Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

AP REVIEWER

Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas


1. Kasunduan sa Paris Ito ay nilagdaan ng EstadosUnidos at Espanya noong Disyembre 10, 1898. Ang
pamamahala ng Pilipinas ay inilipat ng Espanya sa Estados Unidos sa halagang $ 20,000 bilang kabayaran
sa pagpapaunlad ng Pilipinas .Ginamit sa pagtukoy ng tiyak na hangganan ng bansa ang longhitud at
latitud nito.
2. Kasunduan sa Washington Ito ay nilagdaan ng Estados Unidos at Espanya noong Nobyembre 7, 1900.
Sa kasunduang ito, isinama ang mga pulo ng Cagayan, Sulu at Sibutan bilang bahagi ng teritoryo ng
Pilipinas
3. Kasunduan ng EstadosUnidos at Gran Britanya Nilagdaan ito noong Enero 2, 1930. Nagkasundo ang
dalawang bansa na ang pulong Turtle at Kapuluan ng Mangsee sa pagitan ng Borneo at Sulu ay maging
bahagi ng Pilipinas.
4. Saligang Batas ng 1935 Ito ay tumutukoy sa mga teritoryong tiyak na nasasakupan ng pamahalaan.Sa
pamamagitan nito, ang mga pulo ng Batanes nasa l abas ng hangganan ng Pilipinas ayon sa kasunduan sa
Paris ay naging bahagi ng Pilipinas.
5. Ayon sa Saligang Batas ng 1987 Binubuo ang pambansang teritoryo ng Kapuluan ng Pilipinas ng mga
pulo at katubigang napapaloob dito, at lahat ng teritoryong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Pilipinas na
binubuo ng kalupaan ,katubigan at himpapawirin nito, pati na rin ang dagat teritoryal, ang lupa sa ilalim
ng dagat ,at ang mga nasa ilalim ng dagat na tumutubo o nakalagay doon, at iba pang lugar na submarina
nito.
6. Doktrinang Pangkapuluan Sa kasalukuyanang tinatangkilik natin ay ang Doktrinang Pangkapuluan na
nagsasaad na,“ Ang Pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluang Pilipinas kasamaang lahat ng
mga pulo at tubig na saklaw nito at, ang mga tubig na nakapaligid sa pagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng
kapuluan , maging anuman ang lapad at laki ng mg ito Ayon sa doktrinang ito ang buong lawak ng 48
kilometoro mula sa baybayin ang bumubuo ng teritoryo ng Pilipinas.

I. Panuto: Anong kasulatan ang nagsasaad ng mga sumusunod?

_______1. Idinagdag ang Mangsee at Turtle.


_______2. Ang pulo ng Batanes na nasa bahagi ng Pilipinas ayon sa Kasunduan sa Paris.
_______3. Kabahagi ng teritoryo ang lahat ng mga pulo at mga karagatang napapaloob.
_______4. May buong lawak na 48 kilometro mula sa baybayin na bumubuo sa teritoryo ng Pilipinas.
_______5. Kasama sa teritoryo ng Pilipinas ang mga pulo ng Cagayan at Sibutu.
_______6. Inilalarawan dito ang sakop ng teritoryo ng ating bansa.
_______7. Ito ay ginagamit sa pagtukoy ng tiyak na hangganan ng bansa.
_______8. Isang sangkap ng estado na tumutukoy sa hangganan ng isang bansa.
_______9. Ayon dito, ang hangganan ng teritoryo ng bansa ay tiyak at eksakto.
_______10. Isinasama sa kasunduang ito ang mga pulo ng Cagayan, Sulu, at Sibutu bilang bahagi ng teritoryo
ng Pilipinas.

Unang Sigaw sa Pugadlawin


Ang Unang Sigaw sa Pugad Lawin ay isang natatatanging pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na
binubuo ng mahigit limandaang Katipunero na sabay-sabay na pinunit ang kani-kanilang sedula bilang
pagpapatunay ng kanilang tuluyang pagtiwalag sa pamumuno ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ito ay naganap
noong Agosto 23, 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio, ang Supremo ng Katipunan. Noong Hulyo 5, 1896
nang matuklasan ng pamahalaang Espanya ang samahang Katipunan. Isang liham ang ipinadala ni Tenyente
Manuel Sityar, isang opisyal ng Pasig, sa Gobernador Sibil ng Maynila upang ipaabot ang kaniyang kaalaman
sa samahang kubling binubuo sa kabisera. Ayon sa kaniyang balita, ang samahan ay buong-tapang na
nagsisiwalat ng mga kamalian ng pamahalaan at ang puwersa nito ay umabot na maging sa kalapit na sakop
ng Maynila gaya ng Mandaluyong at San Juan. Ayon rin kay Sityar, may nalikom na laang-salapi ang samahan
na sapat upang matustusan ang mga kasapi ng mga armas na kanilang gagamitin sa napipintong pag-aaklas
nila. Dahil sa pagkatuklas ng Katipunan, pinasabihan ni Andres Bonifacio ang iba't iba pang pinuno ng
samahan na isang pagtitipon ang kanilang pasisinayaan sa Balintawak at dito ay pag-uusapan kung ano ang
pinakamainam na hakbangin na kanilang gagawin. Noong Agosto 19, kasama ang kapatid na si Procopio, at
ilang kasapi gaya nina Emilio Jacinto, Teodoro Plata at Aguedo del Rosario, ay tumulak si Andres Bonifacio
sa Balintawak at sinapit ito dakong madaling-araw. Nang sumunod na araw naman ay natunton ito ng grupo
ni Pio Valenzuela. Kinabukasan muli ay binago ni Bonifacio ang kodigo ng Katipunan matapos mapag-
alamang nababatid na ito ng mga Espanyol. Matapos magtipon ang may limandaang Katipunero, ay
binagtas nila ang Kangkong, Kalookan at dito ay pinaunlakan silang patuluyin at pakainin ni Apolonio
Samson. Hapon ng Agosto 22 ay tinungo naman nila ang Pugadlawin.
Agosto 23, 1896 nang marating nila ang tahanan ni Juan A. Ramos, anak ng kinikilalang “Ina ng
Katipunan” na si Melchora Aquino. Sa kabila ng pilit pagtanggi ng kaniyang bayaw na si Teodoro Plata ay
sumang-ayon naman ang lahat na simulan na ang pakikipaglaban. Sa utos ni Bonifacio, sabay-sabay inilabas
ng mga Katipunero ang kanilang sedula at pinunit ito ng buong pagmamalaki at katapangan. Dito
napagkasunduan na ang unang yugto ng himagsikan ay gaganapin sa Agosto 29, kabibilangan ng lahat ng kasapi
ng Katipunan.
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Kailan nangyari ang Sigaw sa Pugad Lawin?
A. Agosto 19, 1896 B. Agosto 22, 1896
C. Agosto 23, 1896 D. Agosto 29, 1896
2. Ano ang sabay-sabay na isinigaw ng mga Katipunero pagkatapos nilang punitin ang kanilang sedula?
A. Mabuhay ang Pilipinas! B. Mabuhay Tayong Lahat!
C. Para sa Pagbabago! D. Para sa Kalayaan!
3. Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang Cavite, Laguna, Maynila,
Bulakan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at:
A.Romblon B.Quezon C. Batangas D. Mindoro Oriental
3. Hiningan ni Andres Bonifacio ng payo kung dapat ituloy ang himagsikan:
A. Jose Rizal B. Emilio Aguinaldo C. Pio Valenzuela D. Emilio Jacinto
4. Nagdesisyon ang mga katipunero na ituloy ang himagsikan sa kabila ng maraming kakulangan nila nang
__________________>
A. mabulgar ang samahang ito
B. matantong wala silang magagawa
C. matuklasang mananalo sila sa laban
D. magbigay ng suporta ang ibang lalawigan

You might also like