Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Wikang Sandata Sa Pagbabago”

Mahalin ito at wag ikahiya


Ating ipagmalaki sariling wika
Tungo sa kaunlaran ng ating bansa
Tayo’y tumulong at magka-isa

Wikang nagbigay inspirasyon at impluwensiya


Ay naging parte na ng ating tradisyon at kultura
Wikang Filipino ating gawing sandata
Ating parangalan para sa ating ekonomiya

Wikang Filipino ay para sa Pilipinas


Mapa Luzon, Mindanao at Visayas
Iwagayway ating mga talento at ipamalas
Tungo sa tagumpay ng ating sinilangang perlas

Wikang Filipino ay Wikang panlahat


Ito’y ating lakas sa ating lahi at pangkat
Pango man o may kayumangging balat
Wag magtaka at mata’y imulat

Tayo’y sama sama ituwid ang bandila


Isip at tiyaga respetuhin ang bawat isa
Tatag ng Wikang Filipino sandata ng masa
Tungo sa tuwid na daan ng pagbabago ng ating bansa

You might also like