Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

AUTONOMOUS REGION OF MUSLIM MINDANAO (ARMM)

Ang nagsasariling Rehiyong (Autonomous Region) ng Muslim Mindanao ay nalikha batay sa itinatadhana ng Saligang
Batas, Artikulo X Sek. 15. Ang rehiyon ay binubuo ng mga lalawigan ng Sulu, Tawi- Tawi, Maguindanao, Lanao del Sur
at Basilan.

SULU
Ang Sulu ay nasa pagitan ng Basilan at Tawi- Tawi sa dakong T imog ng Mindanao. Ito ay napapaligiran ng Sulu Sea
pahilaga at kanluran. Ang Mindanao Sea naman sa Silangan at Celebes Sea sa Timog. Jolo ang kabisera ng Sulu. Binubuo
ng labimpitong munisipalidad at may populasyong 470,000. Ang mga munisipalidad nito ay Indanan, Jolo, Kalingan
Caluang, Lugus, Luuk, Maimbung, Marungas, New Panamao, Patikul, Pangutaran, Parang, Pata, Siasi, Talipaw, Tapul at
Tungkil. Ang mga grupong etnikong naninirahan dito ay mga Tausog, Samal at mga Badjao. Ang mga Muslim na
naninirahan sa Sulu ay mga Tausog. Sila ang grupo ng mga Muslim na naging makapangyarihan sa loob ng maraming taon
sapagkat sila ay matatapang. Nakipagkalakalan sila sa Borneo, Sumatra, Java at pati na sa China at Japan bago pa man
dumating sa Pilipinas ang mga Kastila. Ang ibig sabihin ng Tausog ay "treacherous waters" o mapanganib na tubig. Ibinigay
daw sa kanila ang katawagang ito dahil sa ang kanilang lupain ay lumulutang sa tubig. Ang mga bahay ng Tausog ay yari
sa mga lokal na matery'ales. Kahoy mula sa punong Joti ang ginagamit nilang poste o haligi ng kanilang mga bahaY at
dahon ng Sani ang ginagamit na dingding at digpi, balat ng isang natatanging kahoy ang ginagamit sa pagkakabit ng
dingding sa mga poste. Malalaki ang tahanan ng mga Tausog subalit ito ay walang dibisyon.Karaniwan nang may balkonahe
sa harap. Ang kusina ay sa kabahayan upang hindi pumasok ang usok sa loob ng kabahay'an. May paniwala sila na ang
hagdan ng bahay ay dapat na nakaharap sa sikatan ng araw upang umaga pa lang ay pumasok na ang swerte sa bahaY'.
( Fernandez 174)

Ang pananamit ng mga lalaking Tausog ay mahigpit na pantalon Allirl" ta itaas. Naglalagay sila ng "sash" sa baywang at
nagsusuot sila ng turban.Ang mga babaing Tausog ay nagsusuot ng mga tulad ng rnga Malay. Gumagamit sila ng mga
"brass" maaring nakakabit sa kanilang mga blusa o kaya ay kwintas o mga "bracelet" Ang pag-aasawa ng mga Tausog ay
usapang magulang. Ang isang dalaga at binata ay maaring magkapangasawahan kahit hindi sila gaanong magpakilala.
Nagbibigay ng "dowry" ang magulang ng lalaki sa pamilya na dalaga. maaaring lupain, pera, mga ani at iba pang bagay na
maibibigay nila. Mahalaga sa Tausog ang katapatan. Ginagawa nila ang “blood compact" upang patunayan ang katapatan
nila. Mabuti silang kaibigan subalit masamang kaaway.

May kakaibang kaugalian ang mga Tausog sa paglilibing ng kanilang mga patay. Pinaliliguan nila ang bangkay bago
gaganapin ang isang seremonyang ang pinakakatampok na bahagi ay ang pagbabasa ng mga banal na teksto sa Koran,
bibliya ng mga Muslim. Naniniwala sila na ang mga awit mula sa Koran ay nagpapagaan sa kaluluwa ng namatay. Ang mga
Muslim ay madasalin. Sa umagang- umaga pa lamang ay naliligo na sila sa ilog bilang paghahanda sa gagawing pagdarasal
sa Mosque. Pagkatapos ng pagdarasal sa Mosque, nagsisimula sila sa kanilang mga gawaiin tulad ng pagbubungkal ng lupa,
pangingisda at pagtitinda sa mga palengke. Nagdaratal uli sa tanghali, sa ikatlo ng hapon, sa dapit- hapon at bago matulog
sa gabi.

Sa mga islang matatagpuan sa pagitan ng Sulu at ay naninirahan narnan ang mga Samal, isa pang ng mga Muslim sa Sulu.
Sila ay mahuhusay sa paggawa ng mga vinta at iba pang sasakyang- dagat. Magagalang sila at matatapang na mandaragat.
Mga Badjao naman ang mga Muslim na naninirahan sa Timog Sulu. Makasaysayan ang JoJo, Sulu, dito matatagpuan ang
"Four Gates" na nagsilbing "Watch Towers" at "General Mounds" na ginawang libingan ng mga sundalong Kastila at
Amerikano na pinatay ng mga gererong Muslim. Narito rin ang American Calvary Monument na magpahanggang ngayon
ay nag-iisang Museo sa Sulu.Maipagmamalaki sa mga turista ang "Pearl Form", Maubo Beach, Tandu Beach, Tadjung
Beach at Tulya Mosque. (Millenium Atlas)
TAWI -TAWI
Ang Tawi - Tawi ay nasa Timog. Kanluran ng Mindanao. Sa kabila ng karagatan ay bansang Sabah sa silangang Malaysia.
Ang Tawi – Tawi ay nasasakupan ng Sulu Seapahilga at kanluran gayon din ang Celebes Sea pasilangang timog.

Ang lalawigan ay binubuo ng tatlong grupo ng malalaki at maliliit na isla na may kabuuang bilang na 307. Ito ay may
sampung munisipalidad- Balimbing, Bongao, Cagayan de Tawi – Tawi (Cagayan de Sulu), Simunul, Sitangkai, South
Ubian, Tandubas, Turtle Island, Languyan at Sapa- Sapa. Ang Tawi- Tawi ay binubuo ng kapatagan, bulubundukin at
luntiang kagubatan. Ang maliliit na pulo ay napapaligiran ng mga malalaking batong dagat. Ang Bongao na siyang kabisera
nito ay malalim na daungan. Ang salitang Tawi- Tawi ay nanggaling daw sa salitang Malay na "Jaui" na ang ibig sabihin
ay "Far" o malayo. Ang mga sinaunang manlalakbay ay paulit- ulit na sinasabing "Jaui - Jaui" na ng ibig sabihin ay "Very
Far" o malayung- malayo. Isang misyonerong Arabe, si Sheik Karimul Makdum ang nagpakilala ng Islam sa bansa noong
1380. Maraming mga Arabe ang nagsisunod sa yapak ni Makdum ang nagpunta sa Sulu sa pamamagitan ng
pakikipagkaibigan sa mga katutubo.

Noong ika- 15 siglo, ang Sulu ay nagsimula sa sistemang Muslim Sultanate base sa Jolo sa panunungkulan ni Rajah
Baguinda. Noong 1450 ay dumating dito si Sayyid Abubakar, mas kilala sa tawag na Sharrif Ul- Hashim at napangasawa
niya si Paramisuli, anak na dalaga ni Baguinda at doon nagsimula ang Islam bilang relihiyon na Siya na ang namuno sa
Sulu. Ang pananakop ng mga Kastila ay nagbigay ng pagbabago sa mga katutubo. Nagkaroon din ng mga pagbabago sa
pananakop ng mga Amerikano at iyon ay nangyari lamang matapos ang napakaraming madugong pakikidigma.

Noong 1915, ang mga sultan ay nagbalik sa dati nilang simpleng pamumuhay. Doon nagsimulang pawalan ng bisa ang
panunungkulan ng mga Sultan.

Noong 1960's ay ibinalik sa kapangyarihan ang mga Sultan sa Sulu ng ating pamahalaan at naghain na maangkin ang Sabah
na inupahan ni Sultan Jamalul Alam sa mga British noong 1878. Ang Tawi- Tawi ay humiwalay sa Sulu noong Setyembre
11, 1973 sa kapangyarihan ng Presidential Decree No. 302. Sa ngayon ang Tawi- ay bahagi na ng Autonomous Region ng
Muslim Mindanao. Halos karamihan ng 90% na naninirahan dito ay mga Muslim. Ilan dito ay mga Badjao, Jam-Mapun, at
Tausog. Ang mga Samal ang kauna-unahang naninirahan dito. Ang kahulugan ng salitang Badjao ay mangingisda. Ang
kanilang pamumuhay ay hindi maihihiwalay sa tubig kaya sila'y binansagan na "Sea Gypsy". Palibut- libot sila sa dagat
kung saan dito sila kumukuha ng kanilang ikinabubuhay. Ang tirahan ng mga Badjao ay nasa Tapul Group sa Sulu' ang
iba'y nasa Celebes Sea, Borneo at mga isla sa Tawi- Tawi, Sibutu at Sitangkai.Ang kanilang mga ninuno ay galing sa Jahore.
Bagama't kung sila ay naninirahan sa karagatan, kung sila ay namamatay,sila ay inililibing din sa lupa.

Ang mga katutubong Jama- Mapuna ng Cagayan de Tawi- Tawi ay isa sa


mea unang nanirahan dito. Ang kanilang hanapbuhay ay pangingisda at
pagsasaka. Sila ay kumikilala sa mga paniniwala't ritwal ng mga Muslim. Ang
kanilang seremonya sa pagkakasal ay buong gabing at sayawan na
tinatawag na Lunsay.
Ang mga Tausog na naninirahan dito ay nagmula sa Malayan at
Indonesian Stock. Kinikilala itong pinakamatapang na tribu at hindi naipailalim
sa sinumang conquistadores sa 100b ng 300 taon. Sila ay naging Nluslim noong
ika- 13 dantaon dahil sa mga misyonerong taga- Arabia. Nakikipagkalakalan sila
sa Borneo at marunong magsalita ng Bahasa Malayo. Sila ay nabubuhay sa
pangingisda, pagtatanim ng palay at mga bungang kahoy tulad ng langka,
manggosteen, durian, lanzones, madangs at mangga. Kumikita rin sila sa
paninisid ng mga perlas sa karagatan.
Ang mga atraksiyong ipinagmamalaki ng Tawi- Tawi ay ang Sibuter
Island, Qurong Reef, Bongao Peak, Tubig Indangan, Musa Island, Tabing-
Tabing Beach at Mosque sa Simumul. (CCP Encyclopedia).
LANAO DEL SUR
Ang Lanao del Sur ay matatagpuan sa kanlurang bahagi ng malawak na kapatagan ng Hilagang Sentral Mindanao. Ang
lalawigan ay may hangganang nasa hilagang- kanluean ng Lanao del Norte sa Silangan ng kapatagan ng lalawigan ng
Bukidnon, sa timog- kanluran ng Illana Bay. Sa kalagitnaan ng lalawigan ng Lanao del Sur ay matatagpuan ang Lawa ng
Lanao, ang pinakamalaking lawa sa Mindanao at ang pangalawang pinakamalaki sa Pilipinas. Ang mga bundok na
makikitang nakahanay sa lalawigan o ang tinatawag na "Mountain Ranges" ay Siyang nagsisilbing likas na hangganang
naghihiwalay sa Lanao del Sur, Maguindanao at Hilagang Cotabato. Ang lalawigan ay binubuo ng dalawang distrito. Ang
unang distrito ay binubuo ng mga munisipalidad ng Nlaravä City, Marantao, Piagapo, Saguiaran, Tagoloan, Kapai, Ditsaan,
Ramain, Bubong, Buadiposo-Buntong, Bumbaran, Maguing, Wao, Molundo, Taraka, Lumba- Bayabao, NIasiu at
Tamparan. Ang ikalawang distrito ay binubuo naman ng Balindong, Tugaya, Bacolod Grande, Madalum, Madamba, Pualas,
Ganassi, Pagayawan, Sultan Gumandder, Malabang, Balabagan, Kapatagan, Marogong, Tabaran, Binidayan, Lumbatan,
Lumbayanague, Butig, Bayang at Calanogas. Ang Marawi City ang kabisera ng tatlumpu't pitong munisipalidad nito. Ang
Maranao na nagmula sa lahi ni Rajah Indarapatra ang naninirahan sa Lanao del Sur. Ang ibig sabihin ng Maranao ay "tao
ng lawa". Ang salitang ugat na ranao ay nangangahulugan ng "lawa". Ang diyalektong sinasalita ng mga Maranao ay
tinatawag ding Maranao.

Ang Lanao del Sur ay madalas na dalawin ng lindol kaya't ang mga bahay dito ay hindi nakabaon sa lupa ang mga haligi.
Ang haligi ng mga tahan ay yari sa malalaking troso na nakasalalay sa malalaking batumbuhay kaya nakalutang at anumang
oras ay maaaring igulong sakaling may lindol na dumaan. Ang kanilang malalaking bahay ay nahahati sa mga silid- tulugan
at ang bawat silid- tulugan ay okupado ng isang pamilya. Ang silid- tulugan ay nagsisilbi na ring silid- kainan. Ang kanilang
habihan ay narito na rin at ito na rin ang nagsisilbing tanggapan ng mga bisita o panauhin. Sila ay mayroon ding Antique
Royal House na kung tawagin niya ay Torogan. Ito ay may mataas na bubong na sinusuportahan ng dalawang malalaking
troso na nagsisilbing haligi. Karaniwan na, na ang Torogan ay walang dibisyon dahil para sa kanila ang pangunahing gamit
nito ay lugar ng pagtitipun —tipon tulad ng pagdaraos ng salu-salo kung may nagdaraos ng kaarawan o kasalan at iba pang
uri ng kasayahan. Ang bubong ng Torogan ay napapalamutian ng mga lilok (carvings) na kung tawagin nila ay Oki. Kung
titingnan sa malayo ang Torogan, ito ay mistulang barko.

Sa malalaking bahay ng mga Maranao ay karaniwang mayroong ng mga karagdagang kwarto na tinatawag nilang lamin,
bilik o gibbon. Dito naman naninirahan ang mga kababaihang wala pang asawa. Ang bilik o gibbon ay maaaring nasa
ibabaw o gilid ng Torogan. Ang kanilang pananampalataya ay Islam, bagamat naimpluwensyahan na rin sila ng
Kristiyanismo. Ang mga Maranao ang pinakamalaking grupo ng mga Islam dito sa Pilipinas. Sa ngayon marami na rin sa
kanila ang nagsasalita ng Cebuano, Tagalog, Arabic at Ingles. Ang mga kababaihang Maranao ay makikilala sa suot nilang
mga malong. Ito ay parang isang sako na kasuotang isinusuot mula ulo hanggang sakong. Katulad ito ng mga kasuotan ng
mga kababaihan sa Malaysia at Indonesia. Ang Malong ay maraming gamit. Bukod sa maaari itong gawing palda, bestida
o blusa at gown, ang malong ay nagagamit ding banig at duyan ng mga sanggol.Ang kombong naman ay isang telang may
isang metro ang haba na nakasuklob sa ulo ng mga kababaihang Maranao na hindi pa naiimpluwensyahan ng kultura ng
mga tagakanluran. Ang mga kalalakihang Maranao ay gumagamit ng Kopia (sombrero) at tubao. Ang tubao ay ginagamit
ng mga lalaking nagsasagawa ng hadji(paglalåkbay patungong Mecca). Gumagamit din sila ng "sash" na itinatali sa kanilang
baywang na may katernong turban. Kilala ang mga Maranao sa pagsasaka at sa kahusayan nila sa paggawang mga gong,
kulintang at "flower vases" na yari sa "brass". Ang impluwensiya ng mga Hindus at pananampalatayang Islam ay nababakas
sa mga lilok na makikita sa mga medya- agua ng kanilang mga tahanan at sa arko ng kanilang vinta. Ang Sarimanok ay
impluwensya rin ng mga Hindu sa kanilang kultura.

Ang mga Maranao ay mapamahiin. Naniniwala sila sa kapangyarihan ng mga anting - anting.Ang mga bagay na isinusuot
nila sa kanilang leeg at ang mga inilalagay nila sa kanilang mga braso at binti ay pinaniniwalaan nilang nagdadala sa kanila
ng swerte sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Mahirap ligawan ang isang dalagang Maranao. Ang binatang manliligaw
ay kailangan ang pinakamasipag at matiyaga sa kanilang lugar. Kailangan pang magkaroon ng tulay (mediator) na siyang
mag-uugnay sa mga magulang ng dalaga at magulang ng binata. Ang medyeytor ang magsasabi sa magulang ng dalaga ng
pagnanais ng binata na makasal sa kanilang anak. Ang magulang ng dalaga ay hihingi ng dote o "dowry" sa binata at
pagkatapos na mapagkasunduan ang mga bagay- bagay ay saka idinaraos ang masaya at malafiestang kasalan ng dalaga at
binata.
Para sa mga Maranao, ang pagpapakasal ay isang kabanalan. Naniniwala sila na ang nagpapakasal ay yumayaman at
nagiging makapangyarihan sapagkat pinagpapala. Sa tradisyunal na pamilya ng mga Maranao, ang ama ang siyang
nangangalaga sa pamilya upang manatili itong buo. Ang nanay naman ang siyang namamahala sa tahanan. Sa kanya rin
nakaatang ang pagtuturo ng kagandahang- asal sa kanyang mga anak kaya kung anong asal ang nakikita sa mga anak ay
laging naiuugnay ito sa inang nagpalaki. Ang Adat ay isang batas pangkaugalian na tumutulong sa paghutok ng pagkatao
ng mga Maranao. Ito ay isang batas na pinagtibay batay sa "Islamic Code". Ang pagpapataw ng mga multa at iba pang legal
na pagbabawal ay saklaw naman ng korte ng Agama na pinamamatnugutan ng mga Sultan. Ang korteng ito ang naghahatol
sa mga kasong sibil at kriminal. Ang mga Maranao ay may isang tradisyunal na paraan sa paghuli ng mga magnanakaw.
Halimbawa, sa isang bahay ay may nawalang isang bagay, ang unang gagawin ng nawalan ay tatawag ng isang paririmar o
isang "wiseman". Ang taong ito ay laging may dalang librong tinatawag na rimaran. Respetado ng mga Maranao ang mga
paririmar.Ang isa pang paraan nila ng panghuhuli ng magnanakaw ay sa Pamamagitan ng paghuhulog ng isang barya (coin)
sa isang kalderong may kumukulong tubig. Ang lahat ng mga suspek ay inaatasang ilubog ang kanilang kamay sa
kumukulong tubig upang kunin ang barya. Kung sino ang tatancging gumawa nito, siya ang sinasabing magnanakaw at
pipiliting magsauli ng ninakaw na gamit. Sa iba naman, itlog ang kanilang ginagamit upang parusahan ang magnanakaw.
Kung may nawawalang bagay, ang may-ari ng bagay na ay kukuha ng itlog at bibigkas ng bulong habang iniinit ang
itlog.Kapag nabasag ang itlog ay pinaniniwalaang mabubulag ang magnanakaw. Sa ngayon ay bihira na ang gumagawa ng
kaparusahang ito sapagkat napagtanto rin nila na masyadong malupit.

Kung sila ay namamatayan, ang bawat bahay sa buong nayon ay nagtatali sa hagdan ng bandilang puti. Sila ay hindi
gumagamit ng kabaong pagkat ayon sa kanilang paniniwala ang tao ay isinilang nang hubad kaya't dapat lang kung Siya ay
pumanaw ay walang kasamang anuman ang katawan. Ipinagmamalaki ng Lanao del Sur ang Aga Khan Museum na
katatagpuan ng koleksyon ng malalaking "indigenous arts", mga tugtuging etniko, mga sayaw at mga katutubong kagamitan
at mga armas. Ang lahat ng mga ito ay makikita sa Main Campus ng Mindanao State University sa Lanao del Sur. (CCP
Encyclopedia)

MAGUINDANAO
Isa pa sa tatlong lalawigang nabuo nang ang Cotabato ay hatiin noong Nobyembre, 1973 na basi sa Batas Pangulo 341 ay
ang Maguindanao. Ang kapatagang lupain ng lalawigan ng Maguindanao ay may lawak na humigit kumulang sa 5, 474.1
kilometrong parisukat na katumbas ng 1.68% ng lawak ng lupain ng Pilipinas. Matatagpuan dito ang Polloc Port, isa sa mga
pinakamakabagong daungan sa Mindanao. May labing walong (18) munisipalidad ang Maguindanao at isang syudad. Ang
kapitolyo nito ayCotabato City. Walo sa mga munisipalidad ng lalawigan ay may mababang lupain kaya
tinagurianitong"Maguindanao Basin". Ang kabuuang populasyon ng Maguindanao ay 674, 494 ayon sa sensus na katumbas
ng 1.12% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas.Ang mga munisipalidad na bumubuo sa Maguindanao ay Ampautan, Barira,
Buldon, Buluan, Cotabato City, Datu Paglas, Datu Piang, Dinaig, Gen. S. K., Bendatun, Kabuntalan, Maganoy, Matanog,
Pagalungan, Parang, Sultan Sabarungis, Sultan Kudarat, Talayan at Upi. Ang Maguindanao ay malapit sa hilagang bahagi
ng Lanao del Sur, sa silangang Cotabato, Moro Gulf sa kanluran at Sultan Kudarat sa timog. Batay sa pananaliksik, ang ibig
sabihin ng Maguindanao ay "kindred settled in the cointry about the lake". Ito raw ay galing sa Mag (akin ito), Ingud
(country) at Danao (lake). Si Shariff Mohammed Kabungsuwan ng Jahore ang nagpakilala sa buong kapuluan ng
paniniwalang Islam noong ika- 15 siglo. Siya ay nakapag- asawa ng isang prinsesa at noon nagsimula ang paninirahan ng
mga Sultan sa Maguindanao. Ang Cotabato Valley ay nakuha rin nila para pamunUan hanggang sa sila ay makarating sa
Zamboanga, Saranggani Bay at Davao.Ang mga Kastila ay nagtangka ring lumunsad at manakop sa lugar na iyon subalit
sila ay nabigo. Ang mga Muslim na naninirahan sa Maguindanao ay tatlong uri: ang Tiruray, Tibuli at mga Manobo. Ang
mga Tiruray ay mapamahiin na Siyang nagiging dahilan ng kanilang mabagal na pag- unlad. Naniniwala sila na ang taong
walang bisyo ay pinarurusahan sa ibat ibang pamamaraan. Maaari Silang makagat ng aso, ahas. mahulog sa bangin,
mabagsakan ng nabuwal na punongkahoy, makatapak ng tinik o kaya ay basta na lamang mamatay nang walang dahilan o
maaari ring tamaan ng kidlat. Tinatawag nila ang paniniwalang ito na bengkulen. Ayon pa rin sa kanila ang isang dalaga ay
hindi dapat na umawit o kumanta samantalang nagluluto sapagkat Siya ay makapag-aasawa ng matandang balo. para sa
kanila, masama rin ang magkaroon ng malaking bahay ng langgam sa harap ng bahay. Kamalasan daw ang dala nito sa
buong pamilya kaya't dapat nilang iwan ang lugar at kung di sila aalis doon ay magagalit ang mga ispiritu kaya ang lahat sa
pamilya ay tutubuan ng pigsa. Titigil lamang ang pagtubo ng pigsa kung may isang mamamatay sa pamilya. Sa paniniwala
pa rin nila, ang huni ng uwak sa gabi ay babala ng masamang pangitain na may mamamatay sa pamilya kaya nga kung sila
ay makaririnig ng huni ng uwak sa gabi, ang ama o ina ay kukuha ng isang puso ng Ito ay para sa iyo, itatanim mais at
lalapit sa abuhan o kalan at magsasabi ng: ' ko rito upang ikaw at ang mga kasama mo ay hindi magutom."Ang isa pang
pangkat ng mga Muslim sa Maguindanao ay ang mga Tiboli. Sila ay naniniwala sa mabubuti at masasamang ispiritu na
pinagmumulan ng sakit, pagkaloko at kamatayan. Ang kanilang mga tahanan ay yari sa nipa at kawayan na ang atip na
nakatikwas sa dalawang panig katulad ng bangkang papel na laruan ng mga bata. lisa lamang ang kanilang silid- tulugan,
walang upuan, hapag at higaan. May mga nakabitin na basket na sisidlan ng mga damit, bigas at tuge. Ang kanilang ouhan
o kalan ay laging may apoy lalo na kung gabi sapagkat malamig. Ang mga lalaki ay nagtatanim o nagsasaka samantalang
ang mga babae ang naiiwan sa bahay upang mag- alaga ng mga bata, humabi at gumawa ng iba pang gawain tulad ng mga
kuwintas. Sa kanila ang pagtatrabaho ay tulung- tulong at pangkat- pangkat at inuring seremonya sa pamumuhay ng mga
Tiboli. Ang mga Manobo ng Maguindanao ay magagaling na mga panday. Mahuhusay rin Silang gumawa ng palayok. Mga
tahamik sila subalit masayahin, masisipag at may matitipunong katawan. Kilala sila sa pagiging maparaan at sa mabuting
pagtanggap ng mga panauhin. Sila ay may mga tato na simbolo ng kanilang tribu. Sila raw ay hindi naglilibing ng mga
patay o bangkay. Ang kanilang bangkay ay inilalagay nila sa biniyak na troso at ikinokola ng goma upang magtagal at
huwag mangamoy Ang bangkay ay inaabot ng may dalawampung taon. Ang mga kabaong ng bata ay ibinibitin sa haligi ng
bahay at kung minsan ay ginagawang Samantalang ang mga kabaong ng mga matatanda ay iniialagay sa ng bahay kaya
madaling makita ng mga pumapanhik ng panatlhin. Kung Ang pananamit ng Inga Muslim sa Maguindanao ay tulad din ng
rnga ay lumilipat ng tirahan, ang mga ito ay kanilang dinadala. Maranao. Matitingkad ang kulaY ng kanilang malong. Ang
iba sa kanila marunong na ring manamit tulad ng mga kababaihan sa kanluran na nagkakaroon na ng impluwensya ng mga
taga- kanluran. May batas pangkagandahang- asal Silang sinusunod na kung tawagin nila a y Iuuwaran. Isa pinagtutuunan
at binibigyang- pansin sa probisyon ngbatas na ito ay ang panghihiram at pagkawala ng mga bagay na hiniram. Sa kanila
ano mang bagay na hiniram ay kailangang isauli agad at kung sakaling hindi ito maisauli, ito ay ipinagpapalagay nilang
ninakaw. Ang sinumang hindi magsauli ng hiniram ay dapat maparusahan. Lubhang mahalaga sa mga Muslim ng
Maguindanao ang pangako at panunumpa. Ang sinumang hindi tumupad sa pangako o panunumpa binitiwan ay magbibigay
o maglalagay sa kanya sa panganib. Sa kanila ang kasunduan ng mga magulang sa pag - aasawa (pre -arranged) ay
karaniwan. Naniniwala sila na ang ganitong uri ng pag-aasawa ang siyang nagiging maligaya, matagumpay at may matibay
na pundasyon upang tumagal ang relasyon ng mag-asawa. Ipinagmamalaki ng Maguindanao ang magaganda nitong
"beaches" tulad ng Dinaig Beach, T apian Beach, Buel Beach, Linic Beach, Kusyong Beach at Dimpatoy Beach.
Matatagpuan din dito ang Regional Museum, Shariff Kabunsuan, Cultural Center, ang Cotabato City Hall, Tamontoka
Church na itinatayo noong 1872 ng mga Kastila at iba pang mga atraksyon para sa mga turista. Bisaya ang tawag sa mga
taong naninirahan dito na nagsasalita ng Bisayang Ilonggo, Bisayang Cebuano at Maguindanao. Pangunahing ikinabubuhay
at pinagkakakitaan ng mga tao pagsasaka, pangingisda, pagtotroso at paghahayupan. Ang industriya ng pagtotroso ay
matatagpuan sa mga bayan ng Buldon at Upi sa Timog Maganda ang klima ng lugar sapagkat pantay ang pag-ulan sa taon.

Ang "takik", ay isang sayaw ng mga tribu sa Maguindanao. Isa itong sayaw ng pangkasal na kung saan ay ibinibigay ng
babae ang kanyang " shawl" (isang uri ng tela o damit) sa kanyang manliligaw. Ang pagbibigay ay ginagawa sa paraang
pasayaw sa saliw ng musika at paghampas sa "gong" na lumilikha ngtunog. Ang sayaw ay ginagawa kung ang dalawang
nag-iibigan ay malapit nang ikasal. (CCP Encyclopedia)

BASILAN
Noong unang panahon, ang Basilan ay tinatawag na Taguina bilang parangal sa namumuno rito subalit ang pangalan ay
napalitan ng Basilan na ang ibig sabihin ay "iron trail." Ang mga Orang Dampuan ay ang mga unang tao sa Basilan. Nang
ikalabingpitong daan taon, ang Lamitan sa Basilan ay nasa sa ilalim at pangangalaga ng Kudarat- Sultan ng Maguindanao
subalit noong itoy1637 nakuha ng mga Kastila sa pamumuno ni Gobemador Heneral Sebastian Hurtado.de Corcuera. Nang
1663 ang Larnitan ay muling nabalik dahil sa pag-alis ng mga Kastila. Ang mga naninirahan sa Basilan ay tinatawag na
Yakan. Sila ay matatangkad, kayumanggi at may matatangos na ilong. Nagsasalita sila ng Cebuano, Yakan, Chabacano,
Samal at Tausug. Ang kabisera ng Basilan ay Isabela. Binubuo ito ng dalawandaan at limampu't limang barangay. Mayroong
pitong munisipalidad- Isabela, Lamitan, Lantawan, Maluso, Sumisip, Tipo- Tipo at Tuburan. Copra, rubber- sapping at
niyog ang kanilang mga produkto at ang mga Yakan ay nakikipagkalakalan sa mga Samal, Badjao, Intsik, Chabacano at
Bisayan.
LITERATURA NG AUTONOMOUS REGION OF
MUSLIM MINDANAO
Ang ARMM ay may ipinagmamalaking literatura tulad ng tula at alamat.

TULA

ARMM
(Anonymous)
Sa bandang timog ay mga Muslim,
Na kapatid, kalahi at kababayan natin.
Ang mga Muslim na katulong mandin,
Sa paghihimagsik sa mga mapang-api
Sa bahaging ito aking natanto,
Ang mga rebeldeng nais ay pagbabago
Kaya't ang ating gobyerno'y
Nakikipag-areglo.
Kung babaha ng dugo, paano na ang bayan ko,
Na ang sariling katoto ay ginigera nito.
Paanong uunlad ang Pilipinas,
Kung ang lahat ay gumagamit ng dahas.
O, aking kababayan, ako'y pakinggan,
lisa ang ating bayang pinaglilingkuran
Ba't di natin pairalin ang kapayapaan.

ALAMAT
ANG ALAMAT NG MINDANAO
(Pangalawa sa malaking lupain sa Pilipinas)
Ang Minda ay isang pangalan ng Prinsesa, isa sa pinakamagandang
babae sa kaharian ng mga Muslim sa nasabing Rehiyon.

Si Lanao ay isang Prinsipe at isa ring mayaman, makisig, at matapano. Kung paano naging Mindanao ang nasabing pulo ay
Siya nating isalaysay. Sa isang malaking pulo ay doon napabantog si Sultan Gutang. Siya ay matapang, makisig, matalino
at higit sa lahat Siya ay mayaman. Mayroon Siyang anak na natatangi ang kagandahan sa kanilang pook at maging sa ibang
karatig na bayan. Dahil sa napabantog na kagandahan ng Prinsesa ay nagkaroon ito ng maraming manliligaw na kagaya rin
ng kanilang angkan na pawang mga kilalaat mayayaman. Ang mga nasabing manunuyo ay nanggaling pa sa iba't ibang pulo
ng Mindanao. Dahil nga sa mararaming manliligaw ang Prinsesa kung kaya't nagbigay ng mga pagsubok si Sultan Gutang,
ang ama ng Prinsesa. Ang sinumang mananalo sa pagsubok ay ang mapalad na lalaking makakaisang dibdib ng Prinsesa.
Maraming nakipagsapalaran ngunit halos lahat ay nabigo sa ikatlong patakaran ng Sultan. Ngunit may isang matalinong
Prinsipe ang nais na sumubok, mataman niyang inisip kung paano niya matatalo ang kayamanan ng Sultan. Lingid sa
kaalaman ng Sultan, nanghiram ng tiklis- tiklis na ginto ang nasabing Prinsipe sa kanyang mga kakilalang Prinsipe at mga
maharlika hanggang sa makaim)n Siya ng labintatlong tiklis ng ginto. l. Sa unang pagsubok kay Prinsipe Lanao ay
isinalaysay ni Sultan Gutang ang pinanggalingan ng kanyang angkan hanggang sa ikasampung salin ng kanyang lahi. Ngunit
muntik na itong mabuko sa ikasampung salin dahil sa nag- imbento ito ng pangalan ng mga kagitingan. Laking tuwa na
lamang ng binatang Prinsipe nang makapasa Siya sa unang pagsubok. 2. Sa ikalawang pagsubok ay inalam ng Sultan kung
ilang tiklis ng ginto ang dala ng Prisipe at mabilis niyang tugon, "labintatlong tiklis". Lalo Siyang nakapasa sa Sultan
sapagkat, ang Sultan ay mayroon lamang pitong tiklis ng ginto kung kaya ang "labintatlong tiklis" ay sumobra pa sa
pamantayan ng Sultang ama ng Prinsesa. 3. Sa huling pagsubok ay pinatulay ang Prinsipe sa isang lubid na ang ilalim ay
bangin. Pag ito'y nagawa ng Prinsipe kaagad Silang ikakasal ng Prinsesa sa pagbilog ng buwan. Ang huling pagsubok ay
gagawin sa kinabukasan. Nang lumisan ang Prinsipe ay punung- puno ng pag-asa. Pinag-aralan niya kung paano tumulay
sa iba't ibang lubid at mga baging subalit hindi niya alam na may masamang balak ang Sultan sa araw ng kanilang usapan.
Natunugan iyon ng Prinsesa at dahil sa laki ng pag-ibig nito sa Prinsipe gumawa sila ng paraan. Iniutos ng Prinsesa ang
pagsisiyasat sa nakahandang tulay na tutulayan ng binatang Prinsipe. Dali-dali namang sinunod ng mga katulong ang utos
ng Prinsesa. Nakita nila ang manipis na sinulid na pain ng Sultan upang mahulog sa bangin si Prinsipe Lanao. Ang manipis
na sinulid ay nakakabit sa tulay na kapag hinatak ay magiging dahilan ng pagkahulog sa bangin ni Prinsipe Lanao. Inalis ng
mga katulong ang manipis na sinulid na iyon. Kinabukasan, matagumpay na ang Prinsipe sa huling pagsubok na ibinigay
ng Sultan. Ang pangakong kasal ay naganap at magmula noon ang mag-asawa ang namuno sa kaharian. Nang dahil sa
pinakitang kabutihan ng mag-asawa sa kanilang nasasakupan, isinunod ng mga tao ang pangalan ng nasabing pulo sa
kanilangpangalan- Prinsesa Minda at Prinsipe Lanao na hindi nagtagal ay naging Mindanao.

MGA MANUNULAT NG REHIYON ARMM


Francis Macansantos
Ilang ulit na naglingkod sa G. Macansantos bilang panelist sa Dumaguete Writers Workshop kung saan Siya ay naging
fellow mismo taong 1972. Naging local Felloe for Poetry rin Siya sa UP ICW noong 1999. Ipinagmamalaki niyang Siya ay
kasapi ng PLAC. Ang kanyang mga tula ay makailang beses nang nagkamit ng gantimpalasa Palanca Literary Awards.
Dahil sa kanyang epikong Womb Q/ Water, Breasts of Earth, Siya ay nagtamo ng Writers Prize mula NCAA. Mababasa
ang kanyang mga tula sa mga antolohiyang A Habit of Shores. Kamao at Versus. Itinampok na rin ang kanyang mga tula,
personal at kritikal na mga sanaysay sa Flippin' Filipinos na inilathala sa U.S., sa Bulawan ng NCAA at sa halos lahat ng
pangunahing magasin sa Pilipinas. Pinamagatang The Words and Olher Poems ang kanyang koleksyon ng tula. Ito ay
inilabas ng UP Press noong 1997. Sa kasalukuyan, abala si G. Macansantos sa pagdadalumat, pagsusulat at pagko-compose
ng mga pop songs sa wikang Ingles.

Sampaguita
by Francis Macansantos

It would be nice to have a house


With a yard big enough to put a garden in
In front of the house, of course, facing the sunrise.
I suppose they rnust have gardens and gardens of these
Out there in the country, where they come frorn...
So early in the morning yet, yes?
Jeeploads of them, I hear.
Only. I never get to wake up that early.
It must be nice to have a job like that...
Just pick them at early dawn
And you've got room and yes?
It would be nice to put them under the pillow-cover
And let their sweet put you to sleep.
But how would I know where they end up
Before I get to sleep, somewhere?
The poor things... they get wilted and dusty
At the end of the day. But my customers don't complain.
Mommy says to smile and offer up the garland
Until the fellow bends. Ha! Ha! Then you can see his
scalp!
But you must gently shake your head if he digs for some
coins.
I remember, once, when the old guy... the old guy...
He tripped and almost fell on me!
These foreigners are so tall!
But I think they like us better
Than those who paint it up to look older.
Of course, I may have to do that, too, someday,
Because it does look awkward to sell flowers in the dark.
You've got to be spotted, somehow,
Some other way than this. The first time was quite easy —
And I had better rates, then.
Everyone gets it highest the first time.
I don't know why really.
But we're supposed to be ignorant about it,
Or we pretend we are, or else, sometimes, they can't do it.
My mother- she was one for locking up her room
For hours and hours, not to be disturbed.
And yet, whenever she'd get drunk she'd talk about it
And laugh and laugh. Myself used to think I'd like it.
Maybe I will, when I bleed regular.
But for some reason, we're not suppose to like it.
But shit, you know? Sometimes, when you don't act well
enough ,
They shrink up! Oh, I don't know what they like!
Sometimes, I think I'll never get to like it,
Though they say I will, eventually.
I used to play, like most kids:
And I'd get a thrill, you know, oh, you know!
Now, I don't know what I'm supposed to like, anymore,
Or what not to.
I wish I were somewhere else, really.
Have a nice garden, somewhere.

Andan T. Misah
Isang dating guro na naging tanyag na mangangalakal at aktibo sa mga
samahang panlipunan at sibiko (social and civic organizations) na tumutulong sa
pagpapaunlad ng bayan. Nakilala Siya bilang manunulat dahil sa kanyang sinulat
na "The Divine Art Of Brotherhood" na nauukol sa pagtalikod sa Islam at
pagtanggap sa Kritiyanismo. Ito ay nalathala sa Volume 3 ng Philippine Prose
and Poetry, 1961 Edition.

Nora Mercado
Tinaguriang kauna-unahan at nag-iisang Moro Beauty Queen na kumatawan sa Mindanao sa kauna-unahang National
Beauty Queen Contest na ginanap sa Maynila. Siya ay galing sa mayaman at maimpluwensyang pamilya na masasabing
may kapangyarihan sa larangan ng alta sociedad at pulitika. Siya ay isang guro sa elementarya at haiskul sa Visayas at
Mindanao. Naging "Department Head" Siya ng Sulu Trade School at naging kinatawan ng kanilang paaralan sa Seminar
Workshop ng mga Curriculum Writers noong 1956. Ang kanyang Obra sa pagsusulat na may pamagat na "The Sulus" ay
nalathala sa Volume 1 ng Philippine Prose and Poetry, 1960 Revised Edition.

Sixto Y lagan Orosa


Tinaguriang "Pioneer Doctor of Medicine", Author-Editor ng "Rizalist and Nationalist" at higit na kilala sa pagiging Father
of the Provincial Hospital Act, Historian of Sulu, isa sa Knight Grand Cross of Rizal at naging Zobel Literary Awardee at
naging First Filipino Member of the International College Of Surgeons. Nakasulat Siya ng isang aklat na ang pamagat ay
"Sulu Archipelago and its People (1923), Rizal Man and Hero and Through Three Generations." Nagpakasal Siya sa isang
k'aklase sa katauhan ni Severina Dinglasan Luna na nagdala rin ng karangalang "First woman to graduate at the top of a
medical class" sa UP noong 1914. Naging Pioneer Doctor sa mga Muslim. Manunulat din sya tulad ng kanyang asawa at
isa ring Zobel Literary mulrdee. Naging Founder-President ng Kababaihang Rizalista, isa Siyang nationalist at may-akdang
isang aklat na ang pamagat ay "A Book on Sex Education". Silang mag-asawa ang nagtatag at namuno para maipatayo ang
Sulu Public Hospital. Nagtapos ng kursong Bachelor of Arts in English bilang cuni Laude sa Alda Consuji Rivera-Ford
Siliman University. Siya ang kauna-unahang naging editor ng "Sands and Corar„ literary magazine ng Siliman University.
Nagtapos ng Master of Arts in English Language and Literature sa University of Michigan. Nagturo Siya sa Mindanao
Colleges, Ateneo de Davao University, naging Chairperson ng Humanities Division, naging Presidente at Direktor ng
Learning Center of the Arts sa Davao. Nakapalimbag Siya ng Collection of Stories, "Now And At The Hour and Other
Stories 1958", "The Chieftcst Mourner", "Love in the Cornhusks". Ang kanyang koleksyon na "Now And At The Hour" ay
nagwagi ng Jules and Avery Ilopwood Award sa University of Michigan noong 1954, Datu Bago Award sa Davao noong
1982, Community Service Award sa University of Mindanao noong 1983. Nagkamit din Siya ng CCP Literature Grant sa
kanyang Collection of Essays in English, "Born in the Year 1900", "Lived All Over the Islands 1991 " at higit sa lahat Siya
ay itinanghal na National Fellow For Fiction ng UP Creative Writing Center, 1993-1994. Mona P. Ilighley Isa Siyang
kilalang translator at critic. Nagtapos Siya ng BSE at Masteral Degree sa University of the Philippines noong 1931, at Ph.D
sa University of Texas. Anthony Lu Tan Isa Siyang makata, mananaysay at "fictionist". Tapos Siya ng Bachelor of Arts in
English, Master of Arts in Creative Writing at Doctor of Philosophy in English Literature noong 1982. Ang kanyang
ginawang aklat ay may pamagat na "The Badjao Cemetery and Other Poems". Ang kanyang mga isinulat ay nalathala sa
Diamond Jubilee Issue ng Sands and Coral, Focus Philippines, Graphic, National Midweek, Manila Chronicle, Siliman
Journal, Literary Apprentice, at Solidarity Asian and Pacific Quarterly (Seoul Korea Pub). Nakatanggap din Siya ng papuri
mula sa Focus Philippines Awards in Poetry noong 1976 at 1978. Ang kanyang sanaysay na "Intimations of Morality" ay
nagwagi ng ikatlong karangalan sa Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature noong 1991. Kerima Polotan Tuvera
Siya ay tapos sa kursong AB sa Arellano University. Naging manunulat Siya sa pahayagang Manila Chronicle, Philippine
National Red Cross at ng USIS sa Saigon. Nagturo rin Siya sa Arellano University at naging staff ng Philippine Free Press
Magazine. Bilang manunulat nagtamo Siya ng Palanca Memorial Awards at nagwagi sa Asia Magazine Fiction Contest.
Ang kanyang "Hand Of the Enemy" ay nanalo sa Stonehill-Philippine Pen Center Award noong 1961 at Republic Cultural
Heritage Award noong 1963. Siya ay kauna-unahang nagsulat ng "Philippine's First Lady's Biography". Marami na Siyang
naisulat at ang isang nagtamo ng iba't ibang papuri at karangalan ay ang '' The Sound Of Sunday".

References:
Literatura ng Iba’t ibang Rehiyon ng Pilipinas. (Carmelita Siazon-Lorenzo, et.al).
PROFILE OF THE REPORTER

Name: Gel G. Garrate

Address: Alimukon St. JJ Gonzaga Village,


Brgy. Mansilingann, Bacolod City

Contact No.: 09498196403

Date of Birth: June 17, 1995

Place of Birth: La castellana, Negros Occidental

Gender: Female

Civil Status: Single

EDUCATIONAL BACKGROUND

Level School Year Graduated

Elementary: JJ Gonzaga Elementary School 2007 – 2008

Secondary: Baguio City National 2011 – 2012


High School

Tertiary: Carlos Hilado Memorial State Present


College Talisay- Campus

You might also like