Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 35

Republic of the Philippines

Region VI – Western Visayas


Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

1
KABANATA I

INTRODUKSYON

Bunong Kaalaman

Sa araw-araw na kaganapan ng buhay, hindi na

maitatanggi ang malaking gampanin ng pakikisalamuha at

pakikihalubilo sa kapwa bilang isang natural na

aktibidad ng tao. Ayon nga kay Le Bon (1985), kapag

ang tao ay isinama sa isang grupo, makararamdam daw

ito ng kahalihalinang impluwensiya galing sa grupo ng

walang kaalam-alam. Inihantulad pa nga niya ang

pakiramdam na ito sa isang taong sumailalim sa

hipnosis. Ganito maihahalintulad ang epekto ng herd

mentality. Ito ay isang mentalidad na naglalarawan sa

pag-uugali ng mga tao kung saan naihahalili nito ang

kanyang mga ginagawa ayon sa mga taong nakapaligid

sakaniya. Sinasabing ang isang halimbawa ng mentalidad

na ito ay ang pakikiuso. Ito ay isang kaugaliang nag-


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

2
uudyok sa isang tao upang sumunod sa kung ano ang

tinatangkilik o ginagawa ng karamihan sa kasalukuyan.

Pahayag ng Pag-Aaral

Ayon kay Pamintuan (2001), hindi malinaw ang

katayuan ng Pilipinas sa umiiral na sistema. Ito ay

nagbibigay sa atin ng kakayahang tumuklas at

magbahagi. Sa kasalukuyan, hindi na mabibilang sa

kamay ang samu’t-saring nauuso. Ang ilan sa karaniwang

makikitang kinahuhumalingan ng mga kabataan sa

materyal na bagay ay ang mga gadyets, damit, sapatos.

Nariyan na din ang iba’t ibang istilo ng buhok at

kaugaliang maoobserbahan sa mga kabataan sa paraan ng

pananalita at pakikisalamuha. Ayon sa perspektibo ng

mananaliksik, higit na mabilis ang pagbabago at

mabilis naaabisuhan ang mga tao sa kung ano ang bago

ng dahil sa teknolohiya at ang mga kabataan ngayon ang

masasabing henerasyon na lumaki sa impluwensya ng

teknolohiya at ang mga nanguguna sa pagsunod sa uso.


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

3
Lawak at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral ay isinagawa sa Baryo ng Ardemil, Sara

sa lungsod ng Iloilo dahil isa ang Iloilo sa mga

lungsod sa ating bansa na kilala sa kanilang mayamang

kultura. Ngunit sa likod nito, mapapansing namumuhay

na din ng ayon sa modernong panahon ang mga tao dito.

Ang mga bahay ay yari na sa bato at kumpleto na rin sa

mga makabagong kagamitan. Madalas nag pupunta noon ang

mananaliksik sa nasabing lugar at ayon sa

mananaliksik, hindi maikakailang maraming nagbabago sa

lungsod habang tumatagal.

Ayon nga sa mga matatanda, simula noong umusbong

ang teknolohiya, nagsimula nang mag hiwahiwalay at

naging kalat na sa iba’t ibang lugar ang iba’t ibang

tribo sa Sara at mas pinili na ding mamuhay ayon sa

modernong panahon. Kahit anong gawin nilang

pagsusumamo sa patuloy na pag-gapos ng pamilya at

kultura, pinipili na din talaga ng kanilang mga anak

na mamuhay ng ayon sa modernong pamamaraan.


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

4
Layunin ng Pag-aaral

Dahil sa maraming pagbatikos ukol sa pakikiuso,

nilalayon ng pananaliksik na ito na makuha ang

perspektibo ng ilang mga kabataan ukol sa paksang ito

at nang matutulungang mabigyan ang mga magulang ng

pagkaunawa ukol sa mga kabataan ngayon at ang

sinasabing generation gap na maaaring nagbubunga ng

hindi pagkakaunawaan. Ang mga kabataan rin ay dumadaan

sa panahon ng transisyon mula pagka-bata patungo sa

pagtanda.

Mga Tanong na Nais Masagot ng Pag-aaral

Tulad nga ng sabi ni Erik Erikson, ang edad na

ito na sumasaklaw sa 12-18 ay dumadaan sa proseso ng

pagbuo ng kanilang pagkakakilanlan. Ang mga kabataan

ay higit na naguguluhan pa sa kanilang kagustuhan at

higit pang nakatuon sa mga impluwesiyang nasasagupa at

mga taong nakasasalamuha. Kung susuriin, tinatangkilik

man ng nakararami o napapanahon, hindi naman lahat ng

uso ay mayroong mabuting naidudulot at mabilis din


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

5
lumipas. Kaya naman madalas madidinig ang batikos ng

ilan lalo na ang mga matatanda dahil dito. Kaya naman

naglalayon ang pananaliksik na ito na sagutin ang mga

sumusunod: (1) Ano ba ang katwiran ng mga kabataan

ukol sa pakikiuso? (2) Ayon sa kanilang karanasan, ano

ba ang positibo at negatibong naidulot ng pakikiuso?

(3) Ano ang pananaw ng mga kabataan sa pakikiuso sa

materyal na bagay at paguugali?


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

6
KABANATA II

PAGSISIYASAT SA KAUGNAYANG LITERATURA

Herd Mentality

Ayon sa ilang pag-aaral na ginawa ukol sa pakikiuso o

herd mentality sa mas malawak na konseptong banyaga, sinabi

ni Dyer, Ioannou, Morrell, Croft, Couzin, Waters, & Krause,

(2007) na kahit walang tumatayong lider o kahit walang

kinikilalang lider ang isang grupo ayon sa isang

eksperimento, malakas padin ang naging impluwensya ng

desisyon na ginawa ng karamihan sa grupo. Naakit ang ilang

kalahok na walang alam sa eksperimento sa desisyong ginawa

ng ilang kalahok na ginamit bilang taga impluwensya.

Pakikiuso at Pag-gawa ng Desisyon

Katulad ng nabanggit, sinasabi din sa pag-aaral ni

Torney, Lorenzi, Couzin, & Levin, (2014) na ang pag-gawa ng

desisyon ng ilang kalahok ayon sa isang pananaliksik ay mas

higit na nakabatay sa impormasyong nakukuha sa lipunan o


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

7
paligid kaysa sa sariling pananaw. Iminumungkahi din na

natural na sa tao ang makisunod sa desisyon ng nakararami.

Sinasabi sa resulta na mas higit na mataas ang

kompiyansa ng mga kalahok sa desisyong binase sa karamihan.

Iminumungkahi naman sa pag-aaral na ginawa ni Campbell-

Meiklejohn, Bach, Roepstorff, Dolan, & Frith (2010) na ang

opinyon ay madaling nakaka apekto sa kung paano nating

pinapahalagahan ang mga bagay. Sinisiyasat natin ang mga

nangyayari sa ating isip kapag tayo ay sumasang-ayon sa iba

ukol sa halaga ng isang bagay. Bagamat may ebidensya man o

wala, para sa pakikiuso, mayroong pagkakataon na kaya natin

itong baguhin. Sinasabi din na ang pakikiuso ay may

kinalaman sa reinforcement learning circuitry na bahagyang

nakakapag impluwensiya sa pagkalat ng isang bagay at

madaling pagkatuto ng mga tao dahil sa benepisyong

natatanggap dito.

Bakit Sumusunod sa Pakikiuso

Ayon naman sa eksperimento na ginawa ni Klucharev

(2009), ang utak natin ay nagkakaroon ng kusang pag-

aanalisa sa tuwing kaiba ang iniisip o nilalaman nito sa

karaniwang pamantayan o ginagawa ng karamihan. Ang ating


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

8
utak raw ay nagbibigay sinyales o tinatawag nilang

prediction error kapag tayo ay kaiba sa mga taong

nakapaligid sa atin. Ang proseso daw na ito ay ang maaaring

eksplanasyon kung bakit ang mga tao ay sumusunod sa uso,

sumasali sa mga grupo ng relihiyon, pati na rin sa iba’t

ibang kilusang pampulitiko.

Pakikiuso at Kulturang Popular

Ayon kay Tolentino (2009), ang kulturang popular ay

naglalarawan sa masa. Ito ay nagiging paraan upang maging

epektibo ang pagpapalaganap ng mga produkto. Ito ay

maaaring (THE BEDAN JOURNAL OF PSYCHOLOGY 2016 | VOLUME II

76)sa paraan ng telebisyon, babasahin at internet at

naglalayong gamitin pang hanap buhay, pang libangan o pang

pasikat. Sinasabing ang kulturang popular ang kumukonekta

sa Pakikiuso. Ito ay inihantulad sa kalakalan o negosasyon

na namamagitan sa mga nakikiuso at nagpapauso o negosyante.

Upang makamtan ng bawat sektor ang kagustuhan, ang kuturang

popular ay mayroon daw konseptong sado-masokismo kung saan

sinasabi rito na mayroong mga tao handang masaktan o

magsakrispisyo upang makiuso sa kulturang popular.


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

9
Pagbubuo

Mula sa mas heneral na konsepto ng herd mentality na

pinagmulan ng pakikiuso, sinasabi na mga pag-aaral na kahit

walang tumatayong lider sa isang grupo ay nagkakaroon pa

din talaga malaking impluwensiya ang ginagawang desisyon ng

mga nakararami sa isang indibidwal. Dalawang pag-aaral nga

ang nagtugma at nagsabing malaki ang kumpiyansa ng isang

tao sa kanyang desisyon lalo pa’t kung ito ay hinango sa

nakararami. Sinasabi din na malaking impluwensiya ang

naidudulot ng pakikiuso lalo pa kung mayroong benepisyong

nakukuha dito. Iminumungkahi naman na isang pag-aaral na

ang dahilan daw ng pakikiuso mula sa bayolohikal na

perspektibo ay ang pagkaramdam ng ating utak ng sinyales o

tinatawag nilang prediction error kapag ang indibidwal daw

ay nakararamdam na iba sila sa mga nakapaligid sakanya.

Ayon naman sa isang pag-aaral, ang kulturang popular daw ay

konektado sa pakikiuso. Ito raw ang konseptong

nagpapaliwanag na ang pakikiuso ay parang isang

imboluntaryong kalakalan na naglalayong gamitin upang

maging hanap buhay, pang libangan at pang pasikat. Sa

kabuuan, halos lahat ng mga nabanggit na pag-aaral ay


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

10
ginawa sa mga bansang kanluranin at ang datos ay kinuha

mula sa metodong eksperimental kaya naman nilayon ng pag-

aaral na ito na makuha naman ang datos ayon sa perspektibo

ng mga Pilipino at kunin ito gamit naman ang metodong

sikolohiyang pilipino.
Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

11
KABANATA III

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang kwalitatibong pag-aaral ayon kay Merriam

(2009) ay naglalayong umintindi sa pananaw ng tao sa

mundong kanyang ginagalawan mula sa karanasan nito na

akma naman sa layunin ng pananaliksik na ito. Ang

katutubong metodo naman na ginamit sa pananaliksik ay

impormal na pakikipanayam at pagtatanung-tanong na

naglayong makuha ng mananaliksik ang pananaw ng mga

kabataang Pilipino sa paraang makakapagbigay sila ng

saloobin at Perspektibo sa paksa ng walang alinlangan.

Mga Kalahok

Ang mga kalahok na bumuo sa pananaliksik na ito

ay sampung kabataang pilipino na pasok sa edad na 16-

19. Ang mga kalahok ay halong lalaki at babae. Ang

pamantayan na kinailangan sa pananaliksik ay mga


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

12
kalahok na sumasang-ayon na sila ay mahilig sumunod sa

uso at nagmamay-ari ng kahit anong uri ng teknolohiya.

Ang mga kabataan naman na nakapanayam ng mananaliksik

ay mga tubong Baguio at dito na din lumaki.

Instrumento

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng mga

talatanungan na binubuo ng anim na tanong. Ang mga

tanong na ginamit ay open ended na naglalayon na

bigyan ng kalayaang sumagot ang mga kalahok ayon sa

daymensyong kaya nilang ibahagi. Gumamit naman ng

recorder ang mananaliksik upang maitala ang mga

pahayag ng mga kalahok.

Pamamaraan

Ang paksa ng pananaliksik na ito ay tumatalakay

sa hindi naman gaanong sensitibong usapan kaya naman

gumamit ng impormal na interbyu at pagtatanung-tanong

ang mananaliksik bilang Iskala ng Mananaliksik at

Gumamit naman ito ng pakikipagpalagayang-loob bilang


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

13
Iskala ng Pagtutunguhan ng Mananaliksik at Kalahok.

Nagsusuot lamang ng simpleng kasuotan ang mananaliksik

upang hindi maging kaiba ang imahe ng mananaliksik.

Binuo ng mananaliksik ang pakikipagpalagayang-loob sa

mga kabataan sa pag tatanung-tanong ng mga impormasyon

ukol sa kanilang pakikiuso at kanilang buhay bilang

estudyante. Nagkatugma naman ang ilang interes ng

mananaliksik dahil ang ilan dito ay mga estudyante rin

na nasa kolehiyo. Dahil mga kabataan ang kalahok, ang

palitan ng pahayag ng mananaliksik at kalahok ay

ginamitan ng tonong impormal upang hindi malimitahan

ang sagot ng mga kalahok at hindi mahiyang magpahayag

ng kanilang saloobin at para narin mapanatili ang

katangian ng sikolohiyang pilipino na pagkakaroon ng

pagkakapantay-pantay sa pagitan ng mananaliksik at

kalahok.

Pagsusuri ng Datos

Sinuri ng mananaliksik ang mga nakalap na datos

sa pamamagitan ng coding. Dito din sinuri ang


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

14
pagkakaiba, pagkakatulad at paulit-ulit na temang

nabanggit ng mga kalahok upang makuha ang malalim na

pakahulugan ng perspektibo sa pakikiuso ng mga

kalahok. Dito ay bumuo ng tema ang mananaliksik at

kinategorya ito ayon sa klasipikasyon nito.


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

15
KABANATA IV

RESULTA AT DISKUSYON

Katwiran Ukol sa Pakikiuso “Pakiki-In”

“...proseso talaga yan. Yung tipong gusto ko

kasing maki-in. Para anjan na din yung social status

na.. kahit na mahirap ako, Eh kasi nga gusto ko ngang

makisabay diba. Kahit na sabihin nating low class yung

ano ko, basta touch screen lang ako nay un. In parin

ako nun” - Kalahok #9

Ang pinakamadalas na nabanggit ng mga kalahok ay

ang “pakiki-in”. Ayon sa mga kalahok, ang tinatawag

nilang”pakiki-in” ay sumasaklaw sa hangarin nilang

maging pasok sa pamantayan ng nakararami at maging

pasok sa kung ano ang pinag-uusapan. Ayon sa mga

kalahok, kung hindi ka nakikiuso, ikaw ay nasa labas.

Hindi ka nabibilang. Nagkakaroon sila pakiramdam na

kakaiba sila sa mga taong nakapaligid sakanila at sa


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

16
lipunang pangkalahatan na tumutugma naman sa pag-aaral

ni Klucharev (2009) na ang ating utak raw ay

nagbibigay sinyales o tinatawag nilang prediction

error kapag tayo ay kaiba sa mga taong nakapaligid sa

atin. Sa ilalim ng tinatawag nilang “pakiki-in” ay

nakapaloob ang ibat’t-ibang rason. Andito ang pakiki-

in ng dahil sa (1) social status o kalidad ng

pamumuhay. Dito pumapasok ang hangarin ng ilang

kabataan na maging pasok sa pamatayan ang kalidad ng

kanilang pamumuhay. Nabanggit nga ng isang kalahok na

kung minsan, kahit mahirap ang buhay nila, napipilitan

syang sumunod sa uso dahil sa imaheng pagkakaroon ng

mataas na kalidad ng pamumuhay. Andito rin ang pakiki-

in ng dahil sa (2) peer pressure o pamimilit ng mga

kaibigan. Ayon sa ilang mga kabataan, nakikiuso sila

upang makipagsabayan sa kapwa nilang kabataan. Kung

minsan rin, dahil sila ay nasasabihan ng “baduy” o

“KJ” (Kill Joy) tumatahak silang maki-gaya o makiuso

sa kung ano ang patok o anong ang tinatangkilik ng mga

kasamahan dahil napipilitan. Ang ilan naman, bagamat


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

17
napipilitan ay nasisiyahan rin sa resultang

nagkakaroon sila ng maraming kaibigan ng dahil sa

pakikiuso.

Pagsabay sa Pagbabago ng Panahon

“Wala lang.. ahm, kailangan din kasi eh.. tulad ng

kwan, Gadgets.. kailangan sa school ahm.. sa

komunikasyon ganon.” - Kalahok #7

“Parang pag wala ka sa uso, kj ka or baduy ka o

kaya minsan, parang out of place ka. Kasi ano, alangan

naman na naka cellphone na yung mga tao ngayon tas

ikaw naka beepeer pa din yun bang ganun.” - Kalahok

#10

Ayon sa mga kalahok, ang pakikiuso nila ay ayon

sa kanilang hangarin na sumabay sa pagbabago na

nangyayari sa kanilang paligid. Isa rin dito ang

pakikiuso upang punan ang pangangailangan nila o upang

magamit sa araw-araw ng kanilang buhay. Sa bilis raw

ng pagbabago ng panahon, sobrang b ilis din ng mga

pagbabagong nagaganap sa ating paligid. Ayon sa


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

18
kanila, kung minsan, ang pakikuso ay nagiging daan din

upang mapadali ang kanilang pamumuhay na humahalili

naman sa pag-aaral na ginawa ni Campbell-Meiklejohn et

al. (2010) na nagsasabing ang pakikiuso ang may

kinalaman sa reinforcement learning circuitry na

bahagyang nagpapaliwanag kng bakit nanghihikayat sa

mga taong makisunod sa uso dahil sa benepisyong

natatanggap dito. Ito raw ay nag bibigay daan sakanila

upang mailapat o maiakma ang pamumuhay nila ayon sa

pagbabagong nangyayari sa kanilang paligid.

Pakikibagay

“...yun bang para iwas conflict nalang din? KJ ka or

tingin nila weird ka kasi sa kanila cool yun eh.

Parang katuwaan din kasi yun pero kung minsan naman

masakit din talaga. Pero ayun nga, parang nakikibagay

ka lang din. Pero syempre pag dumating na sa punto na,

kwan.. sobra na, mejo taliwas nako pero kwan, pag keri

naman, go with the flow.” - Kalahok #6


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

19
“...ewan ko parang nakasanayan na din eh.. para

bang ano anjan na sya. Ganun tayong mga Pilipino eh

para bang nakikibagay ka din kasi sa pakikiuso. Parang

pag wala ka sa uso, kj ka or baduy ka o kaya minsan,

parang out of place ka. Kasi ano, alangan naman na

naka cellphone na yung mga tao ngayon tas ikaw naka

beeper pa din yun bang ganun.” - Kalahok #10

Ayon sa ilang kabataan, sila ay nakikuso dahil

ito raw ay kanilang paraan ng pakikibagay. Ito ay

maihahalili sa konsepto ni Enriquez (1978) ng Kapwa o

ang itinuturing na ubod (core) ng sikolohiyang

pilipino at pinaka sentro ng estruktura ng Filipino

Values kung saan nakapailalim dito ang pakikibagay.

Kung minsan, kaiba man ang tunay na kagustuhan nila,

nakikisabay nalamang sila sa uso upang hindi sila

lumabas na baduy o lumabas na masama ng dahil sa

pagiging kaiba sa ginagawa ng karamihan. Ito rin ay

sumasaklaw sa hangarin ng ilang mga kabataan na

makisama rin sa mga kaibigan na humahalili din sa

konsepto ni Enriquez (1978) ng pakikisama na


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

20
nakapailalim din sa konsepto ng kapwa. Ang pagtanggi o

pagtutol raw sa tinatangkilik ng karamihan ay tila

nagpapahayag ng hindi pagsang-ayon.

Paghahangad ng bago (Thrill)

“May thrill eh. Kumbaga lalabas yung uso tapos

makikita mo yung mga tao ganito suot tapos parang

maiintriga ka. Parang bang gagayayin ko tapos ah, so

ito pala yon. Ganito pala yun. Parang exciting din

para sakin kasi bago eh. Kakaiba panibago sakin..

ayun.” - Kalahok #6

Ayon sa ilang kabataan, sila ay nakikiuso dahil

ito ay sumasaklaw sa hangarin nilang makaramdam ng

bago. Ito ay nagbibigay sakanila ng kagalakan dahil

ang pagsunod sa uso ay naghahatid sakanila ng

kasiyahan at kaaliwan dahil nga ito ay bago sakanila.

Bagamat mayroon itong pwedeng maging positibo at

negatibong kahihinatnan, kung minsan, hindi na raw

nila ito gaano alintala dahil nga sa kapalit sa saya o

aliw na dulot nito.Ito naman ay tumutugma sa konsepto


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

21
ni Tolentino (2009) na sado-masokismo kung saan

sinasabi rito na mayroong mga tao handang masaktan o

magsakrispisyo upang makiuso. Ang mga bagong bagay o

kaugalian na nasasaksihan daw nila sa kanilang paligid

ay nagbibigay sakanila ng curosity o nagiiwan sakanila

ng katanungan at akma naman nilang susubukan upang

matuklasan mismo kung bakit tinatangkilik ng mga tao

ang uso o kanila ring masubukan ito.

Nakasanayan

“Nakasanayan na kasi ng mga Pilipino na gumaya sa

ibang bansa eh like for example, sa damit, diba po

umuso sa korea kpop, syempre gagayahin din po kung ano

yung uso ngayon. Parang nakahiligan narin po.” -

Kalahok #8

Ayon sa ilang mga kabataan, natural na raw ang

sumunod sa uso at hindi raw ito dahil sa kadahilang

gusto nila o ayaw. Ito ay tumutugma sa sinabi ni Dyer

et al. (2007) kahit walang tumatayong lider o kahit

walang kinikilalang lider ang isang grupo, malakas


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

22
padin ang naging impluwensya ng desisyon na ginawa ng

karamihan sa grupo. Kung minsan daw, hindi raw ito

napipigilan o lumalabas nalamang lalo na kung akma sa

interes o kagustuhan nila ang mga uso. Para sakanila,

tila kahalo na ng ating kultura at pamumuhay ang

ganitong pag-uugali ng mga Pilipino at tila hindi

maiiwasan. Nariyan na daw ito at hindi na maalis sa

mga Pilipino.

Mga Naidulot ng Pakikiuso Ayon sa Karanasan Positibong


Naidulot ng Pakikiuso

“Meron akong nagagamit sa pang araw-araw. Nakakatulong

sakin yun.” - Kalahok #7

“Sa positive, tiwala sa sarili? ano eh.. pag nakiuso

ako.. para bang may dating ako eh, Nasa loob ako

ganun.. Di ako napag-iiwanan. May thrill tapos syempre

nagiging interesado sakin. Tapos minsan naman ang

tingin nila sayo, cool.” - Kalahok #10

Ayon sa ilang kalahok, isa sa mga positibong

naging epekto ng pakikiuso ay ang pagkatutuo nilang


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

23
makibagay. Ayon sa mga kalahok, ang pakikiuso ay

naging paraan upang sila ay madaling makapag adjust sa

mga pagbabago sa paligid, sa panahon, at natututong

makisama sa iba’t ibang klase ng taong. Ang sumunod

namang epekto ay ang pagkakaroon ng tiwala sa sarili

na tumugma naman sa pag-aaral ni Torney et al. (2014)

kung saan sinasabi sa resulta na mas higit na mataas

ang kompiyansa ng mga kalahok sa desisyong binase sa

karamihan. Bagamat pare-parehong binanggit ang

epektong pagkakaroon ng tiwala sa sarili, magkakaiba

naman ang dahilan nila dito. Una ay dahil sa hindi na

sila naiiba sa mga kasama at pangalawa, nagkakaroon

sila ng kaibigan. Ayon naman sa pahayag ni kalahok 10,

ito naman ay dahil sa pagkakaroon niya ng dating sa

paninginin ng iba. Ang sumunod namang epekto ay ito

raw ay nakakabata. Ayon kay kalahok 8, Siya ay labing

syam na taong gulang palamang ngunit dahil sa kanyang

malaking postura at matured na imahe, lagi raw siyang

napagkakamalang medyo matanda higit pa sa kanyang

edad. Kaya naman nakatulong daw ang pakikiuso sa kanya


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

24
na maging bata pa din ang tingin sa kanya. Ang huli

namang epekto ay ang pagtugon sa kanilang

pangangailangan. Nakatutulong daw ito sa kanilang

pangangailangan sa araw-araw. Ito ay maiuugnay sa pag-

aaral na ginawa ni Campbell-Meiklejohn et al. (2010)

kung saan sinasabi na ang pakikiuso ay bahagyang

nakakapag impluwensiya sa pagkalat ng isang bagay at

medaling pagkatuto ng mga tao dahil sa benepisyong

natatanggap dito. Napapadali ang paraan ng pamumuhay

dahil sa makabagong kagamitang nauuso. Itong epekto na

ito ay higit na sumasalamin sa pakikiuso sa materyal

na bagay.

Negatibong Naidulot ng Pakikiuso

“...ayan magastos tapos minsan ano, nagkakaroon ng

siraan. Yung ano.. kunwari hindi naman bagay sa kanya

nakikiuso lang! Yun bang ganun. Parang kahit ayun nasa

uso ka nga pero may mga taong naninira. Sasabihin, di

naman bagay nakikiuso lang.” - Kalahok #6


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

25
Ayon sa ilang mga kalahok, isa sa mga naging

negatibong epekto ng pakikiuso ay ang pagkakaroon ng

siraan. Ayon kalahok 1, ito daw ay kadalasang umaabot

pa sa sagutan o pagaaway sa social media. Ang isa pang

epekto ay ang pagiging magastos. Ito ay sumasalamin

halos sa aspeto ng materyal na bagay dahil kasangkot

ang salapi sa pagtangkilik nila nito. Nakitang mas

malaking porsyento sa mga kalahok ay gumagastos dahil

sa kagustuhan nila higit kesa dahil ito ay kailangan

nila. Ang sumunod namang negatibong epekto ay ang

pagkalimot sa sariling kultura. Hindi kaila ng ilang

kabataan na kung minsan, ng dahil sa pakikiuso,

nakakaligtaan na nila ang kulturang pinagmulan. Ang

huli namang epektong umusbong mula sa mga pahayag ng

mga kalahok ay ang pag balewala ng kanilang sariling

kagustuhan. Maihahalili naman ito sa pagaaral na

ginawa ni Campbell-Meiklejohn et al. (2010) na bagamat

may ebidensya man o wala, para sa pakikiuso, mayroong

pagkakataon na kaya natin itong baguhin. Ito nga raw

ay para umiwas na sila ay mapagdiskitahan at umiwas na


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

26
sa hindi pagkakasundo dahil sa pagtutol sa ginagawa o

inaasal ng karamihan.

Pananaw ng mga Kabataan sa Pakikiuso Materyal na Bagay


(Positibong Pananaw)

“Naniniwala ako na parte na yun ng kultura natin.

Kasi, may mga pagbabago naman talagang nagaganap eh

anjan na yan tas para ano, yun pakikiuso, kwan kahit

panandalian lang tapos lumilipas na, may benefits pa

din naman yan. Wag lang sumobra kasi lahat ng sobra

ayun diba… masama.” - Kalahok #6

“Sa tingin ko kinasanayan na siya eh.. tapos tayo

syempre kabataan.. parang technology kaya ayun tayo

active sa mga ganito. Tingin ko din kasi yung

pakikiuso, by generation yan eh. Yung mga nakakatanda

noon, mayroon ding nauso sa kanila na syempre satin

hindi na uso. Tas yung uso satin, syempre sakanila,

hindi.” - Kalahok #10

Ayon nga sa ilan, ang pakikiuso ay tila ba parte

na ng buhay, kultura at nakasanayan na kung saan


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

27
tumugma muli sa pag-aaral ni Dyer et al. (2007) na

kahit walang tumatayong lider o kahit walang

kinikilalang lider ang isang grupo, malakas padin ng

naging impluwensya ng desisyon na ginawa ng karamihan

sa grupo. Ayon naman kay kalahok 5, mayroong inobasyon

at pagbabagong nangyayari at ang pakikiuso ay parte

nito. Ito raw ay pagsabay sa panahon dahil tila

nagbabago ang paligid at ang mga tao, nagbabago rin

ang kinasasanayan at ang hindi pagsabay rito ay tila

nagbibigay ng pakiramdam na napag-iiwanan sila. Ayon

naman kay kalahok 10, ang pagsunod raw sa uso

nangyayari sa bawat henerasyon at ang pagsunod na mga

kabataan rito ay tila pagsunod sa kung ano ang

kinahihiligan ng henerasyon nila. Naniniwala naman si

kalahok 6 na kahit panandalian lamang ang mga mga

bagay na nauuso, may benepisyo pa din naman daw na

nakukuha rito na maitutugma muli sa pag-aaral ni

Campbell-Meiklejohn et al. (2010) at sinasabing

malakas ang impluwensiya at pagkalat ng isang bagay at


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

28
medaling pagkatuto ng mga tao dahil sa benepisyong

natatanggap dito.

Materyal na Bagay (Negatibong Pananaw)

“Nakakalimutan ko na yung sarili ko pati pag-

gastos ko, naaapektuhan.” - Kalahok #7

“…Nasa tao pa din kung alam nyang masama at sobra

na…kung against naman sa paniniwala mo, tigil na. Yun

din yung inaayos ko sa sarili ko madali ako madala.”-

Kalahok #10

Bagamat pabor ang mga kalahok sa pakikiuso,

naniniwala naman sila na kailangan din aman ng

limitasyon. Narito ang alalay sa pag-gastos at

pagkalimot sa sariling kagustuhan. Ayon naman kay

kalahok 10, bilang mga Pilipino, naniniwala siyang ang

pakikiuso ay nagpapakita na mahilig tayong tumanggap

ng tumanggap na kung minsan ay hindi tayo

nakapaninindigan sa ating sariling kagustuhan kaya

mahilig tayong makiuso o makigaya. Ito naman ay


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

29
maihahalili sa Iminumungkahi ng pag-aaral na ginawa ni

Campbell-Meiklejohn et al. (2010) na ang opinyon ay

madaling nakaka apekto sa kung paano nating

pinapahalagahan ang mga bagay.

Pag-uugali (Positibong Pananaw)

“Kasi alam mo, may positibo at negatibo talagang

resulta eh sa tuwing may pagbabagong mangyayari pero

nasasatin pa din naman yan kung paano mo dadalhin yung

pakikiuso diba.. Para sakin.. okay lang naman na

makiuso basta yung alam mo limitasyon mo kasi parte

nayan ng kultura natin eh. ” - Kalahok #9

Ayon sakanila, marami raw ang nauusong pag-uugali

kung minsan, hindi mo na mapapansin na ito ay uso

dahil tila nagiging parte na raw ito na kultura ng

kanilang henerasyon na maihahali naman sa pag-aaral ni

Dyer. et al (2007) na nag sasabing ang ugali nating

magaya o maihalintuad ang galaw o kilos sa mga taong

nakapaligid sa atin ay natural sa tao. Para sa mga

kalahok, walang masama pagdating sa pakikiuso sa pag-


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

30
uugali higit nilang pinahahalagahan ang limitasyon

nito. Mas maganda raw kung titingnan ang pakikiuso sa

pag-uugali sa positibong aspeto nito.

Pag-uugali (Negatibong Pananaw)

“Iwasan lang sigurong makasakit diba tapos yung

sobrang OA na halos gayahin mo yung ibang tao wala

nang matira sa sarili mo.” - Kalahok #6

Sa kabila naman na positibong pananaw, narito ang

ilang negatibong pananaw ng ilang kabataan kung saan

ayon sakanila. Ito raw ay nag papakita ng kawalang

respeto at tulad nga ng nabanngit ni kalahok 7 na

nagagalit raw ang matatanda sa kanila kapag ganoon.

Nabanggit din ng ilang kalahok ang tila pagkalimot sa

sariling kagustuhan sa sobrang pakikiuso na tumugma

naman sa pag-aaral ni Campbell-Meiklejohn et al.

(2010) na sinasabing bagamat may ebidensya man o wala,

para sa pakikiuso, mayroong pagkakataon na kaya natin

itong baguhin. Bagamat malaking bagay na ang naidulot

ng modernisasyon sa pamumuhay ng mga taga Ardemil,


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

31
tila mayroon pa ring alinlangan ang ilan pagdating sa

pag-uugali. Bagamat mayroong iba na mabuti ang pananaw

dito, higit pa rin nilang pinapahalagahan ang hindi

makasakit sa ibang tao.


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

32
KABANATA V

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Konklusyon
Ayon sa resulta ng pag-aaral na ito, mayroong

ilang tema ang nabuo ukol sa katwiran ng pakikiuso.

Nakapaloob dito ang “pakiki-in”, pagsabay sa pagbabago

ng panahon, pakikibagay, paghahangad ng bago (thrill),

at tila nakasanay na. Mayroon namang naging positibo

ang negatibong naidulot ang pakikiuso na ibinase sa

kanilang karanasan. Ang ilan sa positibong naidulot

nito ay ang pagkatutong makibagay, pagkakaroon ng

bilib o tiwala sa sarili, pagkakaroon ng mga kaibigan,

ito ay nakakabata, at natutugunan ang pangangailangan.

Ang ilan naman sa negatibong naidulot nito ay ang

pagkakaroon ng siraan, magastos, pagkalimot sa

kinalakihang kultura at pagbalewala sa sariling

kagustuhan. Sa pananaw ng mga kabataan, mayroong


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

33
positibo at negatibong mga pahayag ang nabuo. Sa

materyal na bagay at positibo, ito raw ay hindi masama

dahil parte ng ito ng buhay at nangyayari ng dahil sa

inobasyon, ito rin daw ay nangyayari sa bawat

henerasyon at mayroong ding benepisyo nakukuha dito.

Sa negatibo naman, sinasabing ito raw ay magastos at

tila nagpapakita na tayong mga pilipino ay mahilig

tumanggap ng tumanggap na kung minsan ay hindi tayo

nakapaninindigan sa ating sariling kagustuhan. Sa pag-

uugali naman at positibo, sa pananaw ng mga kabataan,

hindi din ito masama dahil ito raw namuo na sa pang

araw-araw na buhay at nakasanayan na rin ngunit higit

nilang pinahahalagahan ang limitasyon nito. Mas

maganda raw kung titingnan ang pakikiuso sa pag-uugali

sa positibong aspeto nito. Sa negatibo naman, tingin

nila na ito kawalang respeto at pagkalimot sa sariling

kagustuhan. Bagamat nakikiuso sa ilang aspeto, higit

pa rin nilang pinapahalagahan ang hindi makasakit ng

ibang tao. Ang mga resultang nakalap sa pananaliksik

na ito ay mayroong pagkakatulad sa mga banyagang


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

34
literaturang nakalap ng mananaliksik at masasabing ang

ilan dito ay mayroong katugmaan sa resulta ng

ginamitan ito ng mananaliksik ng makapa-Pilipinong

metodo. Bagamat may pagkakatulad, nakita rin ng

mananaliksik na mayroong umusbong sa resulta sa pag-

aaral na hindi nakita sa ilang banyagan literatura at

tumugma sa konspetong kapwa ng sikolohiyang pilipino.

Rekomendasyon
Mairerekomenda ng mananaliksik sa mga susunod na

pag-aaral na kunin naman ang perspektibo ng kabataan

sa sentrong lungsod kung saan higit na pinapairal ang

pakikiuso at mas mayroong modernong pamumuhay.

Maaaring maikumpara ang magiging resulta nito sa

gagawing pag-aaral na bago at maaring makita kung

mayroong pagkakahalintulad at pagkakaiba sa pagitan ng

dalawang klase ng mga kalahok. Mairerekomenda ng

mananaliksik na mainam na gamitin pa rin ang maka-

Pilipinong metodo sa pag-aaral na iyon upang higit

ding magkaroon ng maka-Pilipinong datos.


Republic of the Philippines
Region VI – Western Visayas
Schools Division of Iloilo
ARDEMIL NATIONAL HIGH SCHOOL
Ardemil, Sara, Iloilo

35

SANGGUNIAN:

Campbell-Meiklejohn, D., Bach, D., Roepstorff, A.,


Dolan, R., & Frith, C. (2010). How the Opinion of
Others Affects Our Valuation of Objects. Current
Biology 20, 1165–1170.
Dyer, J. R., Ioannou, C. C., Morrell, L. J., Croft, D.
P., Couzin, I. D., Waters, D. A., & Krause, J.
(2007). Consensus decision making in human
crowds. Elsevier, 461-470.
Klucharev, V. (2009). Brain mechanisms of social
conformity. Neuron, retrieved 19 January 2014
from http://phys.org/news/2009-01-brain-
mechanism-social-conformity.html
Le Bon, G. (1985). The crowd: A study of the popular
mind. Project Gutenberg. Merriam, S. (2009).
Qualitative research: A guide to design and
implementation. San Francisco, CA: Jossey-Bass
Tolentino, R. (2004). Kulturang Popular: Kulturang
Mall. Volume 1. Anvil.
Torney, C. J., Lorenzi, T., Couzin, I. D., & Levin, S.
A. (2014). Social information use and the
evolution of unresponsiveness in collective
systems. The Royal Society Publishing, 1-9.

You might also like