Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur
Narvacan South – Nagbukel District
Paaralang Elementarya ng Pantoc

Unang Markahang Pagsusulit


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan IV

Pangalan:____________________________________________________ Iskor:______________

I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang Entrepreneur ay mula sa salitang French na “Entreprende” na ang ibig sabihin ay _______
_______.
A. Isabuhay C. Isapuso
B. Isagawa D. isaisip

2. Isang paraan ng pagtatala ng paninda kung saan makikita kung anong panindaang mabilis na
nabibili o nauubos.
A. Talaan ng pagbibili
B. Talaan ng Nilalaman
C. Talaan ng mga binibiling paninda
D. Talaan ng mga panindang di nabibili

3. Ano ang tawag sa tindahan kung saan naglalako ng paninda sa iba’t ibang lugar gaya ng
magtataho, magpuputo at magfifishball?
A. Tingiang Tindahan
B. Tindahan sa Pamayanan
C. Tindahang semi-permanent
D. Tindahang di-permanente

4. Tawag sa tindahang nakikita sa mga bangketa at inilalagay ang mga paninda sa bodega.
A. Tingiang Tindahan
B. Tindahan sa Pamayanan
C. Tindahang semi-permanent
D. Tindahang Di-permanente

5. Ito ay isa sa limang elemento para magtagumpay sa buhay na tumutukoy sa pagtupad ng ating
gustong marating sa buhay.
A. Vision
B. Pagtiyatiyaga
C. Estratehiya
D. Pagtitiwala sa Sarili

6. Sinong kilalang Entrepreneur ang nagmamay-ari ng Philippine Airlines at siyang nasa likod ng
Asia Brewery at Fortune Tobacco sa bansa?
A. Henry Sy C. Lucio Tan
B. Socorro Ramos D. Manny Villar
7. Sinong Entrepreneur sa bansa ang nagmula sa isang mahirap na pamilya na nagiging senador
at ngayon ay nagmamay-ari ng Camella Homes?
A. Henry Sy C. Lucio Tan
B. Socorro Ramos D. Manny Villar

8. Siya ang nagmamay-ari ng Pinakamalaking silid-aklatan o National Bookstore sa Bansa na


nagsimula lamang sa isang barong-barong.
A. Henry Sy C. Cecilio Pedro
B. Socorro Ramos D. Tony Tan Caktiong

9. Isang matagumpay na negosiyante at nagmamay-ari ng Hapee Toothpaste dito sa Pilipinas.


A. Manny Villar C. John Gokongwei Jr.
B. Cecilio Pedro D. Tony Tan Caktiong

10. Si _____________ ang nagmamay-ari at nagtatag ng Facebook ang pinakasikat na social


networking sa buong mundo at tinaguriang “Ang Bilyong Dolyar na Ideya” na nagsimula sa
Estados Unidos.
A. Chad Hurley C. Sergey Brinn
B. Steve Chen D. Mark Zuckerberg

11. Sinong dalawang graduate students sa Stanford University ang nagsimulang buno ng website
na Google?
A. Chad Hurley at Steve Chen C. Jawed Karim at Mark Zuckerberg
B. Larry Page at Sergey Brinn D. Terry Semel at Mark Zuckerberg

12. Siya ang punong tagapamahala ng San Miguel Corporation, at ang pinakamalaking
korporasyon ng pagkain, inumin, at iba pang produkto na may tanggapan sa China,
Indonesia, Malaysia, Thailang at Vietnam.
A. Henry Sy C. David Consuji
B. Socorro Ramos D. Danding Cojuangco

13. Siya ang nagmamay-ari ng isa sa pinakapaboritong fast food chain sa bansa ang Jollibee
Food Corporation. Ang kainang ito ay hango sa pangalang “Bee” bilang simbolo ng
katiyagaan at kasipagan.
A. Henry Sy C. Tony Tan Caktiong
B. Alfredo Yao D. John Gokongwei Jr.

14. Aling website ang dinisenyo ng tatlong dating magkakatrabaho sa PayPal kung saan ang
website na ito ay pinahihintulutan ang gumagamit na manood ng Video Clips, pelikula at
iba pa.
A. Google C. Yahoo
B. Facebook D. Youtube

15. Ang website na Youtube ay naibent noong Nobyembre 2006 sa halagang ________________.
A. 1.65 bilyong dolyar C. 1.75 bilyong dolyar
B. 1.70 bilyong dolyar D. 1.80 bilyong dolyar

II. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang hinihinging impormasyon sa mga sumusunod na tsart.

16-19: Mga salik ng paggamit ng Computer, internet at Email

Exposure internet Filename Harassment at Cyber Bullying

Device Identity Theft Virus at adware Search Engine


Mga Salik sa Paggamit ng Computer, Internet at Email

20-25: Karaniwang uri ng Malware


virus filename worm device soft copy internet folder

spyware wed page keyloggers dialers scroll bar Trojan horse adware

III. Panuto: Isulat ang TAMA kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at MALI naman kung
hindi.

_______________26. Tama lamang na masyadong mahigpit ang pagkakahawak sa mouse at mai-


click ito ng mabilis.
_______________27. Ang mga entrepreneur ay di nagpapakilala ng mga bagong produkto sa
pamilihan.
_______________28. Ang isang negosyo ay dapat walang personal touch basta nasisilbihan ang
mga mamimili.
_______________29. Upang maging ligtas sa paggamit ng computer ay dapat tukuying muna ang
mga panganib na dulot nito.
_______________30. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo
gamit ang internet.
_______________31. Ibigay ang password o email address sa kamag-aral upang magawa ang
output sa panahong liliban ka sa klase.
_______________32. Ang Web Browser ay isang computer software na ginagamit upang
maghanap at makapunta sa iba’t ibang websites.
_______________33. Ang malware o malicious software ay isang disenyo ng program na
maaaring makasira ng computer.
_______________34. Pinadadali at pinabibilis ng computer ang pagsasaliksik at pagproseso ng
mga impormasyon at datos gamit ang mga software application.
_______________35. Ang Hard copy ay mga elektronikong files na mabubuksan lamang gamit
ang computer at application software.
_______________36. Ang mga virus ay kusang dumarami at napapalipat-lipat sa mga dokumento
o files sa loob ng computer.
_______________37. Ang worm ay isang malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa
mga tao nang hindi nila nalalaman.
_______________38. Ang Trojan Horse ay isang mapanirang programa na nagkukunwaring isang
kapakipakinabang na aplikasyon.
_______________39. Ang computer file system ang nagsasaayos ng mga files at datos sa
computer sa paraan na madali itong ma-access at mahanap.
_______________40. Ang filename ay ang particular na lalagyan ng mga files at maaaring
magkaroon ng mga subfolders, base sa uri ng files.

Inihanda ni:

SHERYL G. FLORES
Guro III

Pinagtibay ni:

ELMER I. CORDERO
Ulong Guro III

You might also like