Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

EPEKTO NG SOBRANG PAGLALARO NG ELECTRONIC GAMES SA

MGA MAG-AARAL NG LABO NHS-SHS GRADE-11 H.E / ICT


(Konseptong Papel)

Nagsimula ang panahon ng Electronic Devices noong ika-20 na siglo at unti-unting naging

bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng tao. Pagsapit ng dekada 70, mas lalo pang

lumaganap ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Kasabay nito ang sa paglabas ng

iba’t-ibang elektronikong laro o video games. Ang mga larong ito ay nakakapaghatid ng

kasiyahan at nagsisilbing libangan para ilang mga kabataan. Napili ng mananaliksik ang

paksang ito sapagka't ito ay napapanahon at isa sa mga sanhi kung bakit nagkakaroon ng

mababang marka ang mga estudyante na nagdudulot ng malaking problema. Ang kahalagahan

ng pag-aaral na ito ay magsisilbing daan upang mamula't ang bawat isa sa mga negatibong

resulta ng sobrang pagkahumaling sa computer games sa pisikal, mental, sosyal at emosyonal

na aspeto ng bawat individual. Ang konseptong ito ay tungkol sa pag-aaral sa mga posibleng

maging dahilan, epekto, at solusyon sa problemang ito.

Layunin ng Pag-aaral

1. Malaman kung anu-ano ang mga nauusong Electronic Games ngayon.

2. Mailatag ang mga dahilan kung bakit ito kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ng Labo

NHS-SHS Grade-11 H.E / ICT?

3. Maibigay ang mga epekto ng Electronic Games pagdating sa pisikal,mental, sosyal at

emosyonal na aspeto.

Mga Sangkot Sa Pag-aaral


Ang napiling respondyante sa pag-aaral na ito ay mga piling mag-aaral ng Labo NHS-SHS

Grade-11 H.E / ICT.

Lugar ng Pag-aaral

Ang pananaliksik ay isasagawa sa Labo NHS-SHS na matatagpuan sa Labo Ozamiz City,

Misamis Occidental.

Mga Instrumentong Gagamitin

Isasagawa ang pananaliksik na ito sa pamamagitan ng sarbey. Ang mga mananaliksik ay

gagamit ng semi-structured interview at mga questionnaires sa pagkalap ng mga datos na

susuporta sa paksang tinatalakay. Ang mga datos na ito ay isasailalim sa masusing pagsusuri

upang malaman kung anu-ano ang mga nauusong elektronikong laro at ang mabuti at

masamang epekto ng labis na paglalaro nito. Sa pamamagitan ng pakikipagpanayam,

matutukoy ng mga mananaliksik kung gaano kalaki ang impak ng electronic games sa buhay

ng mga mag-aaral ng Labo NHS-SHS Grade-11 H.E / ICT.

Mga Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang epekto ng paglalaro ng mga Electronic

Games sa mga estudyante ng Labo NHS-SHS Grade-11 H.E / ICT students sa pamamagitan

ng mga sumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang mga nauusong Electronic Games ngayon?

2. Bakit igo kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ng Labo NHS-SHS Grade-11 H.E / ICT.

3. Paano kakaapekto ang paglalaro ng Electronic Games pagdating sa:

1. Pisikal

2. Mental

3. Sosyal
4. Emosyonal

Sakop at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maipakita ang impak ng labis na paglalaro ng iba’t-

ibang Electronic Games. Saklaw ng pag-aaral na ito ang piling mga mag-aaral ng Labo NHS-

SHS Grade-11 H.E / ICT. Gayunpaman, ito ay hindi kumakatawan sa lahat ng sangay ng

paaralan, kundi ang Labo NHS-SHS lamang na nasa Labo Ozamiz City, Misamis Occidental.

Inaasahang Resulta

1. Ang inaasahang resulta sa pag-aaral na ito ay maisip ng mga estudyante ang

malaking epekto ng paglalaro ng Electronic Games sa kanilang pag-aaral.

2. Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon, istatistika at

kongkretong datos ukol sa kakayahan ng Electronic Games na maging isang paraan

ng paglinang ng iba’t ibang disiplina sa iba’t-ibang larangan. Binibigyan nito ng

higit na pansin ang mga taong direktang naapektuhan ng nasabing usapin.

You might also like