Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1 of 3

MGA PANUNTUNAN AT MEKANIKS SA PAGLAHOK SA


TIMPALAK SA PAGLIKHA NG MURAL

Tagapangasiwa ng Timpalak
Komite ng Sining at Kultura sa pamamatnubay ni Kag. Kiko Adriano

Ang Paksa ng Timpalak


Ang timpalak na ito ay ang pagpili ng pinakamagandang likhang MURAL na may sukat na 4
x 8 ft ng isang 1/4 na Plywood. Ang mga artists ay gagamit ng “mixed media” sa mural/painting na
kanilang gagawin.
Ang ilalahok na mural ay kinakailangang magpakita ng angkop na interpretasyon sa temang
“Kultura at Kuwento ng Pistang Santoleño” na naglalayong magpakita ng natatanging kultura ng
pagdiriwang ng Pista sa Barangay Santolan.

Paglahok sa Timpalak

1. Ang paanyaya sa paglahok sa timapalak na ito ay bukas sa laha ng mga artists ngunit eksklusibo
lamang para sa mga residente ng barangay Santolan. Ang indibidwal o grupo na mga kalahok ay
kinakailangang magsumite ng gallery ng ID (Government Issued ID) o School ID para sa mga
mag-aaral, na may nakasulat na address.
2. Ang timpalak ay maaaring lahukan ng kahit anomang edad basta’t siya/sila ay may kakahayahang
lumikha ng Mural na hinihingi ng tema at kriterya.
3. Isang disenyo lamang ang maaaring ipasa ng bawat indibidwal o grupo na kalahok.
Kinakailangang isumite ito kasama ang Registration Form at Gallery ng mga Valid ID .
4. Ang mga miyembro ng mga hurado at kanilang mga kamag-anak ay hindi maaaring lumahok sa
timpalak na ito.
5. Ang paglahok sa timpalak na ito ay libre / walang registration fee. Ngunit hanggang sampung (10)
kalahok lamang ang maaaring tanggapin. Ang mga kalahok na magsusumite ng disenyo,
registration form at gallery ay sasailalim sa screening. Ang sampung kalahok na may kumpletong
requirements at naaprubahang disenyo ng komite lamang ang magiging opisyal na kalahok ng
timpalak na ito.
6. Ang mga gamit na maihahanda lamang ng komite para sa mga kalahok ay ang Plywood at
pinturang puti para sa base color ng canvass na plywood.
7. Ang gagawing mural ay kinakailangang makatiyak na ang kanilang Mural ay malagyan ng mga
kagamitang pang-waterproof upang hindi masira kapag ang mga ito ay i-display na sa kahabaan
ng Evangelista Avenue para sa eksibit at paghuhurado (hal. Emulsion, plastic, atbp)
8. Ang disenyo, registration form, at gallery ay kinakailangang ipasa sa Komite ng Sining at Kultura
sa Barangay Hall ng Santolan. Kay G. Alfredo Adriano (0936-931-1432).
9. Kung sakali mang manalo, ang mga kalahok ay sumasang-ayon na ang kanilang mga pangalan at
apelyido ay maisapubliko sa pag-aanunsyo ng mga nanalo at pag-didisplay.
2 of 3
10. Ang timpalak ay ipapamalita sa Agosto 15, 2019
a. Ang mga disenyo, registration form, at gallery ay tatanggapin sa Agosto 24, 2019
b. Ang eksibit ng mga nagawang Mural ay sa Setyembre 16, 2019
c. Ang paghuhurado ay gaganapin sa Setyembre 17, 2019
10. Ang Tagapangasiwa ay ipapaalam sa mga kalahok ang mga nanalong Mural.
11. Ang resulta ng mga paghuhurado ay ihahayag sa Setyembre 22, 2019 (Sa Variety Show - Ilaya
Court). Ang impormasyon tungkol rito ay isasapubliko rin sa pamamagitan ng Social Media.
12. Ang mga Tagapangasiwa ay may karapatang magbago ng mga iskedyul sa timpalak na ito nang
hindi binabago ang Kriterya at Panuntunan ng timpalak.
13. Ang sampung opisyal na kalahok ay makatatanggap ng halagang P1,500.00 bilang mobilization
money para sa kanilang gagawing Mural.

Ebalwasyon ng mga ipinasang Mural

1. Ang disenyong ipinasa para sa timpalak ay susuriin ng mga hurado itinalaga ng pangasiwaan
gamit ang itinakdang pamantayan.
I. Nilalaman ng Konsepto - 30%
(Kinakikitaan ng malinaw na interpretasyon ng tema na itinakda: “Kultura at Kuwento ng
Pistang Santoleño,” na magtatampok sa natatanging kultura ng pagdiriwang ng pista sa Barangay
Santolan (Mga lugar, bagay, simbolo/imahen o gawain na pagkakakilanlan ng pista sa Santolan).

II. Orihinalidad - 20%


(Ang disenyo at ideya ay natatangi o angat sa ibang mga entry at nakasiguradong
hindi kinopya sa anomang likhang biswal mula sa mga kilalang artists, o mga naipanalo nang
Mural/Painting).

III. Pagmalikhain - 30%


(Kinakitaan ng napakahusay na gamit ng principles of arts gaya ng harmony, balance,
emphasis, contrast, dynamics, atbp. Nakagamit ng mixed media sa ginawang Mural na higit na
nakatulong sa pagpapalutang ng konsepto at ganda ng Mural).
IV. Visual Execution - 20%
(Ang likhang Mural ay nakakatawag ng pansin at kaaya-aya sa paningin sa
pamamagitan ng masining na paggamit ng kulay at iba pang elemento ng sining biswal).

2. Ang pasya ng mga hurado ay pinal na at hindi na maaaring mabago sa oras na ang mga nagwagi ay
naihayag na sa gabi ng parangal (Variety Show). Maaari lamang magsumite ng reklamo sa petsang
Setyembre 18-19, 2019 kung may nalamang paglabag na ginawa ang ibang kalahok (Written
Complain at ebidensya gaya ng larawan/video na nagpapakita ng paglabag sa panuntunan).
3 of 3
Mga Gantimpala

1. Ang parangal na tatanggapin ng mga magwawagi ay sertipiko at premyong salapi na


nagkakahalaga ng:
Unang gantimpala - P20, 000.00
Ikalawang Gantimpala - P15, 000.00
Ikatlong Gantimpala - P10, 000.00

2. Ang mga kalahok na nagpasyang sumali sa timpalak na ito ay tinitiyak ang kanyang karapatang-ari
(copyright) sa kanyang ipinasang disenyo, na hindi nakalalabag sa karapatang ng anomang third party
o iba pang artists/organisasyon.

3. Ang mananalong disenyo ay nangangahulugang pagsalin ng karapatang-ari sa komite ng timpalak


na gagamitin sa:
a. Anomang digital data storing devices
b. Pagpaparami ng kopya nito sa pamamagitan ng pagprint at iba pang digital techniques.

4. Ang disenyo ay hindi dapat makalabag sa moral na prinsipyo at kasalukuyang batas.

5. Ang kabuuan o bahagi ng disenyo na nagamit na sa ibang timpalak na nagwagi o naisapubliko ay


hindi na maaaring ilahok sa timpalak na ito.

You might also like