Professional Documents
Culture Documents
ANG TAMANG PAGpaparami NG Tilapia
ANG TAMANG PAGpaparami NG Tilapia
ANG TAMANG PAGpaparami NG Tilapia
Ang mga paraan ng paggawa ng fishpond ay mga sumusunod: 1). Piliin ang Fishpond na
may klase ng lupa na clay soil, hindi nababaha at sapat na naarawan, may laki na 30-200 sq. m.,
walang kontaminasyon ng pesticide, medyo mataas para makadaloy ang tubig at malapit sa
pinagkukunan ng tubig tulad ng ilog,deep well or spring 2.)Gumawa ng pond treatment kung ito
ay sinemento para tanggalin ang epekto ng semento. Gawin ito sa pamamagitan ng flooding at
draining ng tatlong beses 3). Lagyan ng organic fertilizer (chicken manure) sa dami ng 1 kg/sq
m. 4). Lagyan ng tubig ang pond ng 5-10 cm pagkatapos lagyan ng organic fertilizer sa loob ng
isang lingo para bigyang daan ang pagtubo ng algae para maging pagkain ng isda. Makikita na
may tumutubong algae pag nagiging greenish ang tubig. 5).Punuin ang pond simula 1 meter
hanggang 1.5. meters.
Samantala, para mabubuhay ang mga fingerlings na ilalagay sa pond, dapat sundin din
ang mga sumusunod na pamamaraan: 1). Maglagay ng mga maliliit na tilapia sa ratio na 6
fingerlings/sq m. . Dapat may isang lalaki sa bawat 3 babaing tilapia. 2). Dapat ilagay ang mga
fingerlings sa umaga o sa hapon para di manghina ang mga maliliit na isda gamit ang isang
oxygenated plastic bags.
Tungkol naman sa tamang pag aalaga, dapat: 1)Pakaiinin ang mga tilapia dalawang
beses isang araw, umaga at hapon. 2).Magtanim ng kangkong at gabi sa isang bahagi ng pond
para may shade ang mga fish. 3)Panatilihin ang lalim ng tubig na 1-1.5 meters. 4).Alisin ang mga
damo sa pond at palaging maglagay ng organic fertilizer.
Sa pag aani, dapat alisin ang tubig ng pond at ilagay ang mga isda sa pinakababang
parte ng pond para madali ang pagkuha sa mga isda. Ang mga ito’y pwede ng anihin 4-6 na
buwan.