mong nalilito ka na... Kapag
nalilito ka na naman. Mangako ka sa'min, na hihiwalayan mo na si Zylie. Na hindi mo
na siya idadamay sa kaguluhan ng damdamin mo."

"Sabi nga 'diba? Never mess with someone's feelings just because you're unsure of
your own."

"Just promise us... Mangako ka sa amin na kapag ini-invade na naman ni Cleo na


parang cancer, kinakain ka mula sa loob, promise us, even the slightest doubt na
hindi pala talaga si Zylie, promise us, you'll leave Zylie. We're tired of this
push and pull guys. Hindi na nakakatuwa yung relasyon niyo. Promise. No more push
and pull. Bahala na kami kay Zylie."

"I... I promise."

Lumingon ako. Mikaela is mouthing something.

Seems like a "No." to me. No? What no?

I looked back at Cleo. Then when I looked out for Zylie. She's not there anymore.

Damn it.

BETTINA's POV
Something happened. I was just staying here beside this familiar bush which I can
almost consider as my bestfriend. Hindi ko rin alam kung bakit naging tambayan ko
na dito. Sa tabi ng pool. Siguro dahil malamig... Maaliwalas, kabaliktaran ng
nararamdaman ko. Nakainom ako at nagtatago ako sa mga teachers, baka maamoy nila at
makasuhan pa ako ng kung ano-anong school offense. Uminom ako. Bettina... the good
girl... I'm Miss Everything, pero ngayon sumusuway ako sa mga batas.

Ako na palaging sumusunod. Ako na palaging kailangan ng lahat. Ngayon lang... kahit
ngayon lang susuway ako. Maya, maya, nagulat na lang ako ng makita ko si Zylie.
Naglakad siya papunta sa pool area. What is this? Kahit ngayon pa ba? Aagawin niya?
My only place of solace? Kahit kailan ka talaga Zylie. Kahit kailan... Lahat na
lang...

Bigla ko na lang naramdaman na parang bumigat yung bulsa ko. I reached for
Jeremy's phone. Oo nasa akin pa ito. I started to look under the Contacts. I called
her. Zylie. Tama naman si Carly eh. These people don't really deserve it.

From where I'm standing it is so nice to see her stop. Tumigil siya ng makita kung
sino ang tumawag. Yung lumang number lang naman ni Jeremy.

"Hello?"

"Hi Zylie..."

"Who's this? Bakit nasayo ang cellphone ng boyfriend ko?"

Ang ipinagtataka ko, why did she come running here? Eh 'diba oras dapat ng chem
quiz bee ngayon? HAH! I knew it. Nakita niya si Cleo sa decathlon! Kilala niya si
Cleo Reese.

"Boyfriend? Who's boyfriend?"

"Sa boyfriend ko ang phone na yan! Bakit mo ako tinatawagan?"

"Stop. Ako ang magtatanong... I want to ask you Zylie, I assume you know Silver's
passcode kaya mo nga nagamit itong phone na ito para itext ako ng kung ano-ano
hindi ba?"
"B-bettina?"

"Finally... Now you're asking the right questions, my dear..."

"Why? W-what are you doing?"

"I'm asking you kung alam mo ang passcode ni Silver?!"

"B-bakit? Oo syempre alam ko!" nagtataas na rin siya ng boses.

"2536 isn't it? Alam mo kung bakit ko alam?"

"Bakit nasayo yan? Paano mo nakuha yang phone?"

"That's not the issue here... Do you know what 2536 means? Ha? Do you know?"

"Bettina, ibalik mo yan-"

"C L E O, Zylie. Cleo. Cleo is in Silver's existence. No matter what you do, you
can't get her off him. She's in his everything. Even his passcode. You are just a
rebound. Definitely a rebound."

Before I knew it, nakita ko na lang na nahulog si Zylie sa pool. O tumalon? Because
there was a loud splash. And before my instincts could tell me to save her, nakita
ko na lang si Sir Terrence.

Mr. Sanchez fished her out of the pool, then did it. Mouth to mouth resucitation
like she really needed it. I don't know what got through me but, it's like Carly is
speaking from within. I know it's just first aid or whatever, but I filmed it. I
filmed it like it was a kiss scene.

Tapos inubos ko na lahat ng alcohol na laman hip flask. I don't know why I didn't
discover how handy a hip flask can be. It will give you a ready liquid courage.
Alcohol. At dahil dito magagawa ko lahat ng pwedeng gawin.

I am brave. I am Bettina.

I can send this video. Everything... to them.. They should know... If anything at
least it can be MMS... Thank you student records for being so handy... Thank you
liquid courage...

ZYLIE's POV

"Why? What are you doing?" hindi ko alam kung paanong katabi ko na si Terrence sa
tabi ng pool. Naalala ko na lang ay nahilo ako at nadulas sa pool. Sabay pinulikat.
Malas. Malas pa rin para magsabay-sabay lahat ng yun. Ang gusto ko lang naman ay
huminga. Minsan hindi ko na rin kasi alam ang gagawin. Pinipilit ko na lang maging
masaya, pero bakit parang, hindi ko na kaya?

Lahat naiisip ko. Lahat ng nangyari sa buhay ko bumabalik. Kung malas ako, bakit
ako yung napili ng kamalasan para sa ganito? Matagal na akong nakaupo sa tabi ng
pool. Halos matuyo na rin ang damit ko pero hindi pa rin nagsasalita itong si
Terrence sa tabi ko. Niligtas niya ako, pero wala siyang sinasabi, wala siyang
tinatanong, wala siyang pinapaliwanag, katulad na lang din ng dati.

At ngayon, aalis na rin siya ng wala man lang kahit isang salita. Nagbalik sa'kin
ang lahat. Yung dating ayaw ko sanang maramdaman yung lahat ng sakit ng pangyayari,
ngayon, after my life flashed before my eyes nung halos malunod ako, nagbalik
lahat. Simula nung iniwan ako ni Terrence.

"Why Terrence? Why do have to do this? To me?"

"Zylie?" napahinto siya sa paglakad palayo.

"Bakit mo ako iniwan dati? Bakit ka ganyan? Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin?
Bakit hanggang ngayon hindi mo pa rin pinapaliwanag sa'kin." Hindi ko alam kung
saan ako kumkuha ng lakas pero tumayo ako at sinaktan ko siya. "Hindi mo pa rin
pinapaliwanag kung bakit hindi ka man lang nagparamdam! Hinintay kita!" hindi ko
alam kung anong sinasabi ko. Alam ko hindi ko na siya mahal. Pero naghahanap lang
siguro ako ng mapagbubuntunan ng sobra-sobra kong nararamdaman ngayon.

"I-I told you... I was married."

"Ano ngayon?! Pwede mo naman sabihin sa'kin para tapos na! Para hindi ako
naghihintay sa wala!"

"Dahil yun sa mga pangarap ko... Na akala ko maabot ko dahil doon. It was out of
desperation... But I didn't-"

"Desperation?! Bakit? Sino ba? Na sobrang desperado ka na matutupad ang mga


pangarap mo kapag pinakasalan mo siya?" I'm trying to be calm. I've been keeping
calm for the past month, now it feels like I'm about to explode. "Sinong
pinakasalan mo at nawala ka na lang ng parang bula na umabot ng ilang taon bago ka
nagparamdam?!"

"Zylie I can't-"

"Sino?"

"Zylie..."

"SINO NGA?!"

"Si Zac! Okay!? Si Zac?! Zachary Lay..."

"WHAT?!" Ano bang kalokohan ang pinagsasasabi niya?

"I told you. Alright! Sa tingin ko paano ko masasabi sa'yo yung mga kabaliwang
yun?"

"No..."
"Para sa mga pangarap ko. He told me, if we get married, he can sign me up as
dependent. You know I went to Canda right? You've heard nung bumalik ako. Pero
hindi mo naisip. I didn't know it would be too hard. Akala ko gusto niya lang ako
ilayo sa'yo dahil masyado syang mahigpit-"

"Si kuya?!"

"Hindi ako nagparamdam dahil kailangan pa ng residency para sa divorce. What would
I tell you? Na dahil sa kagustuhan ng momsy ko na maging residente sa Canada,
nagpakasal ako sa kapatid mo? How would I supposed to tell you that?"

"SAME SEX MARRIAGE?! OH MY GOD!"

"I'M SORRY BUT YOU SEE! WALA NA! TAPOS NA YUN?"

"Jesus... Kaya ba siya mahigpit? Kaya ba ayaw niya dati sa'tin? Dahil ikaw ang
gusto niya for himself? Oh my God, I can't believe this."

"I don't want to tell you... What I did. Pinagsisisihan ko. Para lang sa residency
sa Canada, ginawa ko lahat ng katarantaduhan na yu-"

Di ko na siya pinakinggan. Tumakbo na ako sa bahay.

"ZYLIE?!"

My God. Si kuya? Kaya ba umiiyak minsan si mama sa tabi? Kaya ba minsan nawawala na
lang siya? Kaya ba minsan lang siya magpadala dahil... dahil may lalaki siyang
pinapakain doon? Oh Jesus.

Di ko namalayang nasa bahay na ako. Dito, gusto kong umiyak pero walang lumalabas
na luha sa mga mata ko. Bakit? Bakit ganito? Lahat nasa dibdib ko, ayaw lumabas ng
sama ng loob ko.

Una kong nakita si kuya Zac. Nakatingin siya sa akin. Ngayon ko lang napansin na
ganito siya. Na hindi lang pala siya neat. My brother is gay. My God, I would not
have anything against being gay, pero bakit? Bakit si Terrence pa kuya? At bumalik
pa siya dito simula ng New year para ano? Para makita na naman kung sino ang
boyfriend ko?

"Zylie..." he's got sad eyes. Alam niya na ba na alam ko?

"LUMAYAS KA! LUMAYAS KA?!!!!" lumabas si mama mula sa kusina.

"Ma?! Ma?!" sinasabunutan na ako ni mama. "Ma! Naman!"

Lumapit na rin si papa at si kuya Zac.

"WALANGHIYA KANG BATA KA! INAALAGAAN KA NAMIN. PINAPAYAGAN KA NAMIN SA LAHAT NG


GUSTO MO! PERO ANONG IGAGANTI MO?! NAGPATULOG KA NG LALAKI SA PAMAMAHAY NA ITO? ANO
PAG GINAWA NIYO? SA KOTSE PA?! AT PATI NA NAMAN DUN SA BULOK MONG DATING NOBYO!
NAKIKIPAGHALIKAN KA PA RIN?!"

"MA?!" Hindi ko maintindihan. Ano ba ito? Pati si papa. Umiiyak na rin at galit.
Pero hindi niya ako tinutulungan. Hinahayaan niya lang si mama na saktan ako.
Pinipigilan niya man ito sa pananakit. Pero hindi niya hinaharangan ang bawat
hampas nito.

"ANG LAKAS PA NAMING TUMAWA NG PAPA MO SA MGA SCANDAL NA NAKIKITA NAMIN SA TV! PERO
YUNG ANAK NAMIN MERON PALA!"

Ipinakita niya sa akin ang phone ni papa. May mga video... Oh My God. Yung mga
videos namin ni Silver...

"LUMAYAS KA! KUNG AYAW MONG MASAKTAN!"

Kinakabahan ako... Naririnig ko lahat ng pintig ng pulso ko sa ulo ko. Pero wala
akong maramdaman. Parang ayokong maramdaman. Ayokong masaktan sa mga palo ni
mama... sa mga sinasabi ni mama. Ayokong ipakitang ang sakit-sakit na. Na ang
bigat-bigat na. Malakas ako. Hindi ako naapektuhan.

"AT TIGNAN MO YANG MUKHA MO?! HINDI KA TALAGA MAGSISISI? HINDI KITA GANYAN
PINALAKI?! HINDI MATIGAS ANG MUKHA NG ANAK KO!"
"MA TAMA NA!" awat ni kuya Zac.

"Bakit kuya? Ayaw mo pang aminin na gusto mo rin namang nasasaktan ako. Kinuha mo
na nga si Terrence, baka umuwi ka dito para kunin rin si Silver? Diba bakla?"

"ZYLIE!!!" nagulat siya sa pagaakusa ko.

"LUMAYAS KA DITO!! LAPASTANGAN KA TALAGA!" pumanik pa si mama sa taas at kinuha ang


mga damit ko at pinagbabato sa akin. "ITINATAGO MO LANG PALA ANG KULO MO! LUMAYAS
KA AT WAG KANG BABALIK. PATI KAPATID MO BINABASTOS MO!"

"Mama naman." Inaawat siya kunwari ni papa.

Nung pumanik na naman siya, para kunin pa ang mga pwedeng ibato sa akin,
sinamantala ko na para lumabas. Kailangan ko pa bang magdala ng gamit kung
pinapalayas na ako?

"Papa, hindi mo rin ako pipigilan? Hindi mo ba man lang tatanuning kung anong meron
sa video? Wala bang denial muna na kilala niyo ang anak niyo at dapat... in
theory... hindi ko dapat magagawa yan?"

"Zylie... hindi ikaw ang magsesermon sa bahay na ito."

"Hindi niyo ba muna hihingin ang paliwanag ko bago niyo ako husgahan at pagalitan?"

"Zyla Lienne!"

"I get it. Alam ko na pa. Alam ko na..." Lumabas na ako.

Hindi ko talaga alam kung saan pupunta. Gusto kong umiyak. Gusto kong mailabas ang
lahat ng ito. Pero nasanay na ako siguro na ngumiti. Na maging masaya. Kaya kahit
sobrang sakit na. Kahit na parang mamamatay na ako sa sakit na nararamdaman ko sa
dibdib ko, ayaw pa rin.
"Zylie gabi na ah! Saan ka pupunta taba?!" nakasalubong ko si kuya Zeus. Wala pa ba
siyang alam?

"Kuya... I love you." Niyakap ko siya.

"Nyehh. Sweet siya. I love you, too." Yumakap din siya sa akin. "Saan ka punta?"

"Ah. Kay Silver." I lied. Siya na lang ang nakakaintindi sa akin. Siya na lang ang
palaging umuunawa sa akin. Sana hanggang ngayon, hanggang hindi niya pa nalalaman
ang mga ginawa ko, mahalin niya pa rin ako. "Nagpaalam na ako kina mama."

"Ahh.. Saglit ka lang ah..."

"Opo." Humakbang na ako palayo. "Salamat kuya ha... sa lahat..."

"Adik ka. Ay teka Zylie."

"Po?"

"Nung binigyan ka ni Silver ng regalo, which is another Silver. Hahaha! Binigyan


niya rin ako ng isang bagay, na akala ko regalo, pero utos pala... Ako pa ang
gumawa niyan!" Inabot niya sa akin ang bote.

"Ano 'to?"

"Homemade Silver Cleaner. Para diyan sa lucky necklace mo."

"Ahh..." tinanggap ko. "Talaga bang... malilinis nito ang Silver? Kaya ba nitong
linisin?"

"Huh? Silver Cleaner nga eh..."

"Okay."
"Bye na. Nagugutom na ako. Balik ka agad Zylie ha."

Tumango lang ako.

Silver Cleaner...

Nung nag-ring ang phone ko. Alam ko na... Alam ko na talaga kung anong mangyayari
eh. Sabi nga, when it rains, it pours. At sa'kin, puro masasamang bagay lang naman
ang mahuhulog.

"Silver." Sinagot ko.

"Zyla."

"Okay lang... Alam mo okay lang talaga eh..."

"Zylie?"

"Si Cleo pa rin? Si Cleo pa rin hindi ba?"

"H-huh? It's not that... I love you."

"But you still love her?"

"Zylie, you need to hear me out, alam ko may problema, you're just not
acknowledging it. Maybe we need to talk. You know I promised your friends na
kapag... na kapag naapektuhan na naman ako sa presensya ni Cleo, I should break up
with you... Zylie, this is NOT what I'm doing I'm not breaking up with you."

"Then... then why are you calling? Bakit mo pa sinasabi sa'kin yan na hindi ka
nakikipagbreak? Kailangan mo pa bang sabihin at ipaalam yun sa'kin kung hindi naman
yun mangyayari?"
"Because I think I just need to talk to her... And to be able to talk to her, I
need your permission... To give me some time. To sort things out. "

"Alam mo Silver okay lang talaga. Just... Break up with me. And be with Cleo and
live happily ever after."

"You don't mean that."

"I mean it. I don't believe in giving spaces. Sa mga cool off sa relasyon, Silver
hindi yun totoo. Kapag mahal mo talaga hindi mo kailangan ng space para lang
patunayan yun. Kasi mapapatunayan lang talaga nun, na hindi. Na wala talaga."

"Zylie naman. I just need to talk to her. Hindi pwedeng ganito na lang tayo.
Nagkakasakitan..."

"Wag mo na akong pahirapan. I know magaling ka sa english pero wag mo na akong


gamitan ng euphemisms. I know. Just break up with me... Please..."

It hurts... It hurts like hell...

"Zylie I don't want to do this... Please..."

"You are... already..."

"Tell me... Nakakalinis ba ng Silver ang Silver Cleaner?"

"Zylie what are you talking about?"

"Hindi ba nito tuluyang mabubura lahat ng bakas ng Silver? Lilinisin lang ba talaga
niya ito? Hindi ba pwedeng mawala sa sistema ang lahat? Ang kabuuan? Ang lahat-
lahat?
"ZYLIE WHAT ARE YOU TALKING ABOUT!?"

"Why?" I asked.

"W-what? Zylie. Where are you? What are you doing?"

"I don't understand why... You know what... the saddest part is... I still don't
hate you. Bakit kaya ganun?"

"Zylie naman eh!"

Just like a poisonous apple, we won't know if love's a real thing, until it's too
late. Until we've already bitten the apple, and die... that we can understand that
it's poison.

I don't really know why... why this sinking feeling never dies... Maybe the only
thing left to do is...

Ang sabi nga nila, ginagawa tayong makasarili ng depresyon. Napakahirap isipin ang
iba kung ang tangi mo na lang naiisip ay ang sariling sakit. Ang sakit-sakit na po
kasi...

I reached for it...

Silver... How can I love you less? Is this the only way?

"I wish I knew how to quit you... maybe this is the only way..."

"ZYLIE!"

*later*
Next Chapters:

Chapter Seventy Seven- The Last Fight (update on Wednesday, April 23rd)

Chapter Seventy Eight- Outset (update on Saturday, April 26th morning)

Epilogue- (update on Saturday, April 26th evening)

Note: You may be surprised with some details if you haven't reread. Yes, it was
revised this much, foreshadowing done so late, but can be found on previous
chapters.

"It's only going to get worse before it gets better"

##################################

~~Chapter Seventy Seven- The Last Fight~~

##################################

Chapter Seventy Seven- The Last Fight

SILVER's POV

The line went dead.

No! No!

Tumunog ulit yung phone kaya sinagot ko agad.

"ZYLIE?!"
"Anong Zylie? Si Mikaela ito."

"Where is Zylie?!"

"Hindi ko alam! Hinahanap din namin siya, kasama ko boyfriend ko at si Alyanna.


Nawala na lang siya sa tabi namin kanina. Ano ka ba naman! Bakit ba hindi mo naman
sinabi na nandun si Cleo? Na nandun pala siya sa Decathlon?"

"W-what? I didn't know, too! Listen Mika--"

"No Silver, you listen to me. Remember what we said? What I said before? Kalimutan
mo na yun? You can never break up with Zylie... Wag! I mean, hwag muna. Shit, hindi
ko alam kung ano talagang naiisip mo pero pwede bang kung ayaw mo na talaga... Hwag
muna... Kahit hwag muna..."

"What? Anong hwag muna? You expect me to break up with her?"

"Saglit lang Silver. My boyfriend might be wrong. But you must never add stress to
Zylie. No more anxieties. Hindi niya kakayanin eh. Kaya kahit ano pang narealize
mo, hwag na hwag kang makikipagbreak ah? Please?"

"I don't understand. Paanong hindi niya kakayanin?"

"She might... do some things to hurt herself! She might even... Oh My God! Anong
gagawin ko!? Anong gagaw-"

"Mika! Keep yourself together! Talk to me! Anong sinasabi mo?!"

"Silver she might do things.... Oh My God! Basta Silver never break up with here."

"B-but I think I just did." I realized the horror.

"ANO?!"
"I didn't! I swear! But maybe she thinks I did."

"STUPID!" halos boses naiiyak na si Mikaela.

ZEUS' POV

Hindi ko halos maintindihan yung sitwasyon nung umuwi ako ng bahay. Umiiyak si
mama. Nakatungo si papa. Pati si kuya Zac hindi na rin nagsasalita. Nalaman ko ang
tungkol sa videos, pati issue tungkol kay kuya Zac.

Hindi ako makapaniwala.

Pero mas lalo akong hindi makapaniwala na pinalayas ni mama si Zylie.

"MA NAMAN! ANG BATA-BATA PA NI ZYLIE SAAN NAMAN PUPUNTA YUN? GABING-GABI NA PAANO
PAG NAPAHAMAK YUN?!"

"Ang bata-bata? Sana inisip niya yan bago niya ginawa yung mga kabalbalang yun!"

"MAMA! HINDI NAMAN YUN SCANDAL MA! THEY ARE NOT EVEN HAVING SEX! FOR GOD'S SAKE!"

"Gumagawa nga siya ng kung ano-ano sa loob ng pamamahay natin, paano pa kaya sa
labas? At bakit pati sa guro niya? Bakit pati doon?"

"Kahit na mama! Papa naman! Yung kay Terrence? Sa akin lang, ang tingin ko doon,
nalunod siya at hindi yun masama!"

Hindi na sila nagsalita. These people can't be reasoned out tonight. They are too
emotional. Hindi ko alam kung anong gagawin. Nakasalubong ko pa si Zylie kanina
pero hindi ko man lang naramdaman! Damn it!
Nagring ang telepono ko. Si Mikaela.

"Oh Mika?" baka kasama niya si Zylie.

"Kuya Zeus? Nasaan ba si Zylie? Nandiyan ba sa bahay?"

"Wala nga eh." Shit lang "Baka pupunta diyan sa inyo, pakitext naman ako. May
problema kasi dito sa bahay..." lumabas ako ng kaunti para hindi na rin marinig
nila mama "... malalaman mo rin naman kung diyan pupunta si Zylie sa inyo, pero
pinalayas kasi siya dito sa bahay eh."

"OH NO! OH NO!" nagpapanic ni si Mikaela "Kuya Zeus. Hindi pwedeng mangyari ito.
Kuya, hanapin mo naman siya. Wala siya sa'min. Hinahanap din namin siya ni Alyanna
ngayon eh. Kuya, if ever naman, wag mo siyang bibigyan ng bagay na makakasakit sa
kanya ah? Ha?"

"Panong makaka--"

Naalala ko.

"Talaga bang... malilinis nito ang Silver? Kaya ba nitong linisin?"

"Huh? Silver Cleaner nga eh..."

Tumakbo ako sa labas. Hindi pwede! Zylie hindi mo pwedeng isipin yan... Tumakbo ako
na halos natuyo na ng hangin lahat ng pawis ko sa katawan. Pero nakita ko siya.
Nandoon pa rin nga siya.

Nakita ko siya. She's still there along the street kung saan ko siya nakasalubong.
And she's really drinking it!

"OH MY GOD! ZYLIE!!! NO!"


Tinabig ko sa kamay niya ang Silver Cleaner. Jesus! Ako pa ba talaga ang nagbigay
ng bagay na yun para magawa ng kapatid ko ganito?

MIKAELA's POV

It all came in full circle.

Dun din kami lahat nagkita-kita.

Si Kuya Zeus na yakap-yakap si Zylie. Nainom niya na eh. Para na lang akong bingi
na hindi na narinig na dumating na rin pala yung ambulansya. Lahat kami shaken sa
pangyayari at si Alyanna na lang ang sumama sa loob ng ambulansiya dahil may dalang
sasakyan si Jupiter. Si Kuya Zeus ay sumakay kasama si Silver.

Lahat din kami pumunta sa ospital.

"She's fine. She will be fine." sabi ni Silver. Pero namumula na ang mga mata nito.
Nakaupo kami sa labas ng Emergency Room. Gusto kong magwala. Gusto kong sugurin si
Silver pero wala ng lakas.

"How can somebody be fine? After this? After all of this?" nanggigigil ako. "May
nakasurvive na ba sa pag... sa pag-inom ng... Oh God!" hindi ko masabi. Hindi ko
masabi dahil kapag sinabi ko ginagawa ko na lalo itong totoo.

"Mika..."

"No Jupiter it is not fine... You can't tell me it's fine. Si Zylie." gusto kong
mag-break down.
"She's fine... She will be alright."

"WALANGHIYA KA KASI EH!" tuluyan ng nag-snap si kuya Zeus.

"Hwag naman tayong mag-away dito." awat ni Mikaela.

"Paano na ngayon yan! Si Zylie... My baby..." umiiyak si kuya Zeus.

"Did you give her that? Is that the Silver Cleaner I ask you to make?" kalmadong
tanong ni Silver pero may mga luha na siya sa mata. Naguguluhan ako. Siya pa ang
nagbigay nun kay Zeus? Tignan mo nga naman...

"Oo! Oo! At dahil sa'yo--"

"Thank God." huminga si Silver ng malalim. "Damn... Hindi ko alam ang gagawin ko
kung hindi..."

"A-anong sinasabi mo diyan!?"

"Zeus, you know what's the content of your Silver Cleaner? You should know. Please
tell me you followed everything in the paper I gave you."

"A-ano?" naguguluhan kaming lahat. Silver Cleaner? Ginawa lang ni Zeus?

"Homemade Silver Cleaner. Sodium Bicarbonate, Sodium Chloride, Acetic Acid..."


tuloy-tuloy na sabi ni Silver na parang nasa Chemistry Quiz Bee pa rin siya.

"Teka, ano?" napatayo si Zeus. Kaming mga kasama ay tinitignan lang silang dalawa.
"Bata hindi ko maintindihan ah. Pwedeng layman?"

"Ikaw ang gumawa nun. Pinagawa ko sa'yo yun para hindi mapahamak si Zylie. Baking
soda... Vinegar... Salt... These are all chemicals, semantics, you know. But not
really harmful." sabi niya with all his genius.
"Oh My God! Oh My God!" I can help but exclaim. Zylie's safe. Zylie's still with
us.

"So you knew? Alam mong kaya niyang gawin ang kunin sarili niyang buhay?!" galit pa
rin si Zeus.

"OF COURSE NOT! HINDI KO GUSTONG MANGYARI SA KANYA ITO!"

"Okay tama na... Hwag na tayong mag-away dito for her sake okay?"

"Pero... Pero bakit ganun siya? Bakit wala siyang malay?" tanong ni Alyanna. Oo nga
naman. Kung hindi siya napahamak dahil homemade naman pala ito at hindi harmful
chemicals, bakit ganun siya?

"Psychosomatic..." si Jupiter ko ang nagsalita. "It's all mental and emotional,


rather than physical." nagmamaganda na naman ang boyfriend kong shrink wannabe.

"Ano?"

"She wants to die. She thinks she really is."

Grabe....

"Si Zylie! Nasaan ang anak namin?"

Lumaki yung mata ko. Nandiyan yung pamilya ni Zylie. Kasama si kuya Zac. Tumingin
ako kay Yanny at alam ko ang iniisip niya. Hindi kami makapaniwala na ganun. Na
ganun si kuya Zac...

"Zyla Carbonnel?" lumabas ang doktor. Nagsilapitan ang pamilya ni Zylie at kaming
lahat. "She's okay..." ngumiti ang doktor.

Nakahinga kami ng maluwag habang pinapaliwanag ng doktor ang kalagayan ni Zy. Ang
sakit ng dibdib ko sa sobrang dami kong naramdaman. Nilipat na ito sa sarili
nitong kwarto at maya-maya, sinabihan kami na pwede na daw kaming pumasok. Pero
pinauna na muna namin ang pamilya ni Zylie. We know they need to sort things out.
Sila muna, bago kami.

"Hindi ka papasok?" tanong ko kay Silver.

"Mamaya na... May pupuntahan lang ako."

"Si Cleo ba?"

Natigilan ito. Siya nga.

"Uunahin mo pa talaga yun kesa kay Zylie?" gusto ko siyang sumbatan.

"Hindi ko siya inuuna, dahil mahalaga siya. Uunahin ko siya, dahil kailangan...
Dahil kailangan ng matapos muna siya, bago ako magkakaroon ng mukha para harapin si
Zylie."

Natatakot ako sa sinasabi ni Silver.

"Paano kung siya pala? Paano kung si Cleo pa rin pala ang pipiliin mo?"

"Mikaela alam ko na... Sigurado na ako... Sa lahat ng nangyari, hindi pwedeng hindi
pa ako sigurado... Kaya hayaan mo muna ako dito." Tumango na lang ako... Nagdasal
na lang ako na maging okay ang lahat, para sa lahat.

"Sa tingin mo, bakit kailangang mangyari ito? Lahat ng ito?" tanong kay kay Jupiter
na sobrang thankful ako at nandiyan siya palagi sa tabi.

"Because baby love. Siguro, kailangan lang talaga mangyari ang lahat ng ito."

"Kailangan? Kay Zylie? Unfair. Bakit ganun Piter? Tama ka? Na gagawin nga ni Zylie
ito... Pano mo nalaman?"
"There's no way her defense mechanism cycle is going to end. And at least now..."
tumingin siya sa pinto kung saan nandoroon ang pamilya ni Zylie. "... at least now,
maayos din ang issue sa pamilya niya. Hindi naman siya matitiis ng mga yun. At
magpapasalamat pa sila, na nabuhay ang anak nila."

"Kailangan pang nagsuicide muna siya?"

"I told you she has to do it. For it to stop. At least now, siguro, makakaramdam na
ulit siya ng totoo... Babalik na ulit si Zylie... Magiging maayos rin ang lahat
Mika."

"I hope so... Thank you..."

"Not necessary..." niyakap niya ako.

ZYLIE's POV

Nung nagising ako ulit, wala na sila mama. Pero nandun na silang lahat. Mga
kaibigan ko... Wala na ang pamilya ko na kanina ay humihingi lang ng tawad kahit sa
tingin ko eh hindi naman kailangan. Ako naman ang may kasalanan.

Umalis ba sila? Kaninang nagising ako, namulat ako sa kahihiyan ng ginawa ko.
Habang ipinapaliwanag ng doktor na walang masamang kemikal ang ininom ko, at habang
pinapagalitan nila ako sa ginawa ko, gusto kong umiyak sa hiya at sa sakit na nasa
dibdib ko pa rin.

Si kuya Zachary. Ano bang gagawin ko sa kanya? Sarili ko nga, maraming beses na
akong nagkakamali, natiis ko ang sarili ko, si kuya pa kaya? Kahit anong mangyari
naman, kuya ko pa rin siya... Hindi lang ako makapaniwala talaga, kaya hindi ko pa
rin siya makausap ng matino. Hindi niya naman pinilit kaya natulog na lang ako.

Ngayong nagising ulit ako, wala na talaga sila at nandito sa tabi ko ang mga
kaibigan ko. At si Silver, before I even realize. Bakit nandito si Silver? He's
even holding my hand. Gusto ko agad umiyak.
"Umuwi lang sila mama mo, magpapahinga at highblood na rin papa mo." Sabi ni Mika.
Kasama niya rin si Jupter at si Alyanna. Nandiyan pa rin sila. Nakakahiya. Hindi na
ako nahiya sa pinaggagagawa ko.

"Why are you here?" tanong ko kay Silver.

"Zylie I'm sorry..." he's crying.

"Pinagtatawanan mo siguro ako nuh? Failed suicide attempt. HAH."

"I'm not! Zylie, how can you ever think about that?" Suicide? Bakit pumasok sa isip
ko yun? Hindi ko alam... Hindi ko rin alam...

"Guys, sometimes there's this pain..." nagsalita si Jupiter "... for exessively and
severely depressed people, kahit na yung pain of existence, it will too much to
bear. We cannot really blame people taking their life because it is simply the
nature of the disease, it will distort your ideas and will make you think that
taking your own life is really rational and-"

"U-uhm! Shh. Jupiter, love... Tama na..."

"Uhm, ang mabuti pa, iwan na namin kayo." Sabi ni Alyanna. "Tara na Mika, Kuya
Piter ha? Quiet na tayo lumabas."

"Sorry..."

"If you guys need us, we are just right outside."

Lumabas na sila.

"I'm sorry..." he's crying "I'm sorry for not being there for you."

Bakit? Alam niya na ba ang nangyari? Alam niya na lahat ng nangyari... lahat ng
bagay, halos mawala sa'kin? Ang pamilya ko, ang mga kaibigan ko, siya... Akala ko
wala ng matitira..."

"It's not your fault."

"I know it's not just my own fault. Pero kasalanan ko rin... Kasalanan ko pa rin
yun... Eto... Na kanina wala ako sa tabi mo kung kelan kailangan mo ako."

"No, It's not your fault for not being there... it's actually my fault for thinking
you would be..."

"No, No... I'm sorry... I'm so sorry."

"Sorry for what? Sorry because you didn't choose me? Sorry because it is still
her?"

Jesus... I'm crying... I'm finally crying.

"Just cry.... Just cry..." niyakap niya ako "Akala ko hindi na kita makikitang
normal. Akala ko palagi mo na lang itatago lahat ng nararamdaman mo..."

"Ayokong umiyak... Ayokong umiyak kasi baka makita mo kung gaano talaga ako
kahina..."

"No... Crying is not really weakness. Hindi ba, ang sabi... since birth, it has
always been a sign that you are alive. And thank God you're alive."

"Pero bakit nandito ka pa? Naawa ka sa'kin? Silver I survived. Your Cleo might be
dying. Why are you still here?"

Ang totoo natatakot ako. Na sabihin niya na naman yung totoo. Na aalis siya. Na
parang mas gusto ko na lang magsinungaling siya sa akin at sabihing, dito na lang
siya sa tabi ko. Kahit hindi naman talaga yun ang gusto niya. Ang nararamdaman
niya.
"You know why Romeo and Juliet failed?"

"What are you talking about?"

"Communication... Hindi sila nagusap, hindi sila nagkaintindihan... Romeo and


Juliet is a classic example that communication has a lot hell of importance in love
and relationships."

"What's your point?"

"That I will talk... That everything that I believed in before, that everything
that I thought was perfect, is not really gonna work."

"Natutunan mo yan sa'tin? At ngayon itatama mo na, para sa kanya?" Ang sakit. Bakit
pa siya nandito kung magpapasalamat lang siya na natutunan niya kung paano na sila
magiging masaya ni Cleo dahil sa mga pagkakamali ng relasyon namin.

"You know I once told you that I'd rather you won't believe me if I say I love
you..."

"Because you will spend the rest of your life proving how much you do?" naiiyak na
naman ako. Babawiin niya na siguro yun "Bakit? Binabawi mo na? You can't really
prove to me for the rest of your life?" napasigok ako. Parang hindi ko na naman
kakayanin.

"Oo binabawi ko na."

"God..." di ko napigilan

"Binabawi ko dahil mali ako. I love you... I love you and I will tell you
everyday... Everyday of my life... Kanina mo pa iniisip si Cleo, pero ikaw lang
talaga..."

"Silver..."
"Hindi ba sinabi ko mali ako? Mali ako sa lahat ng bagay. At kung may isa man akong
natutunan, actions aren't really enough. You know why Cleo and I failed? Because
we're just like Romeo and Juliet... and Romeo and Juliet, no matter how famous they
are... isn't the perfect relationship..."

"A-anong sinasabi mo..."

"I know words without action is meaningless. Yan ang itinuro niya sa akin. But
actions without words is puzzling, confusing... mistaking... Maybe that's why we're
this awful, we're this confused, it's because I don't tell how much I love you...
How much I can live my life without you."

"Pero si Cleo... hindi ba... hindi ba sabi mo?"

"I've already talked to her."

"Really?"

"Really."

"At ganun na lang yun?"

"You know what I realized? I realized, it hurts. It hurts because she's a part of
me, too. It hurts me a lot when I found about her cancer. It hurts me to know she's
dying."

"Then why don't you go to her?" Is this one of push and pull conversation?

"Pero nung nalaman ko yung ginawa mo. Hindi lang ako nasaktan ng ganun. Hindi lang
sakit yung naramdaman ko. It's like I'm dying, too. And there, I knew. I became
sure. Even after I talk to her. I talked to her to make sure. I talked with her
before I even came here."

"Kinausap mo siya, bago ka pumasok dito?" inulit ko lang ang sinasabi niya.
"At dahil doon, nalaman kong wala na... Dahil ganoon lang pala yun... Maybe I get
affected by her. Because she was a big part of me. A part of who I was. The reason
why I'm like this. Hindi rin naman ako magiging si Silver ngayon, kung wala siya ay
hindi naging parte ng Silver noon. But baby, that doesn't mean I still love her.
That doesn't mean siya pa rin."

"Wag mo sabihing narealize mo yun nung nakausap mo siya? Na ganun na lang kabilis
yun?"

"I guess we just really need to sit down with the past so you we can finally walk
away with the present."

"Pero 2536... Si Cleo ang password ng phone mo. Silver, nasa katauhan mo na siya.
Paano mo sinasabi ngayon na ako na pala, at wala na talaga siya?"

"WHAT?"

"2536 Silver! Hwag kang magkaila at magimbento ng ibang dahilan dahil alam ko, alam
kong si Cleo yun. Nakikita mo lang si Cleo sa'kin. I am just a reflection of her."

"Alright 2536 may be CLEO."

Naiiyak na naman ako.

"But Zylie please. My phone's old. Every 4digit passcode ko pareparehas na 2536.
But that doesn't mean it is still Cleo. Nakasanayan ko ng gawing passcode yun.
Check it. Sa ATMs, sa safe. wherever. But believe me! I've completely forgotten
that it means CLEO! If you want, I can change it."

Tumango-tango langa ako. Ang sakit eh. Parang ginagawa niya lang ng paraan para
majustify ang lahat. Nakalimutan? Lame!

"Ganun? Dahil lang gusto ko? Tska mo lang babaguhin dahil gusto ko? Hindi dahil
desisyon mo?"

"Listen Zylie, I know, it's hard to believe but I don't really reflect on my
passwords, my passcodes. Wala yung meaning. I don't dwell on dates on numbers, on
these damn details."

I don't know where he's leading.

"Zylie believe me. It might not seem. But I'm forgetful. I need constant
reminders." hinawakan niya ang kamay ko. "I don't even remember the dates we've
met. I don't even remember appointments, anniversaries. Hindi ko natatandaan lahat
ng yan. At kahit yung 2536 na yun, na siguro ginawa naming passcode ni Cleo dati
hindi ko na natatandaan. I'm forgetful. Because I'm busy remembering important
things... important people... like you..."

"Silver naman... hwag mo na akong pahirapan."

"Believe me. I get easily distracted. And I don't try to remember things that you
wish I could remember. Some details, some numbers. Hindi ko na nga alam kung anong
date tayo nagkakilala. Hindi ako yung tipo ng tao na gagawing passcode ang
anniversary o monthsary dahil tinandaan ko yun. Zylie, we never even celebrated any
monthsary whatsoever right?"

"Oo." tama naman siya. Wala kaming ganun. Walang importansya sa kanya ang mga
ganun. Ngayon alam ko na.

"Believe me I don't remember these shits! Because I don't need to! I forget them
because there's no use! You see... I forget things..."

"Forget?"

"I forget dates, but I can still remember the dress you wore, how good you really
smelled..." umiiyak na rin siya. My Silver. "I don't remember other details. But I
remember every story you tell me. I remember how you cried out at the carnival. I
remember how your finger bled... I remember you... I even recreate your smell some
nights to keep myself sane..."

"Pero si Cleo... She always crosses your mind."

"Totoo. She sometimes cross my mind. A few times... But you... You just crossed my
mind once... but you never left. I didn't see it, I didn't realize you never really
left!"
I don't know... Umiyak na lang ako ng umiyak.

"Akala mo, minahal kita dahil nakikita ko si Cleo sa'yo? Akala ko rin eh... Pero
hindi pala, Zylie. Nung nagusap na kami... It was made clear. Kaya ko siya naalala,
dahil sa'yo."

"Dahil sa'kin."

"Nakalimutan ko na siya. Pero I saw you. And I keep on seeing you, everywhere. Na
kahit si Cleo na-associate ko na sa'yo. Nakikita kita sa kahit saan. I thought I
was going crazy. Lahat na lang ng bilog, lahat ng pancake. Sa McDonalds gusto ko ng
pancake. Kahit pa ng sa ice cream parlor na pinuntahan niyo ni Buknoy, humahanap
ako ng pancake flavor. You know why?"

"Because it is really you. Mahal kita... maniwala ka naman..."

"K-kinakailangan pang maging instrumento yung kamatayan?" I provoked him.

"I'm sorry... That it had to go that far... I'm sorry. That I even went this far,
na kinakailangan mo pang sumuko bago ko talaga malaman... I'm sorry... if you
really did... did it, kung napahamak ka talaga... hindi ko na alam ang gagawin
ko..."

"Kung natuloy yun, sigurado, nasa impyerno na ako..."

"You'd know I'd go to fucking hell for you."

Stupid.

"Mahal kita... mahal na mahal kita."

Di ko na mapigilan ang luha ko. Ang naiisip ko lang, kailangan ko siya. Kailangan
ko siya siya and I know we'll find a way out together.
"Diba you told me, you were fighting for us? Please... Lumaban ka ulit... Para
sa'tin."

"T-the fight for you is all I've ever known."

"From now on, you won't fight alone. I love you Zylie."

"Don't you love me anymore?"

Stupid Silver. Akala ko matalino siya. Hindi lang ako makapagsalita... Gagawin ko
ba lahat ng kabaliwan na 'to kung di ko siya mahal? Bakit niya pa tinatanong yan?

They say love is a prerequisite and a catalyst of every relationship and


commitment. I know I love him. In fact I love him too much. But is love enough for
a commitment to not just survive, but thrive?

"If you can't fall in love with me now, then fall into my arms instead. I promise I
will make you fall in love with me again. I promise..."

*later*

Final Chapter- Outset: Saturday Morning

Epilogue- Queen: Saturday Afternoon

It's #RNKFinale on Saturday yay! Sorry kung hindi namatay si Zylie. Si FG kasi 'to.
Mahal ko si Silver :)

##################################

~~Chapter Seventy Eight- Outset~~


##################################

RNKFinale

ZYLIE's POV

Hindi ko alam kung may naniniwala ba sa'kin. Siguro nga wala.

Baliktad ang utak niyan.

Kung kelan nandiyan na, tska pa papakawalan.

Baliw.

Ganyan naman yung mga bulong-bulungan sa buong campus. Hindi ko alam kung paano
kumalat ang balita sa hindi natuloy na pagpapakamatay ko. May pakpak nga naman ang
balita at may tenga ang lupa.

"Zylie. 2 months na... H-hindi pa rin ba okay?" nangingiming sabi ni Mikaela. Kahit
kailan talaga, siya yung mature sa'ming tatlo ni Yanny. Siguro dahil na rin sa siya
ang panganay sa kanilang magkakapatid at naatasan ng makabuluhang bagay, o dahil na
rin sa palagi niyang kasama si kuya Jupiter na parang nakalunok na yata ng Abnormal
Psych book. "Tignan mo siya. Tignan mo kasi."

Si Silver, kalubong namin. Katulad ng dati titignan niya ako, minsan sa tingin ko
gugustuhin niyang lumapit. Pero ako yung magiiwas ng tingin at magiiba ng
diresksyon.

"Hindi ko alam Mika eh..." sabi ko nung makalampas na siya. Tapos unti-unti ko na
naman nararamdaman na nagtutubig yung mata ko.

"Tsk tsk tsk! Tignan mo ayan na naman! Iiyak na naman! Eh kung mag-usap ulit kayo?"
Kinapa ni Mikaela yung bulsa ko at kinuha ang nakatagong panyo. Nakakahiya na siya
pa mismo yung nagpunas nung mga mata ko.
"H-hindi ko alam..." wala akong masabi kundi ganun na lang.

Dalawang bwan na nung huli kaming nag-usap. Nung oras na pinapagtapat niya na lahat
ng nararamdaman niya. Nung oras na nakakahiyang gusto kong kunin yung buhay ko
dahil lang sa mga problema. Dahil sa kanila. Dahil sa kanya.

Ayoko na... Ayoko na muna...

Sabi ko sa kanya pagtapos ng lahat. Hindi dahil ayaw kong tanggapin yung sorry
niya, yung pagpapaliwanag niya. Pero hindi ko pa kasi kaya na lumabas sa ospital na
yun na sila na naman ulit yung kasama ko. Na babalik na lang ako kay Silver ng
ganun-ganun na lang na parang hindi naman sobrang sakit nung nararamdaman ko. Kaya
nga ganun. Sabi nila, maarte.

"Pero Zylie, ikaw naman ngayon yung magulo eh. Kung ayaw mo na sa kanya, sabihin
mo." Nakalabas na kami ng school at maghihiwalay na naman kami ni Mikaela. Si
Alyanna, absent na naman kasi.

"Hayaan mo siya!" biglang nasa likod na naman namin si kuya Jupiter. "Siya yung
lalaki, siya yung manligaw."

"Nandiyan ka na pala!" hinawakan ni Mika yung nakaextend na kamay ni kuya Jupiter.


Bakit sila nakakainggit? "Anong panliligaw pinagsasasabi mo? Eh gusto na nga nila
yung isa't-isa! Mahal na nga nila eh! Ligaw-ligaw pa?"

"T-tsaka hindi yun marunong." Sobrang awkward sabihin yung mga ganung bagay. Pero
pagkatapos ng lahat ng nangyari, natuto na akong mag-open kay Mika, lalo na kay
kuya Jupiter para makarinig ng mga words of wisdowm.

"Hindi siya marunong manligaw?! Eh pano naging kayo!?"

"Wag ka nga! Basta naging sila!"

Minsan kahit parang alam na alam na ng boyfriend niya ang lahat, ineexplain pa rin
ni Mika. Hindi nga madetalye ang mga lalaki. Kinakalimutan ang mga bagay na hindi
importante. Naalala ko na naman si Silver.
"Weird niyo kasi." Comment ni kuya Jupiter sa relasyon namin.

Alam ko.

"Hay nako Zylie. Hihintayin mo ba yung time na hindi ka na titignan ni Silver kapag
nagkasalubong kayo?"

Iisipin ko pa lang, naiiyak na ako.

"Hindi ko kasi alam gagawin ko eh. Ang gulo."

"Alam ko." Ani kuya Jupiter na parang may explanation naman siya sa lahat. "Ayaw mo
lang siyang patawarin unceremoniously. Na hindi sapat yung mga sinabi niya para
maniwala ka?"

Grabe. Gusto kong umoo.

"Dati, nung walang sinasabi at puro gawa lang si Silver ayaw mo. Ngayon nung
nagsalita siya ayaw mo. Ang gulo mo gurl kahit friends tayo hindi ko magets
minsan."

"Baby love intindihin mo rin! Kaya siya lumalayo kasi she loves him too much na
alam niyang mali na rin. Kailangan niyang paliitin yung pagmamahal niya."

"Weh? Paliitin yung pagmamahal pwede ba yun?"

"Tignan mo ha, feelings, and emotions, kabilang na syempre yung love ay masama
especially when they are excessive! Masama ito for the same reason na lahat ng
sobra ay masama. Love can hinder you from understanding and from seeing everything
in a wider perception. Just like with parents, if they love their children so much
na umaabot na sa pagpapaspoil sa mga ito. Sa kanila rin. Zylie may love him too
much na naging selfish siya, kaya nangyari lahat ng yun."

Hanggang sa nagdebate na lang sila.


"Alam ko naman eh!" hindi ko na mapigilang magsalita "Kaya naman hindi ko masabing
pinapatawad ko na sila, dahil sa totoo, wala naman talaga sa kanila ang kasalanan."

"Zy... Sinaktan ka nila! Si Bettina-"

"Biktima lang si Bettina ng sitwasyon. Alam ko. Ilagay mo kaya yung paa mo sa
sapatos niya. Nagamit siya, pinagbintangan ko siya. Masama ba kung naiintindihan ko
siya?"

"Si kuya Zac? Si Terrence?"

"Kuya ko siya eh, anong gagawin ko sisisihin ko siya dahil sa sexual orientation
niya... At hindi ko na mahal si Terrence..."

"Eh ung pamilya mo?"

"Nagalit lang sila, highschool pa lang ako. Hindi naman nila alam yung
pinagdadaanan ko eh."

"Pero hindi ka nila dapat pinalayas ng ganun na lang! Hindi ka man lang nila
hinintay makapagpaliwanag?!" galit na naman si Mikaela.

"Baby love." Hinawakan ni kuya Jupiter yung mga balikat ni Mikaela. "Nagalit lang
sila. Alam mo yung bugso ng damdamin? Parang tayo? Parang si Zeus, teka lang! Zeus
talaga yung kuya mo Zylie? Eh diba Greek counterpart ng Jupiter yun? Baka kami ang
meant to be?"

"Walanghiya ka talaga!" hinampas ni Mika sa kuya Jupiter

"Pero katulad nga ng sinasabi ko, si Zeus, ni hindi niya na nga narealize na wala
namang masamang kemikal sa homemade Silver cleaner dahil na rin sa bugso ng
damdamin. Ganun din yun, galit yung mga magulang ni Zylie na wala ng inalalang iba.
Ganun naman diba? Ikaw nga umiyak ka na lang nung nakita mo siya kahit hindi mo pa
alam kung anong nangyari."
"EH ANONG GAGAWIN KO AKALA KO NAWALA NA SA'TIN SI ZYLIE."

"Ano ka ba! Ayan na nga si Zylie oh buhay na buhay. Iyak ka na naman!"

"Pag naiisip ko kasi! Zylie wag mo na uulitin yun! Kundi, papatayin kita!"

Gusto ko silang yakapin. Nakakatawa si Mika. Papatayin daw ako kapag nagpakamatay
ako ulit. Bakit kasi mahal na mahal pa rin ako ng mga kaibigan ko kahit ganito ako.
At bakit hindi ko sila naisip nung gusto ko ng kunin yung buhay ko.

"Pero si Cleo? Paano si Cleo tska si Silver? Maniniwala ka na ba sa sinasabi niya?


Na hindi na si Cleo? Papatawarin mo na ba siya?"

"Matanong ko lang? Ano ba talagang kasalanan ni Silver?"

Napag-isip tuloy ako. Ano nga ba?

*rriiiiiing*

"Yanny?" sagot ko dahil tumatawag pala si Alyanna. Ang alam ko absent siya eh buong
araw kasi may sakit tapos tumatawag?

"Zylie punta ka naman dito sa coffee shop sa may tabi ng Mendel. Sige na!"

"Huh? Eh diba may sakit ka bakit ka nandiyan sa coffee shop?"

"Basta kailangan mo akong tulungan!"

Nagpaalam na ako kina Mika at sa boyfriend niya dahil sigurado may brief date na
naman sila kaya hindi ko na sila isinama sa coffee shop kung saan nandoon si
Alyanna. Pagkarating ko hinanap ko agad siya pero kahit saan talagang sulok ng
establishment, hindi ko siya makita. Nung tinatawagan ko na siya, wala na.
The telephone number you dialed is either unattended or out of coverage area.
Please try your call later.

Bigla na tuloy akong kinabahan. Naisip ko, baka sineset-up ako ng babaeng yun kay
Silver. Siya pa naman yung pilit ng pilit na kausapin ko na siya. At hindi ko rin
kasi alam sa sarili ko kung bakit ayaw ko. Natatakot ako. Natatakot akong kausapin.
Tapos natatakot din akong hindi na siya makausap. Sa sobrang gulo ng nararamdaman
ko, gusto ko nang iuntog yung sarili ko sa pader.

"Zylie." Napalingon ako.

Hindi yung inaasahan ko ang makikita ko. Ilang beses na ba akong nagprepare ng
sasabihin kay Silver kapag nagkita kami ulit matapos ko siyang sabihan na Ayaw ko
na muna. Ni hindi ko nga alam kung anong naisip niya at naisip niyang kahulugan nun
nung sinabi ko. Pero lahat ng preparations wala dahil hindi naman siya nagtangka ng
lumapit ng sobra. At ngayon, sinet-up nga ako ni Yanny, pero hindi sa kanya.

"C-cleo?"

Tinapik niya yung upuan sa tabi niya na parang sinasabing umupo ako doon. Hala ano
ba ito? Sasabihan niya ba ako na layuan ko na si Silver? Eh hindi ko na nga
nakakausap yung tao.

Pagupo ko napansin kong nagkakape siya. Nagkakape?

"Pwede ba sa'yo yan?! Kape?"

"Hindi 'to kape." Pinakita niya yung iniinom niya. Pero hindi ko pa rin
maintindihan.

"Ah... okay." Hindi ko alam kung saan titingin. Tinatry ko pa rin kontakin si
Alyannang baliw.

"She's not coming." Nginitian niya ako. "Your friend."

"Huh?"
"Ako talaga yung nagpapunta sa'yo dito."

"HUH?"

"Puro ganyan na lang ba ang sasabihin mo?" may dumating na barista at nagdala ng
katulad ng iniinom niya "I don't know what you like, but that's decaf."

"Ahm, ano bang pag-uusapan natin?" tinanggap ko yung inumin "Thanks."

"I just... wanna say good bye."

Goodbye? Sa'kin? Eh hindi nga kami magkakilala.

"Pero-"

"Zylie bakit mo ginawa yun?"

"Huh?"

"Bakit mo tinangkang-"

"HA?! Aah-" hindi ko alam ang sasabihin. Lahat na lang ng tao natatakot tanungin
sa'kin ng ganun kadiretso ang bagay na yun. Kahit nga yung pamilya ko eh. Hindi na
namin napapagusapan yung failed suicide attempt. Pero siya, agad-agad, diretso yung
tanong niya. "A-ano..."

"Zylie ikaw ang mahal ni Silver. Kasi kung sapat na yung pagmamahal niya sa'kin,
hindi ka na niya mamahalin. Kaya sana hindi mo na ulitin yun... Maraming tao...
maraming taong ginagawa ang lahat para lang mabuhay. Kaya sana wag mong sayangin
yan."

OMG. Nalungkot ako bigla. Hindi tuloy ako makatingin sa kanya. Alam ko naman ang
ibig niyang sabihin eh. Siya... She's struggling to live. She's fighting, doing
anything to live. Tapos ako, dahil sa mga problema, sumuko na lang.

"Sorry..."

"No. I'm sorry. Kasi kung hindi pa ako bumalik, baka hindi na kayo nagulo."

"Cleo."

"Wag mo akong gayahin. I think too much about the future. Dahil hindi ko sigurado
kung meron pa akong ganun. Mahalin mo siya kung ano yung meron ngayon. Wag kang
mag-alala at wag mo munang isipin kung anong magyayari sa hinaharap."

"M-mahal ko siya. Pero bakit ganun? Parang may mali pa rin."

"I guess you just love him too much?"

Alam na alam naman niya. Siguro nga mahal ko si Silver ng sobra-sobra.

"I guess." Minsan nakakahiya ring isipin.

"Hindi ba minsan parang ang hirap isipin? How on earth can we love someone that
much, that we are practically embarrassed to even admit it? That, that someone can
be that important. More important than we think of ourselves? That it feels like we
can't exist without them?"

Oh My God. She still loves Silver. She loves Silver so much.

Tumango ako. Ganun naman kasi talaga yung nararamdaman ko eh. Na parang hopeless na
kapag wala siya. Na nakakahiyang aminin sa sarili. Na minsan nakakagawa ka na ng
kabaliwan. Sobrang masama na. Kaya nga hindi ko na alam kung ano ang magyayari
sa'min.

"I dunno but maybe Silver Jeremy has that effect. So you have to keep an eye on
him." Pagbibiro niya. Pero alam ko namang totoo. How can you not love that guy?
Hindi ba't una kong naisip nung nakita ko siya. You'll forgive anyone with that
face.

"Cleo." Huminga ako ng malalim. Ang totoo hindi ko pa nga nababawasan yung kape ko
dahil baka kabahan lalo ako. "Mahal ko si Silver. At alam kong minahal ka niya...
Siguro nga mahal ka pa ni-"

"Zylie ano ka ba." Hinawakan niya yung kamay ko. "Nag-usap na kami. At alam mo ba?
Dati pa, bata pa lang, alam ko nang dadating kami sa ganito."

Hindi ko alam kung anong isasagot ko.

"Oo mahal ko siya, sino ba namang ayaw makatuluyan ang first love nila hindi ba?
Pero dati, tinanong ko na siya nang tungkol sa hinaharap at ang sabi niya-

I don't want anyone else but you. I won't ever try or even be curious of how it
feels like with others. You are not just my comfort zone. You are my baggage
remember? Alam mo ba kung gaano ka kahirap alagaan? You are so clumsy and you
always get hurt! Ano ang comfort dun?

-alam ko mahirap akong alagaan dati pa lang. At syempre, nung panahon na yun, yun
na siguro yung pinakamasarap na sagot na pwede mong marinig mula sa taong mahal
mo."

Nakinig lang ako. Nakatingin na lang ako sa kamay niya dahil kahit papaano,
naapektuhan pa rin ako kapag naririnig kung sino si Silver Jeremy noon. Kung paano
niya minahal si Cleo noon.

"Pero alam mo bang sabi niya nung nagusap kami ulit Zylie? Nung sinabi niyang
kailangang-kailangan naming magusap bago ka niya maharap sa ospital?"

"A-ano?"

"That he never thought about being with anybody else but me, becaue he thought it
will be less. Kahit kailan daw hindi niya naisip na mangyayari dati. You see,
Silver is a very loyal guy, and he thought he still loves me, he still misses me."

"Yeah... I know he still does."


"No." tumawa siya "He said... He realized, he just miss the memories, but not
really me."

Hindi ko alam kung matutuwa ako para sa sarili ko, o masasaktan para kay Cleo.
Umiyak siya, at naiyak na rin ako, at hindi ko alam kung paano kami tumigil dahil
alam naman namin na hindi parehas na bagay ang dahilan ng mga luha namin.

"Take care of him, okay?"

Can I?

Tumayo siya at sinundan ko siya ng tingin. Pero lumingon ulit siya bago siya
makalabas sa coffee shop.

"One more thing Zylie. Silver is high-functioning sociopath."

"HUH?"

"Haha. Biro lang. Gawa lang ng kakapanood ko ng series. Pero ang totoo. He's close
to being introverted. He doesn't even know how to open himself to others. Kaya when
he opens he's heart to you, it means he's giving you something fragile that you can
break."

"A-anong sinasabi mo."

"Siguro kung iniinis ka niya, spesyal ka sa kanya. Pero minsan hindi niya makukuha
ang social cues na ibibigay mo sa kanya. Hindi siya marunong mag-joke. He can be
charismatic at times, but he can't crack a joke properly. He doesn't have a good
sense of humor. He can't even ask a girl out properly."

"A-ah... ano?"

"Ano kasi... Hindi siya marunong manligaw Zylie." Kumindat pa si Cleo at tuluyang
lumabas.
~

Lumipas ang ilang araw, bwan, pero hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Ibinuhos ko
na ang lahat para sa magkuha ng remedial at summer classes para sa na-miss ko dahil
sa matagal na pagabsent ko nung maospital ako at ng pinilit nila akong kumunsulta
sa shrink. Nagsimula na rin ang sumunod na taon at bumalik na ako sa dati. Ano ba
yung dati? Dating tatlo lang kami nila Mikaela. Si Silver na naabot tanaw ko lang.

Tumigil na rin yung usap-usapan tungkol sa'kin. Bukod na rin sa mga oras na
napapahamak ako at tinatawag pa ring Reyna ng Kamalasan. Itunuloy ko na lang ang
pag-aaral ng mabuti para hindi na rin magaalala ang pamilya ko sa
pakikipagboyfriend at pagiging mapusok ko kasi wala.

At hindi na rin kami naguusap ni Silver.

Hindi na. Matatapos na ang highschool at hindi ko alam kung saan siya mag-aaral.
Siguro dun sa pangmatalinong school na hindi ko na rin naman kakayanin kaya hindi
ko rin alam kung paano na ang magyayari. Minsan naiinis ko kasi hindi niya na nga
ako nilalapitan. Pero minsan naisip ko, ako rin naman ang nagsabi na ayaw ko na...
ayoko na muna.

Hanggang sa aalis na rin si kuya Zac sa bahay namin.

"Zylie. Magpaalam ka na sa kuya mo." Inakbayan ako ni mama. Hinatid namin si kuya
sa airport kaya absent ako sa school. Kailangan daw kasi eh at matagal-tagal din
kasi bago makauwi ulit siya.

"Ingat... po kayo." Hindi ko alam kung yayakapin ko siya. Sa totoo lang, mahal ko
si kuya. Pero bakit hindi ko mapigilang mandiri minsan kapag naiisip ko. Hindi ako
nandidiri sa gender niya. Pero hindi ko pa rin maisip, kahit ilang bwan na ang
nakakalipas na sila? Si Terrence ay siya? Kahit anong gawin ko, bakit hindi ko
matanggap?

"Hindi mo man lang ako, yayakapin?"

Lumapit ako na punong-puno ng kaba. Ganitong-ganito rin noon eh. Ilang taon na yung
nakakalipas nung nagpaalam din siya ng ganitong ganito, tinanong kung hindi ko ba
daw siya yayakapin. Tapos pagsasabihan tungkol sa boyfriend.
Tigil-tigilan mo na yang Terrence mo ha? Mag-aral ka muna.

Tandang-tanda ko pa rin yun. Sino naman ang mag-aakala na hindi pala basta
paghihigpit yun? Pero ngayon? Ano pa bang masasabi niya. Hindi na naman kami ni
Silver eh. Ilang bwan na rin matapos yung ginawa kong katangahan, at pagkatapos
nun, hindi naman kami bumalik sa dati.

Kay Silver naman, hindi naman nagbago ang nararamdaman ko. Mahal ko pa rin yun.
Hindi naman ako tumigil. Pero yung sitwasyon? Lahat nagbago. Siguro isa na rin sa
dahilan ay eto. Si kuya. Natatakot pa rin ako. Ganun na naman ba ang sasabihin niya
bilang parting words?

Pero lumapit pa rin ako, at niyakap ko si kuya Zac.

"Mag-ingat ka... You are very lucky Zy."

Huh? Pinagsasasabi niya? Lucky?

"He is a keeper."

Wah. Bakit ganun? Iba ang ineexpect kong parting words mula sa kanya. Kabaliktaran
ang sinabi niya sa lahat ng iniisip ko. Silver's a keeper?

Shet. Alam ko naman yun eh. Alam na alam ko yun. Pero hindi lang din ako
makapaniwala na si kuya Zac, sinasabing I should keep him. I can't lose him? Hindi
ko mapaniwalaan.

"A-ano po?"

"Nasa bahay siya?"

"Sino?
"Siya. Si Silver. Every single night, kapag tulog ka na. Kinakamusta ka.
Kinakamusta sina mama. For a year, without fail?"

"HUH?" paanong nangyari yun? Masyado ba akong dense para hindi malaman na may
bisita kami sa bahay palagi. "B-bakit hindi niya ako kinakausap?"

"Sabi niya, kakausapin ka niya, kapag gusto mo na..."

Nakakausap ko na rin si Bettina ilang ulit na. Alam kong biktima lang din siya ng
pagkakataon at ilang pagkakamali. Isa man siya sa nabiktima ng love spell ni Pilak,
alam kong marami rin akong naging kasalanan. Hindi ko siya pinayagang magsorry
sa'kin dahil tingin ko hindi yun kailangan. Yung nakakahiyang bagay na ginawa ko sa
homemade silver cleaner? Hindi naman nila kasalanan yun eh. Nagmukha man akong
biktima nila o ng sitwasyon ngayon, pero kung titignan maigi, kasalanan ko lahat
yun.

Itinago ko at ikinaila ang relasyon namin para lang kay Yanny pero mali. Sumobra
ang selos ko na nagdulot ng mali. Dumami ang kasalanan ko kaya lalong naging mali.
Wala akong pwedeng sisihin kundi ako at ako lang din.

"He's there." Sinalubong pa ako ni Bettina nung nasa Audi na ako. Hindi ko talaga
mapaniwalaan na kausap ko siya ng ganito, eh mistulang elite siya sa school, at
sobrang bait pa. Nakakapagsisi talaga. At nakakahiya na palagi na lang siyang nice
sa akin dahil feeling niya, indebted pa rin siya sa mga ginawa niya nung lasing
siya. "Meron nga lang girl na ewan..." bulong niya pa. Naguusap lang kami kanina
tungkol sa mga make-up classes tapos ngayon nauwi sa pagmamanman kay Silver.

Lumapit ako at nagsusulat siya sa glassboard. Nakatalikod siya mabuti na ring hindi
niya alam. Walang alam si Silver at yung babaeng katabi niyang nakaharap rin sa
glassboard.

"I think that's already fine Silver. That's even way too methodical. Uwi na tayo
and magcoffee!" yaya ng babae. Hindi niya ba narealize na sobrang tahimik na at
dinig na dinig na siya kahit saang sulok ng auditorium?

"Uuwi? Or Coffee? Which is which?"


"I mean, we can get out of here, and have some fun. Ang sakit sa ulo ng 3 rounds of
debate! Let's hang out together, yeah?"

"Kiddo, I can't." nagpatuloy si Silver sa pagsusulat. Natatawa na lang si Bettina


sa tabi ko habang nakikita ko ng harapharapan ang flirtationship na nagaganap.

"Why?! And I'm not a kid."

Bettina's mouthing something. She's a freshman. Sabi nito at narealize ko, kaya
pala hindi ko masyado kilala. At siguro hindi rin ako kilala. At sino naman ako
para makilala ng lahat diba?

"Still a kid." Nagsusulat pa rin si Silver sa board. "Now if you're still staying
look at this, argumentum ad ignorantiam, Argument from Ignorance. Yung kaninang
sinabi mo nung second round hindi pwede yun, we should not assume that a claim is
true because it has not been or cannot be proven false..."

Okay dugo ilong ko dito. Gusto ko na sanang umalis pero gusto ko ring marinig si
Silver. Tska kailangan rin naman naming magkita dahil bukod sa may ikukwento ako sa
kanya, miss na miss ko na siya. Friday afternoon naman at siguro pwede naman kaming
magkita ng ganito.

"Silver naman. You are single, right."

"Eh ano?"

"Then maybe you're gay?"

"What?" napatigil na si Silver at humarap sa babae.

"I keep asking you every single time. And every time you reject me. Maybe you're
gay."

"Sizzle, are you sure you're a member of the debate society?"


Sizzle? Kamusta namang pangalan yun? Nakakatawa yung bata. Pero natatae na rin ako
sa pwesto ko dahil palagi na lang may ganito. Yung mga pogi problems ni Silver na
palaging palay na ang lumalapit sa manok. At hindi pwedeng magselos dahil hindi na
kami. Hindi na nga kami naguusap eh.

"Of course I am! I'm here!"

"Then why the faulty logic?!"

Woah. Nakakatakot naman maging parte ng debate society. Bakit ba kasi ako napapunta
dito?

"S-silver!" gulantang yung babaeng Sizzle na gusto ko ring gawing sizzling plate.
Grr.

"Sizzle, I am not single."

Namutla yung babae. Kanina gusto ko siyang awayin, ngayon naawa na ako sa kanya at
gusto kong hilahin na pababa si Silver para stop na.

"B-but you don't have a girlfriend! I've asked."

Weird lang na, kaya niya na kailangang manligaw. Mga babae na talaga ang lumalapit
sa kanya. Hindi ka minsan, natutukso siya?

"Well, if you're a semantic nut, Fine I'm single. Pero dahil lang hindi niya pa ako
binabalikan. Hindi niya pa ako sinasagot."

Tumakbo na ako palabas. Sinasagot? May nililigawan ba siya? Di ko alam mararamdaman


ko. Ako ba yun?

Hindi nawala sa isip ko yung mga sinabi ni Cleo. Sinubukan kong abangan kung may
bisita nga kami sa gabi. Hindi na nga ako natulog isang gabi para lang maabutan at
malaman kung totoo nga yung sinasabi ni kuya Zac.

Pero wala eh. Parang hindi naman totoo. Wala akong naabutan. Baka nga may iba
siyang nililigawan?

Ilang araw din akong hindi nakatulog.

Hanggang sa dumating na yung practice ng graduation. Yung buong program.

"Eh siyempre si Silver mo yung Valedictorian." Sinisiko ako ni Mikaela habang


umaakyat si Silver sa stage para sa kunwariang delivery ng Valedictory address.
Kailangan kasi i-run through ang bong program para sa pagtatsa ng oras.
Pinapagmartsa kami kasama ng kunwariang paglipat ng toga. Ngayon pang-ilang ulit na
at aakyat na naman siya sa stage para lang makita ng lahat.

"Galing pa rin niya nuh? Sa dami ng problema na dumaan sa inyo?"

"Baka kasi walang problema para sa kanya."

"BITTER!" sabay silang sumigaw. Pinatahimik ko sila dahil baka mapansin na


nagpalit-palit kami ng seats dahil hindi naman dapat kaming magkakatabi.

"Ah hello." Nagsalita si Silver sa Mic. "Okay na po ba pwede ng bumaba?" sabi nito
sa teacher namin na nagaayos ng stage pero nahagip pa rin ng mic.

"Ilang minutes ba yung Valedictory address mo?" tanong ni ma'am.

"Saglit lang po. 2 minutes?"

Nagtawanan. 2 Minutes? Valedictory address? Eh si Silver yan eh.

"Eh magsalita ka na lang diyan in two-minutes dahil real time dapat yung practice
natin ngayon dahil bukas na ang mismong program."
"Ano pong sasabihin ko."

Gusto kong tumungo. Ayaw niya sa mga ganyan eh. Ayaw niya nga sa ganyang exposure
eh. Tapos kailangan pa naming practice-in ng paulit-ulit.

"Kahit ano. Mag mic-test ka. Or magjoke ka."

Joke?

"Knock knock."

Omg nagjo-joke nga siya. Binawi ko ang ulo ko sa pagkakayuko at tumingin. Tapos...
nakatingin siya sa'kin? Sa'kin ba?

"Who's there?!" sigawan naman yung lahat.

"Mary."

"Nakatingin siya sa'yo." Bulong ni Alyanna.

"Parang hindi naman."

"Mary who!?" tanong na naman ng lahat.

Bakit parang nakatingin nga siya sa'kin?

"Marry me."

O___O
Napayuko na lang ulit ako. Ano bang joke yun? Gusto kong mahiya. Nagtatawanan pa
yung mga tao sa hindi ko alam kung dahil sa sobrang corny o sa sobrang kahihiyan.
Sinong nagjo-joke ng katulad ng ganun. Ano ba si Silver. Naisip ko tuloy yung
sinabi ni Cleo. Yung sense of humor ni Silver.

Hindi ko na kinaya. Nakatingin pa rin kasi si Silver sa'kin at pati na rin ang
lahat. Nauwi sa tuksuhan at sinasabi nilang gumagaya na daw si Silver kay Buknoy.
Tumayo na ako, kahit na mapagalitan ako pero ayaw ko talaga ng ganun. Tumakbo ako
palabas ng auditorium pero hindi ko alam kung bakit may konting ngiti ako sa labi.
Tumakbo ako palabas papunta sa Quadrangle.

"Bakit ka ngumingiti?"

Si Silver?! Lumingon ako. Hindi ba nasa stage lang siya kanina bago ako lumabas?
Paanong nauna pa siya dito?

"P-paanong?"

"May daan diyan oh." Tumingin ako sa hallway. Diretso nga pala yun sa fire exit ng
auditorium.

"A-ano ba yung sinabi m---" sa pagdadabog ko, nadulas ako kahit may nakalagay na
nga sa sahig na Caution: Wet Floor

"Careful!"

Napahawak pa tuloy ako sa harap ng uniform niya. Natanggal tuloy yung ibang
butones. Nakakahiya. Hindi kami nag-uusap. Hindi ko siya nahahawakan, tapos
madudulas lang ako, ganito pa gagawin ko. Mabuti may sando siya sa loob at dalawang
butones lang ang natanggal.

"Sorry."

"No..." tinulungan niya akong tumayo ng maayos. "I'm sorry."

Awkward. Pero ngayon na lang kasi ulit. Ngayon ko na lang kasi siya nakita ng
malapitan. Maamoy ng ganito kapalit.

"Hindi ko na kaya Zylie. Mag-usap na tayo."

"So ganun? Ganun yung paraan mo para magkausap tayo?" grabe kasi yung joke. Walang
kwenta. "Anong klaseng knock-knock joke yun?"

"What if it's not a joke?" hinawakan niya yung kamay ko. "Zylie I missed you."

"Anong hindi joke. Ang bata-bata pa natin. Anong marry you?"

"So kung hindi nga tayo bata? Kung nasa tamang edad pala tayo? Papakasal ka
sa'kin?"

Shit.

"W-wala akong sinabi."

"Then what? Can't you forgive me?"

"I... I can't..."

"You can't?"

"Hindi ko alam."

"W-why? Zylie naman..." I don't know, pero mukha siyang iiyak. Anong karapatan ko
para gawin 'to sa kanya? Si Zylie lang naman ako, yung reyna ng kamalasan.

"K-kasi... wala ka namang kasalanan eh... Paano kita papatawarin kung sa tingin ko
ako lang naman ang may kasalanan?" naglakad ako papunta sa locker room kung nasaan
ang bag ko. Sumunod siya sa'kin.
"Zyla Lienne. No."

"Silver totoo naman. Kung hindi kita itinanggi noon. Kung hindi ako nagsinungaling
at nagbintang ng kung sino-sino noon, baka hindi naman nangyari sa'tin 'to. Kaya
paano kita papatawarin kung wala ka namang kasalanan?"

Lumabas na ako. At sigurado ako susunod siya. Gusto ko sanang icheck yung bag ko
kung nandoon ba yung payong dahil mukhang makulimlim at uulan na naman. Pero hindi
ko magawa dahil gusto kong magtuloy-tuloy sa paglalakad. Ngayon na lang ako ulit
kinabahan.

"Zylie!" humahabol siya sa'kin. "I just proposed to you infront of everybody! You
still can't forgive me, yourself? And love me again?"

"Silver naman. Hindi yun proposal..."

"Zyla!"

Naglakad lang ako.

"Zylie!"

"Pancake."

Tumigil ako at humarap. Umaambon na pala. Pero pag lingon ko, nasa tabi ko na pala
siya at may dumaang sasakyan.

Narinig ko na lang yung malakas na pagtalsik ng tubig. Yung dumaang sasakyan,


nadaanan ang puddle of mud sa gitna ng kalye at tumalsik. Kay Silver na iniharang
ang katawan para hindi ako matalsikan.

"A-ano ka ba?!" yung puting-putting uniform niya, kulay putik na sa likod.


"Reyna ng Kamalasan, ako ang swerte mo." Sabi niya sa kabila ng pagiging madungis.
Pati sa buhok niya natalsikan.

"Mamalasin ka kapag kasama mo ako." At katulad ng ng sabi ko, bigla rin ang
paglakas ng ulan.

"Do you even know how much love I have to give?" nababasa na rin siya, pero mukhang
wala siyang pakialam.

"Silver."

"Isang taon. Sobrang tagal na nun. Hindi pa ba sapat? Akala ko ba hindi ka


naniniwala sa space?"

"P-pumupunta ka ba talag sa bahay? Gabi-gabi?"

"May nililigawan kasi ako."

"P-pero hindi ka marunong manligaw. Sinong nililigawan mo dun? Eh tulog ako?!"


naisip ko tuloy si kuya Zac. Pero pilit kong inalis sa utak ko.

"Mga magulang mo."

"Malapit na silang pumayag ulit. Ikaw na lang. Papakasal ka ba sa'kin kung pwede
na?!?"

"S-silver an-"

"Zylie please." Hinawakan niya ako. Nanginginig yung kamay niya.

"Nilalamig ka ba?" hinawakan ko rin yung kamay niya.

"Kinakabahan ako."
"Huh? Wag ka ngang kabahan. Bakit ka kinakabahan?" Nanginginig kasi talaga siya.

"You can't tell me not to be nervous, you exist."

"A-ano ka ba naman Silver!"

"Now tell me. Hindi mo na ba ako mahal?! Pancake" halos sumisigaw na siya. Malakas
na kasi talaga yung ulan at medyo hindi ko na siya marinig.

"I don't really know what you saw in me..." niyakap niya na rin ako "... but I'm
thankful at least you saw something..."

"You're not even answering my question you little living circle-"

Hindi ko na siya hinintay. I kissed him like his lips is the universe' edge. Bwisit
kang Silver Jeremy Torres ka. Mahal na mahal kaya kita.

Tuluyan ng bumuhos yung ulan. Binuksan niya yung payong niyang dala-dala niya while
he kisses me back. At naisip ko. Hindi bat dito rin kami nagsimula? Sa motorway na
ito. Pagkatapos rin ng pagtalsik ng mga putik. Sa gitna din ng ulanan. Pero
nagsimula kaming ganun, hindi magkakilala, tapos ngayon ganito na?

*later*

Epilogue- Queen in a few minutes.

Sorry late, erratic internet connection kaya upload ko din epilogue agad-agad.

##################################
~~Epilogue- Queen~~

##################################

I updated Chapter Seventy Eight- Outset a few minutes ago. In case you've missed.

Ako si Zylie.

Hindi ako clumsy, galit lang siguro sa'kin ang sahig, bully lang talaga ang mga
mesa't upuan, at yung mga pader? Humaharang lang talaga silang kusa sa daanan ko.

Yan ang palagi kong biro. Kasi nga, ang sabi nila, ako daw ang Reyna ng Kamalasan.

Naranasan ko yun. Tinanggap ko yun.

Katulad ngayong naglalakad ako sa likod ng stage paikot sa harap para kunin ang
diploma ng pagtatapos...

"AY!" napasigaw na lang ako nang madulas ako sa stage.

"Not again."

"Silver?" hinawakan niya ako ng hindi ako tuluyang madulas. "Bakit ka nandiyan eh
hindi ba..." tumingin ako sa paligid. Hindi siya pwedeng maging nasa likod ko dahil
letter 'C' ako at letter 'T ang surname niya. Bakit wala namang nakakapansin na
nasa tabi ko siya?

"Teka! Valedictorian ka, mamaya ka pa magmamartsa! Huling-huli ka pa Mr. Genius!"

"I'm not a genius."


Naglalakad kami sa gilid ng stage at isang pangalan na lang, tatawagin na yung
pangalan ko.

"Slver ano ka ba tatawagin na ako? Hwag mong sabihing sasama ka sa'kin sa stage."
Inaayos niya yung puti kong toga. Nakakatawa lang, kasi hanggang ngayon, hindi ko
pa rin siya sinasagot, pero ano naman? Hindi por que hindi kami official na naka in
a relationship sa facebook, yun na talaga ang nararamdaman namin.

"Marry me."

"BALIW!" ayan na naman siya! Palagi na lang niya yang sinasabi na parang naging
point of existence niya na.

"Seryoso nga kasi." May dala pa siyang singsing.

"High School Class ring kaya yan!" gusto ko siyang asarin.

"Who cares. What's your answer?" nilagay niya sa'kin yung singsing.

"Wait lang kasi. Tatawagin na ako sa stage eh."

"Just say yes."

"Anong yes?"

"Say yes you'll marry me. Or I'll propose in front of everybody!"

"ADIK!"

"Isa... Dalawa.."

"Zylie Lienne Carbonnel!" tinatawag na ako!


"Oo na! Oo na!" natawa na lang ako. Propose-propose college ring naman ang dala-
dala. Gusto ko nga siyang sabihan na kakasabi niya ng ganyan, baka pag totoo na,
hindi na ako maniwala. Kaso baka asarin niya ako na iniisip ko na talaga yung araw
na dadating yun. Naglakad na ako papunta sa stage at kinuha ko ang diploma at umupo
na rin pagkatapos.

Maya-maya, ako lang naman ay sobrang proud nung magdeliver na siya ng Valedictory
Speech. Nakakatawa dahil maikli lang nga yun. Siya pa rin si Silver... Ang Silver
ko. Hindi naman 2 minutes katulad ng sinabi niya nung general rehearsal. Pero mga 5
minutes naman. Sarap tumawa. Pero malaman at makabuluhan naman.

Eh siya si Silver eh. Ganyan siya. Marahil sinasabi niya na sa'kin lahat ng
nararamdaman niya. Pero sa karaniwang araw, isa pa rin siyang tahimik at supladong
awkward genius ng Vander.

Proud ako sa sarili ko nung natapos ang program, pero mas proud ako sa kanya, dahil
sa dami ng nangyari, sobrang matalino lang talaga at hindi naapektuhan ang pagaaral
kahit papaano.

"Congratulations Zylie!" si Buknoy.

"OY!" bati ko, graduate na siya nung isang taon pa. Isang taon na rin pala yung
lumipas. "Nandito ka?"

"HEY Bernard! You are still this childish, you're still running your ass aroun--"
si Bettina kasunod nito "Oh, hi Zylie Congrats!"

"Wow, mas congrats sa'yo. Salutatorian. Galing."

"If only Silver didn't enroll in this school I would be first. Hahaha." she sounds
like bitching, pero alam kong nagbibiro lang siya. Matagal na kaming ayos eh. At
hindi na rin siya sumasama kina Carly simula noon.

Ang palaging kasama na niya?

Si Buknoy!
"Hey, are you two... together?" nandiyan na pala si Silver sa likod ko.

"HINDI AH!"

"NO!"

Sabay pa silang sumigaw. Nagtawanan na lang tuloy kami.

Automatic na hinawakan naman ni Silver ang kamay ko pero agad ko ring tinanggal. Sa
tingin ko okay lang na makita nila mama, dahil hello, Valedictorian yata tong
kasama ko, pero para na rin sa sarili ko, para hindi na maulit yung sobrang
pagiging possessive ko noon. Kalma lang.

Nasa di kalayuan, masaya rin si Mika kasama ang pamilya at si kuya Jupiter. Ang
pamilya ko, nasa di kalayuan, wala na rin si kuya Zac at bumalik na ng Canada. Si
kuya Zeus na sa tingin ko ay tinitikman na ang cake na ibibigay sa'kin. Loko
talaga.

Maayos na ang lahat. At siguro kahit hindi pa masyado kami nagkakausap ng ganun
katindi ni kuya Zac, alam ko sa sarili ko na napatawad ko na siya. At si sir
Terrence, nasa school pa rin. Pero hindi na rin lumapit kahit kailan sa'kin. Gawa
na rin ng matinding pagbabawal at ilang movements laban sa student-teacher
relationship. Hindi na rin naman ako naapektuhan.

Pero si Yanny. Ganun pa rin.. Marami pa ring crush. "Wala akong boyfriend. Ako na
ang OP." lumapit ito sa akin. Kakanta na ng graduation song

"Ano ka ba. Hindi naman kailangan sa buhay ang boyfriend. Pero malay mo diba? Sa
College? More fishes in the sea doon!" pageencourage ko sa kanya. Alam ko, hindi
naman lahat may happy ending. Pero malay ko, baka naman kasi simula ng lovelife ni
Yanny. Sa College.

Humarap ako kay Silver. Sleepy eyes. Long eyelashes. Tss, bakit kasi ang gwapo niya
eh. Eto na naman eh... Tama naman siya dati... Sinong may sabing malas ako?

Sinong nagpapakamatay na nagawa pang mabuhay dahil sa fail na ininom? Hindi ba't
swerte din na hindi naman talaga totoong kemikal ang laman ng Silver Cleaner?
Swerte na yun ang nainom ko.

Hindi ko gustong gawing katatawanan ang ginawa ko noon, pero ganun eh...

Tumgin ako sa kwintas. Silver Four Leaf Clover.

Sino bang nakaisip na gawing safe ang homemade cleaner na ibibigay sa'kin? Si
Silver din naman. Kung iisipin, siya rin naman ang nagligtas ng buhay ko.

"Why? What's with the face?"

"Naisip ko lang yung sinabi ko kay Yanny."

"Sad because of Alyanna? You even encouraged her na marami namang lalaki sa
college."

"Oo nga... Ayun nga... Pero marami ring babae sa college." sambit ko sa kanya.

"Haha." Tumawa siya at hinawakan ako sa bewang. "Why are you always this jealous?
You little thing." He hugged me. Naamoy ko na naman ang pabango niya.

"Wala hayaan mo na nga..."

"We promised we'll always talk, gaano man kaliit hindi ba? So tell me..."

"Takot lang kasi ako."

"Takot na?"

"Kasi baka sa mga susunod na araw, you'll find another girl to love. I know..."
itinaas ko ang dalawang kamay ko. "I know it's so stupid. I know you love me. I
know. Kaya nga sorry kung naiisip ko pa rin ang mga what ifs."
"Zylie..."

"Alam ko ang tanga lang... Pero kasi, college na tayo... Mas marami ng magagandang
babae. Hindi ko lang alam pero naisiip ko eh. Hindi ko maiwasang isipin na may
makita at mahalin kang babae sa future."

"Well maybe it's true."

"W-what?"

"Baka totoo. Baka totoo ngang may mamahalin pa akong ibang babae after you... Maybe
after 10 years..."

"ANO?!"

"Maybe after 15 years? 10 years or less, I will love another girl..."

"Seryoso ka!?"

"I will love that girl... And she will call you mommy."

I'm so speechless. This guy... This guy who never talks before. Is now talking
about spending the rest of my life forever with him... Always... Every single day,
there's always some good words.

"I love you, Silver."

"Wow. Can you say that again?"

Alam kong ngayon ko na lang ulit sinabi. Ngayon na lang ulit kahit matagal na rin
naman akong sigurado. Ngayon na lang ulit kasi hindi na ulit ako takot. Handa na
siguro ulit ako para magmahal. At handa na ulit masaktan dahil alam kong hindi yun
maiiwasan.
Alam kong hindi ako ang una niya, at sa nagdaang taon naisip ko, baka... baka hindi
rin ako maging huli. Pero kung ako ang mahal niya ngayon, may mas mahalaga pa ba
doon? Hindi siya perpektong tao, pero alam ko, hindi rin naman ako kahit kailan
magiging perpekto, kaya sapat na'to para sa akin. Ano ba bang mas hihigit sa taong
nakita na kung gaano ka kasama, kabulok at kapalpak, pero hindi ka pa rin iniiwan
at sasabihin pa ring ikaw ang pinakamaganda. Hindi ko siya babaguhin, at hindi na
ako maghahanap ng mas maganda at mas maayos, dahil si Silver na ito, siya, ang
minahal ko, at patuloy ko ring mamahalin.

"Mahal kita. Mahal na mahal kita. Silver Jeremy Torres."

"Are you serious?" nagulat siya. Bihira ko na lang kasing sabihin. Dahil tuwing
sinasabi ko, nararamdaman ko na totoong totoo. Na sobra-sobra yung pagmamahal. At
nakakatakot.

"Ang ganda naman ng sagot mo."

"I love you more, Zylie." Niyakap niya ako.

"CONGRATULATIONS GRADUATES!" sabi ng MC.

"Ikaw man ang reyna ng kamalasan nila, but you, Zyla Lienne Bilog. Not just my
princess, I'm gonna make you my Queen."

Hindi naman talaga importante ang relationship status 'diba? Ang mahalaga, kahit
hindi man kayo sigurado sa future niyo, ang mahalaga ngayon, yung tunay na
nararamdaman niyo. Siguro nga, malasin man, masaktan man, hindi natin yun
maiiwasan, pero sigurado na rin ako, handa na akong humakbang patungong kolehiyo-
kasama siya. Ang isa sa mga swerte ng buhay ko.

*END*

As you can see, I'm really bad at ending things, but uhm, Thanks for the 13M Reads
before it was Completed!
-Goddess

You might also like